Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3B

1170848_656475157697536_36278598_n.jpg

Book 1 (Naida): "Maganda ba ako?" tanong ng babae.

"Paano ko malalaman? Nakatakip ang bibig mo?" supladang sagot ng dalagang tinanong.

Tinanggal ng babae ang face mask at tumambad sa dalaga ang mukha ng babae. Kinabukasan, natagpuang patay ang dalaga, pugot ang ulo at may hiwa sa bewang. Pinaniniwalaang ginupit ito gamit ang grass cutter o anumang malaking gunting.

Noong bata ako, kinwento sa akin ni nanay ang kwento ni Cinderella at Snow White bago ako matulog. Napakaganda ng storyang iyon kahit na ang nakatuluyan nila ay parehong si Prince Charming. Kahit bata pa ako noon, gusto ko ng makilala ang prince charming ng buhay ko. Pero paano kung ang kwentong ito ang binasa ni nanay sa akin, makakatulog pa kaya ako?

Book 2 (Pido): Noong bata ako, pakiramdam ko sinusundan ako ng buwan kahit saan ako magpunta. Bawat tingin ko kasi sa buwan lagi siyang nandoon sa pwesto niyang yun. Mula noong makita ko ang Kalye 19, pagdating ng 11pm ay nagigising na lamang ako noon sa kalyeng yun at may hawak na patalim na puno ng dugo. Minsan may dugo ang damit ko at minsan may hawak pa akong putol na kamay. Mapapatakbo na lamang ako pauwi at hindi na makakatulog. Sana lang nababantayan ako ng buwan sa mga ginagawa ko para kapag tinanong ko ang buwan, masasagot niya kung ano ang nakita niya.

Book 1
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8

Book 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3A
Chapter 3B

palimos naman po ng comments...
179.gif

http://acwrites.blogspot.com
 
Last edited:
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2) Update: Chapter3

bitin aw :thanks: po sa update :salute:
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2) Update: Chapter3

Sir Breaker,

:salute: Saludong saludo ako sa gawa niyo. Bagong susubaybayan na namn, pag katapos kong mabasa ang Umuuga ang kama. Ito na namn! :salute:
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2) Update: Chapter3

@alcheon @celinelois,

salamat sa pagtangkilik ng mga storya ko..kayo ang dahilan kung bakit ako naiinspire pang magsulat..^_^
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2) Update: Chapter3

noong bata pa ako ay tamad akong magbasa, kapag malapit na ang exam ay na-oobliga akong magbasa pero ngayon dito na ko sa forum madalas magbasa :slap: :lol:
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2) Update: Chapter3

Noong bata ako, tamad din akong mag basa katulad nalng ni Alcheon, pero ngayun..

Kahit ang mag intay nang Update niya(breaker)

Di na ..

Di na mapakali!

Update na! Hehe
 
hahaha...wait lang poooo...:more: thanks! talagang pinapagana niyo ko magsulat.. :thumbsup:
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2) Update: Chapter3

Noong bata ako, tamad din akong mag basa katulad nalng ni Alcheon, pero ngayun..

Kahit ang mag intay nang Update niya(breaker)

Di na ..

Di na mapakali!

Update na! Hehe

ayos! :lol: :thumbsup: update na po ts :salute:
 
Re: Noong Bata Ako (Complete Horror Book 1 - On Going Horror Book 2) Update: Chapter3

thanks dito... update nah
 
Re: [Novel] Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3A

Thanks sa UPDATE TS!!! whew..
 
Re: [Novel] Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3A

sorry kasi wala pa ring update.. :upset:
 
Re: [Novel] Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3A

ang ganda TS, salamat ... kaso hindi ko na maaccess yung part 8 nung kay Naida, naka block kasi dito ang mga blog sites :(

Ang galing mo magpabitin ng kwento yung tipong aabangan mo yung susunod na mangyayari, tapos ganda ng timing ng mga puchline mo kakatuwa. Mabuhay ka sir! :thumbsup:
 
Re: [Novel] Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3A

haha..salamat sir..posted din po dito yung Part8, ndi ko lang naupdate yung links...pakihanap na lang sa next pages..:thanks:
 
Re: [Novel] Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3A

^ayan post kasi ng post di muna mag backread. Eager na eager kasi ako mag comment, astig to talaga TS.

Thank you at na hook na naman ako sa pagbabasa, pahinga muna tuloy sa games hehehe. Para kang si Bob Ong pero horror at labstori ang sinusulat :D
 
Bob Ong daw? ndi naman siguro.:D saka may horror at lab stori naman si Bob Ong diba? :D
 
Re: [Novel] Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3A

pamarka akosir.breaker :)
 
Re: [Novel] Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3A

basahin mo ah? :lol:
 
Re: [Novel] Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3B

Noong Bata Ako Book 2
Chapter 3B

Sa eskwela, inasahan ko ng hindi papasok si Boy-boy. Nagsimula akong umiwas sa mga kalaro ko dahil parang nawiwirduhan ako sa sarili ko at ayokong mapansin nila ito. Nakita kong nagbubulungan sina Larry, Rick at Jay habang nakatingin sa'kin. Nilapitan ko sila para sumali sa kanilang topic pero habang palapit ako, narinig ko si Jay na nagsabing, "Biglang tumahimik si Pido no? Hindi na siya nakikipaglaro." sabi niya dahil hindi niya nakita ang paglapit ko dahil nakatalikod siya sa akin.

"Ano'ng pinag-uusapan niyo? Parang narinig ko kasi ang pangalan ko?" tanong ko sa kanila.

"Ah wala." sabay tipid na ngiti ang isinukli sa akin. Ngumiti rin naman ako pero iba ang pakiramdam ko sa ngiti niya. Magkalaro rin kami ni Jay pero wala siya noong gabing naglaro kami ng taguan. Kung nandoon lang siya malamang ay hindi ako mapupunta sa Kalye 19 kasi siya ang magiging taya. Lagi ko kasi siyang ginagawang front line ko `pag taguan, mas madali kasing bigkasin ang pangalang Jay kaysa Pido, tapos nasa likuran niya ako lagi.

"Tara sama ka, puntahan natin si Boy-boy." aya ni Rick. Si Rick naman ay mabait na bata. Nakikipaglaro siya kapag hapon pero kapag gabi na ay uuwi na siya at kahit kailan ay hindi pa namin siya nayayang tumakas at maglaro ng gabi. Salutatorian kasi siya at gusto niyang mahabol si Larry.

Si Larry ang valedictorian. Hindi namin siya madalas makalaro dahil agad siyang umuuwi pagkatapos ng klase. Nakakalaro lang namin siya kapag school o ang teacher namin ang nagsimula ng laro. Hindi ko masabi ngayon kung sino ang magiging valedictorian sa kanila ngayong taon dahil mas matataas ang grades sa recitation at scores sa exams ni Rick sa lahat ng subject.

"Ok lang. Sasama ako." sabi ko.

"Sino pa ang sasama?" sabi ni Jay.

"Akala ko ba pupunta kayo? Bakit tinatanong mo pa kung sino pa ang sasama?" taka ko naman.

"Hehe. Tara na. Sama ka Lar, saka ikaw Rick." nakangiting sabi niya at inakbayan ang dalawa.

"Kala ko makakauwi na ako." sabi ni Larry. "Wala ka naman kasing sinabi na pupuntahan natin siya eh pero ok na rin. At least mabibisita natin ang kaibigan natin."

"Oo nga. Bakit ba dumating lang s-"

"Tara na! Hehehe!" malakas na kabig ni Jay kay Rick kaya napatigil ito ng pagsasalita. Sumabay na lang ako sa kanila sa paglalakad.

Noong bata ako, pinipilit kong hindi maapakan ang pagitan ng bawat tiles sa mall o kahit saan man ako maakit na may tiles ay iniiwasan ko. Minsan nga sa banyo naman, sinusundan ko ang patak ng tubig kung saan dadaan tapos kapag nainip ako, papatakan ko pa para bumilis. Sana lang ang buhay hindi gano'n, walang sinuman ang may karapatan pabilisin ang buhay ng tao maliban kay God. Sabagay, kahit saksakin ka sa dibdib ay hindi ka mamamatay kung hindi mo pa oras. Maaaring mabitin ang saksak mo at hindi umabot sa puso.

"Pssst!"

"Pssst!"

Pilit kong pinipigilang lumingon dahil baka hindi naman ako ang tinatawag. Mahirap pigilan ang ulo mo sa adrenaline niya na lilingon kapag tinatawag.

"Pssst!" muli ko nanamang narinig ang pagtawag. Wala naman sigurong mawawala sa akin kung lilingunin ko sandali.

"Waaaaaaaaaaaaaaaahhh!" paglingon ko ay may nakita akong ulo na lumulutang sa malapit sa balikat ko kaya napatakbo na lang ako palayo.

"Anong nangyari doon?" takang tanong ni Larry.

"Ewan ko, gayahin na lang natin para hindi mapahiya." sagot naman ni Rick.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaa..." sigaw nila na parang walang kabuhay buhay habang tumatakbo at hinabol ako. Akala ba nila nagpapatawa ako? Ang hirap ng ako lang ang nakakakita. Mahirap dahil walang maniniwala sa akin. Wala akong mapagkukwentuhan. Walang malalapitan.

"Mga sira ulo. Hindi ko kilala ang mga `yon." mahinang bulong ni Jay habang mabagal pa ding naglalakad.

Puno ng dugo ang mukha ng ulo. Nakakainis lang dahil hindi ko mamukhaan dahil talagang uupakan ko ang may ari ng ulong iyon. Nanginginig pa ang mga tuhod ko habang humihingal sa tapat ng burol ng tatay ni Boy-boy. Napalingon na lang ako sa isang kubo `di kalayuan dahil sa isang matanda na nakatitig lang sa akin. Nakipagtitigan din ako dahil baka magkaintindihan ang mga mata namin.

Kumurap siya at kumurap na rin ako pero hindi ko pa rin maisip ang iniisip niya. Hindi pa nagtagal ay sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Tumingin ako sa likod ko pero ako lang naman ang nakatingin sa kanya kaya sigurado na ako ang kanyang sinenyasan. Bumalik ang mga mata ko sa kanya pero wala na siya doon. Lumakad ng mabagal ang kuryente sa katawan ko mula sa kaliwa papuntang kanan. Nakakakilabot pero hindi ko maiwasang humakbang palapit sa kanya.

"Oh saan nanaman pupunta `yan?" tanong ni Jay sa hangin habang hingal na hingal ang dalawa.

"Hayaan na natin siya. Trip niya `yan." sagot ni Rick.

"Pido!!! Dito ang bahay nina Bo-" sigaw ni Larry, hindi man lang naisip na nakakahiya ang ginawa niya kaya agad tinakpan ang bibig niya ni Rick.

"Loko ka talaga no? Tignan mo, sa atin na ang atensyon ng lahat ngayon. Hayaan mo na kasi siya." sabi ni Rick.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko sila narinig noong mga oras na iyon. Ang tanging nasa isip ko lang ay makita ang matanda na tumawag sa akin. Siya rin kaya ang pumapaswit sa akin kanina? Bahala na! Curious ako eh.

~ itutuloy
 
Re: [Novel] Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update: Chapter3A

yun matutuloy ko din ito mamaya :clap:
 
Re: [Novel] Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update:

salamat sa update TS!!! ehehehe
 
Re: [Novel] Noong Bata Ako (On Going Horror Book 2) Update:

mukhang ititigil ko muna ang pagsulat dito, hindi ko alam kung gaano katagal pero babalik ako..:D salamat sa mga sumusuporta..
 
Back
Top Bottom