- Messages
- 27
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
mahilig akong maglaro ng computer games . At sa paglalaro, hindi ito kumpleto kung walang sounds. Mas malakas mas rock kumbaga. Pero last several months nagsimulang maging sensitive yung ears ko sa mga matitinis at high pitch sounds. Para bang may hangin na kumakalabog at dumadaan sa loob ng tenga ko na minsan parang masakit sa ulo. Ninerbiyos ako noon at nagresearch tungkol sa kung anong meron sa tenga ko tas hindi ko naman sure kung yun nga . Simula noon itinigil ko na ang pagsusuot ng headset at pakikinig sa malalaks na sounds at ngayon, medyo nawawala na. Pero minsan bumabalik kapag napapasubo ulit sa sounds. Gusto ko sana magpacheck up pero mukhang okay naman eh. Btw minsan may naririnig akong parang tuuuuuuuuuuuuiit na high pitch sa tenga ko ( ung parang tunog ng machine sa namatay na pasyente sa hospital). wala akong ibang naririnig kundi un lang tunog na yu . Pero napakabihira lang nun . Ano kaya ito? ? Natatakot ako