Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Canned Thoughts..►UPDATED◄

Re: Mga Tulang Kanto..►Index page 1◄

Pakpak ng pangarap

Halika't tayo'y lumipad
Mga pakpak ng pangarap
Ang maghahatid sa hinaharap.
Maglaro tayo sa mga ulap
Sa lupa'y tuluyang kumalas.

Habulin natin
Ang hangin ng pagkakataon
Huwag antayin
Pansin nito'y sa atin matuon.
Likhain natin ang sariling landas
Huwag patangay sa ibang pumapagaspas.

Liparin ang kalawakan
Ipagaspas ang pangarap
Pumailanlang sa alapaap
Kalayaa'y sayo aakap.

:thanks: for reading:hat:

:rock:

To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: Mga Tulang Kanto..►Index page 1◄

Pasubscribe dito sir mind. Taytel palang ng mga tula ang sarap ng basahin. :thumbsup:
 
Re: Mga Tulang Kanto..►Index page 1◄

Pasubscribe dito sir mind. Taytel palang ng mga tula ang sarap ng basahin. :thumbsup:

Wag palinlang sa title:lol:

:thanks: sa patuloy na pagbabasa ng mga trippings ko kaibigan.
 
Re: Mga Tulang Kanto..►Index page 1◄

Sa kanlungan ng kapahingahan,
Habang tahimik kang nakahimlay.
Patawarin mo ang aking kapangahasan.

Sa marahan kong paglapit,
Dama ko ang init ng iyong hininga
Habang tahimik kang nakahimlay.

Kay sarap mong pagmasdan
Isang larawan ng ligaya
Sa kanlungan ng kapahingahan.
Huwag ka sanang magising
Sa ingay ng aking pagbulong
Habang tahimik kang nakahimlay.

Sa paglalim ng gabi di na makapagtimpi,
Pagnanasa'y patindi ng patindi.
Walang pakialam kung ako ma'y masawi.
Basta't ika'y matikman kahit sandali.

Isang maliit na halik sa balat mong kay kinis
Isang pinong kagat, puno ng pang gigigil.
Patawarin mo ang aking kapangahasan.

"LAMOK"

:thanks: for reading:hat:

:rock:

To access the Index►Click me◄
 
Re: Mga Tulang Kanto..►UPDATED last page◄

^Dami kong tawa dito. :thumbsup: ulit sir.
 
Re: Mga Tulang Kanto..►UPDATED last page◄

:thanks: sa pag basa kaibigan:hat:
 
Re: Mga Tulang Kanto..►UPDATED last page◄

Up lang para sa ibang di pa nakabasa.
 
Re: Mga Tulang Kanto..►UPDATED last page◄

Bump. Para sa mga di pa nakakabasa.
 
Re: [9/14/11] Supling ng malikot na isip..<" Sandali ng Katahimikan ">

medyo sensitibo ang paksa ng susunod na akda.. Patnubay ng nakatatanda ay kinakailangan..

† KANDILA †

Sumasayaw ka sa saliw
Nang tahimik na himig.
Umindayog sa musikang hatid
Nang malamig na hanging
Pilit humahaplos
At kumikitil
Sa nalalabing alab ng pag-asa
Sa'yong katauhan.
Kamusmusa'y itinataya
Para sa kaunting liwanag.

Buong yumi mong ipinamamalas
Sa laksang kadiliman

Ang iyong munting pangarap,

Ang mga kilos mo't gilas,

Ang ritwal ng iyong pagsayaw,

Ang sayaw ng pamamaalam.

Sila'y naaakit
Sa bawat indayog.
Di namamalayang bawat kibot
Luhang kumikitil ang dulot.

Ang kamusmusan mo'y unti-unting nauupod
Kasabay ng paglamlam
Nang pag-asang nalalabi
Habang sila'y nagkukubli
Sa pagnanasa ng gabi.

Pumapatak ang pigil na pagtangis

Nauupod ang pag-asa

Nilunod ng alak ang awa

Ibinuga sa usok ang katinuan.

Hatid ng iyong luha ay pagnanasa.

Ikaw na nagsusumamo ng liwanag
Sa kandungan ng dilim napadpad.

:thanks:
►for reading◄

http://onions.itcywel.tk/cc/126.gif
♣mind^^FREAK♣

To access the Index►Click me◄

habang binabasa ko ito, naiimagine ko na nasa isa akong madilim na lugar o kwarto.
may mga ilaw na patay sindi, malakas na tugtugin na sumasabay sa tibok ng puso ko.
may mga kalalakihan at konting kababaihan na nakaupo sa paligid.
halos naaamoy ko ung alak at buga ng usok mula sa mga upos na sigarilyo.
tapos sa gitna may parang entablado na may spotlight na nakatutok..kung saan makikita mo ang isang babaeng nakatayo.
balingkinitan at mukhang may kabataan ang edad. pero pag tiningnan mo sa mata, parang matanda na dahil masyadong marami na syang nakita sa murang edad niya.
what i like about this is how the writer can transport the reader with their words. i can also feel a lot of things. pag-kaawa..paghihinayang..regret for innocence lost and pity for the girl..and how her circumstances affected her..and hope..because i can't help but hope for her to have something better.:weep:
thank you for this piece :thumbsup::salute:
 
Re: [9/14/11] Supling ng malikot na isip..<" Sandali ng Katahimikan ">

isa sa mga elemento ng tula na mahalaga ay yung pagset ng stage o pag gawa ng entablado para sa iyong mensahe. Maari naman na wala ito pero mas masarap basahin ang tula kung unti unti ka nitong dinadala sa kanyang mundo.

:thanks: sa pag basa:hat:
 
Re: [9/14/11] Supling ng malikot na isip..<" Sandali ng Katahimikan ">

medyo sensitibo ang paksa ng susunod na akda.. Patnubay ng nakatatanda ay kinakailangan..

† KANDILA †

Sumasayaw ka sa saliw
Nang tahimik na himig.
Umindayog sa musikang hatid
Nang malamig na hanging
Pilit humahaplos
At kumikitil
Sa nalalabing alab ng pag-asa
Sa'yong katauhan.
Kamusmusa'y itinataya
Para sa kaunting liwanag.

Buong yumi mong ipinamamalas
Sa laksang kadiliman

Ang iyong munting pangarap,

Ang mga kilos mo't gilas,

Ang ritwal ng iyong pagsayaw,

Ang sayaw ng pamamaalam.

Sila'y naaakit
Sa bawat indayog.
Di namamalayang bawat kibot
Luhang kumikitil ang dulot.

Ang kamusmusan mo'y unti-unting nauupod
Kasabay ng paglamlam
Nang pag-asang nalalabi
Habang sila'y nagkukubli
Sa pagnanasa ng gabi.

Pumapatak ang pigil na pagtangis

Nauupod ang pag-asa

Nilunod ng alak ang awa

Ibinuga sa usok ang katinuan.

Hatid ng iyong luha ay pagnanasa.

Ikaw na nagsusumamo ng liwanag
Sa kandungan ng dilim

Inabot ako ng anim na ulit na pagbasa bago ko tuluyang nakuha ang isang ito. Sa kagaya kong inosente sa tula ay isang payak na tula ang aking nabasa nung una at pangalawa ko itong mabasa .Kahalintulad nito ay masarap na pagkain,pamilyar na lasa ngunit hindi mo alam ang tawag sa putahe. Nakakagimbal pala ang katotohanang nakakubli sa aandap andap na ilaw,ang pagtangis ng babaeng sumasayaw. Ang kalungkutan sa kaisipan na sa murang edad ay napasukan ang masaklap na yugto sa buhay,kabaligtaran sa alab ng kamunduhan ng mga nanunuod na walang kaalam alam sa kanyang pinagdadaanan. Ang lalim ng isang ito bes! Pero kapag nakuha mo ang ibig sabihin dyusko naguilty tuloy ako,ilang beses din akong nagliw-aliw sa ganito,haha. Ang tindi neto!! Tagumpay na naihayag ng paggamit ng kandila ang pagsasalarawan sa tila nagdidilim na yugto ng buhay ng bida,at ang pagkapit sa nalalabing asam na pag-asang may liwanag pang natatanaw,sa patay sinding ilaw. Nakadagdag sa imaheng nais ipaabot ng tula ang pagbitaw ng mga linyang tila bumabagal at may pahinga. Basta,ang panghuli kong masasabi bilang pagwawakas ko sa komento ko ay "pu****ina,ang husay ng isang ito.
 
:thanks: sa masusing pagbasa ng tula na ito.. salamat at na appreciate mo kaibigan.
 
ayos trops! may ganito ka pala? nahiya tuloy akong mag compile ng mga haiku ko :lol:
 
Back
Top Bottom