Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (FINISH)

KUYA PABUG NAMAN PO, PLEASE?
Part 1: "Bug"

"Kuya pabug naman po, please?"

-Iyan kaagad ang bumungad sa akin, pagkabukas ng inbox ko sa profile page ng account ko sa isang community site.

Ramdam ko tuloy ang biglang pagpatong-patong ng mga guhit sa aking noo, na tinernuan ng pagkulot ng kaliwang kilay. Natulala ako ng mahigit isang minuto sa screen ng laptop. Una sa lahat, hindi ko gawain ang magstay sa Tips and Tricks Forum (Mga naglipanang threads, kung saan puros mga tutorial sa libreng internet ang patama. Mapa-phone man o computer), kung bibisita man ako doon, sigurado ay dahil sa paghahanap ko sa mga posibleng paraan para makapag youtube ng libre sa cellphone. Pero hinding-hindi ako tatambay o mag-iiwan ng puna sa bawat paksang nakapa-inloob sa forum na iyon. Kaya ngayon, lumulutang ang katanungan na kung bakit sa akin nagpapabug ang user na 'to? Ikalawang dahilan ng pagpitik ng ugat sa sentido ko, ay ang pagkayamot sa salitang "kuya" sa piniem niya sa akin. I mean, malinaw naman sa avatar ko na babae ang nakabalandrang larawan, tapos mapagkakamalan niya akong lalake? Nakakapagpaputi ng buhok ang message niya.

"500 Pesos. Take it or leave it." hindi ko alam kung paano ko natipa sa keyboard ang bawat letrang bumuo sa pangungusap na iyon. Hindi ko kasi ugali ang magpabayad sa ano mang mga detalyeng nalalaman ko ukol sa usaping "Free Internet". Kung anong meron ako, at kung sa tingin ko ay tama naman, bukal sa loob ko itong ipapamahagi sa iba. Nabali na marahil ang linya ng PASENSIYA sa sistema ng katawan ko, kaya siguro sumabog na ang emosyong PIKON sa aking tuktok.

"Ang mahal naman Kuya." mabilis nitong tugon, ni hindi man lang ako pinakurap ng lagpas sa lima.

"Take it or leave it." ulit ko, medyo mabigat na ang dampi ng aking mga daliri sa keyboard.

"30 load to any network nalang, Kuya."

May kung ano ulit ang pumintig sa aking sentido. Alam kong nakasibangot na ako habang nagta-type. "Mahirap na mag bug ngayon. Kaya kung ayaw mo, fine!"

"Ok sige, 60 load? Kuya?"

Kung totoo lang na umuusok ang ilong kapag nasagad na ang galit sa isang tao, hindi ko ipagkakait na apoy imbes na usok ang lalabas sa aking ilong. "BABAE AKO! BULAG KA BA?! KITANG-KITA NAMAN SA PROFILE PIC KO!"

"Huh? Sige na, pa bug Kuya? Please, Kuya?"

"BABAE NGA AKO! BYE!" paalam ko, kasabay sa paglog-out. Pilit pinipigilan ang sariling kamao na lumapag sa screen ng laptop. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sadya talagang maiksi ang pisi ng PASENSIYA ko sa aking kaluluwa. Kahit pa gaano kababaw ang asar, tiyak mag-aalburuto ako sa galit. Ika nga ng mga kalaro ko dati, asar talo daw ako.

Lumipas ang ilang oras. Medyo napakalma ako ni Adam Sandler sa pelikula nitong The Wedding Singer, kaya't mabilisan akong naglog-in ulit sa community site na tinatambayan ko at sinilip ang profile page ni Bakulaw, yung lalakeng naka-ingkuwentro ko kanina. Ewan ko ba, pero maliban sa pagiging mababaw ang pasensiya, isa rin sa mga ugaling dumadaloy sa aking dugo ay ang pagtawag ng ibang ngalan sa mga bagong kakilala ko. Siguro paraan ko na iyon para hindi ko kaagad makalimutan ang mga taong nakakasalamuha ko. Kaya puro alias na kung ano-ano ang nakasave sa phonebook ng aking cellphone.

"Newbie." ika ko sa sarili, habang pinagmamasdan ang petsa sa kung kailan siya lumahok sa site na tinuturing kong ikalawang bahay, maliban sa Simbahan.

"Sige na pabug na, kailangan ko lang please?"

Biglang nagpop-up sa screen ko ang panibagong piem niya sa akin. Medyo napa-igtad pa ako sa posisyon ko ng mga sandaling iyon.

"Okay." malumanay kong tipa sa pagkakataong ito, siguro dahil wala na ang salitang KUYA sa mensahe niya. "Ganito kasi yun, hindi talaga ako marunong magbug. Nagpapabug lang ako sa mga pinsan ko."

"Ganon." mabilisan niyang reply.

"Yup."

"Sayang. Thank you nalang."

"No problemo, amigo! ^_^" pagpindot ko muli sa enter key.

Natapos ang isa at dalawang minuto, sinundan ng ikatlo, ika-apat at ika-lima, pero hindi na ito nagparamdam pa. Nagwakas na ang pinapanood kong documentary film sa youtube, subalit wala parin siyang sagot. Maglolog-out na sana ako ng biglang sumulpot ulit ang private message niya sa akin.

"Ang cute mo sa picture mo."

Napa-iling ako. Napinta ang ngiti sa aking labi.

+++++
+++++
+++++
+++++
+++++

[Author's Note:]​


Part 2: "Deal"
Part 3: "Eyeball"
Part 4: "Restaurant"
Part 5: "Liability"
Part 6: "Accidentally Inlove"
Part 7: "Cheese Burger"
Part 8: "Side by Side"
Part 9: "Story of a Girl"
Part 10: "Meet The Reliyebo's"
Part 11: "Date?!"
Part 12: "7 Missed Calls"
Part13: "Guest"
Part 14: "Bakulaw"
Part 15: "With Him Again"
Part 16: "Mr. Worst Guy (Part 1)"
Part 17 "Mr. Worst Guy (Part 2)"
Part 18 "Who's These"
Part 19 "Fireworks"
Part 20: "Waiting Shed"
Part 21: "Condition"
Part 22: "Welcome Home"
Part 23: "Story of a Guy"
Part 24: "Figurine"
Part 25: "Microphone"
Part 26: "Fading Fireworks"
Part 27: "Miss You in a Heartbeat"
Part 28: "Trailer"

+++

PDF file ng Kuya PaBug Naman Po, Please? (Part 1-24) Credit kay Sir. REDSKY28!
PDF File ng Kuya PaBug Naman Po, Please? Part 1-24 by Sir Webstone
 
Last edited by a moderator:
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

di ako makapaniwala ilang buwan ko din sinubaybayan to at ngayon dumating na ang kanyang pagtatapos sana may part 2 hahaha
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

wala pa ba? update na TS.. :D
 
Re: Kuya PaBug Naman Po, Please? (Teka, Love Story 'to!) (06/08/2013)

kala ko ipopost na yung ending. .abang abang muna. .
 
Guys, una sa lahat, salamat sa pagbasa nitong kuwento mula chapter 1, hanggang dito sa pinakahuling kabanata. Thank you talaga! :thumbsup: heto na, final chapter sa buhay ng Chaka! :thumbsup:
 
Part 28: "Trailer"

"Magkano ang ginastos mo dito?" pukol ko ng tanong kay Bakulaw, nang maghiwalay ang labi namin. Sumakto pa 'to sa pagtatapos ng background music sa paligid.

"Huh?" tipid niyang sagot, lutang na lutang sa kaniyang mukha ang pagtataka.

"Magkano ang ginastos mo dito?" pag-ulit ko sa tanong na sinibat ko sa kaniya, habang iginagala ang tingin sa loob ng Starbucks, na noo'y maliban sa tatlong crew nito, kaming dalawa lang ang laman sa loob. May mga talulot ng rosas sa bawat table. Pulang telang tumatakip sa ding-ding na salamin, dahilan upang magdilim ang cafeteria, at tanging nakasabit na christmas lights sa kisame ang nagpapaliwanag dito. Sa lahat ng napansin ko sa loob, iisang dekorasyon lang ang hindi ko nagustuhan. Iyon ay ang malaking manila paper sa entrance, na may sulat-kamay ng; "I Love You Layka". Maliban sa mali na ang spelling sa pangalan ko, mukhang minadali pa ang pagkakagawa. Iisipin mo tuloy na ginawa 'to ng batang nasa grade one ang baitang. "Nirentahan mo ba 'tong lugar?"

"Hindi ah." umupo siya, paharap sa akin. "Sa palagay mo ba gagastusan kita?"

"Ano?!" hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila nito, dahilan upang magsalubong ang aking dalawang kilay.

"Inutusan ko lang sila." pagnguso niya sa tatlong empleyado, na kasalukuyang nakahelera sa may counter.

"Inutusan?"

"Ako na ang bagong manager dito." tinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay, kasunod ang ingay na nanggaling sa pagpitik ng mga daliri nito. "Kapag hindi sila sumunod, tanggal sila sa trabaho."

"Ano?! Gusto mong ikaw ang tanggalan ko ng ulo?!" panduduro ko sa kaniya. "Ang sama mo!"

"Hindi mo ba nagustuhan ang pinagpaguran namin?" sambit niya, na ang tinutukoy ay ang palamuting ginawa nila sa loob. "Rush pa kami sa lagay na iyan."

"Kami?" diretsong pagtitig ko sa kaniyang mga mata, na ang ayos ng mukha ay hindi nalalayo sa pagka-poker face. "Eh kung 'di ako nagkakamali, sigurado mga tauhan mo lang ang may gawa nitong lahat!"

"Sobra ka naman kung mag-judge." pagkuha nito sa ensaymadang kasalukuyang inilalapag sa amin ng isa sa mga crew niya. "May ginawa 'din naman ako kahit papaano."

"Alin?!" pagtulak ko ng tinapay sa aking bibig, ni hindi ko na 'to nakuhang nguyain pa, deretso ko 'tong nilunok. Dahil sa totoo lang, nagutom ako sa walang tigil na pag-iyak kanina.

"Nakita mo ba iyong banner sa pinto?"

"Oo. Bakit? Ikaw ang may gawa 'non?!" salpak ko ng panibagong tinapay sa aking bibig.

"The one and only!" pag-ayos nito sa suot na necktie, ngumisi pa siya sa paraang nagyayabang.

"Ah, ikaw pala iyong taong tangang gumawa 'non! L-Y-K-A ang spelling ng pangalan ko!" humigop ako ng kape, subalit agad ko 'tong nilayo sa aking labi. Nalatay kasi ang dila ko sa mainit nitong temperatura. "Saka, hindi mo man lang inartihan ng konti. Bolpen pa ang ginamit mong pangsulat!"

"Huwag ka ngang choosey." muli siyang bumalik sa pagngasab ng tinapay. "First time kong ginawa iyon sa isang Bakla, kaya pasalamat ka na lang."

Namula ang mukha ko! May kung anong pumitik sa aking sentido! Kinakalabit na ako ng pagka-highblood, lalo na nang marinig kong nagpigil ng tawa iyong mga tauhan niya! "Puwede bang hinaan mo iyang boses mo, baka isipin nila totoo iyong sinasabi mo." paglapit ko sa kaniya ng bahagya, upang bulungan.

"Na bakla ka?" tumingin siya sa akin, serioso ang ayos ng mukha nito. "Hayaan mo sila, mahal naman kita, kahit ano ka pa."

Sa pagkakataong 'to, sumiklab ang apoy sa aking bumubunan! Ngunit pinagtibay ko pa ang natitirang pasensiya sa pagkatao ko. Ipinangako ko kasi kanina, habang nagbibiyahe ako papunta dito, na babawasan ko na pagtataray sa kaniya. Pumikit ako, at nagbingi-bingian sa mga naririnig kong bulong-bulungan ng tatlong empleyado malapit sa amin. "Sobra ka namang magbiro." pagpupumilit kong pagngiti, sinisikap hadlangan ang pagngitngit na ginawa ng aking mga ngipin.

"No, it's true." nagpunas siya ng bibig, habang tila pinapalakas pa nito ng husto ang tinig. "Mahal kita, kahit na bakla ka."

"Babae ako. Ikaw talaga, joker ka." pagpiit ko rin sa volume ng boses ko, na sinadya kong taasan upang madinig ng mga tauhan niya, na ngayon ay bakas sa mga mukha nila ang pagdududa. Ang sarap tuloy nilang gilitan ng leeg, gamit lang 'tong bread knife na hawak ko.

"Oh come on, Kuya." tumawa siya, iyong tipong nakakaloko. "Huwag kang mahiya. Wala akong paki-alam sa sasabihin ng iba." itinaas nito ang dalawa niyang kamay. "PROUD AKONG MAGMAHAL NG BAKLA!"

Nagulantang ako sa sinagaw niyang iyon! Muntikan ko na tuloy ipukpok sa kaniya ang flower base na nakapatong sa mesa namin!

"MAHAL KITA KAHIT NA BAK---" pagpasak ko sa bibig nito ng isang buong ensaymada! Dahilan upang maudlot ang kaniyang sasabihin!

"Kapag hindi ka tumigil...." pagpuwersa ko ng ngiti, nanginginig pa ang aking labi. "Itong tasang hawak ko ang isusunod kong ipapasok sa bibig mo."

"Ayaw mo ba na ipinangangalandakan kong mahal kita?" pagluwa niya sa tinapay. "Ang weird mo."

"Ang cute mo no?" pagturo ko sa kaniya gamit ang bread knife. "Halika, paduguin natin ang mata mo."

"Lalakeng-lalake ang dating ah." pagpasok nito ng daliri niya sa kaniyang ilong. Lalo tuloy nagpumitik ang mga ugat sa aking sentido sa pagka-asar! Kasunod nito, muli siyang pumitik sa ere. "Sige na, lumabas na kayo."

"Te-teka..Saan sila pupunta?" gulantang ko sa tatlong barista, nang sumibat sila palabas ng cafeteria.

"Huwag kang mag-aalala, Kuya." hinubad nito ang nakakapit na necktie sa kaniyang leeg, pagkatapos, isinunod naman niya ang suot nitong itim na polo. "Inutusan ko sila na maglakwatsa muna for five hours."

"A-ano?" pag-urong ko sa aking silya. "Ba-bakit ka naghuhubad?"

"May privacy tayo ng ilang oras." kinalas nito kaniyang sinturong nakapulupot sa pantalon, at inilapag 'to sa mesa. "May kutson akong hinanda doon sa sulok. Tara? Ku---"

Lumapat sa mukha nito ang flower base na kanina pang kinakati ng mga kamay kong ibato sa kaniya! Napatingin siya sa kisame, kasabay ang pagtalamsik sa kung saan ng isang piraso ng ngipin!

"TIGILAN MO AKONG BAKULAW KA AH?! KAPAG HINDI AKO NAKAPAGPIGIL, ILONG MO NA ANG SUSUNOD NA MATATANGGAL!"

"Bakit ba?" sumilip ang dugo sa bibig nito. "Tayo na 'di ba? Kumukuha lang ako ng advance payment!"

"ANONG ADVANCE PAYMENT?! I-ADVANCE KO KAYA ANG BUHAY MO! PATAYIN NA KITA NGAYON! GUSTO MO?!" pagbuhat ko sa silyang nakatambay malapit sa akin. "AT HINDI PA TAYONG DALAWA! MANLIGAW KA MUNA!"

"Kailangan pa ba iyon?" pagtanggal niya sa kaniyang pantalon! Pagkatapos, isinunod niya agad ang panloob na t-shirt nito! Hanggang sa brief nalang ang tanging saplot niya! "Tara na kasi, huwag nang pa-hard to get."

"LAYUAN MO AKO!" pagbalibag ko sa upuan sa kaniyang direksiyon, pero madali niya itong naiwasan! Tumama lang sa ding-ding na salamin! Nahubad tuloy ang pulang telang tumatakip dito! Dahilan upang bumulaga sa labas ang nangyayari sa loob ng cafeteria! Pinagpiyestahan tuloy ng mga taong naglalakad sa labas, ang hubong katawan ni Bakulaw!

"Wow." pamewang ni Bakulaw, habang pinagmamasdan ang mga husyoso. "Ang lakas mo, Kuya."

"SHIT!"

+++
Dumagundong ang palakpakan ng mga tao sa loob ng maliit na studio. Ang ilan ay napatayo pa sa pagkaka-upo, na agad nagpakawala ng maingay na sipol pagkatapos.

"Totoo nga ba ang kasabihang, the more you hate, the more you love? Mapapansin mo nga lang ba ang importansiya ng isang tao, sa oras na mawala siya sayo? Magandang gabi pilipinas! Hindi ko na patatagalin pa ang intro. Malugod ko pong ipinakikilala sa inyong lahat, ang may ari sa totoong buhay ng dalawang bidang napanood niyo sa trailer ng pelikulang "Miss You in a Heartbeat!"" bungad ng isang sikat na T.V. host sa harap ng camera, na-star struck pa ako sa kagandahan niya. Hindi ko akalaing mas maputi pala siya sa personal. "Ms. Lyka Reliyebos and Mr. Charlie Montero!"

Sumasabog na palakpakan muli ang lumutang sa loob ng malamig na studio, kasabay ang pag-ulit na pag-ere sa trailer ng pelikulang hango sa buhay namin ni Bakulaw sa malaking T.V. screen.

"Goodevening po." bati ko sa magandang host.

"Totoo bang may anak ka na raw?" walang kaemo-emosyong basibas na tanong ni Bakulaw sa dilag na kaharap namin.

"Huh? Excuse me, ang alin?" lutang na taranta sa mukha ng T.V. host.

"Ai, huwag niyo po siyang pansinin! Nagbibiro lang siya." pagsiko ko kay Bakulaw, kasunod ang pagbulong ko sa kaniya. "Umayos ka. Nasa tibi tayo."

"Hahaha! Talaga naman palang nakakatawa 'tong si Mr. Charlie." sundot ng babae.

"Pero kaya ako pumayag magpa-interview, para itanong talaga sayo 'to." usal ni Bakulaw, na seryosong nakatitig sa kausap.

"Sabi ng tumahimik ka." pagpeke ko ng ngiti sa kaniya, pagkatapos ko 'tong baunan ng kurot sa tagiliran. "Nakakahiya ka."

"Chismis lang iyon! Anyway, anong pakiramdam niyo, ngayong ipapalabas na sa sinehan ang love story niyong dalawa?"

"Sa totoo lang, sobrang nerbiyos na may halong takot." paglinis ko sa aking lalamunan. "Baka kasi hindi magustuhan ng ibang tao ang istorya ng buhay namin."

"Puwede bang ikuwento mo sa amin, kung saan nag-ugat ang lahat, tungo sa pagkakapelikula nitong love story niyo?" dugtong na tanong nito, na abot tenga ang ngiti.

"Nag-umpisa ang lahat, sa isang bidyong nakuhanan kay Charlie." hinawakan ko si Bakulaw, tumango siya bilang pagsang-ayon. "Noong time na umakyat siya sa stage, sa harapan ng maring tao." muli kong sinulyapan si Bakulaw. "Kung tama ang pagkaka-alala ko, kumanta siya 'non at sinabihan akong i love you."

"Wow! How sweet!" tili ng T.V. host, may halong kilig pa 'to sa kaniyang tinig.

"Nakakahiya kaya iyon." pagtawa ko ng mahina. "Tapos ayon, inupload sa internet. Hanggang sa naging viral. And then one time, may tumawag kay Charlie. Iyon nga, balak nilang isapelikula iyong love story naming dalawa. Pagkatapos, heto na."

"Speaking of that video. Talagang usap-usapan iyan noong time na umagos siya sa mundo ng internet. Paano ka nag-react nung malaman mong sangkot ka sa isang viral video?"

"Cool." tipid na sagot ni Bakulaw.

"Nainis ka ba? Natuwa? Well ofcourse sigurado akong natuwa ka dahil biglang sikat kayo ngayon ni Ms. Lyka. Pero ano ang naramdaman mo nung time na una mo 'tong napanood?"

"Natatae." biglang napatakip ng bibig si Bakulaw, kasabay ang tawanan ng mga audience. "Oops. Sorry, okay lang ba nasabi ko iyon on air? Anyway, may LBM kasi ako nung time na pinapanood ko iyon."

"Hahaha! Nakakalerki 'tong si Charlie!" hindi mapigilan sa paghalakhak ng babaeng nag-iinterview sa amin. "Ano naman ang pakiramdam mo nang malaman mong isasapelikula 'to?"

"Okay lang." kibit-balikat ni Bakulaw. "Mataas naman ang bayad eh."

"Hahaha! Kaloka 'to!" pagpalo sa hangin ng T.V. host, kasunod ang pagharap sa akin. "Let's talk about this "Bakulaw" thing. Madaming nagtatanong, bakit nga ba Bakulaw ang tawag mo dito kay Charlie?"

"Ah...Eh...Wala lang, iyon kasi ang unang pumasok sa utak ko nung una ko siyang makita." pagkamot ko sa aking ulo.

"Ang guwapo naman nitong si Charlie para sa isang Bakulaw, 'di ba?" pagharap niya ng microphone sa audience, na agad naman siyang sinang-ayunan ng mga 'to."

"You think so? Sa palagay mo puwede tayong dalawa?" seryosong tapon na tanong ni Bakulaw, na siyang ikinatameme ng interbiyuwer. Dahilan upang sikuin ko siyang muli.

"Anyway, bakit naman "Kuya" ang tawag mo dito kay Lyka?"

"Hindi pa ba obvious? Lalake iyan eh. Nagpa-transplant lang." ngingisi-ngising ika ni Bakulaw.

"Grabe naman magbiro 'tong si Charlie no?" usal sa akin ng magandang dilag. "Hindi ka ba napipikon sa kaniya minsan?"

"Sa awa ng maykapal, sanay na ako. 'di ba?" pagharap ko kay Bakulaw, kasabay ang pagkurot ko sa pisngi nito, kasunod ang muling pagbulong ko sa kaniya. "Umayos ka sabi e, kapag hindi ako nakapagtimpi, dudukutin ko ang mga mata mo."

"Ang cute niyong dalawa. Pero matanong ko lang." paglapag niya muli ng tanong sa akin. "Itong si Mister Taiwanese guy na---" pansamantalang nahinto siya sa sasabihin niya dapat, nang biglang tumili ang ilang kababaihan sa audience, kasama narin ang mga binabae. "Wow! ang lakas ng dating niya sa mga girls!" pagtapon niya ng tingin sa mga nanonood.

"Hindi na siguro nakakapagtaka iyon." pag-ukit ng ngiti sa aking pisngi. "Sikat na sikat siyang singer at artista ngayon sa Japan."

"Well, puwede mo bang ishare sa amin ang kuwento niyo ni Mr. Taiwanese guy?"

"Ah, matagal pa ba 'to? May meeting pa ako e." biglang sabat ni Bakulaw, kasabay ang pag-akbay nito sa akin.

"Ano ba!" tabing ko sa kamay niya, kasunod ang pagharap ko sa T.V. host. "Ah, mas maganda siguro kung panoorin nalang nila iyong movie."

"Wow! Nae-excite tuloy ako!" pangingiligkig sa katawan niya.

"Boring nga e." pahapyaw ni Bakulaw, na agad kong sinalubong ng siko.

"Pag-usapan naman natin, iyong mga artistang gumanap sa buhay niyo. Anong masasabi niyo sa pagganap nila sa inyo? Na-portray ba nila ng maayos ang galaw niyo? O kuhang-kuha ba nila ang ugali niyo?"

"Grabe! Ang galing! Perfect na perfect silang cast! Wala akong masabi sa acting nila, parang talagang sila kami." pagbida ko.

"How about you, Charlie?" paglipat niya ng tuon kay Bakulaw. "Anong masasabi mo sa gumanap sayo?"

"Okay lang." pagde-kuwatro ni Bakulaw. "Pero mas maganda sana kung si Brad Pitt iyong kinuha nila para sa katauhan ko. Para kuhang-kuha talaga nila."

"Hahaha! Malaki-laking budget ang kakailanganin para diyan!" galapak sa tawa ng T.V. host.

"Kaya nga walang kuwenta ang mga pelikulang pilipino, tinitipid kasi nila." buwelta ulit ni Bakulaw, na siyang dahilan kung bakit ko 'to linapirot muli sa tagiliran.

"Hahaha! Hindi naman siguro." kambiyo ng interbiyuwer. "Kamusta naman kayo ngayon? I think, kung tama ako, two years na ang lumipas simula nang kumalat iyong video ni Charlie, right? So, anong estado niyo na ngayon? May kasalan na ba kaming hihintayin?"

"Ah! Hindi! Wala pa!" natataranta kong pagwagayway sa aking ulo. Tama siya, dalawang taon narin pala ang lumipas simula nung nangyari iyon. "We're still getting to know each other."

"Two years na akong nanliligaw, hindi mo pa ba ako sasagutin, Kuya?" sumabog ang kantiyawan sa loob ng studio, ginatungan pa ng T.V. host.

"Manahimik ka. Huwag mo akong kulitin ngayon tungkol diyan. Tatamaan ka sa akin." pilit kong ngiti sa mga audience, habang binubulungan si Bakulaw.

"So, ano nang pinagkaka-abalahan niyo ngayon?" pukol ulit ng tanong sa amin ng sikat na babae.

"Maliban sa hobby niya na pagbugbog sa akin araw-araw." sambit ni Bakulaw. "Nagta-trabaho kaming dalawa sa isang coffee shop."

"Siya ang manager ko actually." pagturo ko kay Bakulaw. "Pumasok ako bilang cashier 'dun sa shop niya."

"Wow! Talagang hindi kayo mapaghiwalay ah!" pagtawa niya, na tanging tango lang ang naisagot ko. Sa totoo lang kasi, pinuwersa lang naman ako ni Bakulaw na mamasukan sa Starbucks na minamanage niya. Kapalit ang sahod na triple sa minimum. "Narinig ko na nagsasama na daw kayo sa isang bahay, how true is this?"

"Naku hindi!" pagwagayway ko ulit sa aking ulo, sa pagkakataong ito, nakisabay ang kamay ko. "Magkapit-bahay kami. Iyan ang totoo. Simula kasi noong lumipat sa Japan si Tatay at ang kapatid ko, naiwan akong mag-isa sa bahay." sinulyapan ko si Bakulaw. "Kaya iyon, nagpresinta siya na tumira malapit sa amin. Para may kasa-kasama ako."

"Totoo iyan." sabat ni Bakulaw. "Ni hindi nga ako makapasok sa bahay nila, nang hindi nakaposas ang dalawang kamay."

"Huh? Bakit naman?" intriga ng magandang dilag.

"Ah, huwag mong pansinin iyan. Nagbibiro lang siya." pagpeke ko ng ngiti, kasabay ang pagkurot ko sa tagiliran ni Bakulaw. Pero tama ang binitawan niyang wika. May isang pagkakataon akong naaalala sa kaniya. Isang araw, pinasok niya ako sa banyo habang naliligo ako. Nakita niya akong hubo't-hubad. Kaya ang ending, dila lang niya ang walang latay noong oras na iyon. Simula 'non, hindi siya puwedeng tumapak sa bahay namin, nang hindi nakakadena ang kamay.

"So, imbitahin niyo na guys ang mga televiewers natin sa nalalapit na pagpapalabas ng love story niyong dalawa." bibong usal ng kausap namin.

"Ahmnn, gagamitin ko po ang pagkakataong 'to para magpasalamat, sa lahat ng taong bumubuo sa pelikulang 'to, sa mga cast, crew, writers, sa mga producer, kay direk at lalong-lalo na sa mga artistang buong pasensiyang gumanap sa buhay namin. Maraming-maraming salamat po." Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. Hiyawan na may kasamang palakpakan ang sinalubong sa akin ng mga nanonood sa maliit na studio. "At, siyemre! Ngayon palang, maraming-maraming salamat po sa mga manonod sa love story namin ni Bakulaw!" tinignan ko si Bakulaw, tumayo siya at hinawakan ako sa bewang. "Abangan niyo po, "Miss You in a Heartbeat" coming soon in theatres nationwide!"

"'di ba, "Kuya PaBug Naman Po, Please?" dapat ang title?" maliit na bulong sa akin ni Bakulaw.

"Huwag ka ng maingay." pagganti ko ng bulong sa kaniya. "Hindi nga daw puwede iyong title na iyon, makakasuhan tayo ng mga telecommunication networks."

"Okay sige, pero sagutin mo na ako." pagtudlong niya.

"Sabi nang huwag mo akong kulitin ngayon tungkol diyan. Tatamaan ka na talaga sa akin."

"Hindi puwede!" pag-iwas niya sa akin, napalakas pa ang boses nito, dahilan upang matigil ang palakpakan ng mga tao. "Kailangan ko ang sagot mo! Ngayon na!"

"Please..Mamaya na natin pag-usapan iyan." pandidilat ko ng tingin sa kaniya.

"Ano pa bang gusto mo! Dalawang taon na akong nanliligaw sayo! Bakla ka!" pag-ekis niya sa kaniyang mga braso.

"Shut up." pagpeke ko ng ngiti, pilit kinukubli ang inis na gumagapang sa aking katawan.

"Hindi na ako matatakot sa'yo ngayon! Sasagutin mo ako, o ibubuking ko sa T.V. na may nunal ka sa---"

"FUCK NAMAN OH! SINABI NANG HUWAG KANG MAKULIT!" pagsabog ko sa galit! Kasabay ang paghampas ko ng microphone sa bungo nito! Bumulagta siya sa sahig! Kasunod ang halos sabay-sabay na pagsinghap ng mga audience!, at ang pagkahimatay ng T.V. host nang makakita ito ng dugo.

#
#
#
-FIN

~closing theme: Akin ka na lang by Itchyworms
 
may kasunod pa ba ito..prang bitin pa eh,,hehee,,,nice story TS,,:dance:
 
ooow napakahirap tanggapin na tapos na ito:weep:
hindi ko alam kung kelan ulit ako mahuhumaling sa istoryang ganito huhu salamat (supladoako)


sa lahat ng kasama kong sumubaybay lets give "supladoako" a round of applause:clap:
 
haha baka iba na ang title neto sa susunod pero sila parin yung mga characters? HAHA

:clap: :clap: :clap: :clap:

Maraming salamat Mr.Supladoako sa storyang nakaka-keleg mech! HAhAH
 
thanks marame Ts.. mabuhay ka! :salute:


keep sharing.. parang bitin pa nga story mo.. :lol:
 
wiiiiee haha sobrang galing mo ts, idol! :praise: nakakahinayang lang tapos na to XD HAHAHA gawa ka ule TS susubabaybayan kita :salute:
 
at sa wakas makaktulog na rin ako ng kumpleto ang araw ko..nice work TS
 
Part 2. .Part 2. .Part 2. .Part 2. .Wala pa kasing kasalang naganap e. . xD
 
ts gawan mo ng comedy spin-off yung kapatid ni lyka tsaka yung kapatid din ni willy. :laugh:

tsaka pwede ring gawan ng spin-off si mr. taiwanese. :approve:
 
salamat sa pagbasa ulit mga mam/sir :thumbsup: hindi ako magaling sa paggawa ng part 2 e, baka masira iyung kuwento :upset: pero baka iyong spin off puwede pa, kaso ayaw nila si mister taiwanese e :rofl: (plano ko sana short story ni chika(yung pinsan ni lyka) at si mister taiwanese. :rofl:)
 
sayang nasa ofis ung PDF ko na part 1 - 28.. post ko nalang sana.. pero wag na mag PDF TS kc para sila mag next next page kagaya samin nung una.. haha..
 
Back
Top Bottom