Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic

Lola: Francis gising na at baka mahuli ka sa klase mo
Francis: Opo lola babangon na
Lola: Aalis lang ako sandali, pupunta lang ako sa tita mo ilock mo na lang ang pinto pag alis mo
Francis: Sige po mag ingat po kayo lola

At nagumpisa na ang araw ni Francis...Si Francis ay isang 4th year high school, simple, matangkad, masayahin, at ulilang lubos

Arjay: Francis tara na pasok na tayo baka mahuli na naman tayo at masaraduhan ng gate ayaw ko na mag ober da bakod
nasisira ang sapatos ko, bago pa man din ito
Francis: yabang bago sapatos pabinyag nga!
Arjay: Wag pare bago nga eh

At nagpatuloy na sila sa paglalakad...Si Arjay ang best friend nya mula elementary laging kasama sa kalokohan, sa away
at pati sa saya...

Arjay: Men! alam mo na ba ang balita?
Francis: Ano?
Arjay: Yung anak ng nagdonate ng school eh magiging schoolmate na natin
Francis: Oh? mayaman sila ah bakit sa school natin yun mag aaral?
Arjay: Hindi ko alam siguro baka gusto ng daddy nya eh matuto makisalamuha sa mga tulad nating mahihirap
Francis: Ganun ba? Nakita mo na ba yang tinutukoy mo?
Arjay: Hindi pa eh pero sa pagkakaalam ko yung prinsipal natin eh pamangkin nya un
Francis: Ahhh anung year na nya?
Arjay: 3rd year high school na daw
Francis: bakit mo pala alam?
Arjay: Anu ka ba alam na kaya sa buong school yun saan ka ba nag aaral at parang hindi mo alam?
Francis: Baka absent lang ako nun nung binalita yun
Arjay: Nagcucutting ka kasi eh...perfect attendance din pag may time
Francis: hahaha paano maya na lang
Arjay: Sige!

Naghiwalay na ng daan ang dalawa ng si Francis ay papasok pa lang sa classroom ng nakita nya ang isang magandang babae,
Si Cassandra Althea, ang anak ng nagdonate ng pinapasukan nilang school...Maputi, Mahaba ang buhok, maganda ang mata, at sexy.
Napahinto si Francis habang pinagmamasdan ang babae...

Francis: Ang ganda naman nya parang ngayon ko lang sya nakita or baka hindi ko lang sya agad napapansin...

Dahil tulala sya sa babae na yun hindi namalayan na maguumpisa na pala ang flag ceremony nila, agad tumakbo papunta sa covered
court si Francis ng napansin niyang may isang grupo dun ng mga estudyante na parang may binubully sa isang sulok...nagtago si
Francis at pinanood kung anu ang nangyayari...

4th year Student #1: Hoy bago ka lang dito ah akin na ang baon mo!
4th year Student #2,3,4,5: HEHEHEHE!!! boy bigay mo na kung ayaw mo masaktan
1st year student: Wala po ako kakainin mamaya pwede ko ibigay ang kalahati ng baon kong pera
4th year Student #1: Ginagago mo ba ako?! Alam mo bang lahat ng estudyante dito eh takot sa akin kahit mga 4th year?!
4th year Student #1: Gusto ko mula ngayon pagpasok mo yung baon mo ibibigay mo sa akin ah magbaon ka na lang ng kamote WHAHAHA!

Nang biglang nagsalita si Francis...

Francis: Hahahahaha! ganda ng drama nyo ah para saan ba yan? pati 1st year sinasama nyo ah
4th year Student #1: Wag ka makialam dito kung ayaw mo pati ikaw masaktan!
Francis: Huh? kala ko nagpapractice kayo, hoy bata anu hinihingi sayo?
1st year student: Po?! ahm baon ko po pilit nila hinihingi sa akin

At biglang sinampal ang kawawang 1st year student...

Francis: Tarantado ka ah pati hindi kayang lumaban pinapatulan mo!
4th year Student: bakit aangal ka?! mga pare papalag ata sya bigyan nga natin ng leksyon itong kupal na ito!

At biglang tumakbo papalayo ang 1st year student...at pinalibutan na si Francis ng mga sigang 4th year...

Francis: Hmmmmm mukhang mapipilitan akong magpapawis ah, limang tangang repeater, alam nyo may tatanong muna ako sa inyo?
4th year Student #2,3,4,5: Kung tatanong mo eh ay nagbibiro kami pwes! hindi
Francis: Hindi yun tanong ko lang may balak pa ba kayo umalis dito sa school? kasi kung wala eh baka pagnagkaanak na ako
eh maging classmate nyo pa eh pabugbog ko na rin kayo dun
4th year Student #1: Tama na satsat!
Francis: BRING IT ON!

At nagrambulan na kahit lima ang kalaban ni francis nagawa pa rin nyang pabagsakin medyo duguan din naman si Francis..
Hinihingal si Francis ng matapos ang away nila...

Francis: Tignan nyo ginawa nyo narumihan ang damit ko dapat sa inyo basagin ko mga mukha ninyo! tumayo kayo dyan hindi
pa ako tapos teka sakto may kahoy pala dito msubukan nga gaano katibay itong kahoy

Napansin ni Francis na nandun pa rin pala ang 1st year student...

1st year student: Kuya ang dumi na ng uniform mo paano ka papasok sa class mo at duguan ka rin
Francis: Bata, pwede ko ba hiramin yang uniform mo? hindi ako pwede hindi pumasok ngayon lalo na may exam kami
1st year student: huh?! kuya hindi ko alam kung kakasya sayo to tsaka may patches ang uniform natin makikita nila na
pang first year ang uniform mo...
Francis: Hiramin ko na at bukas babalik ko sayo yan wag ka na lang pumasok ngayon at maglakwatsa ka na lang...bayad mo na
lang yan sa pagtatanggol ko sayo

Hindi na nakapagsalita ang pobreng 1st year at hinubad ang uniform....at pagsuot ni francis sa uniform halatang halata na
hindi kanya...

Francis: Bata!, Bukas magkita tayo sa canteen bibigay ko itong uniform mo umalis ka na at baka magulpi ka pa ng mga ito
1st year student: sige po kuya maraming salamat
Francis: Wala yun wag ka maniniwala sa mga sinabi nila mga nagpapanggap lang ang mga yan...

At nagober da bakod ang 1st year student habang si francis naman ay pupunta na sana sa isang CR ng bigla sya naabutan ng
Prinsipal at nakita ang 5 estudyante na nakahandusay pa...

Prinsipal: Anu ginagawa mo dito?! at bakit duguan ka pati sila?!
Francis: Ahhh ehhh sir anu po kasi...
Prinsipal: wag ka na gumawa ng palusot kitang kita naman na sinaktan mo ang 5 estudyante na yan at dahil lumaban sila sayo
pinagpapalo mo sila ng kahoy! Grabe ka talaga Mr. Santos! mamaya pag recess pumunta ka sa office!
Francis: pero sir anu po kasi...
Prinsipal: Tama na palusot!
Francis: opo sir

Hindi na nakakibo si Francis at umalis na lang...habang ang limang estudyante pinagsabihan din ng prinsipal...nagtungo si Francis
sa CR...naghihilamos at hindi lubos maisip na bakit sya pa ang lumabas na mali...pumasok na si francis sa classroom nila...

Nang Break Time na nila pumunta na si Francis sa office ng makita nya ulit ang babaeng pinagmasdan nya kanina na nakatayo sa
labas ng office...

Francis: Siguro pasaway din ang babaeng ito? kaya nandito din sa office, siguro nahuling nagcutting ito...sayang wala sa hitsura
mo gagawa ka ng kalokohan ganda mo pa naman...

Nang nasa harap na sya ng office si francis tinitignan sya ng babae...

Francis: Nandyan ba yung walang kwentang prinsipal natin?
Cassandra Althea: Huh? Ano pinagsasabi mo?! (Pagalit na nagtanong?)
Francis: Sabi ko kung nandyan ang prinsipal nating hindi nag iisip? kilala mo naman ang prinsipal natin siguro?!
Cassandra Althea: Oo naman kilala ko prinsipal natin! Ako kilala mo ba?! kaya pala 1st year ka dahil wala kang manners!
tanda mo na sa year na yan ah REPEATER!

Lalo uminit ang ulo ni Francis...

Francis: Alam mo miss kung papaliwag ko sayo mahabang istorya at tsaka hindi ko alam kung sino ka!
cassandra Althea: Well, ako lang naman ang pamangkin ng prinsipal na sinasabi mong walang kwenta!

Nagulat si Francis sa narinig kaya...

Francis: Ako kilala mo?!
cassandra Althea: Hindi! malamang 4th year ako kaw 1st year pa lang
Francis: GOOD!

At biglang tumakbo ng mabilis si Francis palayo sa office

cassandra Althea: Aba kala nya hindi ko sya isusumbong at baka nakalimutan nya na nakita ko ang patches ng baduy nyang uniform
humanda sya kay tito kick out aabutin nya...

Nang dumating ang Prinsipal kasama ang ilang staff at napansin sya ng isang teacher...

Teacher: Sir yan po ba yung sinasabi mo na pamangkin mo?
Prinsipal: Oo ahm Althea heto pala ang mga magiging teacher mo dito sa school so kamusta ang pamamasyal mo dito sa school?
cassandra Althea: Good Morning po sa inyo, ok naman po tito maganda nga dito tulad ng pagkakasabi ni papa hindi ako maboboring dito
pero may mga estudyante lang na walang manners ang nag aaral dito...
Prinsipal: Huh?! Anu pinagsasabi mo hija? may nang away ba sayo dito?
cassandra Althea: Wala naman po kaya lang may isang first year student dito na ang tawag sayo eh prinsipal na walang kwenta!
Prinsipal: Ano sinabi nya yun?! at first year pa baka nagkakamali ka hija?
cassandra Althea: hindi po nakita ko sa patches nya first year pa lang po baduy pa ng uniform nya parang kapos sa tela or baka
style lang nya yun mukha syang gagawa ng gulo dito dapat po tito ikick out mo na yun wala syang manners...
Prinsipal: Hayaan mo hija bukas sa flag ceremony ituro mo sa akin yung first year student na yun ng mabigyan ko ng leksyon
cassandra Althea: Sige po tito kala nya hindi ko nakita ang patches ng uniform nya

Samantala si Francis naman ay hindi na lumabas ng classroom hanggan sa matapos ang klase nila at bago lumabas sinigurado nya na
hindi na nya makakasalubong pa ang pamangkin ng prinsipal...
 
Last edited:
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013) PART 13

di ata nakapag.update si ts ah haha :) nagpahinga muna dapat bukas mga 3 part ipost mo :)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013) PART 13

:clap::yipee::excited: nice ts part 14 na
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/05/2013) PART 13

up up up
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/07/2013) PART 14

PART 14

Nasa loob na sila ng venue, marami ang nagulat ng makita sila dahil sa angking kagandahan ni Cassandra at si Francis
naman ay naging palaisipan sa kanila dahil sa suot nitong maskara, marami ang nagsilapit sa kanila at binabati ang dalaga
at pinagmamasdan din si Francis at tinantanong kay Cassandra kung sino sya. Nakarating na sila sa kanilang upuan, at si
Francis ay sobrang saya ang nararamdaman dahil sya ang kapareha ng dalaga

Cassandra: Masaya ka ba ako ang nakapartner mo?, sorry ah kung nalate ako kasi medyo nagkaroon ng konting problema ang
kotse namin eh
Francis: Walang paglalagyan ang ligayang nadarama ko dahil ikaw ang aking kapiling ngayon prinsesa

At napangiti naman ang dalaga dahil sa nakikita nyang pagiging maginoo ng binata. Lahat ng tao sa loob ng venue sa kanila
nakatingin at pinaguusapan sila

Cassandra: Bakit parang lahat ata sila nakatingin sa atin?
Francis: Iisa lang ibig sabihin nyan, ikaw ay walang kahalintulad dahil sa gandang taglay mo ngayon
Cassandra: At sa pagiging palaisipan para sa kanila kung sino ka hahahaha
Francis: Maaring tama ka

Habang may nagsasalita sa entablado si Francis ay pinagmamasdan ng mabuti si Cassandra, at parang hindi sya makapaniwala na
kasama nya ang dalaga, at napapansin ni Cassandra ang pagkakatitig sa kanya ni Francis

Cassandra: baka matunaw ako sa titig mo ah
Francis: Pasensya na aking prinsesa hindi lang ako makapaniwala, nanaginip ba ako? kung oo sana hindi na ako magising

at kinurot si Francis sa bandang pisngi

Cassandra: Hindi ka nanaginip totoo lahat ng nakikita mo

At ng matapos na magsalita ang nasa entablado, nag umpisa na ang sayawan at nagsayawan ang lahat sa gitna, napansin ni
Francis na pinagmamasdan lahat ni Cassandra ang mga nagsasayawan

***Music background - Forevermore by Side A

Francis: Ang ganda ng tugtog maari ba kitang isayaw aking prinsesa?
Cassandra: Oo naman

At inabot ang kanyang kamay sa binata upang alalayan sya papunta sa gitna, nang makarating sila sa gitna, nilagay ng dalaga
ang kanyang kamay sa balikat ni Francis, at si Francis naman ay nilagay sa bewang ng dalaga ang kanyang kamay at naghawak
kamay sila at nagumpisa na silang sumayaw. Marami ang nakatingin sa kanila at pawang mga kinikilig, napansin ni Cassandra
parang naiilang si Francis

Cassandra: Wag mo silang pansinin, hayaan mo lang, isipin mo tayo lang ang sumasayaw

At ngumiti ang binata. at nagtugma ang kanilang mga tingin

Francis: Alam mo bang labis akong natutuwa dahil ikaw ang nakapareha ko ngayong gabi?
Cassandra: Bakit naman
Francis: Dahil tulad lang ako ng ibang lalaki na nangangarap na maisayaw ka
Cassandra: alam mo hindi ko maintindihan pero ang gaan ng loob ko sayo parang pakiramdam ko nagkita na tayo at kilala kita
Francis: salamat at yan ang nararamdaman mo

At nagpatuloy lang silang sumayaw na parang sila lang ang tao at nilalasap ang bawat himig ng musika, at ang nasa paligid
nila nasa kanila ang attensyon

"tignan mo sila ang galing nila sumayaw"
"Sarap nila panoorin kakakilig"
"Ang ganda ni Cassandra bagay sila ng partner nya"

Lumipas ang ilang kanta tuloy tuloy lang sila sa pagsayaw, mula sa malayo natatanaw ni Arjay sila Cassandra at Francis

***Music background - Valentine by Jim Brickman and Martina McBride

Arjay: Francis?...sigurado ako si Francis ang kasama ni Cassandra, biruin mo nga naman si Cassandra pala ang kapartner nya
napakaswerte ng best friend ko dahil ang pinakamaganda at pinakamabait na babae sa campus ang kanyang kapartner at paano sya
natuto sumayaw? hindi ko nga nakita nagparactice ang taong ito hahahaha
Arjay's gf: Hon tignan mo sila oh ang sweet nila tignan, sino kaya yang kapartner ni Cassandra?
Arjay: Oo hon ang swerte ng lalaki na yan hahahaha pero alam mo mas swerte ako sa kanya
Arjay's gf: bakit?
Arjay: dahil kasama ko ang magiging reyna ng buhay ko
Arjay's gf: hmmmmmm bolero

Natapos ang ilang kanta naisip ni Francis na baka pagod na si Cassandra

Francis: Prinsesa baka pagod ka na maari tayo magpahinga muna
Cassandra: Ok lang ako wag ka mag alala

***Music background - The gift by Jim Brickman

Cassandra: Ang sweet ng kanta no?
Francis: Oo aking prinsesa
Cassandra: Gusto ko lang sulitin ang mga ganitong sandali dahil minsan lang ito
Francis: Tama ka maari heto na rin ang huling sayaw natin

Lumipat ang kamay ni Francis sa bandang likod ng dalaga, dahilan upang mapalapit ito sa kanya ng konti. May ibang nadarama ang
dalaga pakiramdam nya parang syang ligtas sa piling ng binata

Cassandra: Palagay mo pagkatapos ba nito makikita pa kita ulit?
Francis: Hindi mo man alam ang pangalan ko aking prinsesa pero laging lang ako sa paligid mo, ang naisin kang makita eh lubos
ko ng ikinatutuwa iyon
Cassandra: Bakit ayaw mo magpakilala pagkatapos nito?
Francis: Hindi ko alam paano ako magpapakilala sayo pero hindi pa sa ngayon aking prinsesa

At natapos ang huling kanta, huminto muna sandali para sabihin kung sino ang tatawaging King and Queen of the Night, nagumpisa
ng mag alisan ang ilang estudyante at hindi namalayan ng dalaga at nagpatuloy lang sila sa pagsayaw

Francis: Prinsesa palagay ko tapos na ang kanta
Cassandra: ay oo nga sorry

At dali silang pumunta sa kanilang upuan, habang nananabik ang lahat, hindi maintindihan ni Cassandra ang kanyang nararamdaman

Cassandra: Sino kaya ang lalaking ito bakit ang gaan ng loob ko sa kanya at parang masaya ako sa piling nya?

At biglang nagsalita si Francis

Francis: Napagod ka ba prinsesa?
Cassandra: Hindi ok lang
Francis: Nasiyahan ka ba sa ating sayaw?
Cassandra: Oo marunong ka pala sumayaw
Francis: Salamat

At nagumpisa na magsalita ang tao sa entablado

Emcee: ang tatawagin kong numero ay sila ang tatanghaling King and Queen of the night ay ang number...

biglang naghawak kamay sila Francis at Cassandra, tulad din ng iba marami ang gusto manalo ng titulo na yun dahil minsan lang ito
sa buhay nila

Emcee: number 10!

At biglang yumakap sa tuwa si Cassandra kay Francis at nagulat si Francis dahil unang beses syang niyakap ng dalaga kaya niyakap din
nya ito at maya maya ay nagulat na din si Cassandra. Nasaksihan ng lahat iyon kaya naging tampulan sila ng tukso

"WOOOOOOOOO, BAGAY KAYONG DALAWA!!!!!"
"Kakakilig kayong dalawa!!!"

Emcee: Kung maari inaanyayahan ko pumunta dito sa entablado ang magkapareha ng makita naman sila ng lahat

At hawak kamay silang umakyat ng entablado at kumaway sa lahat ng nanunuod sa kanila. Nakita ni Arjay yun at pati sya ay tuwang-tuwa
sa pagkapanalo ng kanyang kaibigan

Arjay: Biruin mo nga naman hahahaha iba ka talaga Francis

Maya't maya marami ang nagrerequest na tanggalin ang suot na maskara ni Francis, kaya't kinabahan ang binata dahil pati si Cassandra
ay nagnanais din na makita sya pero nagisip muna sya ng ilang sandali at kinuha ang microphone

Francis: Ipagpaumanhin ninyo pero hindi ko maari tanggalin ang aking maskara dahil hindi pa panahon para makilala ako ng aking reyna

At binalik na ito sa emcee ang microphone

Emcee: Bilang sa nalalapit na pagtatapos ng gabing ito muli natin sila samahan at panuorin sa magiging huling sayaw nila at sa inyo rin

At biglang nagdilim ang paligid at tanging "spot light" lang na nakatuktok sa kanila ang tanging liwanag ng buong paligid

***Music Background - Runaway by The Corrs

Francis: Pasensya ka na aking prinsesa kung hindi ko pinayagan ang gusto nila
Cassandra: Naintindihan ko
Francis: Masaya ako at suot mo na ulit ang bracelet na yan
Cassandra: Huh? anu ibig mong sabihin?
Francis: Ako ang nakapulot ng bracelet na yan at binigay ko sa iyong ama aking prinsesa

Nagulat si Cassandra sa narinig nya at bigla nya naalala ang kinuwento ng kanyang ama tungkol sa bracelet.

Francis: Hindi ako nagpakilala sa iyong ama kaya hindi ko magawa sabihin ang aking pangalan, balang araw makikilala mo rin ako yun ay
kung interesado ka pa

Hindi pa rin makapagsalita si Cassandra dahil kinilabutan sya akala nya nagbibiro lang ang kanyang ama tungkol sa bracelet

Francis: Prinsesa masaya ako dahil natupad ang munting pangarap ko maraming salamat dahil ikaw ang nakapareha ko heto man ang huling
sayaw natin pero mananatili itong isang napakagandang karanasan at alaala. hanggang sa muli aking reyna

Bumaba na si Francis ng biglang nagsalita si Cassandra

Cassandra: Sandali!

At tinanggal ang kanyang isang sapatos at binato kay Francis, marami ang nagulat at napahinto sa pagsasayaw, nasalo ni Francis ang sapatos
at nagtataka bakit sya binato

Cassandra: Magkikita tayo muli at pag dumating ang araw na yun isuot mo sa akin yan bilang tanda na ikaw nga ang aking hari ingatan mo ang
sapatos na yan dahil yan ang magbubuklod sa atin

Napangiti si Francis at madaling naglakad palabas ng venue dala ang isang sapatos ng dalaga

Francis: Pangako aking reyna magkikita pa tayo muli.
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/07/2013) PART 14

:clap::dance::excited: ang ganda! parang cinderello lang haha
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/07/2013) PART 14

part 15 haha update n :) di k nag.update khapon ee ..
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/07/2013) PART 14

this story is really amazing.. hope you will give us an update TS :clap::clap:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/07/2013) PART 14

w0w,graveh naman, galing m0 tlaga ts, pa update ulit,part 15 na,haha
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/07/2013) PART 14

fairytale ang datingan ng estosyahe update please ganda 2beses ko na kayang inulit binasa ang estoryahe na to pero d nakakasawa.
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/07/2013) PART 14

TS more update pls...
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/07/2013) PART 14

up! up! up! update na po TS tagal :yipee:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/08/2013) PART 15

Naiwan sa stage si Cassandra, marami ang nagtataka bakit sya iniwan ng kanyang kapareha kaya agad siyang pinuntahan ng
mga classmate nya

Classmate #1: Sis are you ok?
Cassandra: yeah im ok sis dont worry
Classmate #2: bakit ka biglang iniwan nung kapartner mo?
Cassandra: hmmmm its already 12 o clock
Classmate: huh? hindi ko magets

Tapos na rin ang js prom at yung iba ay naglabasan na para umuwi yung iba naman ay nakipagkwentuhan sa kanila mga kaibigan.
Hinatid na si Cassandra ng kanyang mga classmate sa kotse at nagpaalam na rin para umuwi. Samantala si Francis habang
naglalakad pauwi hindi sya makapaniwala, pero naguguluhan kung tama ba ginawa nya na wag magpakilala at iwanan bigla si
Cassandra, umuwi syang dala ang isang sapatos na tanging susi upang makilala sya ni Cassandra at bigla syang may naisip.
Samantala umuwing masaya si Cassandra sa kanilang mansyon pero tulog na ang lahat at tanging kanila mga katulong lang at ang
kanyang personal na alaga ang gising

Cassandra's Maid: Ms. Cassandra kamusta ang iyong js prom mukhang masaya ka hija
Cassandra: Opo manang napakameaningfull at sobrang hiwaga
Cassandra's Maid: Sobrang hiwaga?
Cassandra: hahahaha hayaan nyo na po yun sige po magpahinga na po kayo maraming salamat sa paghihintay magandang gabi din po
Cassandra's Maid: O sige hija magandang gabi din

At iniwan na sya sa kanyang kwarto, masayang nakahiga at nagpapaantok ang dalaga, iniisip ang bawat sandali na nangyari kanina,
at kinikilig dahil nakasama nya ang lalaking nakapulot ng bracelet na maaring itinadhana sa kanya, habang nakahiga pinagmamasdan
nya ang bracelet

Cassandra: Kaw ah hindi ko inexpect yun ngayon alam ko na ang dahilan bakit ka binigay sa akin ni mommy, kung sino man yun
maraming salamat sa kanya ginawa nyang fairy tale ang js prom ko

Kinabukasan pagkagising ni Francis nagulat sya tanghali na palabas na sana sya ng kawrto ng mapansin nya yung sapatos ni Cassandra
at ngumiti sya, nakita nya ang lola nya na nasa terrace

Francis: Lola anu ginagawa nyo po dito?
Lola: Kaw pala apo anu kamusta ang js nyo?
Francis: Naghiwalay na po kami ni Arjay kaya di ko po alam sa kanya pero sa akin ok naman masaya po
Lola: Maganda ba ang nakapartner mo apo?
Francis: Isang prinsesa lola
Lola: halata nga dahil sa mata mo na masaya ang gabi mo o sya kumain ka na
Francis: Lola salamat po ah
Lola: Salamat saan?
Francis: Basta po, kayo kumain na ba?
Lola: tapos na eh hindi na kita hinintay dahil alam ko pagod ka kaya hinayaan na kita matulog

Samantala si Cassandra naman ay abala nakikipagkwentuhan sa kanyang best friend sa computer

Cassandra's Bestfriend: Whaat! ginawa mo yun sis?
Cassandra: yeah sis why?
Cassandra's Bestfriend: HAHAHAHA your crazy
Cassandra: im crazy? really? why?
Cassandra's Bestfriend: Imagine sis sa cinderella story ang babae ang biglang umaalis sa kasiyahan pero sa sitwasyon nyo yung lalaki
ang umalis hahahaha, tapos dapat ikaw ang mag iiwan ng sapatos pero ang ginawa mo binato mo sa kanya ang kapares ng suot mong sapatos
hahahaha alam mo hindi ko sinasabi nakakatawa pero gumawa kayo ng ibang version ng cinderella story
Cassandra: Oo nga no hindi ko alam bakit bigla sya umaalis sa venue eh dahil sa gusto ko pa sya makita ulit bigla ko na lang naisip na
ibato sa kanya ang isang sapatos ko
Cassandra's Bestfriend: Hahahaha natatawa talaga ako pero anu gwapo ba sya, cute, or what?
Cassandra: Hmmm gwapo tapos tingin ko sa maginoo sya
Cassandra's Bestfriend: Pero what a coincidence yun ah i think talagang pinagtatagpo kayo ng inyong kapalaran sis
Cassandra: Hindi ko alam kung maniniwala ako eh pero sis alam mo yung magaan ang loob ko sa kanya yung bang parang matagal na kaming
magkakilala parang ganun kasi masaya syang kasama, masarap kausap hindi nga ako naboring eh, kailan ba balik mo dito sis?
Cassandra's Bestfriend: Dyan ako magkacollege sis ayaw ko dito sa totoo lang may mga kaibigan din ako dito pero iba talaga dyan sa
Pinas eh
Cassandra: Hahaha kaya nga ayaw ko dyan eh

Natapos ang kanilang kwentuhan, biglang dumating ang daddy nya

Cassandra;s Father: hello sweety how's your js?
Cassandra: So great dad very meaningfull
Cassandra's Father: Good so who is the lucky guy?
Cassandra: the one who bring this bracelet to you dad

Nagulat ang daddy ni Cassandra kaya nagtanong pa ulit

Cassandra's Father: Pakiulit sabi mo yung nagsauli ng bracelet mo anak?
Cassandra: Yes dad why?
Cassandra's Father: Nakilala mo anak?
Cassandra: Hindi rin dad eh buong gabi nya suot yung mask nya kaya hindi ko sya makilala kaw dad natatandaan mo pa ba ang mukha nya?
Cassandra's Father: hahahahaha anak alam mo ng sa dami dami kong nakikilalang tao sa kumpanya natin at sa mga negosyo halos hindi ko
na matandaan yun
Cassandra: ganun sayang naman kala ko tanda mo pa tatanong ko sana eh
Cassandra's Father: Hahaha dont worry siguro pagnakita ko ulit sya baka matandaan ko agad o sya akyat muna ako at magpapahinga muna ako
Cassandra: Ok dad have a nice day.

Pasukan na naman at excited ang lahat ng estudyante dahil sigurado magkukwentuhan sila tungkol sa js prom. Para kay Francis ordinaryong
araw na ulit at kasabay pa rin pumapasok si Arjay

Arjay: Men kamusta js mo?
Francis: Ok lang kaw?
Arjay: Ok lang din kaw gaano ka ka OK?
Francis: Huh? basta ok yun na un
Arjay: Hindi ka man lang ba magkukwento?
Francis: Ano naman kukwento ko?
Arjay: Sino ang kapartner mo kagabi? maganda ba?
Francis: Ah 3rd year daw sya eh at oo maganda sya
Arjay: Sigurado ka? hehehehe
Francis: Oo
Arjay: O cge sabi mo yan ah hahahaha pag may nakipagkwentuhan sa akin ako kilala ko kung sino ang kapartner ni Cassandra

Hindi magawang magmaang maangan ni Francis kay Arjay, naalala nya na si Arjay lang ang tanging alam kung anu ang suot nyang maskara at
talagang kilala sya

Francis: OO NA!!!!!!
Arjay: Huh? anu sinasabi mo? hahahaha
Francis: Men ako nga yung kapartner ni Cassandra, pwede ba tayo lang ang nakakaalam nun
Arjay: Huh? bakit naman? ayaw mo ba yung malaman ng lahat na ikaw yung maswerteng lalaki na kapartner nya nung js?
Francis: Men mamaya kwento ko sayo basta tayo lang ang nakakaalam

Nakita ni Arjay ang reaction ni Francis at talagang seryoso ito

Arjay: Cge men mukhang may matinding dahilan ah makakaasa ka tayo lang dalawa may alam nun
Francis: Salamat men talagang best friend nga kita
Arjay: Pero alam mo men nagugutom ako eh baka sa sobrang gutom ko eh maikwento ko sa iba
Francis: Grrrrrr OO NA LILIBRE KITA MAMAYANG RECESS BWISIT KA!
Arjay: Ok men hahahaha

Pagpasok sa School nakasalubong nila si Cassandra at agad syang pinuntahan ng mga journalist student para interviewhin tungkol sa js
nakita naman sila ng dalaga kaya ningitian sila nito

Arjay: Naks pangiti ngiti na lang ah,
Francis: Ganda nya talaga men hihihihi
Arjay: Ang lande mo men hahaha...kaw na ang King of JS Prom
Francis: Uy baka may makarinig at maniwala
Arjay: hahahaahaha kita kits na lang mamaya sa recess

Habang naglalakad si Francis sa hallway halos iisa lang ang naririnig nyang pinag uusapan at yun ay kung sino ang kapartner ni Cassandra
Natatawa na lang sya dahil sya lang ang bukod tanging may alam ng buong kwento kaya hindi na lang nya masyado pinapansin ang mga nagkukwentuhan
sa hallway
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/08/2013) PART 15

nice story talaga .. Tagal mo n mag.update ts ah haha :) laging bitin
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/08/2013) PART 15

galing ts update agad part 16 na dali heehehe:yipee:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/08/2013) PART 15

thankz xa update,. Bitin ulit.haha. Bukaz pa ba ung part 16?sana ngaun na.haha
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/08/2013) PART 15

waiting sa update ts... maka exited naman... salamat
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/08/2013) PART 15

bitin.. :)
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/08/2013) PART 15

waiting s next update... :clap:
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/09/2013) PART 16

PART 16

Pagpasok sa classroom ni Francis yun din ang issue kaya naupo na lang sya at tahimik nakikinig

"Sino kaya ung lalaking nakamaskara na yun?"
"Sabi ng ilan yun daw ang tito nya"
"hindi ah sabi ng ilan yun daw ang kuya nya"

Habang nakikinig si Francis natatawa na lang sya

Francis: Hahaha ang sarap makinig sa mga kwento na ikaw mismo alam mo ang katotohanan

Lumipas ang oras hanggang sa recess yun pa rin ang issue, hanggang sa nakita nya si Cassandra

Francis: Hi Cassey (Kumaway)
Cassandra: Hi din Francis kumain ka na?
Francis: Hmmmm kakain pa lang kaw?
Cassandra: Same, sabay na tayo?
Francis: Ha? teka ok lang sayo?
Cassandra: Oo naman bakit?
Francis: Ahhh wala hahahaha

Pagpasok sa canteen nagtaka si Francis sa sarili

Francis: Hala?! kailan pa ako natuto batiin sya ng Hi?

At ng nakabili na si Cassandra umupo na sila at tulad ng dati marami ang gusto makisabay kay Cassandra, at dahil sa dami unti
unting nauusog palayo si Francis kay Cassandra, hinayaan na lang ni Francis ang nangyari

Francis: (Ok lang yan, ako pa rin naman ang hari, yung makasabay ko lang ng ilang minuto yan eh kuntento na ako dun)

Napansin ni Cassandra na tahimik si Francis sa bandang sulok

Cassandra: Francis ok lang dyan?
Francis: Ok lang Cassey

At ngumiti si Cassandra kay Francis, natapos na silang kumain at nagtayuan na ang lahat at lumabas na ng canteen ng biglang
nagsalita si Francis

Francis: Cassey thanks ah at nakasabay kita
Cassandra: Nakasabay ba yun eh ang dami nga nakisabay sa atin tapos kaw lumayo ka ng husto, pasensya ka na ah hindi ko alam
bakit ganun sila sa akin eh ayaw ko naman sila sabihan ng masakit mahirap na eh
Francis: Naku wala yun Cassey, alam mo kaya ganun sila kasi nga mabait ka tapos maganda pa eh kahit sino naman gugustuhin na
makausap ka o makasabay pag kumakain eh
Cassandra: Hahahaha alam mo sa lahat ng kilala ko kaw lang ang naiiba
Francis: Naiiba bakit naman?
Cassandra: Hindi ka kasi yung katulad nila na gumagawa ng paraan para lang makasama ako, sige una na ako mamaya na lang ulit

Nautal si Francis sa narinig at iniwan sya ni Cassandra

Francis: Gustuhin ko man Cassandra kaya lang ayaw ko na pagtawanan ako dahil nga sa hindi tayo bagay kaya tama na yung
hanggang tingin na lang ako, pero yung gabi na yun pinaramdam mo sa akin na ikaw ang aking reyna atleast dun iba ako sa
kanila

Arjay: Oo men iba ka talaga sa kanila kasi nga ikaw ang hari at sya ang reyna eh

Hindi namalayan ni Francis na nasa tabi na nya si Arjay

Arjay: Kailan pa kayo laging magkasama kumain ni Cassandra?
Francis: Hmmmm kailan nga ba? d ko alam basta niyaya lang nya ako na sabay kumain eh
Arjay: hindi na nga muna ako nagpakita sayo baka masira ko moment nyo eh hiyang hiya naman ako sayo
Francis: sira na nga eh dami nakikisabay
Arjay: Ok lang yun, bakit ba ayaw mo malaman ng lahat na ikaw yung kapartner nya men?
Francis: Men, hindi yung lahat ang inaalala ko
Arjay: Eh anu?
Francis: Siya dahil hindi ako nagpakilala sa kanya nung time na yun kasi hindi ko alam baka biglang magbago ang pakikitungo
nya sa akin ayaw ko mangyari yun
Arjay: Yun lang ba? o baka may dahilan pa? ang babaw kasi eh hindi ako convinced
Francis: Men alam mo ba na napulot ko ang bracelet nya at sinauli ko sa father nya
Arjay: Oh bakit hindi sa kanya?
Francis: Mahabang story pero hindi na mahalaga yun
Arjay: Bakit hindi mo na lang aminin na may gusto ka rin sa kanya?


Napaisip si Francis sa sinabi ni Arjay, at umalis na lang ito

Arjay: Men, wala naman masama malaman nya eh, ang masama lang kung ayaw mo aminin sa sarili mo

Pumasok na si Francis, at iniisip pa rin ang tanong na yun

Francis: May masama nga ba? pero palagay ko dapat ko talaga pigilan to eh kasi prinsesa nga sya hindi ako babagay dun sa tv
lang naman may mga ganun eh

lumipas ang ilang oras uwian na naman, paglabas ng classroom ni Francis tanaw nya ang kumpulan ng mga estudyante at nakikipagusap
kay Cassandra, habang naglalakad pinagmamasdan nya ang dalaga

Francis: Nakamove on na kaya sya? tanda ko pa yung pag iyak nya sa rooftop, kahit pala prinsesa nasasaktan din pala
Cassandra: Francis!!!!

Napatigil si Francis ng tawagin sya at nagtataka bakit sya tinawag at palapit ito sa kanya

Cassandra: May gagawin ka ba?
Francis: Wala naman bakit?
Cassandra: Pwede mo ba ako samahan?
Francis: Hmmmm saan?
Cassandra: Sa computer room para lang sa research
Francis: Oo ba kailan?
Cassandra: Ngayon na

Natuwa si Francis sa narinig kaya ginanahan na naman sya, pumunta sila sa computer room bitbit nya ang bag ng dalaga

Francis: Nagkita na kayo ng kapatid mo?
Cassandra: Hindi pa pero mamaya pa yun, kamusta pala js prom mo?
Francis: Ahhhh ehhhh masaya kaw ba?
Cassandra: Masaya at meaningfull

Napaisip si Francis sa sinabi ng dalaga kaya nagtanong pa sya

Francis: Bakit meaningfull?
Cassandra: Kasi yung partner ko parang ang gaan ng loob ko sa kanya parang sayo yung hindi ako naiilang

Napalunok ng laway ang binata sa narinig

Francis: ( Grabe wowan instinct nito kakatakot ) ganun ba? buti naman at masaya ka sa partner mo
Cassandra: Oo hindi ako naboring tsaka sweet nya nung sumayaw kami
Francis: Paano naging sweet?
Cassandra: kasi nararamdaman ko na parang safe ako nung sinayaw nya ako
Francis: nakilala mo ba sya?
Cassandra: Hindi nga eh gusto ko sya makikilala sana para ipakilala din sayo
Francis: Oh bakit mo naman ipakikilala sa akin?
Cassandra: Hmmmmm kaibigan kasi kita eh
Francis: (Grabe! kaibigan nya pala ako!) salamat kaibigan pala turing mo sa akin
Cassandra: Kaw sinu ang naging partner mo?
Francis: Ahhh ehhh si ano
Cassandra: Bakit hindi mo masabi? hahahaha dapat pakilala mo sa akin yan
Francis: try ko? (paano gagawin ko nito?)

Biglang nahulog ang ballpen ng dalaga at sabay nila pinulot ito at nahawakan ni Francis ang kamay ng dalaga, biglang natigil
ang dalawa

Francis: Sorry
Cassandra: Ok lang, may gf ka na ba?
Francis: hmmmm wala dati meron
Cassandra: bakit anung nangyari?
Francis: Namatay sya, cancer, hindi ko alam na may taning na pala ang buhay nya
Cassandra: Aw sorry
Francis: Ikaw may bf ka na ba?
Cassandra: Dati meron pero ngayon may tinadhana na sa akin eh
Francis: Tinadhana?
Cassandra: Oo tinadhana
Francis: Hindi ko magets
Cassandra: papakilala ko sya sayo pag nakilala ko na sya

Parang nasaktan si Francis sa narinig dahil may "nakatadhana" na pala kay Cassandra

Francis: Ganun ba? sige aasahan ko yan ah, libre nya dapat ako
Cassandra: Hahaha bakit nagugutom ka ba pagkatapos nito kain tayo sa canteen
Francis: Hahahaha hindi yun ibig ko sabihin

Natapos na ang ginagawang research ni Cassandra lumabas na sila ng computer room ng makita sila ng prinsipal

Prinsipal: Hija, uuwi na tayo
Francis: Boss (salute)
Cassandra: Sige po tito, uy Francis salamat sa pagsama ah bawi ako bukas
Francis: Naku wala yun Cassey ingat kayo ah

Nauna ng lumakad si Cassandra ng maiwan sila ng prinsipal

Prinsipal: Siguraduhin mo lang Francis malilintikan ka sa akin
Francis: Boss naman, good boy po tayo dont worry boss kung bodyguard lang din eh kung gusto nyo po ako na lang
Prinsipal: Sige niloloko mo lang ako, nga pala bukas puntahan mo ko sa office may pupuntahan tayo
Francis: Sige po boss makakaasa kayo

At lumabas na rin si Francis ng school para umuwi
 
Re: Ms. High Class Princess meets Mr. Hopeless Romantic Updated (10/09/2013) PART 16

Paumanhin kung late ko ng i post ang bawat part kasi po late na uwi ko eh...nalalapit na rin po matapos ito...
 
Back
Top Bottom