Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Literati Presents: Poetry101- Updated Ang Dating ng Tula


picture.php

Ang thread na ito ay nakalaan para sa mga kapwa miyembro natin na nais magkaroon ng konting kaalaman sa pagsulat ng tula. Maaaring sa mga nais pa lamang matuto, nagsisimula pa lamang magsulat o para din sa mga lumilikha na na nais pong tignan ang mga ihahain sa thread na ito na baka makadagdag sa kanilang yamang pangkaisipan.


Layunin:
  1. Sa paglikha ng thread na ito hindi ko layung magmagaling. Nais ko lang magbahagi ng konti kong nalalaman sa forum na ito upang maisukli sa mga kaalamang dito ko natutunan.
  2. Sama sama nating tuklasin ang mga hiwaga ng mga musa ng tula upang itaas pa ang antas ng ating mga likha.
  3. Maibahagi ang mga kaalaman,at mapagusapan ang mga katanungan may kinalaman sa pag tula.
  4. Nawa sa simpleng paraang ito ay makatulong ako sa inyo at kayo din sa akin upang mahubad ang payak na paningin at matanaw ang di nakikita ng ordinaryong damdamin.
  5. Mahabang panahon ang magugugol sa thread na ito at sisikapin ko po na iupdate ito sa abot ng makakaya ko.

Narito ang mga nilalaman ng thread na ito:
Ano nga ba ang tula?

Mga Kasangkapang Pampanitikan
(A) Depamilyarisasyon

(B) Organic Unity
(C) Simile
(D) Metapor
(E) Simbolismo
(F)Personipikasyon
(G)Irony
(H) Paradox/Oximoron
(I) Alliteration

II.Tugmaan
III.Sukat
Ang Tanaga
Ang Dalit
Ang Soneto

Poetry Workshop No. 1 Paggamit ng Simile
Poetry Workshop No. 2 Paggamit ng Metapor
Poetry workshop no.3 Ang paggamit ng simbolismo at imahen
Ang Dating Ng Tula

How to measuer a poem- Padre Pio
Tut: writing Haiku- Padre Pio


More On Sonnets- ARCIE
 
Last edited:
Re: [tut] poetry writing 101

Ang Soneto


Marahil isa ito sa mga sikat na anyo ng panitikan,malamang dahil sa mga soneto ni manong Willam :lol:

  • Nagmula ang soneto sa Great Britain at Europa. Buhat sa salitang sonnet meaning a "little song." Marahil ay dahil tila mga awit ng pagibig ang kadalasang tema ng mga ito.

  • Ang soneto ay binubuo ng 14 na linya. Ang 2 dito ay ang tinatawag na cliche'. Kadalasan sa banyagang panitikan ito ay nasusulat sa iambic pentameter.

  • Ang cliche' ang isang mahalagang sangkap ng soneto. Ito ay ang pinaka climax, o maari ding pinaka summary ng kabuuan ng tula at kadalasan ito ang nagiging basehan ng isang magandang soneto.

  • Sa ating panitikan ay may sarili tayong form ng soneto. Ito ay binubuo ng 14 din na linya. Nahahati sa 3 stanza na may tig-apat na linya at isang stanza na may dalawang linya para sa cliche'.

  • Ang sukat nito ay bale 12 pantig bawat taludtod o linya subalit dapat sa kalagitnaan ng linya ay buong 6 na pantig. Bale dalawang tig -anim na pantig sa isang linya. Kung baga yung gitna nya hindi pwedeng maputol yung salita dapat saktong 6 na pantig sa bawat gitna nung linya.

halimbawa:
  • Aking minamasdan(6)ang iyong paglakad(6)

  • Dapat ang gitna ay buong 6 na pantig. Hindi pwede na 7 at 5,dapat 6 at 6.

  • rhyme pattern:
  • AAAA,BBBB,cccc, dd

  • ang cliche' dapat magkatugma.

eto halimbawa ng soneto

Soneto para kay Alicia Silverstone
ni Rommel Galang

Aking namamasdan ang iyong paglakad
Habang nakalutang sa alat ng dagat
Iyong binabagtas ang landas ng ugat
Patungo sa kama ng tulog kong utak.

Sa gabay ng tala,ika'y nakikita,
Sinlambing ng alon ang hakbang ng paa.
Ikaw ba'y kabilang sa mga serenang
Ang kinis ng mukha'y gayuma sa mata?

Ngunit titig mo lang ang tanging dumating
Sa anyo ng halik na dala ng hangin,
Nang aking madama't pisngi ko'y masaling,
Ang 'yong kabuua'y lalong di naangkin

Kung ang mga mata'y naging labi lamang,
Lalim ng sulyap mo'y aking mahahagkan.​



mabuhay ang panitikang filipino:rock:
 
Last edited:
Re: [tut updated 7/15/11] poetry writing 101


Poetry workshop no.1:approve:

Paggamit ng simile

Reader: mind^^FREAK Ang dami ko ng nabasang info dito kaso ang problema di ko maiapply
32.gif


Me: eto ang solusyon na naisip ko para dyan..
39.gif

isan poetry workshop

Reader:
108.gif
ano naman yang workshop na yan?

Me: dito natin iaaply ang mga nabasa natin sa thread na ito.
39.gif


gagawa tayo ngayon ng isang tula kung saan gagamit tayo ng simile.

  • Una kailangan natin ng obhektibong sitwasyon. Ito ay kung ano ang nangyayari sa loob ng tula. Love poem na lang gawin natin para makarelate lahat.

  • So ang persona natin ay may crush. Yung crush nya lagi nyang iniisip. Ngumingiti sya mag-isa pag naiisip nya yung crush nya at nais nyang ilarawan ang mga katangian na nagustohan nya.
Ayan may storya na tayo, tandaan simile lang ang gagamitin natin:lol:

  • So meron syang crush, isipin ano ba ang nangyayari, nararamdaman o pano mo ba ilalarawan ang isang may crush.
-laging masaya
-inspired
-laging kinikilig

  • Ok na siguro yan. Kailangan na nating lumikha ng mga linya base dyan. Sa pag-ibig daw kasama ang persona ni kupido.

-> Ako ay nakaramdam ng kilig


  • pagkinikilig ka anu nararamdaman mo?
    parang may daga sa dibdib, may tumatambling sa tiyan o may parang malamig na bagay na dumaan sa iyong buto.

->Na parang naghahabulan ang mga daga
Sa aking dibdib
At tila nangingig ang aking laman.

  • Syempre dapat may dahilan, nakita mo crush mo.
-> Pagka't ikaw ay napadaan

  • Dito pwede ka ng maglarawan, maganda sya parang anghel o dyosa. Mas maganda pag naglalarawan ka in order. Huwag yung mula sa mata tapos paa tapos ilong tapos katawan :rofl: pwedeng from the outside going in,tapos from top to bottom.

->Tila dyosang lumalakad
sa aking harap
Ang iyong bawat apak
Ay parang umiindayog
Sa musikang likha ng aking puso.

  • Yan naman kasi ang una mong mapapansin di ba?:blush: tapos titignan mo na ang kanyang mukha,pababa

->Kay gandang pagmasdan ng iyong mata
Nakakaakit ang kislap
Parang mga tala.
Ang iyong mga labi na kay pula
Kagaya ng mansanas ni eba.

  • So nakapuri kana ok na yan wag masyado madami kasi baka masobrahan maumay. Ngayon yung part naman na lagi syang nasa isip mo. Pag ganun diba lagi mo nakikita sya sa isip mo?
->Ang maamo mong mukha
Ay tumatatak sa aking diwa
Kagaya ng magagandang tanawin
Na nais kong marating.

  • Napapangiti ka diba pag naiisip mo sya?

->At sa tuwing kita'y naiisip
Ngiti sa labi ko'y gumuguhit

> Yung pagdaday dream mo ayaw mo na matapos lol: Gusto mo laging ganun ang pakiramdam.

->Di na hahangaring matapos ang saglit
At sa isipan ko'y ika'y mawaglit
Pagkat ligaya na iyong hatid
Nais kong madama paulit-ulit.

  • Pero napapatanong ka din kung napapansin ka kaya nya o parang wala ka lang. :think:

->Nguni't ako kaya'y napapansin
Ako na tila ba'y sayo nahumaling.
Sana'y mabaling minsan ang sulyap
Sa'kin na umiibig sayo ng tapat.


  • Ayan meron ka ng tula na gumagamit ng simile.
    20.gif

Ako ay nakaramdam ng kilig
Na parang naghahabulan ang mga daga
Sa aking dibdib
At tila nanginig ang aking laman.
Pagka't ikaw ay napadaan

Tila dyosang lumalakad
sa aking harap
Ang iyong bawat apak
Ay parang umiindayog
Sa musikang likha ng aking puso.

Kay gandang pagmasdan ng iyong mata
Nakakaakit ang kislap
Parang mga tala.
Ang iyong mga labi na kay pula
Kagaya ng mansanas ni eba.
Ang maamo mong mukha
Ay tumatatak sa aking diwa
Kagaya ng magagandang tanawin
Na nais kong marating.

At sa tuwing kita'y naiisip
Ngiti sa labi ko'y gumuguhit.
Di na hahangaring matapos ang saglit
At sa isipan ko'y ika'y mawaglit
Pagkat ligaya na iyong hatid
Nais kong madama paulit-ulit.

Nguni't ako kaya'y napapansin
Ako na tila ba'y sayo nahumaling.
Sana'y mabaling minsan ang sulyap
Sa'kin na umiibig sayo ng tapat.
 
Last edited:
Re: [tut updated 7/25/11] Poetry Workshop No. 1

eto yung file para sa workshop number 2.. ang pag gamit ng metapor.

Poetry Workshop no. 2


Paggamit ng Metapor


Nag babalik akong muli upang magpaworkshop
87.gif


At ngayon ang ating pagprapraktisang gamit sa tula ay ang metapor. Isa ito sa mga pinakaginagamit na literary device,isa din sa mga paborito ko.
68.gif


> So tandaan
39.gif
sa metapor ang dalawang salita ay pwedeng pagpalitin basta may katangian ito na magkaparehas. A = B

so game na.
20.gif



Tutula tayo ngayon, gamitin na natin yung tula ko na "sa kanto"

  • Syempre isip muna ng tema..medjo emo ako nung time na yan kaya emo epek tayo:lol:

  • Isip din ng objective situation.
--> ang objective situation natin: ang ating persona ay napadaan muli sa tindahan ng fishbol sa kanto tapos naalala nya yung dati nyang mahal.

  • Ang tula parang kwento din yan minsan..Sa tula na ito dapat may setting kasi nga yung persona natin ay may lugar na napuntahan
    39.gif

  • Para sa ating 1st line iset natin yung intro para sa pagdaan muli ng persona sa lugar na yon..
pwede natin sabihin :

Ako'y muling napadaan
sa may tindahan
ng fishbol sa kanto


> pero wala namang kaepek epek diba? So medyo irephrase natin at lagyan ng konting tugmaan.

So ito first line..
-> Nagawi akong muli rito

syempre pag napuntahan mo na yung isang lugar maaalala mo kung ano ginawa mo don at kung may kasama ka maalala mo yun..

-> Kung saan madalas tayong magtungo
-> Bumibili ng fishbol sa kanto.

ayan naset mo na yung plot para sa tula tapos may tugmaan pa..:lol:

  • So pag may naalala ka magrereminise ka muna ng konti..kaya yung next stanzas natin ikwekwento natin kung ano yung naalala nung persona since di naman alam nung nagbabasa yon.

malamang lagi syang pumupunta don sa tindhan ng fishbol..ang gusto mo sabihin ay

" madalas akong magpunta dito"

  • pwede naman yan..kung nakikipagkwentuhan ka lang:rofl: since tumutula tayo at gagamit tayo ng metapor irevise natin yan..kung sa kanto lang yan malamang sa hindi na naglakad lang sya papunta..yung paglalakad ginagamitan yan ng paa at paa mo yun malamang.Sa bisa ng metapor pwede natin palitan yung linya ng ganito:

-> Tila nakasanayan na ng mga paa

> pansinin,kesa sabihin ko na maladas akong magpunta ang ginamit ko nakasanayan na ng mga paa..kasi pwedeng ihalili yung salitang paa sa pag lakad mo dahil yun ang ginagamit mo sa paglakad.

> sa susunod na linya syempre isipin mo bakit sya madalas dun?
-may nakitang maganda
-masarap yun fishbol
sa makatwid may mga bagay dun na nakakapag pasaya sa kanya.

-> Na magawi sa pook ng ligaya

> sa objective situation natin ang nakakapagpasaya sa kanya dun ay yung taong minahal nya.. Para maging malinaw sa mambabasa magandang idescribe natin yung chiks ng konti para magcreate tayo ng image sa isip ng nagbabasa..tandaan nasa order ang pagdedescribe.

> unahin natin ang mata..karaniwan magagamit mo dyan bilang metapor ay yung pagning ning ng mga bituin. Pinalit natin yung mata sa bituin kasi perahas silang nagnining ning.

->Masilayang muli ang ningning sa'yong mata

> next siguro yung labi..maakit ka sa labi pag nakangiti, o maganda yung smile.

->At ang labi mong may guhit ng saya

pansinin..yung ngiti sa labi ay pinalitan natin ng guhit ng saya..kasi yung ngiti at yung saya may katangian na parehas..di ka naman siguro masaya pag di ka nakangiti.

inside going out tayo ng pagdedescribe..

-> Kay ayang pagmasdan
-> Ang iyong kagalakan


> isang mahalagang elemento sa tula lalo na sa pag gamit ng metapor yung unity kaya dahil nasa fishbolan lagay tayo ng linya na related dito.

-> Habang sabik na nagaabang
-> Maluto ang kikiam


matapos ang tingin at ligaw tingin medyo paglapitin na natin ang mga bida sa next stanza.

for unity purpose:

-> Kasabay ng paghalo ng tindero
-> At marahang pagluluto


eto na yung nagibigan:

-> Ang pag-ibig sa ating puso
-> Ay unti-unting namuo


> tapos ng ligawan..dahil medyo pang kanto ang tula di bagay na sabhin natin at ika'y naging kasintahan..dapat yung medyo pang kanto din.

-> Di nagtagal ang oo ay nasambit

> para united ang scene malamang singot sya sa fishbolan habang kumakain.

-> Kasabay ng pagkaubos ng laman ng stick

> dapat pag may fishbol may sawsawan at pwede tayo gumawa ng metaporikal na linya kasi yung pagibig at yung sawsawan parehas matamis.

-> Pinasarap ng sawsawang matamis
-> Ang pag-iibigan ng mga pusong sabik


> tapos dahil paending na balikan natin yung alaala na naaalala ng persona yung pag punta nila sa kanto.

-> Sa tuwing pagdadapit hapon
-> Hawak kamay na tayong paroon
-> Pinasaluhan ang pagmamahalan bawat pagkakataon
-> Tila di na maglalagom.


> eto na yung last natin na stanza..isang magandang technique din sa pagsulat ng tula yung pag-uulit ng linya para buo yung image at may dating na flash back parang yung nagaganap sa persona mismo.

-> Nagawi akong muli rito
-> Bumibili ng fishbol sa kanto


> tapos para malinaw na wala na sila at nagrereminise nalang ang persona..

-> Baon ang masayang ala-alang naipon
-> Nung kasama pa kita sa bawat pagdadapit hapon.

eto na yung tula:

Sa kanto

Nagawi akong muli rito
Kung saan madalas tayong magtungo
Bumibili ng fishbol sa kanto.

Tila nakasanayan na ng mga paa
Na magawi sa pook ng ligaya
Masilayang muli ang ningning sa'yong mata
At ang labi mong may guhit ng saya

Kay ayang pagmasdan
Ang iyong kagalakan
Habang sabik na nagaabang
Maluto ang kikiam

Kasabay ng paghalo ng tindero
At marahang pagluluto
Ang pag-ibig sa ating puso
Ay unti-unting namuo

Di nagtagal ang oo ay nasambit
Kasabay ng pagkaubos ng laman ng stick
Pinasarap ng sawsawang matamis
Ang pag-iibigan ng mga pusong sabik

Sa tuwing pagdadapit hapon
Hawak kamay na tayong paroon
Pinasaluhan ang pagmamahalan bawat pagkakataon
Tila di na maglalagom.

Nagawi akong muli rito
Bumibili ng fishbol sa kanto
Baon ang masayang ala-alang naipon
Nung kasama pa kita sa bawat pagdadapit hapon.

hope may natutunan kayo.:lol:



126.gif

¤mind^^FREAK¤
 
Last edited:
Re: [tut as of 8/08/11] Poetry101 Workshop No. 2 ang pag gamit ng metapor

ayos po sana yung tutorial for both metapor and simile :)

kaso medyo malalim para sa mga beginner na susubaybay :)
and di sya gaanong conducive :lol:


just may pov :p
 
Re: [tut as of 8/08/11] Poetry101 Workshop No. 2 ang pag gamit ng metapor

yaan no ma'm jeffi pag may time na sinipag:lol:
 
Re: [tut as of 8/08/11] Poetry101 Workshop No. 2 ang pag gamit ng metapor

kelan kaya sisipagin author nito na mag update ng tutorial :unsure:
 
Re: [tut as of 8/08/11] Poetry101 Workshop No. 2 ang pag gamit ng metapor

ma'm jefi pagpasensyahan na at nasa ibang daigdig pa ako ngayon ng US market babalikan ko 'to pag nagstabilize na ang prices at interest rates:lol:
 
Re: [tut as of 8/08/11] Poetry101 Workshop No. 2 ang pag gamit ng metapor

Napakahusay na mga kaalaman :D

Maraming Salamat TS :D
 
Re: [tut as of 8/08/11] Poetry101 Workshop No. 2 ang pag gamit ng metapor

Robert m

:thanks: boss sa pagbibigay ng time basahin ang mga naipost ko sa thread na ito..sana nakatulong.
 
Re: [tut as of 8/08/11] Poetry101 Workshop No. 2 ang pag gamit ng metapor

nice thread gusto ko din matuto gumawa ng tula sana matuto ko:noidea:
 
Re: [tut as of 8/08/11] Poetry101 Workshop No. 2 ang pag gamit ng metapor

lindol

just read through the post sa thread na 'to it will help you find your way in writing..and if you need any assistance or have any questions feel free to post it here para parehas nating alamin ang sagot..

:thanks: for reading.
 
Re: [tut as of 8/08/11] Poetry101 Workshop No. 2 ang pag gamit ng metapor

Maraming salamat po dito. Marami akong natutunan. :)
 
Re: [tut as of 8/08/11] Poetry101 Workshop No. 2 ang pag gamit ng metapor

karangalan kong makapagambag sa husay ng isang manunulat.:hat:

:thanks: sa pagbasa
 
Re: LITERATI PRESENTS: Poetry101- Tukador ng kaalaman

up ko lang po ito para sa mga naghahanap ng resource sa pag tula.
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

ambilis nga matabunan ngayon eh sir mind..:D

EDIT: sticky thread na pala..:slap:
:10:
 
Last edited:
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

dami kong natutunan dito :D
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

:thanks: mga mod at dumikit na sa ceiling ang thread na ito..atleast madali na makita ng mga naghahanap ng resources sa pagtula..

i know this is not much, pero atleast kahit konti naman may mapupulot dito..

kung may mga tanong about sa topic dito o sa pagtula just post it here baka makatulong ako.
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

Gusto ko lamang dagdagan ung sinabi ni sir MF dito about sa pag-gawa ng sonnet. Ang dami ko rin kasing natutunan. To be honest, I am not familiar with sonnets and its components. Ni hindi ko nga alam magsulat nun. Basta ang alam ko, 14 lines at may abab cdcd efef gg ang pattern eh sonnet na yun. :rofl: Nagkaron lang ako ng interes na pag-aralan ito dahil sa pakulo ni jefy SLPWC: A Walk to Remember (A tribute for your special someone). :rofl:

So eto na simulan na natin. Ginawa kong detalyado talaga at halos wala na akong iniwan pang detalye. :rofl:


**************************************************

Katulad ng nasabi ni sir MF, halos lahat ng soneto/sonnet ay nakapaloob sa tinatawag na iambic pentameter. Kung hindi niyo po alam kung ano ang iambic pentameter or naghahanap kayo ng klarong explanation, eto po ang sagot diyan Misteryo ng Iambic Pentameter.

Meron tayong maraming uri ng sonnet. Pero i-discuss ko lang po ung kalimitang ginagamit:


1. Petrarchan Sonnet

Ang Petrarchan or kilala rin sa tawag na Italian Sonnet. Meron akong chismis na nasagap na merong Petrarchan sonnet na nakasulat sa tetrameter (Happy Heretic) and meron ding nagsusulat ng hexameter.

Ang Petrarchan sonnet po ay nahahati sa dalawang parte. Ang una dito ay ang tinatawag na octave (or 8-line verse) at ung pangalawa eh sestet (6-line verse) ang tawag.

Ang unang part (ung octave) ay may rhyming pattern na abbacddc. Ang pangalawa naman (ung sestet) ay may iba't ibang rhyming pattern (pwedeng efefef, effefe, efgefg, efgegf, efegfe pero kalimitan ay efgefg ang ginagamit.

Kahit anong rhyming pattern ay pwedeng gawin sa sestet. Ang hindi lang pwedeng gawin sa sestet ay ang pagtatapos ng ending couplet (o ung dalawang linya na magkarhyme ang dulong salita). Hindi ko alam kung bakit ito ipinagbawal, basta ang alam ko lang eh bawal yun. :rofl:

Eto ang isang example ng Petrarchan sonnet para lubos niyong maunawaan ang mga sinabi ko:

itsonnet1.gif

Kung mapapansin niyo sa sonnet na nasa taas, nabanggit din dyan ang salitang volta or turn sa Ingles. Hindi yan ung volta na iniisip mo ngayon. Sa Petrarchan sonnet kasi, ang dalawang parte ay may magkaibang konsepto/subject. Ang part kung saan nag-iiba na ung subject matter, eh ang tinatawag na volta. Palagi itong makikita sa Line 9 ng sonnet. Merong iba na nilalagay ito sa gitna ng Line 9 ng sonnet pero kalimitan eh umpisa pa lang, alam mo ng yun na un. :rofl:



2. Shakespearian Sonnet

Ang Shakespearian sonnet ay kilala rin sa tawag na English sonnet. Ito ang pinakamadalas na gamitin na uri ng soneto (sa pagkakaalam ko). Flexible kasi ang pattern at mas simple kung ikukumpara mo sa iba pang mga soneto.

Eto ay nahahati sa tatlong stanzas na may dalawang linya na tinatawag na ending couplet. At eto ay may rhyming pattern na abab cdcd efef gg.

Sa pagkakaalam ko, ang sonetong ito ay nahahati rin sa dalawang parte. Walang partikular na tawag sa dalawang parte na ito. Ung idea kasi mismo at hindi ung format ng stanza ang nababago. Sa unang parte, iprepresenta mo sa mambabasa ung idea mo or sitwasyon na gusto mong ipakita. Ang pangalawang parte naman ay nagpapakita ng isang conclusion or climax.

Eto ang isang halimbawa ng Shakespearian sonnet:

shakesonnet1.gif

Kung mapapansin niyo, meron ding volta ang Shakespearian sonnet. Ito ay kakaibang uri ng Shakesperian sonnet sapagkat, makikita ang volta sa Line 9. Sa Shakesperian sonnet kasi, sa huling parte o dun sa ending couplet na makikita ung volta. Ito ay ginawa para magkaron ng kakaibang style or image ung theme sa mambabasa.




**************************************************

Ayan nawa eh nakapagbigay ako ng kaunting kaalaman sainyo. Gumawa kayo ng Petrarchan or Shakesperian sonnet para masubukan niyo ung lawak ng vocabulary niyo at pati na rin talas ng panulat niyo. :)

Sources:
Sonnet: Examples - http://www.cranberrydesigns.com/poetry/sonnet/examples.htm#
Sonnet - Wikipedia - http://en.wikipedia.org/wiki/Sonnet
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

:thanks: for sharing arcizei

First page updated:hat:
 
Re: Literati Presents: Poetry101- Tukador ng kaalaman

Napaka-informative po ng thread na ito sir. :thumbsup: tamang tama para sa mga makakata at manunulat ng symbianize :yipee: madami akong napulot dito. Dahil sa thread na ito,nakagawa ako ng sonnet :lmao: sa quotes and poems ko din pinost. Masaya pala gumawa ng sonnet :dance:
 
Back
Top Bottom