Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Canned Thoughts..►UPDATED◄

Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

salamats :salute:

produkto yan ng malikot naming pagiisip ni mind :D
 
Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

rasheed
:thanks: sa pagappreciate..kahit ako hanggang ngayon kahit lang ulit ko na napakinggan yang kanta na yan namamangha pa din ako.

Yan ay kolaborasyon ng kakulitan ng mga isip namin ni syksyk:lol:


sir psyk
inaantay ko yung banal na aral:lol: medyo dark pa din ha.yung mabigat..:lol:


kando
shortcut ko na kasi baka ma wrong spell..:thanks: sa pagappreciate sa mga supling ng malikot na isip..
 
Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

oo :D me structure na rin yung melody... :D

hybrid ang scale kaya medyo nahirapan ako :giggle:
 
Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

talagang todo effort sir syk ah..:lol:
sigurado maganda na naman kalalabasan nyan:salute:
 
Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

ang kati ng liriko ng kanta mo idol.haha kung anong kinaikli napakalalim naman. :D

Astig ng pagkakagawa nung "Kandila" unang stanza palang busog ka na sa imahe tapos yung daloy ng istorya hagod na hagod silky smooth talaga ang galing. :clap:
 
Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

Kapag tatak san docena, da bes ang obra. :D


OT: Vintot! I missed you! :hit: hehehe. . . San ka ba nagsusuot? lol buti naman at nandito ka na. Welcome back bro! :toast:
 
Last edited:
Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

galing ni masterMIND. Imba talaga :clap:

OT: Master P. naging busy lang sa work na sampulan kasi ako ng memo.haha ASAP mag update na ako ulit dito ng mga kalat ko :D
 
Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

naku boss vintot ang laki na ng ulo ko nyan:lol:

yan ang namis ko ng sobra sayo eh:blush:


naging mabait lang ang mga musa sa pagkakaloob ng mga linya:lol:


padre:hat: salamas!
 
Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

idol sobrang bagsik, sobrang linaw, sobrang ganda, napakagaling ng pagkakagawa,:praise:

bawat linya nakakapaso sa ganda:praise:

nangunguna na yang kandila na yan sa paborito kong gawa mo idol:praise:
 
Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

:thanks: teacherM kaligayahan ko na makagawa ng mga linya na makakapag inspire pa sa ibang mga manunulat.

natutuwa ako't unti-unti ng nagmamature ang section natin na ito at nawa pag patuloy pa natin iyon.

mga kapanalig:rock:
 
Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

produkto ng malilikot na isip:salute:

galing:approve:
 
Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

:thanks: kapanalig na recci iyang ay supling ng malikot na isip na ibinunga mula sa pakikipagniig sa mga musa ng talinhaga:lol:
 
Re: [9/22/11] Supling ng malikot na isip..<" kandila ">

ang tagal ko hindi nakapag-update sa mga mangilan-ngilang taga-subaybay ng thread na ito paumanhin po..

Matagal na itong tula na 'to actualy lyrics sya ng isang kanta na pinagawa sa akin para sana isali sa isang patimpalak, ewan ko di at natuloy yon:lol:

nung mabasa ko ang tula ni vintot naalala ko kaya eto gagaya din ako ng post about sa kalikasan.:rofl:



† Biyayang Kalikasan †

Kalikasa'y lumuluha
Sa pasakit na napala.
Kabundukang luntian,
Mga ilog na dalisay
Tila ba larawan ng kahapong nilimot.

Posible pa kayang manumbalik
Sigla ng kagubatan?
Mga huni ng kulisap
Muli pa bang mauulinigan?
Posible pa kayang masilayan
Ang mga batis na busilak?

Lilipad pa kaya
Malayang ibon sa kalangitan?
Mamamangha pa ba ang bukas
Sa yaman ng dagat?

Nasa iyong kamay
Pagmasdan ang iyong kagagawan.

Minsan pa'y mangarap
Ang nakaraa'y makita sa hinaharap.
Muling umibig sa sinapupunan
Na pinagmulan
Ng lahat mong kinakailangan.

Ang pagbabago ay nagsisimula
Sa simpleng paraan
Buksan ang malay
At pahalagahan
Ang biyayang kalikasan.



















:thanks:
►for reading◄





126.gif

♣mind^^FREAK♣






To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [10/07/11] Supling ng malikot na isip..<" Biyayang Kalikasan ">

haha nature lover ka din pala idol. :lol:
 
Re: [10/07/11] Supling ng malikot na isip..<" Biyayang Kalikasan ">

hehe..uu nature lover din ako:lol: naaalala ko yung mga panahon na umaakyat kami ng bundok..malakas makainspire ang imahe ng nature kasi it gives some kind of a feeling pag nasa nature ka na nakakapag papayapa.. Yung mga ibang tula ko naisulat yan while communing with nature:lol:
 
Re: [10/07/11] Supling ng malikot na isip..<" Biyayang Kalikasan ">



Pula sa lupa





Tumatangis mula sa lupa
Ang dugo ng biktima
Mga pulang luha
dumadaloy sa mukha
Niyang minsan sa hardin
Ay nagpatirapa.
Paghihirap ay nabaliwala.

Iisang pulang bigkis
Ang sa ati'y pilit naglalapit
Ano pa't talim ng galit
Hindi pa din maiwaglit.
Ngipin sa ngipin
Mata sa mata,
kamay mo'y balot ng pula.

Iisa ang pinagmulan
Ng pulang batis
Na dumadaloy sa ating laman.
Bakit 'di tayo magkaunawaan
Kulang paba ang pagkapula ng lupa?
Mahirap ba talagang umunawa?

Di pa ba sapat
Ang pulang mantsa sa palad?
Ilang bata pa ba ang iiyak
Ilang kinabukasan pa ang mawawasak?
Bago imulat ang mata
At matuyo ang pula sa lupa.







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [10/07/11] Supling ng malikot na isip..<" Biyayang Kalikasan ">

Ganda ng Pula sa Lupa :))
Very nice imagery..
Oo nga kailan ba mapapagod ang tao..
masyado nang maraming dugo ang dumadanak sa lupaaaaaa.. :(
Minsan nakakagulat nalang ang mga balita..
Parang ang dali na para sa iba ang kumitil ng buhay. :(

HAAAAYYYY.
 
Re: [10/25/11] Supling ng malikot na isip..<" Pula Sa Lupa ">

:thanks: binibini ikaw ang bwenamano..

madami na kasing pangyayari na dapat pumukaw na sa isip ng mga tao matagal ng panahon ang lumipas.
 
Re: [10/25/11] Supling ng malikot na isip..<" Pula Sa Lupa ">

Basta si mind^^FREAK ang gumawa
Wag na kayong magtaka
Kung madami ang humahanga
Dahil tatak yan ng san docena. :thumbsup:
 
Back
Top Bottom