Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

PD30 Takot nga ba sa Tsina?

Status
Not open for further replies.
Yung iba kaseng pinoy sobrang paghanga sa western culture, bago pa man tayo matuklasan ng mga kastila, matagal na may ugnayan ang china at pinas... tsaka bakit ba inis na inis kayo sa china, halos lahat ng gamit niyo sa bahay galling china, pag kumain ka sa SM, Jollibee, chowking, henlin, namasyal ka sa Robinson, pumunta ka ng hardware at yung mga nag MML at PUBG ditto lahat yan galling sa China, kung talagang allergic kayo sa china pwes, manguna kayo para iboycott mga produktong chinoy sa atin, hindi yung satsat ng satsat may bahid naman ng intsik ang gamit sa katawan at sa bahay, realtalk lang to mga pare.
 
tama na man yung na sa taas lahat nang gamit natin china galing at sino vha naman di matatakot sa china nag iisip kabah surot lang tayo compare sa china...
 
TS naman masyado kang matapang. How can our country defend against China? Currently China is nasa pang 2nd or 3rd strongest country in the world. Imagine the casualties if we go to war. Baka wala pang 1 week conquered na ang Pinas. Just sayin :lolcard:
 
Alam mo kaibigan kelangan talaga nating maging matapang pag bansa na natin ang pinag-uusapan. Nakakahiya naman sa ating mga bayani kung tayo ay maging duwag. At saka lahi tayo ng mga bayani hindi ng mga duwag. Wala tayong mukhang maipapakita kina Gat Rizal, Bonifacio atbp. kung hindi natin ipagtatanggol ang bayan o bansa. Ang katapangan naman ay hindi nangangahulugan ng pakikidigma, kelangan lang ng paninindigan. Kung wala tayong paninindigan eh sino pa kaya ang maninindigan sa atin? Tingnan mo si Associate Justice Carpio, isang tunay na Pilipino, hindi naman siya nakikipadigma pero ina assert yong ating karapatan at yong desisyon ng Hague Tribunal. Dapat ganyan, di naman tayo ipinanganak na basag-ulero. May mga pamamaraan naman para sa mga sibilisadong tao. Nagawa naman yan sa nagdaang administrasyon, nagka gyera ba? HIndi naman. Sa totoo ang labanan ay tinatawag na Psychological Warfare. Kung sino agad ang bahag ang buntot siya agad ang talo.

Ang ginagawa ng Tsina ngayon ay temporaryo lang, di yan nangangahulugan na kaalyado na natin sila. Sa totoo lang medyo lumuwag sila ng konti gaya ng pagbibigay daan sa ating mga mangingisda ay sa kadahilanan na may mas maganda pa silang mga plano. Ito yong mga posibleng plano nila:

1. Gusto nilang mabaon tayo sa kanilang utang at maging sunud sunuran.
2. Gusto nilang mag install ng mga pasilidad sa bansa para sa kanilang mga military toys. Hindi ito nangangahulugan na didepensahan nila tayo kung hindi para protektahan ang interes nila. Kaya nga gusto nilang i take-over ang Hanjin.
3. Gusto nilang maalis ang impluwensya ng mga Amerikano at masira na nga ang MDT.
4. Gusto nilang pasukuin ang bansa na walang laban at i exploit ang mga natural reserves natin.
5. Gusto nilang ma kontrol ang bansa sa aspetong negosyo, ekonomiya at politika at pati na lahat ng aspeto ng pamumuhay ng Pilipino.

Sigurista ang Tsina, ayaw nga ng Taiwan na sumanib sa kanila ehh tayo pa kaya?
:gma::gma:
 
source mo? google?
hindi lahat nang nakikita mo at nase2arch mo ay tama.

abogado at may aral si DU30. may napatunayan na sya. ikaw ba?
 
Ikaw, ano naman kaya ang source mo? google din?
ano ba ang dapat ang magiging basehan natin kung ang na research ay tama o hindi?

hindi lahat ng abogado at may-aral may napatunayan na. Kasi kung totoo yan ehh lahat na sana ng abogado ehh walang pagkatalo.
Ikaw rin ba, ano naman kaya ang napatunayan mo? Meron ba?
 
eto talaga si TS anti-Duterte.
You think he can't hold the candle to you when it comes to decision making?
Magmatapang ka, pero ano pwedeng maging
resulta?
Kapahamakan ng nakararami, Gutom, etc.
Dahil masyado kang Anti-Duterte (hindi dahil sa totoong matapang ka), lahat talaga pinupuna mo at inirereklamo.
Ang Pangulo nag iisip.
Ang mga Common na Tao, kung ano lang ung Pansarili nilang nararamdaman o Emosyon kahit pa MALINAW PA SA TUBIG na WALA TLAGANG LABAN ang PINAS sa CHINA.
Sabi nga nila, Magpalakas muna. Inilalagay ang Tapang sa MAKATWIRANG PAMAMARAAN. Hindi natin alam ang tunay na Plano
ng Pangulo.
Malay mo, ung nagpakain at tumulong biglang sagpangin pati Buong Braso pagtagal. lol
U know what i mean?
Wag ka na masyadong MAPUNAHIN at REKLAMADOR. haha
 
Last edited:
ts gud pm, sa alam ko sa panahon ni pnoy nag simula ang lahat na yan... gustohin man ng duterte admin na kunin ulit pero nasa huli na... malaki na ang na pundar ng china. :(
 
Alam mo kaibigan maganda ang post mo at naa appreciate ko, di tulad ng iba nating mga kaibigan natin dito kahit anong isplika natin e hindi pa rin makuha ang punto ng sinasabi ko. Mahirap kaya sigurong intindihinin? Siguro nga mahirap marahil pag di talaga binasa at inuunawang mabuti yong mga posts natin. Kaya ang nangyayari nagre resulta yong mga reply nila sa trolling or flaming.

Tama ka naman ng sinabi mong mahirap talaga kunin pabalik yong mga pag-aari natin. Realistically speaking, e andyan na nga sila, dinivelop at inarmasan pa nga yong mga isla.

Again, ang punto lang po natin ay katapangan sa pamamaraan ng di pakikidigma. Iyan naman ay naaayon sa ating Saligang Batas na nakasaad sa Artikulo I or II which states, "The Philippines renounces war...".

Ano bang klaseng katapangan ang ipaiiral natin? Gaya nga ng sinabi ko na ito ay sa paninindigan. Ginawa na nga yan ng ating butihing SC Asso. Justice Carpio at yong ibang opisyal ng pamahalaan gaya ni dating DFA Sec. Del Rosario. Ang punto e dapat i assert at i protesta ang soberenya natin sa mga isla. Isang usaping legal at diplomatiko. Kasi pag tinigil natin yan nangangahulugan na isinuko at ibinigay na natin sa bansang Tsina ang ating karapatan. Kaya kahit di man pansinin ng Tsina ay patuloy pa rin. Di tulad sa sinabi ni Teddy na ihinto na daw. Malay natin baka umabot yong panahon na dinggin ng Tsina dahil sa international pressure.

Isa lang kasi ang nakikita kong dahilan bakit ayaw ng ipaglaban ni PRRD ang usapin sa WPS. Kasi nga ang China ay BENEFACTOR ng kanyang Build, Build, Build program. Kung wala ang China saan ngayon makakapangutang ng malaki? $167B at $3.7B di pa kasama yong mga donations at grants. Malaking pera talaga at malaki din ang perang pupunta sa mga bulsa nila. Doon pa lang sa Finder's Fee e malaki na ang makukuha nila nasa 2-7% yon. So nasa mga $15 bilyon dolyar din yon na pagsasaluhan ng kanyang mga alipores na di natin nalalaman.

Nangyari nato sa ZTE deal ni Aling Gloria na umabot nga sa awayan ng kanyang mga alipores dahil lang sa Finder's Fee. Basta pulitiko kawatan talaga. Ika nga pera pera lang yan.
 
TS wag mo na pabangihin ang pangalan ni CARPIO..kasi kung tutuusin eh 4 lang na islang ang kinocontest ng CHINA sa WPS compare sa Vietnam na 8 or 9 yata..pero ayaw pakialaman ni CARPIO ang Vietnam..alam mo kung bakit? kasi VIETNAMESE ang ASAWA ni CARPIO...gets mo na...si Del Rosario eh wag mo na din pabanguhin ang pangalan sa WPS issue dahil isang BOBO din yan tulad ni Hilbay..kung bakit? search for SALIM of Indonesia....nanalo nga tayo sa UN Tribunal, pero ayaw naman kilalanin ng China..so ano silbi nun..better kaibiganin na lang natin kesa mauwi pa sa gyera dba?
 
i feel you boss puchoy, tamang tama ka... mag isip sana sila, d nila alam ang salitan gyera..
taga mindanao pala ako, tnx po
 
at isa pa eh wala naman history ng pananakop ang CHINA sa Pilipinas like USA, Spain at Japan..ang totoo nga nyan eh kinikilala tayo brother ng China as nation..proof yung si Sultan Pakul na kaisa isa banyaga na binigyan ng China ng King's Funeral during Ming Dynasty..
 
Giyera na lang dapat.. rusia at china laban sa pilipinas at US.. unang isugod yung mga nasa administrasyon noon nung nakapasok ang china! :thumbsup:
 
asa ka pa sa America..pinabayaan nga tayo ng US nung world war 2 eh..mas inuna tulungan ang France habang ang mga kababayan natin ay kinakatay ng mga hapones..jan nga nasabi ng isang presidente natin na"Americans are fighting for his cousin(france) but is neglecting his daughter being rape(Philippines)..alam mo kung bakit? eh wala naman kasing pakiabang sa atin ang America..nasimot na nila ang likas na yaman ng bansa natin noong panahon na may PARITY RIGHTS.
 
Ito malabo to. In fairness naman sa ating mga World War II veterans o USAFFE, ipinaglaban talaga nila ang Pilipinas. Daming mga Amerikano nga ang namatay nung mangyari ang Death March, libo libong buhay yon. Unang depensa di lang talaga nila kinaya pero bumalik naman at nabawi nga ang Pinas. Syempre may order dun sa taas na unahin na muna ang sigalot sa Europa, di ibig sabihin nun pinabayaan na tayo. At ano naman kaya ang sinimot ng Amerika sa atin e yong baho ata natin. Ano bang likas na yaman ang sinasabi ng mamang ito? Hindi naman Amerika ang mahilig sa 'mining' kung hindi yong mga oligarks at yong mga Australyano. Yong Amerika pa nga ang naglagay ng US Bases sa atin para pang depensa at nagbayad pa ng renta pero pinalayas pa natin. Walang kwenta tayong mga Pinoy, ika nga, binigay na nila yong kanilang dalawang kamay e gusto natin simutin pa ang kanilang mga paa at di rin tayo marunong magpasalamat. Ang ganda nga ginawa ng Amerika, naipatayo ang UP para edukasyon para sa mga mahihirap. Alin yong mga eskwelahan ng mga Kastila na halos mayayaman lang ang nakakapasok. Kung ganid ang Amerika di na sana tayo binigyan pa ng Independensya.
 
Tama ka nga. Na mind control nga siya dahil sa kilanting ng $24B. Kaya pala defensive siya masyado sa Tsina. Ang mahirap nito pag tumagal at talagang naging puppet pa siya ng Tsina ay baka nga suportahan pa siya nito upang maging diktador ng bansa at gawin pa tayong komunista. Sa tantiya ko, magaganap yan pag di lumusot yong kanyang Federalism, posibleng nasa kalagitnaan ng kanyang termino o one year before his final term magdedeklara siya ng 'revolutionary government'. Kaya pala di inaatake ang Davao ng mga NPA ay malaki pala ang suporta niya dito, kaya posibleng palabas lang niya yong away away niya sa CPP/NDF.

tiwla lng ky DU30..
 
TS wag mo na pabangihin ang pangalan ni CARPIO..kasi kung tutuusin eh 4 lang na islang ang kinocontest ng CHINA sa WPS compare sa Vietnam na 8 or 9 yata..pero ayaw pakialaman ni CARPIO ang Vietnam..alam mo kung bakit? kasi VIETNAMESE ang ASAWA ni CARPIO...gets mo na...si Del Rosario eh wag mo na din pabanguhin ang pangalan sa WPS issue dahil isang BOBO din yan tulad ni Hilbay..kung bakit? search for SALIM of Indonesia....nanalo nga tayo sa UN Tribunal, pero ayaw naman kilalanin ng China..so ano silbi nun..better kaibiganin na lang natin kesa mauwi pa sa gyera dba?

Ano naman ang kinalaman ng asawa ni Justice Carpio sa usapin sa WPS? Pulitiko ba siya? Espiya ba siya ng Vietnam? Wala naman akong naririnig tungkol kay Mrs. Ruth Nguyen Carpio na hindi maganda. Paano naman yong nanay ni Alan Peter Cayetano na Amerikana, nakikialam din kaya siya? Di ko maintindihan ang lohika mo at masyadong malabo. Ginugulo mo lang ang pag-iisip ng ating mga kababayang Pilipino.

Naku sasabihin mo na namang bobo si Del Rosario, eh, wala ka namang ebidensya. Paano naman si Duterte eh sabi niya 75 daw halos lahat ng grado niya, anong tawag mo doon? Sinama mo pa si Salim ng Indonesia, eh, natural negosyante yon nag-eexpand yong business nila kahit saan. Inamin na nga yan ni Manny Pangilinan, pero wala naman kinalaman si Salim sa usapin sa WPS. lolz.

Ano ang silbi ng desisyon ng Hague Tribunal? Simple lang ang sagot, may dokumento at ebidensya ka na maipapakita kahit di man nila kilalanin. Kesa wala ka man lang ginawa. Tulad yan ng titulo ng lupa. Well, kung wala ka talagang alam sigurado di mo maiintindihan. Ang mundo o buhay eh parang gulong ng palad, di mo malalaman nasa taas ka o nasa baba. Di natin alam baka pagdating ng panahon tayo ay maging makapangyarihan pa kesa sa China. Kaya yan ang magiging ebidensya natin kung sakasakali. Magbasa ka naman ng history ng mundo para mas lalo kang maliwanagan.

Nakikipag gyera ba ang Pilipinas? Sino ang may sabi? Fake news na naman. lolz. Prosesong legal yan, di yan pang kanto o Recto. lolz..

Yong Vietnam kinuha lang nila yong mga isla na malalapit sa kanila, mi katwiran naman sila kasi sila yong malapit doon. Pero nung mag meeting yong ASEAN, itinigil naman nila. Pero yong paborito mong China, ayon sige pa rin. Tinatapos lang nila mga imprastraktura tapos lilipat na naman sa iba pang isla para angkinin at baguhin.

- - - Updated - - -

tiwla lng ky DU30..

Ba't naman ako magtitiwala sa isang trapo, bastos, at sira-ulo na Presidente? Kita mo pati ba naman pangalan ng Pilipinas babaguhin pa sa Maharlika. Ano ibig sabihin nito? Tayo ay kolonya ng Malaysia at hindi na ng Espaniya? At ano naman kaya ang magiging implikasyon nito? Mas magiging magulo at magastos lang.
 
uulitin ko poh, Vietnamese poh ang asawa ni Carpio kaya wala syang pakialam kahit 9 na isla ang kamkamin ng Vietnam sa WPS group of Islands. Mas nanaisin pa nya na magsalita against sa China na 4 lang ang kinokontest. Yung China bago pa lang ang presidency ni Abnoy eh may JOINT Exploration agreement na sa ating bansa about sa WPS..Then naging presidente si Abnoy at ginawang DFA Sec si Del Rosario.. Ayun umentrada si Salim ng Indonesia para mamuhunan sa natural gas.. then dahil sa pagiging gahaman sa pera syempre pumayag ang gobyerno ni Abnoy sa pamamagitan ni Del Rosario na gamiting puppet ni Salim si Pangilinan kasi hindi pwedeng mag may ari ng 100% negosyo sa Pilipinas ang isang foreigner..at dahil jan inilaglag na ng ABNOY PNOY admin ang agreement nila sa Chinese Goverment. Eh hindi naman natin tulad mag isip ang mga Intsik kasi nainsulto sila dba? So ako man ang Chinese knowing na mahina ang bansang Pilipinas eh di itutuloy ko na lang ang pagtatayop ng structure sa mga isla na yun kasi alam ko walang kapasidad ang Pilipinas na ipagtanggol ang Isla na yun knowing na Abnoy ang presidente nil;a(proven nung luneta hostage crisis). Although nag offer ng bilateral talks ang China sa Philippine Goverment about sa issue eh ang ginawa ng Abnoy Goverment eh nagsumbong sa UN Tribunal sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso against China(kahit hindi kinikilala ng China ang UN Tribunal sa the Hague). Ang problema naman eh hindi pa SolGen noong panahon na yun si Calida sa halip ay ang bobong si Florin Hilbay(BOBO talaga kasi ni hindi maipanalo ang simpleng kaso ng Libel ng client nya na si Jover Laurio against Franco Mabanta..take note 2X na natalo ang kaso kaya LEGALLY UGLY si Jover Laurio)..Ayun eh di nagbayad pa ang Pilipinas nag pagkamahal mahal na 600milion USD yata sa isang foreign na lawyer sa trial na hindi kinikilala ng defendant. Nanalo ang kaso but walang implementation..ano ang silbi ng kaso na ipinanalo mo na walang IMPLEMENTING BODY kung sakali mag RESIST ang CHINA? eh ni hindi nga maipangako ng US na tutulungan tayo sa reclamation eh.

Unfortunately si Digong ang presidente natin. Ako man ang presidente eh alam ko naman na kapagka nakipag gyera tayo sa China about sa implementation ng one sided na UN Tribunal eh matatalo tayo, its better to be friends with them kesa wala ako gawin dba? Buti na lang ay kinikilala tayo na Brother ng China eversince Ming Dynasty sa pamamagitan ni Sultan Pakul..na prevent ang posible na digmaan at tinulungan pa tayo sa pamamagitan ng loan.

Sir wala po kinakamkam na isla sa WPS ang America kaya wala pong relevance yung pagiging americano ng nanay ni Allan Cayetano.

Tama ka poh, itinigil na poh ng Vietnam ang pangunguha ng isla sa WPS na hindi naman kanila ayon sa EEZ..pero hindi poh nila ISINOLI sa atin..nanating kanila poh..Again ang China ay 4 lang at mayron din poh silang reason..research mo ph yun 9 dash line.

tama ka poh..bakit ka nga naman magtitiwala kay Duterte eh mas gusto mo na minamaliit tayo ng mga western countries like America at spain. magbasa ka poh ng kasaysayan ng bansang Pilipinas para malaman mo kung kung bakit nga ba Pilipinas ang pangalan ng bansa natin..ikaw ba papayag ka pa rin ba na matawag ang bansa mo na "pag aari ni Felipe ng Espanya" .
mas gugustuhin ko na tawaging maharlika kesa tawagin na pag aari ng isang Hari ng espanya.

Kung ang gastos ng gobyerno ay makakapagpataas ng dignidad ng bawat pilipino sa pamamagitan ng pagtawag na MAHARLIKA sa bansa ko eh worth it naman kesa manatili mababa ang tingin ng western countries sa bansa natin..

at isa pang punto.. Hindi poh tayo kailanman sinakop, inalipin at pinagsamantalahan ng bansang China kung magbabasa ka ng kasaysayan ng bansa mo.. Espanya, America at Japan poh.. at hindi na poh tayo ipagtatanggol ng america..wala na sila mapapakinabangan sa bansa natin..SINAID na nila noong panahon ng PARITY RIGHTS... isama mo na ang batas Jones at batas Tydings Mcduffie.
 
Bilang mamamayan dapat magtiwala tayo sa leader natin, atsaka makikita mo nmn tama ang desisyon nya tungkol sa WPS hindi mo dapat unahin ang emotion mo.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom