Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3B

1170848_656475157697536_36278598_n.jpg

Book 1 (Naida): "Maganda ba ako?" tanong ng babae.

"Paano ko malalaman? Nakatakip ang bibig mo?" supladang sagot ng dalagang tinanong.

Tinanggal ng babae ang face mask at tumambad sa dalaga ang mukha ng babae. Kinabukasan, natagpuang patay ang dalaga, pugot ang ulo at may hiwa sa bewang. Pinaniniwalaang ginupit ito gamit ang grass cutter o anumang malaking gunting.

Noong bata ako, kinwento sa akin ni nanay ang kwento ni Cinderella at Snow White bago ako matulog. Napakaganda ng storyang iyon kahit na ang nakatuluyan nila ay parehong si Prince Charming. Kahit bata pa ako noon, gusto ko ng makilala ang prince charming ng buhay ko. Pero paano kung ang kwentong ito ang binasa ni nanay sa akin, makakatulog pa kaya ako?

Book 2 (Pido): Noong bata ako, pakiramdam ko sinusundan ako ng buwan kahit saan ako magpunta. Bawat tingin ko kasi sa buwan lagi siyang nandoon sa pwesto niyang yun. Mula noong makita ko ang Kalye 19, pagdating ng 11pm ay nagigising na lamang ako noon sa kalyeng yun at may hawak na patalim na puno ng dugo. Minsan may dugo ang damit ko at minsan may hawak pa akong putol na kamay. Mapapatakbo na lamang ako pauwi at hindi na makakatulog. Sana lang nababantayan ako ng buwan sa mga ginagawa ko para kapag tinanong ko ang buwan, masasagot niya kung ano ang nakita niya.



Book 1
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8

Book 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3A
Chapter 3B


palimos naman po ng comments...
179.gif


http://acwrites.blogspot.com
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 3

update na TS

thanks
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 4

Hindi ko man lang maiurong ang ulo ko para makaiwas sa babaeng ito. Kung pwede lang akong higupin ng lupa sa sitwasyon ngayon sana'y nangyari na lang ito. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Kitang-kita ko ang pupil ng mata niya, paano ko ba ito idedescribe, hindi naman matamlay kundi wala ng buhay. Napapikit ako. Ayokong makita ang mga matang 'yon. Ayoko na!

"Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!" sigaw kong muli para mailabas ang takot sa aking dibdib pero kahit isigaw ko pati lalamunan ko'y hindi nito maibsan ang nanginginig kong katawan. Ayoko ng magmulat, panaginip lang ba ang lahat? Paano kung pagmulat ko ay si Prince Charming pala ang nasa harap ko? Paano kung pagbukas ng mata ko ay may nakaharap pang babae sa akin?

Nainip ako, sumilip ang nanginginig kong talukap sa liwanag na tumama sa mata ko. Umaga na, walang babaeng bumulaga sa akin.

Narinig ko ang tilaok ng mga manok, nasa labinlimang minuto na akong gising pero hindi nagmumulat. Nakatulog ako sa pagod kagabi malamang kakaiyak. Noong bata ako, sabi ni lola na ang iniisip mo ay siyang mapapanaginipan mo. Ngayon ko lang ito napagtantong tama. Napanaginipan ko nga ang iniisip ko, pero parang hindi panaginip ang mga nakita ko pero malinaw ang lahat na parang totoo. Panginip ba ang lahat?

Hingal.

Hinga.

Hinto.

Ok na ang lahat. Sa ngayon.

>

Namamaga ang mga mata kong pumasok sa eskwela.

"Wala pa si Ed." sabi ni Tina sa akin.

Nagpalinga-linga ako. Wala pa nga kahit patak ng dugo ni Ed. Bigla kong naalala ang mukha ng babaeng may hiwa sa pisngi. Nanginig ang katawan ko ang napamulagat ang mga mata ko. Tumulo ang luha ko sa sobrang takot, bumalik sa mabilis na pagtibok ang puso ko, bimilis muli ang paghinga ko at gusto kong sumigaw.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Tina.

Hindi ako makasagot. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Napasukob na lang ako.

"O mas tamang itanong kung anong ginawa mo kay Ed?" pumintig ang tainga ko sa nadinig. Wala akong magawa. Usapan ay usapan. Hindi uli ako umiimik hanggang sa may malakas na tumapik sa batok ko.

Inangat ko ang ulo ko at nasilayan si Gelo. "Ang lakas ng loob mong pumasok pa dito!" sigaw niya sa akin. Napaluha na lamang ako. Wala akong magawa.

Dinumog kami ng mga kaklase namin pero lahat sila sa akin nakatingin.

"Baliw ata ang babaeng yan."

"Hindi, may sapi siguro."

"Baka aswang sa gabi."

"Dapat ng sunugin sa park yan!"

May mga nagbubulungan at may nanduduro sa noo ko.

"Tama na! Hindi pa naman tayo sigurado. Hindi pa nakikita ang bangkay ni Ed baka hindi pa siya patay." sabat ni Tina na nakikita kong naaawa sa akin.

"Pinagtatanggol mo pa yang aswang na yan?" sarkastikong tanong ni Gelo. "Nakadalawa na siya sa mga kaibigan niya, ikaw na ang isusunod niyan!"

"Oo nga!" sabi pa ng mga manonood. "Ipakulong 'yan!"

"Tina," bulong ko at tumayo, "Huwag mo na akong ipagtanggol. Wala ka ring magagawa." Inunat ko ang kamay ko para alisin ang pananggalang ng katawan ko. "Kung gusto niyo akong patayin, gawin niyo na."

"Sira ka ba?!" sabi ni Tina.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Ma'am Jen.

Nakakatawa dahil kanina'y napakatapang magsalita ng mga 'to. Wala naman palang may kayang gawin ang sinasabi nila. Puro sila satsat. Nagsibalikan ang mga estudyande sa kanya-kanyang room at upuan at nagsimula na ang klase ni Ma'am Jen. Malamang may alam kung may alam siya sa pagkamatay ng kanyang mga estudyante pero hindi niya alam na ako ang pinaghihinalaan ng mga kaibigan ng mga ito.S

Tuluyan ngang hindi pumasok si Ed sa unang subject. Nawawalan na ako ng pag-asa pero wala akong balak tumakas. Ayokong madamay pa ang magulang ko sa isyung ito. Pero kaya ko ba itong solusyunan mag-isa?

Natigil ang pag-iisip ko nang may nambato sa akin ng papel. Napatingin ako sa likod pero wala akong maaninag na suspek. Naalala ko noong bata ako ay normal lang naming laro ito. Kahit saan ay pupunit kami para lang may maipangbato. Nandyang pupunit sa notebook, sa papel ng katabi at pati libro hindi namin pinatakas. Ngayon iba ang sitwasyon, binabato nila ako dahil isa raw akong masamang tao na gusto nilang palayasin sa mundong ito.

Isa pa.

At isa pa.

Isa pa uli.

Hindi sila nahuhuli ni Ma'am Jen dahil mababait silang lahat. Ako lang ang masama rito. Ako lang ang makasalanan. Ako lang ang naiiba. Tinatakwil nila ako. Hindi ko na lang iniinda ang pagkairita sa mga ito pero lahat ng nagtitiis ay napupuno rin.

Lumingon ako at hinuhuli sa akto ang nambabato. Nahuli ko si Gelo nga ang nambabato sa akin. Tatayo na dapat ako ng makitang may nakaharang pala sa pagitan namin. Si Anet! Hinaharang niya ang bawat pagbato ni Gelo pero tumatagos lamang ang mga ito.

Mabagal kong ibinalik sa harap ang aking paningin. Parang robot ako sa bagal ng aking paggalaw, may konting pagnginig ng katawan ko sa gulat. Bakit bigla kong nakikita ang mga multo? Bakit?

"Ang mga nakita ng babae ay dapat sumagot sa tanong niya kung hindi ay hahanapin ka niya at tatanunging muli." bulong ng hangin sa aking tainga. Ayokong lumingon dahil tanda ko ang boses na ito ay kay Anet.

"Naida!" sigaw ni Ma'am Jen na nagpabalik sa mundo ko. "Ano ang pangalan ng aso ni Jose Rizal?" tanong nito sa akin pero hindi ko alam ang sagot. Naalala ko nga na Rizal's Life and Writings ang aming subject ngayon.

"Usman." sabi ng boses.

Tumayo ako at nagtiwala sa boses. "Usman po ma'am."

"Next time, you pay attention ha? `Wag tutula-tulala." sermon sa akin ni ma'am kahit hindi niya alam ang sitwasyon ko pero alam ko wala akong magagawa. Walang maniniwala sa akin. Magdadala na lamang ako ng extrang pera pambayad ng attention na sinasabi ni ma'am.

"Yes ma'am. Sorry." naupo ako at napaisip muli. Ibig sabihin ay kakampi ko ang multo ni Anet at wala siyang gagawin masama sa akin. May gusto lang siguro siyang sabihin o may nais iparating.

Tama ang naisip niyo! Gusto niyang sabihin sa akin kung sino ang pumatay sa kanya at dahil nakatakas ako sa babae ay binalaan niya ako. Kailangan kong makausap muli si Anet. Malamang ay siya rin ang nagdala sa akin ng mahiwagang magazine na bigla na lamang sumusulpot.

May kumalabit sa likod ko. Naalala ko rin noong bata ako kung gaano kami kalakas magtrip sa pangangalabit sa taong nasa harapan namin. Lalo na pag liningon ito at may daliring tatama sa pisngi niya, o kaya ay papasok sa butas ng ilong, o maisusubo sa bibig, ang malala kapag mata ang natusok mo. Patay ka kay principal no'n.

Dahan-dahan akong lumingon para hindi ako mapagtripan kung sakaling trip ito pero may lumabas na papel sa balikat ko. Galing ito kay Tina, "Puntahan natin si Ed mamaya." nakasulat sa papel.

"Ang mga nakita ng babae ay dapat sumagot sa tanong niya kung hindi ay hahanapin ka niya at tatanunging muli." naalala ko ang sinabi ni Anet. Kung mahuhuli kami ay baka hindi namin maabutan si Ed. O kaya ay mauna ako sa kanya. Pero hindi ganito ang Kuchisake Onna, hindi siya naghahabol ng taong nakatakas na sa kanya. Malamang hindi siya kagaya ng alamat sa Japan, isa siyang babaeng kaluluwa na mapaghiganti.

Ibinalik ko ang papel na may kasamang sagot ko. "Ngayon na. Bago mahuli ang lahat."

Eksakto namang natapos ang klase namin kay Ma'am Jen.

>

"Pagpasensyahan mo na ang mga kaklase natin. Nadadala lang sila." sabi ni Tina habang papunta kami kina Ed.

"Ikaw rin naman `di ba?" malungkot kong sabi.

Yumuko lamang siya at hindi sumagot.

Ilang minuto ng paglalakad ay nakaabot ako kina Ed ng ligtas. Malamang dahil umaga pa kaya nasisiguro kong pati si Ed ay buhay pa.

"Tao po!" sigaw ni Tina.

Si Tina lang ang nagtatawag dahil wala akong ganang magsalita. Ilang minuto rin kaming naghihintay nang lumabas ang isang kapitbahay. "Walang tao dyan!" pasigaw na sabi nito.

"Saan po nagpunta?" tanong ni Tina.

"Nasa ospital kasi ang anak ni Rina, ipinagbilin lang sa'kin ang bahay." sagot nito.

"Ano po?!" gulat na reksyon ni Tina.

"Saang ospital po?" tanong ko bigla. Nag-aalala ako para kay Ed.

>

Madali naming tinahak ang daan papunta sa ospital. "Manong pakibilis po." sabi ko sa tricycle driver.

"Bakit ba nagmamadali ka?" tanong ni Tina.

"Baka mahuli tayo. Kalaban natin ang oras." sagot ko kahit hindi maintindihan ni Tina ang nangyayari ay sumusuporta lang ito.

Biglang harurot ng tricycle.

>

"Room 201 po." tanong ko sa information booth ng ospital.

"Second floor po, tapos head left." patakbo kong tinahak ang hagdan. Hindi ko na nahintay si Tina, nauna na ako sa pagtakbo at siya na ang nagbayad sa driver ng tricycle at nagpa-thank you sa nurse na napagtanungan ko.

Muntik muntik pa akong matisod sa pagmamadali pero wala akong pakialam sa mga nakakita, ang importante ay makita ko agad si Ed. Pagkakita ko ng room ay nandoon na si Tina na ipinagtaka ko. Hinihintay niya ako sa labas ng pinto. Siguro nag-elevator siya.

Kinatok niya ito at pumasok na kami, "Aling Rina, `musta po si Ed?" tanong ni Tina.

"Ok na siya. Natutulog lang." sagot ni Aling Rina.

"Bakit nakatakip po ang mukha niya?" tanong ko dahil hindi ko talaga alam kung ano ang ginawa ng babae sa kanya. Buhay pa si Ed, nakaligtas kami. Magagawa naming mawarningan ang mga tao.

Tumulo ang luha ni Aling Rina, agad siyang hinaplos ni Tina. "Walang awa ang gumawa sa kanya niyan!"

"Tahan na po." ani Tina.

"Hiniwa ang pisngi niya hanggang tainga." muling hagulgol niya dahil muling naalala ang kalagayan ng anak. "Magbabago na ang buhay niya niyan. Nakaligtas nga siya sa kamatayan pero habambuhay niyang dadalin ang peklat na gawa ng kahapon."

Napamulagat akong muli sa narinig. Hiniwa ang pisngi niya.

"Ma, si Naida ba 'yan?" Napabalikwas kami nang magsalita si Ed.

"Huwag ka munang magsalita at baka bumuka ang sugat mo." tama hindi nga makakapagsalita si Ed, paano ko siya tatanungin?

"Sapat na ang makita ka naming buhay Ed." sabi ni Tina at agad na binalita ang mabuting balita.

Sumenyas si Ed ng panulat.

Inabot namin ang sticky note at ang bolpen na malapit dito.

Nag-umpisang magsulat si Ed. "Matatakasan natin siya. May alam akong paraan." basa ko sa isinulat niya.

Hindi kami nagsalita at hinayaan siyang magsulat.

"Binalaan ako ni Anet..." basa ko.

"Oo! Ako rin!" sabat ko sa pagsusulat niya.

"Wala ba siyang sinabi sa'yo kung papano tatakasan ang babae?"

"Wala eh."

Nanatiling nanonood si Aling Rina at Tina dahil binigyan kami ng privacy sa pag-uusap.

"Tinanong ako ng babae kung maganda siya, sumagot ako ng 'Oo' pero sinaktan niya ako. Tinawag mo siyang panget pero sinugod ka rin niya." sunod na sulat ni Ed.

Tango lang ang naisagot ko.

"Ibig sabihin kapag neutral lang ang sagot natin, malamang hindi na niya tayo guluhin."

Napahanga ako kay Ed dahil sa sitwasyong ito ay nagawa pa niyang makapag-isip ng ganoon. Napakatalino rin niya, siguro kapag sinukat ang IQ niya ay nasa 120 ito mahigit.

"Pero hindi sigurado 'yon." sulat niyang muli.

"Ikaw Naida, delikado ka dahil hindi ka pa nakakasagot sa tanong niya." nangilabot akong bigla sa kanyang nais sabihin.

"Sorry." sabi ni Ed. Nagsalita siya para lamang sabihin iyon.

"Huwag ka ng magsalita." sabi ni Naida.

"Siya pala si Naida." sabi ni Aling Rina kay Tina.

..itutuloy..


Part 5
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 4

maraming thanks TS sa update... sana update ka na ulit... ehehehe... bitin eh...
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 4

Salamat TS... ituloy tuloy mo pa ha... ahehehe... Goodjob... ahehehe
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 4

mukhang hindi ko to matatapos ng halloween...:upset:
busy time...ahe
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 4

update update na,kabitin nyahaha..
ang astig ng kwento idol!!
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 4

salamat sa comment superwaxxy..:rofl:

penge ako ng mga gawain niyo noong bata kayo..haha
naubusan na yata ako...:lmao:
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 5

"Siya pala si Naida." sabi ni Aling Rina kay Tina.

"Opo." maikling sagot ni Tina.

"Pagaling ka Ed. Mabibigyan natin ng katarungan ang pagkamatay ni Anet." sabi ko para palakasin ang loob ni Ed.

Nagsulat siya sa papel at ipinakita sa akin, "Mag-iingat ka. Kung may paraan lang para mailayo natin sa kanya ang gunting niya. Mag-iisip ako para makatulong. Sorry kung napagbintangan kita."

Medyo natuwa ako dahil may mga kakampi na ako sa sitwasyon ko ngayon pero sana magtagal pa akong buhay sa mga susunod na araw. Nawala ang saya ko nang maisip ito at ang kalagayan ni Ed. Hindi ko napigil tumulo ang mumunting luha sa mga mata ko.

Nagulat ako nang punasan ni Ed ang mga luha ko. "Magpakatatag ka." pagpapakita niya sa sinulat niya. Kung makakangiti lamang siya ay alam kong ngingitian niya ako kaya pinilit kong ngumiti para sa kanya. Tumango ako at napasimangot dahil nagagawa niya pang palakasin ang loob ko sa kalagayan niya ngayon at hindi maikakailang ako ang dahilan nito. Dapat siya ang pinapalakas ko ang loob para agad siyang gumaling pero bakit napakaemosyonal ko?

"Pero..." sabi ko at napahikbi. "...ako ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan." at tuluyang bumagsak ang ulan ng kalungkutang nais ilabas sa mga mata ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko. Napakasweet ni Ed. "Wag mo ng isipin `yon. Kasalanan ko rin."

"Pero..." sabi ko muli. "...nag-aalala ako sa'yo." mahinang pagpapatuloy ko.

Hinaplos lang niya ang ulo ko. Parang sinasabi niya na huwag akong mag-alala. Ngumiti ako, "Hihintayin kitang pumasok sa school." sabi ko at itinaas niya ng kanyang hinlalaki senyas ng pagsang-ayon.

"Babalik ako uli bukas." sabi ko at iniwan ko siya ng may matamis na ngiti.

"Pagaling ka Ed. Ako na ang bahala sa mga classmate natin." sabi naman ni Tina at kumaway palabas ng pinto.

"Oh Ed, hatid ko lang muna sila sa labas." sabi ni Aling Rina.

"`Wag na po tita." sabi ko pero lumabas pa rin siya at tumingin sa akin.

"Ikaw si Naida `di ba? `Yong kasama ng anak ko noong gabing umuwi siyang sugatan?" sabi niya sa akin ng medyo mataas na tono.

"Bakit po?" takang tanong ko.

"Pwede ba? Huwag ka ng lalapit pa sa anak ko?" mahinahon na pakiusap ni Aling Rina. Bigla akong naguluhan.

"Pero-"

"Baka mapahamak lang siya ulit kapag nakasama ka pa niya. Please Naida, alam ko kaibigan mo si Ed pero para rin ito sa ikabubuti ng lagay niya." nagsimulang lumuha ang ina ni Ed.

Tumingin si Aling Rina kay Tina na noo'y nakatitig lang sa amin, wala rin siyang magagawa dito. "Pwede kang makibalita kay Tina pero please Naida, `wag ka munang lalapit kay Ed?"

"Naida!" sigaw ni Tina. Tumakbo lang ako palayo. Ayokong makitang lumuluha ang ina ni Ed, pero ayoko ring pinipigilan ako lalo na sa pagpapakita ko ng kahalagahan ng tao para sa akin. Nalilito nanaman ako. Naiiyak.

Umuwi ako mag-isa, nakayuko at matamlay. Stressed ako, pisikal, pananampalataya at pag-iisip. Gusto ko ng magpahinga, matulog o kaya mahimlay.

"Sandali!" sigaw ng isang babae. Parang naiiyak ito na parang nanggagalaiti sa galit.

"Kulang pa ba ang ngiti ko Daniel?" bulong ng babae at sinimulang gupitin ang kanyang pisngi para ngumiti ng pilit.

"Maganda pa ba ako Daniel?" pagkasabi nito ay sinaksak niya ang babaeng kasama ng animo'y asawa ng babae. Nang makitaan niya ng kilos na patakas ang lalake ay sinaksak niya ang binti nito. Sumigaw sa sakit ang lalake.

"Oo maganda ka pa rin Mica!" ito ang huling sinabi ng lalake bako siya brutal na pinagsasaksak sa iba't-ibang parte ng katawan. Binuhos ng babae ang kanyang galit dito at nang masigurong wala ng buhay ang lalake ay sinaksak niya ang sarili matapos itanong ang mga salitang "Maganda ba ako?"

Napabalikwas ako ng gising dahil sa masamang panaginip na aking naalala. "Mica..." tama, Mica ang pangalan ng babaeng may hiwa sa pisngi. Naaawa ako sa kanya. Ramdam ko ang sakit na naramdaman niya sa mga panahong iyon. Kasalanan ng mga walang kwentang lalake ang hindi matahimik na kaluluwa ni Mica! Pero paano ko siya matutulungan? Ano ang dapat kong gawin?

Gabi na pala. Wala pa akong pagkain. Lalabas na ako nang parang kinutuban ako ng hindi maganda. Kailangan kong lumabas para bumili ng makakain! Huminga ako ng malalim at lumakad. Pilit kong tinatago ang takot na nararamdaman ko. So far so good so cool. Ay! So far so good lang pala.

Nakabili naman ako at pabalik na ng makita ko ang isang lalake na nakatingin sa bahay ko. Nilapitan ko siya. Siya 'yung bantay doon sa Kalye 19. Buhay siya kahit na hinarap niya 'yung si Mica? Napakamisteryoso ng lalakeng ito.

"Kuya!" tawag ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin. "Mag-iingat ka lagi." sabi niya nang malapit na ako.

"Anong pangalan mo?" tanong ko na parang narelax ang pakiramdam ko. Parang safe ako kapag kasama ko siya at saka parang matagal ko na siyang kakilala.

"Bakit kailangan mo pa bang malaman?" wika niya.

"Arhhf!" biglang tahol ng isang aso.

"Ok lang 'yan Rex. Kaibigan si Naida." kausap naman niya sa aso at hinimas ang ulo nito.

"Mukhang close kayo ng aso mo ah." sabi ko para makuha siya sa phase ng gusto niyang usapan.

"Oo. Kaming dalawa na nga lang ang magkasama, bakit hindi pa kami maging close?"

"Rex ang pangalan niya?" tanong ko kahit obvious na kanina.

"Oo. Naisip ko lang yun habang nanonood ng tv." pag-eexplain pa niya.

"Eh ikaw anong pangalan mo?" bigla kong tanong.

"George." bigla rin niyang sagot.

Parehas kaming nagulat. Maaring mailuwa ko ang bituka ko sa pagkagulat. Siya dahil nabigla ko siya sa pagsabi ng kanyang pangalan. Pero ako? Gulat dahil alam kong patay na si George. Ibig sabihin pati ang asong ito ay patay na rin?

"Ilang taon kong tinago ang identity ko pero minsan mo lang ako binigla." wika ni George matapos makarekober.

"Kaya pala kilala mo ako. Kaya pala ako lang ang nakakakita sa'yo. Kaya mo ako inililigtas dahil kilala mo ako?" malungkot na sabi ko. Gusto kong umiyak. Malungkot ako para sa kanya.

"Kahit hindi ikaw 'yun ililigtas ko siya. Ang mga may chance na makatakas ay tinutulungan ko pero kayong dalawa pa lang ang nakaligtas. Ikaw Naida, babalikan ka niya. Hindi ko alam kung kailan o saan, presence of mind Naida." paalala ni George sa akin.

Pag-angat ko ng ulo ay wala na ang imahe ni George pati si Rex wala na rin. Pabalik na ako sa bahay ng harangin ako ng isang babae. Alam kong si Mica ito, nakatingin lang ito sa akin na para bang kinikilala ako. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko, kung maaari lamang itong tumalsik ay baka nangyari na.

"Maganda ba ako?" tanong ni Mica sa akin. Walang ibang tao sa paligid, sapat na para gumawa ng isang pagpatay ng walang nakakapansin.

Huminga ako ng malalim. "Medyo." sagot ko at tumakbo ng mabilis. Mukhang tama ang sinabi ni Ed. Nagtataka ang babae at parang wala sa kanyang bokabolaryo ang sinagot ko. Nagkaroon ako ng tamang oras para makatakas.

Hingal kong sinara ang pinto ng bahay at dahil sa pagod at nerbyos ay napaupo na lamang ako rito. Nagulat ako nang makita ang lumulutang na pares ng paa. Imposible ito para sa tao kaya dahan-dahan kong inangat ang mukha ko upang kilalanin ang nasa harap ko.

Noong bata ako, gustong-gusto kong lumipad hanggang ngayon. Lagi kong inuunat ang mga kamay ko patagilid na para bang sila ang magiging pakpak ko, iwawasiwas ko ito pero hindi ako makalipad. Kung kaluluwa na lang ako, makakalipad ako pero masaya pa kaya ito? Mararamdaman ko pa kaya ang sarap ng hangin sa balat ko?

"A-anet?" sa gulat ay ito na lang ang nasabi ko. Kung matanda na ako ay ikinamatay ko na ang pagkagulat.

"Hindi ka pa ligtas." pabulong na sabi nito at napakurap lang ako ay nawala na siya na parang bulang biglang pumutok. "Babalikan ka pa niya." sinabi ng boses na hindi ko alam saan nanggaling.

Anong ibig sabihin nito? Hindi pa ako ligtas pero kumpyansa ako na kaya ko na siyang takasan. Hindi ko na kailangan mangamba.

..itutuloy..


:pray: pray before you sleep...:thumbsup:

Part 6
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 5

Wow!!Thanks sa update TS!!!
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 5

:ashamed: grabe dapat kagabi pa ito..nakatulugan ko..:lol:

writer's block parang tinamaan ako..:weep:
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 5

:ashamed: grabe dapat kagabi pa ito..nakatulugan ko..:lol:
writer's block parang tinamaan ako..:weep:
ok lang yan TS... ang mahalaga eh importante... hehehe
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 5

ayos TS update na ulit ahahahahaha... excited :dance:

share lang... ito ata si MICA

36089_SCARY_SLIT_MOUTH.jpg


pag tinanong ka ni mica... "maganda ba ako?"

ano isasagot mo?

sagot ko... "i-kwento mo sa pagong!"

nyahahahaha bago yun baka matawa pa yun ahahahhaa...
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 5

TS asan ka na...

update ka na ehehehehe...
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 5

ok lang yan TS... ang mahalaga eh importante... hehehe
haha..salamat sa pagsubaybay kasymb! :salute:
ayos TS update na ulit ahahahahaha... excited :dance:

share lang... ito ata si MICA

36089_SCARY_SLIT_MOUTH.jpg


pag tinanong ka ni mica... "maganda ba ako?"

ano isasagot mo?

sagot ko... "i-kwento mo sa pagong!"

nyahahahaha bago yun baka matawa pa yun ahahahhaa...

palitan ko kaya nito ang photo na gamit ko? :think:
 
Re: Noong Bata Ako (GhostStory) Part 6

"Maganda ba ako?" ang tanong na gumugulo sa isip at panaginip ko. Mas malala pa ito kaysa mapanaginipan ang algebraic expressions, problema sa pera at lovelife ko. Wala nanaman ako sa sariling nagbyahe sa umagang iyon. Pinoproblema ko rin ngayon kung paano ko ikukwento sa iba ang pangyayari sa amin ni Ed. Maniniwala ba sila sa akin na pinagbibintangang salarin ng pagpaslang at ng pagkawala ni Ed. Alam ko rin na naibalita na ni Tina ang nangyari kay Ed sa mga kaibigan at barkada nito. Hindi na rin siguro ako bibisita kay Ed gawa ng sinabi sa akin ni Aling Rina.

"Ang galing mo ah." sabi ni Gelo.

"Ha?" takang tanong ko nang guluhin niya ako pagkaupo ko sa classroom.

"Nagmamaang-maangan ka pa!" galit na sabi ni Reden.

Hindi ako makasakay sa trip nila. May pamasahe naman ako pero parang hindi talaga ako kasya sa sasakyan nila kay hindi ako makasakay. Parang ako 'yong kinakaladkad na palanggana o kaserola ng jeep kapag bagong taon.

"Alam namin na hinayaan mong makatakas si Ed para ilayo sa'yo ang kaso ng patayan sa Kalye 19!" sabat ni Gelo.

"Oo nga. Tapos hiniwa mo ang pisngi ni Ed para hindi siya makapagsalita at sa kalaunan papatayin mo rin siya!" dugtong ni Reden.

Mga magbarkada talaga, hindi ko maikakaila na malakas din ang imahinasyon ng dalawang `to. "Kung ikukwento ko ba ang nangyari sa'min, makikinig ba kayo?" sabi ko ng mahinahon.

"Sira ka pala eh! Bakit namin pakikinggan ang suspek?" sabi ni Gelo.

Hinanap ko si Tina pero wala pa siya. Siya sana ang gagawin kong testigo sa pag-uusap namin ni Ed kahapon.

"Hinahanap mo si Tina? Wala pa siya. Kasi binantaan mo na siya na ang isusunod mo kapag hindi ka niya pinagtanggol! Takot na siya tuloy pumasok ngayon." at ngayon sabit na rin si Tina.

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating si Tina. Natatawa na lang ako dahil napahiya ang mga loko. Mayabang kasi na nagmamarunong. Sabi nga ni Gloc 9 sa kanta niyang The Bobo Song, "Mas malala pa sa bobo ang bobong nagmarunong." Akala nila alam nila ang lahat pero wala silang alam. Ang sama pala ng ugali ko, kasi hinuhusgahan ko sila. Sorry.

"Gelo, Reden, `wag niyo namang husgahan si Naida. Hintayin nating gumaling si Ed para siya ang magkwento ng mga nangyari." ani Tina. "Ang importante ay buhay siya `di ba?

"Pinagtatanggol mo na siya ngayon? Hindi ka ba niya tinatakot?" pambubuska ni Gelo.

Naiintindihan ko naman na pinagtatanggol lang nila Gelo ang barkada nilang si Ed. Parang si Ed lang ito noong namatay si Anet pero parang sobra naman ang dalawang `to kung gumawa ng kwento. Si Ed ay may kamag-anak na pulis na kasama sa imbestigasyon ng Kalye 19 kaya marami siyang nalalaman tungkol sa kaso. Pero itong dalawa, ewan ko na lang.

"Hinde! Ano ba kayo? Ganyan na ba kayo kasama mag-isip?" pagalit na sabi ni Tina. "Heto pala, para sa inyo. Sulat ni Ed `yan dahil hindi siya makapagsalita. Kung gusto niyo siyang bisitahin, nakasulat din dyan ang ospital sabi ni Ed." habol ni Tina.

"Hindi si Naida ang sumulat nito?" tanong ni Reden.

"Hinde!!!" sigaw ni Tina na parang puputok na ang bumbunan at gumawa ng bulkan sa anit niya sa init ng ulo nito sa dalawa. Pinaghahampas niya si Reden ng bag niya.

"Aray! Ano ba? Aray!"

"Ayaw mo kayang tumigil. Ay! Naida, eto pala para sa'yo." sabay abot ng sulat. "Muntik pa akong malate para lang dalin yan tapos ganyan lang sasabihin ninyo!" hinampas uli si Reden.

"Aray! Nananahimik na nga ako eh."

Tahimik lang nagbabasa si Gelo sa sulat na dala ni Tina.

"Huwag na nating sisihin si Naida." mahinang sabi ni Gelo at naupo na sa kanyang upuan. Parang sunud-sunuran lang si Reden dito at umupo na rin.

Nakakapagtaka ang inasal ni Gelo, ikinwento kaya sa kanya ni Ed ang mga pangyayari gamit ang sulat na ito? Hindi naman gano'n kahaba ang sulat para maikwento ng buo. Baka sapat na ang mga salita ni Ed para tumigil si Gelo. Muli kong nasulyapan ang sulat ni Ed para sa'kin matapos iabot ni Tina. Ngayon lang may lalakeng sumulat para sa'kin pero teka hindi naman ito love letter para lagyan ko ng malisya. Hindi rin ito red card na nilalagay ng F4 sa locker para mangamba ako. Cute si Ed, hindi nga lang pansinin dahil may pagkasuplado ang lalakeng `yun.

"Sa mga sulat na pinadala sa akin, `yang sa'yo lang ang hindi ko binasa." sabi ni Tina. Alam ni Tina na hindi na ako pwedeng bumisita kay Ed at sa kanya ko na lamang maidadaan ang mga nais kong sabihin at gustong sabihin ni Ed sa akin. Kung meron man.

Binuksan ko ang sulat, "Naida, una sa lahat, sorry dahil napagbintangan kita. Alam ko nasabi ko na ito sa'yo kahapon, siguro nadala lang ako ng pagkamatay ni Anet, ayan tuloy ang nangyari sa'kin. hehe. Mabuti na lang at ligtas ka noong gabing `yon. Kinabahan ako na baka ikaw ang napatay ng babae, hindi kasi ako nag-iisip noong inaya kita pero nandoon ka pa rin, sumama sa akin. Salamat din pala, kung hindi dahil sa'yo malamang isa na rin ako sa mga namatay noon. Sorry din kasi dahil sa'kin, ikaw ngayon ang ginulo ng babaeng 'yon. Pag nakalabas na ako rito, ipagtatanggol kita sa kanya. Sana epektib yung sinabi ko sa'yo na paraan para makatakas sa kanya pero alam ko darating ang araw na magsasawa at mapapagod ang tao sa pagtakas sa kanya kaya kailangan kong mag-isip ng paraan para matalo natin siya. Naida, salamat sa pagligtas ng buhay ko. Maaaring hindi na ako makapagsalita habambuhay pero salamat dahil binigyan mo pa ako ng oras para lasapin ang ganda ng mundo kahit maraming corrup na Pilipino sa gobyerno natin at walang kwenta ang mga batas dahil patuloy itong sinusuway. hehe. Naida, mag-iingat ka lagi, hintayin mo ang pagbalik ko, huwag kang panghihinaan ng loob kahit na may gumugulo sa isip mo ngayon. Nandito ako, ikaw ang dahilan ng pangalawang buhay ko. Nandito ako, hihintayin ang pagbisita mo. - Ed."

"Sira ka talaga." maluha-luha ako sa paghingi niya ng tawad at pagpapasalamat habang iniisip ko na hindi na ako makakabisita para na rin sa kanyang kaligtasan at kagustuhan ng kanyang magulang.

>

Noong bata ako, nagtataka ako sa mga tuldok na parang lumilipad sa ere at pilit inaabot ang mga ito pero umiilag sila. Mga bangaw daw ang mga ito na natutulog sabi ni tatay. Nakakapagtaka sila kasi natutulog sila habang lumilipad, ayaw ko tuloy maniwala. Tinatalon ko sila para maabot ko sila at para guluhin, para masira ang tulog nila. Mahilig kasi akong mang-asar eh.

Oras na ng pag-uwi pero bigla akong nangamba, naalala ko ang sinabi ni Anet sa akin. Hindi pa raw ako ligtas? Bakit gano'n? Nakasagot na rin naman ako sa tanong ng babae at bakit pa niya ako babalikan?

Hindi ko namalayan na napunta na ako sa aking daan pauwi kung saan mag-isa lang ako sa daan. Nagsimula na akong kabahan.

Isang hakbang ng kaliwa kong paa.

Isang hakbang naman ng kanan.

Naaninag ko ang imahe ng babae sa aking daan. Pilit kong inaaninag ang mukha nito kung ito ba si Mica nang bigla itong lumingon papunta sa akin.

Nagulat ako pero nanatiling nakatayo nang makita na si Anet ito. Hindi na ako natakot magpatuloy pero unti-unting naging malinaw ang aking daan. Sinasalubong ako ng mga kaluluwa ng mga napatay ni Mica pati ang Daniel sa panginip ko, dalawang matandang lalake, isang dalaga at iba pang nabiktima nito sa Kalye 19. Ayoko na sanang lumapit pero nakita kong naglalakad palapit ang isang lalake na may kasamang aso, si George!

"Naida..." malambing na sabi ni George.

Hindi ako makapagsalita. Parang pinagdikit ng tuyo kong laway ang mga labi ko.

"Sana mabigyan na kami ng katahimikan." makahulugang sabi nito.

"Hi-hindi ko alam kung paano?" sabi ko. Wala akong ideya kung paano sila patatahimikin. Nagulat ako ng biglang nagbago ang mga mukha nila! Dahan-dahan silang ngumiti at nahiwa mag-isa ang kanilang pisngi hanggang sa tainga! Pati si George at ang aso niya ay gano'n din. Nakakatakot!

"Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!" sigaw ko.

"Naida! Naida!" gising sa akin ni Tina.

Nakatulog pala ako sa eskwela. Mabuti na lang at huling subject na at nagsi-uwian na lahat, kami na lang ni Tina ang natira sa room.

"Nanaginip ka yata? Kanina pa kita ginigising!" ani Tina.

"Ngumiti sila. Nakakatakot!" hingal akong sumagot habang hinahaplos niya ang ano ko... likod ko.

Inabutan niya ako ng boteng may lamang tubig. Akala ko ay ipapainom sa akin akmang aabutin ito ng kamay ko ay bigla niyang ibinuhos sa akin. Napasinghap ako sa lamig at gulat.

"Ok ka na?" tanong niya sa akin. Kung hindi siguro ako magkakasipon ay ok lang ako.

"Adik ka talaga. Pasensya ka na. Salamat sa paghihintay sa akin." sagot ko na lang.

"Pupunta ako ng ospital, may ipapasabi ka ba?"

"Pakisabi na lang na nabasa ko ang sulat niya at huwag niya ng akuin ang mga nangyari. Saka pinapatawad ko na siya."

"Bakit namumula ka dyan?" kinikilig na tanong ni Tina.

"Tse! Namumula ka dyan!" hindi naman talaga ako namumula eh o in denial lang ako?

"Ano ba ang sinabi niya sa sulat?" sabi niya at kinurot ako sa tagiliran.

"Wala naman. Nanghingi lang ng tawad, nagpasalamat at saka..." sasabihin ko ba na hinihintay niya akong bumisita? Baka kung ano nanaman ang isipin ni Tina kung sasabihin ko ito.

"Saka?"

"Saka nagpasalamat." parang mali. Nasabi ko na yata ito. Ano ba'ng nangyayari? Natutuliro ako.

"Ah." sabi lang niya at nakakalokong ngumiti.

"Hoy! Ano ang iniisip mo?!" pasigaw kong tanong sa kanya at sinundan palabas ng room. Bago ako tuluyang makalabas ay nakita ko sa gilid ng mata ko si Anet, malungkot na nakatingin sa akin.

>

Pauwi na ako, kinurot ko ang sarili ko para masigurong hindi na ako nananaginip. Gising ako at ito ang tunay na mundo. Ito ang Pinas, mga batang lansangan, mga basura kahit saan at trapik sa kalsada. Nagmuni-muni nanaman ako, naalala ko ang sinabi ni Anet. "Hindi ka pa ligtas. Babalikan ka pa niya." Kung si Mica ito ay kaya ko siyang takasan at contradict din ito sa sinabi niya noon na "Ang mga nakita ng babae ay dapat sumagot sa tanong niya kung hindi ay hahanapin ka niya at tatanunging muli." Sa pagkakaalam ko ay nakasagot na ako sa tanong niya kaya hindi na niya ako dapat sundan pa. May iba pa ba siyang tinutukoy?

Hindi kaya para kay Ed ang babala niya? Hindi rin, kasi nakasagot na si Ed. Nag-aalala ako para sa kanya. Naalala ko rin ang mga reaksyon ni Tina habang pinag-uusapan namin si Ed. Shet! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maisip ko si Ed. Ano'ng ibig sabihin nito?

Laking pasalamat ko nang makauwi ako ng ligtas. Hindi gaya ng sa panaginip ko, hindi ko nakita ang mga kaluluwa ng napaslang ni Mica. Ihinapag ko ang binili kong pagkain at naisip kung ok lang ba si Ed? Tumunong ang cellphone ko.

"musta na naida? si ed to." pagbukas ko ng text.

"saan mo nakuha ang number ko?" agad kong tanong dahil baka nagtitrip lang ito.

"kay tina..ok ka lang ba?" sagot at tanong ni Ed. Si Ed nga ito at hindi ko maitatago ang ngiting dala nito sa akin.

"ok lang ako..ikaw alam ko hindi ka pa ok..:( " reply ko at isinave ang numero niya.

"ok lang ako..magiging ok din ang lahat..tiwala lang.."

"talaga? mukhang tahimik na nga dito eh. hindi na ako binalikan ng babae..ang galing mo.."

"sus..wala yon.. para sayo" reply niya. Ano ba ito? Kauumpisa pa lang naming mag-usap ay kiliting-kiliti na ako sa conversation namin.

Tuluy-tuloy lang ang texting namin pagkatapos kong kumain. Humiga ako sa kama ng masayang masaya. Hindi ko alam kung paanong posisyon ako magrereply sa kanya. Nandyang nakadapa, nakahiga, paupo at patagilid ginawa ko na. Napawi na ni Ed ang takot ko ngayon kahit mag-isa lang ako rito.

"sana nandito ka.." text ko sa kanya.

"hindi pa ako makakalabas eh.." reply niya.

":( "

"pahinga na tayo..12 na.."

"ok sige..pagaling ka.."

"loveu" reply niya. Nagulat ako sa reply niya at may ibang pakiramdam sa puso ko. Nag-init rin ang katawan ko, hindi ko maintindihan. Umakyat ang temperatura mula paa pataas sa ulo ko, para akong takure na sumisigaw ang steam.

"ui.." "tinulugan mo na yata ako" hindi ko napansin na ilang minuto na pala akong hindi nakapagreply. Ngayon ko lang naramdaman ito.

"bakit mo sinabi yon?" reply ko. Pakipot muna.

"akala ko nakatulog ka na..hmm.kasi parang nahuhulog ang loob ko sa'yo..paano ko ba sasabihin..ayoko ng magtago pa ng nararamdaman gaya ng ginawa ko sa nararamdaman ko kay anet.. matapang ka naida kahit medyo tahimik..pero mahal na kita naida, hindi dahil utang ko sa'yo ang buhay ko kundi dahil mahal kita, iyon ang bulong ng puso ko.." sabi ni Ed.


...itutuloy...


pray before you sleep...:thumbsup:

Part 7
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako Part 6

thanks sa update TS... nov. 1 na bukas... end na naba?
 
Re: Noong Bata Ako Part 6

sa tingin mo? :naughty:
 
Re: Noong Bata Ako Part 6

bitin.... peo ganda kwento.....:clap:

:praise::praise::praise::praise: galing...

kailan poh update otor?
 
Re: Noong Bata Ako Part 6

uu nga TS pa update na... :clap:
 
Back
Top Bottom