Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

I Miss You Like Crazy (Start2Fin)

Chapter 1 - Even Though

"Mahal kita Andrew!!!" makabasag tengang sigaw ng isang babae sa Araneta Center-Cubao Station ng MRT. Alas-nuwebe y medya na nang gabi yon kaya siguro ganoon kalakas ang loob niyang ipahiya ang sarili.

Nakatayo siya, nakadungaw sa harap ng Araneta Coliseum, ako? Nakaupo ako. Tahimik na naghihintay ng tren, at tahimik na nakikiusyoso.

"Shit ka!!!" sigaw niyang muli bago umalis sa kinatatayuan at tumabi sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang ispiritong kasama niya. Wag kang matakot. Ispirito ng ALAK ang kapiling niya.

Dumating na ang tren na sasakyan ko, namin siguro...

Patayo na ako nang hilahin niya ako paupong muli. Tinignan ko siya, nagtaka ako syempre. Pero hindi niya lang pala ako pauupuin, SINAMPAL niya pa ako. Kaya sumobra na ang pagtataka ko na halos humiwalay na si mukha ko.

"Walanghiya ka!" sigaw niya sa akin, bumukas na ang pinto ng tren at naglabasan na ang mga tao. "Panagutan mo ako!!!"

Bukod sa pamumula ng pisngi ko dahil sa sampal niya, namula ang buong pagkatao ko sa hiya. 'Tarantadong babae to,' isip-isip ko.

Sa isinigaw niyang iyon, maski mga insekto lumingon sa amin, nakatingin sa akin. At narinig ko ang mga bulong nila, hindi na pala bulong yon dahil naririnig ko, pasaring na pala ang tawag doon.

"Bubuntis-buntis hindi paninindigan..."

"Sana pinutok mo na lang sa banyo..."

"Nag-condom man lang sana..."

"Maraming pampalaglag diyan sa baba..."

"Malandi naman kasi yung babae..."

Narinig din niya yung 'Malandi' agad siyang tumayo at nilapitan yung babaeng nagsabi non, "hoy! Ikaw! Sa pangit mong yan, kahit lumandi ka pa, walang bubuntis sayo!"

Natahimik yung babaeng sinigawan niya, at mabilis na lumayo. Bumalik naman siya sa kinauupuan ko. At biglang umiyak.

Isinandal ko siya sa aking balikat para doon umiyak at nag-abot ako ng panyo. Gentleman pa rin, kahit sagad sa buto ang kahihiyang ibinigay niya sa akin.

Chapter 2 - So Long
Chapter 3 - For You
Chapter 4 - Going Strong
Chapter 5 - The Things
Chapter 6 - We Used To Do
Chapter 7 - Sunshine
Chapter 8 - I Try to Deny
Chapter 9 - But
Chapter 10 - Inlove With You
Chapter 11 - Can See
Chapter 12 - The Love
Chapter 13 - In Your Eyes
Chapter 14 - It Comes
Chapter 15 - Sweet Surprise
Chapter 16 - Seeing's Believing
Chapter 17 - Worth the Wait
Chapter 18 - Hold Me
Chapter 19 - Tell Me
Chapter 20 - Not Too Late
Chapter 21 - So Good
Chapter 22 - Together
Chapter 23 - Starting
Chapter 24 - Just One Night
Chapter 25 - Magic Feeling
Chapter 26 - Hold On Tight
Chapter 27 - Whatever Comes
Chapter 29 - Chance of Love
Chapter 28 - Make It Through

Need You Now: I Miss You Like Crazy Sequel

 
Last edited:
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.27)

oh no..:weep:

Matatapos na..:weep:

Anu kayang mangyayari sa love story nila??:noidea:

Mukhang alam ko na kung bakit "I Miss You Like Crazy" ang pamagat..:lol:
 
Last edited:
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.27)

@diaven...

hindi ko din alam... CHOS... wahahahaha... working na ch.28...
 
Re: I Miss You Like Crazy (Start-Ch.27)

Chapter 29 - Chance of Love

EDSA - Taft Avenue Station, MRT.

"Oo na kuya! Kumpleto na lahat ng papeles ko! Syempre naman... Ngayon ko pa ba ipapalpak 'to? Oo na nga, after ko sa POEA dideretso na ako ng Trinoma... Magkikita kami ni Apple," pakikipag-usap ni Marj kay Kuya Lino sa Cellphone, "O, heto na yung tren. Ako nang bahala! Malaki na ako! Bye..." napahingang malalim siya.

Graduate na siya ng Dentistry, at nagbabalak ng mag-ibang-bansa. Tatlong taon pagkatapos mawala ni Japhet, sinusunod niya ang gusto nito. 'Polaris, never lose direction.'

Tumigil na ang tren at bumukas na ang pinto, naglabasan ang maraming tao at mula doon natanaw niya si Japhet, masaya, masigla. May binuhat itong batang babae, na nasa 2 taong gulang. Parehas silang nakangiti. Pinasan niya ito sa kanyang balikat, nakaupo ang bata sa balikat ng lalaki.

Hindi malaman ni Marjorie kung anong emosyon ang nadarama niya, "Japhet!" tawag niya rito. Napakaraming tao, siksikan sa may hagdan siguro nasa panglimang hakbang na sila, humahabol si Marj, "Jaf!! Jaf!!"

Nakaakyat na ang lalaki, nakasunod naman siya, "Apeng!!!"

Napalingon ang lalaki, "Marj!" lumapit ito sa kanya at yumakap, "kamusta ka na? I never heard of you ever since you dumped me over... I'm sorry... I forgot his name..."

"Japhet..." sagot ni Marj kay Andrew, "anak mo?" tukoy niya sa bata.

"No!" tawa niya, "panganay 'to ni Ate." sagot naman niya, "Uhm... We got to go na ha, may hinahabol kasi kami..." paalam nito bago tuluyang umalis.

Through the years, hindi siya naging malungkot simula ng mawala si Japhet, pero hindi rin naman siya naging masaya pa.
................................

POEA,

Hinanapan siya ng ID ng guard bago pinapasok, "Alas diyes na! 9 ang appointment ko..." sabi ni Marj sa sarili habang nagmamadaling naglalakad sa loob ng opisina ng POEA, ng tamaan siya ng pahabang maleta ng isang lalaki. Nabitiwan ni Marj ang envelop niya at ang kanyang ID, "ARAY!"

"Miss... I'm sorry..." pasensya ng lalaki, kumalat din ang laman ng maleta ng lalaki, mga balak na tubo.

"Hay! Ansakit! Kapag minalas ka talaga oh!" sigaw niya habang dinadampot lahat ng gamit niya. Agad siyang tumayo pagkatapos at tumakbo.

"Ay Ms. Marjorie Pineda, mali po kayo ng pinasukang Entrance, sa kabilang wing po yung appointment niyo..." sabi ng Staff ng POEA kay Marj.

"Maling direksyon na naman..."
................................

"Alfonso!" sigaw ni Marj sa CP habang nasa MRT, kausap si Apple, "papunta na ako!" sabay baba kaagad.

Hinanap niya ang papel na ibinigay sa kanya ng POEA, endorsement niya patungong New Zealand, doon niya balak magtrabaho. Pero iba ang nahanap niya. May card siyang nakasilid sa envelop niya, Company ID, "siya yung bumangga sa akin kanina... Ta-tanga-tanga talaga... Pero may itsura... Siguro mga 24 years old lang 'to," binasa niya ang pangalan nito, "Justin De Castro, Administrative Director..." Agad niyang dinial ang numero ng lalaki na naka-indicate sa ID at tinawagan ito.

"Oh... Sorry pala kanina ha..." sagot ng lalaki pagkatapos magpakilala ni Marj.

"I have your ID, I'm at Trinoma by 6pm..." sabi naman ni Marj.

"Good... Meet me at SM North EDSA Skydome..." utos naman ng lalaki. Hindi na nakapalag si Marj.

"Hello... Apple? Let's meet some other time..." pagcancel naman niya sa lakad nila ni Alfonso.
................................

"Buti nakita mo ako..." bungad ni Justin kay Marj.

"Well, ikaw lang naman ang may ganyang bagay dito... It's very impossible na hindi kita mapansin," turo ni Marj sa teleskopyo ng lalaki.

"Wanna try?"

"Sure." agad siyang sumilip at nakita ang bituin kung saan naka-focus ang lente ng telescope, "ang liwanag..."

"Yes, at kung mapapansin mo, may kalapit pa yang dalawa pang stars. Group of stars."

"Ah..."

"Tulo na laway mo..." pang-aasar ni Justin.

Napatigil si Marj, at tinignan ang lalaki.

Ngumiti ito kay Marj at itinuro ang kamay sa bituin sa langit, ang bituin na kanyang pinakita, "Yan ang Polaris..."

Natulala si Marj.

"Maiba ako... Nasa POEA ka kanina... Mag-a-abroad ka?" tanong ni Justin kay Marj.

Tumingala siya sa langit, tinanaw ang Polaris at sumagot, "Hindi na."
 
Last edited:
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

aww....bigla nya naalala nya si japhet kay justin....syempre alam na.. :D

nakakalungkot...tapos na ang i miss you like crazy... haaayy...
 
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

heinriq..... asan po yung chapter28????? huhuhuhu nagwawala mga kasama ko dito kasi kulang..!!! hahahaah
 
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

asan ang chapter 28? di ko man mahanap... hahaha
 
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

asan ang chapter 28? di ko man mahanap... hahaha

naghahanap ka din?:lol:
kuya heinriq.. andaming naghahanap sa kulang mong chapter..
asan na po ba?.. hindi tuloy namin mabasa ang huling pahina...:slap:

pagpasok agad namin story mo agad ang hanap...:clap: galing!
 
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

ewan ko din... nyahehehe...
:peace:
secret...
 
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

:what: ano nangyari?? bakit may taguang nangyayari dito?? :think:

namatay din si japhet pero may kapalit naman., ayos! :thumbsup:
 
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

:what: ano nangyari?? bakit may taguang nangyayari dito?? :think:

namatay din si japhet pero may kapalit naman., ayos! :thumbsup:

oo nga ate esmhie.. tinatago ata.. nambibitin,,:slap:

hindi ko pa nababasa yung huli... pinipigilan ko sarili ko kasi may nawawalang chapter. hahahaha :lol:
 
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

fine.. sige isusulat ko na po... expect it around 11pm - 1am...
zombie mode nanaman ako... akala ko magmamarathon lang ako ng GLEE tonight...
twit twit lang...

wait for me...
 
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

haizzz, pati ako napahanap sa chapter 28, nakailang buklat ako ng page di ko mahanap ung Chapter 28.. amfefe...

di ko tuloy alam kung anong nangyari sa Pangasinan..

tapos na ba ung story hanggang 29????

kasi sa title may FIN na eh
 
Last edited:
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

Chapter 28 - Make It Through

As time goes by, the numbness kills my body.

Sumama ang buong pamilya ni Marj sa Pangasinan, nakakatuwang isipin, wala pang isang taon simula ng makilala namin ang isa't-isa pero pamilya na ang turing nila sa akin. And that makes me feel awkward for leaving them.

"Tao ba 'to?" tanong ni Marj, nag-pi-Pinoy-Henyo kaming pamilya.

Umiling ako.

"Bagay?!"

Iling.

"Lugar?!"

Iling.

"Pagkaen?!"

Tumango ako.

"Pagkaen... Ok... Ulam?!"

Tango.

"Prito?!"

Iling.

"Niloloko niyo ako ha!" pagmamaktol ni MOM.

"Si Mama spoiler!" sigaw ni Kuya Lino.

"MENUDO!!!" sigaw ni Marj. Nagtawanan na silang lahat. Gusto ko din tumawa, sana kaya ko.

Napansin marahil ako ni Marj kaya itinulak niya ako palabas. Takipsilim na, at makikita ito sa harap ng dalampasigan.

Gamit ang CP na ni-regalo sa akin ni MOM, nagtype ako sa screen ng, "tabing dagat"

Dahan-dahan akong itinulak pa ni Marj malapit sa dagat para hindi lumubog ang gulong ng wheelchair sa buhangin.

Sabay kaming lumanghap ng sariwang hangin. Malamig ang gabi, hindi ko nadarama pero nakikita ko kay Marj, "yakap?" tanong kong muli sa kanya gamit ang CP, sabay ngiti sa kanya.

Niyakap niya ako.

"Si tatay, usap ko." text kong muli.

"Tatawagin ko lang ha... Antayin mo lang..." sagot naman niya sabay alis.

Dumating si Tatay, humawak sa balikat ko, hindi ko yon naramdaman, pero parang na rin nung makita ko nang hawak niya ako, nagsimula siyang magsalita, "nung nagkasakit ang Ate Toyang mo, hindi namin alam ng Nanay mo kung anong gagawin namin, lalo na nung malaman naming walang lunas ang sakit niya," nagsimula na siyang umiyak, "napakahirap... Ang hirap panoorin ang anak mo na unti-unting kinukuha mula sayo... Na kahit anong higpit ng hawak mo sa kamay niya, babawiin din siya sayo... Patawarin mo ako Apeng... Patawarin mo kami ng Nanay mo... Ako, lalo... Ang aga noong binitiwan kita, napakabata mo pa... Noong ibigay kita sa tita mo... Natakot ako... Natakot ako noong sinabi sa amin ng doktor na posibleng may sakit ka rin, dalawa sa magiging tatlong anak... Magkakasakit... Kaya... Hindi ko kaya kung sakaling iiwan mo rin ako..."

": ) masaya akong kayo ang naging tatay ko."

Niyakap niya ako, "bata ka pa! Ang bata mo pa... Napakarami pang bagay ang dapat na matikman mo... Sana ako na lang... Sana ako na lang ang nakaupo d'yan..." walang tigil na umaagos ang luha sa aming mga mata.

"tay hindi ako nagsisi na kayo ang tatay ko. Pinapasalamat ko po."

"Japhet..." tawag sa akin ni Kuya Lino, "kailangan mo nang matulog..."

Binuhat ako ni Tatay, kahit hindi ko nadarama, masarap na makita, na habang hindi pa huli, nayayakap ko ang Tatay ko.
................................

Kinabukasan binisita namin si Nanay. Pagkalabas na pagkalabas pa lang niya, niyakap na niya ako kaagad. Umiiyak.

Hindi namin alam kung bakit o paano, pero tila alam niya kung ano ang nangyayari.

"May sakit ka rin? Ganyan din si Toyang noon..." nakikipag-usap siya sa akin, napakarami kong gustong sabihin, napakarami kong gustong isumbong sa kanya, na manhid ang paa ko, ang kamay ko, ang buong katawan ko, gustong-gusto kong magsalita, luha na lang ang naisagot ko sa kanya. Pinunasan naman niya ito at niyakap ako.

"Nay..." nakapagsalita ako, narinig nilang lahat, pero wala ng lumabas na tinig sa akin pagkatapos noon.
................................
Nakahiga kaming pareho sa kama ko.

"alam mo na kung nasaan ang polaris?" text ko kay Marj.

"North," sagot niya.

"wag mo un kakalimutan."

"Opo..." mabait niyang sagot."

"never lose direction" pumikit na ako.
................................

Video...

"Hi po... Unang-una po sa lahat... Marami pong salamat kay MOM dito sa ni-regalo niyang CP... I'm using it right now *chuckles* ok, Tay... Uhm... Na kay Marj yung pera ko... At sayo na yon ngayon... Magsimula na lang sana kayo ng business... And DAD talk to me about that kaya... Kayo na po ni Dad ang mag-usap... Kuya Lino... Maraming salamat sa pagtitiwala sa akin, but, I'm very sorry... I can't live with Marj forever, so sinu-surrender ko ulit sayo yang sadista mong kapatid... MOM... Masarap ka magluto... PROMISE! Kahit yung PRAWN na pinakain mo sa akin na pinandilatan mo pa ako... Napakasarap! Tay ulit... Si nanay po ha... Kayo na po sanang bahala sa kanya, nakausap ko na po si Kuya Lino tungkol sa paglipat ni Nanay ng ospital kung sakaling pupunta ka na rin ng Maynila para sa negosyo niyo ni DAD... Marj. *ngiti* uhm... May dapat ba akong sabihin? Basta marunong ka na ha! North at south. Pagtawid... Marj... I love you... Pero ayokong itali ka sa akin... After I die, gusto ko magmahal ka ulit, gusto kong maging masaya ka... Be married... Have kids... Be a good mother... Pero sana... Wag mo akong kalimutan... Kasi ikamamatay ko yon... Magkakaroon ng double-dead sa heaven sige ka... *chuckles* mahal na mahal kita, and don't worry, you wont have another 'Andrew,' I'll send you the best for you, wag mong kakalimutan... Ako ang magiging Polaris mo."

End of Video.
................................

Nagpaiwan ako sa tabi ni Ate, ayokong iwan siyang mag-isa dito sa Pangasinan.
 
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

put*ha.. naiiyak ako sa chapter na to. amfefe.

@Heinriq 2 hands UP ako sa story mo. very nice. sa lahat ng story na nabasa ko, eto lang ang mejo nakapagpakurot sakin.

maraming salamat sa pagbahagi mo ng iyong storya.

:clap: :clap: :clap: :clap: :clap:
 
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

:weep: hahahahah.. umiiyak ako... i hate you heinriq... :')

ang galing.... sobra... :clap:

kaya pala hindi mo muna ipi-nost yung 28.... nice... :)
 
Last edited:
Re: I Miss You Like Crazy [Start2Fin (-1)]

oh my.. :weep:

grabe lalo mong pinamumugto mata ko TS., i look like crazy sitting here in the locker area while crying., ehehe! :D

ayos men! umpisahan na ang bagong kwento.. :clap:
 
Back
Top Bottom