Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Canned Thoughts..►UPDATED◄

Re: [8/30/11] Supling ng malikot na isip..<" Banal Na Aral ">

parang mas astig yun pag symphonic sir psyk..:lol: pero ikaw mas alam mo ang bagay..:approve:
 
Re: [8/30/11] Supling ng malikot na isip..<" Banal Na Aral ">




Tatlong Obra ng anghel na Sinumpa


Obra ng Paglikha

Ikaw na makapangyarihan
Lumilikha mula sa kawalan
Ano pa't tyan mo'y kumakalam
Hindi nararapat kalagakan
Ng Haring may lalang.

Kung sa kawala'y kayang lumikha
Simpleng pagkain di mo ba kayang gumawa?
Heto ang bato sa iyong harap
Lumikha ka ng tinapay na walang kasing sarap.

Hindi ba't kay inam kumain
Kung ang tiyan ay dumaraing?
Ang mga aso nga sa labasan
May mumung nakalaan.

Isang kataga mo lamang ang kailangan
Upang kahihiya'y di na maramdaman
Manlilikhang gutom?
Kapangyarihan mo'y nasaan?


Obra ng Pagtitiwala

Halika dito sa tugatog
Mag-ingat ka't baka ika'y mahulog
Ako'y wag mong alalahanin
Mahulog man ako'y hindi dadaing
Kahit pa ako'y iyong itulak
Paa ko'y sa alabok di sasayad.

Ano pa't bakit nga ba ako nangangamba
Kay dami mo nga palang anghel na gwardia
Masalo ka nga kaya nila?
Ililipad na parang agila?

Natatakot ka bang iapak
Ihakbang ang mga panyapak?
Dito sa bangin
Iyong subikin
Kung sa pagbagsak ba'y di ka dadaing.


Obra ng Pagsamba

Masdan mo ang sanlaksang yaman
Tanawin mo ang lawak ng aking kaharian
Hindi ba't ikaw ay kayang lumalang?
Ano pa't kasuotan mo'y tila basahan?

Ang aking mga taga-sunod
Walang mararanasang pagod
Di nila dadamhin ang pagsubok
Di sila sapilitang susunod
Isa lamang ang sa kanila'y utos,
Ang simpleng pagluhod.

Asaan ang iyong yaman?
Asaan ang iyong kaharian?
Oh, dakilang lumalang
Korona mo'y nasaan?

Simpleng pagluhod
Nag-iisa kong utos
Lahat ng pasakit mo'y matatapos,
Pako sa kamay mo'y di na itutulos.







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

:wow: another obra galing :clap:

i am now guessing who are the 3 cursed angel :think:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

isang anghel lang yan tapos tatlo yung obra nya:lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

Ahh iisa lang pala akala ko mag kakaiba :lol:
as usual malalim na naman ang meaning ng tula
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

hehe..ang interpretasyon ng tula nasa utak na ng bumabasa yan:lol:

para pala sa lahat ng babasa halaw yan sa isang scene sa Bible sa matthew chapter 4..
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

yun na-alala ko na nga :lol:
nang tuksuhin ni satan si jesus christ :unsure:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

uu yan nga yon..nilagyan ko lang ng interpretasyon:lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

yung revelations kaya mo :unsure:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

ayaw ko nun nakakatakot:lol:

pero hayaan mo't hahanap ako ng isang part dun tapos tutulaan ko..mahirap kasing italinhaga yung dati ng malalim na talinhaga:lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

italinhaga ang dati ng matalinhaga :lol:

hihintayin ko yan ha :pacute:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

matagal pa yan..o depende sa mga musa kung kailan sila hot:lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

sinasalitaan mo na naman ako ng salita mo :rofl:

ano ang musa :book:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

musa..diwata..mga babaeng diyosa..kadalasan ginagamit ng mga makata upang tawaging kanilang gabay.
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

kala ko dati hayop yung musa :lol: pinagsamang pusa at musang :lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

ahh yun pala ang musang :lol:



syksyk :laugh: adik ka talaga :lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

sir psyk:rofl: pusa at musang crossbreed:lol:

ma'm jefi
ayun ang musa..kung baga mga spiritung gabay mga makapangyarihang nilalang. Pero mga chicks yan.
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

ahh mga chicks pala ang gabay mo :lol:
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

kasi sa metolohiyang filipino diba mas madami sa mga makapangyarihang nilalang eh babae, madami tayung sikat na chicks..

saka madami sa mga makata ay lalaki..

may thread ako na ihinanda isang pagbasa at interpretasyon ng tula san ba dapat ipost yun?
 
Re: [9/02/11] Supling ng malikot na isip..<" Tatlong obra ">

oo nga pala yung mga maria maria kung tawagin :lol:


post mo na lang dito sa quotes and poems :yes:

d/p ka :unsure:



may ipapasuri ako sayong tula :whisper:
 
Back
Top Bottom