Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

The first Place i'd rather be... The last Place i'd like to be... (something I wrote)

The first Place i'd rather be... The last Place i'd like to be... (something I wrote)

Just something that got out...

Well, actually some "things". I'll be using this thread to write my poems,
hoping somebody might like them.

Hmm... the views tick on. I wonder if someone really reads this. ^__^

yay, so glad somebody likes the poems. Thanks po!

I'll do my best to make more.

EDIT:
Well since I managed to make more after 2 years It's time I made things a bit simpler to look for.
 
Last edited:
Re: The first Place i'd rather be... The last Place i'd like

Cool man. :approve:
 
Re: The first Place i'd rather be... The last Place i'd like


Liwanag

Madaming nasisilaw sa liwanag ng araw
At sa init na kanyang binibigay
Sinusundan mula silangan papuntang kanluran
Huwag lang silang magkahiwalay

Sa kabilang dako naman, makikita ang buwan
Kumpara sa araw ay tila matamlay
Maliit at duwag, nanghihiram ng liwanag
Para sayo ay maibigay.

At pagsapit ng gabi pag lumisan na ang araw
Sa gitna ng madaming bituwin
Buwan na lang ang natira para di ka mag-isa
Sa gitna ng lamig at dilim.

At kung iyong iisipin, ito ay maihahambing
Sa isang malungkot na trayangulo
Kung saan ang araw ang iyong iniibig
Ngunit lalo kang iniibig ng buwan na kaibigan mo.

At kahit ako sayo'y buwan, wag mo sana kalimutan
Ang pangako ko sayo
Sa gitna ng kalungkutan, kahit ika'y kanyang iwanan
Ako'y nandito para sayo.
 
Nice work TS..
Sa tagal nating nagkakadaupang palad ngayon lang ako nadaan dito..
Pasensya na.. :rofl:

Keep it up! :thumbsup:
 
Ok lang po kumopya boss, pero kahit kailan hindi tatalunin ng salita ng iba ang salita mo. Kung gusto niyo po matuto gumawa ng tula madami po willing tumulong dito sa Symb. Sa Literati lang din ako natuto magsulat. Try niyo po magsulat minsan, mamamangha po kayo sa sarili ninyo.
 
Ansabe

Sa kaliwa ang tingin hindi sa kanan.
Wag ka nang pumulot pag 5 minutes nang nandiyan.
Wag mo isubo lahat, baka ka mabulunan.
Wag mo nang sagutin kung iyong iiwanan.

Sa kaliwa ang tingin pagkatapos sa kanan.
Uminom ka ng alak kung gusto mong mamulutan.
Walang mangyayari kung di mo susubukan.
Kasal ng tikbalang pag may araw at umulan.

Sa kaliwa ang tingin, mali yung sa kanan.
Malapit na daw, naliligo pa lang yan.
Pag natulog ka sa hapon, tatangkad ka niyan.
Hindi yan kukulo kung iyong babantayan.

Sa kaliwa nga ba ? Bakit di sa kanan ?
Saan ba nanggaling ang mga kasabihan ?
Sino ba ang umimbento ng mga iyan ?
At bakit ko kailangan sundan ?


 
sanki:yipee: ikaw ay nagbabalik! at may pasalubong pang amazing treat!

:thanks: sa pagshare ng gawa mo sa kaliwa.
 
ang galing galing..

haha malamang kaliwete?

madalas ko din itong itanong :)


panibagong stimulus nanaman.. keep it up idol :hat:
 
Para, saan ?

Ako'y pinasulat, ng isang tula,
ako ay nagulat, sa bigay na paksa.
Pag-ibig na tunay. Pag-ibig na wagas.
Ako'y nanamlay, kalamnan nanigas.

Aking naalala, isang binibini,
Aking nakilala, sa sinakyang jeepney.
Ngiti niya'y nakaka-akit, at ako'y napasabi,
sana ako'y makalapit, maupo sa 'yong tabi.

Ako yata'y narinig, bigla siyang tumingin.
Di maiwas ang titig, ako'y biglang naging alipin.
Kahit ano ang kanyang utos, aking susundin.
Kahit pagtawid sa unos, ay aking nanaisin.

At nang siya'y bumaba, ako nga'y napasunod.
At nangangatog pa nga, ang aking mga tuhod.
Siya'y aking tinanong, ng kaniyang pangalan.
May pag-asa pa ba akong, siya'y muling masilayan.

Siya ay nangiti, pangalan niya'y binigay.
Puso ko'y napasigaw: "Oh my gulay !"
Pagkatapos niyang sabihin, ang pangalan niya'y Clarise
Ako'y nagpasalamat, at bigla nang umalis.

Pag dating ko sa bahay, ako ay naghanap.
Sa Facebook, sa Google, sa Yahoo, sa WhatsApp.
Saka ko lang naisip, ang aking katangahan.
Alam ko nga ang kanyang pangalan, ang apelyido di naman !

Kaya't sa tulad kong hindi hokage, sana inyong matutunan.
Humingi din ng phone number , at hindi lang pangalan.
 
more..............................................................................
 
Ang Tanga

Ako'y may nakita na isang dalaga,
Ang kanyang kagandahan tunay na kakaiba,
Bawat tibok ng aking puso'y nabihag niya,
Ang aking pagiisip tila alipin niya

Ngunit ako'y nangamba sa aking kalagayan
Kailangan ko ring maging imahe ng kagwapuhan
Walang babaeng nagkagusto sa isang kawayan
Bumabaluktot sa hangin at walang laman.

Ako'y nagsumikap na baguhin ang sarili,
lahat ginawa para sa bagong imahe
at nang ako'y ganap nang matipunong lalake,
saka ko lang nilapitan ang magandang babae

At ang katapusan ng aking istorya,
Ay sadyang sapat para sa isang tanga,
Pagkat sa tagal ng panahon na ako'y naabala
Ang aking iniirog ay nabulag na.
 
Back
Top Bottom