Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Taym Matsing (250 words challenge)

Lahat ng lente ng kodak ay naka-abang. Lahat ng mata ng sambayanan ay na sa kuwadradong kahong nagbibigay kaalaman. Mismong ang Pangulo ng bansa’y hindi na mapakali sa kaniyang inuupuan. Lahat ay naiinip habang nag-aabang.

Taong 2020 nang naimbento ang aparatong kayang maglaro ng oras. Kauna-unahan sa mundo, ng isang pinoy na henyo. Si Art, bilang isang imbentor, siya na rin ang naatasang sumubok. Iisa ang kanyang misyon simula noong umpisa. Walang iba kundi hanapin si Hesus Kristo.

“Mr. President!” wika ng alalay ng pangulo, “Nagsimula na ang paghuni ng aparato!”

Palatandaang pabalik na si Art sa kabihasnan. “Ihanda ang media!” utos ng Pangulo, “At ang kape ko’t maintenance!” kasabay ang pagsilip sa kanyang bank account. Napangiti nang biglang tumaas ang mga numero.

Umilaw ng pagkalas ang aparato. Nanginig ng ilang ulit bago nito iniluwal si Art. Lahat ay tulala. Lahat ay hindi makapaniwala. Kasabay ng paglabas ni Art ang isang lalaking may kahabaan ang buhok at putting puti ang suot.

Batid sa itsura ng dalawa ang tila hirap na dinanas. Kung anumang nangyari’y wala ni isang nakaka-alam. Dahan dahan silang naglakad sa nag-aabang na entablado. Sa harapan ng mga taong noong umpisa’y mga kritiko. Akay nya sa kaliwang kamay ang lalaking walang pangalan at nagsabing..

“Mga kababayan! Na sa harapan ninyo ang taong maraming ulit na naglaro sa ating mga isipan!”

Nagpalakpakan ang lahat. Nagkaluto’t umusbong ang masigabong sigawan.

“Siya! Siya si Hesus!” matapang ang kaniyang tinig.

Bumulong ang lalaki kay Art, “Sir, dagdagan mo talent fee ko ha..”





:naughty: :naughty: :naughty:
 
Tatak amphie ang obra! hehe. Ang galing. Ang bilis.
 
pahiram ako ng time machine :hyper:
buong buo ang kwento sa napakalimitadong salita :thumbsup:
 
ano ba ang dapat gawin upang maipahiram ang time machine :naughty:
 
Kaya pala taym matsing,monkey bisnes pala. Akala ko time matching hehe.. Napapanahon to kasi mahal na araw,napapanahon din ang kalokohan kahit mahal ang araw! Mahusay --- malabong hindi makasabay,baka hindi masabayan,maaari pa!
 
:wow: Ang galing ng pagkagawa. :salute:
 
Back
Top Bottom