Sampung bagay na natutunan ko sa mga nang ma-micro
Una, tamisan mo ang umpisa
kapag minahal ka na niya, iwanan mo na
Pangalawa, dapat maging kampante siya sa inyong dalawa
Lagi mo siyang titigan sa mata
Hawakan mo lang lagi ang kanyang kamay
Sabihin sa kanya na siya ang iyong buhay
Tsaka ka makipaghiwalay
Pangtalo, sabihin mo pagod ka na
Sabihin mo, naiinis ka na sa boses niyang nakakarinde
Iwanan mo siya sa ere
Pang-apat, sabihin mo hindi ito tunay na pag-ibig
Sukuan mo siya
Saktan mo pa
Panglima, ang linilipadan niyong langit
Gawing mong impyerno
Ang tamis niyong dalawa ay gawin mong pait
Ang magaan niyang pakirandam ay pabigatin mo
Pang-anim, lalo mong pagningasin ang apoy ng pag-ibig niya sa 'yo
Hanggang ang sarili niyang apoy ang sumunog sa kanyang pagkatao
Pangpito, sugatan mo siya 'yung matindi
'Yung makakalimutan na niya ngumiti
Pero bago 'yon
Pa-ulanan mo muna siya ng ilang libong motibo
Kapag sinabi na niyang "Mahal na mahal talaga kita"
Tsaka mo yurakan ang puso niya
Tsaka mo saktan
Tsaka mo saksakin ng mga salitang hindi niya magugustuhan
Pangwalo, 'wag na 'wag mo siyang ihanda sa wakas
Bitawan mo siya sa panahon hindi niya inaasahan
Kumawala ka sa bisig niya sa oras ng kanyang pangangailangan
Pangsiyam, alam mo namang hindi talaga siya handa sa wakas
Ikaw lang naman ang handa
Kasi sa una palang tinalaga mo na ang oras ng iyong pag-alis
Pangsampu, pero kung dumating sa panahon na hindi ka na naging handa sa wakas
Naging mahina ang puso mo na dating napaka-lakas
Na bigla mong inibig ang kanyang bawat detalye
Ang kanyang mata, buhok, kamay at ngiti
Bigla mong hinanap ang kanyang bisig
Na laging yumayakap sa 'yo sa taglamig
Balikan mo siya sa ere
Lumipad ka, hanapin mo siya
Buuin mo ang kanyang pagkatao
Na minsan nang dinurog mo
Mahalin, ingatan, yakapin, bigkisin, halikan, yapusin
Hindi pa huli ang lahat
Mahalin mo na siya ng pinaka totoo
Tamisan mo na hindi lang sa umpisa, gawin mo ng hanggang sa dulo

Last edited: