Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

I Miss You Like Crazy (Start2Fin)

Chapter 1 - Even Though

"Mahal kita Andrew!!!" makabasag tengang sigaw ng isang babae sa Araneta Center-Cubao Station ng MRT. Alas-nuwebe y medya na nang gabi yon kaya siguro ganoon kalakas ang loob niyang ipahiya ang sarili.

Nakatayo siya, nakadungaw sa harap ng Araneta Coliseum, ako? Nakaupo ako. Tahimik na naghihintay ng tren, at tahimik na nakikiusyoso.

"Shit ka!!!" sigaw niyang muli bago umalis sa kinatatayuan at tumabi sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang ispiritong kasama niya. Wag kang matakot. Ispirito ng ALAK ang kapiling niya.

Dumating na ang tren na sasakyan ko, namin siguro...

Patayo na ako nang hilahin niya ako paupong muli. Tinignan ko siya, nagtaka ako syempre. Pero hindi niya lang pala ako pauupuin, SINAMPAL niya pa ako. Kaya sumobra na ang pagtataka ko na halos humiwalay na si mukha ko.

"Walanghiya ka!" sigaw niya sa akin, bumukas na ang pinto ng tren at naglabasan na ang mga tao. "Panagutan mo ako!!!"

Bukod sa pamumula ng pisngi ko dahil sa sampal niya, namula ang buong pagkatao ko sa hiya. 'Tarantadong babae to,' isip-isip ko.

Sa isinigaw niyang iyon, maski mga insekto lumingon sa amin, nakatingin sa akin. At narinig ko ang mga bulong nila, hindi na pala bulong yon dahil naririnig ko, pasaring na pala ang tawag doon.

"Bubuntis-buntis hindi paninindigan..."

"Sana pinutok mo na lang sa banyo..."

"Nag-condom man lang sana..."

"Maraming pampalaglag diyan sa baba..."

"Malandi naman kasi yung babae..."

Narinig din niya yung 'Malandi' agad siyang tumayo at nilapitan yung babaeng nagsabi non, "hoy! Ikaw! Sa pangit mong yan, kahit lumandi ka pa, walang bubuntis sayo!"

Natahimik yung babaeng sinigawan niya, at mabilis na lumayo. Bumalik naman siya sa kinauupuan ko. At biglang umiyak.

Isinandal ko siya sa aking balikat para doon umiyak at nag-abot ako ng panyo. Gentleman pa rin, kahit sagad sa buto ang kahihiyang ibinigay niya sa akin.

Chapter 2 - So Long
Chapter 3 - For You
Chapter 4 - Going Strong
Chapter 5 - The Things
Chapter 6 - We Used To Do
Chapter 7 - Sunshine
Chapter 8 - I Try to Deny
Chapter 9 - But
Chapter 10 - Inlove With You
Chapter 11 - Can See
Chapter 12 - The Love
Chapter 13 - In Your Eyes
Chapter 14 - It Comes
Chapter 15 - Sweet Surprise
Chapter 16 - Seeing's Believing
Chapter 17 - Worth the Wait
Chapter 18 - Hold Me
Chapter 19 - Tell Me
Chapter 20 - Not Too Late
Chapter 21 - So Good
Chapter 22 - Together
Chapter 23 - Starting
Chapter 24 - Just One Night
Chapter 25 - Magic Feeling
Chapter 26 - Hold On Tight
Chapter 27 - Whatever Comes
Chapter 29 - Chance of Love
Chapter 28 - Make It Through

Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel

 
Last edited:
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.17)

hmmm.. naghahabol ang andrew hahahah... sana di ganun katagal ang kasunod, kabitin..
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.17)

sabi na nga ba at aapila si andrew eh., galing! galing! :clap:

..may napansin lang ako kanina wala yung 'trying' na word dun ah., tama ba ko??, hehe!, kala ko di mo mapapansin eh., weheh! joke lang., peace tayo TS :D
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.17)

sabi na nga ba at aapila si andrew eh., galing! galing! :clap:

..may napansin lang ako kanina wala yung 'trying' na word dun ah., tama ba ko??, hehe!, kala ko di mo mapapansin eh., weheh! joke lang., peace tayo TS :D

waheehe... nagulat nga din ako... hehehe... hindi ko nga maalala kung anong word ang dapat nakasingit don

by the way yung didnt sa part something babaguhin ko kapag nakapag pc ako... mobile mode kasi ako...

saka yung update later na lng kc bday ng bunso namin...

party party muna...

muuuuuuuaaaaaaaahx para sa inyo!!!
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.17)

:bday: kay bunso..

natawa tuloy ako sa huli dahil dun., kaya di ako nag-comment agad eh., hehe! :lol:

wait lang ako sa update ah., :D
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.17)

taena ser ganda ng kwento mo... pa subscribe aq d2.. :yipee:

mas maganda pa kwento mo sa mga teleserye ah...
prang may hawig din sa kwento ng "Sassy girl" na movie...
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.17)

Chapter 18 - Hold Me

Sa bar,

"Ang saya-saya natin 'no?" sabi ni Carl habang nakikipagsayaw kay Bea.

"Oo nga... Ewan ko lang doon sa dalawa... Feeling nila nasa library sila..." sagot naman ni Bea.

Napahinga ako ng malalim. Nakikipagpaligsahan sa katahimikan, sa loob nang maingay na lugar. Magkatabi lang kami pero parang ang layo namin sa isa't-isa.

"Mag-c-CR lang ako..." paalam ko kay Marj.

'Paano ba 'to? Woooh...'

Pagbalik ko sa table, wala na siya.

"Masama daw pakiramdam niya," sabi sa akin ni Carl.

"Ite-text ka na lang daw niya..." dagdag pa ni Bea.
................................

Dalawang araw... Hindi man lang siya magreply sa mga text ko.

"Good night...♥" text ko sa kanya.

Nagising akong may kumakatok sa pinto ko.

11:11pm...

"Marj..." nagulat akong siya ang kumakatok, pinapasok ko naman siya, "may kasama ka?"

"Meron! Hindi mo ba siya nakikita?!" mapang-asar niyang sagot.

"Gabing-gabi na ha... Delikado nang pumunta dito sa lugar namin ng ganitong oras... Wag ka nang pupunta ng gani..." naputol ang sinasabi ko ng halikan niya ako. Matagal. Napapikit ako.

Ilang saglit, humiwalay na ang labi niya sa akin, "I just want to be sure with my feelings for you..."

Hindi ko alam kung ano nang nangyayari.

"Hoy!!! Dumilat ka na!" sigaw niya, "feel na feel mo ha! Hahaha..." tawa niya.

Napahiya ako, "ano nga palang sinasabi mo?"

"Mahal ko pa ba si Andrew?"

"Ngayon ba?"

"Look... I have feelings for you..."

Natahimik ako.

"Mahal kita!!" sigaw niya, pero humina ang boses niya, "yata..."

"Bakit may 'yata' pa?"

"Japhet..." napahingang malalim siya, "ayokong manakit... Natatakot akong masaktan ka... Tulad ng sakit na pinadama sa akin ni Andrew..."

"Hindi mo pa rin naiintindihan ang pagmamahal 'no?"

"Kung makapagsalita ka parang nagka-love-life ka na..."

"Kapag mahal mo, mahal mo. Wala ng pero-pero... Wala ng kasi-kasi. Mahal mo kasi mahal mo..." tumigil ako sandali, "hay... Kapag nagmahal ka, magmahal ka lang, wag kang matakot... Kasi yon talaga ang point ng pagmamahal... Parang... Walang kwenta ang kwento ni Superman kung walang Kryptonite... Kung walang makapananakit sa kaniya... Kung walang makakapagpahirap sa kaniya..."

Niyakap niya ako. Kahit ako... Hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.17)

yun yun eh, dabi na nga ba eh, pero natatakot ako para kay japhet, baka maging panakip butas lang siya ni marj, haizzz wag naman sana..
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.17)

taena ser ganda ng kwento mo... pa subscribe aq d2.. :yipee:

mas maganda pa kwento mo sa mga teleserye ah...
prang may hawig din sa kwento ng "Sassy girl" na movie...

bawal magmura!!! wahehehe...
maraming salamat...
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.17)

bawal magmura!!! wahehehe...
maraming salamat...

hehehe peace tyo ser sensya na.. sobrang gandahan lang aq sa kwento mo eh...

love love love:dance::dance::dance:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.18)

ganda.. it made me smile kahit malungkot ako ngayon.. salamat po ng madami.. :)
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.18)

Chapter 19 - Tell Me

"Marj!" tawag ko sa kanya, nasa isa kaming hardin, magandang lugar, lumingon siya at nakita ko ang maganda niyang mukha.

Tumakbo ako palapit sa kanya, hinawi ang buhok palikod sa kanyang mga balikat. Nagtama ang mga mata namin. Umakyat ang kamay ko sa kanyang chin upang iangat ng bahagya ang kanyang mukha, kasabay ng dahan-dahang paglalapit ng aming mga labi ay ang dahan-dahan din naming pagpikit.

Naglapat ang mga labi namin. Parang walang katapusan.

Pero ang walang hanggang nadarama ko ay pinigilan niya, itinulak niya akong palayo.

"Japhet!!! OK ka lang ba?! Akala mo ba siniseryoso kita?!" sigaw niya sa akin.

Kinakabahan ako sa mga sinasabi niya.

"Jaf pinaglalaruan lang kita!!! Kumagat ka naman?!"

"Akala ko ba hindi mo ako sasaktan katulad ng ginawa sayo ni Andrew?"

"Sira ka ba?! Mahal ko si Andrew!!!"

Halos gumuho ang mundo ko sa mga sinasabi niya.
................................

"Hoy!!!" sigaw ni Marj sa akin na may kasamang batok, "natutulog ka habang naka-shift ka?!"

"Ha?!" gising ko.

"Isusumbong kita sa Manager niyo!!!"

"Wag!!"

Kinutusan niya ako, "OK ka lang ba?! Ikaw ang manager dito... Temporary remember?!"

Nakalimutan ko.

"Jaf... Umamin ka nga sa akin... Nag-da-DRUGS ka ba?!"

"Hindi ha!!!"

"Weh?!"

"Hindi nga!!!"

"Eh bakit defensive ka?!"

"Hindi nga kasi!!"

"Fine..." awat niya, "sabay na tayo umuwi... Hanggang 10 ka lang ngayon di ba? Straight ka simula kagabi di ba?!"

"Ah... May klase ako ng 12:30..."

"Eh di sasama ako sa school mo..."

"Bakit sasama ka pa?!"

"Eh bakit ang sungit mo?! Gusto nila Daddy na sa bahay ka kumain ng lunch... Sasabihin ko na lang na may klase ka, mamayang gabi na lang..."

"Balak ko sanang matulog na lang pagkatapos ng klase eh..."

"Ano ka ba?! Nang dahil sa pagkakalat mo the last time sa bahay..." tinignan ko siya ng masama, "OK, nang dahil sa inatake ka ng allergy sa bahay dahil sa PRAWN, nagpaluto si Daddy ng mga karne ngayon... Bawal yon sa kanya... High-blood yun..."

"Isa't-kalahating araw na akong walang tulog eh..."

"Sa bahay ka na lang matulog..."

Napataas ang kilay ko kahit hindi ako marunong non, "sa tingin mo gugustuhin ni MOM mo doon ako matulog?"

"Oo naman... Wala naman na siyang magagawa kapag si Daddy nag-decide eh... OK na?!"

Napatungo na lang ako.
................................

"Apeng!! Sino yung kasama mong chikas?!" tanong sa akin ni Migs, kaklase ko.

"Kapatid niya malamang... Maganda eh... Hahaha... Imposibleng GF niya yan... Torpe 'to eh..." pang-aasar naman sa akin ni Wally.

'Ano ko nga ba yang babaeng yan?!' bulong ko sa sarili, 'inaantok na talaga ako.' *hikab

Pagkatapos ng klase,

"Baby!!!" kaway niya sa akin, na naging dahilan ng bulungan ng mga kaklase ko.

"Mauna na ako ha!!" paalam ko sa mga kaibigan ko.

Sari-saring paalam ang narinig ko,

"Jackpot ka d'yan Japhet!!"

"Ang tinde mo p're!!"

"Saan ka nakabili niyan?!"

"I-iskor na yan!!"
................................

Wala na akong oras para magtanong pa kay Marj kung bakit niya ako tinawag na 'Baby.' Basta ngayon, habang nasa MRT pauwi sa kanila, komportable akong natutulog sa balikat niya.
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.18)

ganda.. it made me smile kahit malungkot ako ngayon.. salamat po ng madami.. :)

wow naman... feeling ko tuloy.. CLOWN ako... JOKE...

wahehehee... salamat po na marami!!!

muuuuuuuuuuuaaaaaaaaahx...
to make you more happier..
redundancy na yon... more na happiER pa...
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.19)

ahehe....naaalala ko yung Hu U dahil dito..
paganda kasi nang paganda eh. :lol:

update! :D
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.19)

ayun oh!!! nananaginip lang pala ang luko on the first part..

anyways, mas nagiging exciting ang bawat pangyayari.. hahaha..

keep on writing,
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.19)

nice sana mabilis ang update...... hehehe ganda eh...
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.19)


kala ko totoong pinaglalaruan lang...:upset::slap:

panaginip lang pala...:lmao::thumbsup:

 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.19)

ang ganda ng story mamenn ..
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.19)

update update update :more:

kakabitin eh.. :thumbsup:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.19)

Chapter 20 - Not Too Late


Hikab. Subo ng pagkain. Hikab. Inom ng tubig. Hikab. Hikab. Pasimpleng pag-uunat. Hikab. Subo ng pagkain. Hikab. Hikab.

Pinapanood pala nila akong lahat.

"Natutulog pa ba yang boyfriend mo?" bulong ni Kuya Lino kay Marj.

"Para siyang yung sa iPod ko... Yung... Zombies... Kumakain din ba siya ng Brains? Sana allergic din siya sa utak..." sabi naman ni MOM.

"Marj... Dito mo na patulugin yan..." bulong ni DAD kay Marj.

Napa-'yes' naman siya nung sinabi sa kanya yon.

Napahikab ako, yung may sound na, "WHOOAAAH..."

"Japhet... How's the Menudo?" tanong ni DAD.

"Po?!... Uhm... Masarap po..." sagot ko.

"Pa!!! How could you!?" sigaw naman ni MOM na kasalukuyang humihikbi.

Nagtaka kaming lahat habang nakatingin sa kanyang pagda-drama.

"Bakit po MOM?" tanong ko sa kanya.

"Isa ka pa!!! How dare you!?" sigaw niya sa akin.

"Anong meron Ma?!" tanong ni Kuya Lino, "masarap naman yung Menudo mo ha..."

"AFRITADA YAN!!!" sigaw ni MOM.

"Talaga?! Akala ko nga Kaldereta 'to eh..." banat naman ni Marj, "Menudo-menudo kayo d'yan, Afritada pala 'to eh..."

Nag-walk-out si MOM.

"Wag mo nang pansinin yon..." sabi sa akin ni DAD, "tikman mo na lang 'tong Paksiw na Baboy..."

"PININYAHANG BABOY YAN!!!" sigaw muli ni MOM mula sa malayo.

"Nga naman... May pinya nga naman..." sabi ni Kuya Lino.

Matapos ang hapunan inihatid ako ni Marj at ni DAD sa kwartong tutulugan ko.

"O, Marj, ikaw na bahala sa kanya ha... Alam ko namang gusto niyo pang magkwentuhan..." paalam niya, "pero, iiwan kong bukas 'tong pinto ha... Alam mo naman ang Mama mo... Baka magwala yon..." pahabol niyang sabi bago lumabas ng kwarto.

"OK... You know my life na... Maybe, let's talk about yours..." bungad niya sa gusto niyang topic.

"Sige... Anong gusto mong malaman sa akin?"

"Let's start with your... Family..."

"OK... Si Tatay mangingisda, sa Pangasinan..."

"Kita mo na! Tapos allergic ka sa seafood!" tawa niya.

"Hahaha... Kaya siguro si Ate ang paborito nila Mama..."

"Ah... May Ate ka pala..."

"Yup... Si Ate Toyang."

"Ang wi-weird ng mga palayaw niyo ha... Si Mama mo?"

"Si Nanay... Guro siya dati..."

"Dati?..." nagtataka niyang tanong.

Ang tagal bago ako nakasagot, "simula kasi ng mawala si Ate..."

"Mawala?"

"Namatay si Ate dahil ano... Ahm... Sa sakit... Simula non, hindi na naging OK si Nanay..."

"Sorry ha..."

"Ano ka ba?! OK lang... Matagal na yon..."

"Anong nangyari sa Mama mo?"

"Nung una, hindi lang niya kami kinakausap, bata pa ako non, 7, kinatagalan, ginugulpi na niya ako, tapos nagwawala siya. Araw-araw... Sinako pa nga ako eh..." hindi ko napansin, tumutulo na pala ang luha ko.

Agad naman niya 'tong pinunasan.

"Tapos si Nanay... Hindi na pala siya OK talaga. Depressed sa mga nangyari... Ngayon nasa Mental Health siya sa amin..."
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.20)

awts.. may malungkot din pala na part....:weep:

kuya henriq ung kasunod pls...:excited:
 
Back
Top Bottom