Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Essay Saan Ka Ba Patutungo?

Isang umaga habang ako ay nasa harap ng hapag-kainan na humihigop ng mainit na kape at kumakain ng bagong lutong pan de sal ay bigla kong narinig ang sigawan sa kabilang bahay. Hindi ko naman gawaing makinig at makiusyoso, subalit nung pagkakataong iyon, hindi ko sinasadyang mapakinggan ang malinaw na boses ng isang galit na nanay habang sinisermunan ang kanyang anak na lalaki upang pumasok lamang sa paaralan.

"Napakawalang kwenta mong bata ka! Puro barkada at bisyo ang inaatupag mo! Hindi namin pinupulot sa kalsada ang ginagastos namin sa pag-aaral mo! Anong akala mo sa amin? Tiga-luwal lang ng pera pambisyo mo? Palibhasa wala kang iniisip na responsibilidad!" Iyan at higit pa ang binitiwan ng isang ina isang maganda sanang umaga para sa kanila.

Hindi na bago ang mga eksenang ito. Kung tutuusin wala pa ito sa mga nasaksihan ko. Hindi ito dapat maging tampulan ng panunukso at kahihiyan sapagkat ipinapakita lamang dito na malaki ang inaasahan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Pag-asang unti-unting nawawala bunsod ng napakaraming elemento sa paligid dala ng mga pagbabago sa ating panahon.

Karamihan sa mga magulang ay iginagapang ang kanilang mga anak upang makapagtapos ng pag-aaral, para maabot ng mga ito ang kanilang mga pangarap. Ninanais nilang maging makabuluhan ang mga anak nila sa pagpapabuti ng kanilang mga sarili, pamilya at maging ng sa ating lipunan. Hangarin ng mga ito na maging mahalagang sangkap ang kanilang mga anak sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay at pati na din ng sa bayan.

Subalit nasaan na nga ba ang mga kabataang minsan ay tinagurian ding pag-asa ng ating dakilang si Gat. Jose Rizal? Sila ba ang mga kabataang nagpapayaman sa mga negosyanteng nagma-may-ari ng mga video-han, ng mga computer shop na napakaraming computer games, ng mga bilyaran, at iba pang mga katulad na libangan? Sila ba ang mga kabataang pumupuno sa mga bar sa Malate at sa Libis? Sila ba ang mga kabataang maagang namulat sa mga bisyong tulad ng sigarilyo, ng alak at ng droga? Sila ba ang mga kabataang nabulag sa tawag ng laman at kahalayan?

Noong kabataan ko, masasabi kong hindi ko alam. Sino ba naman ako upang magmalinis at humusga sa mga kabataan? Inaamin kong ako man ay may mga kahinaan at pagkukulang. Ako man ay maaring nakasama din nila sa kung saan man ako itahak ng aking mga paa, sa kung saang lugar bumaling ang aking paningin. Tunay ngang nakalilibang ang mga ganoong uri ng gawain. Tunay ngang kakaibang damdamin at karanasan ang makukuha mula sa mga ito. Sino ba naman ako para tumanggi? Ano nga ba ang kaibahan ko sa kanila?

Muli, naalala ko ang galit ngunit malungkot na tinig ng isang ina ng umagang iyon. Pumasok din sa aking isipan ang pagod na mukha ng aking sariling mga magulang mula sa maghapong paghahanap-buhay, upang ako ay makapagtapos, makapag-aral ang aking kapatid at makaraos sa bawat araw. At sino din ba naman ako para saktan sila? Sino ako para biguin ang kanilang pag-asa kapalit ng mga panandaliang kasiyahang inihain sa aking harapan ng aking mapaghamong kapaligiran?

Sadya ngang napakahirap sumunod sa tuwid at balanseng panuntunang inilaan upang tayo'y maging mabuti. Napakakipot ng landas patungo sa katuparan ng magagandang pangarap, ng mga taong malaki ang pagtitiwala at pag-asa sa atin. Samantalang, 'di hamak na nakaaakit naman ang daang tinatahak ng nakararami. Napakalawak, napakadali ng paglalakbay. Subalit lahat ng pumiling tumahak sa landas na iyon ay pawang nangagsiligaw at nawalan ng tiyak na patutunguhan.

Maaari ngang pareho lang ako sa mga kabataan ngayon at wala akong ipinag-iba sa karamihan. Ngunit, ayokong maligaw at mawala. Ayokong lumuha ang mga taong nagmamahal at umaasa sa akin. Ayokong biguin ang aking mga magulang. Ayokong ikahiya ng aking bayan.

At sa pagitan ng pagtitiis o kasiyahan, ng pagsisikap o paglilibang, ng tama o mali, isa lang ang maaaring magwagi. Tulad ko, ikaw lamang, ang maaaring pumili. Kung saan ka patutungo, ikaw pa rin ang siyang magpapasya. At nawa'y sa bawat kapasyahan ay isaalang-alang, na ikaw pa rin ang pag-asa ng bayan.

http://circuitedsoul.wordpress.com/2013/11/13/saan-ka-ba-patutungo/
 
Last edited:

yung mga lines dito parang late wake up call sa akin.

iba ako mag isip dati e. di ko alam kung san ako patungo. than dreaming of a good career mas naiinggit ako sa mga tambay. yung pagkagising e wala inaalala. siguro dahil maaga akong naexpose sa trabaho o madmi lang akong rants talaga.

dumaan din ako sa stage na sakit ng ulo ng magulang at umabot sa pinalayas ako. nagmatigas ako. pero umabot sa puntong lalambot din pala.
narealize ko kasi na wala pupuntahan yung gusto ko. kaya ngayon, late na. nag uumpisa pa lang ulit ako.

good read. worth sharing
 
Last edited:
saan nga ba patungo? :(
salamat sa share TS. Kung marunong lang sana ang mga anak magappreciate ng mg bagay bagay, wala sanang nanay na kailangang sumigaw para lang malaman ng anak ang pagod at hirap na dinasanasan para makapagbigay ng magandang kinabukasan.
 
Sana ganitong mga kwento ang binabasa ng mga kabataan natin ngayon :thumbsup:

At proud ako na kung san man ako ngayon ay dahil sa guidance ng parents ko :)
 
maganda yung mensahe nito,tama si nichen mga ganitong tema dapat ang dapat basahin ng mga kabataan para kapulutan ito ng aral..
 
Naalala ko naman po dito 'yung pinsan ko na ayaw maniwala sa amin. Nagsisimula pa lang siya ulit matapos nyang ma-realize na wala siyang mapapala sa mga ginagawa nila ng mga kabarkada nila. Puro tambay. Hindi nakatapos ng pag-aaral. Puro bisyo.

Buti na lang may A.L.S. para may chance na makapag-college agad.

saan nga ba patungo? :(
salamat sa share TS. Kung marunong lang sana ang mga anak magappreciate ng mg bagay bagay, wala sanang nanay na kailangang sumigaw para lang malaman ng anak ang pagod at hirap na dinasanasan para makapagbigay ng magandang kinabukasan.

Minsan naman po kasi, nagrerebelde ang mga anak dahil sa pagkukulang ng mga magulang. PERO hindi 'yun rason para sirain nila ang sarili nilang buhay. Some of them have the money. Why not make the use of it? Study in a good school. Gamitin ang pera to LEARN at hindi para lang sa mga walang ka-kwenta-kwenta.

Hindi naman masamang makipagbarkada. Hindi din naman masamang gumala e. Hindi din masamang magka-bisyo, pero alam natin ang tama sa mali.

Sana ganitong mga kwento ang binabasa ng mga kabataan natin ngayon :thumbsup:

At proud ako na kung san man ako ngayon ay dahil sa guidance ng parents ko :)

And proud din po ako sa mga successful ngayon nang dahil sa kanilang mga magulang. :hat:

maganda yung mensahe nito,tama si nichen mga ganitong tema dapat ang dapat basahin ng mga kabataan para kapulutan ito ng aral..

Sana nga kapulutan ito ng aral. Some told me na one-sided ang gawa ko. What do you think?
 
Nalala ko tuloy nung nag-aaral ako. Inggit ako sa mga hindi kailngan magwork para makapag aral o yung mga hindi patigil tigil kasi kaya ng budget mag paenroll. Asar din naman ako pag ganun sitwasyon nila tapos nagbubulakbol. At nagpapasalamat ako na kailngan ko pag pawisan ang pangenroll ko kasi napahalagahan ko ito.

:thanks: for sharing. Nawa'y maging eye opener ito.
 
di naman siya "one sided" para sa akin, kasi kung babasahin maigi makikita mo naman kung anu yung pinupunto mo, (di ko lang sigurado kung tama yung nasa isip ko)
ang mga kabataan ngayon aminin na natin marami na ang naliligaw ng landas dahil nga sa mabilis na pagbabago nang panahon at pagsulpot ng kung anu-anong elemento na maaring magpalihis sa kanilang landas, marami na sa kanila ang hindi na naiisip ang sakripisyo ng mga magulang nila para maihaon sila sa sa pang araw-araw, para matupad ang mga pangarap nila, dahil mas nakatuon ang pansin nila sa mga barkada nila, mas may panahon pa silang gumala kesa ang mag-stay sa bahay para mag-aral, di masama ang pagkakaroon ng barkada basta ba alam mo kung hanggang saan ang boundaries mo,dapat kaya mong limitahan ang sarili mo..
Dahil sa huli ikaw din ang makikinabang at ang magiging pamilya mo sa hinaharap.

Kaya di ko makita kung panu nila nasabing one sided, siguro depende na rin yun sa tao kung anu ang naging dating sa kanila o pagkakaintindi nila sa gawa mo sir.pero para sa akin maganda yung mensaheng nakapaloob dito.
Gaya nga ng sinabi ni sir.mindfreak eh sana maging eye opener ito, lalo nasa mga kabataan ngayon.
 
At hanga naman po ako sa mga working student na tulad ninyo. Grabe 'yung sakripisyo para lang magamit sa wasto ang kinikitang pera at makatapos ng pag-aaral. Saludo po ako sa inyo! :salute:

Salamat po sa pagbabasa! :hat:

di naman siya "one sided" para sa akin, kasi kung babasahin maigi makikita mo naman kung anu yung pinupunto mo, (di ko lang sigurado kung tama yung nasa isip ko)
ang mga kabataan ngayon aminin na natin marami na ang naliligaw ng landas dahil nga sa mabilis na pagbabago nang panahon at pagsulpot ng kung anu-anong elemento na maaring magpalihis sa kanilang landas, marami na sa kanila ang hindi na naiisip ang sakripisyo ng mga magulang nila para maihaon sila sa sa pang araw-araw, para matupad ang mga pangarap nila, dahil mas nakatuon ang pansin nila sa mga barkada nila, mas may panahon pa silang gumala kesa ang mag-stay sa bahay para mag-aral, di masama ang pagkakaroon ng barkada basta ba alam mo kung hanggang saan ang boundaries mo,dapat kaya mong limitahan ang sarili mo..
Dahil sa huli ikaw din ang makikinabang at ang magiging pamilya mo sa hinaharap.

Kaya di ko makita kung panu nila nasabing one sided, siguro depende na rin yun sa tao kung anu ang naging dating sa kanila o pagkakaintindi nila sa gawa mo sir.pero para sa akin maganda yung mensaheng nakapaloob dito.
Gaya nga ng sinabi ni sir.mindfreak eh sana maging eye opener ito, lalo nasa mga kabataan ngayon.

Very well said Dude! Salamat sa pagbibigay ng iyong kumento. Somehow napapangiti ako sa tuwing may ganitong usapan.

Nakakagaan ng loob kahit na ang bigat ng nararamdaman ko. :lol:

Salamat muli sa pagbabasa! :hat:
 
Mahaba pero worth basahin, Simple pero malaman, nakatago ang talim pero nananatili ang talas. Sumasalalim sa realidad at pagkatao ng iilang tao. Sana mahiwa ang kabataan sa pamamagitan nito :salute:
 
Salamat po sa pagbabasa! :hat: Kung hindi pa ako nag-back read, 'di ko pa makikita ang iyong reply. :)
 
nasugat ako nung ma back read ko to. :)

good read idol . :thumbsup:

sana matalo ko na si katam para makapili din ako ng daan. :pray:
 
mabuti nalang hindi ako kabilang sa mga kabataang walang inisip kundi sarili lang nila :no:
hindi man ako nasabihan ng aking mga magulang kung gaano ang hirap nila, ako mismo sa sarili ko alam ko na kailangan kong pahalagahan ang mga paghihirap nila
nakatapos ako ng hindi nakagawa ng kahit anong kalokohan
hindi ko na enjoy ang high school at college life ko pero hindi ko yun pinagsisihan :yes:

kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang pribadong kolehiyo kung saan ibat ibang uri ng kalokohan ng mga estudyante
naroon ng mameke ng resibo, mandaya sa tuition fee at dagdagan ang presyo ng mga projects o tours
napapailing nalang kami pag madadaanan namin ang isang beerhouse ba ang tawag dun? :noidea:
mga naka uniporme pero mga sumusuka sa gilid ng kalye :slap:

habang tinititigan ko ang transcript mapapailang na lamang, ang dapat 4 yr course ay natapos sa loob ng 6 na taon
ang mga grado pilit na pilit pang maipasa :slap:

pag makatapos sila at magtrabaho, mag asawa at magkapamilya
sana sa pagkakataon na yun, makita nila ang kahalagahan ng hirap ng kanilang magulang :yes:

patawad ken ang haba ng comment ko :praise:
 
Salamat po sa pagbabasa! :hat: Sana makatulong ito sa'yo. :approve:

Sa pagkakaalam ko, lalo na sa mga estudyante na naka-uniporme at nagpupunta ng beer house e pwedeng mabigyan ng parang infraction. Yun bang community service or suspension. Nasa private school pa man din. :slap:

Nagdaan din naman ako sa pagiging estudyante, although matino-tino naman ako noon. :lol: Mahilig lang ding gumala pero kapag may mga projects na, una muna syempre yun.

Pero isa lang talaga nami-miss ko nung College ako e. Allowance. :rofl:

Anyway, hirap pa man ding maghanap ng mapapasukan na magandang trabaho, na bibigyan ka ng opportunity to grow.

Sana makatulong itong piece na ito para somehow ma-realize ng mga makakabasa na darating ang time na kailangan nating tumayo sa ating sariling paa, na kailangan nating maging responsable. Darating ang oras na pwedeng may sarili na tayong pamilya at kailangan na maganda ang buhay na maibibigay natin sa kanila.

Salamat nga pala sa pagbabasa at sa kumento. :hat:
 
At sa pagitan ng pagtitiis o kasiyahan, ng pagsisikap o paglilibang, ng tama o mali, isa lang ang maaaring magwagi. Tulad ko, ikaw lamang, ang maaaring pumili. Kung saan ka patutungo, ikaw pa rin ang siyang magpapasya. At nawa'y sa bawat kapasyahan ay isaalang-alang, na ikaw pa rin ang pag-asa ng bayan.

Ang tindi netong parteng ito sir. Ayos sa olrayt!!
Mahusay idol :))
 
Salamat sa pagbabasa! :hat: Nawa'y kapulutan ng aral. :)
 
Back
Top Bottom