Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story [short story] Ilog

Nagmamadaling hinubad ni Tinoy ang natitirang tela sa kanyang katawan. Ayaw nyang mapag-iwanan ng mga kaibigang sabik na sabik na maligo sa ilog. Sinipat nya ang daloy ng tubig. Mabilis, mabaho, marumi, at malabo. Napako pa ang kanyang mata sa lumulutang lutang na patay na aso. Biktima siguro ng lasing.

"Tinoy! Ayan na si Mang Nestor!" sigaw ng isang kaibigan.

Dali-daling nagtago ang paslit sa pinakamalapit at kumpol ng batuhan. Nakalabas ang kalahati ng ulo. Hinahanap sa kanyang paningin ang imahe ng Ama. Nang masigurong wala, at nalinawang niloloko lamang sya ng kanyang kaibigan tsaka lamang ito umalma.

"Siraulong 'to!" maktol ni Tinoy habang tumatalon talon ang putotoy. Tawanan ang tatlo.

"Takot ka pala e!"

"Hindi!"

"Hindi daw? Para ka ngang general sa taguan e!" singit ni Roy. Tawanan ulit ang tatlo.

"Kayo ang takot! Kanina pa kayo nakatayo ayaw nyo pang tumalon!"

Nagkatinginan ang tatlo. Sabay-sabay gumuhit sa labi ang nakakalokong mga ngiti. Alam ng tatlo na siguradong dinig na naman sa baro-baro ang sigaw ni Tinoy habang ito'y nilalatayan ng kanyang Ama. Mahigpit kasi nitong ipinagbabawal ang pagligo sa Ilog. Ilang beses na syang nahuli ngunit wala pa ring kadala-dala ang bata.

"Pambihira! Yun lang? Sabay-sabay tayong tatalon kung hindi ka talaga takot," wika ng isa.

Tango lang ang sagot ni Tinoy. Dahan-dahang naglakad patungo sa ilog. Sinenyasan ang tatlo na handa na sya. Nagtatawanang sumunod ang tatlo. Sa bilang na tatlo, sabay silang tatalon.

"Isa.. Dalawa.. Tatlo!"

Malakas ang daloy ng ilog. Mabaho, marumi, at malabo. Mas malakas ang tawa ni Tinoy nang mapagtanto nyang nag-iisa na lamang syang umahon..
 
Last edited:
Paktay :slap:

Ayan ang napapala ng mga walang kadala-dala..

:more:
 
naalala ko lang yung kabataan ko sa ilog pasig :lmao: thanks reccipot!
 
Napapangiti ako habang bibabasa ko kasi nalala ko nung pinagtritripan namin yung isang barkada namin na madalas mapalo sa kalsada:lol:



:thanks: for sharing kapanalig!
 
sa kwento ko ako naman yung nahuli ng tatay ko naliligo sa ilog pasig :D thank you idol mf :salute:
 
iba ang dating kapag naaalala mo ang mga ginagawa mo dati :yes: lalo na kapag kalokohan :naughty:

wala paring kupas boss amphie :thumbsup::alright:
 
Kame ng mga pinsan ko naman ay iba ang sadya sa ilog,mahilig kameng mamboso sa mga naliligo at naglalabang mga kadalagahan sa bukal ahaha
 
Back
Top Bottom