Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Symbianize Literati: The Freewriting Thread ♥




577448_2721454054727_1808361163_1564982_1391145073_n.jpg


Banner by 16MinutesLate

Good day!

As part of the Symbianize Literati project we present to you the Freewriting Thread. :D here in this thread you're free to write anything :-) Syempre as long as it does not violate the Symbianize forum rules and regulations. It's one way to help you writers overcome writer's block--without worrying about editing, revising and all... basta sulat lang ng sulat. From the word itself free and write. :D


If you're not familiar with what freewriting is, here's a few tips and info:


What is freewriting:

Free writing is a prewriting technique in which a person writes continuously for a set period of time without regard to spelling, grammar, or topic. It produces raw, often unusable material, but helps writers overcome blocks of apathy and self-criticism. It is used mainly by prose writers and writing teachers.[1][2] Some writers use the technique to collect initial thoughts and ideas on a topic, often as a preliminary to formal writing.

[ Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Free_writing ]

Free writing is a simple process that is the basis for other discovery techniques. Basic free writing follows these guidelines:

1. Write nonstop for a set period of time (10–20 minutes).
2. Do not make corrections as you write.
3. Keep writing, even if you have to write something like, "I don't know what to write."
4. Write whatever comes into your mind.
5. Do not judge or censor what you are writing.

[ Source: http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing.html ]



Then freewriting results in a mess?

Yes, it certainly can. In fact, if your free writing is neat and coherent, you probably haven't loosened up enough. However, remember that you can't fail in free writing. The point of doing free writing is the process, not the end result. If you follow the guidelines, your free writing is successful.


The benefits of freewriting

It makes you more comfortable with the act of writing.
It helps you bypass the "inner critic" who tells you you can't write.
It can be a valve to release inner tensions.
It can help you discover things to write about.
It can indirectly improve your formal writing.
It can be fun.


Here's a sample freewriting exercise by our very own Padrepio (as posted in our Literati FB Hideout)

ok. im staring at my monitor reading cecille's post and ohmygulay i dont know what to say but it doesn't mean that i dont like her suggestion matter of fact i extremely like it however i think i know the reason why my togue is tied in a manner of speaking and it's because right now at this very moment i am thinking of something else soemething very very important a matter of life and death and that is why i can't even be bothered to put any commas and periods on my sentences grammar be dammned and yes spilleng be damned too what was i saying oh yes about something important and the gist of the matter is i csnt think of any response to cecille's post because right now the urge to sit on a white throne with a pool of water below it is very strong oh god what a relief


Another one from http://web.mst.edu/~gdoty/classes/concepts-practices/free-writing-example.html


well I'm sitting here at the key board and I really don't know what to write about it is too chilly in this building today age after we complained all summe about it being too hot - remind myself not to correct errors it's second nature to go back and change mistales mabee i should have written this example in long hand but then i 'd have to translate my hadnwriting I don't know how to wirt ehte link for the Shiki list renga I want ot constribute a link if I can I saw a bumblebee in sweet pea blossoms this morning and i think that would work bery well as an image but i havent got it worked out well i don't know how the bee relates to the blossoms is he hiding in them? is he . . . is he . . . is he . . . making a home there, no of course not bees don't live in blossoms and he's not hiding either I cont' thins bees hide what do yu thing? (i'm aware I, m going to post hthis and aware someone may read it which causes some inihinbition I couldn't rfind another aexample earier my typing isn't always this bads excuses excuses but freedom too mabeb my bee link can can can canc can canc what ? include refenerce to alley where we were aw=walking the dof? i mean dog of course he was buried stuck his head in nettles or something some kinf of weed groins gwo growing in the chain link fense below the sweet peas so may be I can put the fo dog in the link but it can't be more than 14 syllables which isn't very much to wirte I guess but thats renga for you I like the hokku that Dhugal posted "sparrows/erip aw I can't remember they erupt from trees but I think Paul Mena says what kind of trees and there's the third line :"a sudden burst of thunder" and did I remember that write i mean rite and anyway the bee going INTO the blossoms I think links nicely with the sparrows coming out of the rte trees and the thunder with the bee's presumed buzzing although I ididnt hear anything and maybe that would be something to include in the link do you think? henh henh henh I rhymed I did and the bees and the blosssom, ah the birds and the bees and the blossoms and the supposed old fashioned man to man talk a father had with a son but I was a farmboy and it's kinda hard to miss what a bull does to a cow and that's probably enough of that guess I won't spell chect this file hee ehee hee and what next what comes nesct I stiull have a minut or ssp these tehrt there awas and idea aobyut the bee and blossom link there but it's past o yeh the silence the of the bee, ie "the silence of the bee / in the sweetpea blossoms? yeh I think that;s it finish this mess and sebd send it to Dhugal and see how he lings likes it see there, free writing fdoses pay off I didn't not intend that reslult and it wasn't planned iethter so that's about it

Simple rules-- write to EXPRESS not to impress. No structures required. Just let the words flow... :D

Keep writing!


 
Last edited:
hay biernes na naman
kay raming nangyari halos lahat sila ay busy
so much to do but nothing was finished
even my story which i chose not to publish - baka marami na naman ang ma-offend

sorry sa mga girls na may pagka-conservative
sorry sa mga guys na walang humpay na magpantasya
sorry sa mga lurkers ng thread
sorry sa pagpapa-asa


my conscience is telling me to stop writing
stop my non-sense story telling
stop this lustful way of thinking, imagining
stop falling
and stop loving


forever alone na lang ang peg ko for life
di ko alam kung hanggang kailan
pero kapag pinalad, sisiguruhin ko na magmahal ng tapat

bow

out.
 
hi thread its been a while :D

nung sang araw ko pa gusto magpost dito kaso sa kabagalan ng symb sa dami ng naisulat ko nwala lahat :sigh:
at sa tingin ko ngbabalik na si symb sa dati nyang tikas :yes:
:welcome: back sayo! :megaphone:

yet.. before anything else..
im stuck with this gravitational issues.
dont know why..
i just kept on fallin and yet stuck on mid air
well i guesse thats life :D
dont bother :D


Muntik ko nang sabihin
Buti na lang ay napigilan
Maganda bang di mo na malaman
Napapanis kong lihim
Hanggang kailan ba pipigilan
Masama ba na iyong malaman

Paano kung tayo pa lang dalawa
Naiisip ko lang, naiisip mo rin kaya
Paano kaya kung tatanungin kita

Bakit hindi ka kapiling
Inaasam ang iyong halik
Matitikman ba ang tamis
Oh kay hirap aminin
Baka ang dati'y mag-iba
Ayaw ko lang na ika'y mawala


LSS lang sa song na yan :D
ive been writing since then.. its good to be back :giggle:
 
draft lang di pa tapos, pasensiya na thread kung magulo, me susubukan lang akong bago, pahabain mo pa sana pasensiya mo sa mga tulad ko

original.gif




it all starts with a happy story typical movie, yada yada yada, when boy meets girl one fine day, and after a while...boom


original.gif


you're hit of the realization that it's over

original.gif



kahit inaagiw na sa ala-ala, pilit pa ring binabalikan, kinahon at nasa ilalim ng kama, sa pagtulog sa gabi, bubuksan iaahon, di ko din alam kung bakit di maitapon

original.gif

ayan si kaibigan number 1 always positive

original.gif


si kaibigan number 2 exact opposite ni number 1

original.gif



at si number 3, ang riddler


original.gif


Pero pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng lahat ng okay blah blah, blah blah, blah blah blah, ano na nga ba?

original.gif


di ba pwedeng lahat tayo ganito sana?

original.gif


and then this...


original.gif


eventually....

original.gif


All that we felt...is gone

and I'll be like

original.gif





 
its been a month!

and I am enjoying my new life and work :)

I met new people, I laugh a lot each day, though its kinda toxic but this is what I want.

I love the athmosphere, the handsome bosses. the cool guys and gals plus the nicest lady bosses.

my decision was right, all the memories with my previous job I leave it all behind :)
 
anebeyen ..

umaasa parin ako :upset:
kelangan ku bang lakasan pa ang pag undog sa ulo ko pader para magising na ako sa katotohanan..
ndi nga ako ee .. at hinding hindi magiging ako :sigh:
 
"Iniisip ko na bakit ganito ang mundo? Ipinagkait ba ako nito? Bakit ganito ang aking nararamdaman? Nagugutom lang ba ako?"

Marami ang pumapasok na tanong sa isipan ni Sky. Tuluy-tuloy ang pasok nito, hindi ito kumakaunti. Masagot man ang isang tanong, may pumapalit na isa, dalawa, tatlo, o higit pang mga tanong.

"Bakit ganito ang aking kalagayan? Wala ba akong kasiguraduhan? Malamang ay oo."

Dahil sa mga tanong na ito, hindi na nagiging kampante sa sarili si Sky. Dumami ang mga tanong na nakakapagpababa ng loob n'ya. Humihina ang loob n'ya at hindi na ganoong mapakali.

"Ganito ba ang ginusto ng Panginoon sa buhay ko?"

Kung ating iisipin, mukhang wala nang pag-asa si Sky. 'Yun ang sa tingin n'yo. Sa bawat lungkot na kanyang nadarama, may ligaya na s'yang umaakibat sa kanya.

"Hindi magiging ganito ang laman ng isip ko kung lagi akong positibo sa lahat ng bagay. Wala akong dapat sisihin. Hindi ito ang ginusto ng Panginoon sa akin, gusto N'ya na ako ay sumaya. Sarili ko lang ang nagpapalungkot at nagpapahirap sa akin."

Karamihan naman sa atin ay nagbabago ang pakiramdam kung nagmamahal ng isang tao. Tayo ay nasasaktan o sumasaya.

"S'ya. Ang taong aking minamahal. Sa totoo lang, s'ya ang nagiging dahilan ng aking pagkalungkot. Dahil sa kanya, laging kumikirot ang aking puso. Puro negatibo ang aking naiisip, hindi ko na nakikita na ang taong ito ang dahilan para ako ay sumaya at hindi malungkot."

Dahil nga sa masyadong negatibo si Sky, hirap s'ya isipin ang mga positibong bagay.

"Masaya ako at nakilala ko s'ya. Parang kailan lang nung simula akong nagpakilala sa kanya. Hindi ko ine-expect na magmamahal akong muli matapos ang matagal na panahon. S'ya ang naging inspirasyon ko sa araw-araw. S'ya ang kinukuhanan ko ng lakas. Dahil sa kanya, nagkakaroong muli ng kahulugan ang aking buhay. Oo, hindi maiiwasan ang sakit, ang sakit na iyon ay dumarating upang tayo ay tumatag. Huwag tayong masyadong mag-assume ng kung anu-anong bagay. Marami ang namamatay sa maling akala, ika nga nila. Sa bawat sakit na aking nararamdaman, higit na tuwa naman ang nagiging kapalit."

Itutuloy . . .
 
matagal ko ng gustong magsulat para sa sarili ko, pangarap ko kasing makagawa ng isang kwento kahit short story pero wala e. sabi mag trial and error daw ako bagay na ginagawa ko naman at pinipilit kong pag tagpi tagpiin ang mga naumpisanahan ko na, ngayon sana balak kong dagdagan pa yung mga nauna kong gawa kaso nag r-rumble ang kung anong mga emosyon sa utak ko nagkatampuhan kasi kami nung babaeng gusto ko at tatlong araw ng di nagpaparamdam. nawalan ako bigla ng inspirasyon pero bakit ganun kaylangan ko ba talaga ng inspirasyon para makapagsulat ako? eh sa tet lang naman kami magkakilala, ewan ko nga rin ba bakit ako angkagusto sa kanya e sa picture ko lang naman xa nakikita sa at telepono nakakausap. posible ba yung mga ganun? magkagusto sa taong di mo pa nakikita? isa lang ang alam ko sa mga oras na to kaya di ako makausad sa pagsusulat ko dahil sa kanya, malaki naging epekto nya sa sistema ko.

ang sarap uminom ngayon maglasing ng onte tapos natulog. gusto ko ako lang magisa ayoko ng maingay ayoko ng may kainuman.
 
im sitting here alone, then naisip ko ung buhay ko, have i lived my life the way i imagined when i was younger or sumabay na lang ba ako agos ng buhay, may mga times na iniisip ko bakit ganito bakit ganun pero isa lang naman lagi sagot ko walang ibang gumawa nug buhay ko kundi ako, dahil nga tao lang ako marami ako mali cguro mas madami pa sa naging tama ko, tuwing matutulog ako sinasabi ko sa sarili ko, bukas sana maganda naman mangyari sa buhay ko. sana ung mangyayari bukas eh ung mga naimagine at pinangarap ko nung bata pa ako. but never in my mind na inisip ko na bumalik dahil as my life drags on kahit konti lang naman ung mga masasaya, at least ung mga masasayang times na un mas madali alalahanin kasi konti lang kesa sa bad times, nyt guys, its my first time to share here, have a nice day or nice evening god bless
 
nakakainis, nakakapanghina, nakapanghihinayang

di ko alam kung anung meron ang 2013 bakit?

January napakasmooth lahat nang bagay masaya akong napapasaya siya sa mga simpleng text messages, pambobolang tawagan sa magdamag at last isinilang ang nauusong call sign na "bee" nung una akala ko nawrong sent lang siya pero di pala wrong sent yun,dahil alam ko may manliligaw siya at yun ang tawagan nila, kaya laking gulat ko nang ako ang tawagin niyang "bee" korni?.oo kahit ako aminadong namaisan sa ganung tawagan,pero sa isang parte ng pagkatao ko,masaya ako dahil alam ko abot tanaw ko na lang siya.
Febuary kung saan umulan ng chocolates at red roses, nung mga araw na yun nakaitim ako at balak magkulong sa bahay pero isang tawag lang "bee,kita tayo sa astro park." pagkabasa nun parang kabilang kwarto lang ang nasabing lugar at nandoon na kaagad ako,nung araw na yun nakatanggap ako ng isang matamis na "bee, i love you and happy valentines day".
March akala ko di na darating ang doomsday pero nagparamdam siya sa buwan na ito ang siste ay may kakilala ko din pala ang mastermind ng doomsday na yun.
April palang pero november na sa akin ng iwan niya ako at masama ang loob sa akin sa mga bagay na di ko alam ang dahilan,isinisisi niya ang bagay na di ko magagawa at yun ay ang magmahal ng dalawa sa isang pagkakataon, bagay na kinaayawan ko sa lahat kahit kaibigan ko ang may gawain nito pinangangaralan ko silang magtinu at wag puro sarap at pasakit ang gawin, pero ito ang balik nila sa akin. :(
Mayo ngayong buwan nabalitaan ko iniwan din ang bubuyog ko at inalisan ng pakpak..
Wala ba akong karapatang magalet? Hay napahaba ata post ko dito :weep: kailangan ko lang mailabas ang sama ng loob ko.
 
"Wala na akong maramdaman. Namamanhid na ako. Sadya ngang ipinagkait ako ng mundo. Wala na akong magagawa, sobrang nasaktan ang aking puso. Sana hindi na lang ako nagkaroon ng pakiramdam. Ayoko na masaktan pa. Ayoko na."

Wakas . . .
 
It's been a year na puro heartaches ang pinopost ko dito. :lol:

Pero ngayon I want to talk about happiness. :-)


Sobrang nagpapasalamat ako sa mga sunud sunod na blessings na natanggap ko this year... kabaliktaran ng mga nangyari sakin last year. :-)


Akala ko imposibleng maging masaya ulit, pero hindi pala... :-)


Madalas niyang sabihin sa akin na ako daw si Tori...
Yung liwanag na dumating sa buhay niya...
na may mga nasasabi ako sa kanyang hindi pa raw niya narinig sa kahit na sino...
na simula ng nakilala niya ako,
marami siyang natutunan para ibalik yung
mga bagay na palagi at gusto niyang ginagawa..


Eh ano bang ginawa kong kakaiba?
Sinabi ko lang naman yung totoo.
Na hindi kailangan matakot sa pagkakamali...
na minsan nadin akong nagkamali...
na hindi kailangan maging perfect para matanggap ka ng tao..
at sayang ang potential pag hindi magagamit...


Hindi ko alam na sa mga simpleng salita ko,
may impact na pala sa kanya...
sa buhay niya...
to think na nakakarelate lang naman ako
sa mga napagdaanan din niya.


Ngayon kung ipagtatagpi tagpi ko lahat...
siguro plinano na ng Diyos na pagdaanan ko
yung mga nangyari.. para a year after, maging
'liwanag' ako sa napagdaanan din niya.
(kahit na sa tingin ko, wala naman talaga akong
nagawang special.. sinabi ko lang yung totoo..
pero ewan ko, yun ang madalas niyang sabihin sa akin.)


Oo. Madalas niyang sinasabi na maswerte raw siya sa akin...


Pero kabaliktaran ang alam ko,
ako ang pinakamaswerteng girl sa buong mundo..


Ay mali.. Hindi.. Hindi lang maswerte..
BLESSED ako na kahit basura na ang tingin ko sa sarili ko
at ng ibang tao, tinanggap pa din niya ang nakaraan ko.

Na kahit hindi na perfect, nakikita pa din niya ako
na parang liwanag na nagbigay buhay sa kanya
at ginto na binibigyan pa din ako ng halaga.


Blessed ako na nakilala ko siya, na masasabi kong rare
sa karamihan ng mga lalaki ngayon..
Yung nagagawa parin irespect ako..
nagagawa maghintay at paramdam sakin na hindi siya mawawala.


Malapit na ang June..

Nabobother ako na baka mawalan ako ng time pa lalo sa kanya..
Pero sa halip na idiscourage niya ako mag-aral ulit,
siya pa yung naging inspiration ko para tuparin ang mga plano ko..


Madalas niyang sabihin
"Mela, ipasa mo yan.. mela, mag-aral ka ulit..
kapag nakatapos ka, walang mawawala. Nandito lang ako.
Pag hindi mo yan ginawa dahil lang sakin, pagsisisihan mo.
Wag ka mag alala magsstay ako. Maiintindihan ko."


Well sorry kung may mga pagkukulang ako..
Pero salamat.. kasi mas naging meaningful yung mga ginagawa ko
dahil nandyan ka as one of my inspirations. :) hehehe..


Hehe I'm just thankful... I have nothing more to ask. ♥
Just wanna thank Him for everything dahil binigyan niya ako ng
second chance to make things right..
At instead na magalit Siya (God) sa mistakes ko,
inulanan niya pa ko ng blessings.. :-)

Bagong work, chance na mag-aral ulit,
makulay na lovelife, at masayang family.. hehehe..
ay meronpa.. pati pa pala family ni bf.. na tanggap din ako. :)


Well ayun lang. Hehe.. Happy lang. :) :)
 
Good Day sa inyong lahat!


So far, ayos naman ako. Wala munang hinanakit. Wala pa akong mai-share e. :laugh:


Malapit na palang ma-expire ang kontrata ko. Less than 2 months na lang.


May panibago kayang contract or tanggal na? :think:


Bahala na si Batman! Sama na din si Robin! :lol:


Madami na din akong natutunan simula ng mapasok ako dito last August 2012.


Sino ba naman ang mag-aakalang magtatagal ako sa work na ito.


Napunta na din ako sa iba't-ibang lugar tulad ng Nueva Ecija, Tacloban, Southern Leyte, Davao at Davao Oriental. Nakakatuwa din ang mga experience ko. Kung aalis man ako sa work na ito, at least nag-enjoy ako. :happy:


Well, maghahanda pa pala ako para sa pag-pull out. 20 mins. to go bago kami umalis.


Bye-bye muna dito. Na-miss ko din itong thread na ito. :D
 
Ito ako, nakaupo, kaharap ang laptop at nagta-type ng mga nasa isipan ko. Nakikinig ng
nagsasalita sa TV.

"Uy tungkol sa mga katutubo ang palabas!"

Ang sakit sakit ng aking pisngi. Hindi ganoong tumatalab ang biogesic. Ayaw naman ako
painumin ng alaxan at masama daw. Grabe ang sakit sakit na talaga ng pisngi ko. Grrr!

"Ang liwanag dito salas."

Hindi ko tala gusto ang maliliwanag na lugar kapag ako lang mag-isa, pero kung maraming
tao, ok lang. Kahit ganitong kawalang kwentang bagay ay pinapansin ko. Weird.

"Sakit pa ng ulo. Kawalan ng gana kumain. Oh bakit?!"

Hindi pa rin nawawala ang sakit ko simula nung naulanan ako (sa totoo lang nagpaulan ako
kasi gustung-gusto ko talaga magkasakit). Gusto ko magpahinga lang, mahiga, magkaroon
ng piece of mind. Ayoko mapurga sa gamot pero parang ito na rin ang nangyayari.

Kahit pa gusto ko magkaroon ng piece of mind. S'ya at s'ya na lang ang lagi kong naiisip.
Kahit nahihilo na ako, nandito pa rin ako kahat ng laptop ko, tinititigan ang profile n'ya sa
symbianize at sa facebook. Binabasa ko ang mga post n'ya sa mga threads. Ang stalker lang
ng dating ko. Hindi ko maiwasan na hindi ito gawin.

Kapag tinititigan ko ang kanyang litrato, gumagaan ang pakiramdam ko, parang wala na
akong sakit pero sa kabila nun, nakakaramdam din ako ng kirot sa puso.

Knowing na friends na lang daw kami, sadyang nawasak ang mundo ko, niyurak ng mga
salitang iyon ang puso ko. Sinabi ko sa sarili ko na ayaw ko na pero hindi ko kayang hindi
s'ya kausapin.

Attached na nga siguro ang puso ko sa kanya.

"Teka kung anu-ano nanaman itong sinasabi ko. Uy, tapos na yung palabas sa TV."

Makapagpahinga na nga lang. Ang sakit pa rin ng pisngi ko. :cry:
 
Madami din akong nabasang kwento ngayon. Hopefully ma-apply ko sa mga future works ko ang mga puna at mga natutunan ko sa pagbabasa.


Paano ba naman ako mag-i-improve kung titigil ako sa pagbabasa at pagpa-practice.


Sulat-sulat din sa notebook kapag may time.


Type-type din kahit puro drafts.


Isip-isip din para pumasa sa sariling panlasa.


Madaling makaisip ng kwento.


Mahirap kapag ginagawa na ang kwento.


Kailangan ko pang lawakan ang isipan ko.


Kailangan ko pang magbasa.


Magbasa...


Magbasa...


Magbasa!
 
hindi ako mag iingay ngayon kahit na may dahilan ako para mag ingay :lol:

bakit nga ba?

basta secret :giggle:

teka bawal excited :punish:

makikita na lang siguro nila kung bakit ako mag iingay, :lol:
 
Kakapagod ding maghinang.


Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng mga connectors kaya hinang-hinang din kapag may time. :lol:


Supply naman ang mga connectors and cables. Kami lang ang bahalang gumawa at maghinang ng sari-sariling kable.


Wala namang pull-out kaya ginamit ang pagkakataong maghinang.


Teka, puro pala paghihinang ang sinasabi ko. :laugh:


Kakatuwa ding maghinang.


Nakakaadik ang soldering lead dahil sa aking paghihinang. :rofl:


Ayy naku pahinga na sa paghihinang.


Habang tumitipa eh paghihinang pa din ang nasa isipan. :lol:
 
nakakatuwang isipin na ang talento ng kapwa tumataas sa kapwa pilipino . Sa mga banyaga ba, makakasabay ba tayo? UU, takot lang ang pilipino na makipagtagisan ng ideya sa iba, mas gugustuhin nila makipagsalaparan sa kapwa pilipino para tumaas ang antas, sa bandang huli, kung makikipagsabayan sa banyaga, natatakot...

Para sa LITERATI, sundan ang mga huling nilingbag ko pagkatapos ng mensaheng ito. Gusto ko ipabatid sa inyo (kayo ay may kakayahan) at sa pilipinong nais magsulat na may potensial tayo, natatakot tayo. Sa ganid ng pagkatakot, kinakalaban natin ang kapwa pilipino, nakakatawa diba. Padre Pio, inaasahan ko pagkatapos ng USAPAN HAYOP, magkakaroon kayo ng paligsahan para ipamalas ang kakayahan ng kapwa pinoy sa pagsulat na ginagawa ni DAN BROWN, nakikita ko na malaki ang potential ng ilang miyembro ng LITERATI para makipagsabayan sa iba.

(Di ko hangad ang makipagtagisan ng talino, bagkus, nais ko ipabatid sa Pilipino na hindi lamang sa pagiging HACKER ang kakayahan natin, mas maalinghaga ang LITERATURANG PILIPINO.)
 
Good thing ay may nag-reply. May mga naisip pa akong gustong sabihin.


Malapit na palang matapos ang aking kontrata. 5 weeks na lang ata.


Sino ba naman ang mag-aakalang tatagal ako sa trabaho kong ito?


Sino ba naman ang makakapag-isip na kinaya ko ang hamon na ito?


Sino ba naman ang maghihinalang madami akong natutunan sa trabaho kong ito?


Teka, sino nga ba ang dapat kong tukuyin sa mga tanong ko? Assuming lang ata ako. :lmao:


Hindi ko alam kung magpapatuloy pa ba ako o good bye work na.


Hindi ko alam kung may panibagong contract signing na naghihintay.


Hindi ko alam kung pinasa ba ako ng mga nakatataas sa akin.


Ang dami kong hindi alam! Kainis! :laugh:
 
"Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay. . ."

Kapag ganitong umuulan ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-anong bagay. Yung
mga bagay na hindi mo kayang isipin kapag maaliwalas ang panahon.

Para bang nakikisama ka sa kadramahan ng langit.

*Sa patak ng ulan na maihahalintulad mo sa luha sa iyong mga mata.
*Sa kulog nagsasabing naririyan lamang ang mga problema.
*Sa kidlat na sakit na iyong nararamdaman.
*Sa itim na mga ulap kung saan ang laman nito ay mga negatibong ideya ukol sa buhay.

Sadyang nakalulungkot kapag nakikita ko ang langit na malamya. Hindi ko tuloy maiwasan
ang mag-drama. :sigh:

--------------------------------------

Ay potek! Butas nga pala kisame namin, natulo ang tubig! :panic:
 
Nakakatuwa lang talagang isipin...


Ano naman kung dalawang taon ka na sa kumpanya nyo?


Ano naman kung madami ka ng nagawang projects?


Ano naman kung twice ka ng na-promote?


Palagi mong tatandaan, ang isang buwang sahod mo, pang-kinsenas ko lang kahit ilang buwan pa lang ako sa trabaho ko! :laugh:


Ayy teka, parang ako ang nagyabang ah. :lol:


Nakakatuwa lang na sulit ang pagod ko sa bawat overtime sa trabaho.


Matatapos na nga lang ang kontrata ko. :sigh:


Puro kontrata. Puro kontrata. Puro kontrata!


Makahanap nga muna ng panandaliang work. 'Wag namang pansamantagal. :lol:
 
Back
Top Bottom