Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story The Misadventures Of Marley

Status
Not open for further replies.
Chapter 1: Pay attention!!!

“Miss, paki-suot ang ID.”

“Ay, sorry po.” Sabi ko sa guard ng bago kong school. Hinga lang malalim, wag ka masyado kabahan. It’s just school… five times the size of your old one.

*gulp* Ano ba, takutin ba ang sarili?

Yes, I’m the kind of girl na may inner monologue, lahat naman ng tao meron nyan e, yung sakin lang mas maingay at mas opinionated.

I’m Marley Zamora, 17 years old, College freshman. And if you’re wondering - yes, I was named after THE Bob Marley, my parents are music addicts. As in lahat na yata ng klase ng instruments meron sa bahay, which works especially para sa tatlo kong Kuya. Ang panganay naming si Kuya Dylan (Bob Dylan), Pangalawa si Kuya Jim (Jim Morrison) at si Kuya Zep (Led Zeppelin). Ayos na rin pangalan ko, cool pakinggan e – kahit na I’m so NOT cool. Muntik pang maging Cat ang name ko (Cat Stevens) or Janis (Joplin).

I had earphones on sa right ear lang para I can still hear the chatter around me. Ang aga ko dumating dito sa school so nag-observe muna ako sa paligid. Benedict College is a semi-catholic school, semi-catholic kasi although they have mass every first Friday of the month (like my old high school) they don’t ask all the students to attend. You’re free to attend if you want to. Hindi kagaya ng dati kong school, pwersado ka umattend at kumanta (ng malakas) sa misa, kabisado ko rin ang books ng bible (ginawan ko pa ng tono yan, parang song para di ko malimutan), walang klase pag feast day ng Patron Saints ng school namin, may program at kung ano ano pa. At syempre may rosary kada umaga. “Praised be Jesus and Mary” ang linya naming pag mag-ggreet ng teachers. Hard core Catholic school girl ito.

Anyway, Benedict College allows students of any religion to enroll here. Ayun oh, dami Koreans!
Medyo old school (teehee), I mean old ang school na ito. The design of the building is based on the church that is in the center of the school. Old brick stones like the ones in the church were used to construct its façade. It’s tall and regal, with concrete Greek-inspired pillars that give the school the sosyal and mamahalin look.

Bene (as it’s more popularly known) is in the middle of Manila now pero dati sya lang ang nag iisang brick structure sa lugar na ito. What once started off as a charity Sunday school for little children grew into a full-fledged College sitting on a 10-hectare land. It’s a good feeling na makapasa sa isang prestihiryosong eskwelahan na kagaya nito. After all, I have been working towards this my entire high school life.

Sa wakas, nakarating rin sa aking bagong classroom. Good thing, hindi ako naka-block section, mas maapreciate ko ang ganda ng aking alma mater. Naks. Finally, Room 203 – silip muna tayo, Marley. Sus, bago pa makarating ng 1st period nakapag-chikahan na kami ng kunsensya ko ng bonggang bongga.

Ahem. Eto na ang isa sa mga pinaka-importanteng desisyon sa buong college life ko. WHERE TO SIT???

Nagstay muna ako sa pinto sa likod na part ng classroom to observe, may sampung tao na nandito sa classroom:
1. Ang mga “henyo” nasa pinaka-unahan nakaupo. The smart and nice people, by nice I mean okay naman sila kausap wag mo lang sila tanungin ng sagot nila sa assignments at wag na wag kang mag-aattempt na kopyahan sila sa exam. Hihihi.
2. Ang mga Friends for life nasa side ng bintana. Usually, sila yung mga galing sa iisang area, usually province at magkakaibigan na simula’t sapul. Ayaw na maghiwahiwalay e.
3. Ang mga trying-to-be-cool kids, na sa likod nakaupo, kasama ng mga “mayaman si mama/papa, pwede akong umulit”. Hehe. Joke lang.
I decided to play it safe, sa may bandang gitna na lang, keeping my options open to either left or right seatmates. I’m so smart. Ugh.

“Hello.”

“Hi.” Automatic reply ko sa biglang tumabi sa akin sa kanan. Aba, ang girl na ito napaka-ganda. She’s everything I’m not, maputi, slim, matangkad at
mahaba ang buhok.

“I’m Nina. Short for Dynina. I know it’s a weird name. Don’t ask.”

“Uhm, I’m Marley. As in Bob Marley.”

“Sino???”

“Uh, wala.” Hindi ko ine-expect na lahat may kilala kay Bob Marley, pero automatic na reply ko yun pag may nagtatanong ng pangalan ko. Old habits.

“Wait, may boyfriend ka na ba?” Tanong ni Nina.

“Uhm. Wala.”

“Ah ganun, okay lang yan. New school, new people. Marami ka makikilala dito na guys, gawin nating project yan – wanted: Boyfriend for Marley”.
I hate that I know what people thought of her nung High School, most High School girls were very judgmental, and they probably call her a “slut” behind her back just because she was honest. What I like about her though is that mukhang wala syang pakialam, I mean, she just met me. But she would say such things.

And on and on she droned about her “older” boyfriend. She wants to seem mature siguro for being with an older guy. But all in all, she’s nice. I made by first
College friend. Yay to me.

All the other students came in, taking their seats (making big decisions), to my left a petite girl sat. Cute rin sya, pero mukhang malupit ang mananahi nito’t hapit na hapit sa kanya ang uniform. It’s the first thing I hate in this school – damn uniforms. Her name’s Kat and she’s from Taguig! She’s too arte but she seems nice enough so it’s all good.

After an entire day of orientations and introductions, my first day ends. Byahe na lang pauwi ang iintindihin ko. Syet. Ang layo ko pa. Oh well…

I was on my way home when I noticed guys na nakatambay sa parking lot. Chinese guys. Gaganda ng kotse, mukha nga lang sloppy with their polo’s open showing their undershirt. Enebeyen. Kakatingin, nabangga tuloy ako sa isa pang student.

“Ay pucha”

“Ow”

Sabay naming sabi. At napatingin na ako sa naka-sumo wrestling ko.

Jusko, ang tangkad.

“Sorry” Automatic response ko.

“Sorry rin” Sabi nya. Dun ko nakita ang mukha nya, aba ka-pogi. Chinito, maputi at in fernez hapon na mabango pa.
Feeling ko umaakyat na yung dugo ko ulo ko kasi nakatingin sya sa mukha ko. Escape! Escape, Marley! May kaengotan ka masasabi kay pogi, go go go!!!

“Sige, bye!”

“Bye!” sabi ni pogi.

Ang puso ko kabog-kabog pa rin hanggang sa bus. What an end to my first day.
 
Chapter 15: Shh. Bawal Maingay Dito

Buti na lang Tuesday ngayon, hindi ko muna iintindihin si Rob ngayong araw na to. Out of sight, out of mind diba? Pero mukhang malabo sa akin kasi after naming mag-usap ni kuya kagabi, hindi pa rin ako agad nakatulog. Pagulong gulong ako sa kama, tsaka bakit parang hindi mawala yung kiliti sa palad ko? Parang ginagapangan ng maraming langgam. Naloloka na yata ako. Mula pagbangon ko, pagligo, pagtoothbrush sakay ng jeep, sakay ng bus para akong lumulutang. Wala na ulit text sa akin si Rob mula kagabi nung sinabi nyang nakauwi na sya, wala akong naisagot maski “Goodnight” kasi lutang pa ako. Parang feeling ko kahit anong sabihin ko, baka magkaroon ng ibang meaning. Asyumero lang, Lelay?

Tuloy ang pagtugtog ng Dishwalla sa mga tenga ko, naka-earphones na naman ako nag pagpasok sa school – 1990’s to early 2000’s rock ang usual music ko pag bumabyahe, hinahanap ko yung ID ko sa bag – hindi ko namalayan na may kumakausap na pala sa akin. Bumangga ako sa matigas na dibdib, hinawakan nya ang braso ko para di ako matumba. Parang pelikula na naman saktong habang nagsimula tumutugtog ang acoustic version ng “Stolen” by Dashboard Confessional nag-slo-mo na naman ang mundo ko nung tiningnan ko ang mukha nya, at yun – pak! Nag-meet ang mga mata namin ni Rob. Parang ang tagal namin sa ganung pwesto, tinitingnan ko sya, tinitingnan nya ako. Hanggang sa nakita kong bumubuka yung bibig ni Rob, nagsasalita na naman sya – hindi ko maintindihan.

“ANOOOO????! HINDI KITA MARINIG!”

Biglang ngumuwi ang poging mukha ni Rob, binitiwan nya ang mga braso ko at tinanggal yung isang earphone ko.

“Hindi ako bingi. Wag mo akong sigawan.”

Oops.

“Tinext kita kanina ah, di mo ba na-receive?”

Bigla akong natauhan at tiningnan ang cellphone ko, sobrang sabog yata ako ngayon kaya di ko napansin na nagtext pala sya.

Nakaabang yung kamay nya, parang may inaabangan sya sa akin, eh hindi ko alam kung ano yun. So in-apir-an ko na lang yung nakaabang nyang kamay. Natawa si Rob at kinuha yung strap ng bag ko.

“Akin na yang bag mo, ako na mag-dadala.” Nginitian nya na naman ako? Nanghihina yung tuhod ko. Bwiset.

“Teka, bakit mo dadalhin yung bag ko?”

“Nagtext nga kasi ako sayo, hindi ka nagbabasa, na-cancel yung morning classes today sa College natin nagpa-emergency meeting si Dean so wala tayo lahat na prof. I thought we should finally work on our speech, bukas na yun, Marley – ni isang word wala pa tayong nasusulat.”

Syet, bukas na pala yun. Bigla akong kinabahan.

Kinuha ni Rob yung earphones ko, “Ano ba yang pinapakinggan mo?” sabay lagay sa tenga nya ng earphones. E nakakabit pa sa isang tenga ko yung isa, e bilang 5’4” lang ako at 5’9” sya, sumunod yung mukha ko paghatak nya, yumuko din sya ng konti para share kami sa music.

“I watch you spin around in your highest heels, You are the best one, of the best ones.
We all look like we feel. You have stolen my, You have stolen my, You have stolen my, You have stolen my heart........”

Tinanggal ni Rob yung earphones sa tenga nya, pati yung earphones ko, sabay lagay sa bag ko. Tiningnan nya na naman ako, pero parang this time iba na. Asyumero na naman ba ako? Sana naman hindi.

Inalok na naman ni Rob yung kamay nya, “tara na?” this time alam ko na kung anong hinihingi nya, alam ko na binibigyan nya ako ng choice. And syempre ano pa ba ang sagot? Diba? Hello? Hinawakan ko ang kamay ni Rob at pinag-intertwine nya ang fingers namin, feeling ko ang pula pula na ng mukha ko, e kasi sya rin, namumula yung tenga nya. Ang cute. Di na naman ako makahinga.

At dahil wala kaming klase ngayon, sa library kami nagpunta ni Rob. Nag-stay kami dun sa isang cubicle na may computer. Naupo na agad si Rob at nagstart na magtrabaho, sya na muna daw ang mag-uumpisa then revise ko na lang if may gusto akong baguhin. Nakasalo yung kamay ko sa mukha ko, seryoso si Rob habang ginagawa ang speech namin, nakakunot ang noo – para akong stalker na tinititigan yung mukha nya.

Biglang tumigil si Rob sa pag-ta-type, ang bilis ng kamay nya kinurot ang ilong ko.

“Aray!”

“Wag mo akong titigan, nakakadistract ka.”

Asus, parang nagtatambling ang mga butterflies sa tiyan ko.

“Hindi kita tinititigan, yang pasa mo ang tinitingnan ko.”

Sumandal sa upuan si Rob at hinawakan ang pasa nya, grabe pa rin ang itsura parang ang sakit. Naninilaw na yung ibang part pero mostly bluish/purplish pa rin.

“I have to talk to him, Marley.”

Ngumiti lang ako sa kanya, “Nakausap ko na sya, wag ka na mag-alala. Hindi naman sya galit e, kasalanan ko naman kasi yung nangyari.”

Ginaya ni Rob ang pwesto ko, magkatabi kami at magkaharap. Dumidikit na yung hita nya sa tuhod ko – ang weird pero gusto kong ikaskas yung tuhod ko sa hita nya – ano ba, Lelay pucha ang landi mo!

Nagbuntong hininga si Rob, “Hindi ko sya gustong kausapin para magpaliwanag, honestly, mali talaga ako so I deserved it. And I think kahit anong paliwanag ko, the point is, pinaiyak kita. Regardless kung anong dahilan, pinaiyak pa rin kita and that’s something I promised him that I wouldn’t do.”

Grabe tibok ng puso ko, parang nasa lalamunan ko na. Hindi ako makalunok.

“Kaya ko sya gusto makausap, pati na rin ang parents mo, I wanted to ask them if papayag silang ligawan kita – for real this time.”

Sa isip isip ko lang, kailangan pa ba yun? E nagpapa-holding hands na nga ako, pag lumapit sya ng konti halikan ko na sya e. Ligaw pa? Wag na. Oo na agad sagot, Rob. Seryoso.

Biglang ngumiti si Rob tapos umatras, “Wag ka magmadali, Marley. Alam ko gustong gusto mo na akong sagutin, chill ka lang. Paligaw ka muna.” Parang aliw na aliw sya nag bwisitin ako pero feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.

Kalma lang Marley, two can play at this game.

“Ah ganun ha, fine. From now on, ikaw manliligaw, ako ang nililigawan.” Nginitian ko rin sya, biglang nawala ang ngiti ni Rob – parang natakot.

Don’t me.

- - - Updated - - -

Chapter 16: One, two, Speech!

Nagkasundo kami ni Rob na gawing two parts ang speech namin, like yung approach namin – Traditional vs. Modern, bilang babae ako ang magsa-salita sa traditional courtship then si Rob naman sa Modern.

Pagdating ko ulit ng school the next day, nakaabang ulit si Rob sa gate at dahil hinamon nya ako, kahapon pa ako “cold” sa kanya. Nakasimangot tuloy si Rob habang inabot ko sa kanya yung bag ko at naglakad sa harap nya. Sumunod naman si loko.

Pagpasok namin ng classroom una kong nakasalubong si Chris, nakangiti sya pero biglang nawala nung nakita nyang nasa likod ko si Rob at inabot sa akin ang bag ko.

Nginitian ko lang si Chris.

Isa isa nang tinatawag ang mga classmates namin, bilang nasa likod kami huli kaming tatawagin.

Ninenerbyos na ako, kinukutkot ko yung balat sa gilid ng mga kuko ko. Ano ba yan, baka dumugo na naman Lelay kalma ka lang.

May sumundot sa tagiliran ko, ballpen na naman ni Rob, paglingon ko kinindatan nya ako. Hindi ko napigilan napangiti ako. Bwiset.

Finally, tinawag na ang pangalan namin, nagtilian ang mga tao nung tumayo si Rob ng mabilis at in-offer yung kamay nya, pahiya naman ako kaya kinuha ko na rin ang kamay nya. Mamatay matay ang mga kaibigan ko sa kilig. Mga lukaret.

Nilagay ni Rob ang kamay ko sa braso nya at inalalayan ako papunta sa unahan, may podium kaya dun nya ako tinapat since ako ang unang magsasalita. Sabay bow sa akin ni Rob. Bakit ba ang gwapo nito, naka coat pa sya ngayon tapos naka-brush up yung buhok, taragis na yan gusto yata nito atakihin ako sa puso e.

Para makapag-concentrate ako, humarap na ako sa classmates ko, nilapat ang speech sa podium at nagsimula.

“Good Morning Everyone, I’m Marley Zamora and this here is my partner (tilian na naman) Robert Gomez, today we will be speaking about a topic most of us here can relate to – courtship from the old Filipino ways to the new. Which of these two very different approaches are more effective?”

Paglingon ko sa notes ko, may nakasulat – sulat ni Rob “Hinga ng malalim, Lelay. You got this.”

Napangiti ako.

“Like our neighboring Asian countries, Philippines have more traditional ways of courtship, and back in the day our parents, grandparents and ancestors had more formal ways to show affection. Personally, I think it is the better option than the form of courtship we see today; (may mga nag-boo! Mostly guys – go figure.) First of all, it is not confusing since the purpose of the man is very clear (nagta-tanguan ang mga girls). The intention of the man is to win over the lady through scheduled visits, gifts, serenading and tasks – yes, tasks, chores done for the family of the lady. The man has to prove himself worthy, not only by the gifts he gives but also on how much he can sacrifice for the woman he loves.”

Nag-yihee-han na naman sila.

“Courtship in the old days should be taken seriously, because the man not only has to select the woman he intends to pursue, but to choose the woman he will spend the rest of his life with. It almost always ends up in marriage.”

May nag-yikes! Nagtawanan yung iba.

“With that, the selection process is also very tedious, the man has to select the woman as though it’s the last choice that he will ever have in the matter. The woman also has to live up to the standards of the man she wishes to be with, without sending out signals. She has to appear indifferent and shy.”

May sumagot – sus! Pakipot!

“In the traditional approach, the women are expected to act a certain way – the woman cannot reveal her true feelings to her suitors, she needs to extend the same courtesy to each of her admirers and give them all time and equal opportunities to win her heart. In this aspect, the traditional way is still better – the woman is supposed to act a certain way and still be respectful to their suitors and not dismissing them immediately. Though they are allowed to visit, it doesn’t guarantee that the lady will reciprocate their feelings. It is a long and competitive journey but it must be done to prove the worthiness of the male.”

“The woman just like the man, need to prove her worth – to appear amiable to the man without appearing obvious, after all the woman is also putting her life on the line. She will probably be losing some suitors if she does not do things a certain way or act how she is expected to. There are risks in this kind of approach, especially the thought of ‘putting your best foot forward’, some might be fooled since not all people are sincere and some have ulterior motives.”

“The thing is, although this approach takes longer for a relationship to blossom, its sincerity for the most part - cannot be questioned. It takes more than just cute gestures, lingering looks and gifts for the woman to give her hand and heart to the man. It takes a lot of commitment even before there is a relationship.”

“The man commits and gives his best, the woman accepts and selects the best person she thinks she can spend the rest of her life with – this careful and thoughtful stage is what I like most about this approach. It doesn’t ‘test’ or ‘try’, dipping your foot first and seeing how things will go, rather, each person knows how serious being in a relationship is and how bad it could end if you choose haphazardly.”

“Trying is the best part of the new approach though.” Sumabat na si Rob. Nagtilian na ang mga girls. Wag ka magselos Lelay. Hindi mo pa sya jowa.

I had to do the traditional and he will defend the new approach – just like we practiced.

Umatras na ako at hinayaan syang tumayo sa likod ng podium.

“The modern approach may be more of a ‘trial’ and ‘error’ type of courtship, but it doesn’t mean it’s not as sincere as the traditional way. It may not have the flashiness of the old ways but it does have its benefits.”

Napaka-smooth ni Rob sa harap ng mga tao, very charming. Actually lahat ng girls nakapangalumbaba na at focused na focused sa kanya. Nak ng pucha.

“First of all, the guy befriends the girl – he doesn’t immediately let the girl know he’s into her, not to confuse her or anything, but to see where it leads. After all, love doesn’t happen overnight, it comes from a series of moments and series of events.”

Hindi ko mapigilan mabwiset, sobra tong si Rob mag-pacute. Nak ng.

“Second, when they are already friends the guy sends some signals to the girl, this I think – makes this approach a winner.”

He smiles. Masyadong ginagalingan ni kuya.

“Who doesn’t love a good ‘kilig’ moment, right?” He looks our professor over. “Sir, sorry, there was no word to exactly translate ‘kilig’ in English, I hope that’s okay.” Our prof signals him to continue.

“The girl swoons over the little things the guy does, it doesn’t have to be flashy or expensive or grand, it just needs to be sincere.”

Nag-yoo-hoo na ang mga boys! Syempre kampi kampi na silang lahat.

“So to end our speech” bigla akong hinatak ni Rob sa tabi nya. Nagtilian na naman – ano ba naman tong klase na to. Paglingon ko sa prof namin nakangiti naman.

Pagtingin ko kay Rob hindi na sya nakatingin sa class, sa akin na.

“I think both approaches have its merits and its downsides, but at the end of the day it’s not how it’s done but the feelings behind it. As long as your heart is in the right place and as long as you mean well, whether it takes a day, a month, a year or a lifetime – coming from the right person, the right moment, that ‘YES’ will be worth it.”
 
Chapter 17: When Life Gives You Lemons…

Oo, DOS (2) ang grade namin ni Rob. Technically, we were supposed to get 2.50 kaya lang nabuyo ang professor namin ng buong klase. Our professor expected a longer speech and a more technical one, e ang daming adlib ni Rob but he really put on a show and since na-‘captivate’ daw namin ang audience namin we deserved a higher grade. After all, when speaking in public the confidence and passion behind the words sometimes are more important than the words themselves.

Pagtapos na pagtapos ng ‘speech’ ni Rob, at pagtapos ng hiyawan ng classmates namin binatukan ko sya. Nagtawanan naman ang classmates namin, asar – pahiyang pahiya ako, ayaw ko pa naman ng ganun – on the spot. Bwiset.

Pag-upo namin in-apir-an ako ni Chris “Good job” sabi nya ng nakangiti.

“What happened to your face?” Pabulong na sinabi ni Chris kay Rob.

“Ran into a wall.” Yun lang ang sagot ni Rob.

“Lucky wall.” Nakangisi si Chris.

Napalingon ako kay Rob, kinindatan nya lang ako and bumulong “Don’t worry about it.”

Bilang nag-iinarte pa rin ako since ‘nililigawan’ na ako ni Rob, tumanggi akong sumabay sa kanya mag-lunch, kina Nins and Kat pa rin ako sumama.

“Oh my God. I was gonna die! Literally, I was dying of kilig, girl. Haba ng hair mo.”

Natawa na lang ako, ang arte talaga ni Nins.

“Lecheng Rob yan, naihi ako sa kakiligan.” Tawa ako ng tawa kay Kat – hindi sya usually ganyan kaya hindi ko kinaya.

“So…” Here it comes.

“What’s the real score between you two? Our plan worked huh?”

“Eh, manliligaw daw sya ewan ko dun.” Feel na feel mo naman, Lelay. Arte much.

“Oh my God! Marley’s dalaga na!” Tawa ng tawa si Nina.

“Just don’t forget to still hang out with us pag kayo na.” Binalaan naman ako ni Kat.

“Agad agad? Kami na? Malay nyo di maging kami.”

“Impossible.” Nakangiting sabi ni Kat.

Grabe naman, ganun ba ako ka-obvious? Oo Lelay, nagtanong ka pa.

“Anyway, we still have a couple of weeks before the sem ends, san tayo sa sembreak?” Ayan na, ako malamang nagttrabaho – sayang ang free time.

“Don’t tell me you’re gonna spend all that time working, Marley. You need to relax and spend a few days with us. Hindi naman buong sem e magbabakasyon tayo, only for a few days. Out of town tayo, paalam ka na sa inyo, if you want ako pa magpapaalam para sayo.” Very hopeful si Nins, tsaka parang nakaplano na talaga ang lakad na to. Pano kaya?

“Hindi na. ako na lang bahalang magpaalam kina mama. San ba tayo pupunta?”

“Marley, halika muna sa office ko, kailangan kita makausap.” Nagulat ako nang tinawag ako ni Tito Ben,dali dali akong pumunta sa office nya, hindi naman kasi ako madalas pinapatawag ni Tito kaya mejo kinabahan ako.

“First, gusto kong sabihin na sobrang sipag mong bata ka, hindi kita nakitaan ng pagod pag nandito ka, lagi ka pang nakangiti. Madali ka raw katrabaho sabi ng mga ate at kuya mo dito sa coffeeshop.”

Napangiti lang ako, pero parang may mali talaga kaya hindi ako masyado makampante.

“Thank you po, Tito. Madali rin po kasi makatrabaho ang lahat dito. Tsaka kayo po mabait po sa amin kaya po magaang lang po sa amin magtrabaho.”

Napabuntong hininga si Tito Ben, “The thing is, Marley, by the sembreak kokonti lang ang mga studyanteng pumupunta dito and our customers usually are the students. So for 2 months we will be having less customers. Pag sembreak kasi Marley nagbabawas muna ako ng tao, pinagbabakasyon ko rin ang staff ko.”

Patay. Patay ka Lelay.

“I usually keep 3 staff members lang, since most of you guys are students I have to go with tenure. And you’re the newest person here.”

Napalunok na lang ako. Naiintindihan ko naman ang sinasabi ni Tito kaya lang kailangan ko ang trabahong to, lalo na for the sembreak. Sayang ang kikitain ko – makaka-full time pa naman sana ako ng ilang buwan.

“I’m sorry, Marley, alam ko kailangan mo itong trabaho pero lahat naman kayo working students and I try to help as much as I can pero this is still a business.”

Hindi ako makapagsalita kasi baka maiyak ako kaya tumango na lang ako at nag-try na ngumiti.

“Your job will still be here pagresume ng klase pero for the sem break, pahinga ka na lang rin muna.”

Saklap saklap ng kapalaran bakit ganun?

“Ah ok po. Sige po Tito balik na po ako sa work.”

“I’ll have your last pay before the break by today, kasama na yung advance mo for the next few weeks, pasensya na ulit Marley ha.”

Nahiya naman ako, napakabait ng amo ko. Kaya kahit hindi masyado appropriate niyapos ko ng saglit si Tito Ben.

I need to find a short term job for the sem para makaipon ako, di bale Lelay kaya mo yan. Kailangan lang magstart na ako maghanap agad. Kapit lang, Bes.



“Bakit ka seryoso?” Malapit na kami sa bahay ni Rob pero parang tulala pa rin ako, nakakahiya na ang nangyayari sa akin, paano ako makakasama kina Nins e mawawalan nga ako ng trabaho?

“Wala lang.” Hindi ko rin masabi kay Rob ang sitwasyon ko, kasi malamang tutulungan nya ako, e ayaw ko na magpatulong sa kanila, may pride rin naman ako.

“Anong wala lang e kanina ka pa tahimik jan? Naka-ilang joke na ako di ka pa tumatawa.” Actually wala talaga akong narinig sa mga sinabi nya, masyado akong occupied sa mga problema ko.

“Joke ba yun? Di naman nakakatawa.”

“Talaga? Narinig mo? Sige nga ulitin mo?” Nag-ttry akong makipag-biruan pero talagang wala e, masama pa talaga ang loob ko at nag-wo-worry ako sa mga susunod na buwan.

“Wala ako sa mood, Rob.” Napatingin lang sa akin si Rob pero hindi na sya nagsalita.

Pagdating namin ng bahay bumaba si Rob at pinagbuksan ako ng pinto, “Can I come in?” sobrang unfair para kay Rob and I know I’m being a bitch pero umiling na lang ako at nag-Thank you. Sabay pasok ako ng bahay.
 
Chapter 18: Lelay Meets Madam

Para akong robot for the next few days, si Rob sobrang pasensyoso sa akin kahit na hindi ko sya masyado kinakausap. Nandun lang sya, hatid, sundo, kinakausap ako kahit na hindi ako sumasagot. Hindi nya ako pinilipilit magsalita, pero lagi nyang sinasabi na nanjan lang sya para sa akin kapag ready na akong magsabi sa kanya. Nakakatuwa lang kasi talagang hindi ko sya makitaan ng pagiging irritable sa akin or galit dahil di ko sya kinakausap, he’s just there – waiting and always ready for me if I need him. And I need him pero mas nangingibabaw pa rin ang selfishness ko sa situasyong ito, feeling ko sobrang unfair na sa akin ng pagkakataon, hindi ako makabangon.

Nag-decide na akong seryosohin ang paghahanap ng sembreak job, pag hindi ako agad kumilos baka maubusan ako ng slots.

“Rob, wag mo na akong sunduin bukas. Hindi ako papasok.”

Napatigil sa paglalakad si Rob, bitbit nya ang bag ko – ayaw ko nga padala sa kanya e pero he insists.

“Bakit?”

I just wanted to be a bitch again and tell him it’s none of his business pero I don’t think mapipigilan sya ng ganun, after all he’s been very patient sa akin so I decided to tell him the truth.

“Kailangan ko maghanap ng trabaho e, for the sembreak – magbabawas kasi ng tao sa coffeeshop.”

Napayuko lang ako. Tahimik lang si Rob pero after a while in-offer na naman nya ang kamay nya. Hindi rin ako nagsabi sa bahay kaya wala akong mapaglabasan ng sama ng loob ko, kahit si Nins and Kat hindi ko kinausap tungkol dun, baka kasi magtampo si Kat sa Tito nya dahil tinanggalan ako ng trabaho for the sembreak – I needed someone to comfort me. Kailangan ko rin ng karamay, and Rob was always there – waiting lang and na-miss ko na talaga sya – kung paano kami before ako nagkaroon ng problema so tinanggap ko ang kamay nya and sinandal ko ang ulo ko sa braso nya. He put his arm around me and put his chin on the top of my head.

“Keep your head up, Lelay. Things will get better.”

Tumango lang ako at niyapos si Rob.

Nung gabing yun, nag-text si Rob na on the way back daw paghatid nya sa akin may nakita syang bagong building 30 minutes from our house, may nakita syang mga naka-post sa labas na job vacancies, try ko na lang daw if pwede ako. I know ayaw nyang mag-appear na tinutulungan ako, he knows me well enough na pag kailangan ko hihingi ako ng tulong, at alam nyang gusto kong i-solve ito ng mag-isa. Na kaya ko kahit walang mag-refer sa akin.

So I went, naka uniform pa nga ako umalis ng bahay kasi matatanong ako nila mama kung hindi e – sobrang aga ko dun sa bagong building. May clinics dun na ginagawa pa lang, pero may real estate office na finished na yung office, so dun ako nag-antay sa labas.

Mga 8am may dumating na maganda at sosyal na babae – jusko nakakatakot naman to. E no guts no glory, so lumapit na ako.

“Uhm, hello. Good morning po.”

Tumingin lang sa akin si “Madam” mukha talaga syang madam, nakataas ang buhok 2 bag ang dala plus 1 laptop bag.

“Tutulungan mo ba ako dito or titingin ka lang jan?”

Ay, attitude agad ang aga aga. Pero syempre dali dali ko syang tinulungan, hinawakan ko lahat ng gamit nya habang ino-open nya ang pinto.

“Nasaanba si Nick? May nakita ka bang guard dito?”

“Ah, wala po e.”

“Naku, late na naman pasok nung guard na yan. Saan ka ba naman nakakita na nauna pa yung may ari kesa sa guard?”

Ah so tama ako, ‘Madam’ nga tawag ko sa kanya, sya pala ang may ari. In fairness parang ang bata pa nya, mga early 30’s siguro.

“Ilapag mo na lang jan sa table ko yung gamit ko.”

Sumunod naman ako, pumasok ako sa office nya at nilapag ang mga gamit nya, dahan dahan kasi baka may mabasag ako sa loob.

“Nag-breakfast ka na ba?”

Nagtaka naman ako sa tanong nya, umiling lang ako kasi hindi nga ako nakapag-almusal kanina, tsaka ilang buwan nang pandesal tsaka keso ang agahan sa bahay kaya hindi na ako kumakain dun.

Kumuha sya ng pera sa wallet nya at inabot sa akin, “Eto, may coffeeshop jan sa kabilang building, ibili mo ako ng chamomile tea na tall tsaka isang french toast, bumili ka na rin ng para sayo.”

Binigyan nya ako ng P500, hindi nga alam ang pangalan ko e inabutan na agad ako ng pera.

Tumitingin ako dun sa P500 at tumingin ulet ako sa kanya.

Nilabas na nya ang laptop nya, at tiningnan ako tapos nagbuntung hininga, “Kailangan mo ng trabaho?”

Nagulat lang ako kaya tumango ako, “Oh edi gawin mo na yung sinasabi ko bili mo muna ako ng breakfast tapos tsaka tayo mag-usap. Hindi pa ako maka-function e.”

Dali dali akong lumabas ng office at bumili ng breakfast nya. Ayaw ko muna kumain para akong masusuka, kaya pagbalik ko binalik ko sa kanya yung sukli at yung resibo. Akala ko matutuwa sya kasi hindi ako bumili ng para sa akin, pero naasar pa sya, “Anong pangalan mo?”

“Marley Zamora po.”

“Well, Marley Zamora, wala akong masyadong requirements na hihingin, eto lang – dapat marunong kang sumunod, pag sinabi kong bumili ka ng breakfast para sa ating dalawa dapat yun ang bitbit mo pagbalik.”

“Kung hindi ka makakasunod sa akin, sa iba ka na lang mag-apply – I like to be precise, so I need you to be precise as well since ikaw ang pagbibilinan ko dito. Kaya dapat pagdating mo dito, nakapag-ayos ka na, nakapag-breakfast ka na rin, hindi gagana ng maayos ang utak mo pag gutom ka.”

Nagulat na naman ako, ano ba naman tong babaeng to? Wala nang interview, interview? Tanggap agad?

“Uhm, do I get the job ba po?”

Tumigil sya sa pag-ta-type, at tumingin sa akin – ang gandang babae naman nito ni Madam, Chinese sya, maputi tsaka walang masyadong make up, natural beauty.

“Sure. I’ll give you a try. Pero I’m warning you, I’m hard to please kaya give it your best okay?”

Tumango lang ako.

“Iwan mo na jan ang Bio-Data mo and your other documents, I’ll set up what you need, you’ll start in 2 weeks since I know mag-se-sembreak pa lang kayo, I need you here 5 days a week, Mondays to Fridays, 8am to 5pm. Be in your business attire, walang maong or shirts, be and look professional, okay?”

Tumango lang ulit ako.

“O sige na, abangan mo lang yung guard sa labas then you can go. I’ll see you in a couple of weeks.”

Paalis na ako nang bigla akong bumalik, “Ma’am, uhm pwede pong magtanong?”

Tumingin lang sya sa akin, “My name’s Chloe, you can call me Ma’am or Ms. Lee”

“Okay po Ma’am, ah tanong ko lang po kung bakit nyo ako iha-hire? Thankful po ako sobra pero nagtataka lang po ako kung bakit.”

Tumingin lang ulit sya sa akin, “You’re from Bene, right?”

Napatingin lang ako sa uniform ko, “Opo.”

“And by your looks, you’re what, a freshman?”

“Yes po.”

“I graduated from Bene, and you probably know my brother, he goes there.”

- - - Updated - - -

Chapter 19: Uwian na!

“Chris! Wait!”

Napalingon si Chris nung tinawag ko sya, “Oh, Marley, ‘sup?”

“Ah, nakausap mo na ba ang ate mo?” I just wanted to make sure walang kinalaman si Chris sa pagkakatanggap ko, pero wala nga syang alam sa problema ko e, pano naman nya ako tutulungan? Gaga lang, Lelay?

“Uh… I talk to her everyday, why?” Ang tanga ko lang talaga, edi ipapaliwanag ko sa kanya yung nangyari.

“We met kahapon sa office nya dun sa Ortigas, I’ll be working there during the sembreak.”

Nanlaki ang mata ni Chris, “Shit Marley, don’t work for her. Maawa ka sa sarili mo, may pagka-monster yun si ate.”

Natawa na lang ako, “Okay lang yun, I don’t mind. Basta may mapagkakaabalahan ako during the break.” Nginitian ko lang si Chris.

“Pano ang work mo sa coffeeshop?”

“Pinagbakasyon kasi ako ni Tito Ben dahil mahina daw ang customers pag sem break kaya I needed to look for some other work para di masayang ang break ko.”

“Kaya nga break, Marley e. Magpahinga ka naman.” Bigla kong na-realize na habang nagttrabaho ako, magbabakasyon silang lahat. Nalungkot na naman ako.

“Edi ipag-bakasyon nyo na lang ako, mag picture kayo sa mga places na pupuntahan nyo tapos lagyan nyo na lang ng space dun then caption ‘wish you were here, Marley’” Ti-nry ko na lang patawanin si Chris, nakakaawa ka naman Lelay, bakit ba kasi ang yayaman ng friends mo.

“Actually, I won’t be going anywhere this year, my mom forced me to help out in the family business.”

Napatingin lang ako kay Chris.

“What I mean is, pareho tayong walang bakasyon this sembreak, workmate.”



“That’s good news, Marley buti naman nakahanap ka na agad ng work.” Nakangiti si Rob pero parang di sya masaya sa news ko, kinwento ko na sa kanya lahat para wala nang tanong tanong later kaya lang parang hindi sya kumportable na makakatrabaho ko si Chris.

“Okay lang ba sayo, katrabaho ko si Chris?” In fairness naman kay Chris, mula nung nakita nyang interesado sa akin si Rob nag-backoff na sya. Hindi na sya nakikipag-flirt flirt sa klase pero binabati at kinakausap pa rin naman nya ako.

“I know you need the job, Marley. Tsaka may tiwala ako sa lakas ng dating ko sayo kaya kahit di pa tayo alam ko ako parin.” Sabay kindat. I know pine-play nya lang as wala lang sa kanya pero I can tell affected sya. I’ll just make sure that we keep things professional sa office para wala kaming maging problema ni Rob, wait lang, hindi pa nga kayo Lelay e may pa-ganyan ganyan ka na.

Lumingon lingon ako sa library “Parang biglang lumamig dito? Lakas ng hangin.” Napangiti lang si Rob.

“Pero susunduin mo naman ako diba kaya okay lang? Kailangan ko ng driver tsaka taga bitbit ng bag.” Binibiro ko lang si Rob pero bigla syang nag-seryoso.

Minasahe ni Rob yung batok nya, parang bwisit na bwisit sa sasabihin sa akin. “Actually, I’m going away with my family. Everytime kasi na may bakasyon kami ng mga kapatid ko kung saan saan kami dinadala ni mommy.”

Nalungkot naman ako bigla pero at least makakasama ni Rob ang family nya, kakainggit nga e, buti pa sila, “Ah okay. Masaya yan. San kayo punta? Boracay ganun?”

“U.S.”

“Oh.”

Biglang nagbago ang mood namin ni Rob, sobrang nasanay na kasi ako na lagi syang nakikita kaya parang ang hirap na matagal ko syang di makakasama.

“It’ll just be for a month, Marley and I’ll call you everyday.”

Hinawakan ko ang braso ni Rob, “Yup. Ok na rin siguro yan, nananawa nako sa mukha mo eh.”

Alam nyang joke pero sumimangot pa rin si Rob, sabay bawi tuloy ako, kinurot ko sya sa pisngi, “joke lang.”

“We still have a couple of weeks for school, so pwede bang lumabas naman tayo habang nandito pa ako? Hindi ka pa pumapayag makipag-date sa kin e. Lagi ka busy.”

Actually simula nang magtrabaho ako, ni kina Nina at Kat hindi na ako nakakasama. Hindi ko na nga maalala kung anong last na movie na pinanood ko sa sinehan e, bukod sa walang time, tipid tipid rin ako kaya wala talagang pang-gala. Mamimiss ko ng sobra tong mokong na to kaya dapat nga yata sulitin ko na ang moments na nandito sya.

“Ok. Sige, san naman tayo pupunta?”

Ngiting ngiti si Rob, “Trust me. Bukas sunduin kita sa bahay nyo ha, bright and early.”

“Bukas na talaga? Sabado? Maaga pa? Hindi ba pwedeng around lunch time?”

“Sige na, pumayag ka na, minsan ka lang bumangon ng Sabado ng maaga e, if you want you can sleep sa car habang buma-byahe tayo.”

Aba, parang ang layo ng pupuntahan namin ah.

“Mejo malayo layo yun kaya dapat maaga tayong umalis.”

Ayun nga. Malayo nga.

“Ano ba yan, sabi mo sulitin yung oras e ikaw ang nagsasayang, kung malapit lang pupuntahan natin mas marami tayong oras para mag-bonding.” Bonding? Tropa lang, Lelay?

Natawa si Rob, “Bonding talaga? Don’t worry, it’s our first date so gusto ko special. Hayaan mo na lang ako, okay? Just think of it as a small favor to me before ako umalis.”

Nagbuntong hininga ako for effect, pero jusme iniisip ko na kung ano ang isusuot ko dahil wala yata akong maayos na damit bukod sa lumang jeans at shirts ko. Emergeerrddd. This is it.

“Okay sige, anong oras bukas?”

“Mga 7am?”

“Ang aga naman talaga.” Nagligpit na ako ng gamit at paalis na ng cubicle namin, “Oh, san ka pupunta?”

“Wag mo na muna ako ihatid ngayon, pupunta muna ako kina Nins.”

Ang sarap sapakin ni Rob nang sumandal sya sa upuan and nilagay ang mga kamay nya sa likod ng ulo nya. Ngiting ngiti si loko.

“Ah okay. Wear something nice tomorrow ha, Marley.”

“Che!” Sabay walkout.

“Ayoko nyan, sleeveless, kita naman ang kili kili ko.”

Hinampas ako ng damit ni Nina sa mukha, “E ang arte arte mo naman e, sabi mo gusto mong maganda and feminine e lahat ng pinasukat namin sayo ayaw mo.”

“E syempre ayaw ko naman na hindi ako makakagalaw, pag sleeveless hindi ko matataas ang braso ko, pag maikli naman ang dress hindi ako makakaupo ng ayos. Yung maganda pero magiging kumportable naman ako.” Niyapos ko si Nins, “sorry na Nins, e alam mo naman wala akong mga ganyan sa bahay, pagpasensyahan nyo na lang ako.”

Bigla naman nakunsensya si Nina, “Oo na, oo na. Sige na, eto na nga hinahanapan ka na ng dress e, asan ba si Kat? Baka sya may damit na mag fit sa gusto mo. Wala ba talagang hint kung saan kayo pupunta? Ang hirap mamili e, hindi ko alam kung dapat balot ka or pwedeng mejo may kitang skin.”

“Ayaw kasi sabihin ni Rob e, pero sabi nya ‘dress nice’.”

“Here comes your savior, Marley!!!” Sabay pasok sa room ni Kat.

“Ay, goodluck Kat kung mappwersa mo si Marley magsuot ng kahit anong dala mo, sako yata ang gusto isuot nito e.”

Dumapa ako sa kama ni Nins – nahihiya na ako sa friends ko pero kailangan special naman itsura ko bukas.

“Don’t worry babe, eto na yun, sexy na hindi masyado nagpapakita ng skin, sophisticated kung sa gabi mo kailangan isuot dahil sa prints and kung sa mejo sunny location naman kayo pasok rin.” Inabot sa akin ni Kat yung paper bag, “Sukat mo na dali!”

After a few minutes na pag-iisip kung paano isuot ang dala ni Kat, lumabas ako ng CR, parehong lumingon si Kat and Nins, they looked at me from toe to head, nagtinginan silang dalawa, then sabi ni Nins. “Guys, uwian na, may nanalo na!”
 
Chapter 20: Picture Perfect

Mga alas-singko nagigising si mama, parang elementary pa lang yata ako e ganyan na talaga sya gumising. At first time in a long time na nauna akong magising sa kanya, technically hindi ako halos nakatulog pero bumangon ako mga alas-kwatro.

“Lelay, nandito na si Rob.”

Bago ako umuwi kahapon, akala ko okay na ang damit, pero ang dami pa pala, tinuruan nila ako ng basic make up at pag-aayos ng buhok. Okay na ang make up, konting blush lang tsaka lipstick, ayaw ko nung eyeshadow tsaka yung eye liner, ang bigat sa mata. Magagalit sa akin sila Nins pag nakita ako ngayon, parang si Marley pa rin pero mejo may kulay na ang fes.

Kinuha ko na yung tote bag na pinahiram sa akin ni Nins, terno daw sa damit ko. May back up damit ako na pinahiram ni Nins in case ayaw ni Rob ng suot ko, pero no way daw na hindi ito magugustuhan ni Rob.

Paglabas ko ng kwarto nakasalubong ko si Kuya Zep galing banyo, pupungas pungas pa pero biglang nanlaki ang mata nung nakita ako, “Hoy, ano yang suot mo! San ka pupunta?”

Napatingin lang ako sa suot ko, biglang dating si mama. “Kanina pa nag-aantay yung bisita mo, bumaba ka na dun.”

“Ma, pagpalitin nyo yan, ang ikli ng suot.”

“Dalaga na yang kapatid nyo, tsaka pinag-cycling shorts ko yan sa ilalim, wag ka nang makielam.” Kiniss ko si mama sa pisngi at binelat-an si Kuya Zep. Akala ko panalo na pero sumunod sya sa akin pagbaba.

Dali dali akong bumaba ng hagdan, so much for the ‘arte-grand-entrance’ na sabi nila Nins na gawin ko para may slo-mo effect rink ay Rob ang pagdating ko.

Pagbaba ko, nakatayo na si Rob, at nakatingin sa akin. Tiningnan ni Rob mula ulo hanggang paa, mejo sexy nga itong damit, “romper” ang tawag nila Nins, longsleeves, floral ang print pero green ang color (favorite color ko) malalim yung neckline kaya nag-suot ako ng white lace na tube top sa ilalim, mejo maikli nga kaya nag-cycling shorts ako.

Pak na pak daw ang hips ko sabi ni Nins. Sexy pero Lelay pa rin.

Ahhh, kaya pala nag-eeffort talaga ang girls na magpa-ganda, priceless na makita ang reaction ng guy na gusto mo na may ‘nganga’ look pag nakita ka.

Biglang narealize ni Rob na nasa likod ko na si Kuya Zep – panira ng moment tong si Kuya.

“San mo dadalhin ang kapatid ko?”

Hinampas ko si kuya.

“Ah, sa Batangas po.”

“Ang layo naman. Pero matagal na akong di nakakapunta dun, pwede sumama?”

Nanlaki ang mata ni Rob, pero ‘to the rescue’ na naman si Mothership, “Zep, tumigil ka na, hayaan mo na si Lelay.”

“Ma…”

“Hep, wag nang magulo. Matulog ka na lang ulet. Sige na, baka abutin kayo ng gabi pagbalik, uwian mo na lang ako ng pasalubong, nak.” Tinulak na kami ni Mama palabas ng bahay.

Palabas na ako ng gate ng binulungan ako ni mama, “Ingat Lelay ha.”

“Opo ma.”

Imbes sa kotse ni Rob na mababa, mataas yung dala nyang kotse ngayon. Pick up truck parang bagong bago pa. Hindi ko alam kung paano sasakay kasi ang taas e konting bukaka ko lang makikita na yung singit ko, binuksan ni Rob ang pinto sa side ko, then pumunta sya sa likod ko, ang only warning ko lang e “Excuse me” tapos bigla akong umangat sa sahig at nakaupo na sa passenger side – binuhat talaga ako, oh my gulay. Umakyat na naman ang dugo sa mukha ko. Paglingon ko sa bahay gusto nang mag-amok ni Kuya Zep pero nakaharang sa pinto si Mama – nakangiti lang. Who knew? napaka-cool pala ng nanay ko.

Nagpaalam muna si Rob kina mama, kumaway naman si mama kay Rob at sabing “ingat”.

Sumakay na si Rob sa driver’s side pero before nya i-start yung kotse, napalingon sya sa legs ko, may kinuha sya sa likod na upuan. Parang malaking scarf, yung pang beach, tapos pinatong sa legs ko. Nagsuot sya ng shades then sabi sa akin, “Takpan mo yang legs mo, baka ma-distract ako e, mabangga pa tayo.”

Blush nang blush si Lelay, di na pala kailangan ng make up.

Tinakpan ko yung legs ko, pero tinaas ko yung legs ko sa upuan, “Seatbelt please.” Yun ang huling sinabi ni Rob bago kami umalis, san kaya sa Batangas kami pupunta?

Nag-drive through kami sa McDo dahil pareho kaming hindi nag-breakfast, malayo pa daw ang byahe namin sabi ni Rob, mga 2 to 3 hours pa. Nasa-SLEX na raw kami sabi ni Rob, pero feeling ko nasa probinsya na kami ang sarap ng puro green ang nakikita sa paligid, kumakain ako ng fries si Rob nagddrive lang, naawa naman ako, di sya makakain kaya tinanggal ko yung seatbelt ko at lumipat sa tabi nya – since pick up to, derecho yung seats from his side to mine, parang loveseat ganun.

“Marley, mag-seatbelt ka, baka mahuli tayo.”

Nilagay ko yung mas maliit na seatbelt sa bewang ko, and kinuha yung spam and egg sandwich nya.

“Kainin mo na to, masarap habang mainit.”

“Nagddrive ako e, pano ko kakainin yan?”

“Nganga.” Tinapat ko yung sandwich sa bibig nya, kumagat naman sya. Sinubuan ko sya hanggang maubos at pinunasan ko ng tissue yung bibig nya after, bumitaw yung right hand nya sa manibela and kinuha yung kamay ko, nagulat ako nung hinalikan nya yung kanang kamay ko habang nakaharap sa akin then sabi nya lang, “Thanks.”

Natulala lang ako saglit then lumipat ulet ako sa dulo ng passenger side, “Naka-kiss ka ah. Last mo na yun.” Humarap lang ako sa bintana sa side ko habang nagpipigil ng kilig at ngiti.

Nag-stop over ulet kami kasi naiihi ako, sa kilig ba yan or ano hindi ko na alam, may gas station sa bandang dulo na ng SLEX sabi ni Rob so dun ako nag-CR, at dun ko lang napagtanto na dapat di ako masyado mag-iinom ng kahit anong drinks kasi ang hirap umihi pag naka-romper. Hubad lahat.

After 10 years ko paglabas ng CR, nakaabang si Rob sa sasakyan, nakasandal sya sa door ng passenger side, naka-shades, naka faded jeans, naka-sneakers and gray na plain na shirt – ang gwapo bwiset.

Napalingon sya sa kin then ngumiti, “Stop.”

Tumigil naman ako. Bigla syang may inilabas na camera, hindi ako agad naka react so kinunan nya lang ako ng picture na ganun, hindi manlang ako pinag-pose.

“Ano ba yan, walang abiso? Picture agad?”

Ngumiti lang sya, then inabangan nyang lumabas yung picture – parang polaroid pala yung camera. Pinapagpag nya yung picture pero alam ko sa akin sya nakatingin.

Kinuha ko yung shades nya, “Alisin mo nga yan, di ko alam kung saan ka nakatingin e.”

Nilapit nya yung mukha nya sa akin, halos isang dangkal lang ang layo ng mukha nya sa akin so napaatras ako, “Sa’yo lang Marley. Laging sayo lang.”
 
Chapter 21: RIP Marley

Hindi ko na maalala kung kalian ako nakabyahe ng ganito, may plano si Rob kung saan exactly kami pupunta pero kung may gusto raw akong daanan sabihin ko lang raw sa kanya at pupuntahan namin. Bata pa yata ako nung huli kaming bumyaheng mag-anak, sa beach lang kami pumunta nun, di ko lang maalala kung saan. Ang naaalala ko lang yellow ang swimsuit ko, mejo maliit na sa akin pero pwede pa rin, hindi ko na nga alam kung saang beach yun basta dark gray yung sand parang itim na nga e, nag renta lang kami ng cottage malapit sa dagat tapos maghapon akong nagbabad sa initan hanggang sa maging ulikba na ako.

Pinahawak nya sa akin yung camera nya picture naman ako ng picture, naubos ko na yata yung isang roll. Marami naman daw syang baon pero magtira daw ako para dun sa pupuntahan namin baka raw kasi walang mabilhan dun ng film, nung tinanong ko kung magkano yung film halos malaglag ako sa upuan ko.

“700 pesos ang isang roll? Tapos sampung piraso lang ang isang roll? Anak ng, 70 pesos ang isang picture???” Napangiwi lang si Rob.

“Oo, pero ayos lang yan ang inaalala ko lang kasi baka maubusan tayo ng film pag dating dun.” Binitiwan ko na yung camera at sinumpang di na ako magsasayang ng film.

“San ba yung ‘DUN’ na sinasabi mo? Baka naman pormal pormalan yan, di ako bagay dun.Tsaka baka masyadong casual tong suot ko.”

Tiningnan ulit ako ni Rob mula ulo hanggang legs, slightly exposed na kasi ang likot kong maupo, inayos ko ulet yung scarf para matakpan ng todo.

Napangiti lang sya, “Wag na wag kang maco-conscious Marley. Kahit ano pang suot mo, kahit may make up ka or wala, hindi ka dapat nakikibagay sa lugar, sa okasyon or sa tao, sila ang dapat nakikibagay sayo.”

Ay talaga namang tumutugtog na yung “hala nahulog” sa utak ko. Laglag na laglag na puso ko e. hayup.

Biglang tumahimik si Rob, okay lang naman kasi ang background music namin na kanina pa ako pigil na pigil sa pagkanta e si John Mayer – saktong sakto yung tugtog sa lugar, nagside trip pa kami sa Tagaytay kasi sabi ko hindi pa ako nakakapunta dun, at utang na loob, crush na crush ko si John Mayer kahit mukha syang may sakit pag kumakanta, lintik naman ang boses at mag-gitara.

“Marunong ka bang mag-gitara?” Bigla kong naitanong kay Rob.

“Ha? Mejo lang, bakit mo natanong?”

“Wala, kasi music mo kanina pa acoustic e, John Mayer, Jason Mraz…”

“Ah, wala lang. Ganyan lang talaga ang trip kong music. Tsaka masarap mag-drive pag ganyan ang tugtog.”

Naisip ko tuloy nung narinig nya ang Dashboard Confessional nung kinuha nya yung earphones ko. Ano kayang tingin nya sa taste ko sa music? Bilang galing ako sa napaka musical na family, ang pangarap ko sa buhay e yung lalaking magugustuhan ko dapat makakasundo ko sa music. Dealbreaker sa akin pag pangit ang taste sa music or worse walang hilig sa music.

"Ah, wait lang. May paparinig ako sayo." Nilipat nya yung song, nagpipindot pindot lang sya sa player nya then pumasok ang intro ng 'Stolen', yung napakinggan nyang kanta ng Dashboard sa akin. Hindi nga lang original version kundi acoustic guitar lang, walang ring vocals, instrumental.

Hindi ko na napigilan, napakanta na ako. Sumandal lang ako sa headrest pumikit at kumanta. Pagdating sa refrain at chorus talagang concert na ito slightly open pa ang bintana kaya nililipad lipad pa ang buhok ko, nung napunta na sa bridge hinahampas hampas ko pa legs ko na parang drumset.

"You have stolen my...
You have stolen my...
You have stolen my heart!"

Pagdilat ko, nasa tabi na kami ng kalsada at naka-park na si Rob. Nakaharap lang sya sa akin, hindi sya nakangiti pero hindi ko maexplain ang itsura nya. Nung lumingon ako sa paligid ang taas na namin, mejo malamig na rin ang hangin hindi ko napansin. Paglingon ko ulit kay Rob nakatingin pa rin sya, yung parehong kamay nya naka fold sa mga braso nya. Sobrang intense ang tingin nya mejo nawe-weirduhan na ako.

"Bakit ka ganyan makatingin?"

Nakatitig lang sya, "Marunong kang kumanta."

Hindi tanong so hindi ako sumagot, hindi ko nasabing lahat sa pamilya namin marunong at ang past time namin nila kuya e mag jam.

Parang ang lalim na ng paghinga ni Rob, dahan dahan syang kumilos, tinanggal nya yung pagkakakapit nya sa mga braso nya then tinanggal yung seatbelt nya. Umurong sya papalapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

Grabe sya makatitig, pucha parang nanlalambot na yung mga tuhod ko tsaka yung lalamunan ko parang may nakabara. Ang hirap lumunok. Bigla ko pang naisip kung may muta ako, too late nang maglinis ng mata.

Parang kinakabisado ni Rob ang mukha ko, at gumagalaw galaw na yung thumbs nya sa pisngi ko. Hindi pa ako hinahalikan parang lumulutang na ako, first kiss na ba to Lelay? Eto na yun?

"Marley, alam ko di pa tayo pero hindi ko na mapigilan e." Bigla syang napapikit at nilagay yung noo nya sa noo ko, "Please say yes."

Hindi ko pa sure kung anong tanong nya pero kahit ano pa yata yun "yes" lang rin naman ang sagot ko. Pero may nakabara nga sa lalamunan ko e, di nga makalunok e, makasagot pa diba?

Umurong sya ng konti pero hawak pa rin ang mukha ko, tinitigan nya ulit ako and nilinaw ang tanong nya, "Marley, can I kiss you?"

Dugudong, dugudong, dugudong na ang puso ko.

Speechless na naman si Lelay, so tumango na lang. Bahala na si Batman, moment na namin to e.

Ngumiti ng malupet si Rob at dahan dahan akong hinalikan - alam kong hindi lahat ng kisses e ganito, ganito ka intense, ka-passionate, kaloka.

Parang kinakausap nya ako through his actions, he is so careful, so repectful pa rin through his kiss. I feel so loved. Ang ganda ganda ko. Eto yung tipo ng halik na babaunin mo hanggang pag tanda mo, yung moment na pag feeling mo malungkot ka, mahahalukay mo sa alaala at mapapangiti ka, 'Yes. That happened'.

Nung lumayo na sya sa akin after what seemed like forever, ayaw ko matapos. Gusto ko pa.

Hindi ko namalayan na nakakapit na pala ako sa shirt nya, gusot na yung harap ng shirt ni Rob dahil sa kamay ko, buti na lang hindi ako pasmado, nakakahiya naman kung nagusot ko na, nabasa ko pa.

Malapit pa rin ang mga mukha namin ni Rob, tiningnan nya ulit ang mukha ko, pero nagtagal sya ng tingin sa lips ko.

Tiningnan ko rin ang lips nya, mejo may lipstick ko kaya pinunasan ko ng thumbs ko, pareho pala kami ng iniisip kasi pinigilan nya yung kamay ko sa pagpupunas sa labi nya at hinalikan ako ulit.

R.I.P. sa sanity ni Marley.
 
Chapter 22: Best Day Ever

After namin mag make out sesh sa highway, oo bigla kong na realize na may mga sasakyan palang dumadaan, sabi naman ni Rob tinted ang pick up nya so wala masyadong naka boso sa amin, syempre hindi na ako umalis sa tabi ni Rob.

Parang nawala na ang hiya namin sa isa't isa and naging mas kumportable na kami, nakataas ang paa ko sa upuan, nakafold sa ilalim ng hita ko ang kamay naman ni Rob pag wala sa kambyo naka patong sa legs ko. May takip pa rin naman syempre.

"Eto naman." NIlipat na naman ni Rob ang song, kanina pa ako pinapakanta ni Rob. Gandang ganda sa boses ko si loko.

"Mamaya naman, ang sakit na ng lalamunan ko e."

"Sige na, hon, isa na lang."

"Ayoko rin ng 'Hon' pangit." Kanina pa kung ano ano ang tawag sa akin ni Rob, 'Baby', 'Babe', 'Bie', 'Honey', 'Ney', ngayon naman 'Hon'.

"Ang hirap naman, mauubusan na ako ng tawag sayo e wala ka pang mapili."

"Ayoko nga kasi, Lelay na lang ang itawag mo sa kin."

"Gusto ko kasi ako lang ang may tawag sayo ng ganun, pag Lelay buong pamilya mo yun ang tawag sayo e. Kaya gusto ko sa akin kakaiba."

Ah oo nga naman, may point at sweet rin naman ang intensyon ni Rob.

"O sige, ganito na lang, since ako wala pa akong nagiging bf pero ikaw nagkaroon ka na ng mga gf kung alin man dun ang hindi mo pa nagagamit sa mga ex mo, yun na lang ang itawag mo sa akin." Ang smart ko diba, at least sure akong ako lang ang ganun sa buhay nya, kasi baka pag nagamit na nya sa iba maalala nya pa yung ex na yun pag tinawag nya ako.

Hindi na sumagot si Rob so lumingon ako sa kanya.

Parang hirap na hirap syang mag-isip. Bigla ko na realize kung bakit.

"Hala! Lahat nagamit mo na? As in lahat?"

Umakbay sa akin si Rob tapos pababa humawak sa bewang ko. Hinatak ako palapit sa kanya.

"Sorry na. Dati pa naman yun. Wala na yung mga yun no, ikaw lang."

Jusme, naka ilang jowa na kaya tong si Rob? Para lang di masira ang time namin together hindi ko muna itatanong. Pwede pa naman siguro pag usapan pag pareho na kaming ready.

Dere-derecho lang kami ni Rob hanggang sa parang rough road na ang napuntahan namin, halos 11am na kaya mejo nagugutom na ako.

"Hindi pa ba tayo kakain?"

"Dun sana tayo maglu-lunch e, pero kung gusto mo hanap na tayo ng resto na madadaanan."

May nakita akong lomihan kaya niyaya ko na dun si Rob. Pero parang ayaw nya.

"Sigurado kang dito tayo kakain? First time natin kakain sa labas tapos dito tayo?" Ang effort effort naman nito, gusto nya kasi lahat today special. E kahit saan naman kami pumunta basta kasama sya e special na sa akin yun. Jusko, ang keso mo Lelay.

"You should know me by now." Yun lang ang sinabi ko sa kanya, kiniss nya lang ako sa noo at pumasok na kami sa lomihan.

Nakakaaliw si Rob kasi nawe-weirduhan sya at ang daming kumakain dun sa lomihan, puro mga truck drivers pa ang nakasabay namin.

"Ikuha mo ako ng paminta, dali!” Sobrang galang naman ni Rob na nakihiram ng paminta sa ibang table. Natatawa lang ako.

“Goto ang inorder ko pero bakit walang kanin?” Natawa lang ako kay Rob at kumain na ng lomi with pandesal. Solb.

“Shit! Ang sarap Lay, tikman mo!” Dahil wala na kaming magamit na term of endearment dahil inubos na nya lahat, “Lay” (LIE as in sinungaling) na lang ang tawag nya sa akin.

Tinikman ko yung goto, sarap nga. Dahil ayaw ko na magsayang ng film cellphone na lang ang pinang-picture namin ni Rob, nakisuyo pa sya sa isang truck driver dun at pinicture-an kami ni Manong.

Bago kami nakaalis dun nakakwentuhan pa ni Rob yung may-ari, hinihingi nya yung recipe ng goto, siraulo lang.

After namin dun dumerecho na kami sa destination namin, finally. Parang liblib na yung lugar, akala mo mauubos na yung kalsada, kaya pala ito ang dalang sasakyan ni Rob. Nung paliit na yung daan, paakyat, pababa yung kalsada. Nakakapit na ako sa braso ni Rob, nakapatong na yung siko nya sa tuhod ko. Nakataas pa rin yung legs ko sa upuan.
Tapos nung sabi nyang malapit na raw kami, nakita ko na yung entrance nung resort – Palm Beach, Laiya. Sobrang pasubsob yung daan kaya nilapag ko muna yung paa ko sa floor ng kotse at kumapit kay Rob. “Hala, katakot naman.”

“Relax lang, Lay. Wala yan dito sa monster truck ko.” Natatawa pa sya ako ninenerbyos na.

Wala nga lang sa sasakyan nya pero natakot pa rin ako. Nag-park na kami at bumaba sya, binuksan nya yung side ko and tinanggal ang seatbelt ko, inalis ko na yung scarf na nakatakip sa legs ko, napa-ubo si Rob pero kinapitan pa rin ako sa bewang and binuhat ako pababa ng sasakyan. Pagbaba ko tumingala ako sa kanya at nagnakaw na naman ng halik si loko.

Pinalo ko lang dibdib nya, “Nakakailan ka na ha.” Hindi naman nagpapigil kiniss ulit ako sa noo.

Umalis sya sa tabi ko and may kinuhang gamit sa likod ng sasakyan. May bitbit syang backpack sabay kuha ng kamay ko, “Tara.”

Sumakay kami ng golf cart papunta dun sa front desk, binigyan pa kami ng welcome drinks – lemonade yata. Naupo kami sa isa sa mga cabana dun, bumili pa si Rob ng fruits, nahiga lang ako sa cabana and sinuot ang shades ni Rob. Nakasandal si Rob sa isa sa mga poste nung cabana, nakangiti and nakatingin lang sa akin.

“Ang ganda ganda ng view, sa akin ka nakatingin.”

“Mas maganda yung view ko.” Ngumiti lang sya.

"Wait lang, Lay. Jan ka lang ha."

Umalis si Rob so nahiga lang ako dun sa cabana. Ang sarap ng ganitong buhay mejo mainit ang panahon pero malamig ang hangin kaya nakakaantok.

Pagbalik ni Rob naka tshirt na sya na puti, naka shorts at naka slippers. Wala na yung bag nya, san kaya nilagay?

"Tara. Gala na tayo?"

Ayaw ko pa bumangon kaya lang sayang ang oras at ang magandang panahon. So tumayo na ako.

Inakbayan ako ni Rob habang naglalakad kami sa beach. Mejo mabato ang buhangin pero maganda pa rin, wala masyadong tao dun sa resort and I don't think makakaswim kami, lalo na wala naman akong dalang swimsuit. Baka yung yellow swimsuit ko nasa bahay pa. Hehe.

Naglakad paatras si Rob at nakaharap sa akin, "Sarap ng ganito no? Ganda ng view, ganda ng panahon, ganda ng kasama..." bumelat lang ako kay Rob. Pero lintek na naman ang kilig ko.

"So, anong gagawin natin dito? Papasyal lang?"

Biglang tumigil si Rob sa tapat ng bangka. "Oo, papasyal pero hindi dito." Sabay turo sya sa isang island dun sa malayo, "doon."

Nakasakay kami sa bangka, nasa gitnang part kami ni Rob nasa pagitan ako ng legs nya, at binalot nya ako sa isang malaking twalya. Nakayapos sya sa akin, nakasandal ang ulo ko sa balikat nya.

Gusto kong makita yung island pero parang ayaw ko nang umalis sa pwesto ko.

Basa na yung mukha ko sa tubig pero ayos lang, ang alat. Tawa ako ng tawa pag malakas ang spray ng tubig sa mukha ko. Pinupunasan lang ni Rob ng twalya tapos nagnanakaw ulet ng kiss. Bayad nya raw yun kada punas.

Pwede bang maging ganito kasaya? Hindi pa ako naiinlove ng ganito kaya hindi ko maiexplain ng maayos pero sobrang gaang sa pakiramdam. Wala akong ibang gustong gawin kundi hawakan at halikan si Rob maghapon. Ang sarap pa nya tingnan kasi nakikita ko rin sa mga mata nya na pareho kami, pareho kaming masaya, na napapasaya ko rin sya.

Bumaba kami ng bangka at naglakad lakad sa beach nung maliit na island. We didn't do much kundi magkwentuhat at magtawanan, pero hindi ko makakalimutan ang araw na to.

It's the best day ever.
 
Chapter 23: Mystery Girl

The next few weeks were filled with dates and moments with Rob. It was clear na sa lahat ng mga tao na kami na, since halos langgamin na kami sa ka-sweet-an, nasusuka na nga raw sila Nins at Kat. Di ko na nga sila masyado nakakasama pero they understand daw since 1st bf ko si Rob. Ang di nila alam, technically hindi pa kami since hindi pa kami nag-3 words, you know? 143 ganun? Pero hindi na namin sila kino-correct, dun na rin naman papunta yun. San pa ba diba?

Hindi na rin ako pinapasok sa coffeeshop para makapag pahinga naman daw ako. Ang bait talaga ni Tito Ben. So ang panahon ko for the next two weeks were devoted to ROB. Lahat sya, pag pasok ko ng klase - SYA. Pag uwi ko ng bahay - SYA. Bago ako matulog - SYA. Pagkagising ko sa umaga - SYA PA RIN.

Sabi nga nila, all things come to an end so hindi na namin namalayan ni Rob na tapos na ang 1st sem and he's going away na with his family... for ONE MONTH. Alam ko ilang taon akong nabuhay sa mundong ibabaw na hindi ko sya kilala pero parang hindi ko na ma-imagine ang araw ko na wala sya.

Daig ko pa yata ang asawa ng OFW pag paalis na ang mga asawa nila. Pag naaalala ko napapapikit lang ako at nilalagay ang mukha ko sa leeg, dibdib or kili kili ni Rob, basta kung saan ako pwede sumiksik. Tawa naman si loko.

"It's only for a month, Lay. I'll call you every day. Gusto mo gisingin pa kita sa umaga para di ka ma late sa work e."

"Kaya ka nga umalis e para makasama yung pamilya mo e tapos maya't maya mo ko kausap? Naiintindihan ko naman e, tsaka family first diba? Pero hindi ibig sabihin nun na di ako malulungkot, hindi ka pa nga umaalis nami-miss na kita." Naiiyak na naman ako.

"Sus. Sabi ko na patay na patay ka talaga sa akin e."

Ganyan lang sya lagi, dinadaan ako sa biro. Pero ok na siguro yan kesa mag iyakan kami araw araw.

Paalis na sya bukas, nasa bahay lang kami nakatambay. Gusto ko nga sana umalis kami kaya lang maaga daw ang flight nila bukas and need nya umuwi ng maaga today.

"Uy, may 7pm na. Umuwi ka na baka magalit pa mommy mo."

"Naka ready na ang gamit ko, kaya ok lang mejo ma late today." Inakbayan ako ni Rob pero biglang nag ring ang phone nya.

"Shit. Tumatawag na si Daddy." Sabay tayo.

"O basta let me know pag andun ka na. Tsaka mag iingat ka lagi dun." Hindi na ako makatingin sa mukha nya.

Hinawakan ni Rob ang baba ko at Inangat ang mukha ko.

"I will. Don't worry."

Sabay kiss sya sa akin sa noo.

"Hatid na kita sa labas."



Part of me nag iisip na sana sabihin na nyang mahal nya ako bago sya umalis para makalma ako, pero may part rin na nag iisip na wag na lang muna. Pagbalik nya na lang pag sure na kaming pareho. I mean ganun na rin naman yun e. What could happen in 1 month???




A lot. A lot could happen in one month, kasi 1 week pa lang ang dami nang nangyayari e. Sampu - sampung beses na akong tinatalakan ng ate ni Chris. Walo - walong beses na akong natatapilok sa sapatos ko. Anim - anim na beses na akong hinahatid ni Chris sa bahay. Tatlo - tatlong beses pa lang ako tinatawagan ni Rob mula ng umalis sya. Isa - isang beses pa lang ako ulit umiyak simula ng umalis si Rob.

Kapag busy ka pala at sobrang dami mong inaasikaso halos hindi mo na maisip yung ibang bagay. Kagaya ng pag kain, lagi akong late mag lunch kasi nakakalimutan ko. Si Chris workmate ko talaga pero magkaiba kami ng trabaho kaya breaktime lang kami nagkikita. Si Madam Chloe walang patawad sa kapatid, para lang ring staff dito si Chris kung utusan nya.

"Oh my God. What I'd give to get an ice cold beer right now." Napama dramatic ng entrance ni Chris sa pantry, napangiti lang ako.

"Underage ka pa, bawal uminom."

"Excuse me, I'm 18 na."

"Ah ganun ba."

"If you want pwede tayo mag two bottles later, friday naman ngayon. My treat."

Jusko baka tumambling si Rob pag nalaman nya. "No thanks. Ako 17 pa lang so bawal talaga."

"You need to unwind Marley, hindi puro work. Maaga kang tatanda nyan."

Bigla tuloy akong napahawak sa pisngi ko. Mukha na ba akong matanda? Biglang pasok si Madam sa pantry at binatukan ang kapatid nya.

"Kung si Marley mukhang matanda e ano pa ako?"

"Ancient?"

Nagpigil ako ng tawa. Bumalik si Madam at pinitik ang tenga ng kapatid nya. Umupo sya bigla sa tabi ni Chris at nanlaki ang mata ko. Hindi kasi kumakain dun si Madam, laging sa office nya lang.

"I'd like to ask for your help, Marley." Nakangiti si Madam sa akin so tumango lang ako.

"There's a mystery I'm trying to solve. Classmates kayo ni Chris diba?"

Tango si Marley.

"Speech class?"

Tango ulit.

"There's this girl he can't stop talking about..."

"Achi, stop it."

Bigla akong namula, parang alam ko na yung kasunod.

"He said she sits beside him during speech class, very pretty and really funny."

Napatingin na lang ako kay Chris na nakasandal lang sa upuan nya nakatingin sa ceiling.

"Do you know her? Coz I think she's not too smart if she doesn't like my brother."

Napatingin lang si Madam sa kapatid nya, "or she's really fucking smart to see that she doesn't deserve him."

Napayuko na lang si Chris nang tumayo si Madam at ginulo ang buhok ni Chris bago lumabas ng pinto.

- - - Updated - - -

Chapter 24: 360 Degrees


Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya pero I think kailangan kong ibalik ang normalcy sa amin, ayaw ko ng awkward kami ni Chris since sya lang ang kaibigan ko dito.

"Love na love ka siguro ni Madam." Lumingon lang sa kin si Chris at tumawa.

"Madam? You call my sister 'Madam'?" Napangiti na lang ako, e huli na e ano pang sasabihin ko diba?

“Yup, yun ang unang pumasok sa utak ko nung nakilala ko sya e. Madam na madam.” Napangiti lang si Chris.

“We were super close when we were kids, mabait yan si achi but she needed to grow up a lot faster than I did, so we grew apart these past few years. Mahirap kasi para sa kanya, she’s been given this huge challenge by our parents and this project has been taking over her life for the past two years.”

“So I try to make her feel normal ulet when we talk, the last time we talked ng matagal was during the first few weeks of school when we met, so sorry nadamay ka pa.”

Napangiti lang ako, nawalan na ako ng gana sa pagkain kaya tinutulak tulak ko na lang ng tinidor yung laman ng baunan ko.

“You must know that she was talking about you, right Marley? I don’t think I was being subtle about it too. Out right flirting pa nga ako sayo during those first few weeks e.”

Nakangiti pa rin sya sa akin.

“But I guess it didn’t work, huh?”

Ang ganda mo Lelay ha. Haba ng hair mo.

“Don’t worry, I won’t be making any moves on you now, syempre you’re Rob’s girl and I’m not an asshole.”

Nagulat naman ako sa sinabi nya, I would never think that of him, mabait naman si Chris e, “I don’t think you are. Never kong inisip na ganun ka.”

Nag-shrug lang si Chris, “And the thing is, I like talking to you Marley. You’re cool.”

Napangiti lang ako, “Friends?” In-offer ko sa kanya ang kamay ko, kinuha naman nya.

“Friends.”



In two weeks magla-launch na ang bagong property nila Madam. Kaya sobrang busy namin nitong mga nakaraang araw. In fairness kay Madam hindi na nya ako masyado napapagalitan, natatandaan ko na kasi yung mga kailangan nya at kung paano gawin, pati si Chris busy na rin. Nakakatuwa sila kasi seryoso talaga sila sa trabaho, walang nagrereklamo kahit na yung 8am to 5pm namin usually natatapos ng 9 to 10pm.

Hindi na rin kami gaano nakakapag usap ni Chris, ang lunch namin nagiging 30 minutes na lang, saglit lang rin kami magkwentuhan pag pauwi inihahatid pa rin ako ni Chris dahil malapit lang naman daw ang bahay namin – hindi ko na sinabi kay Rob na hinahatid ako ni Chris pauwi, and actually wala rin naman akong chance na sabihin sa kanya since hindi na kami nakakapag-usap ng madalas. Usually kasi nakapatay ang phone ko sa office, tapos pag-uwi ko hindi naman sya tumatawag, pag tinatawagan nya ako madaling araw na, isang beses ko lang yata nasagot yung tawag nya nakatulugan ko pa habang nagkkwento sya. Miss na miss ko na si Rob, pero di ko na masyado maisip yung feelings ko pag nasa trabaho, buti na rin siguro yun para maka focus kami pareho.

"Oh, buti naman sumagot ka na. Ilang araw na akong tumatawag sayo di mo sinasagot e." Sunday na ngayon at 2 weeks nang nasa US si Rob, saklap lang kasi minsan lang kami mag usap galit pa.

"Nasa work nga kasi ako most of the time diba? Hindi ko ino-open cellphone ko dun kasi baka magalit si Madam."

"Kahit lunch break lang? Wala ba kayong pahinga jan?"

Nabbwisit na ako dito kay Rob edi try nyang tumawag ng gising pa ako diba? Hindi lang naman sya ang may buhay e alangan naman mag antay lang ako ng tawag nya sa gabi. Ayaw ko na lang syang awayin kaya nanahimik na lang ako.

Napabuntong hininga si Rob, "uy, ano tinulugan mo na naman ba ako?"

Aba talaga naman. "Anong gusto mong gawin ko ha? Abangan ko ang tawag mo sa gabi? Hindi ako matutulog ganun? Sinabi ko naman sayo na pag nasa trabaho ako baka di mo ako makontak diba? Intindihin mo naman ako, kung pwede lang na hindi ako magtrabaho hindi ko gagawin. Wala lang akong choice."

Naiiyak na ako, ano ba naman to, parang ambilis magbago.

"So you're putting your job before us? Or you're busy playing workmate with Chris to answer my calls?"

Ay pucha talaga.

"Hoy, kung tumawag ka lang para dakdakan ako at pagbintangan ako, wag mo na lang akong tawagan. Call me when you grow up!!!" Binabaan ko sya at pinatay ko ang phone ko. Nakatulog akong umiiyak.
 
Chapter 25: Field Work!

Nakaupo ako sa tapat ng office ng mga 7am. Oo, sobrang aga ko kasi hindi ako nakatulog masyado kagabi. Usually si Madam ang nauuna sa office pero mejo late sya ngayon.

Nakaupo ako sa tapat ng pinto, naka patong yung baba ko sa tuhod ko at yapos yapos ko ang mga binti ko. Napabuntong hininga lang ako, pano ba nagbago lahat ng ganun kabilis? Ang bigat sa dibdib.

May sapatos na tumigil sa harap ko, pero hindi sya stiletto na usual sapatos ni Madam, sneakers na white and brown, ang linis. Tumingala ako at nakita ang gwapo kong workmate and FRIEND, Marley, FRIEND mo sya okay?

“Linis ng sapatos mo ah. May ganyan rin si Rob e, anong brand?”

Umupo rin sa tapat ko si Rob, pero hindi sya umupo ng tuluyan, yung nakatingkayad lang sya, tiningnan nya yung shoes nya, “Onitsuka”. Ah Japanese brand.

“Same ng brand ng sapatos duns sa Kill Bill.” Hindi ko alam yung movie so di ako nakaimik.

“Oh no, hindi mo pa napapanood ang Kill Bill?”

Umiling lang ako.

“Shit. Then we can’t be friends.”

Nalungkot naman ako bigla, alam ko nag-jo-joke lang sya pero sensitive ako ngayon e, so yumuko lang ako.

“Uy, biro lang! To naman.”

E hindi pa rin ako lumingon.

“Hay naku, tara na nga!” Hinawakan nya ako sa braso at tinulungan tumayo

“San tayo pupunta?”

“Fieldwork”

“Hoy sigurado ka bang okay lang ito? Baka magalit sa atin si Madam.”

“Don’t worry about it, she’ll be in and out of meetings today, she won’t notice.”

Kinakabahan ako sa ginagawa namin ni Chris, first time kong makakapunta sa site ng new property nila puro sa pictures ko lang nakikita, sa bandang Sta. Rosa Laguna kami, so mejo malayo. At sa totoo lang hindi ko maiwasang maalala yung car ride namin dati ni Chris na hawak nya yung kamay ko, naisip ko tuloy kung kami na lang ni Chris, hindi ba ako masasaktan ng ganito? Nakakalungkot pa rin na hindi manlang nag-try si Rob na mag-sorry after namin mag-away kagabi. Kung si Chris na lang kaya ang nagustuhan ko, magiging mas masaya ba ako? Bakit ganyan ka mag-isip, konting away lang bibitiw ka na agad? Bad Lelay!

Pag dating namin sa site, binate ng mga tao dun si Chris, ah so pag wala pala sya sa office sya yung bumibisita sa mga sites and making sure na on track pa ang construction habang ang ate naman nya ang nag-aayos sa marketing side. Ibang klase talaga silang magkapatid, napaka-professional rin ni Chris makipag-usap sa mga tao dun sa site. Since nasa labas kami in-open ko ang cellphone ko.

Habang nag-iikot sa site si Chris nagpaiwan na ako sa office nila dun sa site, biglang nag-ring ang phone ko so lumabas akong office.

“Hello?”

“Hi Lay.” Napaka-simpleng sagot ni Rob.

“Kamusta ka na?” I’m trying to make him tell me something about sa experience nya dun, paano since naman pumunta sya sa US ang nakwento nya lang sa akin is nakikitira sila sa cousins nya. Yun lang. Wala pa sya masyadong nakkwento sa akin tungkol sa mga ginagawa nya dun.

“Fine. You?”

Napabuntong hininga na lang ako, “Ayos lang rin. Nandito kami sa site nung bagong dinedevelop na property nila Chris.”

“So he’s there? With you?” Pinisil ko ang bridge ng ilong ko at huminga ng malalim.

“Oo, magkasama kami ngayon pero nandun sya sa mga ginagawang bahay, andito ako sa office.”

“Sino ang kasama nyong pumunta jan?”

“Ano ba to, interrogation?” Naiirita na talaga ako, pero parang napapagod na rin ako ang bigat sa pakiramdam na ganito na kami mag-usap.

“I’m just asking, why don’t you just answer the question?”

Naiiyak na naman ako so sumagot na lang ako, “Kami lang.”

“I see.”

“What do you mean? What do you see?” Ang sakit na sa loob na parang pinaghihinalaan, yung wala ka namang ginagawa pero parang kahit anong sabihin mo may ibang kahulugan.

“I just…” Nagbuntong hininga lang si Rob.

“Wala ka bang tiwala sakin?” Umiiyak na talaga ako.

“It’s not like that, Lay. Hindi ko lang alam kung anong iisipin ko.”

“Wala kang dapat isipin kasi wala namang nangyayari. Bakit ba kasi hindi mo ako intindihin? Kailangan ko tong trabaho na to, nagkataon lang na nandito rin si Chris. Sya lang ang kaibigan ko dito, alam mo ba kung gaano kalungkot at kahirap na wala ka?”

“That’s what I’m talking about, Lay. I trust you, but I don’t trust him.”

“Wala akong pake kung wala kang tiwala sa kanya, ang masakit dito wala kang tiwala sa akin. You think I’ll cheat on you? Ganun ba? Pag-alis mo didikit na agad ako sa iba?”

“No, Lay. Hindi ganun.” Hindi ko na kaya at parang nanghihina na yung tuhod ko, ayaw ko rin na makita ako nila Chris ng ganito.

“Tsaka na lang tayo mag-usap.”

“Wag, Lay, don’t hang up.”

Too late na kasi binaba ko na, pinunasan ko ang mga luha ko biglang nag-ring ulit ang phone ko – international call na naman so binabaan ko ulit at pinatay ang phone ko.

“Trouble in paradise?” Nagulat ako nung narinig ang boses ni Chris sa likod ko.

“I don’t want to talk about it. Pwede na ba tayong umalis? Are you done?”

Nakasandal lang si Chris sa may dingding ng office, naka-cross ang paa sa ankles nya at naka fold ang mga kamay sa dibdib nya. Yung itsura ni Chris parang galit na hindi maintindihan.

Tinulak nya ang likod nya against the wall at pinasok ang mga kamay nya sa front pocket ng pants nya. “Let’s go.”

Sa lahat naman ng pagkakataon, na-trapik pa kami ni Chris pabalik. At hindi trapik na gapang ha, trapik na walang galawan.

“C5, the place where most relationships die!” Natatawang sabi ni Chris.

Tahimik lang ako buong byahe, gusto ko sanang buksan ang phone ko kaya lang pagod na ako emotionally kaya parang hindi ko na kaya ang isa pang away kung tatawag si Rob.

“Bakit mo naman nasabi yun?” Napalingon ako kay Chris, napangiti sya dahil at last napagsalita na rin nya ako.

“Sa sobrang traffic dito, pag na-stuck ka kasama ng girlfriend or boyfriend mo lahat na ng pwede nyong pag-awayan mapag-aawayan nyo na. Hindi pa kayo pwedeng umalis so you have no other option than to talk it out. Pag-lampas sa C5, break na.”

He’s trying to make me smile kaya lang pag-usapang break up naaalala ko si Rob. Hindi pa kayo, Lelay feeling-era ka.

“Wanna talk about it?” Nakalagay ang mga kamay ni Chris sa likod ng ulo nya.

“I have nothing to do so pag-usapan na lang yang problema mo. Baka makatulong pa ako.”

Nagbuntong hininga lang ako at di nagsalita.

“Unless ako ang problema nyo?” Nakapikit sya pero nung hindi ako sumagot lumingon sya bigla sa akin.

“I knew it! I heard my name kanina when you were talking to Rob on the phone.” Napailing na lang si Chris.

“That idiot.”

Hindi ko na napigilan, napabulong na lang ako “Sinabi mo pa.”
 
Chapter 26: Frenemies?


Tawa ng tawa si Chris, nung mejo nakarecover na sya, “Let me guess, he’s jealous of me spending so much time with you?”

Ayoko naman i-spill kay Chris ang mga problema namin ni Rob, syempre I respect him and tingin ko hindi maganda kung magsasabi ako ng masama tungkol sa kanya lalo na sa pinag-seselosan nya so hindi na lang ako kumibo.

Napakamot si Chris sa batok nya, “Stupid, stupid, Rob.”

Nagpipigil akong magkwento kasi syempre wala naman akong makausap tungkol sa ganito, sila Nins at Kat hindi ko naman madalas nakakausap kasi busy ako sa trabaho, sila naman nagbabakasyon kasama ng families nila. May tiwala naman ako kay Chris na hindi nya sasabihin kay Rob or sa iba, ayaw ko pa din magmukhang masama si Rob sa kanya.

Huminga ng malalim si Chris at humarap sa akin, “You need to hear this Marley so you’ll understand, but don’t tell Rob I told you about this okay? He’s gonna kick my ass if he finds out so you need to promise not to tell.”

Hello? Sino ba naman ang tatanggi sa ganun diba? Syempre kahit anong pa-promise nya sa akin ippromise ko para lang marinig kung ano man yung ikkwento nya.

“Okay, let me start from the beginning. We were friends since we were very little; he’s a family friend so achi knows Rob as well, we were always together and we used to do everything together. We were best friends.”

Hindi ko na-miss na ginamit nya ang past tense.

“We used to spend every day together, we were neighbors. Not anymore though we transferred na, he’s still living there. So ayun, it was just him and me, my sister was too old to play with us so kami lang lagi, until a new family moved from the house across ours. We thought we’d have another guy friend to play with but there was just three of them, the father, the mother and a girl around our age.”

“She was very pretty, kahit na I was too young to think girls were cute, I already thought she was – her name was Allie.” Napangiti si Chris nung binanggit nya ang pangalan nung girl. Nagselos naman ako agad, parang alam ko na kung anong ikkwento ni Chris. Love triangle yata.

“Of course since magkaka-age kami, her parents left her with us almost everyday when they worked. Allie, Rob and I became close. We went to school together; we were Allie’s bodyguards since ang daming guys na gusto syang makilala. Rob was always by her side, laging nakabantay sa kanya. At first it was like a normal thing and we were just protecting her since her father asked us to but as the years went by, we were growing up and we were both trying to win her over.”

Biglang sumeryoso si Chris, “Rob and I get into arguments about who would bring her to school, who’d walk her to class, who’d be her date for the prom and it got so bad that Rob and I would get physical when we were both seniors.”

Grabe naman, ano kayang itsura nung babaeng yun? Na-curious tuloy ako.

“You’d think Allie would stop us since we were both her friends, but she loved it. She loved that she drove us both crazy, she liked the fact that she can do that to guys that are practically brothers. She didn’t mind at all that she was breaking us apart.”

Bitcheta! Jusko, hindi ko pa kilala tong babaeng to gusto ko na kaagad saktan.

“It finally boiled over when Allie agreed to go with me to the senior prom, sobrang saya ko. She was my dream girl, of course that time I didn’t realize how mean she was, she was still innocent in my eyes. Walang masamang ginagawa si Allie – hindi nya kasalanan na pareho kaming nagkagusto sa kanya ni Rob.”

Parang hindi na kumportable si Chris pero he knew it would explain a lot to me and maiintindihan ko rin si Rob so nakinig lang ako.

“She asked me to pick her up ng mga 6pm, so I did. She was beautiful, I thought I was the luckiest guy kasi she agreed to go with me, so we went to the hotel for the prom, when we got there Rob was at the entrance of the ballroom holding a bouquet of flowers.”

Huminga ng malalim si Chris, “She agreed to go with him too, but she asked Rob to meet her there.”

Oh my God.

“She acted like nothing was wrong, she took the flowers from Rob but Rob was just standing there. Looking at me. I tried to hold back my anger, I seriously did not want to get into any more arguments with Rob and the look on Rob’s face was the tipping point for me, sya pa rin ang best friend ko and it sucks that we were acting like idiots for some girl.”

Huminga ng malalim si Rob at tumingala, nakapikit ang mga mata.

“I left the party, I left Allie there, I left Rob there and went home. Allie was yelling my name but I didn’t look back.”

Humarap ulet sya sa akin, “Ang nakakatawa dun, Rob followed me, he went to my house, didn’t even knock on my bedroom door and just went in. Si-net up namin ang playstation ko and we played the whole night.”

Napabuntong hininga lang rin ako, “Wow. That was quite the story.”

Ngumiti lang sya, “Allie left for the states and we haven’t heard anything from her. May nagsabi lang sa amin na may nakasama pa rin naman sya sa prom, nanalo pa nga syang prom queen e.”

“So, what does this have to do with me? Hindi naman ako kasing-evil nung Allie na yun.”

Hindi pa ako nakuntento, “Grabe ang ugali nya, pinaasa nya kayong dalawa? Sinong nasa tamang pag-iisip ang gagawa ng ganun? To think na grade school, high school pa lang kayo? Para syang contrabida sa mga teleserye.”

“Yep, she was something else.” Ngumiti lang si Chris.

“But you loved her.”

Tumango lang sya, “So did Rob.”

Aray. Hoy Lelay, history na yan, apektado pa? “So after nun, ano nang nangyari?”

“Si Rob kasi habang nandun si Allie, he never paid any attention to all the other girls in our school. Ako naman mejo tumitingin tingin pa rin, pero si Rob he was devoted to Allie. So when Allie left, he made up for lost time, he dated any girl that was pretty enough and paid him enough attention.”

Oh my gulay.

“He had different girlfriends every month yata.” Napatingin lang sa akin si Chris.

“Oh, don’t take it the wrong way Marley ha, since he’s met you he hasn’t looked at any one else. I swear.”

I knew na totoo naman yun, but it still felt weird hearing na ganun si Rob, e napaka-suplado nun e.

“So ulet, what’s all this got to do with me?”

Tumingin lang sa akin si Chris, “You’re ‘Allie’ all over again and Rob’s just trying to make sure I don’t succeed with you where I failed with her.”
 
Chapter 27: The Grand Opening!

Finally! After a grueling three weeks of nothing but work work work we get to see the fruits of our labor.

Bongga ang grand opening ng bagong property nila Chris at Madam. Pumunta kami sa site and nag-set up sa clubhouse nila for the launch of the location. Malalaki at engrande ang mga design ng mga bahay dun, wish ko lang magkaroon ako ng ganung bahay. Madam was all smiles while greeting her guests, good for 250 persons ang dinner na prin-epare namin. Mejo pagod na nga ako kasi ang tagal ko nang nag-iikot making sure maayos ang lahat ng bilin ni Madam. Syempre sya hindi na nya iintindihin ito dahil magpapa-beauty sya, it’s her night after all.

Malamig pero naka dress ako, pinahiram ulet ako ni Nina ng damit, kulay black na short sleeved lace yung pang ibabaw then may katernong mahabang tulle skirt mejo kita ang upper tummy ko, mejo masikip rin sa balakang pero pwede na, choosy pa ba ako diba?

“Wow! Lee! Looking good!”

‘LEE’ na ang tawag sa akin ni Chris since nag-field work kami last week, “alLIE” AT “marLEY” daw, gago talaga.

“Baka kabagan ka jan sa damit mo ha.” Bumaba yung ulo nya tiningnan ang tiyan ko, “May abs ka pala.”

Natawa lang ako at binatukan sya, “Siraulo, baby fats yan.”

“Sige, I’ll see you later. Need to mingle!” Umalis na si Chris at naghanap ng mabibiktima, jusme naman talaga ang kagwapuhan nun. Naka-white shirt lang sya at naka-maong pero pinatungan nya ng formal jacket yung shirt kaya hindi naman mukhang casual lang ang suot nya.

In fairness kahit na sobrang okay na kami ni Chris hindi kami awkward sa isa’t isa, kung di Rob suplado at masungit si Chris naman sobrang daling pakisamahan.

Hindi pa ulit kami nag-uusap ni Rob bukod sa paminsan nyang text sa akin kung nasaan na sila. Uuwi na raw sya in one week and hopefully raw makapag-usap kami agad pag dating nya. Hindi naman ako sumasagot.

Mga 7pm nang napuno na halos ang venue, puro investors daw at potential buyers yung mga bisita. So extra nice kami sa kanilang lahat.

“Have you seen my idiot brother? Hindi nya sinuot ang tux na ni-rent ko for him.” Biglang sumulpot sa tabi ko si Madam.

“Ah, opo. Umalis e, magmi-mingle daw po sya.”

Tumingin sa akin si Madam, “You look nice tonight, Marley.” Niyapos nya ako, “Thanks for your hard work.” Ni-tap nya ang balikat ko sabay alis.

“Wow. First time ko yata maringgan ng ‘Thank you’ si Madam.”

“She must like me.” Natawa lang ako.

“She does.” Biglang may sumulpot na poging mejo matandang lalaki sa harap ko.

“Ah, Good evening Sir. Do you need anything po? Anything I can help you with?” Nag-try akong hindi mag-buckle sa spiel ko.

“You must be Marley. I’m Chloe and Chris’ dad.”

Nanlaki ang mata ko at hindi ko malaman kung mag-bo-bow ba ako o ano.

“Oh relax lang, I just wanted to thank you personally, Chloe’s been saying nice things about you.” Namula na naman ako at nag-thank you kay Mr. Lee.

“When you graduate or if you need work, just let us know okay? We need hardworking people.” Ngumiti lang sya at umalis na ulit.

Hinawakan ko bigla ang puso ko, parang dumudugdog na naman ang dibdib ko.

“Marley!!!” Paglingon ko sa likod ang bilis maglakad ni Kat at Nins. Niyapos nila akong pareho, “Oh my god! We missed you girl!” sabay beso ni Kat sa pisngi ko.

“Pak! Bagay na bagay sayo yung dress!” Nakangiti si Nins sa akin.

“Tara na, magsstart na yung program.” Inakbayan ko silang dalawa at umupo na kami sa table namin kasama namin ang ibang employees nila Madam.

When dinner was served konti lang nakain ko, hinanap pa ako ni Chris, ang haba ng leeg nya kakahanap sa akin kung saan ako nakaupo – dun kasi sya nakaupo sa table ng family nya. Nung makita nya ako inangat nya yung flute nya (may champagne syempre, ang akin laman tubig) at sabi nya lang ‘Cheers’.

Nagkkwentuhan kami nila Nina nang may nag-pa-panic sa harap ko, “Oh my god, pano yan sino bang naka-assign dun?”

Tumayo ako at lumapit sa mga kaopisina ko, “Excuse po, ano pong problema?”

“Yung musician hindi dumating, hindi na ma-contact nila Diane. E matatapos na ang dinner yun lang ang entertainment ng mga bisita.”

Umalis ako agad sa table namin at pumunta sa table nila Chris, ang kabilin bilinan sa akin ni Madam is to tell her kung may problema – immediately para magawan nya ng paraan kung kaya pa.

“Shit! Shit! Shit!” Nag-pe-pace na si Madam sa may backstage, galit na galit sa kausap nya sa phone. “Anong oras makakarating yan? I don’t have anything lined up for this.”

“You better make sure he arrives before 9pm or else consider yourself banned from all our company events.” Halos ihagis na ni Madam ang bago nyang iphone – balak ko nga saluhin e.

“Shit. Pano to?” Sabay tingin sa akin si Madam, “Marley, can you get someone here to play? We have the instruments yung tutugtog lang ang wala, can you find someone here? I need to fill up at least 45 minutes bago dumating yung gagong musician na yun.”

Nakakapanic ang mukha ni Madam pero syempre alam ko na kung anong kailangan kong gawin, kaya mo ba Lelay? Wala ka naman practice.

“Uhm, ako po marunong pero wala na akong masyadong practice.” Nakayuko lang ako.

“Ikaw? Marunong ka?”

Tumingin lang ako sa kanya, “Opo, pero baka limited lang ang tugtog ko tsaka baka hindi rin magustuhan ng mga tao ang mga kanta ko.”

“Oh my God Marley, if you do this I’ll double your salary. Please please please, we need this Marley. Please do this for us. I’ll be forever grateful.”

Ah wala na, usapang pera na to. Double my salary? Para sa ilang kanta lang? Maning mani yan, Marley. Isipin mo na lang nasa bahay ka lang at mga kamag-anak mo lang ang kaharap mo. First paying job mo to bilang musikero, namnamin mo na.

Nanlaki ang mata ni Chris nang umakyat ako sa stage at nag-set up. Acoustic guitar na lang ang gagamitin ko, mas madali. Bumulong si Chris “What the f*** are you doing?” tapos sabay batok sa kanya ng ate nya.

Tinry ko ang gitara at nag-hello test mic sa mic at pumikit, huminga ng malalim at nag-umpisa.




Chapter 28: Repertoire ni Marley

Song # 1: Dear No One by Tori Kelly
Song # 2: Tadhana + Oo by Up Dharma Down
Song # 3: Thinking Out Loud by Ed Sheeran (Tori Kelly version)
Song # 4: Sundo by Imago
Song # 5: Runaway by The Corrs


Sa bahay, halos araw araw kaming nag ja-jam nila Kuya. Pag may okasyon, hindi pwedeng hindi kami magtutugtugan. Syempre these past few months wala na masyadong ganun dahil sa mga nangyari, kaya ang huli kong kanta halos maiyak na ako sa pagkanta - 'Runaway' ang lagi naming kinakanta ni Kuya Dylan.

Hindi ko na rin namalayan na may nag-kakahon na pala sa likod ko. Dumating na yung banda so nag-'Thank you' lang ako at bumaba ng stage. Nagpipigil ako umiyak nang biglang sumalubong sa akin si Chris.

"Damn, Lee! Ang lupit mo kumanta! Pati mag gitara! I can't believe you..." sabay yapos nya sa akin. Binuhat pa nya ako. Napatili tuloy ako.

Naglapitan rin si Nins at Kat at nag-ooh, ahh sa galing ko sa pagkanta. Syempre hindi naman sa pagmamayabang pero coming from a musical family since birth e nasanay na rin ako sa mga compliments ng mga tao. But it still feels good to be appreciated.

Nabigla lang ako ng may hawak palang cellphone si Kat "live" daw kami. Kung ano man yun.

"Grabe ang daming likes ng video mo, Marley." Pinapakita sa akin ni Kat ang cellphone nya. Alam ko napaka-loser ko pero wala kasi akong Facebook. Wala naman kasi akong wifi sa bahay at recently lang ako nagkaroon ng chance magkaroon ng cellphone na may camera at touch screen.

Tuwang tuwa sila Kat at Nins kakatingin sa video ko, kakapanood lang nila sa akin ng live pero unuulit ulit pa rin nila.

"I can't believe you didn't tell me you could sing like that. Edi sana napakanta kita nung debut ko. Kaasar to." Hindi ko na alam kung matatawa ako dito kay Nins. Ang laki ng problema.

"Oh no..." Napalingon kaming lahat kay Kat.

"I'm so sorry, Marley. I didn't notice kanina." Inabot sa akin ni Kat ang phone nya, inurong nya ng konti yung time sa video and nagplay ang last part. Tama si Kat ang dami ngang nag like at nag comment, feeling ko tuloy sikat na ako.

I was smiling until I saw kung ano ang ibig sabihin ni Kat, she captured the part na binuhat ako ni Chris at tumili ako at tumatawa. Di naman siguro makikita ni Rob yan.

"Hello? Woah woah woah. Stop yelling, Rob. What the fuck is wrong with you?" Napalingon kami sa likod nung nagsalita si Chris. Shit this is bad.

Tumingin sa akin si Chris, "No, you idiot I'm not giving her the phone." Umalis si Chris at sumunod naman ako. Di ko alam kung kakausapin ko si Rob or hindi, alam ko it looks really bad.

Tumigil si Chris sa loob ng office, sumunod ako at sinara ang pinto. Shit, galit na si Chris.

"Holy shit! That was ages ago, move the fuck on!"

Nakatalikod sa akin si Chris pero halatang galit sya. Tska sumisigaw na sya e so... duh.

"Rob, Rob, listen to yourself... She's not cheating on you. I'm telling you, man. You have to believe me."

Nakikiusap na si Chris. He didn't have to do it pero I feel like he was doing it for me.

"Don't fuck this up because of me, Rob. You don't know what you're doing."

Nagulat na lang ako ng biglang hinagis ni Chris ang phone nya. Napasigaw ako at napunta ang mga kamay ko sa bibig ko, umikot bigla si Chris.

Minasahe ni Chris ang batok nya at huminga ng malalim, naupo sya sa couch don.

"I'm so sorry Marley. I wasn't thinking."

Naupo ako sa couch pero naglagay pa rin ako sa space sa pagitan namin ni Chris. Natatakot ako sa kanya kasi nun ko lang sya nakitang galit pero gusto ko sya i-comfort so hinawakan ko ang likod nya.

"You didn't do anything wrong, Chris."

Huminga lang ako ng malalim, hindi ko alam kung paano to aayusin pero alam ko may kailangan akong gawin. Hindi na dapat maulit ang nangyari sa kanila ni Rob.

"I'll talk to him, okay?" Hindi ko alam kung si Chris ang kinukumbinsi ko or ang sarili ko.

Umurong si Chris at humarap sa akin, nakahawak pa rin ako sa balikat nya so kinuha nya yung kamay ko at hinawakan nya ng dalawang kamay.

Tinitingnan nya ang kamay namin, at kinakabahan na ako sa susunod nyang sasabihin.

"He had every right to be upset, Marley. It did look bad and I'm sorry for doing this to you."

Tinignan na nya ako, and nakita nyang umiyak na ako so umurong syang palapit sa akin, pinunasan nya ang pisngi ko, "I have a question, Marley."

"Do you love him?"

Napaiyak ako ulit, pero tumango ako.

"Then you have to toughen up, okay? He said some things tonight that I'm hoping he wouldn't do but you just need to fight for him okay? If you love him, you'll do it."

Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin tsaka mejo natatakot ako pero I'll try, para kay Rob I'll try.

"We're friends diba?" Nakangiti na sa akin si Chris.

"Oo naman. Why do you even have to ask?"

"Then we'll always be friends, no matter what." Hinalikan ako sa noo ni Chris at niyapos.

Natapos ang program at nagsiuwi na ang mga bisita.

Kahit pagod na, hinatid pa rin ako ni Chris sa bahay. Bago ako bumaba tiningnan ko muna si Chris, parang may nangyayaring hindi ko alam so hindi muna ako bumaba. Tumingin lang sya sa akin.

Nginitian nya lang ako and then bumaba na sya pumunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto, tinanggal nya ang seatbelt ko at kinuha ang mga kamay ko.

"Tara na, Lee." Hawak hawak nya ako sa likod at gina-guide para pumasok na sa loob ng gate. Umikot ako at tiningnan sya, "Ano ba, bakit ang tahimik mo?"

"Nothing. We're still friends, Lee. Even if it doesn't seem like it, we're still friends."

Hinalikan nya ulit ako sa noo, and na feel ko ang kiss nya hanggang sa dulo ng mga daliri ko. Niyapos ko ng mahigpit si Chris. Hinalikan nya ang tuktok ko at umatras.

"Good night, Lee."
 
more pa ts

Chapter 29: Why Facebook , Why?!

Anong nangyari sa buhay mo, Lelay? A few months ago you had friends, you had prospective boyfriends, a few weeks ago you actually HAD a boyfriend (sort of) and now you don’t have anything.

It’s a Thursday and my last Thursday at work, five days na since nag-usap kami ni Chris at simula nun wala na rin akong narinig or nakuhang text galing kay Rob. Bigla silang nag-disappear, nahiya naman akong magtanong kay Madam kung nasaan na ang kapatid nya.

Ang lungkot pala. Dati okay lang ako mag-isa e, ngayon parang may kulang na.

*buntong hininga na naman si Lelay*

“Oh my God, you are getting on my nerves.” Nagulat ako kay Madam, nasa likod ko na pala.

“You’ve been acting weird, Marley. I don’t like bad vibes in the office so you need to get out of here.” Hala, napatayo ako bigla at humingi ng paumanhin sa boss ko, tanga ka, Lelay! Um-aattitude ka hindi pa nga tapos ang kontrata mo.

“Sorry ma’am, sorry po talaga.”

Kinuha ni Madam ang bag kong nakapatong sa table, mag-5 na kasi kaya naka-ayos na ang gamit ko. Inabot nya sa akin ang bag ko, “Get out of here Marley. It’s almost 5 na naman so it’s fine.” Lumakad na sya palayo pero biglang tumigil sa tapat ng pinto ng office nya.

“Also, you don’t need to come back tomorrow. Have a good break, Marley.” Biglang sara ng pinto ng office nya. Kundi lang talaga ako pinapasweldo nun, naku…

Wait lang, sweldo. Sweldo mo, Lelay! Kakatukin ko na sana si Madam nang tinawag ako ni Ma’am Beth yung finance head sa office.

“Marley, pinabibigay nga pala si Ma’am.”

Inabutan ako ng cheke. Nanlaki ang mata ko sa amount.

“Marley, sign ka muna dito.” Nakangiti sa akin si Ma’am Beth, “Ah opo.”

“Maraming salamat sa tulong mo sa amin this past month, Marley ha. Kung kailangan mo ng trabaho let me know, I’m sure Ms. Chloe will be willing to give you a job.” Napalingon lang ako sa saradong pinto.

“Ah, salamat po Ma’am Beth, kaso mejo mali po yata ito, ang laki po ng sweldo ko e.”

Ngumiti lang si Ma’am Beth. “Ms. Chloe specifically told me to give you that amount so tanggapin mo na lang, it’s her way of thanking you rin for your hard work.”
Lumabas ako ng office ng nakatingin sa cheke ko, kaloka to. Para tatlong buwan kong sahod sa coffeeshop ito.

*Beep Beep*

“Hey, Ms. Marley! Let’s go girl!” Si Nins at Kat nasa back seat.

Nanlaki ang mata ko, this day is full of surprises, “Ha? Teka, anong meron?”

Sumigaw si Nins, “Just get in, we’re going on a trip!”

Aba teka, kino-compute ko na nga sa utak ko kung pano ko hahati-hatiin ang sinweldo ko tapos gastos na naman ang unang gagawin namin?

Hi-hindi na sana ako nang bumaba ang salamin ng driver’s side.

“Come on, Lee. Don’t you miss me?”



Kinukutkot ko ang mga balat sa paligid ng daliri ko, “You have to stop doing that, Lee. Kadiri e nagsusugat na ayaw mo pang tigilan.” Napatingin na lang ako kay Chris.

“Walang pakielamanan ha, kuko mo ba to???!” Inilapit ko pa sa mukha nya ang namumula ko nang mga daliri. Kadiri nga, Lelay.

Napaatras si Chris pero natatawa na.

Biglang sumulpot ang mukha ni Kat sa pagitan namin ni Chris, syempre sa unahan nila ako pinaupo. “Sooo, Marley. Have you seen the pictures?”

Biglang sumeryoso ang mukha ni Chris, “Kat, don’t even think about it.”

Wait lang, ano yun?

“Wait lang. Ano yun?” Echo mo ako, ha Lelay?

“She has the right to know.” Pagalit na sabi ni Kat kay Chris.

Huminga ng malalim si Chris, “Keep an open mind, ha Lee?”

“Keep an open mind??? Keep an open mind??? Are you fucking kidding?” Biglang sumabat si Nins.

“I’m just saying…” sabay tingin sa akin si Chris. “Whatever.”

“Ano ba yun? Sabihin nyo na sa akin!”

Iaabot na sana sa akin ni Kat ang phone nya, “Teka, wait lang. When was the last time you and Rob talked?”

Ayoko na sana sabihin sa kanila since ayaw kong malaman nilang may problema kami pero hindi ko na naman maililihim ito e, so sumagot na lang ako. “Early last week pa.”

“So after the Chris-hugging incident no more na? You haven’t talked to him?” Parang pulis magtanong tong si Kat.

“Wala nga. Hindi ko pa sya nakakausap. Hindi ko naman sya mate-text at iba ang number nya dun, tsaka sya lang ang tumatawag sa akin, pero hindi pa ulet sya tumatawag since last week nga.”

Nalungkot na naman ako. Nami-miss ko na si Rob kaya lang wala naman ako magagawa kundi mag-antay ng tawag nya. Ni-practice ko na nga sa utak ko ang sasabihin ko sa kanya e, nakakatulugan ko na nga nakatingin lang ako sa cellphone ko, nalalaglagan na nga ako sa mukha kakaantay pero wala pa rin. Deadma.

Pinag-iisipan pa ni Kat ng maigi ang sagot ko at parang in-aassess ang reaction ko, pero at long last “Okay then, you need to see this.”

Una kong nakita ang gwapong mukha ni Rob, close up ang shot nya – ang gwapo talaga nitong gunggong na to. Tapos may malapad na picture sa likod ng profile picture nya, black and white na picture ng skyline pero sa bandang kanan may nakaupo sa sahig, nakatalikod, nakatingin lang sa ulap – hindi ko kita ang mukha pero I’m pretty sure si Rob yun. Likod nya pa lang yummy na e. Napangiti ako.

“Gaga, wag kang ngumiti jan. Scroll down.” Pinitik ni Kat ang tenga ko, na namumula na.

Sinunod ko si Kat at nag-scroll down, may mga pictures ng aso – alaga siguro ni Rob. May isa pang picture dun na napangiti ako, alam ko kasi kami ang magkasama nun. Picture ng shades ni Rob na nakapatong sa dashboard ng pick-up nya nung pumunta kami sa Batangas, pero hindi yung shades ang nakapag-pangiti sa akin, yung reflection namin ni Rob na nakangiti ako, at pinipisil ko ang pisngi nya hanggang sa magmukhang suso ang labi nya.

“Oh my God, ang bagal mo mag-scroll, girl!” Kinuha ulet ni Kat ang phone nya at sya na ang nag-scroll down, at pinakita sa akin ang kanina nya pang gustong ipakita. Si Rob, naka-hoodie, nasa snow sya at putting puti ang background.

Ngipin lang ni Rob ang kita, naka-shades sya, pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang babaeng akbay akbay nya na nakangiti rin sa tabi nya.

- - - Updated - - -

Chapter 30: Ouch!

Ganun pala ang feeling pag nasasaktan ng taong mahal mo, ang sakit sa dibdib. Hindi ko maexplain pero parang nag create ako sa utak ko at sa puso ko ng mundo na kami lang ni Rob, at dahil sa nakita ko parang unti unti nang gumuguho ang mundo namin.

"Don't jump into conclusions, Lee. Baka naman pinsan nya lang yun." Buong byahe namin kinukumbinsi ako ni Chris na wala lang yung picture na yun.

"Boys sticking together, huh?" Napaka-bratty ni Nins.

"I'm just saying Nina that she should talk to him about it first, we don't even know what the girl looks like." Oo nga naman, baka naman pangit yung girl, ngipin lang rin kasi nya ang kita e, pero in fairness ang ganda ng ngipin, pantay na pantay. Sana lang duleng diba Lelay?

"Whatever the girl looks like, she's got nothing on Marley." Sabi ni Kat, girls sticking together rin.

"Syempre naman." Sagot lang ni Chris.

Nanahimik na kami buong byahe, syempre kung ano ano nang pumapasok sa utak ko. It's been a week since mag usap kami ni Rob, hindi na sya nag ttry na tawagan ako sa gabi. Dahil ba busy na sya sa bago nyang friend? Talaga bang pinagpalit na ako ni Rob? Napaka unfair naman nya kung ganun, baka nasaktan talaga sya sa nakita nyang video namin ni Chris. E ni hindi nya nga ako pinag explain e. May kasalanan din ba ako? Friends lang naman kami ni Chris, pero kung sa nakita kong picture sa Facebook malamang ganun rin ang epekto sa kanya nung video. I just need to explain. He needs to listen to me explain.

"Hindi ka ba mag-CCR? Mejo malayo pa tayo." Nag stop over pala kami, di ko na namalayan nagbabaan na sila Nins at Kat at ako lutang pa rin sa sobrang pag iisip.

"Hindi." Wala ako masyadong gustong sabihin kay Chris. Ayoko munang magsalita dahil baka maiyak ako.

"Malayo pa ang byahe natin."

"San ba tayo pupunta?" Hindi pa rin ako tumitingin kay Chris. Ayaw ko makakita ng pag aalala at lalo namang ayoko makakita ng awa.

"Subic."

Bigla akong napalingon sa kanya. "Subic?! Hala, ang layo nga. E pa-gabi na. Anong oras tayo makakabalik?" Kaya pala kanina pa kami sa kalsada, ilang palayan na ang nadaanan namin. Lintek. Magtanong ka rin kasi Lelay wag lang sama ng sama.

"2 days tayo dun. Don't worry nakuha na namin gamit mo."

"Ay ganun? So wala akong choice? Ano to sapilitan? Hindi porke na-tripan nyo ibig sabihin gusto ko na rin ha. Yan ang hirap sa inyo e." Aba, galit ka bes?

"Woah, relax lang Lee. I thought napag usapan nyo na to nila Nins, actually na invite lang rin ako."

Ayan kase, gaga ka. Asyumera e pareho lang pala kayong nabitbit dito, mas malala pa sya ginawang driver.

"I brought sustenance!!!" Giliw na giliw si Kat na winawagayway sa mukha ko ang chips na binili nya.

"Sa Subic tayo pupunta? At two days pa ha! Kelan nyo balak sabihin sa akin?" Talagang nanggagalaiti ako sa mga kaibigan ko.

Biglang napaatras si Kat - "It was her idea." Sabay turo kay Nins.

"Don't worry about it, Marley. You deserve it. You deserve a break, I know you don’t feel like you do but everyone does. So forgive me for trying to make you feel better." Nagpout si Nina at humarap sa bintana nya, parang 'discussion over'. Actually naiintindihan ko naman ang point nya, yung outing namin dapat nung 1st week ng sembreak di na natuloy dahil sa trabaho ko.

"She worked hard for this, she even called my sister to ask if you can get out early and syempre malakas ka kay achi so she agreed to let you go early. 2 days early actually." Tumingin na lang ako kay Chris.

"She means well." Nginitian lang ako ni Chris.

Bigla akong niyapos ni Kat, "Oo nga, Marley. We just wanted to spend time with you, next week papasok na naman tayo. Sorry na kung di agad namin sinabi. We wanted it to be a surprise." Lumingon lang ako kay Nins na nagmumukmok pa rin.

"Fine. Pero kailangan ko tawagan sila mama, baka mag alala yun sa akin."

"We already talked to her nung kinuha namin ang gamit mo, she wanted you to go. She knows how hard you've been working." Hindi humarap sa akin si Nins habang nagsasalita.

"Ok." Wala na ako magagawa e, andito na ako. Tsaka siguro nga pwede naman akong maging teenager for a few days.

"Yay! This is gonna be fun." Pumapalakpak pa si Kat at nagbo-bounce sa upuan.


Hawak hawak ko pa rin ang phone ni Kat habang buma-byahe kami, wala akong ginawa kundi usisain at tingnan ang mga pictures sa profile ni Rob.

"That won't do you any good so stop looking, ok?" Ilang oras nang nag ddrive si Chris at narealize kong napaka selfish ko dahil hindi ko manlang sya kinakausap, yung dalawa nga e tulog na tulog na dun sa likod.

Inilagay ko ang phone ni Kat sa dashboard ni Chris. "Sorry. Hindi ko mapigilan e."

Tumango lang si Chris sa kalsada pa rin sya nakatingin.

"Chris?"

"Yeah?"

"Kung ikaw si Rob, what would that picture mean? I mean hindi kasi sya masyado nagpo-post ng pictures e so bakit bigla sya magpo-post ng ganun? Ako nga iisa lang ang picture sa wall nya."

Parang nag isip ng mabuti si Chris bago sumagot, "The thing is, Lee, I'm not Rob so I'm not going to try and explain why he did it. You should ask him when he gets back okay?"

So mukhang malabo na talagang mag usap kami bago sya makabalik. Paano naman ako papasok sa school ng ganito ang lagay namin?

"Parang ayaw ko na nga malaman. Alam mo yun? Parang ayaw ko na magtanong, baka di ko magustuhan ang sagot."

"You said you loved him. I thought you meant it."

"I do. Kaya lang kung ayaw na nya ako kausapin ano naman gagawin ko? Ipagsisiksikan ko sarili ko sa kanya? Mahal ko nga pero may pride rin naman ako."

"Pride is overrated."

"Fine. Iibahin ko ang tanong. If you were me, anong gagawin mo?"

Nag-isip ulit sya ng mabuti bago sumagot, "If I were you, I'd stalk him and annoy him to death until he hears me out. I won't give up until I get my chance to talk - even if it's the last time." Tumigin sya sa akin, "I don't want to live my life with regrets."
 
Chapter 31: Eye Candy

Nakarating na rin kami sa Subic, may hotel na bi-nook sila Nins at dun daw kami mag stay for the night. Right beside the beach na naman ang tutuluyan namin. Iisa lang ang kwartong na-book nila Nins so we have to share daw. Chris wasn't having it dahil baka raw pagsamantalahan namin sya so he booked a separate room for himself, ang layo nga lang nasa dulo na ng beach.

"Mag dinner na muna tayo then let's call it a night. Sigurado ko pagod na yun si Chris." Nagaayos na ng gamit si Nins habang si Kat puro selfie sa mag labas ng room namin. Actually mula kaninang hapon wala nang ginawa si Kat kundi mag picture. IG ng IG.

Pagtingin ko sa relo ko 8pm na. Pumunta na kami sa restaurant ng resort, nakakain na rin kami pero hindi pa dumarating si Chris. Hindi rin sya sumasagot sa tawag namin so naisipan kong puntahan na lang sya sa kwarto. Si Kat naman at Nins umorder ng vodka tonic.

"Sabihin mo bilisan na nya, I want to get up early para makapag picture sa sunrise." Si Kat puro picture ang nasa utak.

Naglakad ako sa tabing dagat habang nag iisip isip, ano kayang ginagawa ni Rob ngayon? Kasama nya kaya yung girl? Sino kaya yung bruhang yun? Relax Lelay. Kalma lang.

Nakarating na rin ako sa dulo ng beach at may isang room dun na puro salamin. May silhouette ng lalaki sa loob ng kwarto - si Chris for sure dahil ang tangkad. Dere-derecho ako sa room nya, wala nang katok katok at aambush-in ko nga diba?

Dahan dahan akong umakyat sa stairs at hinawakan ang doorknob. Hindi naka-lock.

One, two...

"Ano ka babae? Ang bagal mo kumilos!"

Tatawa tawa pa ako pero bigla akong natigilan - bagong ligo si Chris. Naka-towel lang ang pang-ibaba.

Alam ko hindi proper para sa isang babae pero pag nasa harap mo na pala hindi mo mapipigilan, ilang segundo lang yun pero parang nag-take ng pictures ang utak ko.
Basa ang hair ni Chris - wetlook.

*Click

Ang puti ng arms at dibdib - pantay na pantay.

*Click

Abs.

*Click

Abs.

*Click

Abs.

*Click

*Click

*Click

Biglang dumaan sa tabi ko si Chris at nawala ako sa pagkakatulala. Laway mo Lelay punasan mo muna.

Wait lang, save mo muna Lelay. SAVE.

"Ano ka ba? Hindi ka ba marunong kumatok?" Sinara ni Chris ang pinto, naiwan ko palang bukas.

"Uhh.." Uhh? Uhh? Ah ah, nalusaw na ang utak.

"Bakit ka ba pumunta dito? Nag shower lang ako, ang lagkit ko na e."

Ako rin malagkit na e - este yung tingin ko malagkit na. Pucharagis na utak meron ka Lelay.

"Ano? Kumain na ba kayo?" Wala pa rin kay Chris na speechless na ako sa kagwapuhan nya, kumuha sya ng shirt at isinuot nya. Hello? Earth to Lelay. Balik ka na sa Earth para di ka magmukhang tanga.

At long last, gumana na rin ang utak ko…

"Ah... oo, tapos na. Kakatapos lang. Inaantay ka nga namin e hindi ka naman dumating kala namin kung ano na nangyari sayo. Di ka sumasagot ng phone mo. Ha ha. San ba yang phone mo? Hindi mo kasi sinasagot kaya napasugod ako dito e sabi nila Nins bilisan mo raw. Umiinom na sila dun sa restaurant. Halika na bilisan mo." Sabay labas ng kwarto. Huminga ka, gaga.

Ayan, kaya mo yan. Inhale sa ilong, exhale sa bibig. Yuck. Amoy bawang ang bibig mo, Lelay.

After kong kumalma lumabas na rin si Chris, naka t-shirt lang sya na puti at shorts na brown. Lalo nang pumuti si koya.

Imbes na umalis e naupo pa si Chris sa railing ng porch nya, nakaharap sa akin. Naka-patong naman ang mga siko ko sa railing at nakaharap ako sa dagat.

"You need to stop thinking about it muna, Lee. Let's enjoy the weekend. We can't do anything about it now."

At syempre tama na naman si Chris. I need to relax naman. You deserve it, Lelay. Wag muna isipin ang lovelife.

"Sinabi mo sa akin na may gagawin si Rob, tingin mo ba ginagawa nya to para pagselosin ako?" Hindi ako makatingin kay Chris, syempre nasa utak ko pa rin ang 6-pack nya.
Six talaga, sa bilis ng tingin ko nabilang ko pa rin.

"People do stupid stuff when they're upset, so I don't know, maybe."

"So, kailangan ko mag-sorry? Kahit na tingin ko wala naman akong kasalanan?" Sa totoo lang tingin ko talaga wala naman kaming ginagawa ni Chris, eto lang si Rob hindi maka move on sa mga issues nya sa insecurity kay Chris.

"It did look bad, tiningnan ko yung video, we looked close. Super close."

E kung alam ko lang na ganyan ang katawan mo sa ilalim ng uniform e di naging mas close pa tayo. Woooow!!! Utak mo, Lelay! Namula na naman ako.

"E kahit na ba mukhang super close tayo hindi ba dapat nanghingi muna sya ng explanation? Hindi yung tatawag sya galit tapos yun na yun? Wala na akong karapatang ipagtanggol ang sarili ko."

At di pa tapos, "E napaka kitid naman ng utak nya, wala na syang ibang ginawa kundi pagdudahan ako. Wala naman akong ginagawa."

Napabuntong hininga na lang si Chris. "If you love someone you'll accept the good and the bad."

Syempre alam ko naman yun, relationships work because the people in them do. It's a never ending job of understanding, patience and compromise.

Oh well, wag muna isipin Lelay, minsan ka lang makapagbakasyon, make it count.

"Tara na nga, baka lasing na yung dalawa dun, di ko sila kayang buhatin." Hinatak ko si Chris papunta ng resto.
 
Chapter 32: ABSolutely Fantastic!

Maaga kami lahat nagising para sa snorkeling at island hopping na sinet up ni Nins. Since wala akong swimsuit, puro sando at shorts lang ang nakuha nila sa bahay. Pinahiram ako ni Nins ng tankini nya - parang sando't panty lang rin pero mas sosyal.

Naka shorts lang ako sa ibabaw ng tankini, pinagsabihan nila ako na wag nang mag t-shirt at gugulpihin nila akong pareho. We're all friends naman daw so walang problema.

Syempre ang ikli ng shorts ko, bwisit tong sila Nins baka magkagulo dahil sa kuyukot ko, baka pagkamalang piyesta dito sa dami ng ube.

"Bwisit ka talaga Marley, alam mo ba kung magkano ang ginagastos namin para makapagpaputi lang ng singit at pwet? Ikaw gifted, tapos kung maka-ube ka jan. Sapukin kita e." Galit na galit si Kat sa kuyukot ko.

Tinitignan ko sa salamin, syempre may pagkakaiba pa ring ang kulay ko dun sa ibang parte ng katawan ko. Mas maitim kaya.

"Halika na, tama na yan. Male-late na tayo ayokong abutin ng tirik ng araw, iitim tayo." Mukhang espasol si Nins sa kapal ng sunblock nya.

Pagdating namin sa beach nandun na si Chris, naka board shorts lang sya, sando at shades. Ang puti parang artista.

"Good morning, ladies!" Ang puti ng ngipin, pentey ne pentey, pereng negpebreshes.

Bakit nakangiwi ka na Lelay?

May dalawang jetski sa harap ni Rob, si Nins dere-derecho sa isa at kinuha ang inaabot na life jacket ni manong. Napatigil ako sa paglalakad. Jetski talaga? Dapat pala binanggit mo sa kanila na di ka nga sumasakay sa motor e sa jetski pa.

"C'mon Kat, you're riding with me!" Nag she-shades na si Nins at sumasakay na sa jetski. Aba kung ganun edi kay Chris ako aangkas?

"Teka, ako na lang iangkas mo Nins!"

Napalingon sa akin si Chris. "Ayaw mo sa akin?"

Ah eh. Humawak sa balikat ko si Kat.

"Mas close kayo ni Chris so ikaw na lang umangkas sa kanya." Sabay alis ni Kat papunta sa jetski ni Nina.

Hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko. Naka life vest na rin si Chris at lumapit sya sa akin.

"Is there a problem? You need to have faith in my skills." Ngi-ngiti ngiti si Chris. Amputi talaga ng ngipin.

"Ah eh, first time ko kasi sasakay ng jetski. Kinakabahan lang ako."

Kinuha ni Chris ang kamay ko.

"Wag ka mag alala Marley, I won't let you fall."

Hindi naman ako inbalido pero nanlalambot kasi ako pag iniisip kong sasakay ako ng motor na pang tubig. Mas masakit yata malaglag jan, at may posibilidad pang malunod pag di ako nag ingat. So si Chris ang nagsuot ng life vest ko. Tumitingin lang ako habang nilo-lock nya ang mga strap.

Sumigaw bigla si Kat, "Chris, maitim ba ang pwet ni Marley?" Nagtawanan ang mga kaibigan ko. Napaubo si Chris.

"You got a good look, right?" Pang-aasar ni Nina.

Tumingin sa akin si Chris, at mejo nag-squint pa ako dahil nakatapat ako sa araw. Binulungan nya lang ako, "I would never look at you like that, Lee."

Ngumiti lang ako kay Chris sabay bulong sya ng "Unless you ask me to."

Panga, meet sahig.

Bago pa ako makareact hinawakan ni Chris ang bewang ko at binuhat ako paangkas sa jetski – ano ako isang kilo lang? Parang wala lang kay Chris e. Tapos sumakay na rin sya pagka-alalay sa kanya ni manong. Ang haba ng legs ni Chris s sakop na sakop yung jetski. Syempre ang Lelay hindi alam kung san hahawak, kumapit ako sa likod nung jetski.

Lumingon sa akin si Chris, kinuha ang mga kamay ko at binalot sa katawan nya. "Sa akin ka kumapit Lee kung ayaw mong mahulog."

Ayos lang ba to? Pinagdududahan na nga kami ni Rob e ganito pang pwesto namin? May nakaharang namang life vest e, makapal naman ang material. Hindi naman nakalapat ang boobs mo sa likod nya. Iniisip ko na lang na walang malisya, friend mo si Chris, so dapat walang malisya.

Bago kami umandar, ni-tap ng mahina ni Chris ang kamay kong nakabalot sa kanya, "Just relax and enjoy Lee okay?"

Nilapat ko lang ang mukha ko sa vest ni Chris at tumango. Tumili sila Kat at Nins at umandar na kami.

Tama nga si Chris, no way na hindi ako mahuhulog kung hindi ako nakakapit sa kanya. Ang lamig na ng braso ko kakatama ng tubig sa amin, humahampas hampas ang jetski namin sa tubig, sakit na siguro ng mukha ni Chris pero wala e tawa pa rin sya ng tawa kada sisigaw ako.

Enjoy rin sila Nins at Kat sa malayo, tumatayo tayo pa si Kat sa likod ni Nins. Mga baliw.

Nagbagal ng takbo si Chris at pumasyal pasyal lang kami. Habang mabagal ang takbo nya inistretch ko muna ang mga braso ko para magkabuhay ulet ang mga daliri ko. Napalingon sa akin si Chris, umupo sya.

"Masakit na kamay mo?"

Hinipan ko ang mga kamay ko para mainitan, "Mejo lang. Nanigas na sa lamig e." Ngingiti-ngiti lang ako kay Chris, baka sabihin nya e di ako nag eenjoy. Super enjoy kaya ako.

Kinuha ni Chris ang mga kamay ko at nilagay sa ilalim ng vest nya, sa bandang tiyan nya sa ilalim rin ng sando nya.

SA.

MAY.

ABS.


"Oooh! Lamig nga ng kamay mo." Kinilig si Chris. Pero syempre di na naman ako makaimik at salat na salat ko ang abs nya.

Wag mong igalaw ang daliri mo, Lelay. Wag ka mag-explore jan, hindi ka naman si Dora.

Bago pa ako may masabing ka-engotan, like "nag-gy-gym ka ba, pare?" Umandar na ulit kami ni Chris.

Nung mejo uminit na tumigil na kami sa pag je-jetski, pero si Chris nagtuloy pa rin mag kayak. Winarning-an ko nga sya baka maging ulikba sya kaya lang tumawa pa.

"Alam mo Marley frustration naming mapuputi ang mejo mag-tan. Ako nga e kung pwede lang magbabad sa araw ng matagal kaya lang nasu-sunburn ako. Ang sakit kaya." Inaayos ayos ni Nins ang bikini nya habang nagsasalita.

Nasa ilalim lang kami ng malaking payong na may malaking sofa na nasa buhanginan. Walangya sa amin butas butas na ang sofa, dito nilalagay lang sa buhanginan.

Umiinom ng juice sila Nins at Kat, ako nagrerelax lang at nakatingin sa dagat. Nakatingin sa malayo, dun sa nagka-kayak.
 
Chapter 33: A Walk to Remember

Ayan tayo e, porke nakapunta sa malayong lugar at nasa nature feelingera na, eto ako kinakapos na ng hininga, nakahawak sa tuhod, ga-munggo ang pawis at dry na ang bibig.

“Kaya mo pa? Iba na kulay mo ah.”

Tatawa tawa si Chris sa akin habang pababa kami sa hiking trail. Syempre, alam mo naman Lelay na wala kang kapasidad na mag-paka-sporty pero nagpa-dala ka sa pang-aasar ni Chris – deserve mo yang feeling na mamamatay ka na. Ang galing galing mo e. Buti pa yung mga matatalino mong friends nasa poolside at nagpapa-tan, alam nilang hindi nila kaya e.

Shaddap! Kung pwede lang pumatay ng subconscious ginawa ko na.

(Hala, nabaliw na.)

“Ano nga, Lee. Kaya mo pa? Putla mo na e.”

Tumigil si Chris sa paglalakad, yumuko at hinawakan ako sa wrist habang nakatingin sa relo nya. After a minute…

“Masyado pang mabilis ang heartbeat mo, pero sorry hindi ka pwedeng magpahinga – mabibigla ang katawan mo so lalakad lang tayo okay? Babagalan natin ang pace.”

Inalalayan ako sa braso ni Chris, habang naglalakad kami. Hindi ako makapagsalita pa kasi talagang hingal na hingal pa ako. Tsaka nahihilo na ako, huling kain ko agahan pa, merienda-time na.

“Sino ba naman may sabi sayo na kailangan mabilis mag-lakad pag paakyat ng trail? Ayaw mo pa mag-paawat. Kala mo naman masasabayan mo ko.”

Ano? Hindi ka makasagot no Lelay? Tiisin mo na lang ang sermon.

“Hindi mo ba nakikita ang muscles ko?! Wala kang laban dito.”

Sabay inangat nya ang braso nyang hindi nakakapit sa akin at nag-flex. Woah, laki nga.

Sabay tawa si gago. Nung nakarecover na sya sa pag-tawa sa akin, “Sorry, Lee. Ang saya ng ganito, I’m annoying you to death, aren’t I? Pero hindi ka makasagot.”

Binigyan ko lang sya ng death glare habang lumalaki at lumiliit ang butas ng ilong ko sa pag-hinga.

Nginitian ako ni Chris, “Patingin nga kung okay na ang pasyente ko?” kinuha nya ulet ang wrist ko at binibilang ang heartbeat ko.

“Yan, okay na. Pwede ka nang magpahinga.”

Actually, mas gusto ko na makababa at uminom ng malamig na malamig na tubig.

Biglang tumigil sa tapat ko si Chris at nag-squat slightly, hawak pa rin nya ang braso ko na pinatong nya sa balikat nya, tapos hinawakan nya ako sa hita...

“Hoy! (haaaa… haaa….) ano ba! (haaahhh… haaaahhhh….)”

“Malayo pa ang lalakarin natin, baka matumba ka, kaya sumakay ka na. Kayang kaya ka ng well-toned kong katawan.”

Kung hindi lang sya tama, tsaka kung hindi lang ako hinihingal tatawa talaga ako. Pero bwisit, ang sakit nang hita at binti ko, sakit sa katawan ng hike na to.

Hindi na ako lumaban at binalot ko na ang mga braso ko sa balikat ni Chris. Nilapat ko pa ang pisngi ko sa braso ko na nakabalot na ngayon sa dibdib nya.

Tahimik kami at dahan dahang bumaba ng trail, hindi ko alam kung paano ako nakakayanang buhatin ni Chris nang hindi nadadapa. Hindi naman ako mataba – mga 50kgs, pero alam kong hindi ako magaan. Sa katahimikan namin, feel na feel ko ang pagiging close namin ni Chris.

Kahit na sya ang una kong nagustuhan sa kanila ni Rob, wala akong nafe-feel na awkwardness sa amin at masarap sa pakiramdam na pareho kaming naka-move on sa kung ano man ang mga nangyari. Sino naman mag-aakala na yung poging nakabunggo ko sa first day ko e magiging isa sa mga importanteng tao sa buhay ko. Swerte mo, Lelay.

Biglang tumigil si Chris nung makakita sya ng bench na gawa sa troso, binaba nya ako paupo sa bench. Naupo sya sa tabi ko nakaliyad, nakahawak ang mga kamay nya sa bench at tumingala.

“Kayang kaya pala ha. Magpapahinga ka rin pala.” Ngiting-ngiti ako. Haha! Pwede na akong mang-asar.

Napatingin sya sa akin, pero hindi nakasalita. Humihingal din si loko. Tumawa lang ako saglit pero napatingin ako sa kanya – nakatingin na naman sa langit, naawa naman ako, ako ang nagpahirap e tinawanan ko pa. So bago ako mawalan ng lakas ng loob, lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. Bigla bumukas ang mga mata nya at tumingin sa akin.

Hindi nga ako masyado nag-iisip kasi puro pawis yung pisngi nya, mabango pa rin kaya lang maalat. Sabay punas ako sa labi ko, “Ew, basa.”

“Ang bigat mo kaya.” Tapos nag-exaggerated na hingal si loko.

Tapos bigla nya akong hinampas sa hita, “Naka-kiss ka ah.” Ngumiti na lang sya.

“Sorry napagod ka. Thanks sa pagbuhat sa akin.” Ngumiti lang rin ako sa kanya, I’m pretty sure namumula ako – sabihin ko na lang kunwari dahil sa pagod.

Akala ko magiging awkward na naman kami pero hindi, walang bakas ng awkwardness sa mukha ni Chris.

“You’re welcome, Lee.”

Sabay tumayo sya, “Unlike you, hindi ko kailangan ng sobrang tagal na pahinga. Madali mag-recover ang katawan ko, parang si Wolverine.” Ayan na naman sya sa Comic book references, napa-irap na lang ako at tumayo.

Naglakad lang kami pababa, mas madali pababa kaya hindi ako masyado napagod, nag-usap lang kami ni Chris, paminsan minsan hinahawakan nya ako sa braso para tulungan ako pag may mga bato bato or pag mejo matarik ang bababaan.

Habang pababa kami hindi ko mapigilan mapangiti pag tinitingnan ko sya, very animated sya magkwento tungkol kay “Deadpool”, asar na asar na naman sya nang sabihin kong hindi ko alam kung sino yun – he said he needed to educate me bago daw nya ako itakwil bilang kaibigan. So tahimik lang ako habang nag-kkwento sya.

Wow, anong ginawa mo nung past life mo Lelay para magkaroon ka ng kaibigang ganyan? Tingnan mo nga, ang puti puti kahit nagbabad na sa araw, parang walang pores, pag nakangiti halos wala nang mata, ang haba pa ng pilikmata! Tsaka yung lips. Emerged. I’m dead.

WAIT!!!

Gaga ka ba, shake your head! Shake those thoughts out of your head. Kaibigan mo yan, okay? Friends lang – friends with benefits? Gaga! Friends lang!

Sa totoo lang, mas maigi sa akin ang mga friends na lalaki, mas madali kausap, pag galit sasabihin sayo hindi mag-aantay kung mapapansin mong galit sila. Like my brothers, kaya ganito ako mag-isip bata pa lang ako alam ko nang hindi ako talaga pa-girl and I like having a guy friend. Who would’ve thought na after a few months magiging ganito ako ka-kumportable kay Chris? Ang POGI na nakabunggo ko during my first day?

Tumigil sya sa pagkkwento, tiningnan lang ako at bigla akong inakbayan, “Wala ka na naman naintindihan sa sinabi ko no? I know my face is distracting but try to keep up.”

Hindi ko napigilan, napahalakhak ako ng bongga.
 
34: Let’s Drink to That!

As usual late na naman lumabas si Chris for dinner, magpapahinga muna raw sya, so kumain na kami nila Kat and Nins at syempre after nun umorder na ng alak yung dalawa. Pinipilit nila ako uminom pero I’m gonna be the designated Sober-person for the day. Baka pare pareho kaming gumapang pabalik ng room namin, or worse baka sa ibang room kami mapunta.

“Oh my gosh! Bukas na yung videoke! Let’s go!!!” Hatak hatak ako patayo ni Kat, sunod naman sa amin si Nins.

“Asan na ang songbook???!!!” Napapikit na lang ako sa lakas ng boses ni Nins, nakainom na e. Tequila ba naman ang binanatan – which they told me is super fun to drink, party party talaga ang feeling kaya eto si Ateng Nina maligalig na.

“Kanta ka, Marley.” Ayan lang, pag alam na ng mga kaibigan mong marunong ka kumanta, papakantahin ka nyan, at syempre lagi ka nang may nakahanda, yung hindi ka masyado mahihirapan.

“Hoy ako muna. Nakakahiya sundan yan!” Inagaw sa akin ni Kat ang songbook at namili na sila ni Nins ng kanta. Mejo nakakahiya sa ibang tao pero looks like they’re having fun so hinayaan ko na lang, babantayan ko na lang sila hanggang makatulog just in case.

Nagkantahan na ang mga lukaret, at in fairness nasa tono naman kahit nakainom na. Bumibirit na si Kat ng Aegis si Nins naman nakatingin lang kay Kat at parang naiiyak iyak na. Hala, nabuang na mga kaibigan mo Lelay.

Tawa ako ng tawa sa dalawa kong kaibigan nang biglang may umupo sa harap ko, kala ko si Chris so nginitian ko. Nope. Hindi si Chris, may itsura naman pero syempre mas gwapo si Chris at si Rob, walang panama to kay Rob.

“Hello.”

Ayaw ko naman maging rude so, “Hi.” Tipid lang sagot Lelay, mukhang nakainom na si Koya or namumula ang pisngi dahil sa kakababad sa araw – tisoy rin e.

“We saw you girls on the beach today, looks like you’re having fun.” Sabay tingin ni “guy” kina Kat at Nins. Hindi ako masyado nagpupunta sa mga bar or anything so normal siguro yang may nakikipag-kilala.

“Yup.” Yun lang ulet ang sagot ko. Wala akong masabi sa lalaking to, hindi ko naman kilala.

“I’m Mark, by the way.” In-extend nya ang kamay nya sa akin. Shake hands lang Lelay, hindi ka inaalok ng kasal so kalma lang.

“And I’m Chris.” Sabay abot ni Chris ng kamay ni Mark at naupo sa tabi ko. Bench ang inuupuan namin so naka-bukaka si Chris at naka-harap sa akin.

“Oh, hi.” Gulat ang mukha ni Mark nang makita si Chris, intimidating naman kasi ang presence ni Chris ang tangkad kaya tapos broad shoulders parang athlete.

“I see you’ve met my girl.” Sabay tingin sa akin ni Chris, “my girl” talaga? Napalingon lang ako sa kanya na parang “wtf”?

“Ah oo. I was just making conversation, mag-isa kasi sya e.” Parang ayaw na ako tingnan ni Mark.

“Thanks man, we’ll I’m here now so…” Hindi na kailangang tapusin ni Chris ang sentence dahil tumayo na si Mark.

“Nice meeting you.” Kumaway lang sya at umalis pabalik ng table nila, nun ko lang napansin na halos 5 silang nakaupo dun at nakatingin sa amin ang lahat ng nasa table nila. Umiling lang yung isa at um-apir si Mark.

Sinundan rin ng tingin ni Chris ang table ni Mark, parang irritable sya pagharap nya sa akin.

“Did you want to meet him, Lee? Coz I remember you having a boyfriend diba?”

Nagulat naman ako, “Nakikipagkilala lang, issue agad?”

Humingang malalim si Chris, “Hindi naman issue, that guy’s a dick – I heard him talking to his friends before he came over. Nandun lang kasi ako sa labas.”

Napalingon ulet ako sa group nila Mark at nakatingin pa rin sa akin yung isa, pero the rest parang nagtatawanan na.

“Oh e ano naman kinalaman ng pagkakaroon ng boyfriend dun?”

Umayos ng upo si Chris, “Sorry, I shouldn’t have said anything.”

Napikon lang rin ako so hindi na ako sumagot, ano ba naman kasi yun? Diba? Hindi naman ako malandi para makipag-harutan nang may boyfriend no. Ngayon nga lang ako nagkaboyfriend e.

Tahimik lang kami pero yung dalawa naming kaibigan e parang mga baliw na sa stage, Spice Girls na ang kinakanta nila.

Since wala namang gustong kumanta na ibang guests pinahawak na sa akin ni Kat at Nins yung songbook, maglagay lang daw ako ng maglagay ng kanta sila daw bahalang mag-entertain. Mga gaga.

Napunta na sa mga pinoy rock ballads sila Kat at Nins, si Kat namamaos na ayaw pa rin tumigil. Nakatingin na sa amin yung mga staff ng resort, pagtingin ko sa relo ko 11pm na. Hanggang lumapit na sa amin yung manager at kinausap si Chris – na mukhang mapasandal lang e makakatulog na.

Bumulong sa akin si Chris, “Last song na raw, magsasara na daw sila.”

Sinabihan ko lang rin sya, “Edi ikaw magpatigil dun sa dalawa, kanina ko pa inaawat e ayaw tumigil.”

Tumingin si Chris sa dalawa naming kaibigan na magkayakap na sa stage habang bumibirit ng Lani Misalucha.

“Fine.”

Biglang tumayo si Chris at kinuha ang mic kay Nins habang binubulungan nya.

“Oo sige, sige.” Tatawa tawa si Nins at akbay akbay si Kat na bumaba ng stage at naupo sa tapat ko.

Nagpipindot sa machine si Chris at nilagay pa ang mic sa stand. Yumuko sya habang tumugtog ang intro ng kanta. The Rivermaya classic – ‘214’.

Pero bago sya nag umpisang kumanta tumingin muna sya sa akin at tumuro, “This one’s for you, Lee.”

Kakabog kabog naman ang dibdib ko, wag naman sana po na magaling kumanta si Chris or maganda ang boses, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I’m only human po, jusmio.

Nakatingin pa rin sa akin si Chris nung kinanta nya ang first line.




Oh my God.




My ears!!! Takpan mo, Lelay! Takpan mo! Minu-murder ng kaibigan mo ang isa sa pinakamagagandang OPM sa history!
Pinipigilan ko pero walastik tong si Chris, bigay na bigay sa pag-kanta pero walang itinamang tono. Hindi ko na kinaya kaya tumawa ako ng tumawa.

This time, I knew for sure na wala kaming pag-asa nito ni Chris. A dealbreaker is a dealbreaker.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom