Regarding dun sa nabangga, diba't hindi pa tapos ang imbestigasyon jan? hindi naman porke kapwa pilipino eh nagsasabi na agad ng totoo, paano kung ibang bangka ang bumangga sa kanila? at sinisi natin ang China? Una sa lahat Media ang nagpapatong ng kwento, inimbitahan ang testigo para makausap pero hindi naman sumipot, Sa nakikita ko Nagaantay ang pangulo ng malinaw na sagot kung talagang China ang bumangga, . At lahat nadadaan sa mabuting usapan. Dahil kung idadaan natin sa angas at gyera may laban ba tayo? kung sakaling nambintang tayo at lumaban ang China naghamon ng gyera. . ilang milyong pilipino ang mapapaslang kumpara sa Muntik , Muntik lang at hindi namatay na mga mangingisda,
Simula't sapul alam na natin na mainit ang media sa Pangulo kaya magkaroon ng konting issue magiging malaki ito.
Ako nga nabangga ng naka bike na Chinese hindi pa nagsorry hindi naman ako humingi ng tulong sa buong Pilipinas eh,
Hahays. Simple lang naman ang sagot dyan kung bakit si China nga. Kinupirma na yan ng Chinese Foreign Ministry na barko nga daw nila. Kaya daw umalis agad yong barko nila at hindi sinaklolohan yong lumubog na 'basnig' kasi na 'besieged' daw sila ng mga bangka ng Pinoy. Di ka kasi nagbabasa ng News eh. Baka Facebook lang binabasa mo.
Ito mali ka na naman. Talaga naman oo. Hindi Media ang nagpapatong ng kwento, nagpatawag talaga si Sec. Delfin Lorenzana ng Press Briefing dahil sa nangyari kaya ayon kumalat sa lahat ng Media.
Hahays, puro talaga mali ang sinasabi mo. Ang nag imbita patungo sa Maynila ay si Sec. Pinol, kasama dapat yong Kapitan pero di sumama kasi sumama ang loob ng tao. Paano kasi dumating sa lugar nila si Sec. Cusi at sinasabing aksidente lang daw ang nangyari kasi nga daplis lang daw ang sira ng 'basnig'. Kaya ayon sumama ang loob ng Kapitan ng 'basnig' pati yong ibang mga mangingisda. Kaya ang humarap kay Sec. Pinol ay yong kusinero pati na rin yong babaeng may-ari ng basnig. Sinabi ni Sec. Pinol na hindi daw si Presidente ang nag imbita kung hindi siya daw kasi gusto niyang malaman ang buong pangyayari.
Hindi na naghihintay ng malinaw na sagot ang Pangulo, pre-conditioned na ang sagot niya. Maka 'China', ika nga. Di ka ba nakikinig sa mga talumpati niya. Sinabi at dina downplay pa niya, na ang pangyayari ay isang
'little maritime incident' lang. Magbasa ka naman ng totoong News, please lang. Kaya ayon nagkaroon uli ng close door meeting yong mga mangingisda kasama yong Kapitan nila at si Sec. Pinol. At ng lumabas at iprinisenta sa media, aba eh iba na ang naging pahayag. Iba na sa mga naunang pahayag nila. Na conditioned na rin yata.
Anong mabuting usapan ba ang sinasabi nito? Karapatan at hustisya ang pinapanawagan ng mga mangingisda hindi naman gyera. Pag ba sumisigaw ka ng hustisya eh gyera na agad? Ang layo eh. Normal lang pag na agrabyado ka syempre hahanap ka ng katarungan na mauuwi sa pagsampa ng kaso. Hindi gyera. Napaka warfreak naman yata. At sigurado ako hindi rin makikipag gyera ang China dahil magastos ang gyera at mapapahamak pa sila. Iko condemn sila ng International Community. Syempre, iisipin din ng China ang kanilang interes, kasi pag nagkagulo, paano kaya nila pakakainin ang 1.5 Bilyon nilang populasyon at paano maipagpatuloy ang kanilang negosyo? Kaya ang estratehiya nila ay 'Bullying' o 'takutan' lang. Dahil pag takot ka, kusa ka ng aatras.
Na i post ko na yong sagot dyan, basa basa na lang pag may time. May nag post na baka daw bombahin tayo ng 'Nukes', nakakatawa talaga kasi malayo sa katotohanan. Siguro nga yong mga millineals lang mga matatakutin. Yong 'Nuke' isyu, dati pa yan panahon ng dekada 80, yong Cold War ng US at Russia, isama mo na yang China kasi kakampi na yan ng Russia mula pa nuon. May nangyari ba? Wala. Nabuwag na lang yong Russia sa pagiging komunista nito eh wala ngang ni isang 'nuclear' na pinasabog. Kaya malabo. Propaganda lang yan ni PDuts para matakot yong mga walang kaalam alam na Pilipino.
- - - Updated - - -
alam mo pre . kaya hindi na makuha ang mga isla na yan kase binenta na ng prev. na admin.. kaya wala nanag magawa ang pamahalaan , magtiwala kalang sa presidente , dahil ginagawan nya ng paraan para mabalik lang yan..
Ito mali rin ito. May ganito ding nag post pero nasagot ko na. Sasagutin ko naman ulit para ganahan yong iba magbasa. Hindi ho kay Pnoy ibinenta yang mga isla na yan. Si Pnoy pa nga ang nagkaso sa Hague Tribunal at nanalo nga. Isip isip din minsan, paano ka makakabili kung ibinenta man eh kakasuhan ka lang pala? Kung ako ang China, bakit ko pa bibilhin yang mga isla na yan eh kakasuhan mo lang pala ako? In short, gagasta ka lang ng pera sa wala.
Pero kung ang katanungan mo ay bakit nakapasok at nakapag expand bigla yong mga Chinese, ang sagot dyan ay dahil kay Arroyo. Pinayagan kasi niya na magkaroon ng exploration dyan ang China. Ang tawag dun ay Joint Seismic and Maritime Undertaking (JSMU). Nangyari yan noong 2005, pinayagan ni Arroyo na mag explore ang China sa Spratlys. Ayon nga nakita ng China na rich pala sa natural gas ang area kaya dahan dahan silang nagtayo ng mga istruktura doon. Kaya di na nila pakakawalan yan. Ilang taon ba si Arroyo nanungkulan? Mga 9 years din at tikom lahat ng taga AFP. Pinatikom ng pera. Kaya lahat ng intel reports noon eh tinatago lang. Kaya nga nagka Oakwood Mutiny dahil nakita ng mga Junior Officers ang garapalang korupsyon sa AFP.
Ang tanong, paano ka magtitiwala sa ngayong administrasyon eh kaalyado ni Arroyo si PDuts? Kaya patuloy pa rin ang cover up. At ngayon nga, kita natin na pabor pala si PDuts sa China. Wala akong narinig na nagmura siya sa China pero sa ibang bansa grabe. Kung totoong tao siya dapat dinipensahan na niya ang Pilipino pero anong nangyari ? Naging tamimi ilang araw at nung lumitaw iba ang sinasabi, 'little maritime incident' lang daw. At nililihis pa ang isyu. Wala namang problema kung hindi talaga sinadya ang pagbangga, maiintindihan naman yan ng Pilipino, ang problema matapos nilang bumangga eh iniwan lang nila ang kawawang mga Pilipino at bawal yon ayon sa Maritime Laws kung mang iiwan ka ng mga taong naghihingi ng tulong sa dagat. Itinuturing pa naman natin silang kaibigan at nangyari pa yon sa selebrasyon ng Fil-Chinese Day. Ibig lang sabihin, di talaga tayo itinuring na kaibigan ng mga Tsekwa kundi ka kumpetensya. Kung ikaw kaya yong isa sa mga mangingisda, ano kaya ang mararamdaman mo?