Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3B

1170848_656475157697536_36278598_n.jpg

Book 1 (Naida): "Maganda ba ako?" tanong ng babae.

"Paano ko malalaman? Nakatakip ang bibig mo?" supladang sagot ng dalagang tinanong.

Tinanggal ng babae ang face mask at tumambad sa dalaga ang mukha ng babae. Kinabukasan, natagpuang patay ang dalaga, pugot ang ulo at may hiwa sa bewang. Pinaniniwalaang ginupit ito gamit ang grass cutter o anumang malaking gunting.

Noong bata ako, kinwento sa akin ni nanay ang kwento ni Cinderella at Snow White bago ako matulog. Napakaganda ng storyang iyon kahit na ang nakatuluyan nila ay parehong si Prince Charming. Kahit bata pa ako noon, gusto ko ng makilala ang prince charming ng buhay ko. Pero paano kung ang kwentong ito ang binasa ni nanay sa akin, makakatulog pa kaya ako?

Book 2 (Pido): Noong bata ako, pakiramdam ko sinusundan ako ng buwan kahit saan ako magpunta. Bawat tingin ko kasi sa buwan lagi siyang nandoon sa pwesto niyang yun. Mula noong makita ko ang Kalye 19, pagdating ng 11pm ay nagigising na lamang ako noon sa kalyeng yun at may hawak na patalim na puno ng dugo. Minsan may dugo ang damit ko at minsan may hawak pa akong putol na kamay. Mapapatakbo na lamang ako pauwi at hindi na makakatulog. Sana lang nababantayan ako ng buwan sa mga ginagawa ko para kapag tinanong ko ang buwan, masasagot niya kung ano ang nakita niya.



Book 1
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8

Book 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3A
Chapter 3B


palimos naman po ng comments...
179.gif


http://acwrites.blogspot.com
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 1

eto mga bet ko,mga horror at suspense..
Asan ang kasunopd,parang si jack the ripper yeah!!
Update kagad idol...
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 1

tumblr_mc86k6dd6e1qlo16do1_400.jpg

"Maganda ba ako?" tanong ng babae.

"Paano ko malalaman? Nakatakip ang bibig mo?" supladang sagot ng dalagang tinanong.

Tinanggal ng babae ang face mask at tumambad sa dalaga ang mukha ng babae. Kinabukasan, natagpuang patay ang dalaga, pugot ang ulo at may hiwa sa bewang. Pinaniniwalaang ginupit ito gamit ang grass cutter o anumang malaking gunting.

>

"Pare, anong ginagawa ng sexy'ng babae dito sa ganito kadilim na eskenita?" tanong ni Badong na kilalang manyak sa lugar sa kasamang si Merto.

"Ano pa? Edi naghahanap ng aliw. Hahaha!" tawa pa ni Merto. Hindi niya alam na ito na ang huli niyang halakhak.

Napatingin sa kanila ang babae, nilapitan nila ito. "Miss may problema ba?" tanong ni Badong.

"Maganda ba ako?" tanong ng babae.

"Oo naman!" mabilis na sagot ni Merto na sinang-ayunan naman ni Badong.

Mula sa dibdib ng babae lumabas ang kanyang kanang kamay na may hawak na gunting mula sa suot na blouse. Malaking gunting na kayang puputol ng isang kamay sa isang kisap lang. Walang anu-ano, biglang pinugot ng babae ang ulo ng dalawang manyak na nakausap niya.

Sa kaparehong lugar mula noong dalawang magkasunod na araw na may natagpuang patay ay hindi na pinadaan dito ang mga bata, babae, at kahit na sino ng malalim na ang gabi. Pati ang mga bahay malapit dito ay inabandona na rin.

>

Noong bata ako, lagi akong dumadaan sa Kalye 19 dito sa baranggay namin para makipaglaro sa aking mga kaklase. Pero isang araw, bigla na lang akong hindi pinayagan ni tatay dumaan doon. Nagkahiwalay din kami ni George dahil doon, lumipat sila ng tirahan sa malayong lugar, yung hindi ko malalakad. Ngayon, 18 na ako, pwede na kaya akong dumaan doon uli?

Pati ang pagsigaw sa harap ng stand fan ginawa ko rin habang hawak ko 'yung takip ng elisi. Napalo ni nanay ang kamay ko no'n, ang sakit pero mas masakit pala kung napasok ang daliri ko doon kasi baka maputol yon. Si George naman, binigyan niya ako ng kwintas na gawa sa bulaklak ng santan. Ang ganda no'n, may yellow at red na ginawa niyang salitan ang kulay. Sayang hindi ko na siya nakita uli. Pwede na kaya akong dumaan doon?

"Manong alam niyo po ba kung saan lumipat ang mga nakatira dito dati?" umiiling lang ang sagot ni manong.

"Ahh... Kuya! Pwede po bang magtanong? Alam niyo po ba kung saan lumipat ang mga nakatira dati dito?" tanong ko sa tambay sa malapit.

"Hindi." tipid na sagot ng tambay, parang iwas sila sa dahilan ng paglipat nina George.

"Ah. Iha, ako, hindi mo ba tatanungin?" wika ng matandang lalake na akala ko pulubi kaya hindi ko tinanong.

"Alam niyo po ba kung saan lumipat ang mga dating nakatira dito?" tanong ko naman.

"Ha?"

"`Yung nakatira po dito..."

"Napano?"

"...Alam niyo po ba kung saan lumipat?" tanong ko kay lolo. Eh bingi naman pala si lolo eh.

"Hindi eh." sagot nito. Kung hindi lang bumabalik sa pagkabata ang matatanda ay hinampas ko na siya ng bag ko pero baka makasuhan ako ng child abuse.

"Hehe. Di bale na lang po. Salamat." sabi ko nalang.

"Pero ineng..."

"Ano po iyon?"

"`Wag kang daan diyan kapag gabi." kapareho ng sinasabi niya ang mga sinasabi sa akin ng magulang ko pero bakit? Ngayon chance ko ng magtanong.

"Bakit ho ba? Ano po ang meron dyan?"

"Aswang." maikling sagot nito at tumayo.

"Ineng, sampung taon na ang nakakalipas, teka sampu nga ba?"

"Ituloy niyo lang po."

"Ah. Sige. Dalawang araw na magkasunod ay may namatay diyan, parehong pugot ang ulo."

Hindi ko alam ang nangyaring ito, kaya siguro lumipat na rin ng tinirhan sina George para na rin sa kaligtasan nila.

"Sa pangatlong araw, may pagkakamaling nagawa ang may-ari ng bahay diyan." sabay turo ng bahay nina George.

"Ano po iyon?" taka kong tanong.

"Iniwan nilang bukas 'yung gate nila kaya lumabas 'yung aso nila. Hindi pa nila alam noon na aswang ang pumapatay dito. Doon mismo sa malapit sa labasan nila. Doon namatay ang anak nilang lalake." napintig ang tainga ko sa narinig baka si George ito. Paano na?

"Tahol kasi ng tahol ang aso kaya lumabas itong lalake at tinawag 'yung aso. Ayun, kinabukasan patay ang aso, pati yung lalake." nanlumo ako sa narinig kong kwento.

"Sige ho." ito na lang ang nasabi ko at umalis na matapos ang mga narinig ko. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asang makita uli si George. Malamang walang naakakaalam o walang nagtangkang magtanong kung saan sila pumunta.

Umuwi akong walang napala, pero lalo akong nacurious kung bakit hindi na dapat dumaan doon at kung aswang nga ba ang pumapatay dito.

>

Noong bata ako, sabi sa akin ni nanay kapag lumabas ako ng bahay ng walang kasama, kukunin daw ako ng isang arabo. Takot na takot na ako no'n tapos isisilid pa daw ako sa sako. Kaya hindi ako lumalabas ng bahay noon kapag hindi ko kasama si nanay. Maraming panakot sa akin lalo na si tatay, ipamimigay daw niya ako sa driver ng jeep kapag umiyak ako. Ayoko noong malayo sa magulang ko kaya takot ako, hindi ako umiiyak.

Naalala ko pa nga noong tumakas ako sa pagtulog ko sa hapon tapos nahuli ako ni tatay sa harap ng ref kasi nagtataka talaga ako kung paano 'yon sumisindi at namamatay na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot.

"Matagal ng walang namamatay sa Kalye 19, no?" wika ni Anet.

"Oo nga eh. Hindi ko alam kung may bantay ba doon." sagot naman ni Tina.

Uwian na noon at walang pumasok sa kokote ko kahit isa sa pinag-aralan sa eskwela kundi ang pakikipagchismisan ng katabi kong si Anet. Pero hindi ko maikakaila na nakinig ako, hindi sa guro kundi sa chismisan. Napag-usapan kasi nila ang Kalye 19, wala daw kasing mga nakakita ng mga pagpatay. Malamang ay tinago itong mabuti ng suspek at malinis siya magtrabaho. O kaya, mali ang chismis na palagi namang nangyayari. Almost.

"Gusto kong dumaan sa Kalye 19 mamaya." wika ni Anet.

"Gusto mo na ring mamatay?" sagot naman ni Tina.

"Gusto kong sumama." singit ko naman sa kanila.

"Hoy mga bruha! Kung magpapakamatay kayo `wag niyo akong isama." sabi uli ni Tina.

"Ano'ng oras?" tanong naman agad ni Anet.

"Eleven..." sagot ko.

"Sige, walang mangiindian Naida." sabi sa akin ni Anet.

"Indian ba ako para mangindian?" sagot ko naman at tumawa, hindi mo rin maitatago sa amin ang konting kaba. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari, kung tama ba ang gagawin namin. 'Curiosity kills a cat.' sabi ng isang kasabihan. Kayang pumatay ng kyuryosidad, hindi man pusa o daga kundi sarili o iba.

Dumating na ang oras ng aming pagpunta ni Anet. Naalala ko pa ang huling mga salita ni Tina bago umuwi, "Kapag hindi kayo pumasok bukas alam ko na! Mga makukulit kasi kayo!" Gaga talaga si Anet, ang tagal niya. Ngayon sigurado ko ng Pilipina siya kahit na may pagkamestisa, trenta minutos na wala pa.

"Nasaan ka na ba? May nagbabantay dito, mukhang 'di tayo makakadaan." text ko sa kanya.

"Malapit na ako." reply niya. Eto ang kinaiinis ko sa tanong na 'yon eh. Saan na ba siya malapit? Sa CR at malapit na siyang maligo? Sa likod ko at hahawakan na lang niya ang balikat ko para gulatin?

"Miss, delikado dito. Umuwi na kayo." sabi ng bantay.

"Ay! Susme!" ginulat ako ng taong ito. Kainis, sira ang poise ko. Wala akong magawa kundi umuwi.

"Huwag ka ng pumunta. Pinapauwi na ako ng bantay." text ko kay Anet.

>

Noong bata ako, kinakagat ko 'yung pambura ng lapis ko para magamit ang nakatago pa sa bakal na lalagyan nito. Ang gumagawa nito ay maitatapat ko kay Robert Boyle na nagsabi na kapag lumiliit ang lalagyan ng hangin ay lalo itong magpupumiglas lumabas. Ang kyuryosidad talaga ng bata, hindi natin napapansin na ikinapapahamak niya ito. Ang pambura ay may toxic chemical na nakakasama sa katawan at kung aksidente niyang malunok ang napakaliit na pambura ay maaari niyang ikamatay.

Kinabukasan, ang tindi ng bulungan tungkol sa Kalye 19 na dati'y limot na ng panahon at nakalimutan na ng mga kaedad ko.

"May namatay nanaman sa Kalye 19."

"Oo nga. Estudyante pa raw rito sa school natin."

"Balita ko dalawa sila dapat kaya lang sinwerte yung isa."

Gusto kong magtanong sa kanila kung ano ba ang nangyayari? Kung bakit asul ang langit? Kung bakit maraming magkakapareho ng apelyido sa gobyerno? Lalo na kung sino ang namatay?

Pagpasok ko sa room ay napatingin lahat sa akin. Hindi normal ang pagtigin nila, may kasamang titig at masamang pagbabanta ng mga mata.

"Nandito ka?" sabi sa akin ni Tina.

"Oo, bakit?"

Tulala lang ito sa mukha ko ng limang segundo bago ko mahabol ang unang patak ng luha na nahulog mula sa kanyang mata. Hindi ko maintindihan.

"Si Anet..."

Si Anet? sabi ng isip ko habang nakatingin lamang sa malungkot na mukha ni Tina.

"Patay na siya." pagkasabo nito ay himagulgol lamang siya at lumayo sa akin.

"Paano siya namatay? Hindi na kami natuloy eh." pagtataka ko pang habol sa kanya habang naglalakad palayo sa'kin.

"Iniwan mo siya di ba?" sabi sa'kin ni Ed.

"Hindi ko siya iniwan!" sigaw ko pero pawang mga matang mapanghusga ang sa akin ay nakatingin.

..itutuloy..


Part 2
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 1

tagal naman ng update..
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 1

Slit Mouth Woman of Japan? ata yan eh :lol:
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 1

@r3dtnc, salamat sa pangunguna ng comments..:lol: uupdate ko to pag nakapagpc ako..may inaasikaso lang..:D

@annarichie, hihi...pray before you sleep..:pray:

@akinto, may inaasikaso lang po..:D update will be asap..:thanks:

@wakom, nasa 2nd update ang sagot..:D
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 2

"Maganda ba ako?" tanong ng babae kay Anet habang nakatingin sa palayo nang si Naida.

"Teka lang miss may hinahabol ako." sagot nito sa babaeng nakasurgical mask at dali niyang itong tinalikuran, hindi niya na ito pinansin habang nakatingin kay Naida at mabilis na naglalakad. "Naida!" tawag nito pero parang hindi siya nito naririnig.

Bumagsak siya sa gulat nang harangan siya ng babae sa dadaanan niya. Takot na takot si Anet nang makita ang nakangising bibig ng babae. May hiwa ito hanggang tainga, kita dito ang gilagid, dila at ang mga ngipin. Paatras siyang gumapang nang ilabas na ng babae ang kanyang gunting, "Maganda ba ako?" kasabay nito ang nakakalokong ngiti.

Dahil sa takot ay nanginginig siyang sumagot, "O-oo. Oo!"

Hindi na nagawa pang sumigaw ni Anet nang maramdaman ang malamig na bagay na tumusok sa kanyang leeg. Hindi pa nakuntento ay ginupit pa ng babae ang pisngi ni Anet upang maging kagaya ng kanyang hiwa sa bibig. "Ngayon, maganda ka na rin." masiglang sagot ng babae na parang batang naglalaro ng manika. Manika na inaayusan at ginugupitan ng bahagi ng katawan upang makita ng nais nitong itsura ng laruan.

Ramdam ni Anet ang bawat gupit sa kanyang magkabilang pisngi at ang malakas na pag-agos ng kanyang pulang likido pababa sa kanyang dibdib. Ang tanging naisip na lang niya ay si Naida. "Malapit na ako." ito ang huling mensahe nito para kay Naida ngunit ngayon lamang nagring ang kanyang cellphone, tanda na may pumasok na mensahe para sa kanya.

"Huwag ka ng pumunta. Pinapauwi na ako ng bantay."

>

Noong bata ako, itinataob ko ang tabong may lamang tubig sa ulo ko habang naliligo. Ang sarap sa pakiramdam no'n sa ulo, nararamdaman kong unti-unting naghahanap ng daan ang pag-agos ng tubig na nakakulong sa tabong ito. Ramdam ko rin ang paggalaw ng tubig na parang maliliit na alon ng baha at ang buhok ko 'yung mistulang lumot ng kanal. Paano kaya kung dugo ang dumadaloy sa katawan mo, habang nararamdaman mong umaagos ito mula sa sugat mo?

"Eh bakit ikaw buhay? Si Anet, patay?!" pagdiin pa ni Ed sa akin ng bagay na hindi ko maintindihang nangyari. Hindi naman ako manghuhula para mahulaan ang nangyari noong gabing iyon at wala rin akong kakayahang mag-time leap para makita ang pangyayari noong nakaraang gabi.

"Hindi ko alam..." tanging nasagot ko na lang. Alam kong sinabihan ko siya na huwag nang tumuloy pero bakit namatay pa rin siya? Hindi ba niya nareceive ang text ko? Kasalanan nanaman ito ng network namin kung sakaling hindi niya natanggap ang akin mensahe. It's not working, kaya namatay ang aking kaibigan? Tumuloy pa ba siya? Mga tanong na tanging si John Titor lamang ang makakasagot.

Walang klase ang section namin dahil sa pagkamatay ni Anet, may ilang tumungo sa computer shop para magDotA, may ilan ding nagpasyang pumunta sa burol ni Anet. Ako? Nagpasya akong umuwi dahil alam kong nahuhusgahan ako ng mga matang puno ng muta sa paligid ko.

Noong bata ako, gusto kong maging doktor para magamot ang mga nagkakasakit pero ngayon HRM ang balak kong kunin para pagbigyan ang gusto ng aking tyan. Magagamot ko ba si Anet kung naging doktor ako? Mabubuo ko kaya ang putol-putol niyang katawan at magawa pa siyang buhayin sa sitwasyon niyang iyon?

Marami ng tanong ang nabubuo sa mga nagbabasa ngayon kaya kailangan ng masagot nito bago matapos ang kwento.

>

"Hindi ka ba uuwi ngayon? May iba ka na? Ipagpapalit mo na ako? Ano pa ba ang kulang sa'kin Daniel? Nakangiti na nga ako kahit na harapan mong nilalandi ang tindera diyan sa kanto. Kulang pa ba 'yon?" mangiyak-iyak na sabi ni Mica sa asawa sa phone, pinipilit ngumiti kahit na hirap na itong pigilin ang luha na pumupuno sa kanyang mga mata.

"Umuwi ka lang ngayon, pagbibigyan kitang tumabi sa akin ngayon, please?" ngiti pa rin ni Mica pagkasabi ng 'please.'

"Mas maganda ba siya sa akin? Maganda rin naman ako `di ba? `Di ba Daniel?" kasunod nito ang tunog ng pagkaputol ng linya sa tawag na akala mo'y Call A Friend sa iksi ng usapan nila at nagawa pa siyang pagbabaan ng telepono.

Buong gabing umiiyak si Mica, walang kayakap at ang tanging kasama ay ang kanyang telebisyon at ang barahang nakakalat sa sala ng bahay. Pinugpog ng lamok ang katawan sa dilim na tanging liwanag ng telebisyon ang umaaninag sa mga luhang nagpapatalbog ng liwanag sa isang baraha. Pinulot niya ang barahang ito at pinagmasdan ang ngiting abot tainga ng barahang pinangalanang Joker. Sinubukan niyang ngumiting gaya nito ngunit ang mga ngiting ito ay kulang upang matakpan ang hapdi, sakit at galit pati poot na kanyang nararamdaman ngayon.

Pasuray-suray naglakad si Mica hawak ang isang gunting, ribbon, at isang kahon ng regalo na sa liit nito ay halatang kwintas o singsing. Katatapos lang niyang iribbon ang regalo nito sa kaarawan ng katipan, ang kulang na lang ay ang magmamay-ari. Sa Kalye 19 natagpuan ni Mica si Daniel at ang kirida habang pauwi sa bahay ng kalaguyo nito. Napakadilim na ng langit tanda na gabi na, inabot nga ganitong oras sa paghahanap si Mica. Tiis ang gutom, init ng araw, mga galos sa paa at sakit na dala ng palaso ni kupido na nabali sa mismong dibdib ni Mica. "Happy Birthday!" ngiti pa rin ni Mica sabay abot ng maliit na kahon.

Tinabig lamang siya ni Daniel at tinawanan lamang ng kirida ang tagpo. "Kawawa." pabulong pang sabi ng kabit paglampas sa nakaluhod at nakayukong si Mica.

"Sandali!" sabi ni Mica sabay hawak sa paa ng katipan.

Walang tao sa paligid, tanging ang tatlong ito lamang ang laman ng madilim na kalye. Sinipa si Mica ng tandang na ang tanging inasikaso ay ang bagong inahin.

"Kulang pa ba ang ngiti ko Daniel?" bulong ni Mica paglampas ni Daniel sa kanya. Gamit ang hawak na gunting ay ginupit niya ang kanyang labi upang lumaki ang ngiti at saka ito tumayo at ngumiti sa harap ng dalawang tulalang makasalanang anak ng Diyos.

"Maganda pa ba ako Daniel?" tanong ni Mica sa gulat na gulat na asawa habang isang wasiwas ng hawak na gunting ang sumugat sa leeg ng kabit na kumitil agad sa buhay nito.

"Ano bang ginagawa mo?!" tarantang tanong ni Daniel pero bago pa siya makalakad ay sinaksak siya ni Mica sa hita dahilan upang hindi siya makalakad. "Araaaaaaaaaaaaaay!!!" sigaw lang nito.

"O-oo! Maganda ka pa rin Mica." tarantang sagot ng sugatang si Daniel umaasang mauuto pa niya ang asawa.

"Sinungaling!" isang gupit ang ginawa nito sa kaliwang pisngi.

"Tama na! Ito ang totoo! Bakit mo ginagawa ito?" singit pa niyang buka sa bibig kahit na sobrang hapdi na ng kanyang sugat.

"Manloloko!" isa pang gupit sa kanan.

"Manhid!" isang saksak sa dalawang mata dahilan upang bumagsak ang lalake.

"Walang kwenta!" isang saksak sa tadyang at niyakap ang katawan ng lalakeng minsan niyang minahal.

"Demonyoooooo!!!" at isang gupit sa leeg nito kaya lumitaw na nakatiwangwang ang lalamunan nito.

Tumayo siya sa bangkay ni Daniel nang makita ang marami ng taong nakapaligid sa kanya. Kumiliti sa paa niya ang dugo na kasalukuyang pumupuno sa kalsada ng Kalye 19. "Maganda ba ako?" tanong nito na nakangiti bago sinaksak ng dalawang beses ang dibdib.

>

Noong bata ako, kinwento sa akin ni nanay ang kwento ni Cinderella at Snow White bago ako matulog. Napakaganda ng storyang iyon kahit na ang nakatuluyan nila ay parehong si Prince Charming. Kahit bata pa ako noon, gusto ko ng makilala ang prince charming ng buhay ko. Pero paano kung ang kwentong ito ang binasa ni nanay sa akin, makakatulog pa kaya ako?

"Ngayon lang ako natakot sa buong taong nag-iisa ako dito sa dorm." sabi ko sa sarili.

Hindi ako makatulog na para bang uminom ako ng isang barrel ng kape, at daig pa ang toothpick sa pilikmata ko dahil hindi na yata ako kumukurap habang iniisip ang pagkamatay ni Anet. Hindi ko na alam kung paano ako mabubuhay sa mga susunod na araw na maari akong mapagbintangang pumapaslang.

"Kuchisake Onna, also known as The Slit-Mouth Woman, is a scary Japanese urban legend about a disfigured Japanese woman who brandishes a large scissor and preys for children." basa ko sa isang magazine na napulot ko sa dormitoryo, hindi ko alam paano ito napunta dito at kung may ganito ba talaga dito noon pa pero hindi ko pinapansin gaya ng luma kong damit na iniregalo ng kung sino.

Inilipat ko ang pahina at muntik na akong atakihin sa puso nang tumambad sa akin ang buong pahina ng magazine ay ang letrato ng isang babaeng may hiwa sa bibig hanggang sa magkabilang tainga, nakangiti ito kita ang kanyang ngipin at ang kanyang dila, parang nakatitig ito sa aking mga mata. Napakagaling ng pagkakagawa, nakakatakot at nakakapangilabot, tatatak sa isip mo ang imaheng ito at baka nga umayaw ka ng pumikit dahil sa panaginip mo'y makikita ito kahit na baka kapag patay ka na hindi ka pumikit dahil baka pagpikit mo ay ang letrato ng babaeng ito ang iyong makikita.

Isinara ko ang magazine at pumikit.

Nakatulog naman ako.

Kinabukasan ay pumasok ako na tila manhid dahil iniirapan ko lang ang mga taong nakatingin sa'kin. Diretso lamang akong maglakad kahit na naririnig ko ang mga mapanghusgang boses sa paligid. Hindi ko man sila maintindihan ay alam kong ako ang pinag-uusapan nila. Manhid na nga ata ako dahil hindi ko man lang napansin ang dumikit na bubble gum sa palda ko kung hindi ko lang ito nakapa. Hindi ko tuloy alam kung ano ang tinitignan nila sa akin.

"Walang fingerprints mo sa katawan ni Anet." bungad ni Ed sa akin pag-upo sa aking silya, mabuti na lang at hindi niya hinila ang upuan ko na ginawa sa akin noong bata ako dahil nawawala ako sa sarili ko noon. Hinamon ko pa ng sabunutan ang lalakeng humila nito, nagulat na lang ako nang sabunutan nga ako ng bruha.

"Pinaghihinalaan mo pala ako." diretsong sagot ko. "Sabagay hindi kita masisisi."

"Hindi ako naniniwala sa multo pero gusto kong malaman kung paano namatay si Anet." sabi ni Ed.

"May gusto ka pa rin sa kanya?" biglang tanong ng kadarating lang na si Tina.

"Eh wala na kasi wala na siya. Naghintay ako ng ilang taon para maligawan siya pero isang iglap lang nawala." sagot ni Ed at tumingin sa'kin. Wala akong nagawa kundi lumihis sa titig niya.

"Alam ko pinagbibintangan ninyo akong lahat. Wala akong motibo para patayin si Anet pero wala rin akong sapat na ebidensya para malinis ang pangalan ko." alam kong nadungisan na ang aking pangalan, sikat na nga ako pero napakanegative naman ng pagsikat ko. Parang si Hayden at Bin Laden lang, sikat nga, masama naman ang tingin ng tao sa'kin. Kung magagawa ko lang malaman kung sino ang pumatay kay Anet. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, ngunit ang pagpapaimbestiga kay Detective Conan o pagdecode ng Quatrains ni Nostradamus at pag-imbento ng time machine ay hindi ko makakaya.

"Alam ko gusto mong malinis ang pangalan mo..." bakit? Malilinis ba ng tide ito? "...at gusto ko ring malaman ang totoo. Samahan mo ako, mamaya." padalos-dalos niyang sabi.

"Mamaya? Ano?" taka ko naman.

"Mamaya, dadaan tayo sa Kalye 19." desperadong sabi ni Ed.

..itutuloy..


Part 3
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 2

husay mo talaga sa mga ghost stories :clap: sana makagawa din ako ng ganyan :lol:
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 2

Wow! May Tumblr ka din pala TS. :D

Ayos! :Approve: Mahilig din ako sa ghost stories. :rock:
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 2

husay mo talaga sa mga ghost stories :clap: sana makagawa din ako ng ganyan :lol:
try mo..:clap:
hindi ka mananalo sa lotto kung hindi ka tataya..:lmao:
Wow! May Tumblr ka din pala TS. :D

Ayos! :Approve: Mahilig din ako sa ghost stories. :rock:
mahilig din ako..:naughty:

pafollow na lang ate..:salute: doon ko nilalagay ang pictures na ginagamit ko sa mga sinusulat ko..hindi ko nanapopost doon yung mga updates ng writings ko pero naglalagay ako ng link para sa blogspot ko..:thanks:
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 2

Ganda TS... kakabitin tuloy hehehehe...
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 3


"Sira ka ba? Gusto mo ring mamatay?!" sabi ko pero tingin pa lang alam ko na. May mali sa sinabi ko, alam ko ang iniisip nila at kahit ako'y ganoon din ang maiisip pero nag-aalala lang ako baka ikamatay ni Ed ito, hindi lang ni Ed kundi pati ako. Hindi pa ako handa, virgin pa ako at gusto kong makauna si crush bago man lang ako mamatay. Hindi ko pa natatapos ang kurso ko at ang pangarap ko noong bata ako na maipagluto si inay ng special recipe ko ng chicken teriyaki. Napakanegative ko talaga, sinong nagsabing mamamatay na ako?

"Sige. Payag ako." seryoso kong sabi matapos ang ilang minutong paghihintay ng sagot nila sa akin.

"Tina ganito, kapag bukas hindi ako pumasok o nabalitaan ninyong namatay ako at si Naida ay pumasok dito. Si Naida ang killer."

"Teka, paano namin malalaman kung hindi ka lang nagtatago?" sabi ni Tina, trying to be fair sa ganitong sitwasyon.

"Puntahan niyo ako sa bahay. Tanungin niyo parents ko? Lagyan ko ng tracking device ang sarili ko?" sagot ni Ed. "Tiwala lang ang kailangan. Hindi ko naman ididiin si Naida, kilala niyo ba akong gumagawa ng masama sa kaibigan?"

"Sige." sagot ko naman. Ang ikinatatakot ko lang ay baka pareho kaming hindi makabalik ng buhay.

>

Alas-onse ng gabi, sinundo ako ni Ed para daw hindi ko na magawang tumakas. Matalino talaga si Ed, hindi man siya honor student ay malawak ang paningin niya sa mundo. Naninigurado siya at ayaw niyang isugal ang maliit na tyansang ako nga ang pumampatay.

"Napakakulit talaga ni Anet no?" biglang sabi niya sa akin habang naglalakad kami papuntang Kalye 19.

"Bakit?" tanong ko. Wala kasi akong ideya sa sinasabi niya. Oo may pagkamakulit si Anet lalo na kung chismis o lovelife mo ang sinisikreto mo sa kanya. Pipilitin ka niyang sabihin ito gamit ang mala-super saiyan niyang kakulitan.

"Nakita ang cellphone niya sa crime scene."

Napatingin ako sa sinabi niya at agarang nagtanong, "Nakita ba nila ang message ko?"

"Oo. Isa iyong dahilan kung bakit isa ka sa mga suspek." taimtim niyang sagot habang diretso lang ang tingin sa dinadaanan.

"Bakit pa siya tumuloy kung natanggap niya ang text ko?"

Napatigil ako sa paglalakad dahil naalala ko ang dilim ng gabing iyon. Hindi mo maaninag ang ilang metro sa likuran mo, parang... parang nasa ibang dimensyon ang lugar. Wierd.

"Bakit ka tumigil? Aatras ka na ba?" mababa ang tono niyang tanong. "Hindi ka na ba tutuloy? Hindi ka na aba tutuloy gaya ng ginawa mo kay Anet?!" biglang sigaw niya sa akin. Kung tama ang iniisip ko, tumaas ang porsyento ng pagiging suspek ko at kapag hindi na kami tumuloy ay mananatiling misteryo ang pagkamatay ni Anet.

"Natatakot ako." sabi ko habang nakayuko. Gustong bumagsak ng luha sa mga mata ko kapag naiisip ang naging sitwasyon ko mula noong gabi ng lagim. "Bakit pa kasi siya namatay?" mahina kong sabi.

"Playing a trick?"

"Hindi."

"Trick mo ba kay Anet na may bantay dito at pinauwi ka niya?" mabilis ang mga salitang ito mula sa labi ni Ed.

"Hinde!" pasigaw ko ng sabi.

"Trick mo lang 'yon para mapatay siya! Para malaman mo kung totoo ba talaga ang dating sabi-sabi ng patayan dito?! Ha Naida!"

"Hindi! Hindi! Hindee!" mangiyak-iyak na ako pero wala akong masisisi kundi ang sarili ko at ang mapaglarong bola ng tadhana.

"So, diretso tayo."

Sige. Para matapos na ang lahat. Kung buhay ko ang magiging kapalit ng pag-sulong ng kaso ni Anet, makakaya kong mamatay para dito. Noong bata ako, naisip ko kung ano ang nangyayari sa tao kapag namatay na siya. Kapitbahay kasi namin ang sementeryo kaya masyadong malikot ang isip ko sa kababalaghan. Sabi rin ni inay noon ay binabantayan daw ako ni lola at lolo. Nasaan ba sila? Paano nila ako nababantayan? Ano kaya ang itsura nila ngayon? May tanong nanaman ako pero walang matinong kasagutan sa mga ito.

Tinuloy namin ang paglalakad hanggang maramdaman ko ang tensyong bumalot sa balat at dumampi sa mga balahibo ko. Nakayuko lamang ako ngunit si Ed ay taas noong hinahanap ang daan sa kamatayan. "Nandito na tayo."

Nagtaas ako ng mukha. Wala siya. "Bakit walang bantay?" takang tanong ko.

"Wala ngang nagbabantay rito!" sigaw ni Ed.

"Meron!" sigaw kong sagot. "Kung hindi niya ako pinauwi baka... baka... baka patay na rin ako!" paputol-putol ko pang sabi.

"Wala! Walang sinasabi ang pulis at mga taong nakatira malapit dito tungkol sa gawa-gawa mong kwento!!!"

Napatigil kami sa pagtatalo nang may namataan kaming babaeng papalapit sa amin. Nakatakip ng surgical mask ang ibabang bahagi ng mukha niya. Nakablouse itong pula, hindi, maroon ang kulay nito at nakapaldang may mantya na parang dugo. Mabagal ang paglalakad niya pero wala kaming imik o kung ano mang galaw sa amin bago makalapit sa amin ang babae. Maganda ito, maputi, sexy, at mahaba ang makikinis na buhok.

Nakatitig sa akin ang babae, malungkot ang mga mata nito pero unti-unting nagiging mabagsik at puno ng poot. "Maganda ba ako?" tanong nito sa amin. Nakakapagtaka ang parang sugat sa malapit sa kanyang tainga.

Napakunot ng noo si Ed nag-isip ng kanyang isasagot nang may biglang sumigaw. "Naida!"

Pagtingin namin ay nakilala ko siya. "Siya 'yung bantay Ed." sabi ko at bahagyang siniko si Ed.

"Nasaan? May narinig akong tumawag sa pangalan mo, may tao ba dyan?" sabi ni Ed.

"Oo, eto na nga siya. Hindi mo ba nakikita?" paglingon ko kay Ed ay nakatingin ito sa babaeng nagtanong sa amin. Nagulat ako ng tanggalin nito ang telang nakatakip sa kanyang bibig at tumambad sa amin ang madugong pisngi ng babae na may napakalaking hiwa. Nakakatakot. Nanlilisik ang mga mata niya ngayon.

Tulala ako sa gulat, hindi ko alam kung ano ang tamang reaksyon sa nakita ko, maging si Ed ay hindi gumagalaw tanging mga mulat na mata ang patunay na nagulat siya sa pangyayari. May humila sa kamay ko, ang mga mata ko ay nakatingin pa rin sa babae ngunit ang mga paa ko ay kusang naglalakad patungo sa direksyon ng pwersang humihila sa akin.

"Maganda pa ba ako?" rinig kong tanong bago ako mapalayo.

"Oo! Oo!" tarantang sagot ni Ed.

Nakita ko na lang na may ginagawa ang babae sa mukha ni Ed gamit ang isang gunting. Sumigaw si Ed. "Naida!" sigaw sa akin ng lalakeng bantay dahilan upang bumalik ang ulirat ko. Bumitaw ako sa hawak ng bantay at pumulot ng bato at ibinato sa babae "Panget!" sigaw ko dahilan para malipat sa akin ang atensyon nito.

"Ano'ng...!" gulat na sabi na lang ng bantay. "Tumakbo ka na!" sabi niya uli.

"Sino ka? Bakit mo ako kilala?" tanong ko sa kanya.

"Bilisan mo!" sigaw niya ulit.

Nakita kong tumakbo si Ed hawak ang kanyang mukha habang ang bantay ay humarang sa harapan ko. Mukhang haharapin niya ang babaeng may hiwa sa mukha. Wala na akong nagawa kundi tumakbo. Walang lingon-lingon basta takbo. ang tanging narinig ko na lamang ay isang tahol ng aso.

>

Nakauwi akong nanginginig ang tuhod, naninindig bahalahibo at tumutulo ang pawis kong parang yelo sa lamig. Nakaligtas kami. Nakaligtas nga ba kami? Bukas malalaman ko, papasok ako at hindi ko na inaasahang papasok din si Ed. Ngayon lang ako nakakita ng killer malapitan sa mga mata ko. Naalala ko ang magazine na binasa ko, hinanap ko ito. "Ayun." sabi ko at binuklat itong muli.

"Kuchisake Onna walks on Japan wearing a surgical mask and hunting for children. If you crossed her path, she will stop you and ask you a question. If you give her wrong answer, prepare for horrible consiquences." basa ko dito. "The only way to escape from her is to give non-committal answer like - " hindi ko nabasa ang kasunod nito dahil may mantya ito ng dugo. Parang may fingerprints pa dito kaya parang sinadya itong mantyahan. "Kainis!" bulong ko. Sinubukan kong bakbakin ang dugo pero gumagasgas lang ang papel at may tyansang mapunit.

Linipat ko ang pahina, nagbabaka sakaling may makukuhang impormasyon sa ibang parte nito. May ipinagtataka lang ako, sa pagkakatanda ko ay kasunod ng unang pahina ay ang imahe ng babaeng may malaking hiwa sa mukha, buong pahina pa ito kaya hindi ko ito malimutan pero ngayon ay wala ito.

Bumalik sa ala-ala ko ang babaeng killer kanina, kamukha niya ang nakita kong picture dito!

Alas dos ng madaling araw, gising pa ako. Ayokong pumikit. Nakasindi ang ilaw, ayoko ng madilim. Nakatalukbong ng kumot, ayokong makakita pero pilit umiihip ang malamig na hangin ang nagpaparamdam sa akin. Tumutulo ang luha, inilalabas ang sama ng loob.

"Umuwi ka lang ngayon, pagbibigyan kitang tumabi sa akin ngayon, please?" dinig ko sa paligid, ayokong sumilip sa labas ng aking kumot. May boses sa paligid kahit ako lang mag-isa dito. Hindi ko maintindihan, natatakot ako.

"Ayoko! Hindi na kita mahal Mica!" boses pang muli ngayon isang lalake ito na parang galing sa isang telepono ang boses.

"Mas maganda ba siya sa akin? Maganda rin naman ako `di ba? `Di ba Daniel?" sagot ng babae. Parang may nag-uusap sa telepono sa paligid ko. Hindi ko maintindihan. Natatakot ako.

"Hahaha!" tumawa lang ang lalake sa kabilang linya at mukhang natapos na ang kanilang pinag-uusapan habang ang babae ay tuluyan ng lumuha.

Nakiramdam ako, ilang segundo ng katahimikan at kapayapaan. Mukhang ligtas na ako. Unti-unti kong sinilip ang paligid, dahan-dahang inaalis ang kumot na bumabalot sa aking mukha.

"Aaaaaaaaahhhhhh!!!" sigaw ko nang makita ko ang ngisi ng babae na halos mahalikan ko na sa lapit sa aking mukha. Napapikit ako.

"Maganda naman ako `di ba?" sabi ng babaeng boses na galing sa malalim na hukay, nakakatakot.

..itutuloy..


:pray: pray before you sleep...:salute:
umbala.gif



Part 4
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 3

TS next chapter please....!!!
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 3

game na sa next TS... ahehehe
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 3

@reiner, salamat sa pagbasa..:D abangan lang ang update..:thumbsup:

@r3dtnc, ready na? nakakatulog ka naman?:D
 
Back
Top Bottom