Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Trabaho

Sa kalaliman ng gabi, tahimik ang paligid, tanging huni lamang ng mga kuliglig ang aking naririnig. Di mapukaw ng antok ang galak sa isiping bukas ay mag sisimula na akong magtrabaho bilang janitor sa isang opisina sa Makati. Kya dami kong balak, bibili ako ng masasarap na pagkain para kay inang pag sahod ko. Ipagagawa ko ang tumutulo naming bubong. Mapapalitan ko na ang pudpod kong degomang sapatos. Nang biglang...

"Lumabas ang matapang! Mga putangina nyo'ng mga kapitbahay kayo!" sigaw ng lasing sa labas

Sinilip ko sa bintana kung sino ang nagwawala. Si Mang Kanor pala ang siga dito sa looban. Labas pasok sa kulungan sa kung ano anong kasong kinasasangkutan pagnanakaw, pambubugbog at ng minsan pa eh nakasaksak ng taga rito rin ng minsan makipagtalo habang nagiinuman. Pero hindi ren nakukulong ng matagal, malakas kasi ang kapit sa mga pulis. Palibhasa proektado sya dahil sa pagpapatakbo nya ng mga sugalan at tupada dito. Linggo linggo ang payola galing sa bulsa ng kapareha din nilang nagdarahop. Naputol ang pagiisip ko nang...

"ANOOOO! SINO PAPALAG SA INYONG MGA PUTANG INA NINYO! LUMABAS KAYO RITO NG MAGKASUBUKAN TAYO!" sigaw n naamn ni Mang Kanor

Nang biglang umalingawngaw ang isang putok.

BANGGGGGGGG!

Inaninag ko sa ilaw ng poste ang katawan ni Mang Kanor na humandusay sa putikang kalsada. Nangingisay, naliligo sa sariling dugo, agaw buhay.


Bumalik na ko sa higaan ko. Pinikit ko ang aking mga mata at unti unting tinangay ng antok patungo sa kapayapaan ng kawalan. Kasabay ng ngiting sumungaw sa aking mga labi ang kaisipang bukas mag sisimula na ako ng bagong trabaho.
 
Back
Top Bottom