Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

I Miss You Like Crazy (Start2Fin)

Chapter 1 - Even Though

"Mahal kita Andrew!!!" makabasag tengang sigaw ng isang babae sa Araneta Center-Cubao Station ng MRT. Alas-nuwebe y medya na nang gabi yon kaya siguro ganoon kalakas ang loob niyang ipahiya ang sarili.

Nakatayo siya, nakadungaw sa harap ng Araneta Coliseum, ako? Nakaupo ako. Tahimik na naghihintay ng tren, at tahimik na nakikiusyoso.

"Shit ka!!!" sigaw niyang muli bago umalis sa kinatatayuan at tumabi sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang ispiritong kasama niya. Wag kang matakot. Ispirito ng ALAK ang kapiling niya.

Dumating na ang tren na sasakyan ko, namin siguro...

Patayo na ako nang hilahin niya ako paupong muli. Tinignan ko siya, nagtaka ako syempre. Pero hindi niya lang pala ako pauupuin, SINAMPAL niya pa ako. Kaya sumobra na ang pagtataka ko na halos humiwalay na si mukha ko.

"Walanghiya ka!" sigaw niya sa akin, bumukas na ang pinto ng tren at naglabasan na ang mga tao. "Panagutan mo ako!!!"

Bukod sa pamumula ng pisngi ko dahil sa sampal niya, namula ang buong pagkatao ko sa hiya. 'Tarantadong babae to,' isip-isip ko.

Sa isinigaw niyang iyon, maski mga insekto lumingon sa amin, nakatingin sa akin. At narinig ko ang mga bulong nila, hindi na pala bulong yon dahil naririnig ko, pasaring na pala ang tawag doon.

"Bubuntis-buntis hindi paninindigan..."

"Sana pinutok mo na lang sa banyo..."

"Nag-condom man lang sana..."

"Maraming pampalaglag diyan sa baba..."

"Malandi naman kasi yung babae..."

Narinig din niya yung 'Malandi' agad siyang tumayo at nilapitan yung babaeng nagsabi non, "hoy! Ikaw! Sa pangit mong yan, kahit lumandi ka pa, walang bubuntis sayo!"

Natahimik yung babaeng sinigawan niya, at mabilis na lumayo. Bumalik naman siya sa kinauupuan ko. At biglang umiyak.

Isinandal ko siya sa aking balikat para doon umiyak at nag-abot ako ng panyo. Gentleman pa rin, kahit sagad sa buto ang kahihiyang ibinigay niya sa akin.

Chapter 2 - So Long
Chapter 3 - For You
Chapter 4 - Going Strong
Chapter 5 - The Things
Chapter 6 - We Used To Do
Chapter 7 - Sunshine
Chapter 8 - I Try to Deny
Chapter 9 - But
Chapter 10 - Inlove With You
Chapter 11 - Can See
Chapter 12 - The Love
Chapter 13 - In Your Eyes
Chapter 14 - It Comes
Chapter 15 - Sweet Surprise
Chapter 16 - Seeing's Believing
Chapter 17 - Worth the Wait
Chapter 18 - Hold Me
Chapter 19 - Tell Me
Chapter 20 - Not Too Late
Chapter 21 - So Good
Chapter 22 - Together
Chapter 23 - Starting
Chapter 24 - Just One Night
Chapter 25 - Magic Feeling
Chapter 26 - Hold On Tight
Chapter 27 - Whatever Comes
Chapter 29 - Chance of Love
Chapter 28 - Make It Through

Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel

 
Last edited:
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.7)

wala pa bang katuloy. thanx po
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.7)

Chapter 8 - I Try to Deny

"Ano pang tinatayo-tayo mo d'yan? Tara na!" sigaw niya pagkababa niya ng telepono. Paakyat na kami ng second floor ng maisipan kong mag-usisa.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko.

"Naglalakad."

Impakatang pilosopo 'to ha... "ibig kong sabihin, ano 'tong ginagawa mo sa akin?"

Nagpatuloy lang siya sa paglakad. Pumasok kami sa isang coffee shop at doon may pinakilala siya sa akin, "tara na..."

Ngayon tatlo na kaming naglalakad ng sama-sama, hindi ko na talaga alam kung anong ginagawa ko, sumusunod lang ako sa kanila na parang asong maamo.

Pumasok naman kami ngayon sa isang shop, nag-usap silang dalawa, habang ako'y abalang nagtitingin ng magagandang pang-porma at napapamura sa mga presyo nila.

Halatang-halata, na ako ang pinag-uusapan nila kahit nag-iikot na sila sa buong boutique. Titingin sa damit, titingin sa akin, paulit-ulit, para bang magsha-shoplift ako...

Ilang saglit lang, "Jaf! Halika dito!" sigaw ni Marj na parang nagtatawag lang ng aso na pakakainin.

Ipinasok ako nung lalaking babae na kasama namin ni Marj sa cubicle. *parang awa mo na... virgin pa ako... i don't want you to be my first...*

"Hubarin mo na 'yang tops mo..." sabi niya.

Umiling ako.

"Sige let me do it for you..."

"SUBUKAN MONG LUMAPIT SASAPAKIN KITA!"

Pumasok bigla si Marj, "Jaf! Stylist yan! Pagpapalitin ka niya nang damit! Nakakahiya dito sa labas!" pasigaw na bulong niya.
................................

"Marj... Meet the new Japhet..." entrada ng lalaking babae na kasama ni Marj sa akin.

Actually, wala akong pake, busy ako sa pag-aayos ng pagkakasuot sa akin ng relo, kaya hindi ko na nakita ang reaction ni Marj. Nahuli ko na lamang siyang nakatingin sa akin, at pagtama ng mga mata namin, bigla niyang iniwas ang tingin niya.

"Marj... Ano? Andrung-Andrew 'no?... Kapag ayaw mo 'te akin na lang ha..." dagdag nung kasama ni Marj.

"Sira!" sagot ni Marj, "Jaf, si Apple nga pala... Alfonso Tibag... Kaklase ko nung high school, nag-take siya ng crash course sa fashion and styling..."

"Hindi mo na sana binanggit yung tunay na nem ko, hindi ko nga mabanggit sa sarili ko eh..." sagot naman niya.

Matapos ang pagpapakilala, umalis kaming muli ni Marj, sumakay sa MRT, at bumaba kung saan kami unang nagkita, Araneta Center - Cubao Station.

"Saan ba tayo pupunta?" actually, ilang beses ko nang tinatanong sa kanya yan, at iisa lang ang parati kong nakukuhang sagot, 'malapit na tayo.'

8 o'clock PM, nakaupo kami sa loob nang isang bar sa gilid ng Araneta. Nagpaalam akong mag-CR. Maya-maya nagsidatingan ang grupo ng mga babae at bumeso lahat kay Marj.
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.8)

bitin... :more:

:thanks: dito., next time ko na hit yung sa bawat chapter., naubusan eh., abangan ko mga akda mo.. :salute:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.8)

Chapter 9 - But

"Girl, advance happy birthday..."

"Ui, 20 ka na bukas..."

"I've heard darating daw si Andrew..."

Mga bagay na narinig ko nang palapit na ako sa kanila.

"O, ayan na pala si Andrew..." lingon sa akin nung isang babae.

Agad namang napatingin si Marj, halatang-halata ang interes sa mukha niya na makikita niyang muli si Andrew. Pero agad namang nawala yon nang ako ang makita niya, "no, he's not Andrew," sabi niya sa mga kaibigan niya, sabay lapit sa akin at kapit sa braso ko, "this is Japhet, Jaf, this is Ann,..."

Matapos akong ipakilala ni Marj sa mga kaibigan niya, nagkanya-kanya din sila nang attention. Ngayon, si Marj ang kaharap ko sa mesa ngayon, pinapanood siyang maglasing, "inom ka..." alok niya sa akin.

Umiling lamang ako, maya-maya, tinanong ko siya, "darating si Andrew?"

Kibitbalikat lang ang natanggap ko mula sa kanya. Alam ko na kung anong ginagawa ko dito. Alam ko na kung ano rin ang gagawin ko dito. At handa ako, tanggap ko kung anong role ko ngayong gabi, I'll be on her side.

Ilang saglit, nagbago ang emosyon sa buong paligid, sa mukha ni Marjorie.

Paglingon ko, bumebeso ang mga kaibigan ni Marj kay Andrew, kilala ko na siya, parang ako lang. Lumapit siya sa mesa namin, nakipagkamay kay Marj at bumeso rin.

"It's been a while..." bungad ni Andrew.

"Yah," tungo ni Marj, "oh, Andrew, this is Japhet..." pakilala niya sa akin.

"P're, Japhet..." alok ko ng pakikipagkamay sa ex ni Marjorie, tumugon naman siya. Napatingin siya sa akin, titig.

"Bakit?" tanong ni Marj kay Andrew.

Hindi na nasagot ni Andrew ang tanong ni Marj nang may yumakap mula sa likod ni Andrew.

"Baby..." tugon nito ng makita ang nasa likod, "Marj, this is Samantha..." nakipagkamay naman si Marj.

Awa ng Diyos, umalis din sila sa harapan naming dalawa. Ngayon, hindi ko na alam kung anong emosyon na ang naglalaro sa buong pagkatao ni Marj. Maya-maya, tinanong ko siya, "mahal mo pa si Andrew?"

Nilaklak muna niya ang inumin niya bago ko kinaladkad.
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.9)

..kabitin naman.. inaabangan ko pa naman to.. hehehe.. astig eh.. parang ako lang.. hahah
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.9)

Chapter 10 - Inlove With You

♫♫♪♪ Simula sa pinakataas ng katawan hanggang sa pababa ng pababa sa balakang, everybody now! ♫♫♪♪

[Song by Gloc9]

Ni-minsan sa buhay ko... Hindi ko na-imagine ang sarili ko na gagawin ko 'to. Heto ako ngayon, nasa harapan ng isang babaeng lasing, nagwawala sa gitna ng entablado. At obligado akong tumugon sa ginagawa niyang kahihiyan...

'Is this girl she's all about? Ang bigyan ako ng kahihiyan?'

Kung makapag-pagpag siya ng ulo niya, siguradong walang ni isang kuto o kuyumad ang maiiwan sa buhok niya. Actually... Ako ang nahihilo para sa kanya.
................................

"Bye!" sigaw niya sa mga kaibigan niya. Akala mo kung sinong makasigaw... Masakit kaya sa tenga... Pasan ko na naman kasi siya.

Naglalakad na ako, karga siya, papunta sa MRT Station, "mahal mo pa si Andrew?" tanong ko sa kanya.

Wala akong sagot na nakuha, pero alam ko naman na yung sagot eh, sinigaw na ng damdamin niya kanina.

"Shit!" bakit? Under maintenance ang elevator, kaya ibigsabihin, maghahagdan kami, este ako, pero kasama siya, pero buhat ko siya kaya ako lang, pero parehas naman kaming makakarating sa taas. MAKIPAGTALO BA SA SARILI?!

Nakarating naman kami sa MRT, walang kapagod-pagod, siya. Nakabili na ako ng ticket para sa aming dalawa, pero ng papasok na kami, hinarang kami ng Guard.

"Lasing?" turo niya sa babaeng karga ko.

Tumango lang ako.

"Hi kuya!" bati naman ni Marj sa guwardiya.

Napailing lang yung guard, "palakarin mo yan... Andyan kasi si bossing, sisitahin kayo non..."

Grabe, sikat na sikat 'tong kasama ko sa mga guard ng MRT. Kinondisyon ko siya sa gilid, maamong-maamo siya ngayon, hindi pumapalag.

Nakapasok naman siya, ng maayos, maayos-ayos. Maayos naman ang lahat. Nakasakay naman kami ng maayos. Maayos.

Sa loob ng tren, "nasusuka ako..."

"Ha?!" mangiyak-ngiyak kong tugon.

"NASUSUKA AKO!!!" sigaw niya. At dahil don, tinalo pa namin lahat ng billboard along MRT, lahat na nakatingin sa amin.

Nang biglang may kumalabit sa kaliwa kong balikat, si Mother Superior! Isa sa mga madre kagabi. Nag-aabot ng plastic bag.
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.10)

Chapter 11 - Can See

"Mag-toothbrush ka muna bago humiga," utos ko sa kanya habang nakaupo siya sa kama ko, "maglinis ka na rin ng katawan para makatulog ka na..."

Masunurin siya ngayong gabi, nakapaghanda na ako ng makakain sakaling gutumin siya matapos maligo.

Suot na naman ang damit ko, umupo siya sa dining table, tulala.

"OK ka lang?" tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya.

"Kain ka na."

Umiling naman siya.

"OK... May itatanong sana ako... Medyo personal."

"Sa tingin mo? Mahal ko pa ba si Andrew?"

"Ah... Oo... Teka, ako magtatanong di ba?"

Tulala ulit siya.

"Ah... OK... Maliligo lang ako... Kain ka lang d'yan..."

Andaming bagay ang naglaro sa isip ko habang nasa banyo. Technically, isang araw pa lang kaming magkakilala. Pero, ewan ko... Hindi ko naman masabing mahal ko na siya, kasi hindi ko pa nasusubukan magka-GF, kaya hindi ko pa alam ang ganoong pakiramdam. Pero... Merong 'meron' sa kanya eh... Hindi ko maipaliwanag pero... Merong bagay sa kanya na alam ko... Alam kong gusto ko. Teka... Ano yon? Sinilip ko siya sa dining table, kasalukuyang hinahalo ang isang tasang Milo. Dahil ba sa maputi siya? Maganda siya? O dahil sa sexy siya? Ang dumi na nang isip ko...

Pagkatapos ko namang maligo, umupo muli ako sa tapat niya.

"Sa tingin mo?... Kaya mo akong mahalin?" tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin. Napangiti, sarcastic.

Tumayo ako at lumipat sa sofa para doon humiga, "Sa kama ka na ulit matulog," sabi ko sa kanya sabay talikod, pahiya.

Nagising na lang ako nang may kumalabit sa likod ko, hindi ako na may ibang tao sa bahay, kaya nagulat ako. Pero mas nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.

May nakalapat sa mga labi ko, labi ni Marj.
................................

Kinabukasan, maaga akong ginising ni Marj, na katabi kong natulog.

"May pupuntahan tayo," sabi ni Marj.

"May shift ako ngayong linggo ng tanghali sa SM Fairview," sagot ko.

"Tinawagan ko na yung Sir Boy sa phone book mo."

Nagtaka ako. Paano niya malaman?

"Tinanong ko naman muna kung siya yung boss mo, ayun, pinaalam na kita."

"Anong sabi?"

"OK lang daw..."

"Ano bang paalam mo?"

"Mamamanhikan ka sa amin..."
................................

"Anong klaseng convenient store 'to? Walang nose pack!" sigaw ni Marj, nasa Pasay kami... At hindi ko alam kung bakit, "Jaf, kumuha ka nga ng gatas... Yung fresh milk."

Feeling? Maka-utos, parang alalay ako.

Bumalik ako sa tabi niya pagkakuha ng gatas, "pumunta ka ng Pasay para uminom ng GATAS?!"

"Hindi ako umiinom ng gatas!!!" sigaw niya.

Napakunot-noo ako, "bakit?"

"Lactose Intolerant ako."

"Ano yon?!"

"Sumasakit ang tiyan ko kapag nag-i-intake ako ng milk... OK na?!"
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.11)

aba., parang ako lang may lactose intolerance., hehe! :D

sana pahabain mo pa yung story., salamat ulit.. :salute:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.11)

Chapter 12 - The Love

"Ah... Bawal ka nang gatas..." sabi ko sa kanya, "kaya pala alak ang nilalaklak mo..."

Kinutusan niya ako, "maupo ka na lang d'yan, babayaran ko na lang itong mga 'to."

Maamo naman akong umupo, maya-maya sumakay kami ng taxi. Pero may isa pa akong nalaman sa kanya...

"WAG MO KONG IWAN DITO!!!" sigaw niya sa akin pagkatawid ko.

"Siraulo ka ba? Eh di tumawid ka!"

"Tarantado ka! Hindi ako marunong tumawid!"

WATDAPAK? "Bente anyos ka na!!! Hindi ka pa marunong tumawid?"

"Kapag inabutan kita d'yan ISANG LIBONG KUTOS ang aabutin mo sa akin!"

"Kung ganun din lang... Bakit pa kita itatawid dito?!" kakaiba talaga siya. And that what makes her so much special to me. Hulaan mo na lang kung paano siya nakatawid. Clue: basta hindi talaga siya tumawid, at yon din ang naging paraan para makarating kami sa kanila.

"Nasa church pa sila papa, 2pm pa uwi nila..." sabi niya sa akin pagkalapit namin sa isang malaking gate, sapat na para hindi mo makita ang laman sa loob.

Biglang bumukas ang maliit na pinto sa gilid ng malaking gate, "Good morning Ma'am..." bati ng guwardiya kay Marj, "Good morning Sir..."

"Apeng... Ito pala si Japhet, tandaan niyo na mukha niya, madalas na siyang pupunta dito," utos niya sa guard.

Napakunot-noo akong muli...

"Kaya ayoko sa palayaw mo!" pabulong niyang sigaw sa tenga ko.

Pagkapasok namin sa loob, pinakita niya sa akin ang litrato ng buong pamilya niya, Papa niya na hindi niya kamukha, Mama niya na ganun din, pero bumawi naman sa kuya.

"Si kuya Lino," pakilala niya sa akin, "ayaw niya kay Andrew, ewan ko lang sayo, hindi naman siguro itsura ni Andrew ang ayaw niya..."

"Ah... Bakit nga pala kayo naghiwalay ni Andrew?"

"Ang alam nila Papa, ako ang nakipaghiwalay..."

"... Ano naman sa pagkakaalam mo?"

"Yun lang dapat mong malaman."

Natahimik na lang ako, naglibot ng mga mata na tila magnanakaw.

"Nakalimutan kitang dalhin sa derma kahapon, tapos wala pang nose pack... Kaya... Gagawa tayo..."

Kumuha siya ng maliit na plastic container, binuksan ang gatas at kumuha ng isang kutsara mula dito, hinalungkat pa ang mga pinamili, inilabas ang isang paketeng gelatin mix at kumuha din ng isang kutsara mula dito. Hinalo ang kadiring ginagawa at inilagay sa microwave, sinet sa 5 seconds at...
 
Last edited:
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.12)

ahhh., yun pala ginawa nya sa gatas., hmmm., next chapter na.. hehe! :peace:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.12)

ahhh., yun pala ginawa nya sa gatas., hmmm., next chapter na.. hehe! :peace:

medyo minamadali ko na kasi lumilikot nanaman ang mga kamay ko... (parang clepto lang...) nagco-conceptualize nanaman kasi ako ng bgo... tapos about to continue na ung pananagutan since nakita ko na yung nawawala kong draft nun... next story ko is Anghel sa Lupa...
maraming salamat sa pagtangkilik mo eshmiee... mukhang sembreak mo ha... at wala kang pinagkakaabalahan sa buhay... unit test namin sa mga susunod na araw kaya... alam na yan... kailngan madaliin ang story...

:thanks: ulit!!!

muuuuuuaaaaaahx...
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.12)

naku TS graduate no po ako at nagwo-work na ako ngayon., mahilig kasi akong magbasa eh., kaya nawiwili ako dito., salamat sa pag-share ng iyong mga likha.. :salute:

goodluck sa iyong studies at pagsusulat.. :D
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.12)

hmm.. 1st time kong magbasa ng gawa mo.. hmm.. natuwa ako.. galing mo magsulat.. :approve:


kelan ang kasunod?
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.12)

nice ts ayus to heheh:thumbsup:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.12)

medyo minamadali ko na kasi lumilikot nanaman ang mga kamay ko... (parang clepto lang...) nagco-conceptualize nanaman kasi ako ng bgo... tapos about to continue na ung pananagutan since nakita ko na yung nawawala kong draft nun... next story ko is Anghel sa Lupa...
maraming salamat sa pagtangkilik mo eshmiee... mukhang sembreak mo ha... at wala kang pinagkakaabalahan sa buhay... unit test namin sa mga susunod na araw kaya... alam na yan... kailngan madaliin ang story...

:thanks: ulit!!!

muuuuuuaaaaaahx...

san ka nag-aaral? at ano ang kurso mo? not that you're obliged to answer. :rolleyes: but if you could satisfy my curiosity. . . ;)

anyways, the plot is just uh. . . so-so but you've made the characters believably human. and that, for me, is the redeeming point of this story. i'm actually looking forward to the next part.

keep writing!
 
Last edited:
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.12)

cguro devcom course nyan.. ^^ hilig magsulat eh..^_^ keep writing..
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.12)

san ka nag-aaral? at ano ang kurso mo? not that you're obliged to answer. :rolleyes: but if you could satisfy my curiosity. . . ;)

anyways, the plot is just uh. . . so-so but you've made the characters believably human. and that, for me, is the redeeming point of this story. i'm actually looking forward to the next part.

keep writing!

& @redgewafu

wahehehe... sa TUP-Taguig po ako nag-aaral... BS in Civil Engineering... madugong 2 days pa... wahehehe... exam exam...

salamat po sa pagbabasa nito...
:thanks:
WAPAAAAAK!
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.12)

wow!, tupian ka rin pala., ako TUPC.. hehe!, napadaan lang akala ko may update eh., sige goodluck po.. :salute:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.12)

wow astig okay! aha bagay na bagay sa kurso mo yung pagsusulat mo bro hehe :lol:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.12)

galing naman...:clap:

:pacute: inlove ka siguro nuh?
 
Back
Top Bottom