Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

May hope paba ako makapagwork ?

taga saan ka ts? parehas tayong course ME rin
ako nga e 27 y/o na nun 2016 lan nakagrad 8 yrs sa college
may compshop nga, un pera ko naman napupunta sa kapatid at magulang ko.
as of now nakalaya na ko dahil ibinigay ko na un compshop ko sa kapatid ko.
dami ko inaapplyan sa online, 1 month na and counting pero di pa rin ako tinatanggap gusto nila un
boses, di ako masalita pero nakakaintindi lang ako.
buti ka pa nga TS nakapasa na sa board
ako hindi pa... di ko pa balak mag take ng exam gawa ng dami pa problema
di ako makapagconcentrate...
gusto ko mag business ulit ng related sa course ko kaso wala ako budget at
lalo na wala rin akong mapagkakatiwalaan di tulad ng pamilya.

Kaya mo rin yan TS.

kung ako nga e no experience sa outside field...
mag tiis ka na lang muna rin sa mababang sahod...

God bless
 
college -9 years bago maka graduate
dami failed subjects
37 y/o, still single
3x failed sa board exam before makapasa last march 2017
8th straight job interview failed since january till now
minimum of 4 years of work experiences at 2 years of interval.

MAY PAGASA PABA AKO MAGKAROON NG CAREER AT MAGANDA BUHAY?
IM BROKE, LOW MORAL,LOOSING HOPE mga kasabayan ko may sarili ng family,bahay,sasakyan nasa abroad ako eto pa din wala nagbago.

Maniwala ka lang sa dyoa
 
dont lose hope. maaaring naunahan ka na sa pag asenso ng mga kasabayan mo pero hindi ito ang batayan para maging down. tandaan mo, sa hinaba haba man ng naging journey mo sa college, napakagtapos ka pa rin at board passer pa. always think positive at balang araw ay ikaw din ay magiging tagumpay.
 
dumating din ako sa point na ganyan. 97 ako gumradweyt ng highschool. umistop muna ko sa pag-aaral kasi 2 pa yung kapatid ko na mag-aaral ng highschool. namasukan muna ko sa pwedeng pagkakitaan. sa construction, sa dyaryo at ano ano pa. year 99, nakita ko yung classmate ko nung highschool, kwentuhan, gang sa nabanggit nya na dun sya nag-aaral, so sabi ko, baka pwede ko humabol kasi matatapos na ang June noon. sabi nya try ko. sinabi ko kaagad sa erpat ko, sabi ko kahit tuition lang at pamasahe ibigay nya sa akin, awa ng diyos nakapasok ako ng comtech na course. nagwork ako sa umaga sa video rental shop, tapos sa hapon nasa school ako. 50pesos per pasok ko, kaya may baon na ako araw araw. 2001 ako gumraweyt, trabaho muna sa compshop na katabi nung video rental. gang 2004, tapos lipat ng ibang work, balik ulit sa shop, gang 2007, nagbreak kami ng long time gf ko (almost 7 years), Jan. 2008 nag-decide na ko mag-apply na ng seryoso, hirap syempre kasi 2 year course grad. awa ng diyos, natanggap ako dito sa pasig as IT Assistant, awa ng diyos 10 years na ko dito ngayon, may asawa na din ako, pero wala pa kaming anak. mapapayo ko lang syo, hanapin mo yung talagang gusto mo at hilig mo. kahit di related sa pinag-aralan mo, basta magiging masaya ka. dito sa work ko ngayon, di ganon kataas ang sweldo, pero ito ang pangarap ko talagang trabaho simula nung gumradweyt ako nung 2001. kala ko din nung una, di na ko makakaalis sa computer shop bilang tech. may plano pa din pala na maganda si God sa akin, buti na lang at inantay ko yung plano na yon. goodluck sayo TS. just find what you want in life. darating din ang araw para sayo.
 
college -9 years bago maka graduate
dami failed subjects
37 y/o, still single
3x failed sa board exam before makapasa last march 2017
8th straight job interview failed since january till now
minimum of 4 years of work experiences at 2 years of interval.

MAY PAGASA PABA AKO MAGKAROON NG CAREER AT MAGANDA BUHAY?
IM BROKE, LOW MORAL,LOOSING HOPE mga kasabayan ko may sarili ng family,bahay,sasakyan nasa abroad ako eto pa din wala nagbago.

hindi lahat ng may mataas na grades nagiging successful. kung di ka makapasok sa mga company, baka hindi ka lang tlga pang employee. baka entreprenuer ka bro. isipin mo kung anong skills mo at gustong gusto mong gawin baka andun ung key para sa tagumpay mo.
 
base sa prob ni TS medyo same kami pero wala ako trabaho ngayun. Pero di ako na stress sa mga kasabay, kakilala, kapitbahay na umasenso dahil I trained myself to be positive minded no matter what happen kahit sinampal na ng 100x kamalasan dahil sa isang libro na nabasa ko qoute ko na lng " life attracts life" mga similar meaning nyan eto ay " law of karma" " what you give is what you recieved" " you reap what you sow". So ang payo ko lng sa ating lahat be stay positive, give more forget about recieving, make a list of your dreams TS for example.. be specific ha.. 1. I want a red porsche sports car , 2. I Want to have a seafood restaurant business, 3. I want to work as a computer engineer etc etc recite mo lng bago ka matulog at meditate lage kahit 20mins per day .. saka recite mo lng to every meditation " I have a wonderful
work in a wonderful way, I give a wonderful service with a wonderful pay"
 
Good Eve po sa inyo. May 1 year at almost 2 months na pala post ko na to.Thank you pala sa mga advices nyo at reactions may work na po ako now.Im working as Process Engineer in a Manufacturing Industry of Plastics.Ang natutunan ko sa problem ko is Never Give Up on everything, may time para sa atin lahat basta lang matuto maghintay.Salamat po ulet sa inyo.
 
haha... TS ayos madami na motivate pati na ako hehe...,,,di lang pala ako nagiisang minalas sa mundo hehe mabuhay ang single
 
girllfriend na lang kulang sa aken hehehe.salamat ulet sa inyo
 
college -9 years bago maka graduate
dami failed subjects
37 y/o, still single
3x failed sa board exam before makapasa last march 2017
8th straight job interview failed since january till now
minimum of 4 years of work experiences at 2 years of interval.

MAY PAGASA PABA AKO MAGKAROON NG CAREER AT MAGANDA BUHAY?
IM BROKE, LOW MORAL,LOOSING HOPE mga kasabayan ko may sarili ng family,bahay,sasakyan nasa abroad ako eto pa din wala nagbago.

From January to July 8th interview lang???
baka naman choosy ka TS sa paghahanap ng work?
Baka mataas ang ere mo kasi may license ka na?
try mo kayang mag apply kahit hindi related sa course mo ang trabaho.
wag mong isipin mga kasabayan mo, hindi ka nila iniisip!!!
just focus on your self, change your lowly attitude and try to re-think bakit hindi ka pumasa sa Interview.
Minsan kailangan mo ng konting swerte sa pag aaply. Just try and try and try makakahanap ka din ng work.
 
Dahil sa thread na to nabuhayan ako nang pag-asa reading some advices. Somewhat nka ka relate din ako sa experiences mo na napag iwanan na sa mga batchmates nuon na nakikita mo sa FB na mai sariling pamilya na at naging matagumpay sa buhay..umaasa parin ako na sana balang araw darating din sakin ang araw na yun. :pray: Mabuhay ka TS!
 
d ako mahilig mag comment pero mag cocomment ako..

naranasan ko mag apply at makapag trabaho sa isang fastfood chain
napakahirap ma-maliitin ka na parang napaka baba mong tao kapalit ng maliit na barya..
ang problema ko kasi nakagraduate ako pero hindi ko natapos ojt ko so wala din ako nakuhang diploma..
nag resign ako sa fastfood chain d ko natapos yung 6 months kasi grabe yung mga naunang crew kala mo boss mo eh katrabaho mo lang..

pagkatapos ko mag work dun. natuto ako mag search online kung paano kumita..
year 2010 yun.. simula nun till now.. sa online ako kumikita full time
70k - 300k / month pero kadalasan 70-100k lng kita ko kasi tamad ako hehe

kaya masasabi ko sayo wag ka mawalan ng pag asa humanap ka ng sariling diskarte mo sa buhay
walang umasensong na-ngamuhan.. isip ka kung san ka magaling dun ka mag simula ng pagkakakitaan mo..

KAYA MO YAN TIWALA LANG HINDI KA LAGI NASA BABA!
KUMILOS KA PARA MAY MANGYARI SA BUHAY MO!
 
hope in God Bro.. ang taong sa Diyos umaasa ay hindi mawawalan ng pag-asa.. "ilagak natin ang lahat ng ating kabalisahan sa Diyos sapagkat Siya'y nagmamalasakit sa atin! Have a good courage!!! God knows our heart and He knows our cries... Always talk to Him... He is prayer away... dont worry about 2moro.. God knows us and the longing of our hearts.. I'll pray for your bro... God Bless you!!!
 
Don't underestimate yourself just because nag fail ka eight times sa Job Interview. Remember, Most big bosses na dumaan sa history ng tao, the ones who made it happen ay mga college drop out! Sino? Bill gates, Steve Jobs, and so on. Kaya kung iniisip mo wala ka ng pag asa, napaka impossible ng iniisip mo sir.

Ganito nalang may iiwan ako sayong tanong. At paki tanong po ito sa sarili mo. Tapos balik ka sakin pag alam mo na yung sagot. Ano ba ang gusto mong gawin sa buhay mo para kumita ng pera? Anong klase ng work ba ang gusto mo? Saan ka passionate, saan ka sa tingin mo magiging masaya?

Ako call center naging work ko for more than a decade. Honestly speaking mahirap yung work and I hate yung fact na hindi normal tulog ko ng isang dekada ng buhay ko. Alam mo ginawa ko? Nag quit ako. Alam mo kung bakit kasi alam ko hini yun yung gusto ko. Nagtiis ako at pinaglaban ko yung gusto ko talaga.

Sino makapag sasabi, nasunod yung gusto kong work, at andito lang ako sa bahay nag wowork clients ko from canada. Ngayon masaya na ako kasi naniwala ako at hindi ako sumuko. May one time na susuko na dapat ako at parang gusto ko ng magpakamatay, pero naisip ko mali. Kaya sir tanongin mo sarili mo ano bang gusto mo mangyari sa buhay mo? Life is a choice. College drop out lang din po ako.
 
Good Eve po sa inyo. May 1 year at almost 2 months na pala post ko na to.Thank you pala sa mga advices nyo at reactions may work na po ako now.Im working as Process Engineer in a Manufacturing Industry of Plastics.Ang natutunan ko sa problem ko is Never Give Up on everything, may time para sa atin lahat basta lang matuto maghintay.Salamat po ulet sa inyo.

Ayun, may update na pala. Anyways sir, Congrats! God Bless and Good luck!
 
Licensed ka na kaya malaki advantage mo sa iba. May konting tips lang ako na pwede mo baguhin for self improvement.
1. Wag ka gagamit ng katagang "low moral" and "loosing hope" dahil negative sila at wrong spelling.
2. Try mo tanggalin ang pagiging inggitero at mag compare sa iba. Focus ka lang sa sarili mo.
3.wag ka maging choosy sa trabaho. Kailangan mo makaipon ng experience kahit hindi muna has to masyado malaki sweldo
May pinagaralan ka naman kaya sure ako hindi ka magugutom at pwede ka magkaroon ng disenteng buhay.
 
TS,
Basahin mo yung mga payo ng mga ka-mobilarian. I sum-up and collect all the helpful tips.
Dagdagan ko pa:

I'm also 37 yrs old. Married with 3 children.
Educational Attainment: Mechanical Engineering - Non License
Current Occupation: Safety Officer
Dating career path: Process Engineer to PM & Calibration Engineer

I suggest na mag safety officer ka. License ka, 3 years work experience (Level up ka na)
Kahit tumanda ka pa, need ka ng company. In demand ang safety officer sa Pilipinas.

Go to the nearest OSH Center sa region mo.
 
d ako mahilig mag comment pero mag cocomment ako..

naranasan ko mag apply at makapag trabaho sa isang fastfood chain
napakahirap ma-maliitin ka na parang napaka baba mong tao kapalit ng maliit na barya..
ang problema ko kasi nakagraduate ako pero hindi ko natapos ojt ko so wala din ako nakuhang diploma..
nag resign ako sa fastfood chain d ko natapos yung 6 months kasi grabe yung mga naunang crew kala mo boss mo eh katrabaho mo lang..

pagkatapos ko mag work dun. natuto ako mag search online kung paano kumita..
year 2010 yun.. simula nun till now.. sa online ako kumikita full time
70k - 300k / month pero kadalasan 70-100k lng kita ko kasi tamad ako hehe

kaya masasabi ko sayo wag ka mawalan ng pag asa humanap ka ng sariling diskarte mo sa buhay
walang umasensong na-ngamuhan.. isip ka kung san ka magaling dun ka mag simula ng pagkakakitaan mo..

KAYA MO YAN TIWALA LANG HINDI KA LAGI NASA BABA!
KUMILOS KA PARA MAY MANGYARI SA BUHAY MO!

sir anu po business ninyo sa online? bka pde share mo nmn samin pra makatulong din sa iba :)
 
Ang galing ng advice dito. Ako, wala ako trabaho. Everytime gusto ko mag apply, lagi sinasabi sa akin na bawal ako magtrabaho. Babae ako e.

It seems gusto ituro sa akin na maging housewife. Lagi ako hindi nakakapasa dahil lagi ako dinidiscourage. Andoon ang times na nag argue na kami.

Wala ako kakampi. Sila ang nagdidictate kung ano ang gusto nila. Andoon na gusto ko na magpakamatay. E religious ang mom ko. Ang mindset kase ng mom ko ay to be submissive at subservient to husband, kaya most decision ng dad ko ay sinusunod niya.

Nang nagnegosyo ako sa online at hindi ko kaya mag isa, nagpatulong ako sa mama ko. Sabi niya, hindi niya magawa at keyso busy pero nang nag request ang dad ko na magbusiness ang mama ko sa province ay sabay oo agad. Gusto pa ako isama sa province, e ang gusto ko sa Manila dahil meron ako pangarap sa Manila.

Sa loob-loob ko nga ay akala ko busy siya. Parang unfair ata, hanggang tinigilan ko na ang lahat. Ngayon, nagkaisip ako na mag apply sa trabaho ay hindi ako makapasok-pasok.

Wala ako kakampi. Ngayon, habang binabasa ko ang post dito ay nakaka engganyo talaga dahil hindi sila nag gigive up, kaya nakakakuha sila ng trabaho.

Ganun pa man, struggle pa rin ang life ko na hanggang ngayon, wala pa rin ako pera. Lumalaban ako. Noon nang nalaman ng classmate ko na babae ang sitwasyon ko, sabi pa naman sa akin "o sige, mas mabuti diyan ka na lang sa bahay. Sundin mo ang parents mo".

Ngek.

Babae ang classmate ko.

Sabi ko nga, para sa akin, maswerte pa rin ang lalake. Sana naging lalake na lang ako.
 
Last edited:
college -9 years bago maka graduate
dami failed subjects
37 y/o, still single
3x failed sa board exam before makapasa last march 2017
8th straight job interview failed since january till now
minimum of 4 years of work experiences at 2 years of interval.

MAY PAGASA PABA AKO MAGKAROON NG CAREER AT MAGANDA BUHAY?
IM BROKE, LOW MORAL,LOOSING HOPE mga kasabayan ko may sarili ng family,bahay,sasakyan nasa abroad ako eto pa din wala nagbago.

Ako rin bossing, same tayo ng situation..i'am a late bloomer kumbaga. 40 years old na ako bago nakapag asawa. although nakapag work abroad ako sa saudi and last ko is 2009 pa. 2010 namatay ang father ko since then hindi nako ulit nakapag work at natatanggap sa trabaho.mag te-ten years nako next year na unemployed. lagi akong down at depressed but still i keep on praying at hoping na dadating parin yung time at swerte para sa akin at pra sa asawa ko. even call center jobs i've tried to apply before pero lagi ako failed. theres still hope sabi nga nila, kaya pray nalang ako ng pray kay god na sana dumating na ang para sakin and until now hindi ako nawawalan ng pag asa sa buhay.laban lang mga bossing at matinding panalangin. uu nga pala, may asawa ako pero nasa ibang bansa sya pero hindi ako umaasa at hindi rin ako humihingi ng pera sa knya kasi nag uumpisa palang kami,single mom at may 3 anak siya sa una nang nakilala ko sya at pinakasalan. tuloy-tuloy lang mga bossing at wag mawawalan ng pag asa:hello::salute:
 
Back
Top Bottom