Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[Novel] Umuuga Ang Kama (Complete 1-18)


photo credit to Eijei Meyou​

Chapter 1

"I've been waiting for this for years..."

Umuuga ang kama sa sobrang bilis at lakas ng ritmo ng dalawang magkasintahan. Halos dalawang taon ring hinintay ni Anjo ang pagkakataong ito, ang maramdaman ang pagpapaligaya ng kanyang kasintahan. Mga impit na ungol lamang ang iyong maririnig galing sa magkadikit na labi ng nagmamahalan. Mga hawak at haplos na talaga namang nakakapang-init ng katawan. Napapa-arko pa ang likod ni Arianne sa bawat pagdausdos ng isang bisita. Hawak ni Arianne ang kanyang buhok at gustong sabunutan ang sarili at ang katipan sa nakakabaliw na sensasyon na kanyang nararamdaman. Nalilito rin siya kung sa likod ba nito siya kakapit para lalong magdikit ang kanilang katawan o sa balikat nito upang makontrol niya ang bilis ng paggalaw nito. Talaga namang hindi matatawaran ang sarap na dulot kapag mahal mo ang iyong kapareha. Tirik matang inilabas ni Arianne ang kanyang pinipigilang ungol kasabay ng pagsambit ng pangalan ng kapareha ay siyang pagputok ng daan papuntang langit.

Umuuga uli ang kama sa isa pang umaatikabong bakbakan, ika nga sa boxing, round 2. Hindi mapigil ng dalawa ang kanilang pagniniig kasabay ng paghalik ng dilim ng gabi. Iba't-ibang pwesto ang kanilang ginawa upang masulit ang oras ng ligaya. Hindi magkamayaw sa paghiyaw si Arianne na parang mababaliw, hindi niya malaman kung dahil ba sa hirap o sa sarap na kanyang nararamdaman.

"Umuuga ang kama." sambit ni Arianne nang makaramdam ng paggalaw nito.

"Baka mahina ang pagkakagawa ng kama para sa atin." pagbibiro ni Anjo.

"No. Seriously, umuuga nga."

"Baka naman lumindol lang? Hindi ko man naramdaman eh." sagot naman ni Anjo na halatang pagod sa pagkakahiga nito. Ipinagkibit balikat na lamang nila ang naramdaman. Bagong lipat dito sa bago nilang bahay ang magkasintahan matapos magpropose ni Anjo kay Arianne sa isang restaurant. Inakala niyang simpleng date lamang ito at talaga namang nasorpresa siya. Hindi naman itinatanggi ni Arianne na mahal na mahal niya ang nobyo at ganoon din si Anjo sa kanya kaya nagpaalam na sila sa kanilang magulang na bumukod upang lumagay sa tahimik. Nakapikit na ninamnam ni Arianne ang alaala.

>

"Bakit parang ang ganda naman ng date natin?" tanong pa ni Arianne noong tumigil ang kotse ni Anjo sa isang mamahaling restaurant. Sa labas pa lamang ay puno na ng ilaw at palamuti ang paligid lalo pa pagpasok nila sa loob. Tumutugtog ang violin at piano kasabay ng pintig ng kanilang puso.

Hindi na nahintay pa ni Anjo ang makaupo sila sa kanilang reserved na upuan. Pagsara ng automatic na sliding door ay lumuhod sa harapan niya si Anjo. Akala mo'y magpupunas lang ng sapatos sa una pero doon pala niya tinago sa medyas niya ang regalong singsing. "Arianne Gutierrez, I love you more than a music can touch your heart. I hear the melodies playing and saying, marry me."

Walang masabi si Arianne sa dialog ng nobyo, hindi niya namalayan na pumatak na pala ang luha niya. "Parang hindi bagay ang suot ko sa engrande mong proposal." sabi na lang niya at ngumiting binitin ang sagot sa nobyo.

"Surprise is a surprise. You'll look more beautiful in our wedding day." sagot naman ni Anjo na hindi pa rin tumatayo sa kanyang harapan, hawak ang kamay ni Arianne. Parang nagtataka na ang itsura ni Anjo dahil sa tagal ng sagot ni Arianne.

Bago pa mawala ang ngiti ng nobyo ay sinagot na niya ito. "Yes!" kasabay ng pagsuot ng singsing na tanda ng engagement nila ay ang pagbuhat sa kanya ni Anjo sa sobrang excitement. "Uy! Ibaba mo ako, andaming tao." sabi pa niya at hinampas ng konti ang dibdib ni Anjo.

Ibinaba lang siya nito nang marating nila ang kanilang upuan. "I'm just so happy." sabi nito at kahit hindi niya sabihin ay halata sa mukha niya ang sobrang saya.

"Nahihiya tuloy akong tumingin sa kanila."

"`Wag kang mahiya." sabi ni Anjo at ngumiti. "Everyone!" sigaw nito.

"Huy!" pigil niya pero may ngiti sa mga labi niya.

"I'm going to marry this woman in 4 months! Everyone is invited!" palakpakan ang lahat at itinaas pa ang basong hawak nila bilang toast. Ang iba ay nag-iingay na gamit ang kutsara na mahinang idinidikit sa baso. "They request a kiss."

"Ikaw kasi eh." sabi nito na abot tainga ang ngiti. Unti-unting lumapit ang mukha ni Anjo sa kanya. A sensational kiss was made by loving couples. Dahan-dahang nagdikit ang labi nila at ilang segundo ring magkadikit. Hindi man madiin pero tamang-tama para maramdaman ang pagmamahalan ng dalawa. Nakapikit nilang ninamnam ang mga segundong palitan ng halik at kalauna'y makakasanayan na nila sa kanilang pagtanda.

Rinig ang palakpakan ng mga tao. May ilan ding couples na sumabay rin sa kanilang halikan. Ilang minuto pa'y bumalik na ang lahat sa normal at mind your own business na.

"After 2 months pwede na tayong lumipat sa bago nating bahay. Yung pareho nating ipinundar." umpisa ni Anjo sa usapan.

"Ha? Eh kailangan muna nating sabihin kila Mama at Papa."

"Sinabi ko na sa kanila. We've been 5 years in a relationship and 2 years getting to know each other kaya ok na sa kanila na bumukod tayo." sabi nito at sumubo sa kanyang panghimagas.

"You sure?"

"Honey, hindi ka pa ba nagtitiwala sa akin?" ngiti ni Anjo.

"Hindi naman sa ganoon. Gusto ko rin naman pero-"

"2 months pa Arianne. Pwede mong tanungin ang parents mo at para maging ready ka na rin."

Ngumiti si Arianne. "Thank you. You've been toooooooo patient for me." sabi nito at kinurot sa pisngi si Anjo.

"That's how I love." sagot naman ni Anjo at dinampian ng halik ang nakanguso pang labi ni Arianne.

"Kiss thief!" pabirong sabi ni Arianne. "Hindi ka na nagbago."

"Masarap kasi kapag nakaw ang halik galing sa'yo."

"Baket? Hindi ba masarap kapag nagpaalam?" She gave him a naughty grin.

"Ok you win." ngiti nito na may konti pang pag-iling. "As always."

Napuno ng tawanan at biruan ang gabi. Umapaw naman ang pagmamahalan at kagalakan, hindi nila alam na susubukin ang matibay nilang relasyon.

>

"Round 3?" sambit ni Anjo nang makapagpahinga.

Ngiti lang ang kailangang sagot ni Anjo upang ipagpatuloy ang pagpapaligaya sa kanyang mahal. Pumaibabaw siya rito at dinama ng kanyang kamay ang bawat kurba ng katawan ni Arianne. Lahat ng parte ay kanyang hinalikan mula ulo hanggang hmm... paa. Hindi maawat ang paglilikot ng katawan ni Arianne sa bawat dampi ng labi ng nobyo, hindi siya mapakali at hindi niya alam kung saan ba ibabaling ang ulo.

Sa kanyang pagbaling ng ulo ay parang may naaninag siyang isang anino. Isang imahe ng isang babae na nakatingin kay Arianne. Napapikit siya ng maramdaman muli ang kanyang bisita, pagmulat niya ay wala na ang imaheng nakita niya kanina. Ang anino na kanina'y nakatingin ay nawala na lang. Pinunasan niya ang pawis na humaharang sa kanyang mata para maimulat na niya ang kanyang mata. Pero wala na talaga ang aninong kanina'y nakatitig lang sa kanya. Nawala sa kanyang isipan ang nakita nang maramdaman ang panibagong paputok para sa kanilang bagong buhay magkasama ni Anjo.

"My turn." sabi niya nang umibabaw si Arianne kay Anjo para maging kapanapanabik ang nangyayari. Parang hinete si Arianne ngayon na habol ang hininga sa pagiging wild niya sa kanyang nobyo. Gustung-gusto naman ni Anjo ang nangyayari hawak ang baywang ni Arianne upang kanyang gabayan sa kanilang ritmo. Napakaingay ni Arianne pero nagugustuhan ito ni Anjo, hindi porque maingay sa kama ay matuturn-off na siya. Hindi ang Arianne na wild ang kanyang minahal kundi ang napakabait at positibong tingin nito sa mundo. Sino ba ang hindi mamahalin si Arianne?

Pagod na pagod si Arianne nang maramdaman ang rurok ng tagumpay. Tagumpay sa pagpaparamdam ng pagmamahal niya sa kanyang nobyo. Bagsak ang kanyang katawan sa ibabaw ni Anjo at nakabitin ang kanyang isang kamay sa gilid ng kama. Parang may malamig na bagay ang dumampi sa kamay ni Arianne dahilan upang mapaigtad siya at maghiwalay ang katawan nilang dalawa.]

"May problema ba baby?" takang tanong naman ni Anjo habang nakitang gulat na gulat ang nobya habang hinihimas ang kamay na parang dinampian ng malamig na bagay.

"May... may dumampi sa kamay ko." sagot naman ni Arianne.

"Honey, baka pawis lang natin `yon." sabi ni Anjo sabay ngiti at punas ng kanyang pawis. "Tumatagaktak pa. Para tayong naligo sa ulan." pagpapatuloy niya at niyakap ang takot na nobya.

"Hindi eh. Parang-"

"Hon, c'mon. Wala kang dapat ikatakot." sabi nito at hinalikan ang nobya. Dampi lang ng labi ni Anjo ay nakakaluwag na ng pakiramdam ni Arianne. Hindi na kailangan pang magsalita nito.

"Siguro nga. You'll take care of me `di ba?"

"Yes. 2 months na lang at ikakasal na tayo and I'll take care of you for the rest of my life."

Arianne felt safe. Safe in Anjo's arms. "Let's sleep. Pahinga na tayo, naghahallucinate na siguro ako."

"You almost drained me. You're awesome! Dehydrated na yata ako." ngiti ni Anjo.

Parehong nagpahinga ang dalawa na may ngiti sa mga labi. Pero si Arianne, hawak pa rin ang kanyang kamay. Sigurado siya na may dumampi sa kanyang kamay at pikit mata niya itong kinalimutan.

~itutuloy


Chapter 1, 2, 3 - Page 1
Chapter 4, 5 - Page 2
Chapter 6 - Page 3
Chapter 7 - Page 4
Chapter 8, 9, 10 - Page 5
Chapter 11 - Page 7
Chapter 12 - Page 8
Chapter 13 - Page 10
Chapter 14 - Page 11
Chapter 15 - Page 14
Chapter 16 - Page 15
Chapter 17 & Last Chapter - Page 17


http://acwrites.blogspot.com
 
Last edited:
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

Hahay. Ka2bitin k nman ts. . .
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

demonspade,
basa as in wet? :naughty:

natsu,
pasensya na po.. :D
 
Re: Umuuga Ang Kama 8 (On-going)

habang nagwowork sa office nagbabasa ng ako kwento na 'to :lol:
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

na grin minded ako sa pamagat e . !: ) kea click ko kaagad ^^ hmff horror pala haha !
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

chapter 13
ts wala pa ???
naexcite na ko sa sunod na kabanata...

thanks sa pag share. :)
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

ts ang galing.. next chapter n ts.. hehe
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

SHET! sobrang bitin talaga T^T
galing ng imahinasyon mo IDOL! :salute:
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

waaaaaaaaaahhhh bitiiiinn binasa ko till the end at bittiiiinnn...
:megaphone: update na po.
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

mag-uupdate ako bukas...:D

wala akong pambayad ng internet kaya di ako makapagonline sa pc..:lmao: ipon ipon pa ko para sa globe broadband..:yipee:

sa mga nagreen minded, open minded, nagwowork habang nagbabasa, napadaan lang, nabitin at kasalukuyan pang nakabitin, bukas siguradong mabibitin uli kayo...:rofl:

salamat din sa inyo..sana sabayan natin sa nalalapit na pagtatapos...:hat:
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

mag-uupdate ako bukas...:D

wala akong pambayad ng internet kaya di ako makapagonline sa pc..:lmao: ipon ipon pa ko para sa globe broadband..:yipee:

sa mga nagreen minded, open minded, nagwowork habang nagbabasa, napadaan lang, nabitin at kasalukuyan pang nakabitin, bukas siguradong mabibitin uli kayo...:rofl:

salamat din sa inyo..sana sabayan natin sa nalalapit na pagtatapos...:hat:

:what: magtatapos na?.ambilis haha.grabe dalawang beses ko inulit to kanina ang ganda kasi eh at napapaisip ako sa last update kaya bitin
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

wala na kasing nag-aabang nito sa facebook page na admin ako kaya tatapusin ko na lang pero kumbaga sa anime, aalisin ko na yung mga filler o pampahaba..:lol: ndi naman magbabago ang takbo ng story..:D
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

wala na kasing nag-aabang nito sa facebook page na admin ako kaya tatapusin ko na lang pero kumbaga sa anime, aalisin ko na yung mga filler o pampahaba..:lol: ndi naman magbabago ang takbo ng story..:D

pwede rin aha,may ibang novel ka pa jan?.pashare or pm.na lang sa fb.pagpupuyatan ko ngayon medyo nawala na yung pinagpupuyatan ko at nagbibigay inspirasyon eh. :lol:
 
Re: Umuuga Ang Kama 13 (On-going)

Chapter 13

"Ma'am, wala na raw po siya. May pinapasabi raw sa inyo, bisitahin niyo raw ang bahay niya paggising ni Anjo. Yun lang po." pagkasabi nito ay lumabas na ang nurse sa sobrang takot. "Ano ba itong mga pasyente ko? Ano bang nangyayari sakin ngayon." sabi pa nito pagkasara ng pinto.

Nagkatotoo nga ang hinala ni Benjie, mismong araw na 'yon ay namatay siya. Sila na nga ba ang kasunod? Kung ganoon paano niya iingatan si Anjo habang hindi pa ito nagigising? Tulala pa siya sa pagkabigla sa balitang narinig nang biglang gumalaw ang mga daliri ni Anjo. Hindi pa niya iyon napansin noong una pero nang makarinig siya ng ungol ay natauhan siya bigla. Napatingin siya kay Anjo at kumpirmadong sa kanya nga galing ang ungol.

Lingid sa kaalaman ng lahat, habang natutulog si Anjo ay may sarili siya pakikipagsapalaran sa kanyang buhay. Ang alam ni Anjo ay gising na siya pero parang iba ang lahat. Nasa isang lugar siya na parang hindi pa niya napupuntahan. Isang napakagandang lugar kung saan luntian ang kulay ng damo at ng paligid, sobrang nakakarelax ang tanawin. Hangin na himahaplos sa kanyang pisngi at parang hinahawi ang kanyang buhok sa bawat ihip nito. Saktong init ng araw at mga ulap na nagpapakita sa kanya ng kagandahan ng langit. Ito ang pangarap na mapuntahan ni Anjo, isang preskong lugar upang magrelax.

"Sana nandito si Arianne kasama ko." sabi na lang niya bigla. Napaigtad siya sa pagkakahiga nang maalala si Arianne. "Nasaan na ba ako? Hindi ito ang iniwan kong mundo."

Ilang oras o araw na rin, hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nagrerelax sa lugar na iyon. "Anjo..." boses ni Arianne. "Anjo..." bawat paghangos ni Arianne ay naririnig ni Anjo sa kung saang sa lugar. Pilit niyang hinanap ito, pilit sinundan ang boses ni Arianne. Lakad siya ng lakad, takbo ng takbo pero hindi siya napapalapit sa boses.

Hindi siya nakakaramdam ng pagod. Hindi rin siya nakakaramdam ng gutom o antok kahit na ilang oras na siyang tulog kasama si Arianne pero sa kanyang isip tumatakbo siya ng walang humpay. Malamang kapag sumagad na ang pagod ng kanyang isip ay bibigay na ito kahit na ang kaluluwa niya ay hindi nakakaramdam ng pagod.

Lumingon si Anjo pero hindi na niya makita ang pinanggalingan niya. Ngayon parang nasa isang mundo ulit siya, madilim at masukal na gubat. Inangat niya ang paa niya pero parang napakabigat nito. Maya-maya ay gumalaw ang kanyang tinatapakan at unti-unti siyang nilalamon nito. Isang kumunoy na sa bawat galaw niya ay lalo lamang siyang nababaon papaloob dito. Hindi na niya alam ang gagawin.

Bigla na lamang bumilis ang paglamon sa kanya ng lupa at parang nakaramdam siya ng mabigat na bagay na pumatong sa kanyang ulo.

"Aaaaaaaaahhhh!!!" sigaw ni Anjo at nagpupumiglas ito. Niyakap ni Arianne si Anjo at pilit inililipat ni Arianne ang kanyang lakas dito kahit na alam niyang imposible. Pilit pa rin niyang ipinadarama kay Anjo ang kanyang pag-aalala at ang pagmamahal, parang pinapadalhan niya ng mensahe si Anjo na "Maghihintay ako, basta bumalik ka."

"Aaaaaaaaahhhh!!!" sigaw ni Anjo habang pilit inaabot ang kung anong bagay sa kanyang ulo. Pagkahawak niya rito ay naramdaman niya agad na isa itong paa ng tao.

"Kailangan mo ng mamatay." sabi ng boses. Boses ito ng babae. Gusto niyang tumingala pero hindi niya magawa. Gusto niyang makita ang mukha ng taong pilit siyang dinadala sa kamatayan. Pilit niyang iniisip si Arianne.

"Kailangan kong makabalik kay Arianne." sabi niya at pilit inangat ang kamay na parang may inaabot. Lumubog na ang kanyang katawan at ulo, ngayo'y kamay na lamang ang kita sa kanya mula sa lupa nang may isang kamay ang kumapit sa kanyang kamay at hinila siya palabas.

>

"Anjo... Naririnig mo ba ako?" sunud-sunod ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata habang mabagal ang pagdilat naman ng mga mata ni Anjo. "Sa wakas naman at gising ka na." paghangos ni Arianne. Hindi niya alam kung paano yayakapin ng mahigpit ang nobyo dahil baka muli itong mahimatay.

Ngumiti lang si Anjo, "Hi hon." Sobrang saya niya ngayon, gusto niyang muling maramdaman ang pagmamahal ni Anjo. Ngunit sa ngayon ay kailangan muna nilang mag-usap, wala na silang oras pagyakapan at maglampungan.

"Hon, hindi mo lang alam kung gaano kahirap ang maghintay habang nakikita kang nakahiga diyan na hindi ko alam kung magigising ka pa ba. Sobrang nag-alala ako sa'yo." sabi ni Arianne sa bisig ni Anjo habang patuloy ang pag-ulan ng luha. Hinalikan niya si Anjo at halos maubos ang lahat bagay sa mundo wag lang ang oras na magkasama sila ngayon.

"Hon, hindi mo lang alam kung gaano kahirap ang makita kang wala sa tabi ko at hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako. Sobrang lungkot ang nararamdaman ko." sabi naman ni Anjo saka niya napansin na nakabenda pala ang kanyang kaliwang kamay at paa.

"Si Benjie..." biglang wika ni Arianne at kita sa kanyang mga mata na luluha ito.

"May nangyari ba habang tulog ako?" wika ni Anjo.

"Wala na si Benjie, patay na siya." pagkasabi nito ay tumulo na ang luha niya. "Sabi niya puntahan natin ang bahay niya pag nagising ka na bago man lang siya mamatay."

"Sinabi niya ba iyon?" pagmamadaling sagot ni Anjo.

Tumango lang si Arianne.

"Kailangan makatakas tayo dito. Malaki ang hinala ko na si Benjie ang nagligtas sa'kin at sigurado ako na may importante siyang ipapahiwatig sa'tin sa bahay nila. Hindi masasayang ang pagkamatay mo Benjie, patatahimikin namin si Marielle." sabi ni Anjo.

"Teka, ano bang kinalaman mo kay Marielle?" may konting selos na tanong ni Arianne.

"Saka ko na ipapaliwanag. Kailangan nating gumawa ng paraan." akmang babangon si Anjo.

Pinigilan naman siya ni Arianne. "Ano ka ba? Kagigising mo lang at ngayon gusto mo nanamang ipahamak ang sarili mo? Tapos gusto mong pumayag ako sa plano mo na hindi ko man lang nalalaman?"

"Kapag sinabi ni Benjie, importante lalo na't binuwis niya ang buhay niya para lang masabi sa'yo `yon. Hindi ka ba nagtataka kung bakit sa huling hininga niya `yun ang sinabi niya? Magtiwala ka lang muna. Anong oras na ba?"

Nagulat si Arianne sa oras, "11 pm." napatigil siya habang mabagal na sinasabi ang oras. Naalala niya ang sinabi ni Benjie. Baka sila na ang susunod. Kapag pumalo sa alas-dose ang oras ay bagong araw na kaya maaaring dito na magsisimula ang kanilang pagsubok. Sila na nga ba ang susunod? Kung gano'n wala ng oras.

>

"Ugh!"

"Pasensya na." bulong ni Arianne sa nurse at kunuha ang uniform nito. Nagpalit si Arianne ng damit at hindi maalis ang mga mata ni Anjo dito. "Huy!"

"A-e-hanap mo ako ng wheel chair. `Di ako makakatakas ng ganito."

"Sige akong bahala." sabi niya matapos takpan ng kumot ang nurse.

Wala pang dalawang minuto ay nakabalik na si Arianne na may dalang wheelchair at surgical mask. Pasimple nilang tinahak ang pasilyo patungo sa elevator. Bago pa magsara ito ay nakita nilang dalawa ang babae, si Marielle, mabagal na dumaan sa harap ng elevator at nanlilisik ang mata na nakatingin sa kanila.

~itutuloy


Power of love! :pacute: Ang korni ko na. :lol:
Comment pa kayoooooooo... :more:
 
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

pwede rin aha,may ibang novel ka pa jan?.pashare or pm.na lang sa fb.pagpupuyatan ko ngayon medyo nawala na yung pinagpupuyatan ko at nagbibigay inspirasyon eh. :lol:

may tatlo na akong nobela dito..isang love story, "Everyday in the Rain", at dalawa pang horror, "Girl From Cyber World" , "Noong Bata Ako". meron din akong erotic pero ndi ko na naasikaso :naughty: "Love You Textmate"..

naku.. kung pagpupuyatan mo pabuting magdasal ka muna bago matulog..:D

note:
click at your own risk..:beat:
 
Last edited:
Re: Umuuga Ang Kama 12 (On-going)

may tatlo na akong nobela dito..isang love story, "Everyday in the Rain", at dalawa pang horror, "Girl From Cyber World", "Noong Bata Ako". meron din akong erotic pero ndi ko na naasikaso :naughty: "Love You Textmate"..

naku.. kung pagpupuyatan mo pabuting magdasal ka muna bago matulog..:D

note:
click at your own risk..:beat:

natawa ako bigla sa "click at your own risk"
salamat sa mga link.
Mabalik tayo sa last update, bitin si power of love, mas kaabang-abang yung next chapter nito,
naisip ko tuloy na baka may pagtingin c marielle dati kay anjo or damay-damay lang talaga ang trip ni marielle.
More updates to come :clap:
 
Re: Umuuga Ang Kama 13 (On-going)

ganda talaga ng story. . . update na ulet. . .
 
Re: Umuuga Ang Kama 13 (On-going)

PAKSHET! laging bitin! Update na sir nasa climax na e haha :rofl:
 
Re: Umuuga Ang Kama 13 (On-going)

Update Bosing kaka bitin hehehe
 
Re: Umuuga Ang Kama 13 (On-going)

TS sa wakas ehehee, pero dagdagan mo pa... :clap:
 
Re: Umuuga Ang Kama 13 (On-going)

waaah!!!
ang thrilling!!!
pa update na po!
ehehhe..
while waiting, basahin ko muna ung dalawang horror!
hehehe
 
Back
Top Bottom