Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story The Misadventures Of Marley

Status
Not open for further replies.
Chapter 1: Pay attention!!!

“Miss, paki-suot ang ID.”

“Ay, sorry po.” Sabi ko sa guard ng bago kong school. Hinga lang malalim, wag ka masyado kabahan. It’s just school… five times the size of your old one.

*gulp* Ano ba, takutin ba ang sarili?

Yes, I’m the kind of girl na may inner monologue, lahat naman ng tao meron nyan e, yung sakin lang mas maingay at mas opinionated.

I’m Marley Zamora, 17 years old, College freshman. And if you’re wondering - yes, I was named after THE Bob Marley, my parents are music addicts. As in lahat na yata ng klase ng instruments meron sa bahay, which works especially para sa tatlo kong Kuya. Ang panganay naming si Kuya Dylan (Bob Dylan), Pangalawa si Kuya Jim (Jim Morrison) at si Kuya Zep (Led Zeppelin). Ayos na rin pangalan ko, cool pakinggan e – kahit na I’m so NOT cool. Muntik pang maging Cat ang name ko (Cat Stevens) or Janis (Joplin).

I had earphones on sa right ear lang para I can still hear the chatter around me. Ang aga ko dumating dito sa school so nag-observe muna ako sa paligid. Benedict College is a semi-catholic school, semi-catholic kasi although they have mass every first Friday of the month (like my old high school) they don’t ask all the students to attend. You’re free to attend if you want to. Hindi kagaya ng dati kong school, pwersado ka umattend at kumanta (ng malakas) sa misa, kabisado ko rin ang books ng bible (ginawan ko pa ng tono yan, parang song para di ko malimutan), walang klase pag feast day ng Patron Saints ng school namin, may program at kung ano ano pa. At syempre may rosary kada umaga. “Praised be Jesus and Mary” ang linya naming pag mag-ggreet ng teachers. Hard core Catholic school girl ito.

Anyway, Benedict College allows students of any religion to enroll here. Ayun oh, dami Koreans!
Medyo old school (teehee), I mean old ang school na ito. The design of the building is based on the church that is in the center of the school. Old brick stones like the ones in the church were used to construct its façade. It’s tall and regal, with concrete Greek-inspired pillars that give the school the sosyal and mamahalin look.

Bene (as it’s more popularly known) is in the middle of Manila now pero dati sya lang ang nag iisang brick structure sa lugar na ito. What once started off as a charity Sunday school for little children grew into a full-fledged College sitting on a 10-hectare land. It’s a good feeling na makapasa sa isang prestihiryosong eskwelahan na kagaya nito. After all, I have been working towards this my entire high school life.

Sa wakas, nakarating rin sa aking bagong classroom. Good thing, hindi ako naka-block section, mas maapreciate ko ang ganda ng aking alma mater. Naks. Finally, Room 203 – silip muna tayo, Marley. Sus, bago pa makarating ng 1st period nakapag-chikahan na kami ng kunsensya ko ng bonggang bongga.

Ahem. Eto na ang isa sa mga pinaka-importanteng desisyon sa buong college life ko. WHERE TO SIT???

Nagstay muna ako sa pinto sa likod na part ng classroom to observe, may sampung tao na nandito sa classroom:
1. Ang mga “henyo” nasa pinaka-unahan nakaupo. The smart and nice people, by nice I mean okay naman sila kausap wag mo lang sila tanungin ng sagot nila sa assignments at wag na wag kang mag-aattempt na kopyahan sila sa exam. Hihihi.
2. Ang mga Friends for life nasa side ng bintana. Usually, sila yung mga galing sa iisang area, usually province at magkakaibigan na simula’t sapul. Ayaw na maghiwahiwalay e.
3. Ang mga trying-to-be-cool kids, na sa likod nakaupo, kasama ng mga “mayaman si mama/papa, pwede akong umulit”. Hehe. Joke lang.
I decided to play it safe, sa may bandang gitna na lang, keeping my options open to either left or right seatmates. I’m so smart. Ugh.

“Hello.”

“Hi.” Automatic reply ko sa biglang tumabi sa akin sa kanan. Aba, ang girl na ito napaka-ganda. She’s everything I’m not, maputi, slim, matangkad at
mahaba ang buhok.

“I’m Nina. Short for Dynina. I know it’s a weird name. Don’t ask.”

“Uhm, I’m Marley. As in Bob Marley.”

“Sino???”

“Uh, wala.” Hindi ko ine-expect na lahat may kilala kay Bob Marley, pero automatic na reply ko yun pag may nagtatanong ng pangalan ko. Old habits.

“Wait, may boyfriend ka na ba?” Tanong ni Nina.

“Uhm. Wala.”

“Ah ganun, okay lang yan. New school, new people. Marami ka makikilala dito na guys, gawin nating project yan – wanted: Boyfriend for Marley”.
I hate that I know what people thought of her nung High School, most High School girls were very judgmental, and they probably call her a “slut” behind her back just because she was honest. What I like about her though is that mukhang wala syang pakialam, I mean, she just met me. But she would say such things.

And on and on she droned about her “older” boyfriend. She wants to seem mature siguro for being with an older guy. But all in all, she’s nice. I made by first
College friend. Yay to me.

All the other students came in, taking their seats (making big decisions), to my left a petite girl sat. Cute rin sya, pero mukhang malupit ang mananahi nito’t hapit na hapit sa kanya ang uniform. It’s the first thing I hate in this school – damn uniforms. Her name’s Kat and she’s from Taguig! She’s too arte but she seems nice enough so it’s all good.

After an entire day of orientations and introductions, my first day ends. Byahe na lang pauwi ang iintindihin ko. Syet. Ang layo ko pa. Oh well…

I was on my way home when I noticed guys na nakatambay sa parking lot. Chinese guys. Gaganda ng kotse, mukha nga lang sloppy with their polo’s open showing their undershirt. Enebeyen. Kakatingin, nabangga tuloy ako sa isa pang student.

“Ay pucha”

“Ow”

Sabay naming sabi. At napatingin na ako sa naka-sumo wrestling ko.

Jusko, ang tangkad.

“Sorry” Automatic response ko.

“Sorry rin” Sabi nya. Dun ko nakita ang mukha nya, aba ka-pogi. Chinito, maputi at in fernez hapon na mabango pa.
Feeling ko umaakyat na yung dugo ko ulo ko kasi nakatingin sya sa mukha ko. Escape! Escape, Marley! May kaengotan ka masasabi kay pogi, go go go!!!

“Sige, bye!”

“Bye!” sabi ni pogi.

Ang puso ko kabog-kabog pa rin hanggang sa bus. What an end to my first day.
 
Chapter 35: Vacation’s over

Tag-isa kami ni Chris sa pag-aalalay kay Nins at Kat pabalik ng room, since mas maliit si Kat ako ang umalalay sa kanya, si Chris naman ang may bitbit kay Nins – buti na lang antok lang yung dalawa, walang nagsuka anywhere.

Pagpasok ng kwarto inihiga na namin ni Chris si Kat at Nins sa kama, tinanggal ko ang mga slippers nila at iniwan sa labas.

Inasikaso ko muna ang mga lasinggera at lumabas na si Chris. After a few minutes sumilip ako sa labas at nakita kong nandun si Chris sa isa sa mga Cabana so lumabas ulet ako.

Naka-upo lang sya looking out on the water. Dahan dahan akong naglakad at tinakpan ang mata nya, “Guess who” pero ginawa kong parang chipmunk ang boses ko.

Imbes na hulaan nya kung sino, hinawakan nya ang mga kamay ko at ibinaba, nilagay nya sa dibdib nya at huminga ng malalim.

“Did you have fun, Lee?”

Parang halos nakayapos na ako kay Chris at syempre dahil mahaba ang katawan nya parang mas matangkad pa rin sya sa akin kahit nakaupo, at ngayon wala nang vest na nag-se-separate sa amin. Kesa mag-dwell ako sa body heat nya at kung gaano ako namumula sa pagkakataong to, pasalamat na lang ako at nakatalikod sya, nag-biro na lang ako. Yan, daanin mo lahat sa biro, Lelay.

“Hello, ngayon lang kaya ako na-kidnap, napasakay sa death-trap na tinatawag na jetski, nakapagsuot ng panty at bra sa labas ng bahay at muntik nang mamatay sa pagod sa pagha-hike.”

Hindi masyado nakakatawa ang joke pero I was hoping for a smile or a smartass comeback, pero wala.

Huminga lang sya ng malalim at sabi, “Good.”

Iniikot nya ang mga kamay ko sa ulo nya at pinaupo nya ako sa tabi nya. Nakaharap pa rin kami sa tubig pero pareho na kaming naka-indian sit sa Cabana.

Mejo matagal kaming tahimik pero comfortable pa rin, kahit na halos walang ilaw sa pwesto namin, hindi ako nailang sa kanya.

“Ang galing kong kumanta no?”

Naiyak ako kakatawa sa sinabi ni Chris, pati sya tawa rin ng tawa. Napahiga pa ako sa cabana hawak hawak ang tiyan ko, sakit sa tiyan para akong kakabagan sa kakatawa.

Nang naka-recover na ako, nagpupunas ako ng luha pero nag-indian sit ulet ako, “My gosh, buti na lang gwapo ka.”

“Well, I can’t have it all.” Yun lang ang sagot nya sa akin.

“Well, except you.” Nakangiting sabi sa akin ni Chris.

“Waaa! Ako talaga? I’m far from having everything no. Kayo nila Nins yun.”

Humarap sa akin si Chris at tiningnan ako maigi habang nagsasalita, “Lee, you may not HAVE what you think you need, but you are so blessed in the things that matter.”
Binilang nya isa isa sa mga daliri nya ang ‘blessings’ ko, “You’re smart, strong, funny, talented, you’ve got a family that loves you and you’re a good friend.”

Tama nga naman si Chris, hindi nga ako kasing yaman nila pero may mga blessings rin naman ako, mabait pa rin sa akin si Lord. Pero may napansin akong hindi nya isinama dun, at kailangan ko yun marinig. Syempre fishing for more compliments ha, Lelay?

“Yun lang? Wala ka nang nakalimutan?”

“Wala na.” Pero nakangiti sya.

Hindi ako nagsalita at pabirong umirap sa kanya.

Umangat ang kamay ni Chris at nilagay nya ang buong palad nya sa mukha ko at tinulak ako ng slight. Sabay tawa sya, “Oo na, maganda ka na.”

Sabay nag-flip ako ng hair ko. Napangiti si Chris.

“Mas maganda pa kesa dun sa first love nyo ni Rob?” Pinapatawa ko lang si Chris pero bigla syang nagseryoso.

Nakatingin pa rin sya sa akin, hinawakan nya ang mga kamay ko, “In all the ways that count, you are much, much better than Allie. Lagi mong tatandaan yan ha, Lee?”

E hindi pa rin ako nagtanda, “So mas maganda sya?

Napailing lang si Chris, “Mas maganda ka. Oh, okay na? Masaya ka na?”

Hindi pa rin ako naniwala pero I let it go na.

Humarap kami pareho sa dagat, “Thanks for today Chris. You’re a good friend.”

Kinuha ni Chris ang kamay ko, at hinawakan nya ng dalawa nyang kamay. “You’re welcome, Lee.”



“Aaaaahhhh… my head hurts.” Ungol ng ungol si Nina sa likod ng sasakyan.

“Ssshhh. Shut up.” Sagot naman ni Kat.

Pabalik na kami ng Manila, hindi na kami nag-lunch dun sa resort dahil mukhang nasusuka na tong dalawang kasama namin. Natatawa ako pero pinipigilan ko kasi nakakaawa naman sila, sobrang tahimik ang sasakyan kaya napalingon lang ako kay Chris, tatawa tawa rin sya kina Nins.

Pagkahatid namin kina Kat at Nins nag-kwento na naman si Chris sa world ng Marvel.

“Batman or Superman?” Tanong sa akin ni Chris.

“Hello, pinag-iisipan pa ba yan? Syempre si Superman.” Parang hello? Duhhh?

Gulat na gulat ang reaction ni Chris, “Superman??? You’ve gotta be kidding me. Everyone chooses Batman, EVERY. FREAKIN’. TIME.”

Malupet ang pinaglalaban nito ni Chris, “No. Superman is better no, hindi naman nakakalipad si Batman, mayaman lang yun e, pero kung mahirap lang sya wala pa rin yun…”
Those are the last words Lelay every spoke.

Mula nun hindi na ako nakasingit dahil nilitanyahan na ako ni Chris ng mga facts and trivia about Batman at kung bakit maling mali ako na piliin si Superman. In fairness, marami ngang good points pero tingin ko Superman pa rin ako, although hindi ko na yun sasabihin sa kanya kasi baka lalong humaba ang usapan o kaya i-eject nya ako dito sa upuan ko.

“So you see, Batman is really better than Superman – or any other superhero. HANDS. DOWN.”

Siguro nakita nya yung “Whatever” face ko kaya…

“I know. You need to see it for yourself, tara, may ipapakita ako sayo.” Sabay liko ni Chris parang out of way na kami pauwi ng bahay pero naisipan kong pag-bigyan na lang sya, maaga pa naman e.

“Ano Batcave? Wehehehe.” I’m so smart. Lolz.

“Funny.” Yun lang ang sagot ni Chris, tapos pumasok kami sa isang high-end na village sa Makati.

“Wow. Ngayon lang ako makakapasok dito.” Manghang mangha ako sa mga mansion dun. Ang lalaki ng tabas ng lupa dun, parang katumbas ng tatlo or apat na bahay sa lugar namin.

After ilang liko-liko, tumigil kami sa isang bahay dun na may automatic na gate, oo, automatic kasi tinutukan lang ng remote ni Chris e bumukas na, tapos may sariling basement parking – oo, basement parking – bahay to ha, hindi mall.

Hindi na nag-park ng maayos si Chris sa driveway nila at bumaba, “Tara, saglit lang tayo may kukunin lang ako.”

Hindi yata nagbibiro tong si Chris na gusto nya si Batman, kasi para ngang Bilyonaryo to.

Dere-derecho si Chris after nya akong pagbuksan ng pinto, parang walang katao-tao sa bahay nila, at karamihan ng furnitures ay white, kung sa amin siguro kulay putim na yan in 1 week. Lintek ang kakapal pa ng kurtina, ang hirap sigurong labhan nyan.

Nag-titingin tingin pa ako sa bahay nila nang hinawakan ni Chris ang kamay ko at hinatak ako paakyat ng hagdan.

“Ang bagal mo maglakad e.” Hindi na nya binitiwan ang kamay ko hangga’t makarating kami sa isang kwarto dun. Kwarto ni Chris? Papasok ako sa kwarto ni Chris?

Hindi na ako binigyan ng chance mag-decide kasi binuksan na nya ang pinto at hinatak ako papasok, pero imbes na pumasok kami all the way sa loob ng kwarto nya, napabunggo ako sa likod ni Chris dahil bigla syang tumigil. Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Chris at pinalo sya sa likod, “Aray, bakit kasi biglang tumitigil e.”
Parang bato si Chris sa harapan ko at ayaw kumilos, so sumilip ako sa loob ng kwarto nya, at halos malaglag ang eyeballs ko sa nakita ko.

“Hey Chris. Hey Marley.” Nakaupo si Rob sa kama ni Chris, at nagbabasa ng comics, but wait, there’s more. May babae sa likod ni Rob, nakaupo rin sa kama, nakasandal sa headboard at nanonood ng TV.
 
Chapter 36: Third / Fourth – wheeling

“What the hell are you doing in my room?”

Hindi pa rin gumagalaw sa harap ko si Chris, siguro tina-try nyang takpan ang mga nakikita ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Rob ba yun? Seryoso? Hindi panaginip?

“Woah, relax man. I told her na baka magalit ka, pero ayaw mag-paawat e, she wants to say hi to you raw.”

Dun pa lang lumingon ang babaeng --- ewan ko, I have no words.

“Hey, Chris!” Napaka-sweet ng boses ng babaeng to, at hindi lang yun nung bumaba sya ng kama parang ballerina sa sobrang graceful kumilos, girl na girl. Nakaupo sya kanina so hindi ko napansin ang suot nya, naka skinny jeans sya na may rip sa pantalon yung mga pang-sosyal ha hindi kagaya nung mga pantalon ko sa bahay na kinaskas ng blade. Tapos naka-long sleeved shirt sya na hanging, kita ang pusod. Ang liit ng bewang.

“Hey, Allie.”

Hindi ko napigilan napalingon ako bigla kay Chris, na nakatingin na ngayon kay “Allie”. Ang lechugas na Allie na nanalbahe sa kanilang dalawa, nandito na naman.

Sa lahat lahat naman ng swerte sa mundo, eto pa ang nakatapat ko, parang nag-slo mo ang mundo namin nang papalapit si Allie kay Chris, buhok ni girlie super shiny at mejo wavy – yung yayamanin na waves, may highlights pa na blonde or something. Matangkad rin ang bruha, mga 5’6” or 5’7”, tapos ang mukha yung tipo ng mukha na masarap sugatan sa sobrang pagka-perfect.

Inangat ni Allie ang kamay nya at hinawakan ang batok ni Chris, at nilagay ang full lips nya sa pisngi ni Chris. Si Chris naman hindi nag-patalo at tinitigan lang rin si Allie. Parang napaka-private ng titigan nila so inilayo ko ang tingin ko dun sa dalawa, napayuko lang ako na para akong peeping tom na naninilip.

Paglingon ko kay Rob hindi na sya nagbabasa ng comics, pero nakatingin na sya sa akin. Hindi ko maintindihan ang tingin nya pero alam ko may nabago na sa amin, parang hindi ko na kilala ang nakikita ko. Pareho sila, parang may nagbago na sa aming tatlo and natatakot ako sa mga kung ano pang mangyayari.

Biglang may tumama sa daliri ko na parang naging noodles sa sobrang lambot sa tagiliran ko, napalingon lang ako ulet kay Chris at nakatingin na sila sa akin ni Allie.

“Allie, this is Marley. Marley, Allie.”

Feeling ko nasa isa akong masamang panaginip, pero hindi ko alam kung paano gumising or tumakas. Nagpapalpitate na ako at I’m pretty sure pawisan na mga palad ko.

“Oh, so you’re Marley.” Ngumiti lang sa akin si Allie pero walang friendliness sa ngiti nya. Parang ngisi ganun, ngiting aso pero sa kanya maganda tingnan.

Ano na, Lelay. Magsalita ka. Jina-judge ka na nyang babaeng yan hindi ka lalaban? Ano wala lang ganun ha?

Hindi pa rin tumigil ang bruha, “I’ve heard so much about you, Rob can’t stop talking about you when we were in the States. I actually thought he just imagined you. But here you are! In the flesh!”

Wala pa rin, Lelay? Wala kang witty comeback? Ano sabaw na naman ang utak mo? Jusko hindi ka gumaganang utak ka pag kailangan ka.

Tumingin si Allie kay Chris at kay Rob, “She CAN talk, can’t she?”

“Stop it, Allie. She’s just tired.” Nakatingin pa rin sa akin si Chris pero hindi na nya ako hinawakan parang naaawa na hindi ko maintindihan.

Napaatras na lang ako palabas ng kwarto ni Chris, sumunod si Chris at sinabihan silang, “Stay here, I’ll just drive Marley home.”

“Hey, you don’t need to do that man, I’m here so I should bring her home.” Sa akin nakatingin si Rob at dinaanan nya lang si Chris, tinapik si Chris sa balikat at naglakad palabas ng bahay. Lumingon lang ako kay Chris at sabi nya lang, “Go. Ingat Marley.”

Hindi ko alam kung gusto kong sumunod kay Rob or ayaw kong iwan si Chris na nandun yung babaeng yun, pero I know kailangan naming mag-usap ni Rob para makapagpaliwanag ako. Para maintindihan nya. So sumunod lang ako kay Rob palabas ng bahay.

Tahimik lang kami sa kotse ni Chris, dahil nandun ang gamit ko yun pa rin ang hiniram ni Rob para ihatid ako sa bahay. Naglilipat sya ng music sa radio at hindi ako kinakausap. Gusto ko nang sumigaw at magpapadyak pero pinipigilan ko.

At long last, nung mejo malapit na kami sa bahay nagsalita na rin sya.

“Soooo…”

Napalingon lang ako kay Rob.

“How was your summer?”

Huminga lang ako ng malalim at nagpigil ng galit, “how was your summer?” seryoso ba to? Ano gago lang, yung ilang linggo nyang hindi pagpansin sa akin wala lang ganun?
Hingang malalim Lelay.

“Anong nangyari sayo? Ilang linggo mo akong hindi tinawagan, tapos makikita ko ang picture mo sa facebook – si Allie yun no? Yung kasama mo sa picture? Tapos kasama mo pa sya dito? Anong ginagawa nun dito?”

Tumingin lang sa akin si Rob, na parang wala lang. “She wanted to come back here so I asked her to come with me.”

Yun lang???

“So you know about Allie? Chris told you?”

Oooopssss….

“Hindi mo sinagot ang tanong ko, si Allie yung kasama mo sa snow no? So yung mga araw na hindi mo ako tinatawagan sya yung kasama mo?”

Natawa lang si Rob na parang asar na tawa, “Kinda like what you and Chris were doing here when I was away?”

“Rob, walang nangyayari sa amin ni Chris, magkaibigan lang kami nun, sya pa nga ang nagsasabi sa akin na magpaliwanag ako ng maayos sayo…”

Galit na si Rob pero pinipigilan nya, “So you were talking about me? You talk to him about me?”

“Hindi ganun yun, pakinggan mo kasi muna ako…”

“No. You don’t need to explain, Marley.” Nung tumingin sya sa akin parang hawak nya ang puso ko at paunti-unti nyang hinihigpitan ang kapit, “And I don’t need to explain anything to you.”

Hindi pa sya nakuntento, eto ang puso ni Lelay hinagis nya sa lupa, at tinapakan…

“You are free to date whoever you want to date and I can date who the fuck I want to. When I want to.”

Tinapakan ng paulit ulit.

“We weren’t a real couple anyway.”
 
Chapter 37: Heart-sick

Apat na araw na akong nag-mumukmok sa kwarto ko pero walang makalapit sa akin, dinalaw lang ako minsan ni Kuya Jim pero tinanong nya lang kung maliligo daw ba ako at bumabaho na ang buong bahay. Pinak-yu-han ko lang sya at lumabas nya ng kwarto kong tumatawa. Si mama naman inaakyatan lang ako ng pagkain pero para daw akong manok na patuka tuka lang.

Pwede bang mamatay sa sama ng loob? Parang laging mabigat ang dibdib ko, parang may nakapatong na bloke ng semento sa dibdib ko, ang hirap huminga ng maayos. Mukha na rin akong chonggo sa lagi ng eyebags ko.

Lelay, gusto mo na talaga mamatay? Amuyin mo kili-kili mo.

“Hoy Lelay, may bisita ka.” Biglang pasok ni mama sa kwarto.

Ilang araw na nilang ginagawa sa akin yan kaya di na ako naniniwala, wala namang bibisita sa akin. Wala namang may pakielam sa akin. I’m alone. I’m gonna die alone.

“Hindi ka ba talaga babangon ha?” Sinundot ni mama ang hita ko. Nakadapa ako sa kama ko yapos yapos ang unan kong hindi na rin masyado maganda ang amoy.

“Bahala ka.” Sabay labas si mama ng kwarto.

Ilang araw na rin akong hindi nagtu-toothbrush, siguro hindi na rin makatarungan ang bad breath ko, wala rin akong makausap dito so toxic na ang hininga ko.

Bumukas na naman ang pinto, wala pa rin akong pakielam, sa malayo ako nakatingin, nagbibilang ng alikabok.

Naupo ang bisita ko sa dulo ng kama ko, lumubog e. Ang lakas ng loob nitong lapitan ako, goodluck sa balat nya baka mangati, aba kung ako ilang araw nang hindi naliligo lalo naman tong sapin ng kama ko, may sariling buhay na yata e.

“Wow. They weren’t kidding, you smell glorious, Lee.”

Napalingon ako kay Chris na nakatakip ng ilong gamit ang tshirt nya.

“Lee, maligo ka naman.”

Bigla akong bumangon at umupo sa kama, at dahil wala akong bra itinakip ko ang kumot sa dibdib ko. Ilang araw na ba akong hindi nauupo? Bigla akong nahilo, yumuko ako at hinawakan ang ulo ko ng dalawa kong kamay.

Pinatong ni Chris ang kamay nya sa ulo kong kadiri, hinaplos nya ng ilang beses tapos nawala rin agad, pagsilip ko sa kanya pinupunas nya ang kamay nya sa pants nya.

“Ang langis na ng buhok mo.” Yung mukha nya parang ‘ew’.

“Anong ginagawa mo dito?” Nahiya naman ako sa hininga ko kaya tinakip ko yung kumot sa bibig ko bago ako magsalita.

Ngumiti lang si Chris at tumayo, “Kakausapin lang kita pag naligo ka na. Tsaka mag-toothbrush ka na rin.” Lumabas na sya ng pinto.

Sa totoo lang, gusto ko lang makibalita kaya sinunod ko na si Chris, naligo ako at nakakaloka dahil yung kulay ng tubig parang nag-iiba na nung nagbanlaw ako. Nangingitim ganun. Nagtoothbrush na rin ako baka mahimatay si Chris pag naamoy nya ang bibig ko e hindi pa sya makapagkwento.

Bumaba ako sa salas at nakita ko dun si Chris kausap si Kuya Jim, biglang umalis si Kuya nang makita ako sa hagdan. Nung nagkasalubong kami ni Kuya hinatak nya ang ulo ko at inamoy. “Mmmm bango na ni bunso.” Hinampas ko lang ang kamay nya at umupo sa tabi ni Chris.

“Anong balita?” Nagpapaka-casual lang ako na parang walang nangyari, pero sa totoo lang gustong gusto ko nang itanong kay Chris ang balita kay Rob pero ayaw ko, ang gulo mo, Lelay.

“Saan?” Nakangiti lang sya, nang-aasar pa.

Nung hindi ako sumagot, nagseryoso na sya. “Honestly, Lee. Pumunta lang ako dito to check on you, hindi pa kita nakikita sa school e, sabi rin nila Nins at Kat hindi ka raw sumasagot sa calls and texts nila. I asked Rob pero he didn’t say anything. What happened?”

Hindi ko na napigilan, umiyak ulet ako parang bata yung nakataklob yung mga kamay ko sa mata ko. Itinaas ko pa ang paa ko sa sofa at nag-iiyak.

“Hey, stop it. Baka sabihin nila pinaiyak kita.”

Hinatak ako ni Chris at niyapos. Umiyak ako lalo. Alam ba nyang RULE # 1, pag may umiiyak wag mong yayapusin kasi imbes na tumahan yan lalo iiyak.

Siguro may pumasok sa salas kasi sabi ni Chris, “Wala po akong ginagawa, bigla lang po syang umiyak.”

“Hoy Lelay, may darating akong bisita, dun kayo sa kwarto nyo kung mag-iiiyak ka jan.” Gago talaga tong si Kuya Zep pero automatic ang mga paa kong tumayo at tumakbo ulet ako paakyat ng kwarto.

Papasok na ako ng kwarto nang biglang nasa loob pala ng kwarto ko si mama, “Mamaya ka na pumasok Lelay at ngayon lang ako makakapagligpit ng kwarto mo.”

Lumabas ulet ako at pumasok sa kwarto ni Kuya Dylan na naging tambakan na rin ng mga instrumento namin sa bahay. Pinunasan ko ang luha ko at umupo sa likod ng drumset.

Mula ng pagkabata ko lagi ang takas ko sa buhay ko e music, nakikinig ng music pag masama ang loob para lalong sumama ang loob. Ang only outlet ko e mag-strum ng gitara at ang pinakamagaling na therapy ay paghahataw ng walang humpay sa drums. Eto ang pinaka-favorite kong instrument kahit na iilan lang ang alam kong tugtugin dito.

Pumikit ako at huminga ng malalim at nag-start na sa utak ko ang aking go-to music pag galit, pinagpapalo ang drumset to the tune of RATM’s “Bomb Track”.

Habang tumutugtog ni-let go ko lang lahat ng sama ng loob ko, sa mundo, kay Rob, sa nararamdaman ko, sa kalagayan ng pamilya namin, sa pagka-miss ko kay Kuya Dylan at sa lahat lahat.

Pagkatapos ko ang lalim ng paghinga ko pero gusto ko pa, sobrang sarap ng release na naramdaman ko na hindi ko na kailangan mag-iiyak na pwede namang hindi mag-mukmok, na may iba akong pwedeng gawin kesa isipin ang sama ng loob ko. Paglingon ko sa may pinto nandun si Kuya Zep nakasandal sa pinto, “Tagal mo nang hindi nag-ddrums Lelay kala ko di ka na marunong.”

Pinunas ko ang pawis ko sa kamay ko sa shorts ko, “Dami ko nga sablay kuya e. Naninigas yung tuhod ko.”

Lumakad si Kuya palapit sa akin at kumuha ng upuan binaligdad at naupo. “Pinauwi ko na pala yung bisita mo. Hindi nya alam kung susundan ka nya or aalis na sya e.”

Nakalimutan kong nasa baba pala si Chris. Gago ka talaga Lelay, napaka-selfish mo, dinalaw ka na nga nilayasan mo naman.

“Alam mo Lay, nung nalaman kong buntis si Ate Emmy nagalit ako, nagalit ako kay Kuya Dylan, naisip ko kung bakit nya ginawa yun e sya lang ang inaasahan dito sa bahay.”

Napailing lang si Kuya Zep. Natakot kasi ako na pag nagsalita ako titigil sya, hindi kasi kami nag-uusap ni Kuya masyado. Kung gaano kami ka-close ni Kuya Dylan kabaligtaran namin ni Kuya Zep.

Parang natatawa pa sya sa sarili nya pero alam kong sarcastic, “Ang naisip ko pa nun, ang selfish nya. E ako tong gagong selfish. Ako yung hindi marunong tumulong dito, nakalimutan kong pare-pareho lang tayong naapektuhan.”

Tumingin lang si Kuya Zep sa akin saglit at parang na-realize nyang hindi sya nag-he-heart to heart talk kaya tumayo sya kinuha ang electric guitar at sinaksan sa ampli, tinono nya saglit ang gitara at tumingin sa akin “Bulls on Parade, game Lelay?”

Ngumiti lang ako kay Kuya, hawak ang drumsticks at hinintay ang intro nya.
 
38: Back To School Blues

Buong trip pabalik ng school naka-earphones na naman ako, at may hangover pa ako kagabi sa impromptu jamming namin ni Kuya Zep kaya naka-RATM pa rin ako today.
The weird thing is, hindi na ako galit, parang mas mellow na ako ngayon, kung nawala man sa akin si Rob, choice nya yun and I have to move on. Yun lang ang target ko ngayon.

Pagbaba ko nagulat ako sa nag-aantay sa akin sa harap ng unang klase ko, dahil late ako nag-enrol naging irregular ako at hindi ko kasama sa halos lahat ng subjects ko sila Kat at Nins – which sucks donkey balls.

Nakasandal si Rob sa dingding malapit sa pinto, nakayuko. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya, tumigil ako sa harap nya yapos yapos ang mga libro ko.

“Hi.” Hindi ako ngumiti pero tinitigan ko sya, hindi ko ipapakita sa kanya na nasasaktan ako, tama na ang ilang araw na pagmumukmok. Mas maraming mas importanteng bagay kesa jan.

Ngumiti si Rob pero parang malungkot ang ngiti nya, “Hello.”

Umalis sya sa pagkakasandal sa dingding so napalapit sya sa akin, umatras ako para sa aking personal space, I need my personal space.

“Can we talk, Marley?”

Nag-isip muna ako at tumingin sa relo ko, 5 minutes na lang late mag-start na ang klase ko. “Actually male-late ako sa class ko so baka pwede mamaya na lang.”

Umalis ako pero hinawakan nya ako sa braso, napatingin lang ako sa braso ko na kapit pa rin ni Rob. Bigla nyang binitawan at nilagay nya ang mga kamay nya sa pockets ng pants nya, “Sorry”. Yun lang ang sinabi nya bago sya umalis.

Talagang sinubukan kong mag-focus sa mga klase ko, two days akong nawala kaya kailangan kong mag habol at dahil sobrang pangit ng schedule ko ang dami kong free time. Syempre idle minds are the devil’s playground kaya hala sige ang utak ko kakaisip sa kung anong gustong sabihin sa akin ni Rob. Puchang puso ka, wag kang umasa. Wag kang tanga ha, please lang. Ang pangit mong umiyak, Lelay.

Ang huling klase ko hanggang 7pm every day, oo 7PM kaya hindi ko alam kung paano pa ako makakapag trabaho nang sabog ang schedule ko. Niligpit ko na ang gamit ko at lumabas ng school, kailangan ko pang pumunta sa coffee shop at magmakaawa na bigyan pa rin nila ako ng trabaho kahit sobrang gulo ng sched ko.

Patawid na ako nang may tumigil na kotse sa harap ko, bumaba ang bintana at napangiti lang ako, “Ang tagal mo naman Lee, kanina pa kita inaantay.”

“Sino naman nagsabi sayong antayin ako ha?” Nginitian ko lang si Chris.

“Glad you’re feeling better. Halika na, hatid na kita.”


Akala ko aalis na agad si Chris nang sinabi kong kakausapin ko lang si Tito Ben, e aantayin nya daw ako para maihatid na rin nya ako pauwi. Lucky charm ko raw sya, kaya no need to worry. Feelingero.

Akalain mo yun, parang nag-dilang anghel si Chris, dahil in-arrange ni Tito ang sched ko na Friday to Sunday ako mag-du-duty. Ayaw na rin nya na 7pm pa lang ako mag-sstart ng trabaho, sayang raw at baka raw mapabayaan ko ang studies ko, super bait talaga ni Tito Ben.

Tuwang tuwa akong lumabas ng office ni Tito pero wala na sa table nya si Chris, tiningnan ko ang cellphone nya pero wala naman text.

Inisip ko lang na baka sa parking lot na sya nag-antay so dun na ako pumunta, at true enough nandun nga si Chris sa kotse nya, pero hindi sya nag-iisa. Kasama nya si Allie.
Nakaalis na’t lahat lahat si Chris at Allie pero halos hindi ako makagalaw sa pag-kakaupo ko sa isang bench dun sa parking lot. Natulala lang ako sa sahig kasi hindi ko maprocess ang feelings ko. Bakit parang binagsakan na naman ako ng malaking hallowblocks sa ulo? Parang ang bigat na naman ng dibdib ko? At bakit ako naiiyak?

Hindi pa ako nakaka-recover sa nararamdaman ko nang biglang may mga sets ng sneakers na tumigil sa harapan ko. Hindi pa ako nakakatingala nang biglang tumabi sya sa akin.

“I was looking for you inside pero sabi nila nakaalis ka na.” Tumingin lang ako kay Rob.

Pumikit ako at cli-near muna ang nasa utak ko.

“Oo, Fridays to Sundays ako mag-wo-work kasi ang pangit ng schedule ko this sem.”

Nagbuntong hininga lang si Rob, “Do you want to talk now or is this a bad time?”

Huminga lang ako ng malalim bago sumagot, “Actually, mejo pagod ako ngayon e, baka pwedeng mag usap na lang tayo sa ibang araw.”

Hinawakan ni Rob ang kamay ko at humarap sa akin, “Marley, I know I screwed up okay? I know I hurt you and I’m sorry.”

Pwede bang ma-broken hearted ng dalawang beses dahil sa dalawang tao in a span of a few days? Ang tindi mo naman Lelay, ilang araw lang ang nakakalipas etong si Rob ang iniiyakan mo, pero ngayon si Chris naman? Iba ka, you already!

Tinignan ko lang si Rob at tiningnan ko rin ang mga kamay namin, a few weeks ago parang sukat na sukat ang kamay namin sa isa’t isa. I couldn’t imagine kung anong klaseng swerte ang meron ako at napansin ako ni Rob. How lucky I am to have him.

Pero seeing Chris with Allie, hindi ko matanggal sa utak ko, even now na nasa harap ko na si Rob asking for another chance. Lelay, sino ka naman para tumanggi sa lalaking gusto ka diba? Gusto mo rin naman sya, once upon a time sya lang ang mundo mo. Baka naman major sepanx ka lang kay Chris kaya ka nagkakaganyan.

Tumingin lang ako kay Rob at hinawakan ang pisngi nya, “I just need time, okay? Marami lang akong iniisip pero we’ll talk ulet.”

Nginitian ko lang sya at tumango lang sya sa akin hinawakan ang kamay ko, “Hatid na kita.”



Habang nasa kama ako paikot ikot, ni re-repeat ko ng paulit ulit sa utak ko yung nangyari, nasa kotse si Chris si Allie at nag-uusap sila, dapat umalis na talaga ako pero hindi ko napigilan ang curiousity ko. Hinahawakan ni Allie ang mga pisngi ni Chris, pinatong ni Chris ang kamay nya sa mga kamay ni Allie at nagsasalita. Sobrang intimate nung moment pero hindi ko magawang umalis. Parang gusto kong sumigaw.

Pucha Lelay ano bang nangyayari sayo? Nagseselos ka? Kaibigan mo lang si Chris diba? Tsaka utang na loob Lelay may Rob ka pang kakausapin e ibang gulo naman yang gusto mong pasukin?

Pero sa totoo lang, yung moment na yun kung biglang humarang sa harapan ko si Rob at nagtatalon at nagsisigaw na parang matsing hindi ko pa rin sya papansinin. Wala akong ibang makita kundi si Chris at si Allie. Si Chris. My Chris. Kasama ng lintek na babaeng yun.

Kailangan ko nang umiwas, umiwas sa lahat ng to, wala tong magagawang maganda sa buhay ko at sa utak ko. Kahit na ngayong mukha akong gagong umiiyak para sa lalaking hindi naman alam na nasasaktan ako at para sa friendship namin na eventually mamamatay na.

Hindi ko kayang makipagkaibigan kay Chris kung ganito ang nararamdaman ko, coz after everything na nangyari, I realize na tanga lang talaga kasi tsaka mo lang malalaman na mahal mo na yung tao pag wala na sayo.

At bibigyan ko ba ng second chance si Rob? Na habang iniisip nya kung paano mag-so-sorry sa akin, ang iniisip ko e ang kaibigan nya? Deserving ba ako sa kanya kung eto ako naguguluhan?

Walang taong deserving na maging panakip butas, pero eventually siguro minahal ko naman sya before, kaya ko rin syang mahalin ulit.
 
Chapter 39: To new friends
In fairness, pwede akong artista sa galing kong umiwas sa mga paparazzo and by paparazzo I mean Rob.

Mag-da-dalawang linggo na nung huli kong makausap si Rob at Chris, I decided na since wala naman akong mahihita sa pagjojowa sa ngayon e naisip kong pagpahingahin muna ang katawang lupa ko at mag-focus ako sa mga bagay na kailangan ko para sa akin, para sa future ko: my studies and my job.

I’m slowly getting back into my routine pero syempre wala namang forever, so Sunday came and I was doing my shift sa coffee shop nang may pumasok na customer and I just knew my shift would get a lot more interesting.

“Hi Marnie!” Napaka-sweet na ngiti sa akin ni Allie the she-bitch.

“Actually it’s Mar-LEY.” Sabay turo ko sa name tag ko.

“Ah, sorry. My bad.” Masama talaga ang pagka-irita ko sa babaeng to. Pero bilang customer sya, I needed to be professional.

“What can I get you today?”

“I’ll just have a café americano.” Tumango lang ako at umalis para gawin ang order nya. Nagtimpi lang ako na hindi lagyan ng “special ingredient” ang kape nya. Wala pa naman syang ginagawang masama, Lelay napaka mo.

Bumalik na ako sa table nya at inihain ang order nya, pero bago ako maka-escape bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

“Marley, I know we haven’t been getting along and I feel like it’s because of my past, what Chris told you.” Yumuko sya, “But I’m not really like that, I mean I was but I changed. I realized that losing my friends over something stupid wasn’t worth it.”

Tumingin sya sa akin, “So I decided to play nice, I decided to get to know you better if you would let me.”

Ang ganda talaga nito ni Allie, hindi naman mahirap maintindihan kung paano na-in-love sa kanya si Rob at si Chris, kahit sinong lalaki yata mahuhumaling sa babaeng to.

I realized na although I know I don’t need boyfriends, I can make new friends. So why not, coconut?

Ngumiti lang ako kay Allie, “Sure.”

“Great! I’m having a ‘coming home’ party at my house, you should come, you can ask your girl friends to come too.” Tumayo sya at inabot sa akin ang isang maliit na papel na may lamang address. “It’s a condo I’m renting here, I don’t want to live with my grandma kasi, she hovers.” Ngumiti ulit si Allie.

Bago sya umalis hinawakan nya ang mga kamay ko, “I really appreciate this, Marley, I don’t have a lot of girl friends kasi.” Nag-iwan lang sya ng bayad pinatong nya sa mesa, ang yaman 'keep the change' si loka.

Tumango lang ako, “No problem.”

Ngumiti ulit sya at umalis.


“I don’t like this. I have a really bad feeling about this Marley.” Buong drive papunta namin sa condo ni Allie at hanggang sa pag-akyat namin sa elevator sinasabi ni Nins ang takot nya.

“Don’t worry, mukha namang okay na si Allie, halos buong linggo nga syang nag-kakape sa Beans and Books e, regular customer ko na yun.” It’s true, parang may kakaibang hangin na dumapo kay Allie dahil lagi syang nasa coffeeshop at nakikipag-chikahan sa akin when we have the time. So I decided na wala naman sigurong masama kung maging friends kami.

Pagdating namin sa floor ni Allie rinig na ang malakas na music mula sa unit nya, “Buti hindi nagrereklamo ang mga kapitbahay nya, ang ingay e.” Halos pasigaw na sabi sa akin ni Kat.

“Ewan ko, siguro malakas sya sa may ari ng building.” Which we later found out na kanila pala ang building. Figures.

“Hello Marley!” Sabay beso sa akin ni Allie pag bukas ng pinto.

“Come inside, make yourselves at home.” Naka black na mini skirt si Allie at cropped top na long sleeves. Para syang mowdel. Ako, naka ripped jeans (yung tig-pi-piso na kinaskas) at v-neck na t-shirt. Mukha akong tambay sa kanto. Kung hirap makakuha ng friends si Allie e san galing ang mga taong nandito sa condo nya. I actually thought na mga sampu lang kami e parang may 30 yatang mga tao around our age ang nandito.

“The keg is in the kitchen and the boys are in the playroom.” Tataas taas ang kilay ni Allie sa amin. Uh, no thank you.

Dahil gusto nila Kat na uminom hinayaan ko lang sila at naupo ako sa living room ni Allie, in fairness malaking condo unit nya as far as condo units go, parang dalawang unit na pinagsama.

Naupo lang ako sa sofa at nagtitingin sa paligid, malinis at very minimalistic ang design ng pad ni Allie, may mga portraits syang naka-display yung mga pang mowdel. Yung mga picture namin nan aka display sa bahay picture namin nila Kuya ako may uhog pa, kahit malabo ang kuha kitang kita pa rin.

Tumabi bigla sa akin si Allie, naupo syang nakaharap sa akin at nakapatong ang siko nya sa sandalan ng sofa “So, I didn’t invite the guys.”

Alam ko na kung sinong sinasabi nya, this past week hindi namin pinag-usapan si Chris at Rob dahil, ewan ko siguro dahil parang ang awkward kung pag uusapan namin sila to think na halos naging pareho ang sitwasyon namin.

“Bakit di mo sila in-invite?” Actually kung sa akin naman okay lang na i-invite sila ni Allie wala naman akong problema dun e. At nagttry na nga akong mag-move on diba? So keri lang pag dumating sila – dapat keri ko lang.

“So you’re saying I can invite them? I didn’t want to hurt their feelings so I didn’t invite even just one.” Tumingin lang sa akin si Allie.

“Who do you think I should invite?” Nagulat naman ako sa tanong ni Allie, bakit ako ang magde-decide diba? E party nya to.

“Ikaw. You can invite kung sinong gusto mo, it’s your party.”

“But I don’t want you to feel uncomfortable.” In fairness napaka-thoughtful ni Allie, pero sa totoo lang, I think kaya kong i-handle kung sino man ang dumating. No need to get weird about it.

“Allie, it’s your party and they’re your friends. So don’t worry about me, okay?” Pinatong ko ang kamay ko sa kamay nya. Tumingin sya sa kamay ko at pinatong rin ang kamay nya dun. Tumingin sya sakin and she said, “Okay.”

Paalis na sana sya nang iniabot nya sa akin ang basong iniinuman nya, “Drink this. I’m gonna call them.”
 
Chapter 40: In Vino Veritas

Palingon lingon ako sa paligid dahil parang ang tagal lumabas nila Nins at Kat sa kusina. Iniwan na yata ako. Pero hindi pa rin ako bumangon dun at nag-isip kung anong sasabihin ko kina Rob at Chris pagdating nila.

May tumabi yata sa akin, hindi ko naman kilala at dahil wala ako sa mood makipag usap tiningnan ko lang sya ng masama, he got the hint siguro at umalis.

Dumating ulet si Allie, “Hey girl, how you holding up?” Nakangiti sya sa akin. Bakit ang ganda ganda mo? Bakit ang kinis kinis mo? Nagparetoke ka no?

“Excuse me? These are all natural, I have very good genes!” Nakachin up si gaga at nagmamalaki, teka lang. Anong sabi nya? Wait, anong sabi ko?

“Oh Marley, things are gonna get really interesting.” Ang ngiti nya parang nag-bago parang naging feral na parang tigreng nakita na ang prey nya for dinner. Inabutan nya ulit ako ng cup, teka nakailan ka na Lelay? Marunong ka pa bang bumilang?

“Drink. You’ll need it.” Ininom mo naman? Oh my gulay Lelay, we’re gonna get in ssho mush trabel (translation: so much trouble).

“Holy shit, you’re drunk!” Kinuha ni Nins ang cup mula sa kamay ko at hinabol ko pa, sayang e may laman pa!

“Gaga! Uuwi na tayo! Your mom’s gonna kill me.”

Tatawa tawa lang ako, actually hindi naman ganun masyado funny pero ang lakas ng halakhak ko. May papalo palo pa sa hita.

“Don’t worry, I’ll get some water in her. You go and get the car ready.” Hinahaplos haplos ni Allie ang buhok ko.

“Okay, I’ll call when I get the car out front. And tell Kat to bring Marley to the lobby.” Bilin ni Nins kay Allie habang hinahanap ang susi nya sa bag.

“Sure thing.” Sabi ni Allie.

Bigla akong nalungkot, “Nasaan na sya? Bakit wala pa sya dito?”

Nakatingin lang sa akin si Allie, “Who? Who are you looking for?”

At imbes na sumagot, yumapos ako kay Allie at umiyak.

Tinatanggal ni Allie ang kamay ko sa leeg nya, “Stop it Marley. You’re acting crazy!”

Biglang may very familiar na voice na galing sa likod ni Allie, “What the hell happened?”

“Oh Thank God! Help me get her to the room. She’s had too much to drink.”

May biglang bumuhat sa akin at umikot ang mundo ko. As in. Paikot ikot sya.

“Wag mo kong ikutin, nahihilo ako!” Sinigawan ko sya sa tenga.

“Shit Lee. I’m not deaf!”

“Lee.” Napangiti lang ako nang naalala ko ang nickname nya sa akin.

Nilapag ako sa kama ni Chris, ang lambot. Sarap matulog dito, pero hindi pa ako inaantok, gusto ko pang uminom.

Bumangon ako pero kinapitan ako sa mga balikat ni Chris.

“Oh no no no. You’re not going anywhere.”

“I’ll get her friends, just keep her out of trouble, okay?” Sabay alis si Allie at sinara ang pinto.

“What the hell are you doing Lee?”

Nanlaki ang mata ko, or parang tinry kong lakihan ang mga mata ko, bakit blurred? Bakit parang dalawa sya. Inangat ko ang kanang kamay ko para hawakan ang mukha nya pero dalawa rin ang kamay ko nadistract ako at tinitigan ang kamay ko at wine-wave wave sa tapat ng mukha ko.

Hinawakan ni Chris ang kamay ko, “Hey, stop it. Lalo kang mahihilo.”

Umupo sa tabi ko si Chris, “What are you doing here, Lee?”

Ako? Ako talaga ang tinanong nya?

“Me? What am I doing here? Bakit bawal ba? Pang-mayaman lang ba tong party na to? Ha? Ha?” Nilapit ko pa ang mukha ko kay Chris at umatras sya.

“Dragon breath ka na naman Lee.”

Nalungkot ako bigla nung naalala ko ang mga moments namin together, kahit na gusto ko si Chris na I think more than friends name-miss ko pa rin ang mga pinag-samahan namin.

“Miss na kita.”

Biglang nag-soften ang reaction ni Chris, “Miss na rin kita, Lee.” Hinaplos ni Chris ang buhok ko.

“Bakit mo ko iniwan?”

Holy crap. Lelay, abort! Abort!

Nagulat si Chris sa tanong ko, “What do you mean? E ikaw ang umiwas sa akin.”

Nope. Don’t go that path Lelay. Wag. Shaddap na. Shaddap na bes.

Sabay tayo ako, “Ako? Ako talaga ha? E anong tawag mo dun sa pagdating ni Allie dito sa Pilipinas parang wala na ako, nung unang araw nya dito hindi mo ako inihatid pauwi. Tapos last week nag-uusap kayo sa kotse mo, umalis ka hindi ka manlang nagsabi sa akin. Nag-antay ako. Nag-antay ako dun mukhang tanga.”

Tumingin lang sa akin si Chris na parang naguguluhan.

Ah hindi ka pa tapos, ah e sige, gow pa. Pahiya mo pa sarili mo Lelay.

“At ano yung ganito ha.” Tumabi ulet ako sa kanya at hinawakan ang mga pisngi nya at tinitigan sya.

“Ganyan, ganyan mag usap ang wala lang?” Binitiwan ko ang mga pisngi nya. Tumayo ulit ako at parang isdang inalis sa tubig sa kakakawag ng mga kamay at braso ko habang nagsasalita.

“Hindi mo na sya mahal ganun? Pero kung makapag-usap kayo parang magki-kiss na?” Sige pa, Lelay. Hukayin mo pa ng mabuti ang libingan mo.

Umiling lang si Chris, “What the hell are you saying Lee? Grabe lasing ka na nga.”

Lumuhod ako sa tapat ni Chris na nakaupo sa kama, “Sabi mo hindi mo na sya mahal, sabi mo diba?”

Hindi ko na alam kung anong plano mong gaga ka. Bahala ka sa buhay mo.

Hinawakan ni Chris ang mga balikat ko, “I’m not gonna have this conversation with you while you’re piss drunk.”

Tumayo sya at lalabas na ng kwarto, hawak na nya ang door knob nang bigla akong tumayo at niyapos sya.

“Wag mo ko iwan.”

Nararamdaman ko yung paghinga ni Chris at parang bumibilis ang tibok ng puso nya, or akin ba yun? Pucha hindi ko na alam.

Binitawan ni Chris ang pinto at hinarap ako, “We’re going to talk about this, but not now okay Lee? Gusto ko malinaw na malinaw ang pag-iisip mo pag nag-usap tayo.”

Tinitigan ko lang ang mukha ni Chris at hindi na nag-isip. Hinawakan ko ang mga pisngi nya at hinatak palapit sa akin.

I kissed him.

And the door opened.
 
Hi guys! Sorry, was on break for holy week. :)

Will post 2 chapters today! Salamat sa suporta! :)

- - - Updated - - -

Chapter 41: The Smoke Clears

“Wow.” Yun lang ang nasabi ng pumasok sa pinto.

Umikot bigla si Chris at hinarap ang bisita namin. Shit.

“Finally! You’re actually proven how much of an asshole you are!” Lumapit si Rob kay Chris at tinulak, at bilang nasa likod ako ni Chris at walang balanse damay ako at dere-derechong nalaglag una pwet sa sahig.

Napalingon sa akin si Chris at sa galit nya nang makitang nakahiga ako sa sahig, tinulak nya rin si Rob, “Tinamaan si Marley! What the fuck is wrong with you?”

Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari, dahil hindi ako makabangon sa pagkakalaglag ko sa sahig, basta nagsigawan na at ang dami nang pumasok sa loob ng kwarto para awatin si Chris at Rob.

Nang maawat na sila, nasa labas na ng pinto si Rob at may mga lalaking nakayapos sa kanya galit na galit pa rin si Rob, naka-bangon na ako ng slight at nakasandal sa kama, tinitingnan ko sila at tina-try na mag-focus sa nangyayari. Ang gulo ng utak ko.

Nakatitig sa akin si Rob, “You got her drunk?! This is a new low even for you, Chris!”

Nakatayo si Chris at nakatalikod sa akin, si Allie ba yun? Nakayapos sya kay Chris. “Will you just fucking listen for once?”

Tumingin ulit sa akin si Rob at tumingin sya kay Chris, tinulak ang mga umaawat sa kanya, “You know what, I’m fucking done. I’m done.”

Tumingin ako kina Chris at Allie, si Allie ang lapit ng mukha kay Chris at hinahaplos ang pisngi nya.

Ganito pala pag nalalasing, parang wala talagang control sa katawan mo, kung anong maisip mo, sasabihin mo, kung anong gusto mong gawin, gagawin mo. Pabebe lang, walang makakapigil sa ‘min!

At na-prove ko talaga to nang tumayo ako at lumapit kay Allie at Chris at hinatak ang buhok ni Allie palayo kay Chris.

“Ow!” Hawak hawak ni Allie ang buhok nya.

Nanlaki ang mata ni Chris at tinanggal ang pagkakakapit ko sa buhok ni Allie.

“Malandi ka! Malandi ka!” Embarassing moment na naman Lelay.

“Stop it, Marley!” Hawak hawak pa rin ni Chris ang mga braso ko at tinulak ako palayo kay Allie, at dahil wala pa rin akong coordination sa buo kong katawan, napaupo ako sa kama.

Hawak hawak ni Allie ang buhok nya, “You’re a freak! Crazy bitch!”

“Shut up, Allie!” Galit pa rin si Chris. Tinignan ni Chris ang mga mata ko at pumikit, huminga sya ng malalim at parang nakapag-desisyon na. Tumayo sya inangat ako hawak sa kili kili, natawa pa nga ako kasi nakiliti ako. Gaga talaga.

Hinawakan nya ako sa hita at pinatong sa balikat nyang parang baboy sa palengke.

“Where are you going?” Hindi sumagot si Chris, at patuloy sa pagsigaw si Allie habang nakatingin sa amin, galit na galit. Buhat buhat ako ni Chris palabas ng condo ni Allie.
Ibinaba ako ni Chris pero inalalayan pa rin nya ako, nakakapit sya sa bewang ko at ang mga kamay ko naman na parang spaghetti e nakapulupot sa leeg nya.

Nasa elevator na kami, at pagdating namin sa parking lot binuhat ulit ako ni Chris palabas ng elevator. Pagdating sa kotse nya inilapag nya ako sa passenger side, sin-eatbelt-an at pumunta sya sa driver’s side.

Parang may kausap sya sa phone pero hindi ko na narinig dahil bago pa paandarin ni Chris ang kotse nya e nawalan na ako ng malay.



Nagising ako pero parang ayaw ko nang magising, seriously. Pucha, ano tong dumudogdog sa ulo ko? Parang may hawak na martilyo at paulit ulit na pinupukpok sa bungo ko.

Dumilat ako at ang liwanag, ang sakit sa mata. Taragis na yan.

Biglang lumubog ang kama na hinihigaan ko at lalo akong nahilo.

“Wag kayo malikot, nahihilo ako.”

“She’s alive!!!” Sigaw si Nins.

“Ssshhh.” Yun lang ang naisagot ko.

Tawa ng tawa si Nins, “Oh my God, you’re a bad drunk.”

Ako raw, e sya ang nag-iiiyak nung nasa Subic kami, pero dahil sobrang sama ng pakiramdam ko hindi na lang ako umimik.

“Bakit ka ba kasi uminom ng uminom e hindi mo naman kaya? Hirap na hirap kaya umalis si Chris kagabi dahil ayaw mo sya bitawan.”

Bigla akong napabangon sa kama at humarap kay Nins, holy shit. Totoo yung mga nangyari kagabi? Oh no. no. no. no.

“You look so bad.” Tawa na naman si Nins.

Bumalik sa utak ko lahat ng pinag-gagagawa ko kagabi, at bumalik rin sa lalamunan ko lahat ng mga pinag-kakain ko at pinag-iinom ko, takbo ako papunta sa banyo ni Nins at sumuka.

“Buti na lang hindi ka sumuka dito sa kwarto ko dahil baka mapalayas kita.” Nasa pinto lang si Nins at nakatingin sa akin habang inilalabas ko ang dinner ko at ang mga alak na naconsume ko kagabi.

Naawa na siguro sa akin si Nins dahil kumuha sya ng pang-puyod at itinali ang buhok ko, buti wala pang suka, kumuha sya ng face towel binasa ng malamig na tubig at pinahid sa mukha ko. Nilagay nya sa noo ko para mahimasmasan daw ako.

Naging best friends kami ng toilet ni Nins for about 30 minutes bago tuluyang tumigil ang mga pag-uwak ko. Ang sakit ng lalamunan ko at tyan ko pero at least hindi na ako sobrang nahihilo.

“Finally. Akala ko kailangan na kitang dalhin sa hospital e.”

Hindi pa rin ako lumabas ng banyo ni Nins at naupo sa sahig. Tinaas ko ang mga tuhod ko at pinatong ang baba ko dun. “Ginawa ko ba lahat yun? Talaga? Nangyari lahat?”

Umupo rin si Nins sa sahig sa tabi ko, “What do you remember?”

Pumikit ako at nag-flash back sa utak ko lahat ng pinag-gagawa kong kagagahan at lahat ng pinag-sasabi ko. Oh my God. Ang tanga tanga mo Lelay.

“I didn’t actually see what happened kasi bumaba na ko nung nakita kitang lasing, pero Chris filled me up on the details nung hinatid ka nya kagabi.”

Nanghihina na ako sa kahihiyan, ano ba naman ang naisip ko at anong demonyong sumapi sa akin para pagsasabihin ko yun? Hinatak ko ang buhok ni Allie?

“He’s concerned about you Marley, pero I could see na parang galit sya. I don’t really know kung kanino sya galit but he was pretty angry.” Hinawakan ni Nins ang buhok ko.

“What the hell were you thinking? Hindi ka naman umiinom e naglasing ka.”

Kahit mejo magulo pa ang utak ko, tinry kong isipin kung kelan ba ako nalasing, Anong ininom ko? E hindi nga ako tumayo dun sa pagkakaupo ko dun sa sofa. Si Allie lang ang…

Tumingin ako kay Nins, “Si Allie. Nilasing ako ni Allie.”
 
Chapter 42: The Truth

Kinakagat kagat ko ang labi ko habang nag-aantay na buksan nya ang pinto, alam ko nang baka hindi nya ako pag-buksan pero umaasa pa rin ako para makausap ko sya, kailangan ko syang makausap.

“Oh, hey Marnie.” Nakangiti si Allie sa akin pero iba na ang ngiti nya, ngiting parang nanalo na sya. Ngiting hindi pang-kaibigan. Peke. Parang ang kulay ng buhok nya.

Kinalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim. “Can we talk?”

Tumabingi ang ulo ni Allie at tiningnan ako from head to toe, “Why? Did you forget anything? Oh, right, you left your dignity here last night. Come in, you might have left it somewhere.” Ngingiti ngiti pa rin si Allie pero pinapasok nya ako sa loob.

Napalunok ako nang makita ko ang pinto sa kwarto ni Allie, kung saan nagpakagaga akong kung ano anong sinabi kay Chris. Shi-nake ko ang ulo ko para tanggalin ang mga memories, kailangan ko ng clear head sa pakikipag usap kay Allie.

“I’m sorry sa ginawa ko kagabi, Allie. Sorry nasaktan kita.” Kalma lang bes. Kaya mo to. Lunukin mo muna ang pride mo.

Nag-cross ang arms ni Allie sa harap nya at tumayo sa harap ko. “Yeah, you bitch, you almost pulled my hair out.”

Tumango lang ako at yumuko.

“I’m really sorry. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Hindi naman ako ganun e. Siguro naiinggit lang talaga ako sayo. Sa kung anong meron kayo nila Chris at Rob kaya ko nagawa yun.”

Tumingin ako sa kanya, “So sorry Allie. I hope we can still be friends.”

Humalakhak si Allie, “Oh my God. You are so stupid. You really think I want to be your friend?”

Umiling lang sya at lumapit sa akin, napaatras ako.

“You know Rob was so annoying when we were in the States, I saw him again at my parent’s place. It was tradition we had dinner with his family, we were meant to see each other eventually so I thought I had another chance with him. But I was so pissed off coz he kept talking about you, Marley this, Marley that. I mean, who the fuck are you?”

Umikot sa akin si Allie at naupo sa sofa, sumunod naman ako at umupo sa tapat nya. “I thought you were this super pretty girl, I mean compared to me you should be pretty spectacular.” Tiningnan nya na naman ako from head to toe, “But look at you, you’re… you’re… plain.”

That should hurt, pero parang tama naman, I’m plain. I’m nothing special.

Sumandal si Allie sa sofa, at nag-cross ulit ng arms sa harap nya.

Lumapit ako ng konti na parang halos dulo na lang ng pwet ko ang naka upo sa sofa, “Pero we’re okay na diba? We’re friends? Wala na naman kami ni Rob so we can be friends.”

Tumawa na naman si Allie, “Oh my God, shut up. I don’t want to be your friend. Who would want to be friends with you?”

Umirap bigla si Allie, “Oh right, those two idiots.”

Umiling lang si Allie, “And it wasn’t just Rob you got close to, pati si Chris! I mean Chris is always nice to girls pero I knew when he talked about you that he liked you. Like you the way he used to like me, so I decided to get to know you.”

Umurong din si Allie at lumapit sa akin, “Let me tell you something, something that your puny little brain can understand.”

Nakatitig sa akin si Allie, “Rob and Chris are mine. Just mine. They have always been and will always be. No plain-looking, poor girl can steal them away from me.”

Sumandal ulit si Allie, I needed to keep calm. Hinga ng malalim Lelay. “Hindi ko naman sila inaagaw sayo e, pwede naman tayong maging friends lahat diba? Mag-so-sorry lang ako sa kanila sa ginawa ko kagabi, hindi ko talaga sadya yun. Parang may sumapi sa akin, ewan ko ba.”

Nanlaki ang mata ni Allie, “You really are that stupid? Seriously? You haven’t figured it out yet?”

Kinalma ko ang sarili ko at inabangan ang sasabihin nya. Magmukha kang tanga Lelay, yung talagang mukhang tanga.

Umiling lang si Allie, “I couldn’t have planned it better if I tried.” Binilang nya sa mga daliri nya ang steps na ginawa nya, “1. Befriend naïve Marley, 2. Get her drunk, 3. Call up Chris – leave them alone, 4. Call up Rob. The rest I left up to you, I was pretty sure you were going to screw it up by yourself. But my God, that kiss you gave Chris and Rob’s entrance, damn, perfect timing.”

Tumango lang ako, “So ikaw lahat nag-plano nun? Nilasing mo ko?”

“Duh. You have to be smart my dear, never ever take drinks from strangers.”

I should leave, I heard what I needed to hear pero hindi ko napigilan, “Bakit mo ginawa yun? Bakit mo kailangan manira ng tao? Ano bang ginawa ko sayo? Tsaka anong ginawa sayo ni Rob at Chris para maging ganyan ka?”

Tumingin lang sa akin si Allie, “What Allie wants, Allie gets. That’s just how it is.”




Hindi makapag-salita si Chris at Rob kahit tapos ko nang i-play ang recording ng conversation namin ni Allie. Nagpaka-spy ako at ni-record gamit ang voice recorder ni Nins ang pag-uusap namin. Tanga pala ha, sinong tanga sa amin ngayon?!

Nakaupo sa harapan ko si Chris, si Rob naman nakatayo at nakatingin sa labas ng bintana. Ibang klaseng powers ang kinailangan ko bago pumayag si Rob at Chris na mag-sama sa isang kwarto – Si Madam Chloe. Nasa office kami ni Madam.

Si Rob ang unang nagsalita, “She hasn’t changed at all.”

Tumingin lang sya kay Chris at ngumiti. At least mukhang bati na sila. Tapos tumingin sa akin si Rob at pumunta na palapit sa pinto. Nagulat naman ako, “San ka pupunta?”

Umikot si Rob at tumingin sa amin ni Chris, “Listen, I’m glad you told me about Allie, I sure as hell learned my lesson now. But this doesn’t change anything between us, Marley.”

Tumayo si Chris, “Will you just sit down for a minute and talk about this.”

Umiling lang si Rob, “Allie may have drugged or tricked Marley pero she didn’t tell Marley to kiss you. She did that on her own.”

Napayuko lang ako sa sinabi ni Rob. Ginawa ko nga yun, wala namang pangpalandi ang pinainom sa akin ni Allie.

Lumapit si Chris kay Rob, “Rob, please just let her explain.”

Kumapit lang si Rob sa balikat ni Chris, “Man, stop it. You’ve done enough. I know, okay? I know what you did back in high school.”

Napatingin lang ako sa kanila, nakatingin si Rob kay Chris, “I overheard you and Allie, she chose you. She asked you to go with her and you said she should go with me instead. But I was too much of an idiot and a selfish bastard to let you have her. So I asked to take her to prom kahit na alam kong gusto mo rin sya.”

Ngumiti lang si Rob, “She probably wound her pretty little lies in your head kaya napapayag ka na samahan sya sa prom kahit na you were trying to be a good friend to me. In the end she was too self-centered to push me away rin so I guess in that aspect we were perfect for each other.”

Tumingin lang sa akin si Rob, “So let me do you this favor, Chris. For once in your life, think about what you want. Stop being a jackass and talk to her.”

Bago lumabas ng kwarto si Rob, tumingin sya sa akin at ngumiti. Yung klase ng ngiting nakaka-wasak ng puso.
 
Chapter 43: Stuck Between A Rock and A Hard Place

Papasok na sya ng kotse nya nang humabol ako at hinihingal pa.

“Wait lang.” Umikot si Rob at tumingin sa akin.

“Marley, I think you should go back inside. Talk to Chris.”

Huminga ako ng malalim, “I will. Pero I need to talk to you first.”

Yumuko lang sya at parang iniiwasan ako ng tingin.

“I’m sorry.” Lumapit ako sa kanya para tingnan sya sa mga mata habang nagsasalita. Inantay ko syang tumingin sa akin.

“I’m really sorry, Rob.”

Tumingin sya sa akin, “You have nothing to apologize for.” Lumapit rin sya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

“We made a good couple didn’t we?” Nginitian ako ni Rob.

Biniro ko na lang si Rob kesa umiyak na naman ako, “Sabi mo hindi naging tayo?” Ngumiti lang rin ako sa kanya, lumaki ang ngiti ni Rob at tumango. Binitawan nya ang mga kamay ko at umatras.

“I made so many mistakes these past few months, Marley and I honestly wish I could have done things differently. Siguro kung hindi ako naging masyadong selfish at pig-headed tayo pa rin hanggang ngayon.” Tumingin lang sya sa akin at lumingon sa likod ko.

“But I guess mistakes like those put things in perspective - I’ve once lost my best friend because I thought only about myself kahit na alam kong may masasaktan I pursued what I thought was supposed to be mine. I’m trying to be the better man now, Marley so please don’t make my sacrifice count for nothing.” Tumango lang sya sa likod ko.

Paglingon ko nandun si Chris sa pinto at pinapanood kami.

“He’s a good guy. He’ll treat you way better than I ever can.” Binuksan na nya ulit ang kotse nya at parang may invisible thread na hinahatak ako sa direksyon ni Rob at ang isa sa opposite side sa direksyon ni Chris.

Kailangan kong sabihin to, kahit ngayon lang.

“Rob!”

Tumigil ulit sya at lumingon sa akin, “Yes?”

Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob habang halos tumulo na ang luha kong nakabitin na sa mga mata ko, “Alam mo naman siguro no? Kahit hindi ko sinabi?”

Ngumiti lang sya, pero malungkot na ngiti, “Yes. I knew. I’m sorry I never said it too.” Tumalikod na sya pero parang nagbago sya ng isip, umikot ulit sya at lumapit sa akin. Akala ko yayapusin nya ako pero tumigil sya sa harapan ko, hinawakan ang mga balikat ko at sinabi ang matagal ko nang alam pero kailangan pa ring marinig.

“I love you.”

Hinalikan nya ang noo ko, “Bye Marley.” At tumalikod na sya at umalis habang stuck ako sa pwesto ko at umiiyak. Dahil as much as gusto kong sabihing “I love you too” alam kong magiging unfair ako sa kanya pag ginawa ko.


Tirik na tirik ang araw pero hindi ko nararamdaman yung sakit sa balat ko dahil hindi pa ako maka-recover sa nangyari sa amin ni Rob. At parang may kutsilyo sa dibdib kong nakapasak, parang pinilipit pa ang kutsilyo at binaon nang malupet nang paglingon ko nasa tabi ko na si Chris at pinapayungan ako… habang iniiyakan ko ang best friend nya.

What.

The.

Hell.



Inihatid ako ni Chris sa bahay pero hindi kami nag-usap buong byahe, honestly hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Chris. Hindi ko alam kung nasaan na kami at kung paano mag-sisimula ulit.

Pababa na ako ng kotse nang sinabihan ko si Chris, “Chris…”

Tumingin sya sa akin, “Don’t. We don’t need to talk now, Lee. Just rest.”

Tumango lang ako at bumaba ng kotse nya, pumasok sa loob ng bahay at nagmukmok sa kwarto.


Tingin ko kaya isang linggo na e hindi pa kami nag-uusap ulit ni Chris is dahil ang hirap. Ang hirap maging masaya lalo na pag alam mong may nasasaktang ibang tao. Ang hirap mag-desisyon na unahin mo ang sarili mo kesa sa iba.

Hindi ko pa tinatawagan si Chris or tinetext manlang. Pag nagkikita kami sa school nginingitian ko lang sya, hindi rin naman sya nag-aattempt na kausapin ako. Pero ang sakit na sa dibdib ha, hating hati ang utak ko at puso ko kung ano bang dapat kong gawin. Everytime na naiisip kong kausapin si Chris at ipaalam sa kanya kung anong nararamdaman ko naaalala ko ang pag-uusap namin ni Rob at nakukunsensya ako, tingin ko pareho lang kami ni Chris – or I’m hoping na pareho pa rin kami. Naiisip ko lang rin na kung ako ba ang lalaki magkakagusto ba ako sa isang babaeng ilang beses ko nang tinutulungan pag broken-hearted sya dahil sa iba?

Napaka mo, Lelay.

Sama ng ugali mo.

Kaya tama lang sigurong parusa sa akin to, ang makita ko sa school si Chris, na nakikita ko sya sa quad na tumatawa kasama ng mga kaibigan nya at tama lang na kumikirot ang puso ko pag nakikita ko syang masaya.

Bigla akong binatukan ni Nins, “Oh God, get over there and talk to him already!”

Natauhan naman ako at tumalikod sa direksyon ni Chris, “Wala naman akong sasabihin sa kanya e.”

Buwisit na buwisit ang mukha ni Kat sa akin, “Anong naitutulong nyang lingering looks nyo? Para kayong tanga.”

Napalingon lang ako sa likod ko at nagulat nang nakatingin na rin sa akin si Chris, kumaway lang sya at ngumiti. Ngumiti lang rin ako at tumalikod, pagharap ko sa mga kaibigan ko parang gusto na nila akong paabangan sa labas ng school at gripuhan.

- - - Updated - - -

Chapter 44: All Is Fair

Naka-survive pa rin ako one day at a time, nagkikita kami paminsan minsan nila Nins at Kat sa quad – kagaya ngayon, pero mas madalas mag-isa lang ako which works for me, nakaka-focus ako sa studies ko at sa trabaho. Unti unti na ring nagno-normalize ang utak ko – kung ‘normal’ nga ang tamang word para itawag sa akin. Minsan na lang ako mag-space out, madalas ko pa rin nakikita si Chris sa school at si Rob naman mukhang okay na sya, hindi na nya ako iniiwasan e.

Kahit na nakaka-survive ako sa araw araw hindi ko pa rin mapigilan na mamiss si Chris at pag name-miss ko naman si Chris hindi ko mapigilang hindi ma-guilty na hindi si Rob ang nami-miss ko. Bakit ba ang gulo gulo ko? Tama na nga yan Lelay. Mag-aral ka na lang.

Yumuko na lang ako ulet at pilit na iniintindi ang Political Science text book ko, ang gulo sa paligid. May School Fair kasi for the whole week, si Kat tumutulong sa booth ni Tito Ben nya at si Nins naman nakatambay kasama ko sa quad.

“I can’t believe you’re trying to study now, ang dami pa nating booth na hindi nabibisita.” Nagpapaypay si Nins habang tumitingin tingin sa paligid, at bilang School Fair naka-civilian kami. Si Nins naka-knee length shirt dress na may vertical stripes na blue and white. Naka wedge heels sya at may aviator shades. Ako naman naka-jeans, sneakers at maluwag na Che Guevarra na shirt – kay Kuya Zep hiniram ko pero itinali ko ang gilid kaya parang cropped shirt sya. Tinupi ko rin ang sleeves, mejo acceptable pero syempre mukha akong alalay ni Nins.


Umiling lang ako at natatawa kay Nins kasi init na init pero hindi sya makareklamo kasi minsan lang kami magkita, nakita kong may dumi sa sapatos ko na mukhang 5th hand na (hindi lang 2nd hand ha) tinanggal ko ang dahon dahon na dumikit sa sapatos ko nang biglang may bakal na tumama sa braso ko.

Nabigla ako at napalingon sa lalaking umupo sa harap ko, “Hi!” yun lang ang sabi nya. Paglingon ko sa kamay ko nakita ko ang posas. Oo, posas.

Ni-lock na ni Mystery guy ang posas sa braso ko, nakita nya siguro ang “if looks could kill” na facial expression ko kaya napaatras sya pero hindi nya binitiwan ang posas na nakakabit na sa braso nya.

“Ano to???!!” Nakatingin pa rin ako sa bwisit na lalaki sa harap ko.

Umatras ng onti si gago at parang natakot na, “Sorry. I’m just following the rules!”

“Rules?! Rules nino? At kelan pa naging okay na mang-posas ng ibang tao ha? Pulis ka ba?” Mejo tumataas na ang boses ko kaya hinawakan ako sa likod ni Nins.

“Relax Marley, it’s just the Jail Booth. Nahuli ka nila so you need to go with them to be “jailed” for a few minutes.” Ay pucha talaga, sino naman nagpauso nito?
Asar pa rin ako nang tinitigan ko ang lalaki, “Tanggalin mo yan.”

Walang halong pagbibiro ang mukha ko pero hindi pa rin tinanggal ni gago ang posas ko, tumingin lang sya sa amin ni Nins na parang nanghihingi ng tulong sa kaibigan ko.

“Alisin. Mo.” Hindi ko tinanggal ang titig ko sa bwisit na lalaking yun.

“I’d listen to her if I were you.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang narinig ko ang boses nya sa likod ko.

Tumingin ang gago kay Chris, na sa tingin ko e nakatayo sa likuran ko ngayon, ayoko pang lumingon at hindi ako prepared na makita sya or makausap.

“But I need to take her, just following orders, man.” Tumingin ulit ako sa gagong nasa harap ko, pero bago pa ako makapagsalita umikot si Chris at tumabi kay gago. In-offer ni Chris ang kamay nya sa lalaki, “then I’ll take her.”

Para akong naging maamong tupa nang kunin ni Chris ang posas sa braso nung lalaki at nilagay nya sa braso nya, naglalakad na kami papuntang “jail” at para akong kinukuryente everytime na nagbabangga ang mga kamay namin.

Nanahimik na lang ako at sumama kay Chris nung kunin nya ang posas dun sa lalaking parang ayaw pa rin ako pakawalan, pero sabi ni Chris better ngayon kasi dalawa ang nahuli nya instead of just one. Si Nins naman hindi maitago ang kilig nang ligpitin nya ang gamit ko at sinabihan akong aantayin nya na lang ako sa booth nila Kat.

Hindi pa rin kami nag-uusap ni Chris, kahit na nang makarating kami sa “jail” na isang booth lang na may parang rehas sa harap. Napaka-creative ng nakaisip ng booth na ito.
Nabasa ko sa labas ang presyo para makalabas, “One hundred pesos??? One hundred pesos para makalabas dito e wala naman akong kasalanan?!” Napalingon sa akin ang mga tao sa booth, at pagsswertehin ka nga naman walang tao sa jail kundi sa amin ni Chris.

Alam ba ng mga tao dito kung gaano kahirap kumita ng pera? Papagastusin ako para lang makalabas dito?

“Excuse me!” Tinawag ko ang ‘warden’ namin, at tatawa tawa syang humarap sa akin, “Anong kasalanan ko? Bakit ako nilagay dito? At hello, hindi ako magbabayad ng one hundred pesos no!”

Ngumiti lang sya at tinuktok ang ‘rehas’ namin ng hawak nyang ‘batuta’, “Then you have to serve your time. 15 minutes.” Sabay alis.

“Hoy! Bumalik ka rito!” Nakakapit ako sa rehas na parang tunay na preso.

“He’s gone.” Napalingon ako sa likod ko kay Chris, nakatingin sya sa labas at parang umiiwas ng tingin sa akin.

“If you really don’t want to talk to me that much, then just sit down.” Nun ko lang napansin ang galit sa mga mata ni Chris. Umupo ako sa upuan sa pinakadulo ng booth, sa pinakamalayong part.

Hindi rin ako makatingin kay Chris. Alam ko naman na hindi maganda ang huli naming pag-uusap, pero pag nakikita ko naman sya sa school parang okay naman kami. Parang hindi naman sya galit pero ngayon parang natatakot akong lumapit sa kanya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito ka-galit, I mean sa ibang tao oo nakita ko na sya magalit pero hindi sa akin, hindi ko tuloy alam gagawin ko.

Ilang minutes pa, hindi pa rin kami nag-iimikan ni Chris. Nagbuntong hininga sya at nang dumating ang warden tumayo si Chris at kinausap sya. Bumunot ng pera si Chris at inabot sa warden.

Binuksan ni warden ang pinto at lumabas si Chris nang hindi lumilingon sa akin.
 
Chapter 45: This is it Pansit!

“Oh, where is he?” Lumilingon lingon sa likod ko si Nins hinahanap si Chris.

Napalingon lang rin ako sa likod ko, “Umalis na.” hinatak ako ni Nins paupo sa loob ng booth nila Kat.

“What happened? Did you talk to him?” Nakatingin sa akin at excited na excited ang dalawa kong kaibigan, umiling lang ako at napapikit si Kat, hinihilot hilot naman ni Nins ang noo nya.

Nagulat ako nang biglang tinulak ni Nins ng daliri nya ang noo ko, mejo malakas at mejo masakit, in fairness.

“Ang tanga tanga mo. Pagkakataon mo na e hindi mo pa kinausap!”

Mali ba talaga ako sa hindi pagkausap sa kanya? Kaya ba sya parang nagalit sa akin? Kala ko okay na kami, move on move on ganun.

“E hindi nga pwede diba? Hindi ako pwedeng maging selfish. Kaibigan nya si Rob at mas importante yun.” Ang sakit sa dibdib pero totoo, hindi pwedeng isipin ang sarili ko, masyado na akong naging makasarili these past months kaya nakasakit ako ng iba.

“Leche!” Napalingon kami pareho ni Kat kay Nins.

“Alam mo, hindi ka pinakawalan ni Rob para magmukmok jan! Tsaka hello?! Hindi lang ikaw ang nahihirapan no! Paano naman si Chris? Naisip mo ba yun ha??! Naisip mo ba sya kung anong feelings nya?” Galit nag alit sa akin si Nins.

Nakatingin lang ako kay Nins at hindi nakaimik, may point sya ha. Napatingin sya sa likod ko at biglang tumayo, “Tara, let’s end this now.” Hinatak ako ni Nins patayo at hindi ako binitiwan hanggang makarating kami sa juice stand sa kabilang side ng quad.

Kinalabit nya ang lalaking nakatalikod at bumibili ng juice, “Hey!” Napalingon bigla ang lalaki at nanlaki ang mga mata ko.

Nagulat si Rob at napa-“Hi?” sa amin.

“How are you, Rob? You okay?” Tinanong ni Nins si Rob pero hindi pa rin nya ako binibitawan.

“I’m okay. Why? What’s up?” Derecho lang sa pag-inom ng juice si Rob habang tumitingin sa aming dalawa ni Nins na may parang “WTF” look sa face nya.

“Just answer me one question and we’ll be out of here.” OMG ano na naman kaya ang itatanong ni Nins kay Rob? Hinatak ko ang kamay ni Nins pero tiningnan nya lang ako na parang ‘subukan mo ako pigilang gaga ka!’.

Tumingin lang sa akin si Rob at napangiti, tumingin ulet sya kay Nins, “Fine. Shoot.”

“Would you be okay if Marley goes out with Chris?” Holy crap.

Tumingin lang sa akin si Rob, at nanlaki ang mata, “I actually thought you guys are already going out.”

Toingks!

Tumabi si Nins at hinayaan akong makaharap si Rob. Nakatingin lang si Rob sa akin at hinawakan ang balikat ko, “Hey, if I’m the one you’re worried about, I’m telling you now that you don’t need to. Just do what makes you happy Marley. You deserve it.” Sabay ngiti sa akin.

“Hey guys, I gotta go okay?” Sabay kuha ni Rob sa isa pang juice galing dun sa nagtitinda, iniinom na nya ang juice nya pero kumuha pa ng isa? Uhaw much?

Nilingon namin si Rob at nakitang may girl na nag-aantay sa kanya sa ilalim ng puno sa bandang gitna ng quad. Nakangiti si girl habang inaabot ni Rob ang juice sa kanya at umalis na silang dalawa habang nag-uusap. Huh.

Pareho kaming nakatunganga ni Nins kay Rob at sa mystery girl.

Lumapit sa akin si Nins, “So… kamusta puso mo? Kumikirot ba?”

Honestly, wala. I feel… light. I feel… free.

Tumingin lang ako kay Nins at ngumiti.

Ngumiti rin sya, “Then let’s go get your boy.”



CHRIS

I can’t wait to get out of here.

I thought I was doing okay. It’s a struggle every day to pull myself away from her pag nakikita ko sya.

I miss her.

So bad.

I knew she needed time and I promised myself I’d do it, I’ll be whatever she needs me to be even if it means na hanggang ngiti at kaway na lang kami. I thought we had a chance; that I meant something to her and she must have known na sya lang ang iniintay ko.

She had murder written all over her face today and I couldn’t help but butt in, kawawa naman yung guy na napili pa syang biktimahin for the Jail Booth. I had to interfere bago pa nya sapakin yung guy. And I wasn’t a big fan of the guy being THAT close to her.

I thought she’d talk to me or at the very least give me one of her dazzling smiles, but fuck me! She treated me like I had the fucking plague and me being that close to her actually made her flinch.

It hurt.

That’s why I’m leaving and I will actually try to move on this time. I can’t keep doing this to myself anymore.

I’m about to open my car door when a cold, metal ring appeared on my arm with a click.

And then I was looking into Marley’s eyes.



MARLEY

Ilang beses ko nang tinititigan ang mga mata ni Chris. Nakita ko na syang malungkot, nakitang nagpapa-cute, nakitang masaya, pero never ko pa syang nakitang galit and ang galit nya ngayon is solely directed at me. Hindi ko naman sya masisisi. Kaya heto ako pakapalan na ng mukha Lelay.

Dumerecho ng tayo si Chris bigla at nahatak ako palapit sa kanya.

Sumulpot sa likod ko si Nins, “Uy! You guys know where you’re going right? Tara na sa booth!”

Hinatak ni Nins ang kamay kong walang posas pero hindi gumalaw si Chris sa kabilang side.

“I know what you’re doing. Stop helping her.” Nakatingin si Chris kay Nins.

Napaatras naman si Nins, “Uhm…”

Tumingin ako kay Nins, “Nins thanks pero tama sya.” Inabot ko ang kamay ko at inabang para ibigay nya sa akin ang susi ng posas. Nilagay ni Nins ang susi sa kamay ko at umalis.

Humarap ako kay Chris at nakatingin pa rin sya sa akin, “Give me the keys.”

“Wait lang. Kausapin mo muna ako.” Inilagay ko ang susi sa likuran ko.

Biglang kumilos si Chris at pilit na kinukuha ang susi sa likod ko, “I said give it!”

“Teka lang! Aray!” Nag-OOA lang ako pero hindi naman talaga masakit, para lang tumigil na sya.

“Akin na!” Ang haba ng arms ni Chris at pumupulupot na sa akin ang mga braso nya, ambango talaga nito.

Gaga! Focus Marley! Hindi nya dapat makuha ang susi!

Atras na ako ng atras sa parking lot hanggang sa makarating kami sa bandang dulo na tabi na ng creek at ginawa ko ang bagay na kala ko good idea at the moment pero super katangahan pala. Hinagis ko ang susi sa creek.



CHRIS

She threw the fucking keys.

In the creek.

Such a ‘Marley’ thing to do.

Her face though, she must have realized we’re going to be stuck for a while. Sobrang nakakatawa ang mukha ni Lee ngayon pero I have to make her pay for earlier – I still haven’t forgiven her for that.

“Great job, genius.” Nakatayo lang ako sa likod nya habang nililingon lingon nya ang susi na nawala na sa ilalim ng tubig. Crazy girl.

“Hala! Hala! Naku pano to?!”

Umikot ako sa harap nya so she can look at me.

I hate to admit it, but I just want her to talk to me.

Take me out of my misery and just let me know how she feels.

She’s got the usual crazy but adorable look in her eyes. I have to stand firm. She needs to tell me what she wants.

I can’t always help her.

She needs to do this on her own.

She needs to tell me now or else I’m gone.



MARLEY

Gaga ka talaga.

I mean, kung pati ang sub-concious mo ‘gaga’ na ang tawag sayo there must be something wrong with you. And I can’t say na hindi ako nag-aagree. Sino ba namang tanga ang maghahagis ng susi sa creek.

I panicked. Yun lang yun.

Humarap ako kay Chris at huminga ng malalim.

Kaya mo to Lelay.

“Bakit mo kasi inagaw yung susi e. Gusto lang naman kita makausap!”

Ayan, jan ka magaling. Sya pa ang sisihin mo.



Wala syang balak talagang tulungan ako ngayon. Wala kang lusot Lelay, magsalita ka na. This may be your last chance.

Deep breaths.

“I’m sorry.”

Lumunok ako at tumingin sa sahig, hindi ko kayang makita yung galit sa mga mata nya.

“I’m so sorry sa mga ginawa ko.”

Pumikit ako at nagpigil ng luha.

“I’m sorry for taking you for granted, I’m sorry dahil hindi ko inisip ang feelings mo, na hindi lang ako ang nasasaktan, na hindi lang ako ang nahihirapan. Hindi ko maisip kung tama ba to or nag-aassume lang ako. Pero gusto ko lang malaman mo, kahit na once lang…”

Tumingin ako sa mga mata nya.

“Na importante ka sakin.”

Hindi na nagpapigil ang tear ducts ko at nagkaroon na ng sariling buhay.

“Na miss na miss na kita.”

Wala na akong masyadong makita kaya kinusot ko ang mga mata ko.

“and that…”

“I love you”

Huminga ako ng malalim at nilakasan pa.

“I love you! I love you! I love you!”

“Wala na akong ibang masabi kundi yan kasi totoo naman.”

Yumuko lang ako ulet nang hindi sya nagsalita.

“Nanghihina na ang tuhod ko.”

Umupo na ako sa sahig pero nakaangat pa rin ang kanang kamay ko kasi nakaposas pa rin ako sa braso ni Chris.

After what felt like forever umupo na rin sa harap ko si Chris. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya so yumuko lang ako nakatakip ang braso ko sa mukha ko, e pano kung sabihin nya wala syang pake kahit na sinabi kong mahal ko sya? E pano kung nagbago na isip nya? Pano kung never naman nya talaga akong nagustuhan? Friends lang talaga kami sa tingin nya? Pano kung di nya ako mapatawad? Paano na…

“Knock. Knock.” Tinuktok ng darili ni Chris ang noo kong exposed. Napatingin ako sa kanya.

“You’re crazy, you know that?”

Hindi ko alam kung compliment yun or ano so hindi ako sumagot, pinunasan ko lang ng mga kamay ko ang luha ko.

Napatingin sya sa taas, “and I must be losing my mind...”

Tumingin ulit sya sa akin at biglang hinawakan ang magkabila kong pisngi. Mejo nahatak ang braso ko pero ayos lang.

Hinatak nya ako palapit sa mukha nya and just when I thought bibiglain nya rin ang paghalik sa akin, tumigil sya sobrang lapit sa lips ko at dahan dahang ngumiti, and then it happened.

Slow.

Sweet.

And my heart is full.

He pulled back at tinitigan nya ako, “What are you thinking about?”

Ngumiti ako sa kanya.

“Absoutely nothing.”

At hinatak ko ulit sya palapit sa akin.


- FIN -
 
Hi guys!

The Misadventures of Marley is now on Wattpad (soon on Kindle - fingers crossed). I hope you guys show some love and read it there - there's an alternate ending there with an Epilogue. :)

Just look me up on Wattpad - XiaNyx

Thank you! :)
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom