Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

I Miss You Like Crazy (Start2Fin)

Chapter 1 - Even Though

"Mahal kita Andrew!!!" makabasag tengang sigaw ng isang babae sa Araneta Center-Cubao Station ng MRT. Alas-nuwebe y medya na nang gabi yon kaya siguro ganoon kalakas ang loob niyang ipahiya ang sarili.

Nakatayo siya, nakadungaw sa harap ng Araneta Coliseum, ako? Nakaupo ako. Tahimik na naghihintay ng tren, at tahimik na nakikiusyoso.

"Shit ka!!!" sigaw niyang muli bago umalis sa kinatatayuan at tumabi sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang ispiritong kasama niya. Wag kang matakot. Ispirito ng ALAK ang kapiling niya.

Dumating na ang tren na sasakyan ko, namin siguro...

Patayo na ako nang hilahin niya ako paupong muli. Tinignan ko siya, nagtaka ako syempre. Pero hindi niya lang pala ako pauupuin, SINAMPAL niya pa ako. Kaya sumobra na ang pagtataka ko na halos humiwalay na si mukha ko.

"Walanghiya ka!" sigaw niya sa akin, bumukas na ang pinto ng tren at naglabasan na ang mga tao. "Panagutan mo ako!!!"

Bukod sa pamumula ng pisngi ko dahil sa sampal niya, namula ang buong pagkatao ko sa hiya. 'Tarantadong babae to,' isip-isip ko.

Sa isinigaw niyang iyon, maski mga insekto lumingon sa amin, nakatingin sa akin. At narinig ko ang mga bulong nila, hindi na pala bulong yon dahil naririnig ko, pasaring na pala ang tawag doon.

"Bubuntis-buntis hindi paninindigan..."

"Sana pinutok mo na lang sa banyo..."

"Nag-condom man lang sana..."

"Maraming pampalaglag diyan sa baba..."

"Malandi naman kasi yung babae..."

Narinig din niya yung 'Malandi' agad siyang tumayo at nilapitan yung babaeng nagsabi non, "hoy! Ikaw! Sa pangit mong yan, kahit lumandi ka pa, walang bubuntis sayo!"

Natahimik yung babaeng sinigawan niya, at mabilis na lumayo. Bumalik naman siya sa kinauupuan ko. At biglang umiyak.

Isinandal ko siya sa aking balikat para doon umiyak at nag-abot ako ng panyo. Gentleman pa rin, kahit sagad sa buto ang kahihiyang ibinigay niya sa akin.

Chapter 2 - So Long
Chapter 3 - For You
Chapter 4 - Going Strong
Chapter 5 - The Things
Chapter 6 - We Used To Do
Chapter 7 - Sunshine
Chapter 8 - I Try to Deny
Chapter 9 - But
Chapter 10 - Inlove With You
Chapter 11 - Can See
Chapter 12 - The Love
Chapter 13 - In Your Eyes
Chapter 14 - It Comes
Chapter 15 - Sweet Surprise
Chapter 16 - Seeing's Believing
Chapter 17 - Worth the Wait
Chapter 18 - Hold Me
Chapter 19 - Tell Me
Chapter 20 - Not Too Late
Chapter 21 - So Good
Chapter 22 - Together
Chapter 23 - Starting
Chapter 24 - Just One Night
Chapter 25 - Magic Feeling
Chapter 26 - Hold On Tight
Chapter 27 - Whatever Comes
Chapter 29 - Chance of Love
Chapter 28 - Make It Through

Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel

 
Last edited:
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.23)

Chapter 24 - Just One Night

"Wala ang tatay mo... Pumalaot..." sabi sa akin ng kapitbahay namin sa Pangasinan.

Makalipas ang limang oras nakauwi rin si Tatay, "o, nabisita ka..." unang sabi sa akin ng makita niya ako, walang yakap-yakap, o kamusta man lang. Hindi naman kasi kami sanay na ganoon.

"Lumiban po muna ako sa trabaho," sagot ko sabay mano.

Sa hapunan, gustong-gusto ko nang itanong kay Tatay ang tungkol kay Ate Toyang, pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

"Bumisita ako sa Nanay mo nung isang araw," nauna na siyang magsalita.

"Kamusta na daw po siya?"

"Ganoon pa rin, hindi pa rin makausap. Subukan mo kayang bisitahin, baka ikaw ang gustong makausap."

"Sige po, pupunta ako bukas," sagot ko, "Tay, si Ate? Anong naging sakit niya?"

"Bata ka pa kasi noon kaya hindi mo maalala... May tawag sa sakit niya eh, nakalimutan ko na... Alam ko nakasulat naman yon sa death certificate niya."

"Ano pong kondisyon niya noon?" usisa kong muli.

Nag-isip siya saglit, "dati, parati siyang nadadapa, tapos hindi na makapagsulat, hindi na siya makahawak, makakalad. Noong huli, hindi na siya nagsasalita. Bakit mo naitanong?"

"Wala po... Nagtaka lang po ako."
................................

Kinabukasan,

"Hi Ate..." bungad ko sa puntod ni Ate, nag-alay ng bulaklak, "kamusta ka na Ate? Nakikilala mo pa ako? Ako na si Apeng... Ang laki ko na 'no? Ga-graduate na ako..." buong pagmamalaki ko sa kanya, "Ate, nakakamiss ka, tayo, tayong pamilya. Ayoko na sana ikwento sayo ang naging lovelife ko sa Maynila, nadisgrasya lang eh... Hahaha..." dahan-dahan, tumulo ang luha ko, "Ate nakita ko yung Death Certificate mo, 'heart failure - muscular dystrophy complication' ang kinamatay mo...

"Hay... Ate masakit ba?... Mahirap ba?... Ate may sakit din ako... Hoooh... Ate natatakot ako..."
................................

"Teresita Dela Cruz po?" tanong ko sa nagbabantay.

Inilabas si Nanay at pinaupo sa harap ko.

"Sino ka?" tanong niya sa akin.

"Nay, ako na po si Apeng... Anak niyo po..."

"Kasama mo si Toyang?!"

"Kain tayo Nay..." paanyaya ko sa kanya, inilabas ko na rin ang mga dala kong pagkain.

Kumain naman siya, pero pilit niya pa ring hinahanap si Ate. Ipinagtabi pa nga niya ito ng pagkain, "itatabi ko na itong tilapya ha... Kay Toyang na lang ito..." habang kumakain siya ng paborito niyang hipon.

"Nay ito baboy oh... Ako nag-adobo niyan..." pagmamalaki ko sa kanya.

Hindi niya ito pinansin. Sinandukan ko siya ng baboy at inilagay sa plato niya, ngunit ibinalik niya rin ito.

"Wag na..." sabi niya.

"Ayaw niyo po ng baboy? Ako nagluto niyan..."

"Kay Japhet na lang yan... Bawal kasi yon ng isda saka hipon... Sasakitan ng tiyan yon... Kawawa naman siya..."

Nagulat ako sa sinabi niya. Napaiyak. Niyakap ko siya.
................................

"Tay, sabay na kayo sa pagluwas ko bukas ha... Graduation ko na kasi..." yaya ko kay Tatay.

Umiling siya, "may pinapagawa ang Ante Clara mo sa kanila, sira kasi bubong nila, eh nasa Maynila din si Tito Gustin mo kaya walang gagawa..."

"Tay graduation ko yon..."

"Pasensya na talaga anak..."

"Put*ng-in*ng bubong yan!"

Nagalit si Tatay, naitulak niya ako ng malakas, napaupo ako sa tabi ng hapag-kainan. "Ano?!" sigaw niya.

"Kayo pa ang may ganang magalit?! Tay ito lang ang hinihingi ko sa inyo... Pumunta lang kayo. Kahit sa huling pagkakataon. Tay grumaduate ako ng elementary at high school na sina Tita Joy ang nagsasabit ng medalya ko... Parati kong ginagalingan sa school kasi sabi ni Tito Mike kapag may medal daw ako, pupunta ka, ikaw magsasabit sa akin. Sabihin mo sa akin tay? Ni isang beses ba pumunta ka sa graduation ko? Di ba hindi?! Ni hindi mo nga ako binisita kayla tita simula nong pinaalagaan mo ako sa kanila eh!"

"Tay anak niyo rin naman ako... Hindi lang si Ate. Kailangan ko rin Tay ng Tatay! Ako na nga nagpaaral sa sarili ko para makapagtapos ako't ipagmalaki niyo rin ako. Tay! Anak niyo ako! Tatay ko kayo!"

Tumahimik ang buong bahay. Makalipas ang isang oras, umalis ako ng bahay, nag-iwan ng pera, drawing at mensahe. "Tay, ito yung direksyon kung paano makarating ng PICC."
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.24)


naging madrama na ng tuluyan yung kwento..:weep::weep:

 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.24)

@diaven

weeeeeeeeeeeeeeee... abangan ang Ch.25 dahil... hmmmm... kaabang abang talaga... wahahaha... kilangan dramahan yung 3 chapter para sa ending... Ch.25 hindi na drama.

pero... in the mean time... matulog na muna tayo no? mahaba naman ang weekend eh... kaya goodmornyt sayo!!!

:thanks:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.24)

haizzzzzzzzzz bitin!!!!!!!!!!!
well kaabang abang talaga ang pangyayari, paano na si marj??
magiging sila pa kaya?? anyways, di na ako makahintay sa kasunod..

kahit hating gabi na inaabangan ko tong story na to!! :rock:
 
Last edited:
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.24)

malapit na talaga ending nito.. :weep:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.24)

Chapter 25 - Magic Feeling

Worth it pa bang mabuhay? Nobody loves me. Nobody cares for me. At may bonus pa, may isa pang bagay na magpapaalala sa akin na wala akong kwenta, at gagawin akong walang kwenta. Dito na lang ako sa apartment ko, hindi na lang ako pupunta sa graduation ko, para ano pa? Sigurado naman akong hindi pupunta si Tatay.

Alas tres na ng hapon nang magising ako, dahil sa may tumatawag sa CP ko, si Caloy. Pinapapunta ako ng PICC, bakit hindi daw ako umattend ng rehearsals, andami daw binago. Agad naman akong kumilos para makahabol sa 4pm na Graduation.
................................

"DELA CRUZ!" tawag sa akin ng isang faculty member ng school namin, "bilisan mo! Nakapag-march na ang lahat wala ka pa sa stage!"

"Stage?!" hindi ko na nagawang magtanong pa, kinaladkad na niya ako sa entablado.

"Woooh!!!" sigaw ni Caloy, kasama ng mga kaklase ko, "CONGRATS!"

"Ano pong nangyayari?" bulong ko sa katabi ko sa entablado.

"Anong 'ano?' SUMMA CUM LAUDE ka, dapat alam mo..."
................................

Nakaakyat na lahat ng estudyante pero wala pa ring bakas ni Tatay akong nakikita.

"Dela Cruz! Get ready for your speech!" sigaw sa akin ng adviser namin nung freshman year. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon magtanong kung paano nangyaring Summa ako.

"Nag-give-up si Daniel Marcos nung malaman niyang mas mataas ang standing ng average mo... Hindi pumayag ang council pero may lumapit sa CHED tungkol sa pagiging Summa mo..."

"Sino po?" tanong kong muli.

"Mamaya mo na itanong!"

"Ma'am! Wala akong speech!"

"Wag kang maingay! Meron na! Babasahin mo na lang!"
................................

Speech ko, kabado ako...

"Ma'am saan dito?" on mic na ako ha, hindi ko kasi makita ang speech ko, lumapit naman siya ulit at pinakita sa akin ang aking hinahanap.

"Good evening everybody. *hingangmalalim* I want to thank everyone, to those people who helped me, and to God ofcourse. But there is someone whom I want to ask something. *basa lang ako ng basa* The person I loved, and I still.

Dumilim ang paligid, pwera sa entablado, pero mula sa mga manonood, biglang may lumiwanag sa aisle. Spotlight. At hindi ako maaaring magkamali kung sino ang taong naroroon.

Nagtuloy lang ako sa pagbabasa, feeling high, hindi ko na alam ang thoughts ng binabasa ko, "I want to know straight from you," nagsimula na siyang maglakad patungo sa stage. Natigilan ako sa pagbabasa.

Nung nakarating na siya sa entablado, naghiyawan na ang mga tao.

"Ituloy mo yang binabasa mo! Pinaghirapan ko yan!" sigaw ni Marj sa akin.

Nagulat ako, basa ulit, "Marjorie Pineda, I want to ask you in Tagalog, para mas sweet. Marj mahal mo ba ako?" walang tigil na hiyawan ang bumibingi sa buong PICC, "Marj, mahal kita. And I hope, mahal mo rin ako. *sabay tingin kay Marj*"

"Nakasulat na d'yan ang gagawin mo ngayon! Wag mong sayangin ang pakikipagtalo ko sa CHED!" sigaw niyang muli.

Basa ulit, "lumapit ka... Ako? Lalapit ako..." pumunta ako sa gitna ng stage sa tabi niya.

Ngumiti siya, humawak sa kamay ko, "Mahal kita Japhet." naghiyawan muli ang mga tao.

"Ha?!" hindi ko kasi narinig.

"Mahal kita!" lumakas lalo ang hiyaw nila.

"Ano?!" hindi ko talaga marinig.

Hinalikan niya ako. Matagal. Masarap. "OK na?!"

Gumanti din ako ng halik.
................................

"Congratulations Japhet!" pakikipagkamay sa akin ni DAD. Siya nga pala ang umakyat sa stage para mag-abot sa akin ng Diploma ko, hindi si Tatay.

"O, tama na ang usap-usap, magpa-picture na tayo!!" sigaw ni Marj.

May inabot na kahon sa akin si MOM, "Straight from Europe pa yan... Wala sa kasi niyan dito sa Pinas..."

"Apeng!" may sumigaw mula sa kumpol ng mga tao, si Tatay. Tumakbo ako at niyakap siya, inabot ang diploma at nagpa-picture. Pinakilala ko siya sa pamilya ni Marj.

"Mabuti pa umuwi na tayo! Nagluto si Mom!" suggestion naman ni Kuya Lino.

"At! Menudo na talaga ang niluto ko!" pagmamalaki ni MOM.

"Baka lasang AFRITADA naman yan ha!!" sigaw naman ulit ni Kuya Lino. Puro biruan na.

Sana hanggang dito na lang. Sana wala ng bukas. Sana umayon na sa akin ang lahat parati.

Napatingin ako kay Marj, ngumiti. Yumakap, "sana ganito na lang palagi."

Sumagot siya, "Bakit hindi?"
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.25)

galing naman.. summa cum laude pa siya., masyadong bumilis ang pangyayari pero ok lang., nakakabitin talaga., ano kaya ending., siguro.... :think:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.25)

galing naman.. summa cum laude pa siya., masyadong bumilis ang pangyayari pero ok lang., nakakabitin talaga., ano kaya ending., siguro.... :think:

weeeeeeeee... natatakot ako sa magiging ending ko para dito sa IMYLC... salamat sa pagsubaybay... sa inyong lahat...

last 2 or 3 chapters. hindi ko makuha yung magiging outline ng events... bahala na mamayang gabi...
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.25)

nalulungkot ako para kay marj..
kung alam lang nya...
tsk tsk..

chapter 26! :rock:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.25)

kuya heinriq... asan na po? yung kasunod.. pls...:weep: :weep: :weep: pinapaiyak mo ako...
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.25)

Chapter 26 - Hold on Tight

"Kanina mo pa hawak kamay ko ha?! Nana-nantsing ka lang eh!" pang-aasar ko kay Marj.

Bumitaw siya at ginamit ang kamay para kutusan ako, "ang kapal nito!"

Tumingin ako sa mga mata niya. "I want to live with you forever."

"I will," sagot niya. Pero ambigat ng sumunod niyang sinabi, "hindi na kita pakakawalan. You're a lot to lose," sabay halik.

"If only I could, I would."

Nagtaka siya. Pero hindi na niya nagawang magtanong ng tawagin na kami sa loob para kumain.

"Cheers!!!"

Niyakap ako ni Tatay, "proud na proud ako sayo!"

"Salamat po..."
................................

Nagtayo kami ni Marj ng tent sa garden nila, nagpaalam kaming doon matutulog. Pero bago matulog, naglatag muna kami ng sapin sa damuhan at doon, humiga habang pinapanood ang langit.

"Close na kaagad sila Daddy ko at Papa mo ha..." sabi sa akin ni Marj.

Napangiti ako, "maiba ako, si Andrew?"

"Iniwan ko."

"Huh?!"

"Wag mo nang itanong, basta ang mahalaga... Mahal kita, at mahal mo ako," sabay yakap sa akin.

"Polaris."

"Saan?" usisa niya.

"Ayun oh... Sa north. Yung pinakamaliwanag..."

"Wow..." mangha niyang sabi na tila isang bata.

"Tapos... Yung mga katabi niya. Yun... Yung pito, tatlong magkakasunod tapos apat na hugis square, Ursa Minor, Little Dipper..."

"Wow..."

"Tulo na laway mo! Hahaha!"

Nagwrestling kami.

"OK tama na..." awat ko, "kaya kapag sasakay ka ng MRT, hanapin mo muna yan. Para hindi ka na aakyat sa North Bound."

"Hindi naman na ako aakyat doon eh..."

Napakunot ang noo ko.

"Kasi palagi naman na tayong magkasama."

Natahimik ako.

"Saka... Isipin mo nga... Kung sakaling alam ko yan noon pa eh di hindi tayo nagkakilala... Mabuti ng hindi ko na pag-aralan yan... I'm lucky to have you..."

Hinalikan ko siya. Pagkatapos, "meron kang dapat malaman..." naalala ko ang sakit ko.

"Ops... Teka lang... Kailangan buksan mo na ito..." sabay abot sa akin ng kahon na ibinigay sa akin ni MOM sa PICC.

Binuksan ko ito, at doon, laman ay Cellphone, smartphone. Maganda.

"Si Mom talaga nakaisip na iyan ang ibigay sayo... Since business man ka na daw... Business phone na ang kailangan mo..."

Ewan ko, gusto kong matuwa, pilit ang mga ngiti ko. Touchscreen ang CP, tila ba nang-aasar. Nag-flashback ang sinabi sa akin ng doktor, "mawawalan ng grip," ang sinabi ni Tatay, "hindi na nakakapagsulat."

Nginitian ko si Marj at nagpasalamat.

"Ano yung sasabihin mo?" tanong naman niya sa akin.

"Ah... Wala yon... May itatanong na lang ako sa iyo... Paano kung... Hindi na kita mahahawakan?"

"Ano bang klaseng tanong yan? Para ka talagang tanga!"

"Hindi nga! Seryoso ako..."

"Eh di ako ang hahawak sayo..."

Bahagya akong napangiti.

"Niloloko mo ko ha! Sige! Gaguhan mode tayo!"

"Seryoso ako 'no! Paano naman kung... Hindi na ako makatayo?"

"Eh di aalalayan kita! Siraulo ka talaga!"

"Eh paano naman kung hindi na ako makapagsalita?"

Nawala na ang ngiti sa mga labi niya, "Japhet may problema ba?"
................................

"Kuya!!! Kuya!!!" nagwawalang sigaw ni Marj.

"Marjorie! Bakit? May shift ang kuya mo ngayon sa ospital. Bakit ka umiiyak?" tanong ni DAD sa kanya kasama si MOM. Lumabas din si Tatay sa kwartong tinutulugan niya.

"Marj wag..." bulong ko sa kanya.

"Anong 'WAG?' Japhet!" umiiyak na siya. Nilapitan na siya ni MOM at inakap.

"Apeng ano bang nangyayari? Bakit humahagulgol si Marj sa iyak?" tanong naman ng Tatay sa akin.

"Wala po yon... May hindi lang po kami napagkasunduan..."

Bumitaw si Marj sa yakap ni MOM, "Jaf! Ano ba! Bakit ka ba ganyan?!" humarap siya kay tatay, "Tay! Si Japhet po..."

"MARJORIE!" sigaw ko.

Lumingon siya sa akin at lumapit, "kelan mo pa sasabihin?! Kapag hindi ka na makahawak?! Kapag hindi ka na makatayo?! Kapag hindi ka na makapagsalita?!"
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.26)

we're expecting na mamamatay na si jaf,,, nalulungkot naman kami kuya heinriq...:weep:
pero sana may chance pa... dalang dala n kami,,,:)
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.26)

haizzz, nagkalokoloko na. baka ipagamot pa ng family ni marj si japhet sa ibang bansa,

ung ang tingin ko na mangyayari, weheheh.

nice pre, keep it up..
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.26)

kakaiyak :weep:

sana happy ending pa rin.. :pray:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.26)

Chapter 27 - Whatever Comes

"Myotonic Muscular Dystrophy," sabi ni Kuya Lino sa kanyang pamilya. Hindi ako kasali sa pag-uusap nila, pero pinakikinggan ko sila mula sa pinto ng kwarto nila DAD kung saan andoon silang lahat kasama si Tatay.

"So?!" sigaw ni Marj, "eh di ipagamot!"

"May chance naman siguro... Sa ibang bansa?" tanong naman ni MOM.

"I'm sorry to say. Pero kahit maghanap pa tayo ngayon sa internet ng survivor ng Dystrophy, wala tayong makikita. Muscular Dystrophy in nature slowly kills human's tissue of muscles, sa kaso pa ni Jaf, Myotonic, the most rapid type ng Dystrophy," sagot ni Kuya Lino, ga-graduate na siya para maging doktor, OJT niya ngayon kaya wala siya sa bahay kanina.

"Wala ng ibang paraan?" tanong naman ni Tatay.

"Meron pa! Nasabi niya sa akin kanina available ang therapy..." sigaw muli ni Marj.

"Yes. Therapy's widely available, pero ang tanong, nakausap na ng doktor si Jaf, kaya alam niya ring pababagalin lang nito ang paglala ng sakit, ang tanong ko sayo Marj, OK lang ba kay Japhet na mag-undergo ng therapy kahit alam niyang wala naman siyang aasahan dito?" tanong ni Kuya Lino kay Marj.

Hindi ko na mapigilang hindi sumali sa usapan, binuksan ko ang pinto at nagsalita, "Sorry po, pero... Wag na po nating ipilit..."

Umuwi din si Tatay sa Pangasinan kinabukasan.
................................

Nagtrabaho ako ng mabuti. Focus sa ginagawa. Nag-iipon, ayokong iwan si Tatay na ganoon pa rin ang sitwasyon, matanda na siya, gusto ko sanang huminto na siya sa pangingisda.

Hindi ako nagtherapy, gastos lang yon, at, ayokong umasa, at ayokong paasahin si Marj.

Anim na buwan lang akong nakapagtrabaho, hindi ko na ring ipinilit na pumasok pa sa kumpanya gayong ni mag-type sa computer ay hindi ko na magawa.

Lumala lang ng lumala ang sakit ko, katulad ng ine-expect ko.
................................

"Marj oh," nag-abot ako sa kanya ng P100, "bili ka ng lima..." turo ko sa mga ticket na tig-P20.

Ngayon ko lang sinubukan 'to, 'Go Bananas' ng PCSO.

Hindi ko na kayang kiskisin ang mga iyon kaya, "Marj, can you do it for me?"

Ngumiti siya, "sige, punta muna tayo doon *tumuro sa isang coffee shop*" kasabay ko siyang pumunta doon, pero hindi katulad dati, hindi ko siya katabing maglakad, nasa likod ko siya, tumutulak sa inuupuan ko.

"Paano ba ito?" tanong niya sa akin.

"Kiskisin mo lang yung mga ink."

Kiniskis niya ang unang ticket, "bakit ka pa naggaganito? Malaki naman nakuha mong separation pay sa dati mong trabaho..." pagkatapos, pinagpag ang ink sa ticket, "oh... Tatlong P20... Times 3 pa!! Hahaha..."

"O di ba? Bawi ka na para sa susunod pang dalawang ticket..." tawa ko sa kanya, "gusto ko sanang tumigil na si Tatay sa pangingisda... Matanda na siya."

"Hayaan mo na si Tatay... Tignan mo... Kapag huminto nga siya sa ginagawa niya... Wala na siyang pagkakaabalahan... Wala na nga siyang kasama sa bahay..." naputol na sabi ni Marj, napapreno ng umiwas na ako ng tingin.

"OK lang yon... Ituloy mo na yan."

Wala na kaming nakuha sa pangalawa at pangatlo. Nagtaka ako nung nilagpasan niya yung pang-apat.

"It's the devil's number..." sagot niya.

Napakunotnoo ako.

"Kaya nga malas ang 13, tignan mo, 1 plus 3 equals 4."

"Saan mo naman napulot yan? Sa True Philippines Ghost Stories?"

Nagtuloy lang siya sa pagkiskis.

"Marj..." tawag ko sa kanya, "gusto ko sanang umuwi na ng Pangasinan..."

"Sige... Para makarating na rin ako sa inyo..." sagot naman niya.

"Gusto ko sanang maramdaman pa ang dagat habang may pakiramdam pa ang katawan ko..."

Umuwi kami ng Pangasinan, doon ko nais magpahinga.
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.27)

nkakalungkot na talaga ang mga storya...
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.27)

oh no! TS broken hearted ka ba? huwag mo idaan sa story., kakaiyak eh., joke lang.. hehe! :peace:
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.27)

@esmhie

wahahahaha!!! hindi naman purket walang lovelife bitter na ako...

the story would be very nice... last chapter na ako... and... *hingangmalalim* mamaya ko na gagawin... ayokong pilitin ang ideas kasi... last na nga ito... weeeeeeeeeeee... till the end hindi niyo ako iniwan!! salamat!!!

see you on my next story!!! promise sa susunod wala na akong gaganitohin... kawawa pla maxado ang nangyayari s mga bida ko.. hehehe...

MARAMING SALAMAT GUYS!!!

muuuuaaaaahx...
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.27)

joke lang po., super sad kasi ng story., ramdam yung emotion kaya nakakaiyak talaga..

abangan ko yang bago mo ah.. :salute:
 
Back
Top Bottom