Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[Novel] Umuuga Ang Kama (Complete 1-18)

photo credit to Eijei Meyou​

Chapter 1

"I've been waiting for this for years..."

Umuuga ang kama sa sobrang bilis at lakas ng ritmo ng dalawang magkasintahan. Halos dalawang taon ring hinintay ni Anjo ang pagkakataong ito, ang maramdaman ang pagpapaligaya ng kanyang kasintahan. Mga impit na ungol lamang ang iyong maririnig galing sa magkadikit na labi ng nagmamahalan. Mga hawak at haplos na talaga namang nakakapang-init ng katawan. Napapa-arko pa ang likod ni Arianne sa bawat pagdausdos ng isang bisita. Hawak ni Arianne ang kanyang buhok at gustong sabunutan ang sarili at ang katipan sa nakakabaliw na sensasyon na kanyang nararamdaman. Nalilito rin siya kung sa likod ba nito siya kakapit para lalong magdikit ang kanilang katawan o sa balikat nito upang makontrol niya ang bilis ng paggalaw nito. Talaga namang hindi matatawaran ang sarap na dulot kapag mahal mo ang iyong kapareha. Tirik matang inilabas ni Arianne ang kanyang pinipigilang ungol kasabay ng pagsambit ng pangalan ng kapareha ay siyang pagputok ng daan papuntang langit.

Umuuga uli ang kama sa isa pang umaatikabong bakbakan, ika nga sa boxing, round 2. Hindi mapigil ng dalawa ang kanilang pagniniig kasabay ng paghalik ng dilim ng gabi. Iba't-ibang pwesto ang kanilang ginawa upang masulit ang oras ng ligaya. Hindi magkamayaw sa paghiyaw si Arianne na parang mababaliw, hindi niya malaman kung dahil ba sa hirap o sa sarap na kanyang nararamdaman.

"Umuuga ang kama." sambit ni Arianne nang makaramdam ng paggalaw nito.

"Baka mahina ang pagkakagawa ng kama para sa atin." pagbibiro ni Anjo.

"No. Seriously, umuuga nga."

"Baka naman lumindol lang? Hindi ko man naramdaman eh." sagot naman ni Anjo na halatang pagod sa pagkakahiga nito. Ipinagkibit balikat na lamang nila ang naramdaman. Bagong lipat dito sa bago nilang bahay ang magkasintahan matapos magpropose ni Anjo kay Arianne sa isang restaurant. Inakala niyang simpleng date lamang ito at talaga namang nasorpresa siya. Hindi naman itinatanggi ni Arianne na mahal na mahal niya ang nobyo at ganoon din si Anjo sa kanya kaya nagpaalam na sila sa kanilang magulang na bumukod upang lumagay sa tahimik. Nakapikit na ninamnam ni Arianne ang alaala.

>

"Bakit parang ang ganda naman ng date natin?" tanong pa ni Arianne noong tumigil ang kotse ni Anjo sa isang mamahaling restaurant. Sa labas pa lamang ay puno na ng ilaw at palamuti ang paligid lalo pa pagpasok nila sa loob. Tumutugtog ang violin at piano kasabay ng pintig ng kanilang puso.

Hindi na nahintay pa ni Anjo ang makaupo sila sa kanilang reserved na upuan. Pagsara ng automatic na sliding door ay lumuhod sa harapan niya si Anjo. Akala mo'y magpupunas lang ng sapatos sa una pero doon pala niya tinago sa medyas niya ang regalong singsing. "Arianne Gutierrez, I love you more than a music can touch your heart. I hear the melodies playing and saying, marry me."

Walang masabi si Arianne sa dialog ng nobyo, hindi niya namalayan na pumatak na pala ang luha niya. "Parang hindi bagay ang suot ko sa engrande mong proposal." sabi na lang niya at ngumiting binitin ang sagot sa nobyo.

"Surprise is a surprise. You'll look more beautiful in our wedding day." sagot naman ni Anjo na hindi pa rin tumatayo sa kanyang harapan, hawak ang kamay ni Arianne. Parang nagtataka na ang itsura ni Anjo dahil sa tagal ng sagot ni Arianne.

Bago pa mawala ang ngiti ng nobyo ay sinagot na niya ito. "Yes!" kasabay ng pagsuot ng singsing na tanda ng engagement nila ay ang pagbuhat sa kanya ni Anjo sa sobrang excitement. "Uy! Ibaba mo ako, andaming tao." sabi pa niya at hinampas ng konti ang dibdib ni Anjo.

Ibinaba lang siya nito nang marating nila ang kanilang upuan. "I'm just so happy." sabi nito at kahit hindi niya sabihin ay halata sa mukha niya ang sobrang saya.

"Nahihiya tuloy akong tumingin sa kanila."

"`Wag kang mahiya." sabi ni Anjo at ngumiti. "Everyone!" sigaw nito.

"Huy!" pigil niya pero may ngiti sa mga labi niya.

"I'm going to marry this woman in 4 months! Everyone is invited!" palakpakan ang lahat at itinaas pa ang basong hawak nila bilang toast. Ang iba ay nag-iingay na gamit ang kutsara na mahinang idinidikit sa baso. "They request a kiss."

"Ikaw kasi eh." sabi nito na abot tainga ang ngiti. Unti-unting lumapit ang mukha ni Anjo sa kanya. A sensational kiss was made by loving couples. Dahan-dahang nagdikit ang labi nila at ilang segundo ring magkadikit. Hindi man madiin pero tamang-tama para maramdaman ang pagmamahalan ng dalawa. Nakapikit nilang ninamnam ang mga segundong palitan ng halik at kalauna'y makakasanayan na nila sa kanilang pagtanda.

Rinig ang palakpakan ng mga tao. May ilan ding couples na sumabay rin sa kanilang halikan. Ilang minuto pa'y bumalik na ang lahat sa normal at mind your own business na.

"After 2 months pwede na tayong lumipat sa bago nating bahay. Yung pareho nating ipinundar." umpisa ni Anjo sa usapan.

"Ha? Eh kailangan muna nating sabihin kila Mama at Papa."

"Sinabi ko na sa kanila. We've been 5 years in a relationship and 2 years getting to know each other kaya ok na sa kanila na bumukod tayo." sabi nito at sumubo sa kanyang panghimagas.

"You sure?"

"Honey, hindi ka pa ba nagtitiwala sa akin?" ngiti ni Anjo.

"Hindi naman sa ganoon. Gusto ko rin naman pero-"

"2 months pa Arianne. Pwede mong tanungin ang parents mo at para maging ready ka na rin."

Ngumiti si Arianne. "Thank you. You've been toooooooo patient for me." sabi nito at kinurot sa pisngi si Anjo.

"That's how I love." sagot naman ni Anjo at dinampian ng halik ang nakanguso pang labi ni Arianne.

"Kiss thief!" pabirong sabi ni Arianne. "Hindi ka na nagbago."

"Masarap kasi kapag nakaw ang halik galing sa'yo."

"Baket? Hindi ba masarap kapag nagpaalam?" She gave him a naughty grin.

"Ok you win." ngiti nito na may konti pang pag-iling. "As always."

Napuno ng tawanan at biruan ang gabi. Umapaw naman ang pagmamahalan at kagalakan, hindi nila alam na susubukin ang matibay nilang relasyon.

>

"Round 3?" sambit ni Anjo nang makapagpahinga.

Ngiti lang ang kailangang sagot ni Anjo upang ipagpatuloy ang pagpapaligaya sa kanyang mahal. Pumaibabaw siya rito at dinama ng kanyang kamay ang bawat kurba ng katawan ni Arianne. Lahat ng parte ay kanyang hinalikan mula ulo hanggang hmm... paa. Hindi maawat ang paglilikot ng katawan ni Arianne sa bawat dampi ng labi ng nobyo, hindi siya mapakali at hindi niya alam kung saan ba ibabaling ang ulo.

Sa kanyang pagbaling ng ulo ay parang may naaninag siyang isang anino. Isang imahe ng isang babae na nakatingin kay Arianne. Napapikit siya ng maramdaman muli ang kanyang bisita, pagmulat niya ay wala na ang imaheng nakita niya kanina. Ang anino na kanina'y nakatingin ay nawala na lang. Pinunasan niya ang pawis na humaharang sa kanyang mata para maimulat na niya ang kanyang mata. Pero wala na talaga ang aninong kanina'y nakatitig lang sa kanya. Nawala sa kanyang isipan ang nakita nang maramdaman ang panibagong paputok para sa kanilang bagong buhay magkasama ni Anjo.

"My turn." sabi niya nang umibabaw si Arianne kay Anjo para maging kapanapanabik ang nangyayari. Parang hinete si Arianne ngayon na habol ang hininga sa pagiging wild niya sa kanyang nobyo. Gustung-gusto naman ni Anjo ang nangyayari hawak ang baywang ni Arianne upang kanyang gabayan sa kanilang ritmo. Napakaingay ni Arianne pero nagugustuhan ito ni Anjo, hindi porque maingay sa kama ay matuturn-off na siya. Hindi ang Arianne na wild ang kanyang minahal kundi ang napakabait at positibong tingin nito sa mundo. Sino ba ang hindi mamahalin si Arianne?

Pagod na pagod si Arianne nang maramdaman ang rurok ng tagumpay. Tagumpay sa pagpaparamdam ng pagmamahal niya sa kanyang nobyo. Bagsak ang kanyang katawan sa ibabaw ni Anjo at nakabitin ang kanyang isang kamay sa gilid ng kama. Parang may malamig na bagay ang dumampi sa kamay ni Arianne dahilan upang mapaigtad siya at maghiwalay ang katawan nilang dalawa.]

"May problema ba baby?" takang tanong naman ni Anjo habang nakitang gulat na gulat ang nobya habang hinihimas ang kamay na parang dinampian ng malamig na bagay.

"May... may dumampi sa kamay ko." sagot naman ni Arianne.

"Honey, baka pawis lang natin `yon." sabi ni Anjo sabay ngiti at punas ng kanyang pawis. "Tumatagaktak pa. Para tayong naligo sa ulan." pagpapatuloy niya at niyakap ang takot na nobya.

"Hindi eh. Parang-"

"Hon, c'mon. Wala kang dapat ikatakot." sabi nito at hinalikan ang nobya. Dampi lang ng labi ni Anjo ay nakakaluwag na ng pakiramdam ni Arianne. Hindi na kailangan pang magsalita nito.

"Siguro nga. You'll take care of me `di ba?"

"Yes. 2 months na lang at ikakasal na tayo and I'll take care of you for the rest of my life."

Arianne felt safe. Safe in Anjo's arms. "Let's sleep. Pahinga na tayo, naghahallucinate na siguro ako."

"You almost drained me. You're awesome! Dehydrated na yata ako." ngiti ni Anjo.

Parehong nagpahinga ang dalawa na may ngiti sa mga labi. Pero si Arianne, hawak pa rin ang kanyang kamay. Sigurado siya na may dumampi sa kanyang kamay at pikit mata niya itong kinalimutan.

~itutuloy

Chapter 1, 2, 3 - Page 1
Chapter 4, 5 - Page 2
Chapter 6 - Page 3
Chapter 7 - Page 4
Chapter 8, 9, 10 - Page 5
Chapter 11 - Page 7
Chapter 12 - Page 8
Chapter 13 - Page 10
Chapter 14 - Page 11
Chapter 15 - Page 14
Chapter 16 - Page 15
Chapter 17 & Last Chapter - Page 17

http://acwrites.blogspot.com
 
Last edited:
Re: Umuuga Ang Kama 10 (On-going)

update ulit!!!!
 
Re: Umuuga Ang Kama 11 (On-going)

Wow galing po talaga TS..kakabitin...nakakainis yung moomoo..di pa sya mamatay..hehehe ay patay na pala.. :rofl:
 
Re: Umuuga Ang Kama 11 (On-going)

ganda..kaya lang nabitin aq..
..hehe:dance:
..gling tlaga TS..:clap:
 
Re: Umuuga Ang Kama 11 (On-going)

Syempre hanggang dulo to..kaya tapusin na yan..Tapusin tapusin tapusin.. :yipee:
 
Re: Umuuga Ang Kama 11 (On-going)

tapusin! :protest:

:lol:
 
Re: Umuuga Ang Kama 11 (On-going)

ganda ng istorya TS. sana update na agad. tnx
 
Re: Umuuga Ang Kama 11 (On-going)

Ts, kakabitin! Tapusin n yan. . .
 
Re: Umuuga Ang Kama 11 (On-going)

:thumbsup:t.s. take your time..maganda ang kwento..at ok yong may inaabangan ka na babasahin..hehehe..
Syempre hanggang dulo to..kaya tapusin na yan..Tapusin tapusin tapusin.. :yipee:
 
Re: Umuuga Ang Kama 11 (On-going)

ts i salute you for this well written piece..hehe kanina ko lg nbasa at hindi p ako nkapaglunch dahil tinapos ko.. hehe update n ts.. thank u..
 
Re: Umuuga Ang Kama 11 (On-going)

:excited: i keep on visiting this page everyday.. hoping na may update na...i knew ts is working on it..hehehe..
ts i salute you for this well written piece..hehe kanina ko lg nbasa at hindi p ako nkapaglunch dahil tinapos ko.. hehe update n ts.. thank u..
 
Re: Umuuga Ang Kama 11 (On-going)

Ts tapusin mu na po. . . Exciting ehh
 
Re: Umuuga Ang Kama 11 (On-going)

ts update na please.....
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

Chapter 12

"Anjo..."

"Anjo..."

Paulit-ulit na sambit ni Arianne habang siya ay natutulog. Hinayaan lang siya ng kanyang nurse na patuloy pang matulog. Nakangiti lang ito dahil nararamdaman niya na love is in the air kahit na parehong may dinaranas na hirap ang magkasintahan. A dream fairy tale ng isang babae ang magmahal ng isang taong handa kang ipaglaban hanggang sa huli niyang hininga, yung sweet na hindi corny, yung tapat at hindi nagsisinungaling at lagi niyang pinaparamdam na mahal ka niya hindi lang sa pamamagitan ng halik kundi sa iba pang mga bagay na ikinasosorpresa ng babae. Pangarap rin ng lalake na magmahal ng isang babaeng tatanggapin siya sa kung anong meron siya at handang magtiis sa kanyang kakulitan. Yung handa siyang pagkatiwalaan sa anumang oras, lagi ko ngang sinasabi sa mga nanghihingi ng advise ang kasabihang ito, "To trust you is my duty, to prove me wrong is your choice."

"Sana maging ganito rin katibay ang love story ko." kinikilig pang sabi ng nurse.

"Nurse..." gulat pang nagreact ang kanyang nurse na akma nang aalis. Matapos ang tatlong oras ng aksidente ni Benjie ay tulog pa rin si Arianne at ngayon lang gumising. "Buhay pa pala ako." pagpapatuloy niya.

"Oo nga po ma'am eh, bakit niyo kasi naisipang lumabas ng kwarto niyo?" sagot ng nurse.

"Si Benjie! Nasaan siya! Aray!" pabigla siyang bumangon pero sumakit ang kanyang likuran.

"Ma'am, `wag muna kayong masyadong maggagagalaw baka mabigla ang lukod niyo. Bahala ka, mauuna pang gumising si sir Anjo sa inyo." pagbibiro ng nurse.

Napatingin naman agad si Arianne kay Anjo. Humihinga pa ito, pero napakalalim pa rin ng tulog. Napabalikwas uli si Arianne nang makitang gumalaw ang daliri ni Anjo. "Nurse! Nakita mo ba yun? Gumalaw ang daliri niya." maluha-luha pa niyang sabi.

"Opo ma'am. Subukan niyo siyang kausapin." lumapit ito kay Arianne upang alalayan siya.

"Anjo..." nangingilid ang kanyang luha. "Naaalala mo ba, noong una tayong nagkita?" sabi nito habang hawak ang kaninang kamay kung saan gumalaw ang daliri ni Anjo. "Nabangga kita pero ikaw pa ang humingi ng sorry sa'kin. Tatanga-tanga kasi ako, pero alam mo, lalo akong napatanga noong abutin mo yung kamay mo at magpakilala." napapangiti si Arianne kahit na sumisinghot ng sipon at naluluha. "Tatawa-tawa ka pa noong sinabi mong para akong nakakita ng artista, akala ko mayabang ka noon. Makulit ka rin kasi kaya `di nagtagal nakilala kita. Nakilala ko ang taong dahilan ng pagtibok ng mabilis ng puso ko. Ang taong dahilan ng pagngiti ko mag-isa. Ang lalakeng nagpakilig sa akin kahit na hindi ako umiihi. Ngayon lang ako nahirapan ng ganito dahil nakikita kitang naghihirap. Anjo, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin. Pakiusap, gumising ka na. Hindi ako sanay ng wala ka na umaalalay sa akin kapag nahihirapan ako. Please..."

Sa haba ng pagdadrama ni Arianne ay walang naging tugon si Anjo. Malalim pa rin ang kanyang tulog, hindi na malaman ni Arianne kung paano iiyak, kung parang sanggol ba na umaatungol o tahimik na lang na ilalabas ang luha.

"Kasama niyo ho ba yung naaksidente kanina sa tapat?" pag-iiba ng usapan ng nurse. Hindi kasi niya mapigil ang pagtulo ng kanyang uhog kasabay ng kanyang luha dahil nadadala siya sa nararamdaman ni Arianne. Ramdam niyang galing sa puso ni Arianne lahat ng sinabi niya kanina.

Pinunasan ni Arianne ang luha, "Oo, kumpare ko siya. May importante siyang dapat sabihin kaya napalabas ako ng kwarto at-" nagulat siya nang maalala ang mukha ng babaeng may pilat bago siya mawalan ng malay.

"Bakit po?" takang tanong ng nurse.

"Ah... Kamusta ang lagay niya?" Hindi niya malaman kung paano itatanong dahil alam niyang namatay na ito sa sobrang lala ng kanyang dinanas.

"Critical po ang lagay niya pero buhay pa siya. Nakatulong po na dito lang siya sa harap nadisgrasya dahil agad siyang naasikaso ng mga doktor. Milagro na pong maituturing ng mga doktor ang pagtagal niya ng limang oras. May dalawang oras pa bago siya mamatay, gusto niyo siyang bisitahin? Ako ang bahala." Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa mga salitang ginamit ng nurse na ito. Parang normal lang sa kanya ang sabihing mamamatay na ang isang tao. Hindi man lang nagdahan-dahan.

"Pero hindi ko maiiwan si Anjo."

"Kayo ho ang bahala." pagkasabi nito ay nagring ang cellphone ng nurse. "Hello? Oo. Ok sige."

"Ma'am, hanap raw kayo ng lalakeng naaksidente kanina."

"Pero si Anjo..."

"Ma'am, naghihingalo na yung tao pero kayo ang hinahanap, malamang importante ang sasabihin sa inyo okaya-"

"WALA NANG MAS IMPORTANTE PA KAY ANJO!" mariing sabi ni Arianne. Parang isang empleyadong nasermon ng kanyang boss ang nurse sa pagkagulat. Hindi siya makapagsalita at hindi siya makagalaw.

Nakatitig lang si Arianne kay Anjo habang hinihimas ang ano niya, yung buhok. Parang tanda ng pag-aalala ni Arianne at pagkasabik na sana'y magising na ito. Ilang minuto rin na ang katahimikan ang naghari bago muling sibakin ito sa pwesto ni Arianne.

"Sino ang nagpasok sa akin dito sa kwarto noong nawalan ako ng malay sa pasilyo?" tanong ni Arianne.

"Ah... Nakita ko ho kayong bumagsak kaya nagpatulong ako sa mga lalakeng nurse." sagot nito.

"Hindi ba ako nawala sa paningin mo kahit saglit lang?"

"Hindi ho, lumingon lang ako pero may nakita agad ako na makakatulong."

"Wala ka bang nakitang kakaiba?" mahinang tanong ni Arianne.

"Ho? Ah-eh... Wala naman po."

"Gano'n ba?"

"Nagtataka lang ho ako kasi parang may tinitignan kayo sa harapan niyo bago ko nakitang bumagsak ng tuluyan ang ulo niyo."

"Hindi mo siya nakikita?" nagsimulang kilabutan ang nurse sa mga sinasabi ni Arianne.

"Sino ho?"

"Siya." sabay turo sa may pinto pero walang nakikita ang nurse. Natatakot na siya. Nagsimula ng manginig ang kanyang mga tuhod.

"W-wala naman po akong nakikita eh."

"Kaya hindi ko maiiwan si Anjo kahit na anong mangyari!" sa simula ay halos pabulong lang ang kanyang sinasabi pero nagtapos ang kanyang pangungusap sa isang malakas na punto. Kasabay nito ang pag-ihip ng malamig na hangin na naramdaman ng nurse. Tinignan niyang muli ang kanyang cellphone para tawagan muli yung kanina para sabihin na ayaw umalis ni Arianne pero wala itong signal.

"Ano po ba ang ginagawa niya doon?" takot na tanong nito kay Arianne.

"Nakatitig lang sa atin." Kitang kita ng nurse ang seryosong mukha ni Arianne na parang nagsasabing, 'Hindi ko pababayaan si Anjo.' Wala siyang maamoy na kahit na kaunting amoy ng pagkatakot mula rito, purong halimuyak ng pagmamahal ang bumabalot sa kwarto. Pero siya kulang na lang ay maihi siya sa takot, ni ayaw niyang gumalaw dahil baka isang galaw lang niya ay mahimatay na siya o ikamatay pa niya.

Nagring muli ang cellphone ng nurse. Mukhang may signal na siya. Tumingin muna siya kay Arianne na para bang nagtatanong kung ano ang gagawin.

"Sige, sagutin mo, wala na siya." sabi naman nito na parang nagkaintindihan.

Pinindot niya ang answer, "Hello. Ok."

"Ma'am, wala na raw po siya. May pinapasabi raw sa inyo, bisitahin niyo raw ang bahay niya paggising ni Anjo. Yun lang po."

~itutuloy

salamat po sa mga masugid na naghihintay ng update..pasensya na hindi ko nasasagot ang mga comments niyo..:D salamat sa suporta.. :salute:
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

:clap::thumbsup: galeng talaga....salamat ts..waiting again for the next update hehehe..God bless..

TS tapusin mo na para lagay ko sa Ebook ko bago ko basahin wahahahahahah
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

ngayon ko lang nabasa ito ah,pagpupuyatan ko ito mamaya aha.
 
Back
Top Bottom