Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

May hope paba ako makapagwork ?

college -9 years bago maka graduate
dami failed subjects
37 y/o, still single
3x failed sa board exam before makapasa last march 2017
8th straight job interview failed since january till now
minimum of 4 years of work experiences at 2 years of interval.

MAY PAGASA PABA AKO MAGKAROON NG CAREER AT MAGANDA BUHAY?
IM BROKE, LOW MORAL,LOOSING HOPE mga kasabayan ko may sarili ng family,bahay,sasakyan nasa abroad ako eto pa din wala nagbago.

Sir nevergiveup12, never give up. Hehehe.

Sadyang ganyan talaga ang buhay. Una-una lang yan. Hindi naman porket nahuli ka na, hanggang dyan ka na lang sa kinalalagyan mo. Darating at darating din yung para sayo at baka kapag dumating yun, ma-overwhelm ka. Tuloy-tuloy lang ang laban ng buhay.

Ako nga:

I'm on my late 20s already, single at nag-aaral pa din. Although fourth year naman na ako at konting-konti na lang ang kinukuha ko. Hopefully and in God's will, makakapagtapos na ako sa wakas by next year. Hirap kasi ng pahinto-hinto. Mahirap din talaga pagsabayin ang pag-aaral at pagta-trabaho.

May work experience naman na ako, at currently nagwo-work as a freelance computer technician (hardware / software), marunong din sa graphic design / arts, at iba pang sideline jobs na related sa IT. Pero di ko feel na experience yun kasi mas prefer ko talaga kumuha ng work experience sa corporate level.

Napakarami ko ding atraso sa mga magulang ko dahil sa napakaraming maling desisyon na ginawa ko nung kabataan ko (although hindi pa naman ako ganun katanda). Kaya gusto kong ayusin ang buhay ko at makabawi sa mga nagawa nila sa akin.

Ramdam ko yang ganyang feeling na yung mga kaibigan mo naunahan ka na. Sila may mga sarili ng pamilya, tapos ikaw nakatira ka pa din sa parents mo. Magaganda na ang work nila, yung iba nasa abroad pa at malaki ang mga sahod, may mga sasakyan, may mga sari-sarili na silang bahay, nabibili na nila ang lahat ng gusto nila, at marami pang iba. Samantalang ikaw, ganyan pa din. Ilang taon na ang dumaan pero wala pa ding pagbabago sa buhay mo.

Yang mga ganyang thoughts ang madalas na umiikot sa utak ko na nagiging dahilan para mawalan na ako ng pag-asa. Kaya dati parang kuntento na ako sa kung anong meron ako. Dumating pa nga sa point na parang ayoko na mag-asawa. Hahaha.

Pero ayun, nung time na parang wala na lang talaga. May isang tao na dumating sa buhay ko na nagpabago sa lahat. Para siyang driving force na para bang kung hindi ko aayusin o babaguhin ang buhay / gawi ko sa buhay, malamang sa malamang malabo ko siyang maabot. Alam mo yung ganun? Basta, medyo mahirap i-explain, pero masasabi ko na malaking pagbabago talaga ang idinulot ng taong ito sa akin. Lahat, masasabi ko na puro positive changes ang nangyari sa akin.

Baka ganun din lang ang kailangan mo, sir nevergiveup12. Isang tao maaaring mag-boost sa pagkatao mo. Kaya naman gaya ng sabi ko, tuloy-tuloy lang ang laban. Wag kang mawawalan ng pag-asa. Dahil sabi nga nila, habang may buhay may pag-asa. Napakasarap mabuhay kahit sobrang dami at hirap ng problema.

Carry on lang, sir nevergiveup12! God Bless!

Fighting!
 
wala na kung aasa ka lang hanap ka meron yan malaki ang karagatan...
 
Maswerte ka pa din ts kasi me work ka.sipag at tyaga lang..
 
yung bunso namin naunahan na ako mag asawa at mag-anak..
dami pa sakit na nararamdaman sa sobra stress, depress na ata ako kasi feeling ko sobra iwan na ako pag natingin sa FB lalo nalulungkot pag makikita mo mga post ng ka batch mo masaya nasa ibang bansa, may mga anak, mga asawa,new things,nasa restaurants, etc..ako like lang ng like, hayyy..ni bago cp di makabili or makapag jollibee man lang..
Dami kona nauubos na pamasahe, pang pa print ng CV, pa xerox wala pa din.yung effort sa pag apply puro effort na lang ata, 20x na ata ako bigo sa application ko.nakuha kona tumaya sa lotto at sa go bananas baka sakali manalo hehehe2x. Ito na ata ang kapalaran ko.nevergiveup pinili ko username para ma motivate ko sarili ko.hanggang kailan pa ako ganito.sana bago matapos ang taon magkaroon nako ng work.still not loosing hope.but almost giving up...
 
Kaya yan T.S, just be prepared(really prepared) during interview. :)
 
Masyado pan'g maaga para sumuko T.S... Hindi ka nag-iisa sa mga ganyang klase ng pinagdadaanan. Ang mahalaga wag kan'g susuko. Ako, kapag alam ko'ng na-le-letdown sa mga nangyayari sa buhay ko. Iniisip ko, 'Bakit nga ba ko nagsimula?'. Kung naiinggit ka sa mga ka-batchmate mo dahil sa estado na nila sa buhay sa ngayon, sa mga nakikita mo sa social media, mas maganda kun'g ide-activate mo muna yan. Time to improve yourself. As for me, Every 6 months, may pinaglalaanan ako'ng 2 months para sa tinatawag na "Self-Improvement Month". Kadalasan nagbabasa ko ng libro, motivational quotes, inspirational movies, o kaya mag-unwind sa mga lugar na ako lang mag-isa, then take time to breathe and kausapin ang sarili ko na "Kamusta?, Kaya pa ba?" Medyo weird pero, sarili lang din natin ang makakatulong satin, not others. Andyan lang sila, pero ikaw pa rin ang mag-de-decide sa bawat action na gagawin. Another is, kapag nanunuod ako ng mga movie na nakakainspire para i-pagpatuloy ang buhay, madalas sa madaling-araw ako nanunood, paran'g ganado ang mind at body ko na gawin ang dapat gawin sa araw na yan. Kaya mo yan, sabi nga sa isang movie " You're worried about your destiny?, Then WRITE a NEW One". Hindi pa huli ang lahat. Nasa sayo yan, kung magpapaagos ka sa daloy ng tubig, o ikaw mismo ang gagawa ng sarili mo'ng daloy para umagos pa lalo... ALL IS WELL!
 
college -9 years bago maka graduate
dami failed subjects
37 y/o, still single
3x failed sa board exam before makapasa last march 2017
8th straight job interview failed since january till now
minimum of 4 years of work experiences at 2 years of interval.

MAY PAGASA PABA AKO MAGKAROON NG CAREER AT MAGANDA BUHAY?
IM BROKE, LOW MORAL,LOOSING HOPE mga kasabayan ko may sarili ng family,bahay,sasakyan nasa abroad ako eto pa din wala nagbago.

Syempre meron pa bro, maganda pa nga yan eh graduate at naka pasa ka na ng board. Sipagan mo lang pag job hunting bro. Ako undergrad 3rd year IT, naka hanap ako ng work purchaser ng isang construction firm. Eto, nakasasakyan na at nabili ko na yong pangarap kong dog breed --chowchow (ang babaw noh? LOL),.. at tsaka dapat be confident sa skill mo bro. Huwag mong isipin kong ano na yung mga kasabayan mo. Ako nga eh before, kahit anong work pinasukan ko (legal ha), may isang work dun sweldo ko 100/day lang, bookkeeping clerk (shocks...) almost 4 years din ako doon lol while nag aaral ako bale pag may vacant time lang ako dun nag duduty, sobrang liit ng sweldo pero isip ko for experience na rin, then yun na nga may opportunity dumating, grinab ko na, Mag cocontinue na ako ng pag aaral ko next year opening.

TLDR; Sipagan mo lang, be confident, at syempre dapat happy ka sa work na makukuha mo.
 
..HABANG MAY BUHAY MAY PAG.ASA.. Pray ka lang po.. May dahilan din yan kung bakit.. Wag ka lang mawalan nang pag.asa.. Magbalik ka sa Dios if ever nakalimotan mo sya.. magdasal ka... Remember God provides all our needs not our wants.. :)
 
college -9 years bago maka graduate
dami failed subjects
37 y/o, still single
3x failed sa board exam before makapasa last march 2017
8th straight job interview failed since january till now
minimum of 4 years of work experiences at 2 years of interval.

MAY PAGASA PABA AKO MAGKAROON NG CAREER AT MAGANDA BUHAY?
IM BROKE, LOW MORAL,LOOSING HOPE mga kasabayan ko may sarili ng family,bahay,sasakyan nasa abroad ako eto pa din wala nagbago.

Hi bro,
wag k mawalan ng pag-asa.. eto lng simple sagot mo sa mga questions sau n hindi mo masagot during interview, "That you are willing to be trained, and your patient enough to be trained same as ng pag ttyaga mo sa school and board exam. (Yung tipong habang cnasabi mo yan e nakatingin k dun sa interviewer para maramdaman nya sincerity mo)"
 
wag mawalan nang pag asa boss.... anjan yung bitcoin walang pinipiling edad..search mo lang kung paano kumita...may internet ka naman seguro... malaki ang kita sa bitcoin kung alam mo yung kalakaran..kung wala kang puhunan sipag at tyaga lang puwede na...... pag aralan mo lang tyak kikita ka...
 
Dont lose hope Sir,. everything may reason, baka riniready ka sa tamang opportunity sayo. tyaga lang at tiwala sa sarili. darating din opportunity mo.
 
Payo ko lang sayo, wag ka muna masyado maging choosy sa work. Maghanap ka muna experience. pag nakagather ka na, saka ka sumubok dun sa gusto mong work. :)
 
Open minded ka ba? Gusto mo ba yumaman? pwes! may pag asa pa! tiwala lang sa sarili.
 
college -9 years bago maka graduate
dami failed subjects
37 y/o, still single
3x failed sa board exam before makapasa last march 2017
8th straight job interview failed since january till now
minimum of 4 years of work experiences at 2 years of interval.

MAY PAGASA PABA AKO MAGKAROON NG CAREER AT MAGANDA BUHAY?
IM BROKE, LOW MORAL,LOOSING HOPE mga kasabayan ko may sarili ng family,bahay,sasakyan nasa abroad ako eto pa din wala nagbago.

ilang buwan na rin nakalipas simula na post mo to ts. Gaganda ng mga advice. Sana ok ka na. :)
 
Masyado pan'g maaga para sumuko T.S... Hindi ka nag-iisa sa mga ganyang klase ng pinagdadaanan. Ang mahalaga wag kan'g susuko. Ako, kapag alam ko'ng na-le-letdown sa mga nangyayari sa buhay ko. Iniisip ko, 'Bakit nga ba ko nagsimula?'. Kung naiinggit ka sa mga ka-batchmate mo dahil sa estado na nila sa buhay sa ngayon, sa mga nakikita mo sa social media, mas maganda kun'g ide-activate mo muna yan. Time to improve yourself. As for me, Every 6 months, may pinaglalaanan ako'ng 2 months para sa tinatawag na "Self-Improvement Month". Kadalasan nagbabasa ko ng libro, motivational quotes, inspirational movies, o kaya mag-unwind sa mga lugar na ako lang mag-isa, then take time to breathe and kausapin ang sarili ko na "Kamusta?, Kaya pa ba?" Medyo weird pero, sarili lang din natin ang makakatulong satin, not others. Andyan lang sila, pero ikaw pa rin ang mag-de-decide sa bawat action na gagawin. Another is, kapag nanunuod ako ng mga movie na nakakainspire para i-pagpatuloy ang buhay, madalas sa madaling-araw ako nanunood, paran'g ganado ang mind at body ko na gawin ang dapat gawin sa araw na yan. Kaya mo yan, sabi nga sa isang movie " You're worried about your destiny?, Then WRITE a NEW One". Hindi pa huli ang lahat. Nasa sayo yan, kung magpapaagos ka sa daloy ng tubig, o ikaw mismo ang gagawa ng sarili mo'ng daloy para umagos pa lalo... ALL IS WELL!
sir ME din ba ang course mo?
 
Back
Top Bottom