Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Life of a Developer

pwde po ba walang expirience sa programing nais ko sana matutu kahit sa simpleng pag gawa ng program kaso lng wala ako alam sa programing under grad ako ng highschool medyo hirap na din ako mg aral my pamilya n din kc ako nais ko sana pag aralan tungkol sa pag pagawa ng program ano po ba ang basic at first step paano mg gawa ng program gusto ko at nsa puso ko matutunan ang programing :help::help:

bro mag-aral ka sa tesda yung short course programming. syempre basic lang ituturo sayo kaya gawin mo mag self study. dibdibin mo yun at mas maganda kung higit sa isang language ang ma master mo para may laban ka sa mga grad pag-nagkasabay kayo mag-apply.
 
bro pa bookmark :) share ako minsan dito :) salamat sa ganitong thread , gusto ko talagang makabasa ng mga experiences ng mga IT din hehe
 
share ko na din tong mga karanasan ko..

Highschool pa lang ako, adik na ko sa computer games. ragnarok pa uso nun.. yung tipong mag ka-cut ako ng class makapag laro lang. lagas pera ko palagi.

grades ko nun, nakakahiya. tuwing kuhanan ng grades, nakatakip lage ng isa pang papel yung mga grades ko sa card ko. kase mas marami na ang pula kesa sa itim.

pero, hanggang second year lang yun. nagbago bago na ko nung 3rd year. at himala! isa lang ang bagsak ko. 2nd grading, Araling panlipunan. tapos non, wala na.. naglaho ang mga pula.

4thyear highschool ako, nahilig ako sa pag eedit ng style ng friendster. yun na ang simula.. puro edit dito, edit doon, without knowing kung anu ba tawag sa mga codes na yun. at di ko alam na "codes" na pala talaga yun. tapos, nung malapit na ang graduation, may mga nagpupuntang tao sa school namin para mag bigay nung mga brochures at mag intro kung anu anu ba meron sa school nila. napatanong ako ako sa nagsasalita sa harap -

"sir, anong course po ba yung pwede kang gumawa ng games?" - tanong ng baguhan na walang kamuwang muwang kung anu ba talaga kase di ako mahilig mag research nun.

at kaya ko pala natanong yan, ayun nga, ragnarok player ako dati. so bukod sa styling ng friendster, napaisip din ako kung panu ginagawa ang ragnarok.

"Computer science po. yung mga nakikita mo sa internet, pwede kang gumawa ng sarili mong katulad nun." - at ayun nga. nag aral ako ng assoc comsci muna. sa kasamaang palad, java lang ang natutunan ko. pero maswerte pa din kase nagamit ko naman yung skills ko sa java dahil nung pagpasok ko sa sunod na school, meron palang mga competition dun na ilalaban ka sa local at national competition.

akala ko, magiging javaman na ako. kase yun at yun lang din ang inaaral ko sa school hanggang pag uwe ko dito sa bahay.

alam mo yung feeling na -
-nag lalakad ka
-tulala
-iniisip mo kung pano masosolusyunan yung problem na binigay ng prof mo.
-matutulog ka
-mananaginip ka
-at yung panaginip mo mismo, dun mo pa nasagot yung problem.
-magugulat ka nalang pag gising mo, nakangiti ka na pala. kase may linaw na ang sinasabi ng kaklase mo na "MALABONG matapos to agad"

-at ang pinaka masaya sa lahat, at nakakapag pamotivate sakin, yung naaappreciate ng mga tao sa paligid mo yung ginawa mo at napupuri ka pa tapos mapapatanong pa sila na - bakit di ko naisip yun?

at dahil kakaiba ang feeling pag napupuri ka dahil sa ginawa mo, yun na din ang nag motivate sakin para ituloy pa ang ginagawa ko.

dumaan ang mga araw at linggo at buwan na natutuwa at nagugulat sila sa mga kaya ko nang gawin.

at syempre, ako naman si "ngiting wagi".

naging best thesis yung ginawa namin, at ako naman, programmer of the year.

pero eto talaga ang di maiiwasan.
pag nasa industry ka na, back to zero ka talaga.

parang hanggang pader nalang ang awards mo dahil kelangan mo ulet mag aral ng kakaiba. kakaiba dahil hindi naman talaga ako web dev/web designer nung nag aaral pa ko. takot kaya ako sa css dati kase waley ako sa styling. haha.

pero eto na yun e. nandito na ko, susuko pa ba ako? pwede ko naman aralin, tanggalin ko lang yung mga katamaran ko sa buhay.

minsan naiisip ko pag mag isa akong naglalakad pauwe,

"tama ba tong pinasok ko?" - mahirap mag hanap ng matinong trabaho. umalis ako sa company (web dev ako dun) kase unfair sa pasahod. as much as possible kase gusto ko related ang work ko sa tinapos ko. so kahit maliit sahod, ginrab ko na. tutal fresh grad naman ako at exp pa lang naman ang habol ko.

at dahil nakita ko tong thread na to sa kalagitnaan ng katamaran ko ngayong mag aral ng codeigniter, mejo nabuhayan ulet ako ng loob mag code kahit tamad na tamad na ko kanina..

push lang natin to at malayo mararating natin. dun sa malayo layo na ang narating, makakaabot din ako sainyo.

cheers!
 
Last edited:

nakakainspire nman yan pre!! tama push naten to! :excited: focus muna sa isa, paisa isa muna tyo, one at a time ika nga hehe Goodluck!!
 
nakakainspire nman yan pre!! tama push naten to! :excited: focus muna sa isa, paisa isa muna tyo, one at a time ika nga hehe Goodluck!!

hehe.. oo nga push pa mga kapatid! pero sunday ngayun. pahinga pahinga din.
 
cguro kukuhanin kung course ay IT na Web Developer at Designer :yipee: :lol: 101% na ituu..

tapus try ku rin pumasok sa isang part time Job na may Web developer :lol:
pra may pang upgrade ako ng PC ko :rofl: at pra may pang baon sa college :D

boss, maganda mag Computer Engineering ka na lang, kasi magaling kana sa programming, para maimprove ka pa, samahan mo ng hardware^^, baka sa susunod na panahon makagawa nang Gundam... Hardware with software..^^

TS, Ganda naman ng thread na ito, masaya na akong nag babasa...

^^:thumbsup:
 
hehe.. oo nga push pa mga kapatid! pero sunday ngayun. pahinga pahinga din.

Java man ka tol? So napagaralan mo na ba iyung mga java related things like Struts 1 and 2, Hibernate, Spring, JSP,Maven,Jboss,web logic, web sphere?
 
Bryan, 15 years old and still young :lol: male from sta.maria,Bulacan. Currently Studying in high school. Grade 2 pa lang nakahawak na ko ng PC kaso Diskette pa yata uso non kasi merun kaming Homework nun ehh. Naging Adik din ako sa computer like gaming since grade 4 or 5, at ang talagang kina-Adikan ko ay DOTA, Kapag uuwi na galing school aayain na ng pustahan (pero dati yun :lol: ) Natututo rin ako mag buo ng mga Computer Hardware ng dahil sa patingin-tingin lang sa Mga Forum sites at nag plano din ako bumuo ng Computer ko kaso naunahan ako ni papa (Bumili ng Wlang Kwentang Pentium 4 Computer Bundle) pero ICE LANG yun :lol: pang student use lang naman ehh :D

At Dahil sa Pagka-Adik ko sa computer at nakatapak na ng HighSchool dun na ko nag-simulang Mangarap maging IT or WebDeveloper, Sinimulang ko mag code nung 3rd year pa ko mga ginamit kong programming language ay PHP,HTML5,at CSS3. Nag Self-Study lang ako and bumibili ng IT books at preference sa mga Bookstore. Dati Merun din nag tanung sakin (IT student) kung marunong daw ba akong mag VB.net, sabi ko "Hindi ko po alam yun" Nag try din po ako mag research tungkol sa VB.net at dahil sa dami dami na ng na search ko kaya ko na rin Mag VB.net at C++ :lol: kaso basic pa lang.

Ngayung 4th year na ko maramin na din humahangga sakin sa galing ko sa computer (Hindi naman sa lhat) Kaya kapag computer subject mas advance ako sa kanila :) .Even kahit magtanung sila sakin kung anung mga hardware ang bibilin pra sa computer nila or kung anung software pwede so project nila etc. nakakaya kong sagutin :D. Pero kung may happy moments syempre may bad din :D

Like sa GRades, Sa Computer Ko mga siguro mga line of 9 or else. At sa ibang Subject like Math,Physics,Filipino or Lhat ng Main Subjects mga cguro line of 8 pababa. And sa family naman, lagi akong napapagalitan dahil gumigising ng maaga pra Mag computer (Mga 2:00 or 3:00 o'clock ng umaga gising na) wala ng tigil kaka-computer, at Umuuwi ng Gabi Dahil sa kaka-Computer/Dota. Pero yung pag-gising ko ng maaga sanay na si Mom :D, Sa mga kaibigan naman dito sa Street namin ay nagagawa na rin akong pag-iwanan, dahil indi kasi lumalabas ng bahay dahil sa kaka-computer din, malayo talaga ang Pinag-kaiba ko sa mga kaibigan ko dahil yung iba kung kaibigan ay natuto na manigarilyo at gumamit ng ibang drugs, Kaya mas mabuti na lang at di na ko pinapalabas ng bahay at mag-computer na lang maghapon. Kaya sa Mga Dota or Some online games na lang ako bumabawi pra makipag kaibigan sa mga players :D

Hanggang ngayun Self-Study Parin sa PHP programming :D dahil done na ko sa HTML at CSS
nakapag-try na din ako sumali sa thesis with my skills of HTML'ing. Mahirap talaga maging WebDeveloper, pero kung mag-pupursige ka or kahit may ispirasyon ka, makakamit mo talaga lahat ng pangarap mo....

Anyway i want you to watch this vid. currently idol ko toh ngayun... Yan din nagbigay sakin ng inspirasyon mag-code :lol:
A 14 year Old Prodigy Programmer (JavaScript yata gamit nyan ehh or C++)
www.youtube.com/watch?v=DBXZWB_dNsw

Anyway eto muna sa ngayun ang masha-share ko.... :thanks: kuya @joeyeka sa pag-gawa ng thread na ito :D RAKKKKK NA ITUUU!!!

saludo ako sayo:salute:
 
Java man ka tol? So napagaralan mo na ba iyung mga java related things like Struts 1 and 2, Hibernate, Spring, JSP,Maven,Jboss,web logic, web sphere?

hindi naman ganun kalalim - stick lang ako sa kailangan para sa competition sa school. at oo may plano akong aralin talaga yung iba pa kaso after namin mag compete, thesis na e. so kelangan ko mag palit ng PL.
 
my experience bilang Developer

-plan carefully
-analyze the problem
-don't give up in errors
-use your hands and brain not your mouth in coding
-self study
 
inspiring ... :) hehe.. sarap basahin .. gagaling nyo.. HABULAN pala gusto nyo ah.. hehe.. AJA! :)
 
programming and software engineering is my passion :)

never stop learning! :thumbsup: :rock:
 
For being a software developer for almost 2 years, ito lang mga pinag gagawa ko when I have a task:

1. Analyze the problem ( hindi ko muna binabanatan to sa code, papel at ballpen muna )
2. Make Use Case Scenarios ( ito kadugtong para ma prove mo yung number 1 )
3. Don't be contented on a single solution ( dapat lagi kang may bala kung mag fail man yung unang solution mo )
4. Analyze the impact ( dito check mo kung masyado bang maraming tatamaan sa gagawin mo )
5. Create a Test Driven Code ( since meron kang use case scenarios makakagawa ka ng test driven codes like methods,functions and more )
6. Create a Unit Test ( para pag nasa debugging kana hindi kana mag run ng application for Computation and Data Entries )
7. Create a Coded UI Test ( if applicable para for debugging din ito )
8. Apply your Test Driven Code ( since mapapatunayan mo na na tama yung ginawa mo pwede mo na iapply ito sa ginagawa mo)

Simple lang naman rules natin alam ko na alam nyo narin to:

Never Stop Studying and Never Stop Learning

napakabilis na ng technology ngayon, kapag naiwan ka say goodbye to your career.

Sana makatulong yung sinabi ko sa mga ka SB nating developers at magiging developers.
 
Last edited:
TS pede ba khit ndi IT?
ComSci kasi ako Graduating nxt year.
Kwento ko n din experience ko.

Bale nagstart pagkahilig ko sa Computers ay noong 5 years old pa lang ako. .hilig na hilig ko yung maglaro ng Computer games tanda ko pa nun na binilhan ako ng Ninang ko ng Family Computer na ang itsura ay parectangle na yung joystick ay nakalagay sa 2 gilid. .mga npapamaskuhan ko dati ay ibinibili ko lang ng Bala nun or yung pinaka CD kumbaga. nalimutan ko na kasi ang tawag dun. hanggang ngayun buhay pa yung computer kong iyun.

Tapos nung maghighSchool ako siguro 2nd year na ata ako natuto gumamit na PC kasi walang gnun dati sa school namin nung Elem. at walang gnun sa lugar namin. Ipagpalagay nlang natin na bukid yung lugar namin kaya bihira ang makikitang mayroong sariling PC.
Tinuturuan ako ng mga classmates ko nung HighSchool kung pano gumamit ng PC hanggang sa iyun natutunan ko din. Tpos tinuruan din nila ako ng ibat ibang computer games like, CounterStrike, RanOnline, Dota at iba. .

Dito na nagsimula pgkahilig ko sa Computers naging curious ako sa mga iba't ibang ngagawa ng Computers kaya kahit nung HighSchool pa lang ako, mahilig ako mgexperiment sa mga PC sa computer shops. Pero wala talaga sa isip ko ang magComSci, at ang gusto ko talga na Course ay Engineering kaso ayun sa ComSci padn ang pinatakan ko kasi tinakot ako nun ng Cousin ko na mahirap daw ang Engineering tapos hinikayat pa ko ng Ninang ko na ComSci nlang daw kuhanin kong Course kasi mahilig daw naman ako sa Computers.

Then dahil dun ComSci na nga kinuha kong Course at akala ko madali lang kasi Computers lang. Nasa isip ko talaga dati ang Computers ay pang mga MS Office lang at pang mga games hanggang sa nasimulan na ngang pag-aralan ang iba't ibang Functions ng Computers tapos yung Programming. .Dito nagsimula yung pagkaadik ko sa Programming. . First PL na napag-aralan ko ay C language at I'm proud na isa ako sa pinakamagaling sa klase namin sa Language na yun . .sa totoo nga hangang hanga sakin dati yung prof. ko dun kasi sa skul namin ndi tinuturo lahat kumbaga basic lang talaga. .Then lahat ng exams nya sa Programming ay naPerfect ko at ako lang talaga ang palaging nkakaperfect kasi ang grading nya ay 0-100, excempted ako palagi sa mga projects nun sa TC. .So ayun tapos VB6, isa pa rin ako sa nangunguna sa klase, then sa C++, gnun din at sa Python, CISCO Networking. .
Tuwang tuwa tlaga mga prof ko sakin kasi nga parang advance na advance ang mga alam ko compare sa mga classmates ko. .Major subjects lang talga ako ngfocus. .ang point ko kasi ndi naman magagamit sa trabaho yung minor subjects like history, etc.
Pinag-aaralan ko lang ang iba't ibang tutorial ng programming through E-books n dinodownload ko sa Fone ko. Then imagine nlang muna kung anu yung kakalabasan ng Code na yun kasi wala akong PC/Laptop.

evrytime na may project kami ay ngrerent lang ako sa Comp Shop at dun na din nakikitulog. .So far madme dame na din akong nagawang Programs pero ndi ko yun mgagawa lahat kung walang internet kasi Si Google lagi ang takbuhan ko pag ndi ko na talaga makuha yung error nung program ko.

Proud ako sa sarili ko kasi makakagraduate ako ng wala akong sariling PC at isa ako sa magaling pagdating sa Programming sa Klase namin. At pagkagraduate ko gusto ko muna dagdagan pa yun kaalaman ko sa iba't ibang programming like PHP, JAVA, and Android bago sumabak sa trabaho. Gusto ko kasing maging isang magaling na Programmer/Web Developer.

Dun ko napatunayan na kahit wala kang resources pede ka parin gumaling sa isang bagay basta meron kang Passion and Determination na matutunan yun.

- - - Updated - - -

alam mo yung feeling na -
-nag lalakad ka
-tulala
-iniisip mo kung pano masosolusyunan yung problem na binigay ng prof mo.
-matutulog ka
-mananaginip ka
-at yung panaginip mo mismo, dun mo pa nasagot yung problem.
-magugulat ka nalang pag gising mo, nakangiti ka na pala. kase may linaw na ang sinasabi ng kaklase mo na "MALABONG matapos to agad"

-at ang pinaka masaya sa lahat, at nakakapag pamotivate sakin, yung naaappreciate ng mga tao sa paligid mo yung ginawa mo at napupuri ka pa tapos mapapatanong pa sila na - bakit di ko naisip yun?

wow. .naexperience ko din yan @simplemind20 napapanaginipan ko yung pagcocode ko hanggang sa panaginip ko nakikita ko nalang dun kung pano ko isosolve yung problem ko.

ndi ko kaagad nabasa to ahh. .HAHA
 
Last edited:
Hi I'm Rylie022, incoming 23 yrs old. hehehe. way back nung highschool ako. I swear na hindi ako marunong magPC nun.. natatakot akong gumalaw ng PC kasi baka masira ko. Di ko pa naeexperience kaya kabado ako (You know what i mean na) and i want to be an engineer. since na trip na trip ko ang MATH kaya wala ako hilig sa computer and sabi ko pa kahit di na ko matutong magPC, hahah. actually i was 4th HS nung unang nakahawak ako ng PC.. year end pa nun.. kaya yun.. Napasa ko yung entrance exam sa UPLB para nga sa kukunin kong course.. pero dahil sa tinamad ako kasi gusto ng parents ko uwian ako.. Nalipat ako sa isang di kilalang skul. Computer Technology and Networking. magmula nun puro PC na hawak ko.. ang OBOB ko nun super.. yung tipong kahit ilang beses turo di ko magegets. hahah.. before ako naggraduate nagpursige ako.. till i got the award na best sa course ko.. and nagladder ako to BSIT para naman me degree ng konti till nakagraduate ako..

and from there puro program ang ginawa ko since i love Math.. puro logic ang programming.. kinareer ko na gang makagraduate.
nagpursige ako to learn more kahit di naituturo sa school, sumabay ako sa mga flow ng mga kakilala kong mga professional programmers kahit student palang ako.
Im one of the programers na nagbuild sa isang system ng PAGASA which is parang offline ng Project online.

and now Im an IT system software engineer sa isang malaking compnay ng mga personal cares and etc. di man ako naging engineer sa title.. nakuha ko naman yun sa position name ko.. and okie na yun.. whahahah..

Sometimes, you don't know where to go so you have to choose which is which, but sometimes, you know your goal but the way leads you in other way.
So always be prepared where your feet will take you, Follow it, Go with it and Live with it.

Thank you, yan po ang buhay ko.. heheh
 
sir rylie22 Batangueño ka ga?
HAHA. .nabasa ko kasi jan sa story mo para npagamit ka ng word na ga??!!

BTW im proud to be BATANGEÑO :dance:
 
ako din sir,isang associate grad ng im,hilign ko din magprogram,
programming languasg na alam ko na pero basic palang:

assembly
c/c++
java
vb
php
html
css
at javascript
computer na lang buhay ko,most of free time ko eh computer kaharap ko,
basta determination, sipag at tyaga sa pagbabasa, experiment, sample codings, para matetest mo dun yung skills mo dun,
self study din lang ako and google is my friend pag may di ako naintindihan,.
 
GoodMorning, I'm jay. 22. rizal. Graduate of BS in Information Systems. Before ako mag work today, gsto ko ishare ang exprience ko kahit di naman maxado kagandahan.

Nung highschool, noted na talaga ako s school namin na ako ang magaling sa computer. napanlaban na din ako , unfortunately natalo.

College, nag study ako sa ABE International Business College (o dba , kmpleto). Hndi maxado maganda ang exprience ko sa school na to , (except na dito ko nakilala GF ko ngayon). Andamot ng school na to sa Computer Lab.

My times na minamaliit ako ng mga teachers ko noon na, kesyo di daw kami bagay ng gf ko, (Presidents Lister at Dean's lister ksi xa palagi).
Nasasabihan pa siya minsan na "Bakit Sya? wala ka mapapala jan". "dun ka sa matalino, yung mapapakain ka pagdating ng panahon". madalas ganon.

Nagbago to ng unti unti nung naging teacher ko yung isa sa mga nagmamaliit sa akin. naging paborito nya ako, kasi ako lng ang nakakgawa palagi. (XML DOM Subject). Hanggang sa maging adviser ko din xa sa Capstone project namin. Yung project ko na pang text/group message ang naging "Best Capstone Project" samin, at sa defense namin at wala talaga naging butas. nabago n ang tingin nila sakin.

Masasabi ko din na hindi sa laki at sa sikat na school ka magiging magaling na coder. Experience ko to nung nag apply ako dito sa company na pinapasukan ko ngayon. Kinekwento nila sa akin na mga kasabayan ko ay mga CumLaude from malalaking schools like, La Salle, Ateneo, UP, Mapua, FEU etc etc. Magagaling sila sa Interview(which is mahina ako), pero nung nag take home exam na eh, wala na bumalik (at ako yung pinaka unang bumalik). sobrang hirap nung exam kasi unang una, hindi ako marunong ng ASP.net, at C#, at higit sa lahat, 1week lang ang palugit. Pero pinagpuyatan ko talaga yun, nanghiram ako ng notebook sa pinsan ko, minsan sa tita ko ako nakikicomputer para lng magawa yung project. at ayun, ako ang napili nila dito sa team namin ngayon. at yung mga teacher at dean namin ay madalas na ako kinakamusta sa GF ko (nagaaral pdin kasi gf ko), kung mayaman nadaw ba ako. Madalas na nila ako hanapin sa kanya, pero noon halos ituring ako parang tae lng .

Sa ngayon ay Web Developer na ako dito sa pinaka malaking TeleCom dito sa pinas (bahala n kayo magisip kung ano yun :) ) At masasabi ko lang. kahit na anong galing ko pa nung College ako, Newbie padin talaga ako sa totoong buhay.
Madami ako natutunan dito, ASP.NET C#, JQUERy, LINQ, CSS, Model-View-Presenter coding pattern atbp.

Ang masasabi ko lng, non-stop talaga ang learning, walang magaling, walang ahead. Sipag lang at tyaga. May mga times talaga na nakaka Frustrate na yung sitwasyon kasi sobrang malapit na deadline mo (lalo na sa work), pero wag k lang susuko. And Get a Life .

yun lang po ;)
 
Last edited:
Back
Top Bottom