Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
katatapos ko lang basahin. Tnx ts sa mgandang kwento :praise: EDIT: may basher na si supladoako oh, ayos ka talaga ts :laugh: :laugh:
 
Last edited:
bakit kailangang matapos tong ganto kagandang storya? hahahah.
astig otor! galing.
morepowers! :)
 
salamat sa kwento sir ts. :praise:
ung tipong inaabangan ko ung susunod na update tapos pag bitin kakahayblad. :p
ang galing mo! :salute:
ulitin ko basahin to, :D

salamat rin po sa mga pdf files mga sir! :thumbsup:
 
wow ang dapat lang pala dito sa SYMBIANIZE puro PAPURI hahahahahaha :clap: sa hindi ko nagustuhan eh :rofl:
 
wow ang dapat lang pala dito sa SYMBIANIZE puro PAPURI hahahahahaha :clap: sa hindi ko nagustuhan eh :rofl:

Hindi madali ang prosesong pinagdadaanan ng isang manunulat upang makabuo ng isang akda. Lalo na kung tulad nitong mini-nobela. Sa ilang salita lang eh winalang halaga mo na ang libo-libong salita na sinulat ng may akda? Mga salitang pinagpuhunanan ng oras at mataimitimang pag-iisip? You are way out of line. Maliwanag sa ating Forum Guidelines ang tungkol sa pagbibigay respeto sa bawat isang miyembro. Constructive criticisms are always welcome pero dapat hindi sa ganyang paraan. Destructive criticism yan at imbes na mag encourage sa writer na magsulat pa eh dina-down mo pa. For what purpose? To troll?

Moving forward, I am forbidding you to post any comments or reply on this thread. Failure to comply will mean an instant ban.
 
Sinimulan ko mula umpisa ulit. Masaya kasing balikan 'yung mga funny moments nila Lyka at Charlie e, or should I say nila Sadista at Bakulaw? :lol:


Sa istorya kasi na ganito, talagang nakakapukaw ng atensyon e. Title pa lang nakaka-curious na. Maganda din 'yung simula ng kwento kaya naman naging silent reader ako hanggang sa matapos ang iyong akda. 'Di ba nga sabi ko, sa huli ang comment ko at bilisan mo sa pag-update. Silent reader ako ng gawa mo. :lmao:


There are some typo errors. Hindi naman big deal. Sa CP ko ito binabasa e. Naduduling ako kapag sa computer. :rofl:


Nabitin ako sa ending ng kwento! Well, hindi ko in-expect na sa ganung paraan matatapos ang kwento e. Akala ko kahit papaano e matututo namang maglambing ni Bakulaw, na hindi na siya magtatago ng nararamdaman niya('yung parang blank expression). Teka, paano nga kaya 'yung blank expression? Parang mahihirapan akong gayahin 'yun ah. :laugh:


If ever na magka-part 2 ito, isa din ako sa mag-aabang. 'Yung humor sa kwento hindi nakakaumay. Sakto lang sa timpla ko. Panget naman kasi na puro biro na lang, na wala ng ibang emosyon. Maganda 'yung kombinasyon ng mga salita. Simple lang. Swak na swak sa kwento.


Keep it up! Ang galing mo! :hat:
 
Part 10: "Meet The Reliyebo's"

JAN PALANG AKO AMF HAHA

TAPUSIN KO MAYANG GABI DOTA LANG

:THANKS: TS :D

:nice:

TRUE STORY PO BA TO?
 
Sinisimulan ko pa lang basahin ito, pero super interesting medyo nakakarelate ako kasi buggista din ako, hahahaha...Madami ng positive feedback galing mo ts..tatapusin ko ito basahin..baka mainspire ulit ako magsulat hehehe...ay nga pala, I compile all parts para maging ebook, para madaling basahin..ayan po sa attachment..


SALAMAT PO! Keep Up! Basa mode na ako...

:clap: :clap: :clap: :clap: :clap: :clap: :clap: :clap: :clap: :clap: :clap:
 

Attachments

  • KuyaPabugNamanPo.txt
    273.5 KB · Views: 16
wahahahaha. i love the ending! unexpected twist talaga. Magaling! Magaling! Magaling!!!
 
salamat ulit sa mga bumasa. At salamat kay padre pio :thumbsup: pasensiya na, 'dun sa iba na hindi pumatok sa inyong panlasa, madami ibang kuwento dito sa arts and lits na hamak mas magandang basahin :thumbsup: maraming salamat ulit sa mga tumangkilik! Hanggang sa uulitin :thumbsup:
 
Ito yung PDF file from part 1 to final chapter. Enjoy reading!
 

Attachments

  • Kuya_Pa_Bug_Naman_Po_Please_-_SupladoAko.pdf
    743.6 KB · Views: 31
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FI

babashin ko ulit to :)
TS TSU ka dba? publish mo hehehe
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FI

ayos 2 thumbs up TS:thumbsup:


ayos :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FI

wow im so amazing in this story...ang ganda.. me i ask is this ur real story??

- - - Updated - - -

wow im so amazing in this story...ang ganda.. me i ask is this ur real story??
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FI

up para sa mga hindi pa nakakabasa :thumbsup:
eto talga yung sinubaybayan ko dito dati eh hahaha
 
nice natapos na pala ito, read ko muna ulit sa simula nakalimutan ko na story nito hehehe
 
Hello po sa inyo! Aspiring writer po ako and first time ko po mag attempt magpost ng sarili kong story dito, pakitry na din po basahin if ok lang. :)

Oph-Nova (A Romantic Fantasy Story) po ang title located sa Original Literature.
http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1200900

Pakisupport po at paki critic na din! I want to improve my writing po. Thanks poo!
 
Last edited:
Back
Top Bottom