Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3B

1170848_656475157697536_36278598_n.jpg

Book 1 (Naida): "Maganda ba ako?" tanong ng babae.

"Paano ko malalaman? Nakatakip ang bibig mo?" supladang sagot ng dalagang tinanong.

Tinanggal ng babae ang face mask at tumambad sa dalaga ang mukha ng babae. Kinabukasan, natagpuang patay ang dalaga, pugot ang ulo at may hiwa sa bewang. Pinaniniwalaang ginupit ito gamit ang grass cutter o anumang malaking gunting.

Noong bata ako, kinwento sa akin ni nanay ang kwento ni Cinderella at Snow White bago ako matulog. Napakaganda ng storyang iyon kahit na ang nakatuluyan nila ay parehong si Prince Charming. Kahit bata pa ako noon, gusto ko ng makilala ang prince charming ng buhay ko. Pero paano kung ang kwentong ito ang binasa ni nanay sa akin, makakatulog pa kaya ako?

Book 2 (Pido): Noong bata ako, pakiramdam ko sinusundan ako ng buwan kahit saan ako magpunta. Bawat tingin ko kasi sa buwan lagi siyang nandoon sa pwesto niyang yun. Mula noong makita ko ang Kalye 19, pagdating ng 11pm ay nagigising na lamang ako noon sa kalyeng yun at may hawak na patalim na puno ng dugo. Minsan may dugo ang damit ko at minsan may hawak pa akong putol na kamay. Mapapatakbo na lamang ako pauwi at hindi na makakatulog. Sana lang nababantayan ako ng buwan sa mga ginagawa ko para kapag tinanong ko ang buwan, masasagot niya kung ano ang nakita niya.



Book 1
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8

Book 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3A
Chapter 3B


palimos naman po ng comments...
179.gif


http://acwrites.blogspot.com
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

nice umpisahan ko to mamaya paguwi ko :thanks:
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

ok to ahhh rhanks
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

nice nice..:D thanks po sa mga magbabasa at lalo na sa mga magcocomment pa..:)
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

Book 2
Chapter 2


Noong bata ako, sabi ni lola kapag nakabitin raw ang paa mo sa kama kapag natulog ka, hihilain raw ito ng multo. Nagtataka ako noon kasi si nanay laging nakabitin ang paa kasi maliit lang ang papag namin. Hindi naman kasi kami ganon kayaman, sakto lang para sa'ming dalawa ang mga padala ni tatay. Kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti para hindi na nakabitin ang paa ni nanay sa kama. Baka kasi hilain siya ng mumu. Ewan ko lang kung matutupad ito kasi baka kapag tumanda na ako, magbabago na ang mga paniniwala ko.

>

5 am na at kasabay ng pagtilaok ng mga tandang ang pagbangon ko. Kailangan ko na kasing pumasok sa school. Grade 5 pa lamang ako ganitong oras na ako nagigising dahil ayoko ng naleleyt. Laging sinasabi ni nanay sa akin noong bata ako na paluluhurin ako ng titser ko sa asin kapag naleyt ako. Masakit kaya 'yun! Kaya maaga lagi ako pumapasok dahil ayaw kong maranasan ang lumuhod sa asin. Hinihintay kong gisingin ako ng tandang ng kapitbahay namin at saka ko naman gigisingin si nanay.

Ngayon umaga ay kailangan ko munang umihi. 'Di ko na kayang tiisin, siguro hindi ko muna gigisingin si nanay ng maaga ngayon. Kinapa ko ang switch ng ilaw dahil natatakot ako sa dilim. Pinagdasal ko muna kay Papa Jesus na sumindi ang ilaw. Mabuti naman at narinig at tinupad niya ang panalangin ko. Hindi naman gaanong malayo ang banyo namin sa kwarto kaya konting lakad lang maabot ko na ang ginhawa. Sinindi ko rin ang ilaw pero nakakabingi ang katahimikan. Parang naririnig ko ang paghakbang ng ipis sa tabi ko, naging creepy rin para sa akin ang tunog ng mga kuliglig dahil tanging ito lamang ang ingay na naririnig ko. Nakakatakot rin ang sobrang tahimik, buti na lang hindi ko sinara ang pinto para madali akong makatakbo kapag may multo.

Maya-maya, parang biglang lumamig ang hangin. Kinilig-kilig tuloy ako sa pag-ihi, dati napipigilan ko ito kasi gusto ko, kikiligin lang ako kapag nakatingin sa akin si Gel-gel. Nakakakilig kasi ang bawat ngiti niya sa'kin, kapag sinasabi niya ang palayaw ko at kahit nakatulala lang siya. Ewan ko, lahat na lang sa kanya cute. Hihihi. Kapag nakapikit ako, gaya ngayon, minsan naiisip ko na yakap yakap ko siya tapos nagkukwentuhan kami sa ilalim ng puno ng mangga. Nakangiti siya sa akin habang hawak ko ang kamay niya.

Napatigil ako sa pagpapantasya nang lumangit-ngit ang pinto. Patapos na rin ako kaya agad kong itinago ang alaga ko. Hindi pa ako nakakalabas ay nakarinig ako ng katok sa pinto. Paglingon ko, sarado pala ang pinto. Siguro si nanay 'yun, "Tapos na ako `nay sandali lang." sagot ko naman.

Binuksan ko yung pinto pero wala si nanay. Inaasahan ko na nasa labas lang siya, pupungas-pungas at hinihintay akong lumabas. Pinatay ko ang ilaw sa banyo, naka-isang hakbang pa lang ako, hindi pa ako nakakalayo pero narinig ko uli yung pagkatok sa pinto ng banyo. Dito mismo sa tabi ko ang pinto, tutok na tutok ang tainga ko sa katok pero hindi ko malingon. Kaiihi ko lang pero parang maiihi nanaman ako. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Parang nasa kabila lamang ng pinto ang kumakatok, ano ba ang gusto niya? Kahit na ano naman ang mangyari ay hindi na ako babalik sa loob para umihi ulit. Meron kayang ibang tao sa likod ng pinto?

Hinawakan ko ang pinto para isara ito pero ito yata ang pinakamaling nagawa ko sa siyam na taon kong pamamalagi sa mundo. May malamig na kamay ang humawak sa kamay ko kaya agad akong nagtatakbo papunta ng kwarto. Hinihingal ako at mulat na mulat ang mga mata. Kinikilabutan pa ako, pati ang mga balahibo ko yata ay kinikilabutan din. Nandito si nanay, nakahiga pa at mahimbing pang natutulog.

"Nay, gising na." sabi ko habang pilit na pinapakalma ang sarili. "Nay..." naiiyak na ako sa sobrang takot. Ayokong lumingon dahil baka paglingon ko sinundan pala ako ng mumu. Baka nakatutok na ang mukha niya sa likod ko. Bakit ba nangyayari sa akin 'to?

"Uhmmm..." sagot lang ni nanay at unti-unting nagmulat ng mata. Hinihintay ko ang reaksyon niya kung may iba pa ba kaming kasama rito sa kwarto. Mabuti naman at wala siyang reaksyon. Bagkus ay hinila lang niya ako para yakapin. Napangiti lang ako.

"Nay, kain na tayo." sabi ko sa tainga niya. Napakalambing talaga ni nanay. Sana lang talaga nandito si tatay para maranasan din niya ang paglalambing ni nanay.

"Bakit? Nagluto ka na ba?" tanong niya. Ang saya sigurong pagmasdan ng magulang mo kapag naglalambingan, yakapan at tawanan. Kaso wala dito si tatay.

"Hindi pa po."

"Anong kakainin natin?"

"`Yung iluluto niyo." sabi ko at tumawa. Napawi na muli ang takot ko. Sana lang huli ng katatakutan ito.

>

Hindi na ako naligo noon. Ok lang naman kasi bata pa ako, mabango pa at wala pang putok. Pinilit ako ni nanay pero hindi talaga ako pumayag na pumasok uli sa banyo. Hindi naman ako tinutubuan ng kwintas sa leeg gaya ng sabi ni nanay kay Boy-boy. Siguro nakikita niya sa mata ko ang takot kaya tinigilan niya ako. Gaya ng dati, mag-isa pa rin akong naglalakad papuntang school. Pilit kong pinigilan ang sarili ko na lumingon sa Kalye 19 kahit na alam kong maraming tao rito. Mukhang nakita na nila ang nangyari doon kagabi. Sana lang ay kasabay ng pagligpit ng mga bangkay doon ay ang paglaho sa alaala ko ng mga nakita ko doon.

Habang naglalakad ako, malayo pa lang naririnig ko na ang mga pusa sa bakod na naglalampungan. Ewan ko lang pero parang hindi sila naglalampungan para sa akin, parang nananakot sila kasi parang batang umiiyak ang boses nila. Palapit ako ng palapit sa mga pusa, lalong lumalakas ang ingay nila. Maya-maya ay tumahimik. Bumebuwelo lang pala sa isang malakas na panggulat sa akin. Tinakbo ko na ang kantong yun para lang makalayo na. Hindi ko alam kung bakit ako tinatakot mula noong nakita ko ang Kalye 19? May sumpa na kaya ang kalyeng 'yun?

"Aaaaahh!" napasigaw ako ng konti nang may parang kumagat sa paa ko. (Konti lang). Paglingon ko, si Boy-boy pala. Kinurot niya ang binti ko kaya parang nakagat. Akala ko tuloy sinundan ako ng mga pusa. Napalingon nga ako sa mga pusa kanina, nakakapagtaka pero wala na sila. Wala na rin ang ingay na ginagawa nila. Tumibok nanaman ng napakabilis ang puso ko. Ayoko ng mag-isip ng nakakatakot!

"Uy! Bakit mo kami iniwan kagabi?" pagbasag ni Boy-boy sa katahimikan. Medyo nagulat pa ako dahil hindi ko inaasahan ang pagsasalita niya. Hindi naman ako mahilig magkape sa umaga pero talagang naging magugulatin at nerbyoso na ako. `Di ako agad nakasagot kasi ang alam ko lang ay hindi ko sila nakita sa taguan nila kaya dumiretso ako sa Kalye 19. Muling nagflashback sa akin ang mga nangyari, ang mga nakita ko sa kotse doon.

Napatigil ako sa paglalakad kaya nagtaka si Boy-boy. "Nanay mo lang ang nagpauwi sa amin eh." sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Ibig sabihin, nauna pa silang umuwi sa akin. Gaano ba ako katagal nanatili sa Kalye 19? "Ang tagal ko kayang nagtago, akala ko hinahanap mo pa kami, `yun pala umuwi ka na."

Maaari kayang alam ni nanay ang nangyayari sa akin noon? `Sing-lalim ng Philippine Deep ang iniisip ko para pansinin pa si Boy-boy pero talagang makulit siya. "Huy!" aniya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Wala. Tinawag na kasi ako ni nanay." pagsisinungaling ko. Mabuti na lang at hindi na niya ako kinulit.

Buong araw ay parang wala ako sa sarili ko. Normal na tao naman ang lahat ng kasama ko, ewan ko lang ang terror naming adviser pero sobra akong kinikilabutan. Lahat ng oras parang napakalamig gayong hindi naman tag-ulan at wala namang aircon ang classroom namin. Baka lalagnatin lang ako. Mamaya sasabihin ko kay nanay ang nararamdaman ko.

>

"`Nay, parang lalagnatin ako, kasi malamig ang pakiramdam ko buong araw." sabi ko pag-uwi. Inabutan ko si nanay na nagluluto.

"Sige. Pagkatapos kumain, paiinumin kita ng gamot tapos, matutulog na tayo." sagot ni nanay.

Agad akong umupo sa hapag at sumandok sa naihanda na ni nanay. Ang sarap magluto ni nanay, paborito ko yung Chicken Adobo niya kasi, uhmm, basta! Masarap kasi eh.

Natapos kaming kumain ni nanay ng masaya. Hindi ko alam na dito na pala magsisimula ang isang linggo kong puno ng kababalaghan. Dito ko naalala ang mga paalala ni nanay sa akin noong bata ako, ang magdasal lagi bago matulog at magpasalamat na nagising kang muli. Napakahirap ng bangungutin at mahirap makatulog kapag may alaala kang nakakatakot na pilit bumabalik sa isip mo. Nakakabaliw, hindi na alam ng isip ko kung saan lulugar.

~itutuloy



mas maiinspire ako mag-update kung magcocomment kayo..:excited:
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

nabitin ako aw! :D noong bata ako kapag pinapatulog ako ng nanay ko at ayaw ko pang matulog tinatakot nya ako na kapag gising pa ko ay kukunin daw ako ng mumu dahil mahilig daw yun sa mga bata :slap: :laugh:
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

nabitin ako aw! :D noong bata ako kapag pinapatulog ako ng nanay ko at ayaw ko pang matulog tinatakot nya ako na kapag gising pa ko ay kukunin daw ako ng mumu dahil mahilig daw yun sa mga bata :slap: :laugh:

sige po..isasama ko yan sa next chapter..:D di lang naman kasi ito dito sa symb nakapost..:yipee:
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

noong bata ako ay gusto ko nang lumaki agad para magawa ko ang gusto kong gawin... ngayon malaki na ako ay gusto kong bumalik sa pagkabata dahil walang problemang iintindihin :upset: update na ng story ts :D
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

Salamat sa dagdag TS... more pa po ehehehe..
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

more pa ms.alcheon, :more: hehe..wait lang po sa update, medyo busy.. :D
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

ayos my part 3 na
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

anong part 3... part 4 na noh! :rofl:
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

teka lang ah, busy pa eh.. medyo matagal pa ang update nito.. baka :think: bukas! hahaha
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

pabasa ako ts, salamat sa pagshare. :salute:
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

pabasa ako ts, salamat sa pagshare. :salute:

sure..:D basta subaybayan mo ah..:dance:
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

ayos maganda. sarap basahin lalo na pag board dito sa work.
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

Yes meron na ulit akong babasahin na horror story


sana may update lagi ts :)
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2)

Noong Bata Ako Book 2
Chapter 3A



Naririnig ko si nanay na nagsasalita. Nakahiga pa rin ako pero nakapikit ang mga mata ko, nagkukunwari kasi akong tulog. Parang hindi tagalog ang sinasabi niya. Noong bata ako, lagi akong kinakausap ni nanay habang natutulog. Madalas sinasagot ko ang mga tanong niya kahit na tulog ako. Tapos kinabukasan no'n sasabihin niya sa'kin ang mga pinagsasasabi ko pero wala akong matandaan. Nasabi ko rin sa kanya na crush ko si Gel-gel habang natutulog! Nakakainis noon kasi daw nananaaginip ako na may kausap kaya tinanong ako ng tinanong. Ewan ko ba kung bakit nangyayari `yun. Parang nakahipnotismo ako nun dahil totoo ang mga sinasabi ko habang natutulog. Hindi ko alam kung ako lang ba ang ganito o pati ang ibang tao.

Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ni nanay. Pabulong pa ang sinasabi niya. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko para hindi niya mahalata na gising ako at nakikinig pala sa kanya. Madilim pa ang paligid at nakahiga si nanay sa tabi ko. Hindi naman siya ang nagsasalita pero sino?

Unti-unting nagbago ang boses ng nagsasalita. Mula sa boses ni nanay ay naging malaki at parang matigas ang boses. Parang lalakeng nakakatakot. Nacurious ako at hindi ko napigilan ang sarili ko na mabilis na lumingon. Laking gulat ko na lang nang makita ang isang nakakatakot na nilalang na malapit sa mukha ko! Kitang kita ko ang mukha niya. Kulubot ang mukha niya, nanlilisik ang mga mata, matangos ang ilong, may isang pangil sa kaliwang bahagi ng kanyang bibig, at hindi natin kakulay ang kanyang balat yung medyo mapula na medyo maitim siya.

Ngayon nagsimula ko ng maintindihan ang mga sinasabi niya. "Kukunin kita. Mapapasa'kin ka. Walang makakatulong sa'yo. Kukunin kita. `Di magtatagal, mapapasa'kin ka. Gusto mo ba ng kasiyahan? Sumama ka sa'kin. Gusto mo ba ng pera? Bibigyan kita. Laruan? Meron ako doon. Tara."

Umiiling lang ako. Nararamdaman kong tumutulo ang pawis ko. Hindi ako makaalis. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko. "Ayoko. Ayoko. Ayoko..." sigaw ng isip ko pero hindi ko masabi. Nakakatakot ang hawak niya. Nakita ko ang kamay niya na may mahahabang kuko, napakalaki ng kamay niya kaya niyang hawakan ng buo ang ulo ko. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nakita ko ang daan na tinatahak niya. Parang binutas niya ang sahig ng bahay namin at naglagay ng hagdan doon.

Napakadilim ng daan. Napakalayo pa ng dulo. Bigla kong naalala si nanay. Hinila ko ang kamay ko sa kanya at tumakbo pabalik. Bigla na lang sumasara ng mabagal ang butas na gawa niya. Mabilis kong tinakbo ang butas pero hindi ako makaalis sa kinalalagyan ko. Napakalapit ko na lang, abot kamay ko na dapat matapos ang tatlo o apat pang hakbang sa hagdan pero tumatakbo akong hindi lumalapit. Natakot akong baka hindi na ako makabalik kaya tinalon ko ang butas.

Isang kamay ang nahawakan ko at kumapit ako ng husto. Hinila niya ako at nasabi ko na lang. "Lord, huwag ninyo akong bibitawan."

Nagising akong hinihingal at basang-basa. Napalingon ako kung nasaan ako. Nasa Kalye 19 ako. May hawak akong kutsilyo at isang katawan ng tao ang nasa harapan ko. Lalake siya, tadtad ng saksak sa leeg at sa baga. Sadyang hindi pinatamaan ang puso at kita sa mata nito na naghirap siya bago mamatay. Hindi ako maaaring magkamali. Si Mang Boyet. Ang ama ni Boy-boy.

Malamang pati si Sleeping Beauty ay gugustuhing magising kahit hindi pa dumarating ang kanyang Prince Charming dahil sa panaginip na ito. Ang magising na may bangkay sa harap mo at puno ka ng dugo, tapos ikaw pa ang may hawak ng kutsilyo, ay hindi ko mapaniwalaang nangyari sa akin. Inaamin kong nakakatakot ang ama ni Boy-boy dahil kapag naglalaro kami ay pinapalo niya si Boy-boy sa harap namin. Sinisigawan pa niya ito kapag nagkamali siya sa utos ng ama. Madalas na lasing umuwi si Mang Boyet at napagtitripan niyang pagbuhatan ng kamay si Boy-boy.

Naisip ko na noon na ipagtanggol si Boy-boy pero wala akong magawa dahil sa laki ni Mang Boyet. Isang hamak na kaklase lang naman ako, pero bilang kaibigan, gusto kong maging normal na bata si Boy-boy. Oo nakakapaglaro kami pero kapag nandyan na ang ama niya ay iniiwan niya na kami. Gusto kong nakangiti lang siya. Gusto kong nakangiti lang ang mga kaibigan ko.

Hingal na hingal pa rin akong umuwi sa amin. Napadaan ako sa salamin at nawala ang bahid ng dugo sa akin. Isinoli ko rin ang kutsilyo sa kusina na parang hindi man lang ito nagalaw. Ngayon ko lang napagtanto, "Ako ba ang gumawa noon?" bulong ko sa sarili ko.

Napatingin ako sa orasan, 2:34 am. Mahimbing pa ang tulog ni nanay. Habang naglalakad ako palapit sa papag namin ay naalala ko ang panaginip ko. Dito mismo sa lugar na ito nagpakita sa akin yung lalakeng nakakatakot. Dahan-dahan kong nilapat ang likod ko sa higaan at tumalikod kay nanay. Dito mismo sa pwesto kong ito ko nakita ang bawat detalye sa mukha niya. Walang kasing hirap sa pakiramdam ko ang pagpigil ng emosyon ko. `Di ko na napigilang umiyak.

"Ako ba?"

"Bakit si Mang Boyet?"

"Paano na si Boy-boy?"

"Bakit nangyayari ito?"

"Hindi ko magagawang ... pumatay."

Hindi ko matanggap na ako nga ang gumawa. Hindi ko maisip kung paano ko nagawa. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Noong bata ako, marami akong tanong kay nanay. Lahat ng isagot niya sa akin ay sinusundan ko ng tanong na "Bakit?" at matiyaga naman akong sinasagot ni nanay. Sasabihin ko ba kay nanay ang nangyari at sasagutin ba niya lahat ng "Bakit?" ko?

Magdamag akong gising at umiiyak. Takot na akong matulog at takot akong magmulat ng mata. Nakapikit man ako ay hindi ako nakatulog kahit na sobrang aga pa. Pilit bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari, ang bangkay sa harap ko, ang dugo at ang panaginip ko. Hindi ko namalayan na inabot na ako ng paggising ni nanay. Nakapikit pa rin ako kaya ginising niya ako. Nagkunwari na lang akong nagising, gusto kong sabihin lahat sa kanya ang nangyari pero natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag nalaman niyang nakapatay ako. Siguradong hindi lang palo ang maaabot ko o sermon, baka makulong pa ako. Ayokong mangyari `yun.

"Pido, gising na't baka malate ka pa." sabi lang ni nanay.

Dahan-dahan akong umupo at pinunasan ang mata, baka kasi may bakas pa ng luha dito. Hindi naman halata na napuyat ako.

¬itutuloy


kalahati lang ito ng Chapter 3...masyado na kasi matagal kayo naghihintay kaya pinost ko na.. to be edited kapag may bago ng update..:)
 
Back
Top Bottom