Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Literati Presents: Poetry101- Updated Ang Dating ng Tula


picture.php

Ang thread na ito ay nakalaan para sa mga kapwa miyembro natin na nais magkaroon ng konting kaalaman sa pagsulat ng tula. Maaaring sa mga nais pa lamang matuto, nagsisimula pa lamang magsulat o para din sa mga lumilikha na na nais pong tignan ang mga ihahain sa thread na ito na baka makadagdag sa kanilang yamang pangkaisipan.


Layunin:
  1. Sa paglikha ng thread na ito hindi ko layung magmagaling. Nais ko lang magbahagi ng konti kong nalalaman sa forum na ito upang maisukli sa mga kaalamang dito ko natutunan.
  2. Sama sama nating tuklasin ang mga hiwaga ng mga musa ng tula upang itaas pa ang antas ng ating mga likha.
  3. Maibahagi ang mga kaalaman,at mapagusapan ang mga katanungan may kinalaman sa pag tula.
  4. Nawa sa simpleng paraang ito ay makatulong ako sa inyo at kayo din sa akin upang mahubad ang payak na paningin at matanaw ang di nakikita ng ordinaryong damdamin.
  5. Mahabang panahon ang magugugol sa thread na ito at sisikapin ko po na iupdate ito sa abot ng makakaya ko.

Narito ang mga nilalaman ng thread na ito:
Ano nga ba ang tula?

Mga Kasangkapang Pampanitikan
(A) Depamilyarisasyon

(B) Organic Unity
(C) Simile
(D) Metapor
(E) Simbolismo
(F)Personipikasyon
(G)Irony
(H) Paradox/Oximoron
(I) Alliteration

II.Tugmaan
III.Sukat
Ang Tanaga
Ang Dalit
Ang Soneto

Poetry Workshop No. 1 Paggamit ng Simile
Poetry Workshop No. 2 Paggamit ng Metapor
Poetry workshop no.3 Ang paggamit ng simbolismo at imahen
Ang Dating Ng Tula

How to measuer a poem- Padre Pio
Tut: writing Haiku- Padre Pio


More On Sonnets- ARCIE
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

@akosivintot
thanks sir,di naman po prof naturuan lang din po ako ng isang napakahusay na guro.
Si michael coroza sya ang nagmulat sa akin na lahat ng tao ay may kakayahang sumulat ng tula at yun din po ang layunin ko..^^,

wow hindi nga????!! astig!! kilalang tao yun alamat na yun e:clap:
 
Re: [tut] poetry writing 101

yup sir guro ko sya ng literary criticism at creative writing..isang ndi pangkaraniwang mentor..maraming tula ko ang nasawi sa kanyang pangangatay ngunit naging daan sa pagsuloy ng mga mas magandang binhi.
 
Re: [tut] poetry writing 101

swerte mo bro galing ng guro mo idol na kita:praise:
patingin naman ng mga likha mo ng mabigyan din ako ng idea :salute:
 
Re: [tut] poetry writing 101

iup ko ung mga iba kong thread sir para mabasa mo.
 
Re: [tut] poetry writing 101

baka po nais ninyong ishare ang inyong mga akda. :) especially, si TS. Heheh.
paki check ang nasa link http://emotero.com/maging-e-pal/
isa din po akong manunula at manunulat. Heheh.
Nice thread. :salute:
 
Re: [tut] poetry writing 101

@pierrot

hayaan mo po sir pag medyo nakaluwag sa sked bibisitahin ko yang link na yan.

salamat sa pag bisita sa thread na ito.^^,
 
Re: [tut] poetry writing 101

  • Isa sa mga unang hakbang para makalikha ng tula ay ang pagtingin sa isang bagay bilang ibang bagay.

  • Mukhang pamilyar diba kung nabasa mo na ang iba sa mga idea na binuksan ko sa thread na ito.Mahalaga kasi na mahubad ang payak na paningin at makita ang hindi nakikita ng pangkaraniwang tao.

  • Kadalasan kasi sa pag tula meron tayong gustong sabihin,may idea o emosyon na nais ilabas,nguni't kung basta mo lang ito ipapahayag sa isang payak na paraan,patawad ngunit sa pamantayan ng formalism ay hindi ka tumutula. Kung sa payak na paraan mo ihahayag anung kaibahan ng akda mo sa isang talata na nilagyan ng tugma.

  • Sa pagtula dadalhin mo ang mga pang-uri sa ibang antas. Isang antas kung saan ang mga kataga ay kayang bumuo ng isang mundo na naglalaman ng iyong nais ipahayag.

  • Kailangan mong buksang maigi ang paningin ng iyong damdamin. Kaya nga isa pa sa mga pamantayan ko sa pagtula ay wag tutula ng isang bagay na hindi mo pa nararanasan. Mahalagang maging buo sa iyong isip at puso kung ano ang nais mo ipahayag. Kung hindi maaari mo malinlang ang matang iyong mambabasa nguni't pag nilasap nila ang iyong obra matabang ito sa panlasa.
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

hehe modern na kayo ako sa libro pa din nagbabasa.
 
Re: [tut] poetry writing 101


  • Sa pagsulat ng tula maraming paraan para magawa mo ito. Maari kang maging spontaneous gaya ng sabi ni Pete Lakaba sa kanyang ars poetica

  • "Sa poetry you let things take
    shape,para kang nagpapatulo
    ng sperma sa tubi."

  • Karamihan sa mga manunulat maging ako sa aking pagsulat,mahalaga sa akin ang unang dalawang linya. Una dapat may dating ito sa mambabasa or else baka di mapansin ang rest ng gawa mo.

  • Dito pwede mo na gayahin ang sinabi ni Pete Lakaba na hayaan mo ang mga salita ang gumawa ng porma o pangyayari sa tula,maging spontaneous kung baga. What will be will be,para nagpapatak ng kandila sa tubig kusang bumubuo ng pigura.

  • May isa namang way, pwede magisip muna ng isang obhektibong sitwasyon, isang derektang plano o congcretong summary ng gusto mo makita sa tula mo tpos yun ang susundin mo kung paano mo ibibuild up ang pangyayari sa tula mo.Pag meron kana nito gamitin mo na ung mga literary device,tugmaan at gamit mo ng sukat kung ibig mo may magagawa kana.
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

dami ko natutunan dito bihasa ka talaga!
idol talaga kita! :praise:
 
Re: [tut] poetry writing 101

naku sir hehe..masaya ako at nakakatulong ako sa pagmamakata mo.salamat po.
 
Re: [tut] poetry writing 101

oo laking tulong. Nabigyan ako ni idea at konting basics sa mga likha mo. Nakapag seminar na ako kaso high school lang ako NSPC. Ngayon lang ako nagbalik loob dahil hindi na ako busy. Galing talaga. :clap:
 
Re: [tut] poetry writing 101

hindi ko pa maupdate yung thread busy pa hehe..up ko na lang para mabasa ng iba.
 
Re: [tut] poetry writing 101

ANG TANAGA


Isa ito sa mga kauna unahang mga form ng tula sa panitikang filipino na nagawa ko. Madalas kasi ito talaga ang unang itinuturo.

  • Ang tanaga ay isa sa mga ilang anyo ng tula sa panitakang filipino na sumusunod sa tugma at sukat. Sa ibang salita may form ito .Sa tradisyonal na tanaga,ito ay mayrong apat na linya o taludtod na may tig 7 na syllables at sumusunod sa rhyme pattern na AAAA. Ibig sabihin lahat ng mga dulong salita ng bawat taludtod ay magkakatugma. Sa modern na tanaga may mga variations sa tugmaan gaya ng AABB,ABAB,AAAB AT ABCD..ang tanaga ay sadyang walang pamagat.
  • Madalas ito'y kinakabisa at ipinapasa sa mga henerasyon sa pamamagitan ng pagbigkas.

eto ang halimbawa

magandang paraluman
sa liwanag ng buwan
iyo nawang tubigan
ang aking pusong tigang

  • maganda ang tanaga kung maglalaman ng metapora at sinasadya itong maging mahiwaga.

lapis at papel,pwede din cp sige at itry mo na. hahaha
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

dito mo na post yung tagalog renga tut mo idol di ko gaano gamay yan, kailangan mag turo ang esperto :D
 
Re: [tut] poetry writing 101

aw..hehe..ang rengga kasi tula yun na di lang isa ang nag gawa..magkaibang isip ang gagamit.. Ung una magpopost sya ng linya halimbawa..

puyat ang mga kuliglig kaya't paos ang awit..

yung kasunod nya magpopost din ng linya nya na papasok dun sa mga naunang linya..parang dugtungan ang gagawin..

gusto mo magtry magrengga dito sir? Hehe..sige dugtungan mo yung halimbawa ko..pero copyahn mo din para pag post mo madali basahin..^^,
 
Re: [tut] poetry writing 101

diba haiku din ito? Di may rule din ito sa taludturan? Baka kasi may pinoy version tayo nito na may sariling rule? Pasensya hanggang retorika o fil 2 lang kami nun. :D
 
Re: [tut] poetry writing 101

sa pagkakaalam ko sir walang rules sa taludturan yung rengga..ang alam ko lang kasi dugtungan ng linya yan..hehe..
 
Re: [tut] poetry writing 101

habang wala pang dinudugtong si sir vintot sa rengga share ko muna sa inyo ang isa pang uri ng tula na may tugma at sukat..

ANG DALIT

  • Sa tradisyonal na panulaang filipino ang dalit ay mga religious poem. Karaniwan nagbabahagi ng mga papuri o ng mga aral din sa buhay. Kung hindi ako nagkakamali ang pasyon ay naisulat sa form ng dalit.

  • Sa makabagong panulaan ini-adopt na din ang dalit bilang anyo ng tula na di na lamang pang simbahan ang tema. Tandaan na ang modernong tula ay may tinig na pantay tao lamang. Hindi dapat prechy ang dating.

Pano ba gumawa ng dalit?

  • Ang dalit ay binubuo ng mga saknong na may tig-apat na taludtod. Ang bawat taludtod ay mayroong tig-walong pantig.
  • Ang rhyming scheme ay parehas din sa tanaga. Pwedeng AAAA O ABAB O AABB.

may ginagawa akong tula medjo ihawig ko nalang muna sa form ng dalit wala kasi akong sample :lol:

Ng minsan kong mapagmasdan
Ang iyong bagong avatar
Tumatak sa aking isip
Ang kakaiba mong titig


ayan..hehe..8 pantig..4 na taludtod sa isang saknong. Rhyme pattern ay AABB
 
Last edited:
Back
Top Bottom