Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

UNSAID FEELINGS sa crush, MU, flings, bf/gf, husband/wife..post them here

May mga bagay lang siguro tayong kailangang gawin at pagdaanan sa ngayon. Pero kahit na anong mangyari, sa huli, tayo pa ding dalawa. Mahal na mahal na mahal kita. :smack:
 
Last edited:
Di mo man sabihin, nararamdaman ko na hindi ka na talaga masaya sa ginagawa mo, pero kailangan. Ayoko na ding dumagdag pa sa mga pinoproblema mo. Hahayaan muna kita kagaya ng sabi mo. Hayaan lang na makapag-isip. Hahayaan lang na ma-sort out mo ang mga yan. Pero hindi kita literal na hahayaan na mawala sakin. Ano ako, bale? Hell naw! Di ako tanga para pakawalan ka pa. Di rin ako ganun kahina para sumuko dahil lang sa pinagdadaanan natin na to, lalo ka na. Kung akala mo bibitiw ako ng ganun-ganun lang, pwes, nagkakamali ka. Parte na ako ng buhay mo, at ganun ka din sakin. Hinding-hindi kita iiwanan, hinding-hindi kita bibitawan kahit na ano pa ang mangyari. Kahit na anong hirap pa ang danasin ko. Kahit na anong pagsubok pa ang dumating, sasagupain ko lahat yan. Patutunayan ko din sa inyo, lalo na sayo, na hindi ako hanggang dito lang dahil may pangarap din ako para sa sarili ko, para sa ating dalawa, para sa magiging pamilya natin in the future. Hindi tayo habang buhay na ganito, hindi permanente ang nararanasan nating problema sa ngayon. May katapusan ang mga yan, pero tayong dalawa, forever na. Nandito lang ako palagi kapag kailangan mo ako, alam kong alam mo yan. Handa kitang intindihin, handa akong mag-tiis, para lang sayo. Mahal na mahal na mahal na mahal kita! Palagi mong isasa-isip at isasa-puso yan! Ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay! :smack:
 
Last edited:
All has been said here....
 
Last edited:
Habang mabilis na lumilipas ang mga araw, mas lalo lang kitang nami-miss. Hindi man tayo magkasama, hindi pa din nagbabago ang feelings ko para sayo. Sa halip, mas lalo lang kitang minamahal dahil sa mga bagay na kaya mong isakripisyo para sa anak at family mo. Basta, kahit na anong mangyari ha nandito lang ako para lang sayo. Alam mo yan. Sandaling panahon lang, magkasama na nating haharapin ang bawat pagsubok at problema sa buhay natin. Mahal na mahal na mahal na mahal kita! :smack:
 
Gusto ko sanang humingi ng tawad sayo kahit na di mo alam.

Nitong mga nakaraang araw kasi, kung anu-anong pangit / negative na bagay ang paulit-ulit na pumapasok at tumatakbo sa isipan ko patungkol sayo. Mga bagay na hindi maganda na nagpapahirap sa akin kahit wala naman akong proof. Patawad, patawad dahil nagagawa ko sayo 'to. Hindi ko lang kasi matanggap na dumadaan talaga tayo sa ganitong klase ng pagsubok. Pero hayaan mo, okay na ako. Masasabi ko na okay na okay na talaga ako this time. Pagod na din akong mag-isip ng kung anu-ano. Bukod sa sarili ko lang din ang nahihirapan, alam ko naman sa sarili ko na hinding-hindi mo magagawa sa akin ang mga bagay na yun. Ibinigay mo ang katapatan at tiwala mo sa akin ng buo, at ganun din naman ako sayo. Alam kong alam mo yan. Pero sadyang may mga bagay lang talaga tayong kailangang gawin sa mga buhay natin individually, lalo ka na. Masaya ako dahil inuuna mo ang family mo, lalo na ang anak mo, bago ang ibang tao. Kung ako nasa katayuan mo, ganun din naman ang gagawin ko. Naiintindihan ko naman yan, gaya din ng sabi ko sayo. Alam ko na din kung ano ang bagay na dapat kong gawin at pag-focus-an sa ngayon. Alam kong ginagawa mo 'to sakin para ma-push ako, hindi para sa atin dalawa, tho kasama na yun talaga, pero para sa pansarili kong kinabukasan. Madami talaga akong lessons at realizations sa buhay simula nung maging tayo. Hindi ka lang girlfriend / wife material, lahat nasa iyo na. Tsaka baka iniisip mo na susuko din ako sa huli at mapapagod? Hell naw! Unti-unti na akong nasasanay at nagigising sa realidad ng buhay. Maliit lang nga na problema o pagsubok ito kung iisipin. Pero gusto ko lang malaman mo na hinding-hindi ako susuko no. Hinding-hindi ako bibitaw. Kung akala mo iiwanan kita dahil lang sa pagsubok na 'to, pwes nagkakamali ka baby ko. Uulitin ko ulit. Alam kong magiging worth it ang pinagdadaanan natin na 'to. Huhulmahin tayo ng pagsubok na 'to para mas maging better person, at couple na din. Tsaka, alam kong ikaw na talaga. Alam kong ikaw na talaga yung babaeng para sa akin. Ang babaeng pakakasalan ko at makakasama ko habang buhay, sa hirap man o ginhawa. Konting tiis na lang baby ko. Sana ganun ka din sakin. Wag kang bibitaw ha. Wag ka din susuko. Alam ko naman na hindi ka sumusuko sa kahit na anong laban. Dyan ka lang naman kagaya ng sinabi mo. Pag okay na ako, pwede na tayo magsettle kasama ang anak mo. At syempre, magpapakasal na tayo. Palagi mo sanang aalagaan ang sarili mo ha. Wag mo ding kalilimutan na merong ako na nandito lang palagi para lang sayo. Lagi mong isasa-isip at isasa-puso yan ha? Mahal na mahal na mahal na mahal kita! :smack:
 
Na miss ko na yung bago tayo matulog aayusin natin higaan mu kasi walang kama dito. Haha. Tapos tatabi ako sayo tas magsisimula kana magkwento na ngyare sayo lately. Kahit pagud ka sa byahe carry mo parin chikahan hanggang sa antukin na tayo. Alam mo masaya nako dun kasi kasama kita sa mga araw nayun at nakikita ko na ginagawan mo talaga ng paraan para magkita tayo. Dun palang saludo nako sayo.

Kaya gustong gusto ko ulet makabalik dyan sa inyo. I miss your place, the people and your family. I can still picture the entrance of your home at lahat ng sulok nito. I think di na ako makakapunta dyan kahit gustuhin ko. I sensed kasi na merun discouragement dito. Sana god willing makita mo ako na nagbubukas ng pinto at may dalang pasalubong kela ma at pa mo. Na touch ako ng sobra nung sinabi mo sakin na naghihintay karin sa pagdating ko sa panaginep. Masaya ako ng sobra talaga kasi alam ko na naiisep moko at pati sa panaginep mo andun ako. I miss you na and please come home na ulet dito. Paghahanda kita ng favorite **** sandwich mo.

Oo, pansin ko yun everytime na andito ka palagi mo nauubos yun eh. Haha. :lmao:
Di lang ako umiimek. :rofl:
 
^ off topic ang sweet ng mamang to sana naman magkaayos na sila ni girl

------
There's no unsaid feelings wala namn akong feelings :lmao:
 
Dito ko na lang idinadaan yung mga bagay na gusto kong sabihin sayo ng personal pero hindi ko magawa, kasi hindi pa pwede. Lumilipas ang araw ng napaka-bilis. Ganun pa man, hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko para sayo. Gaya nga ng nauna kong sinabi, mas lalo lang kitang hinahangaan at minamahal dahil sa mga bagay na kaya mong gawin para sa sarili mo at lalo na sa anak mo. Saludo talaga ako sayo. Hinding-hindi talaga kita bibitawan kahit na anong mangyari. Patuloy lang akong maghihintay hanggang sa maging maayos na ang lahat. Inirerespeto ko bawat decisions mo dahil naniniwala at may tiwala ako sayo, kahit masakit at mahirap para sa akin. Mahal na mahal na mahal na mahal kasi kitang talaga. Kaya handa akong mag-sakripisyo at mag-tiis kung kinakailangan. Patutunayan ko sayo na hindi ako basta-basta sumusuko, at hinding-hindi kita susukuan kahit ano pa ang mangyari. Alam ko na sa huli, tayo pa din talagang dalawa ang magkasama. Wag na wag mong pababayaan ang sarili mo ha? Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Miss na miss na miss na miss na din kita. :smack:
 
Dear TOTGA,

Miss na kita..

Alam kong masaya ka na ngayon...Kaya hanggang dito ko na lang pwd sabihin

Nagmamahal,
ME
 
Uulit-ulitin kong sasabihin sayo na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Kung ano man yung naging dahilan kung bakit naging ganyan ka sa akin bukod sa problemang pinagdadaanan mo ngayon, gusto ko sanang humingi ng tawad. Hindi ko alam kung ano ba yung nagawa ko kung meron man. Pero gusto ko pa din talagang humingi sayo ng tawad kahit pa sinasabi mo na wala akong ginagawang mali o masama. Sa pagtrato mo kasi sa akin ngayon, nararamdaman ko na mayroon. Gayun pa man, sana naman maging okay na ulit tayo kagaya ng dati. Miss na miss na miss na miss ko na yung maayos nating samahan. Miss na miss na miss na miss ko na yung pagiging sobrang sweet at caring mo na ramdam ko kahit sa chat lang tayo madalas nagkaka-usap. Pero mas lalong miss na miss na miss na miss ko na ikaw mismo. Ang tagal na din nating hindi nagkikita at nagkakasama. Miss ko na mga yakap mo, mga halik mo, amoy mo, lahat-lahat sayo. Secondary na lang siguro yung sex. Kasi ikaw mismo yung hinanap ko, hinanap ng mga mata ko, hinahanap ng puso ko. Sana naman maging okay na ulit tayo. Mahal na mahal na mahal na mahal kita, alam mo yan. At kahit pa kaya mo akong tiisin, alam ko sa loob mo, sa puso mo, ganun din ang nararamdaman mo para sa akin. Mag-iingat ka palagi dyan ha? Alam kong stressed out ka pa din, pero wag mong kalilimutang kumain sa oras. Nandito lang ako palagi para lang sayo. Alam mo din kung saan ako pupuntahan. Mahal na mahal na mahal na mahal kita baby ko. :smack:
 
Di pa natin hawak ang lahat. Let's keep our fingers crossed nalang. :sigh:
 
Pag patulog nako saka naman magigising eto matik na :rofl: puyat nanaman ako :lmao:
 
Thank you for everything! I will always include you in my prayers.
Sana maging okay na situation mo. :)
 
Alam mo iyong ilang years moko di manlang kinumusta?tapos inaway mo pako at inunfriend..then bigla ka magpapapasalod ang mangungutang?omg di pa nga bayad utang mo sakin the last time at di na kita siningil.mahiya ka naman
 
Maraming salamat sa message. Tho hindi mo naman kailangang humingi sa akin ng kahit na isang pasensya dahil naiintindihan ko naman ang lahat, at naiintindihan din kita. Hindi mo din kailangang bumawi sa akin. Sobra-sobra na yung mga nagawa mo para sa akin. Ako yung dapat na bumawi sayo kapag maayos na ng lahat, at gagawin ko talaga yun. Handa akong mag-tiis. Handa akong intindihin ka. Handa din akong maghintay. Sayo ko lang gagawin lahat ng yan, at hinding-hindi ako mag-sasawa o mapapagod dahil alam ko at ramdam ko na may patutunguhan din itong pinagdadaanan natin na 'to. Hindi ako papayag na hanggang ganito lang tayo. Mahal na mahal na mahal na mahal kita! Lagi mo sanang isa-isip at isa-puso yan. Hinding-hindi kita iiwanan at bibitawan. :smack:
 
Di ata na aprubahan proposals mo eh. Obvious na obvious kasi e. Haha :rofl:

Waiting mode ulets. :waiting:
 
puro na lang sorry gawan mo naman ako ng paraan puro na lang siya siya
 
Back
Top Bottom