Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story The Misadventures Of Marley

Status
Not open for further replies.
Chapter 1: Pay attention!!!

“Miss, paki-suot ang ID.”

“Ay, sorry po.” Sabi ko sa guard ng bago kong school. Hinga lang malalim, wag ka masyado kabahan. It’s just school… five times the size of your old one.

*gulp* Ano ba, takutin ba ang sarili?

Yes, I’m the kind of girl na may inner monologue, lahat naman ng tao meron nyan e, yung sakin lang mas maingay at mas opinionated.

I’m Marley Zamora, 17 years old, College freshman. And if you’re wondering - yes, I was named after THE Bob Marley, my parents are music addicts. As in lahat na yata ng klase ng instruments meron sa bahay, which works especially para sa tatlo kong Kuya. Ang panganay naming si Kuya Dylan (Bob Dylan), Pangalawa si Kuya Jim (Jim Morrison) at si Kuya Zep (Led Zeppelin). Ayos na rin pangalan ko, cool pakinggan e – kahit na I’m so NOT cool. Muntik pang maging Cat ang name ko (Cat Stevens) or Janis (Joplin).

I had earphones on sa right ear lang para I can still hear the chatter around me. Ang aga ko dumating dito sa school so nag-observe muna ako sa paligid. Benedict College is a semi-catholic school, semi-catholic kasi although they have mass every first Friday of the month (like my old high school) they don’t ask all the students to attend. You’re free to attend if you want to. Hindi kagaya ng dati kong school, pwersado ka umattend at kumanta (ng malakas) sa misa, kabisado ko rin ang books ng bible (ginawan ko pa ng tono yan, parang song para di ko malimutan), walang klase pag feast day ng Patron Saints ng school namin, may program at kung ano ano pa. At syempre may rosary kada umaga. “Praised be Jesus and Mary” ang linya naming pag mag-ggreet ng teachers. Hard core Catholic school girl ito.

Anyway, Benedict College allows students of any religion to enroll here. Ayun oh, dami Koreans!
Medyo old school (teehee), I mean old ang school na ito. The design of the building is based on the church that is in the center of the school. Old brick stones like the ones in the church were used to construct its façade. It’s tall and regal, with concrete Greek-inspired pillars that give the school the sosyal and mamahalin look.

Bene (as it’s more popularly known) is in the middle of Manila now pero dati sya lang ang nag iisang brick structure sa lugar na ito. What once started off as a charity Sunday school for little children grew into a full-fledged College sitting on a 10-hectare land. It’s a good feeling na makapasa sa isang prestihiryosong eskwelahan na kagaya nito. After all, I have been working towards this my entire high school life.

Sa wakas, nakarating rin sa aking bagong classroom. Good thing, hindi ako naka-block section, mas maapreciate ko ang ganda ng aking alma mater. Naks. Finally, Room 203 – silip muna tayo, Marley. Sus, bago pa makarating ng 1st period nakapag-chikahan na kami ng kunsensya ko ng bonggang bongga.

Ahem. Eto na ang isa sa mga pinaka-importanteng desisyon sa buong college life ko. WHERE TO SIT???

Nagstay muna ako sa pinto sa likod na part ng classroom to observe, may sampung tao na nandito sa classroom:
1. Ang mga “henyo” nasa pinaka-unahan nakaupo. The smart and nice people, by nice I mean okay naman sila kausap wag mo lang sila tanungin ng sagot nila sa assignments at wag na wag kang mag-aattempt na kopyahan sila sa exam. Hihihi.
2. Ang mga Friends for life nasa side ng bintana. Usually, sila yung mga galing sa iisang area, usually province at magkakaibigan na simula’t sapul. Ayaw na maghiwahiwalay e.
3. Ang mga trying-to-be-cool kids, na sa likod nakaupo, kasama ng mga “mayaman si mama/papa, pwede akong umulit”. Hehe. Joke lang.
I decided to play it safe, sa may bandang gitna na lang, keeping my options open to either left or right seatmates. I’m so smart. Ugh.

“Hello.”

“Hi.” Automatic reply ko sa biglang tumabi sa akin sa kanan. Aba, ang girl na ito napaka-ganda. She’s everything I’m not, maputi, slim, matangkad at
mahaba ang buhok.

“I’m Nina. Short for Dynina. I know it’s a weird name. Don’t ask.”

“Uhm, I’m Marley. As in Bob Marley.”

“Sino???”

“Uh, wala.” Hindi ko ine-expect na lahat may kilala kay Bob Marley, pero automatic na reply ko yun pag may nagtatanong ng pangalan ko. Old habits.

“Wait, may boyfriend ka na ba?” Tanong ni Nina.

“Uhm. Wala.”

“Ah ganun, okay lang yan. New school, new people. Marami ka makikilala dito na guys, gawin nating project yan – wanted: Boyfriend for Marley”.
I hate that I know what people thought of her nung High School, most High School girls were very judgmental, and they probably call her a “slut” behind her back just because she was honest. What I like about her though is that mukhang wala syang pakialam, I mean, she just met me. But she would say such things.

And on and on she droned about her “older” boyfriend. She wants to seem mature siguro for being with an older guy. But all in all, she’s nice. I made by first
College friend. Yay to me.

All the other students came in, taking their seats (making big decisions), to my left a petite girl sat. Cute rin sya, pero mukhang malupit ang mananahi nito’t hapit na hapit sa kanya ang uniform. It’s the first thing I hate in this school – damn uniforms. Her name’s Kat and she’s from Taguig! She’s too arte but she seems nice enough so it’s all good.

After an entire day of orientations and introductions, my first day ends. Byahe na lang pauwi ang iintindihin ko. Syet. Ang layo ko pa. Oh well…

I was on my way home when I noticed guys na nakatambay sa parking lot. Chinese guys. Gaganda ng kotse, mukha nga lang sloppy with their polo’s open showing their undershirt. Enebeyen. Kakatingin, nabangga tuloy ako sa isa pang student.

“Ay pucha”

“Ow”

Sabay naming sabi. At napatingin na ako sa naka-sumo wrestling ko.

Jusko, ang tangkad.

“Sorry” Automatic response ko.

“Sorry rin” Sabi nya. Dun ko nakita ang mukha nya, aba ka-pogi. Chinito, maputi at in fernez hapon na mabango pa.
Feeling ko umaakyat na yung dugo ko ulo ko kasi nakatingin sya sa mukha ko. Escape! Escape, Marley! May kaengotan ka masasabi kay pogi, go go go!!!

“Sige, bye!”

“Bye!” sabi ni pogi.

Ang puso ko kabog-kabog pa rin hanggang sa bus. What an end to my first day.
 
abangan ko next chapter neto ts mukhang maganda.
 
Chapter 2: Kala mo lang wala, pero meron, meron, meron!!!

Eto na!!! Muntik na ako ma-late sa unang class ko. Lintek na ulan yan.

Syempre, dahil late ako may nakaupo na sa tabi ni Nina – guy, cute. Si Nina naman parang walang boyfriend kung makipagchikahan. Haist. Ganda problems.

So I sat sa may likod na part na, lapit sa pinto. Our professor came in after 2 minutes.

“Okay, kids… Orientation’s over, open to chapter 1 please”

Ay oo nga pala, I’m majoring in Marketing Management, supposedly Literature ang kukunin ko kaya lang, practical naman ako. I can always write, and I’m not that good so probably hindi ko rin mapagkakakitaan yun. But not because I like Literature that I like speaking in public too, eto yung subject namin – Speech.

Excited pa ako at napaka-crispy ng libro ko, wala pang sulat. Wala pang creases sa cover.

“Ahem.”

Lingon naman ako sa pinanggagalingan ng pekeng ubo.

“Hi”

“…” SI. POGI.

“Pwede ba maki-share sa book mo, left mine at home e”

Ang pogi talaga ni… er… Pogi. Ang puti, pink lips, chinito eyes, white teeth… Napaka…

*knock *knock

Head and hair swings to the direction of the door.

“Yes? You are 5 minutes late!”

“Sorry, Sir ah lakas ng ulan e, couldn’t get out of my car”

“Oh, gumanito ka muna…” Prof. Manalo starts to shake his body like a dog na nagpapatuyo.

The whole class bursts into laughter. Lalo na si pogi. Ang pogi pa rin kahit bukang buka ang bibig sa pagtawa.

“Funny.” Sabay pasok ni “Doggie” sa classroom.

Bilang ang available na upuan na lang ay sa kabilang side ko, dun naupo si Doggie. In fairness kay Doggie, although hindi sya kasing tangkad ni Pogi, he’s cute. Very Spanish-
looking. Tangos ng ilong, full mouth, maputi rin and his hair, kahit mejo basa parang ang sarap hawakan. After nyang i-try na ayusin ang buhok nyang basa, naiiritang tumingin sa akin si Doggie – ay teka, ako pala ang nakatitig sa kanya.

“Dude, naiwan mo sa kotse” Sabay hagis ng libro kay Pogi.

“Arf. Arf.” Nangingising sabi ni Pogi.

“Shut up.” Sagot ni Doggie.

Wait, so if nasa kotse yung book ni Pogi, bakit nya sinabi na nasa bahay nya naiwan? Huh. Weird.

Paglingon ko sa harapan, nanlalaki ang mata ni Nina sa akin. She mouthed: “Nice”. Hindi ko ata kaya to, nagpapalpitate na ako, hindi ako sanay napapaligiran ng mga gwapo.

“Gusto mo makipag-palit ng seat para magkatabi kayo?” I said to Doggie. Teka, bakit si Doggie ang kinausap ko?

“Wait, tayo na lang ang mag-palit” sabi ni Pogi.

“No need to change seats.” Napaka sungit na sabi ni Doggie.

“Sorry, I forgot to introduce myself, I’m Chris and that guy is Rob” Nakangising sabi ni Pogi

“Marley”

“Marley? Like the Dog?”

“Uh. No.”

*snort* - Rob

Napalingon ako kay Doggie, parang aliw na aliw sya sa pangalan ko. “What?”

Biglang sumeryoso. Adik yata to e. “Nothing” sabi nya.

“Don’t be a dick, Rob” Pagbabantang sabi ni Chris.

“I didn’t say anything.”

*cricket *cricket

After the very uncomfortable silence, we all paid attention to the prof… at last.

Mukha namang magkaibigan si Jake at Rob, but they’re polar opposites. Si Chris was nice, very flirty (I think he’s flirting), Rob was quiet and indifferent. Mixed emotions ako habang nasa classroom – on one hand Chris was making me laugh, si Rob naman was making me uncomfortable with his silence. This was the longest hour ever.

Nung tumunog na ang bell, I shoved my books in my bag at nagmadaling lumabas ng classroom. Hinatak ako ni Nina paglabas ng klase.

“Tara na kain na tayo, Marley” sabi ni Nina.

“I hate you for not saving me a seat.”

“Hey, you should thank me. Actually, you should thank Mike for taking your seat. Oh my gosh, ang ggwapo ng katabi mo kanina… Gusto mo tayo na lang palit bukas?” Inaangat angat pa nya ang ayos na ayos nyang kilay.

“Uhm, no thanks.” Ano daw ang sagot ko?

“What? You mean gusto mo silang katabi? Awww, lumalandi na ang friend ko.” Sabay tawa.

“I mean, tabi tayo, ganun din yon if we exchange seats, hiwalay pa rin tayo ng upuan.” Whew.

“Yeah right.” She smirked.

Bilang hindi ako nag-breakfast sa bahay bago umalis dahil nga male-late na nga ako, gutom na gutom na ako nang niyaya ko sila Nina na mag-McDo. Maraming kainan sa palibot at loob ng Campus but I wanted fries (greasy, lovely fries) and lots and lots of catsup. Dito kami nagkasundo ng maigi ni Kat, she kept hiding the packets of catsup we already had tapos hingi sya ng hingi pag may ibang server na dumadaan – brainy si Ate.

“Seriously, Marley anong feeling na nakatabi mo si Chris and yung bagong Hottie McHotters kanina? I was so jealous!” Nag-pout pa si Nina, at in fairness maganda pa rin hindi mukhang bibe.

“Kailangan talaga may ma-feel ako? Actually ang gulo nila kanina, parang friends sila pero parang hindi sila magkasundo. Ang labo.” Of course I didn’t have the chance to tell them na nakabangga ko si Chris kahapon, at hindi ko rin nabanggit – thankfully – na nagpaulit ulit sa utak ko yung pagkakabangga namin kagabi bago ako matulog, na nagreplay sa utak ko yun slo mo pa nga hanggang sa makatulog ako.

“Earth to Marley!” Sabi ni Kat at pa-snap snap pa ng daliri nya sa harapan ko. Kinuha ko yung daliri nya at balak kong baliin. “Ouch!” Sabi nya pero tatawa tawa. I like my new friends, kahit na dalawang araw ko pa lang sila kilala mukhang magkakasundo kami. Ayaw ng mga dati kong friends ang pagiging boyish ko, ikaw ba naman ang 3 gago ang kapatid diba, bargas talaga ako wala akong choice.

“Ano ba? Hayaan mo si Marley na mag-reminisce at mag fantasize sa mga katabi nya. After all, makakatabi nya sila Chris and the other guy ng isang sem. Ano bang pangalan nung isa, mas maliit sya kay Chris pero gwapo rin ha…” And she went on and on about the differences ni Chris and Rob pero isang fact ang nag-stick sa akin sa narinig ko.

“Wait. What do you mean na makakatabi ko sila ng matagal? Isang sem? Sino may sabi???”

Nina laughed and poked my cheeks, “Hindi ka kasi nakikinig. Yun na ang official seats natin for that subject.”

What the…

“Seryoso? Wag ganun! Torture naman yun!!! Hindi ba talaga pwede magpalit ng upuan?! Anak ng…”
Nagtawanan ng malakas ang dalawa kong kaibigan, hindi ko alam ngayon kung paano ko sila haharapin every Mondays and Wednesdays, isipin ko na lang na dalawang oras lang yan sa isang buong lingo so no need to panic, Marley. Kayang kaya mo yan, wag ka lang titingin sa mga abnormal mong kaibigan and you’ll survive.

- - - Updated - - -

Chapter 3: Poorita Problems


“Ano?! Paano na ang pag-aaral ng mga kapatid mo?! Josme, ang dami nating gastos tapos ganyan pa ang nangyari sa’yo!!!” Hanep ang wake up call ni mama ngayong umaga, si Kuya Dylan ang pinapagalitan nya, hindi ko masyado narinig ang first part kaya dali dali akong bumangon at pinuyod ang buhok ko habang dahan dahang bumababa ng hagdan.

“Ma, hindi ko naman po sinasadya e. Pa, pasensya na po talaga kayo, wala po sa plano namin ito ni Emmy pero nangyari na eh.” Sabay batok ni mama kay Kuya.

“E tanga ka pala e, hindi yan mangyayari kung hindi mo inunang isipin yang u….”

“Huy! Wag kang magsalita ng ganyan baka gising na sila Lelay” Lelay ang nickname sa akin ni Papa, napaka-lakas talaga ng pakiramdam nun. Pinigilan kong huminga habang umaatras sa hagdan.

“Hoy Lelay, bumaba ka na dito, alam kong nanjan ka!” Para akong kinuryente nung tinawag ako ni Mama.

Nagkunwari akong bagong gising at naghikab hikab pa, “Maaaaa!!! Ano bang ingay yan, ang aga aga, wala pa naman akong pasok ngayon.” Kamot kamot ng ulo, galing mo umarte Marley!

“Maupo ka rito, may pag uusapan tayong pamilya.” Seryosong sabi ni Mama. Nagulat na lang ako nung makita ko na lahat pala ng mga kapatid ko e nasa salas na, si Kuya Dylan katabi ang dalawa ko pang mga kapatid, si Mama at Papa nasa kabilang side. Sa gitna lang nila may pwesto kaya dun ako naupo. Seryoso nga ito, family meeting.

“Marley, may nangyari at kailangan natin pag usapan kung anong gagawin natin dahil apektado kayong lahat nito” Sabay tingin ni mama kay Kuya Dylan na parang pinipigilan pa nya na suntukin sya.
Nag buntonghininga si Mama at nagsimulang magsalita, “Unang una sa lahat, blessing ito sa pamilya natin, ang bunso natin na si Lelay ay hindi na. Sorry Lelay, may mas bata na sa iyo sa bahay na to”

Napatingin ako kay Kuya at kay Mama, hindi ko pa rin na-gets – tanga ba ako?

“Buntis ka, Ma?” Hagalpak ng tawa ang mga kapatid ko, si Kuya Dylan lang ang hindi, napayuko lang sya at parang pinipigilan ring tumawa. Nasapok na sana ako ng nanay ko kung hindi sya napigilan ng tatay kong aliw na aliw sa akin. Ang sabi nila nung bata ako, ako raw ang pinaka-kyut sa lahat ng anak nila, tuwang tuwa pa sa akin ang mga kapitbahay naming matatanda kasi ang daldal ko raw, siguro malayo na sa utak ni Mama ang dati kong ka-kyutan.

“Tangi! Hindi ako, si Emmy!”

Napatigil sila sa pag-tawa at napatingin kay Kuya Dylan. Si Kuya Dylan ang panganay, kahit puro kalokohan ang ginagawa nya sa amin, sya pa rin ang pinaka-responsible. Nagttrabaho sya sa Call Center, mas malaki ang sinasahod nya kesa kay Papa na sa maintenance ng isang company ang pinagttrabahuhan, Electrical Engineer dapat si papa pero kinapos sa pang-aral kaya Electrician ang kinabagsakan nya. Si Kuya Dylan ang unang nakapagtapos, sya rin ang inaasahan namin sa majority ng mga gastusin sa bahay. Si Kuya Jim naman banda banda, hindi naman araw araw ang gig, si Kuya Zep naman 3rd year college pa lang.

Napatingin sa akin si Kuya Dylan, parang nag-sosorry sya sa akin sa tingin nya, nararamdaman ko naman ang hirap rin ni Kuya, bata pa sya pero ang bigat na ng responsibilidad.

“Sus, kuya naman, bakit mo binuntis? Pwede namang gawin nyo yun ng walang buntisan diba?”

Biglang napatayo si Kuya Dylan at aktong uumbagin na si Kuya Zep, humarang ako sa kanilang dalawa dahil hindi talaga sila nagkasundo ever. “Kuya Zep.. ano ba?!” Napatingin sa akin si Kuya Zep, “Ayan, magkampihan kayo nyang idol mo”.

“Ingatan mo salita mo ha, gago ka!” Pagbabanta ni Kuya Dylan.

“Kuya, tama na.” Pagmamakaawa ko kay Kuya Dylan.

Nung mag-relax na silang dalawa, naupo na kami ulit, pero pumagitna na ako kay Kuya Zep at Kuya Dylan. Ayan, punching bag ang peg mo pag nagpang-abot yang dalawang yan, Lelay.

“Maraming magbabago dito sa nangyari, ano bang plano nyo Dylan? Dun ka titira kina Emmy o dito kayo maninirahan?” Napalingon ako sa Kuya ko, tama kasi ang sabi ni Kuya Zep, idol ko talaga ang panganay namin. Sya ang pinaka-responsableng taong kilala ko, at hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya ngayon. Alam kong matagal na sila ni Ate Emmy, at nasa tamang edad na rin naman sya para mag-asawa.

“Ah, wala pa po kaming plano Papa, kahapon lang namin nalaman e. Pero baka mas gusto po ni Emmy na kasama ang mommy nya pag nasa trabaho ako, so baka dun po kami sa kanila.” Hindi pa ako na-iinlove pero ito na yata ang pinaka-malapit na feeling sa heartbreak. Feeling ko nag-sasara yung lalamunan ko at hindi ako makalunok, hindi ako makatingin kay Kuya kasi feeling ko iiyak ako.

Tumango lang ang papa ko sa sinabi ni Kuya, si Mama naman naiiyak na rin, kahit na matapang ang nanay namin tingin ko hindi pa nya ineexpect na magkakahiwalay sila ni Kuya ng ganun ganun lang. Pero magkakapamilya na sya kaya dapat lang i-prioritize nya yun.

“Alam nyo na kung anong ibig sabihin nun para inyo diba, Lelay, Zep?”
Hindi ko pa na-gets nung una, pero nung napatingin ako kay Kuya Zep at nakita ang ulo nya na nakayuko at iiling iling, bakit ba? Teka, si Kuya Dylan ang primary source of income ng family namin, kami naman ni Kuya Zep ang may pinaka-malaking gastos dahil sa College. Oh.

“Hindi ako titigil sa pagbibigay, Ma. Liliit lang po siguro pero hindi po ako titigil.” Sabay tingin sa akin ni Kuya. Alam nya na rin ang epekto ng mga pangyayari sa aming magkakapatid.

“Hindi mo na mapipigilan ang pagbabago, Dylan. Kakailanganin nyo ni Emmy ang lahat ng kita mo para makapag-handa para sa panganganak nya at sa magiging pamilya nyo. Sila na ang priority mo ngayon.” Nakangiting sabi sa kanya ng Papa.

“Pano po sila Lelay at Zep? Hindi ko po sila pwede pabayaan.” Mejo naiiyak na si Kuya Dylan pero halatang pinipigilan nya lang.

“Kami na ang bahala, kami naman nagpa-aral sa inyo ni Jim diba? Kinaya naman namin!” Mejo defensive na si mama, pero naiintindihan ko rin yung kalagayan nya. More for pride na lang yata yang pagmamalaki nya. Pero mentally kino-compute ko na kung saan ako tatamaan ng mga pagbabagong ito, mataas naman ang grades ko, pwede siguro akong mag-file ng full scholarship, right now partial lang ako kasi hindi naman ako top ng class namin ng high school, nag-sisisi tuloy ako kung bakit di ko ginalingan nung todo ng High School. Bwiset. Baka lang hindi kasi ganun ka-brainy, no Marley!

“Wala naman po akong sinabing ganun, Ma. Ayaw ko lang po kasi mahirapan sila Lelay at Zep sa school.” Sabay hagod ni Kuya Dylan sa buhok ko. Naiiyak na talaga ako.

“Hahanap na lang ako ng part time job.” Biglang sabi ni Kuya Zep.

“Ako rin!” Ano daw? Ako daw? Knee-jerk reaction lang.

“Zep, lalo na ikaw Lelay, magugulo ang schedule nyong dalawa at makakasagabal yan sa pag-aaral nyo. Kami nang bahala ni Mama nyo kung paano ang gagawin.” Ngumiti sa amin si Papa, pero alam kong wala naman silang ibang makukuhanan. Sakto nga lang sa amin ang sweldo ni papa, minsan kulang pa.

Si Kuya naman ang nag-tutustos ng pag-aaral namin ni Kuya Zep at lahat ng school related gastos. Kailangan na namin magtipid, at kailangan ko rin makahanap ng pagkakakitaan kahit na yung mga simpleng pang-gastos lang kagaya ng pamasahe, pang-kain, books, etc.

“Pasensya na, bunsoy.” Bulong sa akin ni Kuya Dylan, hindi pa rin ako makatingin sa kanya kaya pinisil ko lang ang tuhod nya.

Kaya eto, phase one na ng “Operation: Marley gets a job” and it starts now. Ay, maybe not now, sa Monday, pag balik ko sa school.
 
Last edited:
Chapter 4: Manic Monday

Hi, I’m Marley Zamora and it’s been 2 weeks since my last cellphone load. Pucha, ang hirap magtipid wala manlang akong pang-load kahit bente pesos kailangan kong tipirin, yung mga araw na 3 lang ang subjects ko dumederecho na ako ng uwi kahit wala nang kain, nung unang linggo mejo nahihilo pa ako, pero parang nasanay na yung tiyan ko na walang laman. Si mama tina-try nya akong bigyan ng pandesal na may palaman pag umaga para may mabaon ako sa school pero syempre hindi ko naman mailabas yun pag nasa school na ako so kinakain ko sa bus pag uwi.

Parang nakakahalata na rin sila Nina kasi pag nagyayaya silang kumain hindi na ako sumasama, sa library lang ako tumatambay at sinasabi sa kanila na marami akong assignments kahit na half ng subjects namin magkakasama kami hindi na nila ako tinatanong. Siguro nararamdaman nilang may pinag-dadaanan ako.

“Marley, labas tayo mamaya for lunch ha? My treat!” Nakangiting sabi sa akin ni Kat.

“Bakit? Anong okasyon?” Parang feeling ko ilang araw na nila akong tina-try ilibre pero hindi ako sumasama, nagiging defensive na rin yata ako, mana sa nanay.

“It was my birthday last Saturday diba, hindi ka nakapunta, so i-treat ko kayo ni Nins later.”

Nakalimutan ko yung birthday ni Kat kasi may interview ako nun sa isang bilyaran malapit sa amin, hindi yata ako natanggap kasi pagpasok ko pa lang sa pinto nadapa na ako. Pano pa kaya pag may hawak na akong tray at drinks diba?

“Ah, sorry ha. Busy lang. Sige, later, pero kailangan ko agad umuwi ha.” Nakakalungkot na ang kalagayan ko ngayon pero nahihiya ako magsabi sa friends ko, so yung mga after school pag-aapply ko e sinasarili ko na lang.

“Yup, jan lang tayo sa malapit, sa Beans and Books – coffeeshop yun pero parang library sa loob, nice place.” Tatango tango naman si Nina not even looking away from her phone.

“Uh. Okay.”

Nung nag-ring ang bell nag-alisan na sa tabi ko sila Nina and Kat, sabay upo naman sa tabi ko ng dalawang taong nakakapag-pa-ganda ng view ko. In fairness, swerte ka pa rin Lelay, wala ka ngang pera pero busog ka naman sa yumminess ng mga katabi mo.

“Hi Marley!” Nakangiting sabi ni Chris. “How was your weekend?”

“Uneventful.” Ang napaka-honest kong sagot.

“Really, how so?” Biglang may sumabat sa likod ko. Si Rob.

“Wala. Wala akong ginawa, so UNEVENTFUL.” Ewan ko ba kung bakit parang ang sarap lagi barahin ng taong to.

“Huh.” Yun lang ang sabi nya, so eloquent this guy.

“Don’t mind him, Marley, bakit wala ka sa party ni Kat last Saturday. I was looking for you.” Hindi ko alam kung paano ako nakaka-survive nitong mga nakaraang linggo sa sobrang pang-fflirt sa akin nito ni Chris. Anong meron, Lelay? Hindi ka kagandahan, wag kang feeling.

“Uh, wala lang. Hindi ako pinayagan.” Half true, kasi hindi naman ako nagpaalam, so hindi talaga ako papayagan.

“Wow. Strict parents mo?”

“Slight.” Nakangiti kong sagot.

“Okay, how about this then, hatid kita sa house nyo mamaya, and then I can introduce myself to your parents?”

What the what?

“Uhm, bakit mo naman gagawin yun?” Bakit ang tagal dumating ni Prof. Manalo? Bwiset. Nag-cclose up na utak ko, hindi ko ito ma-process.

“So they’ll know you’ve got a decent friend, I’m really good with parents you know. Very trustworthy.” Sabay kindat.

Pucha.

*Mental Block*

“Okay guys, open to page 40…”

Oh thank you, sweet baby Jesus.

Mejo bumabalik na ako sa tamang pag-iisip nung tinapik ako ng ballpen ni Chris. Pinausog yung kamay ko, and nag-sulat sa book ko. “I won’t take no for an answer” sabay isang smiley face.

Haba ng hair mo, Bes.

“Anong sabi ni Chris? He asked you out?” Akbay akbay ako ni Nina nung papunta kami sa parking lot.

“Wala naman. Hinanap nya daw ako sa party ni Kat.” Kilig na kilig si Nina, si Kat naman purposeful ang lakad papunta sa Honda nya.

“Oo, grabe, hindi kasi kita ma-contact ano bang nangyari sa number mo, tawag ako ng tawag.” Hindi ko nga sinasagot ang phone ko nun kasi naiingit ako sa kanila, first wala naman akong mabibitbit na regalo, wala rin akong pamasahe papunta dun at kung may nag-offer naman na sunduin ako hindi pa rin ako sasama dahil nagu-guilty ako na magpaparty pa ako e naghihikahos na nga kami.

“E nakatulog ako nun, naglaba kasi ako.” Yan wala talagang bahid ng katotohanan, si Mama ang pinaka masipag sa amin sa bahay kasi sya ang nag-lalaba ako occasionally naglilinis ng bahay. Si mama yung tipo na hindi sya mapapa-pirme sa bahay pag may iba pang gagawin, puro reklamo nga lang “Ang kakalat nyo! Mga baboy ba ang mga anak ko?” yada yada yada.

“Get in! We only have two hours!” Sigaw ni Kat.

Pagdating namin sa Beans and Books, jam packed. Sobrang daming tao, ito yata yung pinakamalapit na bookshop/coffeeshop sa school and napapalibutan kami ng maraming ibang Colleges so dito nagcoconggregate ang mga studyante.

“Wow. Nice.” Bilang adik ako sa pagbabasa at sa pagkakape, I think this was the perfect place for me. Buti na lang sumama ako kina Nina, at buti na lang ililibre kami ni Kat.
May isang area na super cozy ang itsura na kahit punong puno yung shop, empty sya. May “reserved” sign sa table, inalis ni Kat.

“Huy, baka may naka-reserve dito!” Tumawa si Nina.

“Oo, gaga! Tayo!” sabay ngiti ni Kat na parang nahihiya.

“Teka, anong meron? Parang may alam kayo na hindi ko alam.”

“Marley, wag ka magagalit ha.” Paumpisang sabi ni Kat, na tumingin pa kay Nina para humingi ng tulong.

“Uhm, we know about your problem. I mean, we know that you’re having money problems.” Seryosong sabi ni Nina.

“Anong ibig nyong sabihin?” Parang gusto ko nang kainin ng lupa.

“We saw you last week, nung pauwi ka. You told us uuwi ka na but we didn’t believe you kasi tingin ka ng tingin sa relo mo during our last subject. E we thought you were going out with Chris or something kaya…” Nagtinginan silang dalawa, “we followed you.”

Naguluhan ako, sinundan nila ako? “San nyo ako sinundan?”

“We saw you get in an Internet Café, sinilip ka namin sa loob parang kausap mo yung may-ari, then sa isang fast food chain then sa isang photocopying place, so we got it then, naghahanap ka ng work.”

Feeling ko na-drain ang dugo sa ulo ko, ang lakas ng tibok ng ugat ko sa noo.

“Sorry we did that. Hindi naman namin alam na ganun pala, naging curious lang kami ni Kat” Namumula si Nina nung sinasabi nya sa akin yun. Nahihiya rin ako.

“Sorry guys ha, ayaw ko sabihin sa inyo kasi nahihiya ako.” Kahit na strong na tao ako, pinaka-ayaw ko pa rin na feeling ko nanliliit ako, mayayaman sila Nina and Kat, feeling ko tuloy hindi na ako dapat sumama sa kanila, hindi naman ako makakasabay.

“We don’t want to make you feel bad, gusto lang namin maging honest. And…”

Napatingin ako sa mga friends ko, this time mejo blurry na sila kasi naiiyak na ako, akala ko mabilis ako makakahanap ng trabaho, akala ko madali kasi bata ako madali matuto, hindi pala. Ang hirap, and araw araw parang nawawalan na ako ng pag-asa, e pag hindi pa ako nakakuha ng trabaho bago umalis ni Kuya Dylan sa bahay baka hindi kayanin nila Mama at Papa ang gastusin sa school ko.

“we want to help you find a job.” Nakangiti nilang banggit sa akin.

“That’s why we’re here.” Sabay muestra ni Kat sa buong cofeeshop.

“Huh?” Hindi pa nga ako maka-recover sa una nilang balita e.

“My Tito owns the place, don’t worry hindi ko sinabi sa kanya na friend kita, I want you to make it on your own. Try mo lang, baka ma-tanggap ka.”

Napatanga na lang ako kay Kat, pinag-aapply nya ako dito?

“I already passed your bio data, nakita ko kasi nag-fill up ka nung isang araw during class, hindi mo lang napansin kinuha ko yung isa.” Kaya pala nawala. Nak ng.

“My Tito will meet you in 5 minutes, so get your game face on.” Ano daw?

“Luh luh luh, ngayon na talaga?”

“Oo, it’s now or never Marley, kaya mo yan. We believe in you!” Talk about pressure.

“Marley Zamora!” Tumawag yung isang barista habang nagpupunas pa ako ng luha. Kaloka! Hindi ako prepared, pero no guts no glory.

“Here!” Sabay tayo ako at pasok sa pinto ng office.
 
Chapter 5: S.U.C.C.E.S.S.

Give me an S! Give me a U! Give me a C! Give me another C?!

Anyway, success! Oh my gulay, I was so happy! As of Monday next week, I’ll be the newest part time barista slash waitress slash dishwasher slash everything else sa Beans and Books. Hindi ko mapigilan umiyak nung sinabi ng Tito Ben ni Kat na tanggap na ako, nagulat sya nung lumabas ako ng office at niyakap ang mga kaibigan ko. So hindi nya talaga alam na friends kami ni Kat. Huh. I did that on my own. Who knew?

After class dederecho ako araw araw sa Beans and Books, I’ll be working 4 hours a day, syempre half pay lang pero at least may mapagkakitaan na ako, makakapag-McDo na ako ulet! Yahoo!

Suffice to say, buong buo na ang linggo ko, na sa sobrang saya ko nakalimutan ko ang hanging question sa akin ni Chris na naalala ko lang nung pumasok na sya ng classroom Wednesday morning. Crap.

“Hello sunshine! You’re in a good mood today!”

Napakagiliw na bati sa akin ni Chris.

“As opposed to her looking crappy everyday?”

Napaka-nega na sagot ni Rob.

“Good morning, Chris. Good Morning, Doggie!”

Lakas ng tawa ni Chris, nakakahawa so nagtawanan kaming dalawa. Napatigil lang ako nung nakita kong nakangiti rin si Rob. Seryoso ang pagka-gwapo ng taong to kundi lang sya a-hole.

“Bakit ka nakangiti? E ikaw pinagtatawanan namin?”

Umiling lang sya at saka humarap sa unahan, “No reason.”

Alam nyo yung feeling na akala mo magiging okay na ang lahat? Kasi sa sobrang ganda ng mga nangyayari sa’yo feeling mo bibigyan ka na ng tadhana ng break from all the bad vibes, bad things ganon? This is not one of those moments. Because 15 minutes after our professor came in, eto na kami ni Rob, magkaharap at nag-iiwasan ng tingin.

Talagang sya pa ang naging partner ko sa project no? Just my luck.

Lilingon lingon sa amin si Chris na nakapartner naman si Ann na nasa kabilang side nya, si Ann sobrang eager na makapartner si Chris, ako rin kaya kung sya naging partner ko.

*sigh*

Napalingon ako sa partner ko, “Bakit ka nagbubuntung hininga jan?”

“Gusto mo ba makipag palit ako kay Chris para kayo ang mag-partner?”

Luko luko pala to e, “Bakit naman? E ang saya saya kong partner kita.” Sabay kurap kurap ako. Napailing lang sya.

“Okay guys, now that you have your partners, you’ll need to prepare a speech regarding a partnership. Whatever it may be, political, business or romantic…” Nagtawanan ang mga classmates namin, napalunok lang ako.

“Of course since it’s a speech, you’ll need to research, the topic is completely up to you. This will cover a solid 30 percent of your final grade, so take it seriously. I want a 10 minute speech per couple.” Nagyihee-han ang mga kaklase ko lalo na yung same gender ang mga kapartner, kaming mga masusuwerte ang tampulan ng tukso ngayon. Sana nga pumayag na ako na nagpalit si Chris at Rob.

After ng basic rules na binigay ng Prof namin, Rob and I had to decide what to work on.

“I think politics is our best bet.” Sabi ni Rob.

“Ugh. I hate politics.” Ang napaka-bratty kong sagot.

“Anong gusto mo, Romance?” Nung sinabi ni Rob parang napaka-girly ko, it was like a challenge at bilang bunsong kapatid ng tatlong magugulong lalaking magagaling mang-asar, hindi ako marunong umatras.

“Why not?!”

Napalingon sa akin si Rob, “Seriously?”

“Oo naman, it’s fairly easy research, hanap tayo ng isang topic then gawan natin ng speech, very relatable rin kasi mga college students ang audience.”

“You must have a lot of experience…”

“Of course.” Liar, Lelay!

“Hmm.” Tinitigan lang ako ni Rob, syempre hindi ako nagpatalo, at bakit ako kukurap? Sya ang unang kumurap, diba?

“Wow, things are getting a little serious here.” Biglang nasa tabi na namin pala si Prof at nakitang walang laman ang notes namin. Syet.

“Uh, we’ve decided to go with romance, Sir. Marley here’s just showing me the look of love.” Naghiyawan ang mga classmates namin, gusto kong sapakin si Rob.

Habang nag-aabang ako ng jeep, biglang may bumunggo sa akin sa likod.

“Hey partner! Magre-research pa tayo! San ka punta?”

Ano daw? Ngayon na?

He must have seen my reaction, “Halika na, hatid na kita. San ka ba nakatira?” at habang nagsasalita sya, hinahatak na nya yung back pack ko at paatras akong naglakad pabalik ng campus. Natauhan na ako, umikot at hinampas ang kamay nya.

“Teka, san tayo pupunta?”

“Ihahatid na nga kita diba?”

“Bakit mo ako ihahatid? May dadaanan pa ako!” Bigla syang napatigil.

“San ka pupunta?”

“Work.”

“Work?”

“Oo, alam mo yun, trabaho ganun, may trabaho na ako, actually sa Monday pa pero gusto ko na pumunta dun ngayon para maturuan na ako, ayoko namang first day ko sa trabaho e tuturuan pa lang ako, bayad na yun e so yung training dapat before ako mag-start diba?”

Nakatingin lang sa akin si Rob.

“Ano ba? Bakit ka ba nakatingin?” Naasar na talaga ako dito.

Sabay hatak nya ulet sa bag ko.

“Huy! Ano ba!”

“Lika na, ihahatid kita sa work mo. Wag nang maarte!”

Pagdating namin sa Beans and Books nagulat si Tito Ben (yun ang gusto nyang tawag sa kanya) nung dumating ako, hindi pa daw ako officially nag-start so sa Monday na raw ako bumalik. Nalungkot naman ako kasi excited ako matuto.

“Tara treat na lang kita ng coffee, tapos pag usapan natin yung speech natin.” Huh, nandun pa rin sya. Adik.

“Hindi na, hinatid mo na nga ako dito, ililibre mo pa ako!” Sobra sobra nang kahihiyan ito sa isang linggo ha. Naiirita na ako.

“Tell you what, ililibre kita ngayon pero pag nagstart ka na mag work dito, first sahod mo libre mo ako dito, same size or same price ng bibilhin ko for you? Okay?”

Pinag isipan ko muna, hindi na libre yun, utang na yun. Same ng balak kong gawin kina Kat at Nins since tinulungan nila ako makakuha ng trabaho at nilibre rin nila ako as celebration daw.

“Deal.” Gutom na rin ako e.

Umorder lang ako ng tall frappe tsaka Danish, sarap ng kape at tinapay lalo na pag di mo binayaran.

Nakatingin pa rin sa akin si Rob nung susubo na ako ng slice ng tinapay. “Bakit ka ba nakatingin ha? Weirdo ka.”

“I’m just trying to figure you out. Ikaw ang weird e.”

Nung natapos ko nang kainin yung tinapay ko, at umiinom ng kape, napansin kong nag-tetext ng nag-te-text si Rob, parang naiirita pa sya sa kausap nya.

“Sino yan, girlfriend mo?”

“Bakit, selos ka?”

Napatawa ako ng malakas, sabay hampas hampas sa legs ko. “Hayyyy. Kaloka ka, pinaiyak mo ako.”

In true Rob fashion, he just sat there and stared. Nakangiti pa. Ang labo talaga nito.

“Anyway, anong gagawin natin pala? Pano tayo mag-re-research?”

“Hmm, basics siguro, listening to love songs, watching movies ganun.”

“Kailangan ba talaga yun? We just need to pick one topic diba then discuss natin, gawan natin ng speech.”

“It’s not that simple and I want to be thorough.”

Bigla ko naalala na I need to do well in school lalo na ngayon na kapos kami, kailangan ko pataasin lahat ng grades ko, as in stellar ganun. So maybe may point itong si Rob, after all this is our first project.

“Ah okay, sige, so what do you have in mind?”

Umusog sya ng upo na halos tumama na ang tuhod nya sa tuhod ko, ngayon ko lang napansin na matangkad rin pala sya, hindi sya kasing tangkad ni Chris na mga 5’11 pero close, mga 5’ 9” siguro si Rob. “I was thinking along the lines of courtship in this day and age, sa dami ng options marami nang pwedeng gawin and call “courtship” but we all know hindi yun yung nakalakihan ng mga magulang natin.”

Magandang topic nga, “Traditional vs. Modern”

“Exactly.”

“So how do we do this? Pano natin uumpisahan?”

Umusog pa sya mas malapit sa akin, and tinitigan ako. “Simple. Liligawan kita.”

- - - Updated - - -

Sorry, di ako makapag post ng 2 chapters a day, gusto ko kasi 1 chapter lang per post ko. hehe.

Thanks for reading! Enjoy! :)
 
Chapter 6: Hell to the no!

“Wag mong seryosohin, Marley. Liligawan kita as part of an experiment, I’ll do the traditional way and the modern way then you assess. Simple as that.”

“Hell to the no, dude! Nood na lang tayo ng movies, listen to love songs, like you suggested!” Mejo nag-pa-panic na ako sa sobrang panic ko hindi ko na namalayan na malapit na kami sa bahay. Mula coffee shop hanggang sa papunta sa kotse nya (hinostage nya yung bag ko, hindi ko abot) at buong byahe pauwi kinu-kumbinse nya ako na okay yung suggestion nya. Gago talaga.

“Hinde, mas maganda yun kasi you’ll get the results first hand then I’ll get naman the side of the manliligaw kasi puro perils ng girls ang naririnig, alam nyo ba kung gaano kahirap manligaw?” Sya, nahihirapan manligaw? E siguro kindatan nya lang bibigay na number nung babae e.

“Edi manligaw ka sa iba, I’ll observe!”

“Hindi pwede yun, kasi magpapaasa ako ng girl ganun ba? At least ikaw alam mong for research lang.”

“Politics na lang tayo, Politics!”

“Bakit ba ayaw mo? Baka mainlove ka sa kin ganun ba?”

“Ha ha ha.” Pero sa totoo lang mejo ninenerbyos talaga ako, honestly, wala pang nanliligaw sa akin ng ganun. 3 ba naman ang mga kuya ko, sa pinto pa lang yung lalaki umaatras na agad. At oo, NBSB ako. Pathetic.

“Hay Marley, we both need this. Kailangan ko mataas na grades so I need this to work out well. And you suggested this diba? Nakikipag matigasan ka pa sa akin, di mo naman pala kaya.”

Aba teka.

“Fine. At hindi ako natatakot mainlove sayo, baka ikaw mainlove sa akin, noh!” Lakas ko syet!

“Not gonna happen, Sorry sweetheart!” Ang tanga kong puso kinilig agad sa sweetheart, engot ka Lelay!

“Wag mo nga akong tawaging sweetheart! Nanliligaw ka palang!” Biglang tumawa si Rob. Napangiti rin ako.

“Dito na lang, sa red na gate.”

Pagdating namin sa bahay, bumaba si Rob at mabilis na umikot sa harap ng kotse, habang nagstruggle akong tanggalin ang seatbelt ko, hindi kasi sanay sa kotse. Binuksan ni Rob ang passenger side and nung akala kong yayapusin nya ako napaatras ako sa upuan, tinulungan nya akong tanggalin ang seatbelt, nasa harap na ng mukha ko ang pisngi nya, syet ang bango.

May nunal sya sa bandang panga nya, sa left side ng face nya na tempt akong hawakan.

“Wag mo kasing hatakin agad yung belt, dahan dahan lang tapos i-release mo yung lock.” Sabay tingin sa akin, magkaharap na kami ngayon. Konting abante na lang makaka-first kiss ka na rin Lelay, in fairness ha ang gwapo ng first mo, makinis, mabango…



“Lelay!!!”

Biglang napatayo si Rob, nauntog sa roof ng kotse nya.

“Sinong lalaki yan?!”




“Salamat po.” Yuyuko yuko si Rob nung inabutan sya ni Mama ng juice. San kaya nakakuha ng juice tong si mama, mag-iisang buwan na kaming puro tubig ah. Hindi pa malamig.

“Wala yan, pasensya ka na ha hindi malinis ang bahay…” Aba napaka-friendly ni Mama, sabay alis at magluluto daw sya.

Si Kuya Dylan naman ang sama ng tingin sa amin sa kabilang side ng sofa.

“Sino ka?” Derechahang tanong ni Kuya kay Rob, “Uh, Robert Gomez po Sir, classmate po ako ni Marley.”

Kahit na halos magkasing-tangkad lang sila ni Kuya halatang takot si Rob sa Kuya ko, dahil sa Call Center sya nagwo-work mas may freedom sila sa grooming and outfits nila, si Kuya favorite pagtripan and buhok nya naging kalbo, short hair, brush up, blue, undercut, dreadlocks at kung ano ano pa ang pinag-gagagawa nya sa buhok nya. Recently though, mas pinili nya ang clean cut, mejo military style nga e kaya siguro nakadagdag sa intimidation tactics nya not to mention puro tattoo ang upper arms nya.

“Anong ginagawa mo dito?”

Napatingin sa akin si Rob, ang sarap nyang pag-tawanan pero naaawa rin naman ako. Nakakatakot kaya si Kuya.

“Kuya…”

“Hindi ikaw ang kinakausap ko.” Sagot naman ni Kuya Dylan, alam ko na style nyan, di naman talaga galit, nananakot lang. Nadamay pa ako. Hay.

“Ah. Actually po, nagpaalam po ako kay Marley this morning na kung pwede akong dumalaw sa bahay nyo, she didn’t want me to come pero I insisted. Gusto ko lang po talaga makilala ng mabuti si Marley.” Napatingin ako kay Rob, aba anong balak nyang sabihin dito?

“Bakit?”

Hindi tumitingin sa akin si Rob, pero nung nakita ko sya nag-iba ang tingin ko sa kanya, parang seryoso na syang nakikipag usap kay Kuya. Anong nangyayari?

“Gusto ko po sana manligaw kay Marley, kung okay lang ho sa inyo.”

Napanganga akong nakatingin kay Rob, hindi to ang napag-usapan, pero hindi na nafufunction ang utak ko, wala akong masabi.

“Bakit naman kita papayagan manligaw sa bunso kong kapatid, alam mo bang tatlo kaming Kuya nya? Alam mo bang ako ang nagpapatulog diyan dati? Hindi yan nakakatulog ng wala ako sa tabi nya, so bakit ko ipagkakatiwala ang baby namin sayo? E di naman kita kilala.”

Nadurog yata puso ko sa sinabi ni Kuya. And to think na ilang linggo na lang sya sa bahay.

Tumango lang si Rob, “Alam ko po na mahirap ako pagkatiwalaan since kakakilala nyo lang po sa akin, pero I’ll work on making sure makilala nyo po akong mabuti para makapag desisyon kayo if maaalagaan ko si Marley or hindi. I’m willing to wait for that po.”

Naguguluhan na ako, pretend lang ito diba? Bakit ang seryoso? Tsaka ngayon agad agad? E hindi pa nga ako pumapayag. Ang hirap lang sumingit sa usapan na to, parang gusto ko lang rin malaman kung anong mangyayari.

Biglang tumingin sa akin si Kuya, sabay tingin ulet kay Rob, “Hindi ko alam kung taga saan ka, pero aalamin ko, at wala akong pakielam kung sinong magulang mo o kung saang lupalop ka galing, pag umiyak si Marley dahil sayo hindi ka makakapag tago sa akin.” Sabay tayo si Kuya, “Maliligo na ako, male-late na ako sa trabaho.”

Nagpapalpitate yata ako sa stress ng situation, e kung yung gusto kong lalaki ang umakyat ng ligaw sa amin, ganito rin ba ang pagdadaanan nya? E kung si Chris? Kaya nya kaya humarap kina Kuya ng ganun? Ibang klase rin ang tapang nito ni Rob, although syempre pretend lang kaya siguro malakas ang loob.

“Oh my God. I thought it wouldn’t end” sabay higa ako sa sofa.

Napabuntong hininga rin si Rob, “Hanep ang kuya mo ah, mahal na mahal ka siguro nun.”

Hindi ko na napigilan, may nakatakas na luha sa mata ko pero agad agad kong pinunasan.

“Huy, wag kang umiyak, hindi pa ako nakakalayo dito baka hindi na ako makalabas ng buhay.” Sinuntok ko lang sya sa braso, in fairness ang tigas.

“So, it’s on na. I’ve started on the traditional way, then I’ll let you know when it’s time for the modern approach.” Bigla kong naalala na pretend nga lang pala ito, focus, Marley.

Sabay pasok ni mama sa salas, “Lelay, pakainin mo na yang bisita mo, nakahain na.”

- - - Updated - - -

Chapter 7: Traditional vs Modern

Jusko, hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang ginagawa sa akin ni Rob. Sa totoo lang, tao lang ako nanghihina at tinatamaan rin. Nung sumunod na Monday nung nag-start na ako sa Beans and Books sinusundo nya ako after work then ihahatid sa bahay, grabe ang dedication nya sa research na to, halos 2 weeks na nyang ginagawa pag hindi nagtutugma ang schedule namin tinatawagan nya ako – after multiple, paulit ulit na pilit bumigay na rin ako at binigay ko na sa kanya ang number ko.

Pero nakakaloka kasi nung Monday and Wednesday during Speech class, parang hindi kami magkakilala as in, si Chris pa rin ang daldal ng daldal sa akin at parang wala lang si Rob sa kabilang side ko. Gusto ko sana tanong sa kanya kung bakit pero parang ang weird naman diba? Kasi for research nga lang yung ligawan namin e, at saka feeling ko hindi alam ni Chris na nag-uusap kami ni Rob after class.

“Hey wait up!” Tawag ni Chris sa akin after ng class.

“Oh, what’s up?”

“I was wondering if we can get some coffee? I’m out early ngayon e, wala prof namin.” Nakangiting sabi ni Chris.

“Uhm, I need to go to work e, I work part time kasi – actually late na ako.” Sabay tingin ako sa relo.

“Ah talaga, where do you work?”

“Sa Beans and Books”

“Oh, I know the place, hatid na kita.” Sabay kuha sa bag ko.

“Ah, hindi na, it’s okay – mahassle ka pa.” Kinukuha ko ulet yung bag ko pero sinabit na nya sa balikat nya.

“Don’t worry about it, wala naman ako lakad e.” Kinuha nya yung kamay ko, as in hawak nya, HHWW ganern, at dinala nya ako sa parking lot. Sa totoo lang hindi ako yung tipo na nagpapa-chansing kaya lang si Chris to, as in si POGI, feeling ko fate ko yata talaga na makatuluyan sya. Ano kaya feeling ng kamay ni Rob pag ka-holding hands? Teka, bakit bigla ko naisip si Rob?

“I’ll just drop you off but text me if you need a ride home okay?” Nakangiti si Chris habang nagddrive yung isang kamay nya lang ang nasa steering wheel, yung isa nakahawak sa kamay ko - still. Automatic yata ang kotse nya kasi hindi nya kailangan yung kamay nya pagnag-ddrive di kagaya ni Rob na sa kambyo lagi yung isa, yung isa nasa manibela. Oh, si Rob na naman, ano ba Marley, focus, one guy at a time. Ang ganda mo!

Pagbaba ko ng kotse, binaba ni Chris ang window nya. “I mean it, Marley let me know if you need a ride ha. You have my number.”

“Talaga? Parang wala naman. “ Hindi ko naalala na binigay nya sa akin ang number nya.

“It’s in a paper in your bag, I wrote it down. Text mo lang ako ha?”

“Uh. Okay, thanks.” Kakaway kaway ako nang biglang may humatak sa buhok ko.

“Hoy babae. You’ve got some explaining to do.”



“Kat, Nins, walang nangyari sa amin ni Chris, hinatid nya lang ako.” Sabay ang pagpapaliwanag ko sa pagpapalit ng uniform ko sa coffee shop, black pants, white polo shirt and blue apron.

“Sus, nagkatrabaho ka lang nakalimutan mo na kami.” Nagtatampong sabi ni Kat.

“Guys, sorry talaga super busy lang, pag uwi ko kasi sa bahay talagang plakda ako sa pagod.” Hindi ko na lang binanggit na araw araw akong sinusundo ni Rob at most of the time tulog ako sa kotse nya habang buma byahe kami. Tama ba para sa nililigawan yun? Ewan ko, basta alam ko pagod ako, keber na sa manners.

“You need to make it up to us, hindi ka pa nga nanlilibre.”

“Hello, wala pa akong sahod, kakasimula ko lang kaya.” Ano ba akala nila sa sasahurin ko? 10k? Aba part time lang to kaya part time lang bayad.

“We need to have a girl’s night out!” Sigaw ni Nins.

Napabuntung hininga na lang ako, etong mga friends ko puro gastos ang nasa utak e ako nga tong nagtitipid. “Guys, kaya ako naghanap ng work kasi kailangan kong tumulong sa gastos so hindi ako pwedeng gumala kasi kailangan kong mag tipid.”

Napatingin naman si Nins kay Kat na parang ang engot nya dahil hindi nya agad naisip yun.

“Sorry girl, nami-miss ka lang kasi namin ni Nins.”

Napatigil ako sa pag-aayos ng buhok ko at niyapos ang dalawa kong kaibigan.

“Babawi ako sa inyo pag mejo nakaluwag na kami, kailangan ko lang talaga mag-focus ngayon dito, sorry ha.”

“Pero pwede rin naman na hindi na tayo umalis, we’ll have a sleepover, sa bahay namin kahit this weekend pag walang work si Marley para makapag bonding naman tayo.” Sabi ni Nins.

Magandang idea yun, and nami-miss ko na rin sila. “Sure, this weekend.”

Napangiti si Kat, “Eggsoooyyyted!!”

Parang pinagsukluban ng langit at lupa ang mukha ko nang dumating sa parking lot, naka park na dun si Rob, nag-extend kami ng 30 minutes dahil may mga abnoy na ayaw pang umalis ng coffee shop. Maaga nagsasara ang coffee shop dahil ang gusto ni Tito hindi na dun magsi-tambay ang mga estudyante na lagi nyang mga customers, very strict sya sa curfew so 9:30pm pa lang sarado na kami.

Kumatok ako sa pinto ng kotse, bumaba naman si Rob at pinag buksan ako ng pinto, gusto ko sanang sabihin na wag na pero hindi na ako nakipag-talo, pagod na pagod na ako e.

“How was work? Parang pagod na pagod ka na ah.”

“Ang daming tao grabe, tsaka parang lahat sila demanding today, para akong nag marathon sakit ng legs ko.” Hindi ko alam kung sobrang kumportable ko na sa kotse ni Rob or talagang wala na akong pakielam kasi tinanggal ko na shoes ko at inipit sa ilalim ng legs ko yung paa ko. Nakaharap ako kay Rob at yapos yapos ko yung unan na iniiwan nya lagi dun sa passenger side. Hindi ko na sya tinatanong kung kanino yun pero ever since hinahatid nya ako, mga after 1 week, pagsakay ko nandun na yung unan.

“Kanino tong unan?” Kahit na pagod na pagod na ako at halos pikit na, parang gusto ko pa sya makausap.

“Huh?” Napatingin sa akin si Rob.

“Sabi ko, kanino tong unan?”

Nag-stop sya sa intersection and inaabangan mag-green yung light, “Sa’yo.”

“Akin? Talaga? Edi pwede koi to iuwi?” Nagbibiro lang ako pero kung papayag sya, iuuwi ko talaga to, sobrang comfy kaya. Tsaka tingin ko nalawayan ko na kaya dapat yata ipalaba ko muna bago ko ibalik.

“Marley, kung iuuwi mo yan wala ka nang unan dito sa kotse ko, pano pag inantok ka na naman, parang mababali ang leeg mo pag hindi ka nakasandal e.” Huh. So akin talaga to?

“Matulog ka na, Marley, gisingin na lang kita pag nasa bahay nyo na tayo.”
 
Chapter 8: Friend-zoned

After a week of hard work, natuloy rin kaming magkakaibigan na mag-sleepover sa bahay nila Kat. After ng shift ko today sa Coffee shop dederecho na ako sa bahay nila Kat, binigyan nya ako ng directions although sabi nya mag-taxi na lang raw ako dahil sa loob sila ng Executive Village sa QC, syempre ang masipag kong manliligaw ihahatid na lang raw ako, pero syempre di kami magpapakita kay Kat at Nins so i-ddrop off nya na lang ako malapit sa bahay nila Kat. Pa-out na ako sa coffee shop nang biglang may pumasok.

“Hey, stranger!” Seryosong sabi ni Chris, naka white shirt lang sya and denim pants and white sneakers, ang linis linis nya tingnan parang ang bango lagi, ganun.

“Uy, anong ginagawa mo dito?”

“I was just checking on you, hindi tayo masyado nagkakausap sa school e, and I never did get that text from you.” Nakapasok yung kamay nya sa back pockets nya, pero ang tangkad nya talaga kailangan kong tumingala para matingnan yung pogi nyang features.

“Ah, busy lang kasi lagi, daming gawa.” Actually, nawe-weirduhan na ako na kausap ko si Chris sa school tapos pag uwian si Rob naman ang kasama ko, alam kaya nila na naguguluhan na ako sa kanila?

“I think I saw Rob’s car at the parking lot, galing ba sya dito?”

Nabigla ako sa tanong nya hindi ako nakapag-prepare sa sagot, “Uh…”

Ang timing nga naman, saktong out ko na and usually pumapasok si Rob para kunin yung gamit ko, traditional ligaw pa rin sya e. Wala pa kami sa modern, ang tagal nga actually.

Natigilan sa pinto si Rob, napatingin kay Chris at sa akin na parang irita yung itsura, “Marley, you ready?” hindi ako sure pero parang mayabang yung pagkakatanong ni Rob. Napatingin lang ako kay Chris.

“Oh, I didn’t know you guys talk, para ba sa project nyo?”

“Yup.” Sagot ko agad kay Chris sabay punta sa side ni Rob, “Sige Chris, see you!” Sabay hatak sa braso ni Rob palabas ng Coffee shop.

Pinagbuksan pa rin ako ni Rob ng pinto pero halatang asar pa rin sya. Pagpasok nya sa kotse, wala syang sinabi pero umalis na kami. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ilalagay yung bag ko or yung unan, hindi ako makakilos kasi feeling ko konting galaw ko lang maasar na naman sya.

Dinampot ni Rob yung bag ko and nilagay nya sa backseat. Yung unan naman na nasa likod ko kinuha nya rin then nilagay nya sa lap ko.

“Galit ka ba?” Hindi ko na napigilan e.

“Bakit naman ako magagalit?” Asar pa rin sya, halatang halata e.

“Ano bang ginawa ko?”

Ayaw nya sumagot pero parang napapansin ko nang hindi sya maayos mag-drive, parang nagmamadali, binubusinahan nya lahat tsaka parang padabog mag-signal, pati pag shift ng gear parang gigil sya. Naiirita na rin ako, wala naman akong naisip na ginawa ko, tapos ganyan sya umasta. Ano ako manghuhula?

“Hoy, kung gusto mong magpakamatay gawin mo mag-isa, wag mo akong idamay!”

Napalingon sya bigla sa akin, parang nagulat sa sinabi ko. Biglang lumingon sya sa right, sakto naman ang dating namin sa isang mall lumiko sya sa parking lot at nung nasa mejo madilim na part kami ng parking bigla nyang pinatay ang makina, tinanggal ang seatbelt nya tapos humarap sa akin. Yapos yapos ko pa rin yung unan. Mejo ninenerbyos na ako sa pwede nyang gawin or sabihin.

“Alam mo ba kung paano manligaw, Marley? Kung gaano kahirap?”

Napailing lang ako kasi sa totoo lang natatakot akong magsalita, baka magalit sya sakin. Nasigawan ko ba naman sya e.

“Mahirap, sobrang hirap, sacrifice sa oras, sa tulog, sa lahat. I got into this with you kasi I thought we both committed ourselves to this project pero parang ako lang. Alam mo yun?”

Naguguluhan na ako, project pa rin ba pinag-uusapan namin or iba na? So umiling ulit ako.

“I’ve never had to work so hard to get a girl.” Napailing na lang rin sya. Tahimik lang kami, feeling ko oras pero mga 15 minutes ganun.

“Ano bang ibig mong sabihin? Mejo naguguluhan na kasi ako.” Honesty is the best policy diba?

Humarap ulit sya sa akin, “Tell me honestly, Marley, if manligaw ako sa’yo and tell you I’m dead serious, may pag asa ba ako sayo?”

Nagulat lang ako sa tanong nya, mejo magulo na yung utak ko and hindi ko alam kung pinag-ttripan ba nya ako or what so hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Pero sa totoo lang ang unang pumasok sa isip ko is if ever sabihin ko sa kanya na “wala” or wala syang pag-asa, ibig sabihin hindi ko na sya makikita araw araw? Hindi ko na sya makakausap? I mean pag basted syempre masama ang loob ng tao diba?

So yun ang naisip kong isagot sa kanya, “Sa totoo lang, hindi ko na ma-imagine na kumpleto ang araw ko kung di kita nakikita or nakakausap, so I guess para makausap kita lagi and makasama siguro matagal ka manliligaw. Kung sa pag-asa naman hindi pa ako sigurado, basta ang alam ko happy ako pag kasama kita.”

Napaatras sya sa sagot ko, sumandal sya sa driver’s door at parang nag-isip, after 5 minutes bigla syang nagsalita.

“So, traditional’s not the way to go huh?”

Ano daw? Lalong nagulo ang utak ko sa sinabi nya.

“I mean, it’s not working for you so it’s not effective. Grabe, ang hirap pala nung traditional na ligaw, I was supposed to up the ante and buy you flowers, ganun pero I guess it won’t work pa rin. I was hoping that was enough and patience was enough to get the job done.”

Huh?! Ano bang nangyayari? Sumasakit na yung ulo ko.

“I was talking about our project, Marley. Diba traditional muna yung it-try natin then dun tayo sa modern? So hindi nagwork si traditional, let’s get started sa modern.”

Ay, pucha. Project ba ang pinag-uusapan namin? Siraulo talaga tong si Rob.

“Ah oo. Modern naman.” Parang ayoko na ituloy, ang sakit rin pala kahit na pretend pretend lang. Feeling ko tuloy ang dali dali kong mahulog.

Napatingin sya sa akin na parang in-aassess yung reaction ko. Then binuksan na nya yung engine and umalis na kami papunta kina Kat.

Spell ASA, asang-asa ka na no, Lelay?
 
Chapter 9: Friends for life

Ilang oras na nakalipas since hinatid ako ni Rob pero hindi ko pa rin maalis sa utak ko yung huli naming pinag-usapan, effective tomorrow Modern type naman ng panliligaw ang gagawin nya, siguro through text, calls, social media ganun. Siguro mabuti na rin yun kasi hindi ko na yata makakayanan na araw araw syang kasama knowing na wala lang talaga sa kanya pero ako mejo tinatamaan na.

“Hoy, Marley! Sumama ka pa sa amin, tutulala ka lang jan. Umuwi ka na lang!” pabirong sabi ni Nins. Kasalukuyan kaming nagpapa-foot spa sa mala-palasyong bahay nina Kat nang napansin nila na nag-eemote ako at nakatulala sa isang tabi.

Hindi ko na napigilan at feeling ko sakit sakit na ng dibdib ko sa nangyari sa amin ni Rob kaya “Mukha ba akong tanga? Mukha ba akong madaling paasahin? Mukha ba akong masaya paikut-ikutin?”

“Woah, woah, woah! Saan naman galing yan, Marley?” Nanlaki ang mata ni Nins habang tinatanong ako.

Ang sakit sa dibdib, pero ikinwento ko na kina Kat and Nin sang nangyayari sa amin ni Rob, ang sakit pero parang lumuwag at gumaan ang pakiramdam ko na at last may napagsabihan na rin ako ng mga iniisip ko. Bilang bunso sa pamilya at nag-iisang babae wala naman ako makausap sa amin, nag-try ako dati magsabi kay Kuya Dylan na may crush ako sa school at yung niligawan nya yung classmate namin akala ko ako na. Nung sumunod na araw sinundo ako ni Kuya sa school at hinanap yung lalaki, syempre pahiyang pahiya naman ako, mula nun di na talaga ako nagsabi sa kanila.

“Huh.”

“Sa hinaba haba ng kwento ko, yun lang ang masasabi mo ha, Kat?”

“I’m just confused, kasi kung ako yun syempre i-aassume ko na rin na seryoso na si Rob at di na sya dahil sa project.” Sabi na nga ba e! Hindi ka nag-iisa Lelay! Hindi ka umasa sa wala, pinaasa ka rin ni Gunggong!

“I know, right? I mean, yung pillow sa car, he didn’t need to do that.” Hirit naman ni Nins.

“But that was super sweet!” Napabuntong hininga si Nins.

“Teka, teka, teka, wag nyo nang isipin kung nakakakilig or what. Tulungan nyo na lang ako, ano bang gagawin ko?” Nakakairita tong si Nins e parang kinikilig pa. Napaka-gaga ko lang talaga pero ayaw kong isipin na natutuwa sila sa ginawa ni Rob, sa akin lang yun! I mean yung kilig, akin lang dapat. Ewan, baliw na ata ako.

“Well, I think Kat will agree when I say that Rob likes you. But he doesn’t know it yet. We need to make him realize it.” Nakangiting sabi ni Nins.

“What? Teka, e sabi nga nya for Project lang diba? Tingin nyo ba makakatulong sa akin kung gagawin natin yan? Baka lalo lang ako masaktan. Sakit na nga e.” Sabay hawak sa dibdib ko.

“Tanga! Ang arte mo ha. Para nga malaman mo na talaga kung ano na diba? Gusto ka ba nya or hindi!”

“I bet gusto din nya si Marley, in denial lang” Sabi ni Kat.

Hinawakan ni Nins ang kamay ko, “Marley, you need to know for sure before you decide if you want out or not. You will lose a chance in love if hindi mo ito ipu-push.”

“Yes, you’ll look back on this and say, ‘hey, at least I tried’ kesa ‘what if’”

Wow. Ang bbrainy ng friends ko.

“Okay fine. What do we do?” Tanong ko sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan si Nins and Kat, “WE’RE not doing anything; this is all on you, girl.”

Isinantabi muna namin ang problems ko at nag-enjoy, pinahiram kami ni Kat ng PJ’s nya kaya matchy matchy kaming tatlo, tapos nag-movie marathon, kumanta at nagsasayaw sa kwarto ni Kat at nagkwentuhan habang patay na ang ilaw. It felt so good having good friends, nung high school kasi ako sobrang boyish ko pero napapagkamalan pa akong malandi dahil malapit ako sa mga lalaki. Hindi kasi akong naging comfortable with girls my age kasi high school mejo judgemental pa ang girls nun. Nung mga alas dos na, habang nag-aantay kami ng antok, tinanong ko na sila Kat, “Guys, ano bang balak nyong ipagawa sa akin sa Monday?”

Nasa kama si Nins, kaming dalawa ni Kat sa matress sa baba. Inilitaw ni Nins yung ulo nya, “Ganito kasi yan Marley, ang boys minsan kailangan ipamukha sa kanila kung anong nami-miss nila, if hindi natin yun gagawin hindi nila malalaman na gusto nila tayo.”

“Manhid, ganun?” Ang curious kong tanong.

“Yup. Or para hindi sila masyadong magmukhang eager, pabebe ganun.”

“Hindi ba dapat yung mga babae ang gumagawa nun?”

“Oo, pero tayo kasi may signs, sila wala talaga unless…”

“Unless what?”

“Unless someone comes in and tries to take what they think is already theirs.”

Tatawa tawa si Kat sa tabi ko.

“Anong ibig sabihin nun?”

“Guys, pero not all guys naman are possessive, kung sa kanila ka, or kung girlfriend ka nila or pinopormahan syempre ayaw nila na may ibang pumoporma sayo. Lalo na kung ka-level or mas lamang sa kanila yung pumoporma sayo, e based sa kwento mo kanina, Rob got pissed off nung nakita nya si Chris sa coffeeshop, so that means he feels threatened by Chris. You can use that to your advantage.”

Napaisip ako, oo nga naman, may point si Nins kaya nga siguro nagalit si Rob kanina dahil nakita nyang magkausap kami ni Chris. Pero binawi nya naman agad e, kasi tungkol lang sa project yung gusto nyang pag-usapan, ni hindi nya nga nabanggit si Chris nung nasa kotse kami.

“He might have felt threatened pero he would never own up to it, lalo na kung di pa sya sure kung mutual ba yung feelings or sya lang ang nakakaramdam sa inyong dalawa. Para kasi kayong gago pareho, pareho kayong di marunong umatras sa challenge, ayan tuloy, imbes na kayo na nagkakapaan pa kayo kung sinong unang magsasabi or aamin.” Nakapikit na si Kat pero ang clear ng statement ha. Kasalanan namin pareho to.

“So, I need to make him jealous ganun ba?”

“Without making it seem like you are.” Sabay kindat ni Nins.

“Aba teka, hindi nga ako marunong magpaselos yung parang palihim pa. Pano yun?”

“Ganito lang yan…”
 
Chapter 10: MissChief

“I don’t know guys, ayoko na yata ituloy to.”

“Shh. Wag kang maingay.” Kat and Nins were busy brushing my hair, putting some color to my cheeks and lips with lip and cheek tint yata – yun nakalagay sa bottle e. Gusto nga nilang bawasin yung kilay ko dahil mukha raw gubat, e nilapit pa lang sa mukha ko yung parang blade e umatras na ako. Ayos na ang kilay ko, ayaw ko pagalaw at baka di na tumubo ulet, may kapitbahay kaya kami parang drawing na lang yung kilay, e kung umulan diba? Edi lusaw ang kilay!

“Sigurado ba kayo dito? Baka mahalata ako ni Rob, nakakahiya.”

“Don’t worry and just play it cool. Wala ka namang kailangang gawin e, I bet Chris will do it all on his own.”

“May sakit ka ba, kindat ka ng kindat sa kin e.” Tawa si Kat habang binatukan naman ako ni Nins.

“Gaga, wag kang tomboy kung magsalita, pa-girl diba? Sabi ko sayo get in touch with your feminine side muna, itago mo muna yang pagiging lalaki mo.”

Para akong pinagalitan ng nanay ko, grabe tong si Nins talagang seryoso sa project namin. Sana lang magawa ko talaga. Tuyot na yung lalamunan ko nung pagpasok namin ng classroom, we barely made it on time yun naman ang gusto nila Nins para wala daw time na magback out, baka raw bigla kong burahin yung nasa labi ko.
Wala pa si Chris at Rob at pumuwesto na ako sa upuan, sabi ni Kat yumuko lang daw ako so I opened my book and pretended to read.

“Hey Marley!” Bati sa akin ni Chris when he came in. Here goes…

Ang bigat ng pilikmata ko, pero sabi nila Nins side glance lang ang ibigay ko kay Chris, then dalawang kurap, smile a bit without showing my teeth. Mukhang gago sa utak ko promise, pero I guess it worked?!

Napatigil si Chris sa pinto, “Wow. Hello there, beautiful.”

Gusto kong humagalpak ng tawa kasi, hello? Beautiful? Pero yumuko lang ako ulet without saying a word.

“Huy, I said hello you won’t even say it back?”

Side glance ulet kay Chris, “Ah, ako ba? I thought iba kausap mo e.” Oh my gulay. Cringe!!!

“Syempre ikaw, may iba pa bang maganda dito?” Tumitig lang ako kay Chris.

“Okay, lilinawin ko maigi, you look very pretty today… Marley.” Sabay labas ang dimple ni Chris.

Bang bang!!! Sapul sa heart!

“Anong meron?” Heto na, deep breaths Marley, one chance daw ito sabi ni Nins, I have to do this perfectly and he’ll be eating from the palm of my hands – her words, not mine.

Hair flip.

Side glance.

Kurap kurap.

Smirk.

Gumana yata, nakatitig lang sa akin si Rob, his eyes roamed over my face, he looked at my hair, my eyes, cheeks, lips and then back to my eyes.

“Ano yang nasa mukha mo?!”

Kurap kurap.

Anak ng… timpi lang Marley. Deep breaths.

“What do you mean?”

Sabay hawak sa buhok ko si Rob, inamoy yung kamay nya sabay punas sa pantalon nya.

“Ew. Ano yang nilagay mo sa buhok mo, ang lagkit.” Aray.

“What’s your problem, Rob? If you have nothing nice to say, then just shut it.” Sabat ni Chris sa likod ko.

“I’m just saying, she looks…” Tinitigan nya ulit ang mukha ko.



“Ridiculous.”

Namula yata ng todo ang mukha ko, kasi parang nagulat rin si Rob at parang napahiya.

“I’m telling you, pare shut the f up.” Bigla akong natauhan and hinawakan ang braso ni Chris.

“I really appreciate it Chris, pero just don’t mind him okay? Nagbibiro lang yan si Rob.” I tried to smile. Wala namang sinabi sila Nins na mag-aaway tong dalawa.

“Okay, sorry. He doesn’t know what he’s saying, he hasn’t had a relationship… “ sabay lingon sya kay Rob, “in a while. Sira na ata utak nyan at malabo na ang mata.” Magulo man ang utak ko, it didn’t miss the fact that Chris’ hand was on top of mine na.

Binawi ko yung kamay ko, konting touches lang daw, and keep the eye contact short.

Humarap na kami sa prof and nagstart na ang lecture nung nag-vibrate ang phone ko.

“Sorry.”

Text ni Rob. Gusto ko umiyak dito, in fairness kahit naman yata sinong babae kahit na tomboy-in, masasaktan pag sinabihan kang you look “ridiculous”.

Itinago ko ulit ang phone sa bag nang hindi sumasagot.

After 10 minutes.

“I didn’t mean it like that, Marley.”

No reaction pa rin ang beauty ko, gago ba to? Anong akala nya sa akin, porke nakaganito ang itsura ko pwede na nya akong insultuhin?

Maya maya may tumutusok sa tagiliran ko. Pagtingin ko ballpen. If looks could kill, deds na tong si Rob. Pero parang wala lang kay gunggong kasi he mouthed “Sorry”.

Sakto naman nagring na ang bell, tumayo ako agad ng hindi nagsasalita.

“Wait up Marley.” Habol habol ako ni Chris paglabas ng klase, teka nasaan sila Nins at Kat?

“Yes?” Tanong ko kay Chris na nakangiti sa akin, syet ang gwapo talaga nito. Although parang mas gusto ko ang features ni Rob.

“Let me walk you to your next class, the way you look today, baka maligawan ka on your way there.” Sabay kuha ni Chris ng bag ko.

“Loko ka talaga, wag na. Ma-hassle ka pa.” Nun ko lang napansin na nasa labas na rin ng classroom si Rob and nakasandal sa pader, staring at us.

Pretending not to see him, “But if you insist.” Sabay smile kay Chris and kinapitan ko ang braso nya. We walked away pero I could still feel Rob na nakatitig sa amin ni Chris.


“Oh my Gosh! Akala ko talaga magsasapakan na sila kanina. Haba ng hair mo beshy.” Tuwang tuwa si Kat sa nangyari, ako naman hindi ko alam kung paano ko kakamutin
ang talukap ng mata ko, ang kati kati.

“Tigilan mo nga, Marley. Tama si Chris super pretty ka today. Thanks to me.” Sabi ni Nins.

“Wow, bigat mo rin e no, ikaw talaga ang dahilan?”

“Of course, at wag kang makinig sa gagong Rob na yun, ganda mo kaya. Wala akong kaibigang pangit.” O sa kanya na naman, wala akong contribution dito, it’s all because of Nins. Kaloka tong babaeng to, but I love her.

“Anyway, our plan worked like a charm. Chris is definitely putting on the moves and Rob will struggle to get your attention and whisk you away from Chris.” Hanep ah, may bolang crystal ba tong si Nins na hindi ko alam? Daig pa si Madam Auring kung mag-predict.

“O sya, we’ll leave you here. Text mo na lang kami mamaya, update mo kami kung anong nangyari ha.” Tumayo na ang mga friends ko sa bench na inuupuan namin malapit sa entrance ng school.

“Teka, iiwan nyo ako rito? Isabay nyo na ako sa Coffeeshop para di na ako mag-jeep.” Nililigpit ko na rin ang gamit ko nang may biglang kumuha ng bag ko.

“Hey Marley, need a lift?”

Nagtatanong pa lang si Chris pero buhat na nya yung gamit ko, bago pa ako makasagot hinawakan na nya yung kamay ko.



“Dude, hands off.”
 
Chapter 11: Ano to, Pissing Contest?

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa takot sa pagbabanta ni Rob. Para akong nakuryente at agad na binitawan ang kamay ni Chris.

Parang wala lang kay Chris ang banta ni Rob so inakbayan nya pa ako.

“She doesn’t mind, don’t you Marley?” Naka smile si Chris pero hindi sa akin nakatingin, kay Rob. Aba, hindi na yata tama ito, kala ba nito ni Chris pwede nya na akong hawak hawakan nang walang paalam? Porke sinabihan nya ako ng maganda or what, ayos lang akbayan ako?

Hinawakan ko ang braso ni Chris at tinanggal sa pagkakasabit sa balikat ko, “Ah actually Chris, may usapan na kasi kami ni Rob, we’re doing our Project today so…” Sabay tingin kay Rob.

“Yup, ready kana ba, Marley?” At least si Rob nagtatanong diba? Napatango na lang ako at kukunin na ang bag ko kay Chris nang sumagot ulet si Chris.

“I’ll drive her, san ba kayo gagawa ng project?” At talaga naman, inaasar na ako netong si Chris ha, ano ako pipe? Hindi ako makasagot sa tanong nya? Sunod sunuran ba ako sa mga desisyon nila ni Rob? Pero bago pa ako makasagot…

“You need to ask her if she wants you to drive her there. It’s Marley’s decision.” Nakatingin sa akin si Rob, parang tinatanong kung kanino ako sasama, aba Lelay wala ka pang isang taon sa school na ito daig mo pang nasa mga Korean dramang pinapanood mo, magpagupit ka na sobrang haba ng hair mo.

Tumingin ako sa kanilang dalawa, kinuha ko ang bag ko from Chris then, “Wala. Wala akong sasamahan sa inyong dalawa, kailangan ko pang pumasok sa trabaho and I’m fully capable of bringing myself there. Hindi ko kailangan ng driver, nag-co-commute nga ako papasok e, etong malapit pa kailangan ko magpahatid? Peace out.” Sabay alis ng iniwan silang parehong nakatingin sa akin.

“Peace out?! Ganyan itsura mo tapos ‘peace out’???” iritang irita si Nins sa kwento ko.

“E anong gusto mong gawin ko? Na-blangko nga e. Basta na lang lumabas sa bibig ko.” Habang nagpupunas kunyari ng table malapit kina Nins. Halos walang tao today sa Coffeeshop, parang uulan pa.

“Hahaha! Iba talaga tong si Marley natin, pinag-aagawan na nakapag-hip hop lingo pa.” Aliw na aliw naman sa akin si Kat.

“It’s okay, I guess it worked, effective ang pag-aayos natin, now let’s leave it up to the boys.” Wink wink pa si Nins.

“Utang na loob ha, ayaw ko na ng ganun, nakaka-stress pala ang feeling.” Hindi ko na lang binanggit kina Nins na feeling ko nagbabago ng ugali si Chris towards Rob when I’m involved. Tsaka hindi ko na lang sinabing kahit na nag-holding hands na kami dati e any time okay lang yung ganun, feeling ko rin ayaw ko na pinamumukha ni Chris kay Rob na okay lang sa akin yung ganun. Baka isipin nila Nins napaka-taas ng tingin ko sa sarili ko.

“O sya, we’ll go ahead, baka abutin pa kami ng ulan, you sure you don’t want to join us Marley? Sine lang naman, I can treat you or kung ayaw mo you can just pay me back whenever. Pay when able.” Actually gustong gusto ko na sumama sa kanila kaya lang talagang kailangan kong magbawas ng expenses, bayaran na ng kuryente sa bahay e kaya dapat hindi ako humingi ng baon kina mama.

“Next time na lang girls, promise.” Ngiting aso yata ang ngiti ko kaya parang naawa na naman sa akin sila Nins.

“Okay. Ingat Marley!”

“Kayo rin!”




I swear, kung hindi lang talaga nakakahiya dito kina Tito nakatulog na ako sa isa sa mga upuan. Sobrang tumal, isang oras na akong nagpupunas ng tables, nag-aarrange ng books pero wala pa ring customer na dumarating. Bumuhos na rin ang ulan sa labas kaya siguro wala ring nag-tangkang umalis ng mga dorm nila or nagpapatila ng ulan somewhere.

“Marley, lumalakas ang ulan, ayusin mo na yung mga gamit mo at umuwi ka na, baka bumagyo pa e ma-stranded ka dito.” Si Tito talaga napaka-bait, tuwa rin naman ako at ang hirap mag-commute pag umuulan so inayos ko na yung mga gamit ko and nagpaalam sa kanila.

Nasa labas na ako ng Coffeeshop mejo malakas pa rin ang ulan nang biglang nag-ring ang phone ko.

“Lelay! Nasaan ka na?” Ang nanay ko parang laging may kaaway pag may kausap sa phone, halos sigawan na yung kausap nya.

“Aray Ma. Wag kasi sumigaw. Kalma lang, andito pa po ako sa shop pero pauwi na rin, maaga ako pinaalis ni Tito Ben e.”

“E paano ka uuwi? Ang lakas ng buhos ng ulan, iniwan mo pa yung payong mo dito!” Sigaw na naman si Mama.

“Alangan naman dalhin ko yang payong nyo ma, wala nga kayong payong na natutupi, e ang laki laki ng payong jan, ano ako magpipiknik?”

“Ang dami mong arte, pag ikaw nagkasakit wag kang ddrama sa akin. Sya ingat!”

Tatawa tawa ako nang ibinaba ang phone, kaloka talaga tong si Mothership, carinyo brutal.

“What’s so funny?” Napalingon ako sa tabi ko, nandun pala si Rob at may hawak na payong na nakasuklob na sa aming dalawa.
Nawala bigla ang ngiti ko nung makita sya, hindi pa rin ako nakakarecover sa pag insulto nya sa akin kaninang umaga. Hindi ako sumagot at nag-side step palayo kay Rob at sa payong nya.

*Sigh “Marley, hindi mo na ba ako talaga kakausapin?”



Nakatayo lang kami dun ni Rob for what seemed like hours without speaking to each other. Ayoko talaga syang kausapin, kasi ano naman sasabihin ko diba? Bakit ang sama ng ugali mo? Bakit ang gulo gulo mo, sabihin mo na lang kung gusto mo ako or lubayan mo na ako? Parang napaka-feeling ko naman kung sabihin ko yun, at kung ang isasagot nya is “hindi” ano nang mangyayari sa akin? Pupulutin ko ang durog durog kong puso at pride sa putikan? Syet da pwet, pag na-iinlove ba nagiging ogag at overly dramatic?

*sigh

Napalingon sa akin si Rob sa lalim ng pagbuntung hininga ko.

“Pagod na ako, gusto ko lang umuwi kaya lang ayaw ako pagbigyan ng ulan.”

After a few minutes, biglang umalis si Rob, tapos namumuo na yung luha ko sa mata ko. Sabi sa google, kung gusto mo raw na hindi maiyak, tumingin lang sa taas babalik daw yung luha sa tear ducts mo. So kunyari tinitingnan ko ang madilim na langit at pinipilit na wag pumatak ang luha ko.
Nagulat na lang ako, nasa harap ko na ulet si Rob, itinakip ang payong sa aming dalawa.

“You don’t need to talk to me, Marley. Just let me take you home.”
Bumalik na nga yung luha sa mata ko e, pero parang gusto ulet tumulo dahil dito kay Rob. Hindi na yung usual angas nya yung pinapakita nya sa akin, parang may nagbago. Siguro talagang na-guilty sya sa sinabi nya sa akin. Since ayaw ko nga magsalita at baka kung anong masabi ko’t humagulgol ako dito, itinaas ko na lang yung hood ng jacket ko at tumango.
 
Chapter 12: The Longest Ride

“What I do know is that when I was sitting with you that night, I felt like God was telling me that I was doing the right thing.” Ang lakas maka Nicholas Sparks ng utak ko ngayon ha, silence fills your head with lots of thoughts and nonsense. Naiisip at naiimagine mo ang kung ano ano, pero I’d rather have conversation than this silence. Sa totoo lang kating kati na ako magsalita, jusme ayaw ako antukin. Kanina pa ako nakapikit dito nakasandal sa pinto ng kotse ni Rob, pinanindigan ko na talaga na di sya kakausapin. Feeling ko tuloy ang baho na ng hininga ko.

Bakit ka ba kasi nag-pretend na tulog, Lelay? Mukha kang tanga pag nalaman nyang gising ka pala. Tsaka hindi mo pa talaga tinanggap yung unan ha, ang sakit na ng leeg mo no?

May mga moments talagang gusto kong batukan yung sarili ko, in fairness kasi sa akin madalas naman akong may plano sa mga bagay bagay kahit na may pagka-baliw ako pero sa pagkakataong ito hindi ko masyado napag-isipan ng husto, dinaan ko lang sa emosyon at nagdecide na ayaw ko talaga sya makausap kaya pretend pretend ang lola mo. Ang masaklap pa dito, ang usad namin UOD ng bilis.

Hay Lelay, kailangan mo na yatang ‘gumising’, wag mo na lang sya kausapin. Mas masagwa kung panindigan mo yan e mabali naman yung leeg mo.

Fine. Kunyari nagising ka, silip silip ka sa bintana, umayos ng upo tapos tingin sa paligid habang sine-stretch ang leeg mo. Kaso lang…

“Nandito pa lang tayo?!”

Wala pa yata kami sa kalahati ng byahe e. Kaloka ang trapik ha, only in the Philippines.

Pag lingon ko kay Rob, nakapikit yung mata nya and nakasandal sa headrest, hindi sya naka seat belt tapos nakaharap sa akin. Nakamulat na sya pero parang kakagising lang, lintek ako tong nagkukunwari e sya pala talagang borlogs sa tabi ko.

Kinusot nya yung mata nya ang lumingon sa paligid. Tumingin lang sya sa akin ng saglit tapos umayos ng upo at nag-seatbelt. Nilagay pa nya yung parehong kamay nya sa manibela. Anyare?

“Sayang naman maaga kong uwi, ma-ttrapik lang pala tayo.”



Alam mo yung mainit na talaga ulo mo, tapos umuulan sa labas, stuck in traffic ka pa? Yung talagang parang ginagalit ka ng buong mundo? Ganun?! Tapos yung kinakausap mo, ayaw sumagot???

Hinampas ko si Rob.

“Hoy, bakit ayaw mong sumagot?”

Nagulat sya tapos minasahe yung hinampas ko, akala mo naman nasaktan e ang tigas ng braso nya.

“Ah, bakit? Pwede na ba akong magsalita? Sa lagay e pag ikaw ang kakausap sa akin kailangan ko sumagot pero pag ikaw ang kinakausap, ayos lang na hindi?”
Napanganga lang ako sa sagot ni Rob.

“E sira ka pala e! Ikaw ang may atraso sa akin no, at ikaw rin ang may sabing hindi mo ako kakausapin, um-oo ba ako, ha?”
Bigla syang napangiti.

“Fine. May point ka.”

“Talagang may point ako, asyumero!”

Ang tagal na namang hindi nagsalita ni Rob, promise feeling ko talaga bad breath ko na. Wala manlang akong kendi dito. E paano kung bigla syang lumapit sa akin diba? Walang tint ang kotse ni Rob pero sa lakas ng buhos ng ulan mejo blurred ang bintana nya, pano pag bigla nya akong i-kiss? Alam mo yun sa mga pelikula na away ng away yung magbf tapos bigla na lang hahatakin nung lalaki yung babae tapos hahalikan para matahimik, yung ganern?! Tapos lapchukan to the max hanggang sa…

*ccrrrrrroooaaaaaakkkkkkk* Sabi ng tyan ni Marley na walang laman.

Napalingon sa akin si Rob, sabay tawa ng malakas.

Anak ng putakte, sa layo na ng narating ng imahinasyon ko, nakalimutan kong di pa pala ako kumakain ng hapunan. Lintek na buhay to, di ako makabawi ah.

Pinilit ni Rob na tumigil sa pagtawa, pero mejo natatawa pa rin sya “At least yung tiyan mo di marunong magsinungaling, hindi mo maitatago sa akin na gutom ka na.”

Aba teka.

“At kelan naman ako nagsinungaling sayo, aber?”

Tinaas nya parehong kilay nya na parang, “hello?!”

“Okay, sige, tatanungin kita, sumagot ka ng totoo ha.” Ooops. Teka parang ayaw ko nito, iniisip ko na kung anong mga pwede nyang itanong sa akin, gusto ko ba sya? Gusto ko si Chris? Pwede nya ba akong ligawan IRL or what?

“Gusto mo ba yang ayos mo?”

“What??? Anong ibig mong sabihin?”

“Yan. Yang nasa mukha mo, yang nasa kilay mo, sa mata mo, sa pisngi mo, yang nasa labi mo… gusto mo talaga yan?”

Anak ng puchang Rob to, talaga namang hinuhuli ako. Kakasabi ko lang na hindi pa ako nagsisinungaling sa kanya, ang galing ng tanong ha. Bwiset. Umayos ako ng upo at humarap sa unahan, parang bata lang, niyapos ko sa harap ko yung dalawa kong braso – nakahalukipkip ba yun tawag ni papa.

“Hinde.”

“E bakit mo ginawa?”

Aba, pano ko naman sasagutin yang tanong na yan diba? Edi mabubuking nya ako.

“For a change lang, gusto nila Nins and Kat e, bagay naman daw sa akin.” Not really a lie, good one Marley.

“I said something really mean to you this morning and I am sorry. But I don’t take it back, because it was the truth. I found it ridiculous.”

Ay talaga tong lalaking to ha. Ginagalit ako. Ang saklap pala pag iniinsulto ka ng taong gusto mo… Chakit e. Ayaw ko na tumingin sa kanya kaya humarap na lang ako sa bintana sa side ko habang nagpipigil ng luha.

“Marley…”

“Just shut up.”

“Marley let me explain.”

“You’ve made your point so just shut up.”

Mejo nanginginig na yung boses ko, hindi ko na mapigilan may mga luha nang nakatakas, bwiset. Buti na lang nakikisama na ang pagkakataon sa akin, dahil biglang umusad ang kotse sa paligid namin.

Napabulong na lang ng ‘shit’ si Rob at umandar na kami.

Sa wakas, sa hinaba haba ng byahe namin nakarating na rin kami sa bahay, wala nang sinabi si Rob mula nung shin-at ap ko sya. Marunong naman pala sumunod. And after a very emotional and draining ride back home, napag-isip isip kong kung ganito rin lang parang ayaw ko na yata mainlove. Kung ganito ang pinag-dadaanan ng mga taong inlove bakit nila inuulit ulit diba? Ano, masokista lang? So I’m going to stay away from Rob from now on, para lang wala nang sakitang magaganap. I won’t worry about him, he doesn’t have to be annoyed with me. We’ll go on living our lives like nothing happened – ano, may nangyari ba? Wala naman talaga Lelay diba? Move on move on na din.
Nung tumigil ang kotse ni Rob sa tapat ng bahay namin, in-unlock ko ang pinto sa side ko pero hindi ko pa nabubuksan ang pinto e nag-lock ulet.

“Let’s talk muna, Marley. Wag ka muna bumaba.”
 
Chapter 13: Hindi lang pang-romance, pang-action din!

Pinikit kong maigi yung mata ko, falls na ang tear ducts ko grabe, wala pa naman akong panyo… “Wala na akong sasabihin sa’yo, so pababain mo na ako.”

Inunlock ko ulet, pero bago ko ma open nag-lock ulet. Ay pu….

Humarap ako kay Rob…

“HINDI MO BA TALAGA AKO PABABABAIN HA???”

Alam mo yung parang galit na galit ka na and ang expectation mo e matatakot sayo yung taong binubuntunan mo ng galit? Etong si Rob, napaatras, pero hindi sya takot, taragis na yan, natatawa pa.

Hindi ko na talaga napigilan, napaiyak na ako sa inis, humihinga na ako ng malalim, keber na kung mabaho ang hininga ko.

“Ano, eto ba gusto mo? Paiyakin ako? Natatawa ka pa? Akala mo ba nakakatawa ka pa? Ano ako, bato lang iinsultuhin mo ako ng paulit ulit tapos tatanggapin ko lang ganun?”

Natulala lang si Rob nakatingin pa rin sa akin.

Alam mo yung parang hindi mo na alam kung nagwowork pa yung pagiging honest mo, parang na-drain lang.

“Please lang, pababain mo na ako, Rob. Please.” Umiiyak na talaga ako, ugly crying teh. Para akong bata na nakatakip yung mga kamay ko sa mata ko… Word vomit begins in 3, 2…

“Bakit ba ang sama mo sa akin? Hindi naman kita inaano, ang labo labo mo. Hindi ko alam kung anong sasabihin mo sa akin, araw araw iba iba. Minsan mabait ka, minsan naman ang sama mo, ang sakit mo magsalita. Hindi mo na alam na nakakasakit ka na e. Hindi ka na nakakatuwa.”

Hinga ng malalim, tingin sa langit… At kala mo tapos na… Suka ulet…

“Alam mo bang ang hirap hirap na ng buhay ko? Hindi ako nagpapaawa pero hirap na hirap na rin ako. Ang hirap na napapaligiran ka ng mga taong maayos ang buhay tapos ako kailangan ko magtrabaho para lang maituloy ang pag-aaral ko?”

Para kang lasing Lelay…

“Ilang oras lang ako sa school pero yun lang ang oras na para sa akin, pag nasa trabaho ako iniisip ko lang na para sa pamilya ko yun, pag uwi ko naman sa bahay ang hirap makitang nahihirapan na yung mga magulang ko pero kailangan ko rin maging selfish na gusto ko pa rin makapagtapos.”

Pagod ka na, Lelay? Punas na ng luha, tapusin mo na to.

“Kaya hindi ko kailangan ng mga taong lalong nagpapahirap sa akin, marami na ako masyado nyan. If you don’t like me, fine! I don’t care. Wala akong panahon sa mga taong katulad mo.”

Sabay unlock at bukas ng pinto. Hirit pa ng isa, Lelay sabay lingon kay Rob...

“Wag na wag mo na rin akong kakausapin sa school ha kung ayaw mong…”

At parang sa mga movie, ang bilis lang ng pangyayari pero kitang kita mo ang detalye na parang slow motion ang galawan sa harap ng mga mata mo. Unti unting naglapit, bigla kang napapikit nang bumukas ang pinto sa kabilang side ng kotse at may lumusot na kamay at bago mo pa mapigilan ang lahat, Lelay binitbit na ng Kuya mo ang kwelyo ng kaaway mo.

Kung sa normal na kaaway mo lang siguro Lelay e naki-cheer ka na ng ‘Sige kuya gulpihin mo yan, di natin yan bati.’ E sa pagkakataong ito alam mong kailangan mo syang pigilan dahil hindi naman kasuntok-suntok ang ginawa sa’yo ni Rob. Kaya kilos na Lelay, umawat ka naman!

“KUYAAAA!!!!”

Takbo sa kabilang side ng kotse, pero too late ate, nakaisa na ang kapatid mo. Pak!!!

“Kuya, kuya!!!” Ano, walang masabi, Lelay? Puro ‘Kuya’.

“Tarantado ka ah, anong sinabi ko sayo? Ha? Wag mong sasaktan ang kapatid ko!”

Bakit ba ang lakas lakas ng mga lalake ha? Yapos yapos ko na si Kuya Dylan pero ang lakas pa rin, hawak pa rin ang shirt ni Rob, si Rob napansandal na sa kotse nya hawak hawak ang pisngi nya naku josko ano kaya itsura nun bukas.

“Kuya, tama na…”

“Hoy Dylan! Anong ginagawa mo?”

Ayan na, naglabasan na rin sila mama. Maya maya mga kapitbahay na ang maglalabasan.

“Tama na yan! Zep! Awatin mo ang kuya mo!”

Bago hatakin ni Kuya Zep si Kuya Dylan, umisa pa ng batok kay Rob. Diyos ko, kawawa naman si Rob, hinampas ko ang kamay ni Kuya Zep.

“Tama na nga, ang kulit naman kuya e.”

Nakayuko na lang si Rob.

Nung hinatak na palayo ni Kuya Zep si Kuya Dylan, nilapitan ko na si Rob.

“Pumasok ka na ng bahay Lelay… Palayasin mo na yan!” Grabe si Kuya Dylan, pero ano naman ang sasabihin ko, e nahuli nya akong umiiyak habang kasama si Rob so malamang pag-isipan nya talaga ng masama si Rob.

“Uy Rob, okay ka lang?”

Tanga lang, Lelay? Nasuntok na nga e ‘Okay ka lang?’ hello???”

“Don’t worry. I deserved it.”

“Ano? uy, sorry Rob. Di ko akalain na gagawin ni Kuya yun.”

At last lumingon na si Rob sa akin, “Pino-protektahan ka lang ng Kuya mo. I understand.”

OH MY GULAY. Nangingitim na yung sinapak ni Kuya sa gilid ng mata ni Rob, sa bandang cheekbones. Pawis na pawis rin ang mukha ni Rob, siguro ninerbyos sa pagsugod sa kanya ni Kuya. Diyos ko, ano ba tong disaster na to. Hinawakan ko ng dalawang kamay yung pisngi ni Rob para matingnan ng malapitan yung damage.

“Ano ba naman to, ang gulo gulo na. Ikaw naman kasi e, bakit mo sinabing nanliligaw ka sa akin? Sira ulo ka kasi e.”

Habang iniispeksyon ko ang mukha ni Rob, sumisigaw pa rin si Kuya galing sa bahay “Lelay, pauwiin mo na yan habang nakakapagpigil pa ako!” Sagot naman si mama, “Tigilan mo na Dylan! Hayaan mo sila mag-usap! Pag lumabas ka ng bahay, ikaw ang papalayasin ko.”

At least kakampi ni Rob si mama. Sige pa rin sila usap sa loob ng bahay.

Hinahaplos haplos ko lang ang mukha ni Rob pero parang dumudumi yung mukha nya, puro itim.

“Anong nangyayari? Bakit parang kumakalat yung pasa mo?” Nun ko lang napansin yung kamay ko, puro itim rin. Humawak ba ako ng uling?

Natawa lang si Rob, at hinawakan yung mga kamay ko.

Pwede bang hinawakan ka lang e parang ramdam mo mula bunbunan mo hanggang sa dulo ng mga daliri mo sa paa?

“Wag mo na akong alalahanin, mas malala ang itsura mo sa akin e”

Hinawakan ni Rob ang mga balikat ko at itinapat ang mukha ko sa side mirror ng kotse nya.

Hindi si Lelay ang nasa salamin, kundi isang raccoon.
 
- - - Updated - - -

san ka na ts?
 
Last edited:
oo nga san na si ts hehe

Hi guys!

Sorry I was out of town for a couple of days! I will post the next chapter in a while. :) Thanks for supporting!
Tuwang tuwa si Lelay! hehe

- - - Updated - - -

Chapter 14: Kuya knows best!


Taragis na yan, Lelay. Mas malala nga itsura mo sa kanya. Anong nangyari? Gusto mo palang maging taong grasa e di ka nagsasabi?

“Hala! Anong nangyari sa mukha ko?” Diyos ko, kaya naman pala nagwala ang kuya mo e, mukha kang kinawawang yagit.

Hinawakan ulit ni Rob yung balikat ko at inikot para nakaharap ako sa kanya. Yumuko lang ako para di na nya makita yung mukha ko at tinakpan ng mga kamay ko.

“Wag mo nang tingnan! Ano ba yan, mukha akong gago di mo sinasabi sakin.”

Tinanggal ni Rob yung mga kamay ko nakatakip sa mukha at nilagay nya ang mga kamay nya sa pisngi ko. Ano ba yan, nagpapalpitate na yata ako. Hindi ako makahinga.

“Makikinig ka na ba sa akin ha, LELAY?”

Nalunok ko yata dila ko, kaya tumango na lang ako.

“I’m sorry kung nainsulto ka sa sinabi ko kaninang umaga – Nagulat ako nung makita kang naka-make up, naisip ko lang kasi mas maganda ka kapag wala.”

Aaaayyyy! Puso mo Lelay!

“I’m sorry kung mukha akong natatawa kanina. Pero hindi ko tinatawanan ang situasyon mo, natawa lang ako sa mukha mo kasi kumalat na yung make up mo. Yan oh.” Pinunasan nya ng thumbs nya ang ilalim ng mata ko at pinakita sa akin, ang dumi nga. Itim na itim. Daig pa ang ilong ko pagkatapos ng bagong taon.

Alam mo yung moment na for the first time in your life merong taong iba yung meaning pag tinititigan ka? Iba kasi parang tagos sa pagkatao mo yung nakikita nya? Na parang nag-didisappear ang universe at kayong dalawa lang?

Well, hindi ito ang moment nay un. Biglang narealize ni Rob na pag inistretch nya ng very very light ang nguso nya e makakafirst kiss na kami, so napaatras sya, bigla nya akong binitawan at minasahe nya yung batok nya.

Akala ko talaga yun na yun e oh. Ang lapit na eh oh. Naaaammmmaaaan.

“Ah Marley, siguro you should go inside. Baka lumabas pa ulit ang kuya mo, baka di na kayanin ng pisngi ko ang take two.” Ngingiti-ngiti si Rob pero halatang bothered sya na nagalit ang family ko sa kanya.

So kinapitan ko ang kamay nya – oo, kinapitan ko talaga, pagkakataon ko na to so walang basagan ng trip. “Don’t worry, kakausapin ko sila kuya, maiintindihan naman nila yan, nadala lang ng emosyon yun kanina.”

Ngumiti lang si Rob at tiningnan ang kamay namin, e feeling ko na naman lulutang ako kasi imbes na bitawan nya ang kamay ko e kinapitan pa nya ng mas mahigpit – palm to palm na kami (yasssss) at yung isang kamay nya hinahaplos haplos pa ang kamay ko.

Parang kinuryente si Rob nung sumigaw na naman si kuya Dylan galing sa loob ng bahay – di ko na sasabihin kung anong sinabi nya kasi bad words.

Namula si Rob pero hinatid ako sa tapat ng bahay namin, “Sige na pasok ka na, usap na lang tayo bukas. I mean, if you want.”

Lost for words ka na naman, Marley. So tumango na lang ako.

Pumasok na ako sa loob ng bakuran pero naka dungaw pa rin ako sa gate hanggang sa nakaalis na ang kotse ni Rob. Ang gagang si Lelay, kilig na kilig pa rin sa mga pangyayari na parang lukaret na pumasok sa loob ng bahay na nakangiti…

“Lelay, ayaw ko nang makita yang *bleep* na lalaking yan sa bahay natin ha!”

Yikes!

“Kuya Dylan, wala naman ginawang masama si Rob e…”

“Anong wala! Tingnan mo nga yang itsura mo!”

“May sasabihin ako sayo kuya, pero kailangan makinig ka lang ha? Wag ka sasabat kundi titigil ako sa pagku-kwento. Alam mo naman ikaw lang ang nakakausap ko ng matino at walang pagsisinungaling dito sa bahay.”

Tumingin lang sa akin si Kuya at in-aassess kung gagawin ba nya ang sinasabi ko.

“Sige, pero utang na loob maghilamos ka muna, mukha kang baliw jan sa itsura mo.”

Nasa kwarto na si Kuya at nag-aayos nung iba nyang gamit, mula nang lumipat sya kina Ate Emmy hindi nya magawang makumpleto ang paglilipat dun – parang maya’t maya may binabalikan pa rin sya dito sa bahay. Kaya nga nasaktohan pa kami ni Rob kanina, hindi ko alam na uuwi sya ngayon.

“Oh, dito ka ba matutulog ngayon, Kuya?”

“Oo, nagsabi na ako kay Ate Emmy mo, kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Napagalitan pa ako, bakit daw ako nanakit ng bata.”

Napangiti na lang ako, lagi namang kampi sa akin si Ate Emmy.

“Ano? Ano nang sasabihin mo? Bilisan mo inaantok na ako.” Sabay umupo na si kuya sa kama nya, nakasandal ang likod sa headboard ng kama nya. Pinalo nya yung tabi ng kama nya at dali dali akong pumuwesto dun. Pabaligtad, nakataas yung dalawa kong paa sa headboard, para kitang kita nya ako pag nagkwento na ako.

“Sige na, simulan mo na, promise makikinig lang ako.”

At kinwento ko na kay kuya ang buong pangyayari, wala akong iniwang detalye, at napansin ko nung kinwento ko na ang pag-aapply ko at pagkakaroon ng trabaho pati yung sinabi k okay Rob nung nasa kotse kami na nahihirapan na ako, napatingala si Kuya at parang nagpipigil ng luha. Ako wapakels kasi iyak ako ng iyak, kahit na puro hikbi na at parang hindi na masyado maintindihan ang sinasabi ko hindi sya nagsalita.

Nang matapos ang kwento ko, lumingon lang sa akin si Kuya. Tinitigan ako mejo naluluha luha pa rin.

“Hayyy, san nagdaan ang panahon Lelay? Bakit parang ang bilis mo lumaki? Hindi mo na yata kailangan si Kuya ngayon.”

Syempre in true Marley fashion nag-iiyak na naman ako.

“Sya, tahan na. Sa totoo lang Lelay, nagulat lang ako talaga sa itsura mo kanina. Gusto ko talagang patayin yung lalaking yun. Sa susunod kasi magsasabi ka agad sa akin para hindi ako nag-rereact ng ganun. Kung alam ko lang edi hindi ko sana na-umbag yang crush mo.”

“Hala, crush talaga kuya?”

“Halatang halata naman Lelay, tsaka halata rin naman may gusto sayo yun, gunggong lang kasi tyope.”

“Wow! ‘TYOPE’ lakas maka-90’s kuya ah. Generation gap!” Sabay hampas ni kuya sa hita ko.

“17 years old ka na, ganyan ka parin pumuwesto.”

“Sarap kaya ng ganito, nakakarelax sa legs lalo na kung tagal nakatayo – e pag nasa coffee shop halos di ako nauupo dun.”

Bigla na naman naalala ni Kuya na nag-ttrabaho na ako.

“Sorry talaga Lelay ha, hindi ko napag-planuhan to. Hindi ko ginusto pero hindi ko rin pinag-sisisihan ang nangyari sa amin ni Ate Emmy mo, blessing to e – magiging tatay na ako – magiging Tita ka na, siguradong magiging mabuti kang Tita kasi napaka-responsable mo. Lika nga dito.” Sabay hatak sa akin ni Kuya at niyapos ako.

“Sobrang proud ako sayo Lay, kasi hindi ka nagdalawang isip na tumulong kina mama. At balita ko matataas naman ang grades mo. Hindi kita bibigyan ng advice sa problema nyo nung Rob na yun pero alam ko magdedesisyon ka ng maayos. Malaki ka na, alam mo na ang tama at mali at may tiwala kami sayo. Matalino ka naman – syempre man aka sa akin. Basta pag may problema ka, kahit ano pa – lapit ka kaagad sa akin ha, bunsoy?”

Tumango lang ako at hinigpitan ang yakap kay Kuya.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom