Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (30/07/2013)

Anu na kya ngyare kay ts
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (30/07/2013)

guys, sorry ngayon lang ako nakapag-update, okay na pala ang symbianize. Noong linggo ko pa kasi ina-access. Anyway, heto ang next chapter guys! Enjoy reading! Ang next na update ko, ending na :thumbsup:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (05/08/2013)

Part 27: "Miss You in a Heartbeat"

Lunes ng madaling araw. Apat na oras bago ang flight ko patungong japan. Nakadapa ako sa aking kama, nakapangalumbaba, habang nakatitig sa salaming halos kasing-tangkad ko na. Mga mata ko'y nakatuon sa sarili kong mukha, pero ang diwa ay lumilipad sa malayo. Naglalakbay. Naghuhukay ng mga kasagutang hindi ko sigurado kung gaano kalalim na nakabaon. Magulo ang aking isip. Parang mga jigsaw puzzle na may ilang milyong bahagi na kailangan buoin. Hindi ko alam kung saang parte ko 'to uumpisahang ipagtagni-tagni. Kung anong uunahin dadamputin, at kung ano ang ihuhuli at isasantabi muna. Kung ang pag-iisip ay nakakadag-dag ng edad, gaya ng sabi ng karamihan, hindi ko na alam kung ilang taon ang madadagdag sa age ko sa ginagawa kong paglangoy ngayon sa dagat ng mga ideya.

"Oh shit." palatak ko, nang mapadapo ang aking tingin sa pares ng eyebags na tila pininturaan ng kulay itim. Namamaga at kulang nalang ay pangalandakan nito na; "Hoy! Eyebag ako!". Ilang araw narin kasi akong walang tulog, simula noong huling pagkikita namin ni Bakulaw. Lagi kong naaalala ang likuran nito na unti-unting naglalaho sa mga paningin ko. Mga mata niya na parang wala ng tatalo sa pagkalungkot. Ang luha nito, na tila diretsong pumapatak sa aking puso. Dinidilig ang emosyon kong nanahimik sa sulok ng aking kaluluwa. Ngayon, nagising 'to at ubod ng ingay sa pagwawala. Kinakabog ang aking dibdib, at pinipilipit ng husto ang puso ko. Labis tuloy ang paghihirap ko, sa pinunla niyang hinanakit sa loob ng aking sistema.

"Lyka."

Dinig kong katok sa may pinto ng aking kuwarto. Dalian kong pinunasan ang luhang nagbabadyang magpadulas sa aking mga balintataw, kasunod ang paghiga ng maayos at nagkunwa-kunwariang tulog.

"Alam kong gising ka pa." lumangitngit ang pinto, at dire-diretsong lumapit sa akin ang mga yabag. "Hindi ka makatulog kapag nakasindi ang ilaw, at hindi natatakpan ng kumot."

"Si Tatay talaga." pagbangon ko, na ang mga mata ay nakadikit sa kobrekama ng aking higaan.

"Umiiyak ka ba?"

"Nalulungkot lang ako." niyakap ko ang aking mga tuhod. "Siyempre, maiiwan na lang kayong dalawa ni Gelo dito. Sino na magbabantay sa inyo? Sino pa magluluto? Maglilinis ng bahay?"

"Huwag ka ngang O.A." pagkutos sa akin ni Tatay. Napasubsob tuloy ako sa kama at namilipit sa sakit. "Wala ka namang ginagawa kundi mag-computer kapag nandito ka sa bahay. Isa pa, kukunin na ng Nanay mo si Gelo nextyear, at pagkatapos ng isa pang taon, ako naman. Edi magkakasama-sama ulit tayo."

"Kung sabagay." napa-isip ako sa tinuran niya. May point si Tatay. Dalawang taon lang ang hihintayin ko para mabuo ulit ang aking pamilya. Nakahinga ako ng maluwag dahil 'dun. Atlis, kahit papaano, nabuo na ang ibang bahagi ng jigsaw puzzle na nagpapagulo sa utak ko.

"Nakahanda na ba ang mga dadalhin mo? Mga damit mo? Passport mo?" tumayo siya at tinungo ang study table ko. "Kailangan bago mag-seven nasa airport kana. Alam mo na ba ang gagawin mo pagdating 'dun? May gamot ka ba sa hilo? May dala ka bang sanitary napkin? Me' period ka ngayon 'di ba?"

"Si Tatay naman, hindi na ako bata! Okay na ang mga dadalhin ko! Saka may dala akong sanitary nap---" pagputol ko sa sasabihin ko dapat, dali-dali ko siyang tinarayan ng tingin, ang isang kilay ko'y 'di napigilang tumaas. "Tatay! Pati ba naman iyon! Teka, pano mo nalaman na meron ako?!"

"Anak kita, alam ko ang lahat ng tungkol sayo." kinuha niya ang family picture namin na nakatambay sa taas ng mesa.

"Nakaka-ilang kaya na pag-usapan natin 'to! Ang tanda ko na e!" pagpapalobo ko sa aking pisngi, gawain ko kapag iritable ako sa topic.

"Anong pinagsasabi mo? Kahit na umabot ka pa ng singkuwenta anyos, ikaw parin ang baby girl namin ng Nanay mo. Ang baby girl naming may nunal sa---"

"Tay!" tumigil siya sa pagsasalita, hinarapan ako at muling umupo sa gilid ng kama. "Teka, siguro nagche-check ka lang kung nag-mens ako this month no?!"

"Hindi ah!" paglinis niya sa kaniyang lalamunan, kasabay ang pagbaling ng tingin sa ibang direksiyon. "Malamig pala dito sa kuwarto mo."

"Sinasabi ko na nga ba eh!" lumukso ako at sinunggaban 'to ng yakap. Hindi ko tuloy napigilan ang isang patak na luhang humulagpos sa aking mata. "Mamimiss kita Tay."

"Hindi na kita dapat lektyuran Lyka, matanda ka na, alam mo na ang ginagawa mo." kumalas siya sa yakap ko. "Alam kong napapaligiran ka ng mga lalake ngayon. Natural lang iyan, dahil nung kasing edad mo ako, ang dami kong chiks na patagong inuuwi sa bahay namin 'non. Tapos mag---"

"Tay." pag-udlot ko sa kaniya, dahil sigurado ako na kung saan-saan na naman mapupunta ang usapan namin.

"Ang ibig kong sabihin." paglinis nitong muli sa kaniyang lalamunan. "Huwag kang magmamadali sa takbo ng buhay mo. Marami kapang magagawa sa edad mong iyan. Maraming naghihintay sayo na pagkakataon. Kaya sana, pag-isipan mo muna ng isang-libong beses ang mga gagawin mong desisyon na hindi ka sigurado. Klaro?"

"Opo." nakayuko kong sagot sa kaniya. Naaalala ko tuloy nung mga panahong pinanga-ngaralan niya rin ako tungkol sa mga bagay na ganito, dahil nalaman niya na may crush ako sa school noong grade two ako. Hindi ko tuloy mapigilan humagikgik kapag nasasariwa ko iyong ala-ala na iyon. Kung makapagpayo kasi siya, kala mo parang mag-aasawa na ako. "Alam ko po iyon. Hindi po ako gagawa ng mga bagay na ikakasakit ng loob niyo."

"Mag-iingat ka 'dun ah." yumakap siya sa akin. "Alagaan mo ang Nanay mo."

Kahit papaano, kumalma ng bahagya ang puso kong tila dagat na sinasalakay ng bagyo. Salamat sa aruga ni Tatay.

"O siya, matutulog na ako." pagtalikod nito sa akin, na may halong garagal sa boses.

"Umiiyak ka ba Tay?"

"Ano? Ako? Iiyak? Hindi ah! Naalala ko lang iyong napanood kong drama kanina sa T.V." akma nitong paglabas sa kuwarto ko. "Siya nga pala, ang dumi ng lamesa mo, iligpit mo ang mga kalat na iyan bago ka matulog ah?"

Napatapon ako ng tingin sa study table, na pinuputakti ng mga nilamukot na papel at balat ng chichiria. Dali-dali akong lumapit dito, at nilinis. Subalit napahinto ako, nang madampot ko ang isang partikular na papel. Iyong papel na nilalamanan ng isang sulat, galing sa nagkalasog-lasog na figurine. Biglang bumigat ang aking pakiramdam. Ganon na lamang kung manlabo ang mga mata ko dahil sa luhang nagtipon-tipon, nang tumapak ang mga ito sa karugtong ng liham, na hindi ko pa nababasa.

"Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan, pero, gusto kong malaman mo, noong oras na magtama ang mga mata natin, nawala ako sa aking sarili. Ang corny man pakinggan, pero nakaramdam ako ng cloud nine. Ang sarap mong pagmasdan. Para bang first time akong nakakita ng isang babae, at humanga kaagad ako sa kagandahan nito. Oo, ang tanda ko na para magka-crush pa 'di ba? Pero anong magagawa ko? Na-magnet kaagad ang puso ko sayo. Kahit nga hanggang ngayon, kapag naaalala ko iyong unang pagkikita natin, kinikilig ako. Ngayon ko napatunayan, kahit na mga lalakeng maton katulad ko, tumitili 'din pala sa unan kapag kinikilig. Oo na, sige na, tumawa ka na kung gusto mo. Pagkatapos non, nagka-usap tayo. Sobra ang kabang naramdaman ko 'non! Kung alam mo lang kung gaano kapawis ang mga palad ko 'non! Nakarami tuloy ako ng kape nung time na iyon 'di ba? Kasi gusto kong tumagal iyong oras na kasama ka. May sasabihin ako. Panakaw akong kumuha ng letrato mo habang naglalakad tayo papuntang restaurant, na hindi mo alam na ako pala ang manager. Iyong picture na iyon ang madalas kong titigan kapag wala akong ginagawa sa office. May pagkakataon nga na nahuli ako ni Chika, habang hinahalikan ko ang letrato mo na ginawa kong wallpaper sa P.C. ko. Sobrang aligaga ako 'non na baka malaman mo ang tungkol 'dun. Kaya binalaan ko siya na tatanggalin ko 'to sa trabaho kapag nagsumbong siya sayo. Sinabi na ba niya sayo ang tungkol 'dun? Anyway, alam ko naman na ayaw mo sa akin, kasi madalas tayong magtalo kapag nagkikita tayo. Madalas kasi kitang inaasar. Doon kasi ako magaling e, ang magtago ng nararamdaman. Hindi ka maniniwala, pero sa bawat suntok na pinapakawalan mo sa akin, ay nagbibigay ng saya dito sa puso ko. Ang weird, pero iyon ang nararamdaman ko. Kaya hindi ako magsasawa kahit na lamugin mo pa ang katawan ko."

Nanlambot ang mga tuhod ko. Napahalik sila sa sahig. Animo'y pagsaksak ng kutsilyo sa puso ang pakiramdam, habang walang katapusan ang luhang dumadausdos sa aking pisngi.

"May pagtatapat ako. May naging girlfriend ako, ang pangalan ay Erika. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng pagkakataon, pero, nakuha mo ang mukha niya. As in super kahawig mo siya. Pero please lang, huwag na huwag mong iisipin na nagkagusto ako sayo dahil sa kamukha mo siya, o nakikita kita dahil sa kaniya. Oo, nasayo ang physical looks nito, pero higit kang lutang sa kaniya. Hindi ko alam kung sa anong paraan e. Isa lang ang alam ko, mahal kita kaysa sa pagmamahal na binigay ko kay Erika. Ipapaliwanag ko sayo 'to kapag nagkita tayo, sa ngayon, ang importante ay ikaw. Ikaw na may ngiting nagpapatibok sa puso ko. Nakikita ko sa mga mata mo, ang kasiyahan ko. Hindi ako magaling sa mga malalaking pangako, pero magpapakatotoo ako sayo. Dahil alam kong magagawa ko ang lahat para sayo. Happy Graduation day =). -bakulaw charlie."

Kumapit ako sa unan na nakabalehandra sa kama, doon, sumigaw ako sa abot na makakaya ng aking lalamunan. Paulit-ulit na palahaw. Hikbi, hagulgol, pagkatapos ay sigaw muli. Pero parang hindi man lang nababawasan ang paglamukot na pakiramdam sa puso ko. Bagkus, lalo pang sumisidhi ang sakit na nagpapaluha sa akin ng husto. Inabot ko ang maliit na kahong binigay sa akin ni bakulaw sa bulsa ng bag ko. Aaminin ko, ilang beses na akong natukso na alamin ang laman nito, pero sa tuwing kakalasin ko ang ribbon na nakapulupot dito, naiisip ko bigla ang mga araw na kasama ko si Bakulaw. Pagkatapos, susuklaban ako ng lungkot. Hanggang sa panghinaan na ako ng loob upang buksan ang kahon.

"Bakit ba nasasaktan ako ng ganito." hikbi ko. "Umalis ka na sa isip ko, please." hinawakan ko ang laso ng kahon, naghahanda upang kalasin ang buhol, subalit, nauwi ako sa pagbato nito sa mesa, imbis na buksan. Kasunod ang paglupasay sa kama. Pag-hagulgol ng matindi, at pagmura sa pangalan ni Bakulaw. "Shit ka..Shit ka..Shit ka.."

+++
"Alis na ako, Tay." paghalik ko sa aking magulang. "Ingat kayo dito ah?"

"Sige na, mahuhuli ka na sa flight mo." pagtulak niya sa akin, napansin ko pa na namumula ang mga mga mata nito.

"Si Gelo?" tanong ko sa kaniya, kasabay ang pagpunas sa kanina pang luhang walang katapusang sinusuka ng mga paningin ko.

"Ewan ko ba sa batang iyon, kanina ko pa ginigising, pero ayaw niyang bumangon." tumalikod si Tatay, naglinis kuno ng lalamunan, ngunit alam kong pinawi nito ang tubig sa mga mata. "Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid sa airport?"

"Alam niyo naman na hindi ako marunong magpa-alam 'di ba." napatingin ako sa bintana ni Gelo, natanglawan ko siyang nakasilip, subalit agad niyang nilihis ang kurtina nang mapansin nitong nakatitig ako sa direksiyon niya. Napangiti tuloy ako. "Baka maisipan ko pang huwag na lang tumuloy."

"Hey Lyka, i hate to interrupt, but, ma-lalate na tayo." sabat ni Mister Taiwanese sa amin.

"Hey you, you keep you safe my daughter, okay?" pahabol sa amin ni Tatay, nang sumakay na kami sa taxi. Tanging tango lang at ngiti ang naisagot ng kausap.

"Are you ready?" usisa ni Mister Taiwanese, pagka-upo namin sa likurang parte ng sasakyan.

"Yes." usal ko, na ang tingin ay nasa mga binti ko, kasunod ang pag-andar ng taxi. Hindi ko magawang tignan si Tatay sa huling pagkakataon. Ni hindi ko kayang sulyapan ang bahay na kinalakian ko, at ang lugar na tinubuan ko mula pa nang isinilang ako. Ang hirap palang magpa-alam sa kinagawian na. Nakakadurog ng emosyon. Ng pagkatao. Ng puso.

+++
"Bilisan mo! Magsisimula na!"

Hila-hila ako ng isang batang lalake. Tumatakbo kami sa isang lugar na hindi ko alam kung saan, pero alam ko dito ako lumaki. Hindi ko rin alam kung saan kami patungo, subalit alam kong may dapat kaming puntahan. Piniit ko ang tingin ko sa kaniya, subalit sa tuwing tatama ang mga mata ko sa mukha nito, iniiwas niya ang direksiyon ng ulo nito palayo sa akin. Buhok lang niya tuloy ang nasusulyapan ko. Alam ko sa aking sarili, na kilala ko siya. Subalit hindi ko maalala ang kaniyang pangalan.

"Bilisan mo Lyka!"

"Teka lang, pagod na ako." kumalas ako sa pagkakahawak niya at sumalampak sa sahig. Habol-hininga kong pinikit ang aking mga mata, pilit sinusupil ang pagod sa aking dibdib. "Pahinga muna tayo sandali."

"Napapagod ka na ba sa akin?"

"Ano ba naman iyang sinasabi mo? Siyempre hindi! Mahal kaya kita!" napatakip ako sa aking bibig! Nabigla sa nilabas ng dila ko, hindi iyon ang gusto kong sabihin, pero otomatikong iniluwal iyon ng aking bibig!

"Hindi bale, naiintindihan ko, Lyka. Maraming mabibigat na problema ang dumapo sayo. Napagod ka na siguro sa mga sakit."

"Pasensiya ka na." yumuko ako.

"Sige, Lyka. Magpahinga ka muna. Iwasan mo muna ang mag-isip. Dito na lang natin panoorin."

"Matagal pa ba?" tinapunan ko siya ng tingin, subalit likuran lang niya ang nakikita ko, habang nakatingala 'to sa langit."

"Ssshhhhh...Ayan na, Lyka."

Sa pagkasambit niya nito, nakarinig ako ng isang mahabang tunog ng pito sa kung saan. Pagkatapos, biglang sumabog ang langit. Nagkislapan ang iba't-ibang kulay na pumuputok sa himpapawid.

"Hey. Lyka, you're dreaming."

Minulat ko ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang mukha ni Mister Taiwanese. Ang tamis ng ngiti, na siyang ikinalubog ng mga mata nito. "Nakatulog ba ako?"

"Yeah. Umuungol ka pa nga e. Kaya i decided na gisingin ka. Is everything okay?"

"Ayos lang ako." umupo ako ng tuwid. "Ang weird lang ng napanaginipan ko."

"And what is it?"

"Basta, magulo e." sumulyap ako sa labas ng bintana ng sasakyan. "Malayo pa ba tayo?"

"Malapit na, mga about half and hour na lang, nasa airport na tayo." sumandal siya kasabay ang pagdekuwatro nito. Kasunod ang pagbuklat sa diyaryo. "Just relax okay? We will be there soon."

"Anong binabasa mo?" pukol ko ng tanong sa kaniya.

"Random. Kung ano-ano. Right now, i'm reading some horoscopes."

"Horoscopes." bulong ko sa aking sarili. Kasunod nito, ang tila biglang pagkuryente sa aking ulo! Na siyang dahilan, upang mag-play ng iba't-ibang flashbacks ang utak ko! Na nangyari sa akin nitong nakaraang araw!

*Ito ang linggong maraming mabibigat na aktibidad ang dadapo sa nanahimik mong sandali*

(Kuya....)
(Please....Ayaw na muna kitang makita...)

*Kukurutin ka ng pagod, lalambingin ka ng sakit, hahalikan ka ng pait.*

(Lyka, i know he likes you. But, i'm also inlove with you.
Kaya hindi ako papayag na makuha ka niya sa akin.)

*Mas mabuti pang takpan ang mga mata, at magbingi-bingihan, susukatin ng
panahon ang iyong
katangian. Iwasan ang umimik, nang sa
ganon ay huwag
mabunggo ng lintik*

(Hello? Who's these? Hon, may tumatawag. Lyka ang naka-save na name.)
(boses babae? Shit!)

*Sa kabila ng lahat,
sasabog ang
kalangitan, magliliwanag ang
gabi, hahagurin ang
dalamhati, at
papawiin ang iyong
hikbi*

(Naka-on ba 'to?...Teka! Sandali lang!...I love you Lyka!)
(Tama na! Mahal kita bilang ikaw!)
(Bakit 'di mo ako pagbigyang patunayan 'to sayo!)

"Hey, Lyka, why are you crying? What happen?" pumitik ako sa kasalukuyan, napatunganga ako sa mata ni Mister Taiwanese. "Bakit ka umiiyak?"

"Willy, naging mabait ka sa akin sa lahat ng oras." hinawakan ko ang kamay niya, kasabay ang pagpatak ng luha ko dito. "Napakabuti mo, i'm so blessed na magkaroon ng kaibigang katulad mo." dinampian ko siya ng masuyong halik sa pisngi. "Hindi kita makakalimutan, pangako, ikaw ang una't huling lalakeng crush ko." pinunasan ko ang panibagong luha sa aking mga paningin. "Manong, pakihinto sa tabi, bababa na ako."

Nagmamadali akong lumabas ng taxi pagkatirik nito. Kasunod ang pagkalkal ko sa aking bulsa, sa maliit na kahong binigay sa akin ni Bakulaw.

(Kung sakaling magbago man ang isip mo. Buksan mo 'to.)

"Bakit ba ang tanga-tanga ko!" pabulong kong sambit, nang makasakay ako sa bus na pinara ko, pabalik sa amin. "Ang tanga-tanga ko!" hinawakan ko ang laso ng kahon, this time, wala ng pagdadalawang isip sa aking sarili. Determinado akong buksan 'to. "Simcard?" magkasabay ang gulat at pagtataka ang humalik sa mukha ko, nang lumantad sa akin ang piraso ng simcard mula sa loob ng kahon.

Walang atubili ko 'tong sinalpak sa aking cellphone. Hinagilap ang nilalaman ng nasabing simcard. Subalit walang ano mang mensahe sa inbox nito. Pero may isang numerong nakarehistro sa contacts nito. BAKULAW ang pangalan na naka-save. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, agad ko 'tong dinayal! Nagbabakasakaling may lamang load ang simcard, at sagutin ng taong may ari ng numero. Success! Nag-riring ang number!

"Sagutin mo please! Please!" walang pasensiya kong pag-cross fingered. Ngunit bigo ako, walang sumagot hanggang sa 'to ay otomatikong namatay! Pakiramdam ko tuloy ay pinagsakluban ako ng langit at lupa.

Maya't-may pa, biglang nag-vibrate ang telepono ko! Hudyat na may dumating na mensahe. Agaran ko 'tong binuksan. Pero hindi ko pa 'to natatapos basahin, nang magpa-ulan ulit ng iyak ang mga mata ko.

"Kuya, pabug naman po, please?"

"Where ka?" pag-reply ko sa text message.

"Kung saan tayo unang nag-eyeball. Hintayin kita dito."

Halos maglupasay ako sa loob ng bus! Naghalo kasi ang sabik at kaba sa aking katawan. Kaya ang resulta, sobrang pangangalambot sa tuhod. Pero sa kabila ng lahat ng ito, nawala ang punyal na unti-unting bumabaon sa aking puso. Nagpakawala ako ng ngiti, at alam ko, sa ngiting iyon, tama ang naging desisyon ko.

+++
Tumugtog ang instrumental ng isang kanta, pagkabukas ko sa pintuan ng starbucks. Lalo tuloy nangilid ang luha sa mga balintataw ko, na kaninay pansamantala kong napahinto. Paano ba naman kasi, diretsong nasapul ng kantang iyon ang karupukan ng aking puso. Ang kantang simula pagkabata ay paborito ko na, ang awit na pinakanumero-uno para sa akin. Ang, Miss You in a Heartbeat ng Def Leppard.

*I believe that there is something deep inside.*

"Good morning Mam." bati sa akin ng isang babaeng barista, kasabay ang pag-abot sa akin nito ng piraso ng pulang rosas. "For you po."

*That shouldn't be from time to time. I sure found out, thought love was such a crime.*

"This way po, Mam." gabay sa akin ng panibagong barista, na kagaya sa nauna, nag-abot din 'to ng rosas. Pero sa pagkakataong ito, kulay puti naman.

*The more you care, the more you fall. No need to worry, no need to turn away*

"For you po, Mam." handog sa akin ng isa pang trabahador ng lugar ng kulay pink na rosas, habang inu-urong ang silyang siyang uupuan ko.

*Cause it don't matter anyway.*

"Hi."

Mula sa likuran ko, nadinig ko ang boses ni Bakulaw! Subalit tila may kung anong paro-paro sa aking sikmura! Pumipigil sa lakas ng loob ko, pinapalitan ng hiya!

*oohh...oohh...oohh...I miss you in a heartbeat...oohh...oohh..oohh...I miss you right away...oohh...oohh...oohh...I miss you in a heartbeat...Cause it ain't love, if i don't feel that way.*

"Kuya." paghawak niya sa balikat ko, na siyang nagpakislot sa akin at nagpaharap sa kaniyang direksiyon. Subalit sa saktong pagpiit ko ng aking leeg sa kaniya, ay siyang bulaga sa akin ng halik nito!

*oohh...oohh...oohh...I miss you in a heartbeat...oohh...oohh...oohh...I miss you right away...oohh...oohh...oohh...I miss you in a heartbeat...Cause it ain't love, if i don't feel that way.*

Tumulo ang luha sa aking mga mata. Pero hindi iyon dahil sa sakit. Kundi dahil sa saya.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (05/08/2013)

awts haha thanks!!! salamat!!! arigato!!! haha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (05/08/2013)

nice.., hehehehe..,
salamat ts..,
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (05/08/2013)

nag abang ako hanggang sa ngayong oras para sa update.. haha.. nice ts :thumbsup: abang na din para sa ending neto .. :excited:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

wew.. nice.. hahaha...

nice nice nice nice TS.. :salute:

share ko na to sa mga friends ko pag matapos na.. kc ung gs2 nia ung may ending na.. so mas madami ang babasa nito kung may ending na. :salute:

keep up the goodwork.. galing mo na writer actually..

Abangan ko na ending sana ngayon na week..
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

Muntik na ako maiyak TS! :weep:

Salamat po sa update! Kilig kilig din pag may time HAHA :rofl:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

yieee astig hahaha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

Astig talaga...abang ulit sa next episode.
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

thanks guys :thumbsup: sa wakas, tapos na :rofl: tapos na yung ending, kaso bukas ko nalang ipapaskil :rofl:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

:weep: Salamat sa up bro .

---

Pwede nang ipa publish sa book :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

ngayon na ts! haha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

asan na yung ending?? wahahahah TS!!!! ehehehe tenk yu
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

abangan ko yan ts bukas. .anlupet mo maglaro ng mga salita. .astig. .
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

ayos... waiting for ending... lalong gumanda ts...
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

tsk.. ending na? :weep:
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

abangers mode.. :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

Mahusay ka TS! :)
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

Ang ganda grabe. Excited na sa ending :thumbsup:
 
Back
Top Bottom