Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Canned Thoughts..►UPDATED◄

Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

asaan d/p?:lol:


pwede ba yun dito?

anu ipapasuri mo?
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

nabura mo na yung dp :lol:



pagsusuri naman ng tula yan diba :unsure:
oh kaya dun sa labas malapit sa SD :unsure:


teka pm ko sayo :D
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

sabagay related naman sya sa tula sige ipopost ko na..yari ako kay padre..tula kasi nya yung unang salang.:lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

ayus ayusin mo pagsuri dun :lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

ok na yun..ipost mo na..maganda sya:approve:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

nakapost na :D

hallelujah natapos din ang mahaba mong interpretasyon :lol:
maganda yung bago mong thread aani ka naman dyan ng berdeng ilaw :yes:


sana lang wag silang tamarin magbasa :pray:
 
Last edited:
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

hindi ba boring basahin? Naisip ko kasi dapat bago ka sumulat matutu muna ng pagbasa at pagsusuri. Pwedeng maging gabay yan para sa mga gustong tumula. Saka para na din maunawaan yung mga ibang tula.
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

kung mga sanay sa tulaan ang magbabasa walang dull moment
pero kung mga ordinaryong gumagawa ng tula
dull ang moment
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

eh kasi naman pano mo iinterpret yung ganun? Sobrang hirap ko na nga isimplify yun:lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

kaya nga po :lol: opinyon ko lang naman yan :lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

ok lang naman yun:lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

pero all in all maganda naman yung explanation :giggle:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

may nasabi ba ako dun sa interpretation na hindi mo pa gets dati?
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

ang mga sumusunod: :lol:
  1. konteksto
  2. allusion
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

di ko nga pala nabanggit mga yan dun sa tut ko:lol:



:thanks: sa pagbasa nun kahit medyo mahaba:lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

walang anuman :lol: natuto naman ako eh :pacute:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

buti may natutunan ka don☻

:thanks: ma'm jefi
 
Last edited:
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">



† Sandali ng Katahimikan †


Sa sandali ng katahimikan,
Habang nakamasid ang mga piping saksi
Umiingay ang mga kaisipan sa iyong utak,
Nagkakabuhay ang mga agam-agam.

Nabubuo ang isang mundo
Nang galit at hilakbot
Nang agam-agam at takot
Sa isipa'y kadiliman ang lumulukob.

Pinagmasdan mo ang iyong kamay
Nakikita mo ang talim ng galit
Isang imahe ng naipong pasakit,
Kumakawalang pilit, katawa'y nanginginig.

Sa sandali ng katahimikan
Pipikit ang moralidad
Tatalikod ang awa
Iaalay sa lupa ang dugo ng itim na tupa.


















:thanks:
►for reading◄





126.gif

♣mind^^FREAK♣






To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [9/14/11] Supling ng malikot na isip..<" Sandali ng Katahimikan ">

medyo sensitibo ang paksa ng susunod na akda.. Patnubay ng nakatatanda ay kinakailangan..




† KANDILA †


Sumasayaw ka sa saliw
Nang tahimik na himig.
Umindayog sa musikang hatid
Nang malamig na hanging
Pilit humahaplos
At kumikitil
Sa nalalabing alab ng pag-asa
Sa'yong katauhan.
Kamusmusa'y itinataya
Para sa kaunting liwanag.

Buong yumi mong ipinamamalas
Sa laksang kadiliman

Ang iyong munting pangarap,

Ang mga kilos mo't gilas,

Ang ritwal ng iyong pagsayaw,

Ang sayaw ng pamamaalam.

Sila'y naaakit
Sa bawat indayog.
Di namamalayang bawat kibot
Luhang kumikitil ang dulot.

Ang kamusmusan mo'y unti-unting nauupod
Kasabay ng paglamlam
Nang pag-asang nalalabi
Habang sila'y nagkukubli
Sa pagnanasa ng gabi.

Pumapatak ang pigil na pagtangis


Nauupod ang pag-asa


Nilunod ng alak ang awa


Ibinuga sa usok ang katinuan.


Hatid ng iyong luha ay pagnanasa.


Ikaw na nagsusumamo ng liwanag
Sa kandungan ng dilim napadpad.


















:thanks:
►for reading◄





126.gif

♣mind^^FREAK♣







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [8/13/11] Supling ng malikot na isip..<" MYSTERY ">

Heto experrimental :D. Na weirduhan ako sa umpisa pero nung natapos na :rock: gustong gusto ko na sya :lol:. Hope you like it :giggle: I tried not make it as "dark" as it's supposed to be :D


I
Halika at ating tugtugin
Sonata ng kalungkutan
Isang patay na himig (2x)
Musika sa aking pandinig.

II
Hayaan mong pumatak ang luha
Sa mga kwerdas na inuulila
Sa bawat pag titig, sa bawat pag pihit
Hatid nito'y ligaw na nota

Ref:
Patay na himig
Ligaw na nota
Tahimik na musika
Kay inam sa tenga

Stream/Download
Gitara (with vocaloid Luka/Gackt)
Words: mindFreak
Music: syk-P

http://soundclick.com/share.cfm?id=10980172

DDL:
View attachment 392170
View attachment 392171

Mediafire
http://www.mediafire.com/?yxglfg14lg903bw

Ayos to ganda ng pagka gawa :thumbsup:
 
Back
Top Bottom